Malikhaing Pagsulat

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

MALIKHAING PAGSULAT

MISCHELLE D. MARIANO
MAED WIKA AT PANITIKAN
MALIKHAING PAGSULAT SA IBA’T IBANG ANTAS

ELEMENTARYA
SEKUNDARYA
TERSYARYA
MALIKHAING PAGSULAT

MALIKHAING HILIG
MALIKHAING GAWAIN
MALIKHAING HILIG

Kusang nag-uudyok o nag-uutos sa


sinuman para magtangkang sumulat ayon
sa anumang nasumpungang pansariling
kadahilanan
MALIKHAING GAWAIN
Maingat, maayos at magandang tutuklasin
at bibigyang kahulugan at kabuluhan ang
mga bagay, karanasan o pangyayari na
sinusubukang maihayag para maibahagi ang
sarili at maintindihan ng iba
MALIKHAING GAWAIN
Isang proseso na ang pagsasagawa ay
binubuo ng mga pamamaraan para
mapangyari at mayari itong ayon sa
kahulugang gustong iparating sa
mambabasa
MALIKHAING PAGSULAT

Isang pagtuklas sa kakayahang


pasulat ng sarili tungo sa
epektibong pakikipag-ugnayang
sosyal
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
NG PAGSUSULAT
 Gusto kong ilabas ang galit ko!
 Malungkot ako.
 Para makakuha ng atensyon.
 Nanaginip lang ako. Sinulat ko. ‘Yon na ang umpisa.
 Ewan ko ba parang sakit ko na.
 Para magyabang!
 Requirement e!
KAHALAGAHANG THERAPEUTIC
 Maraming tao ang nagsusulat dahil may kahinaan
silang pansarili na naglilimita sa kanilang kakayahang
pasalita.
 Para mapagaan ang mga dalahing-loob at mapayapa
ang isip, ang mga hindi masabi ay maisisiwalat sa
pagsulat.
KAHALAGAHANG PANSOSYAL
Maraming tao ang nagsusulat dahil may
bagay na naglalayo sa anumang relasyon, at
ang pakikipagrelasyon ay likas sa tao.
Matagalan man itong maihatid, ang
mahalaga’y maiparating ang sasabihin.
KAHALAGAHANG PANSOSYAL

 Ang mga taong may kamalayang-sosyal, ang


mga nakararanas ng kamalian sa lipunan,
katiwalian sa gobyerno, kawalang katiyakan sa
buhay ay maisisiwalat at malulunasan sa
kapangyarihan ng sandatang panulat.
KAHALAGAHANG PANG-EKONOMIYA

 Maraming tao ang nagsusulat dahil talagang


hilig. Kumukuha ng kursong Journalism o
Literatura at pag nakatapos, hanapbuhay na ang
pagsusulat. Trabaho itong pinagkakakitaan kaya
mahalagang maisulat ang mga karanasan.
KAHALAGAHANG PANGKASAYSAYAN

 Upang mapreserba ang mga karunungan ng


pana-panahon, ang pagsulat ng mga ito’y
testamento’t dokumentong maipamamana sa
mga salinlahi.
ANG PROSESO NG PAGSULAT
TATLONG YUGTO NG PAGSULAT
DALAWANG DIREKSYON NG PAGSULAT:

1.Para tuklasin sa sarili ang kakayahang


makapagpahayag ng mga ideya na ito’y hindi
lamang trabahong mekanikal na basta agarang
lalabas ang alam pag gustong sabihin anumang
oras.
DALAWANG DIREKSYON NG PAGSULAT:

2.Para makabuo ng sulating naaayon sa


tamang pagkakasunud-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan.
MGA YUGTO NG PAGSULAT
UNANG YUGTO: PAGHAHANDA NG SULATIN

 Isinasaisip at pinaplano ang susulatin sa gayon


makapangalap ng mga impormasyong may
kinalaman sa nabuong ideyang susulatin.
1. PUMILI NG PAKSA
 Magtala ng marami. Magagawa ito nang mag-isa o may
kasama.
 Huwag intindihin kung ang paksa ay kakatwa o hindi
angkop. Hayaan lang ang sarili.
 Sa mga nakalista, pumili ng isa o dalawa na nakatatawag-
pansin at posibleng sulatin.
1. PUMILI NG PAKSA
 Isulat ang napiling paksa sa itaas ng susulatang papel.
 Simulang magtala.
 Isaalang-alang ang sumusunod:
 Haba ng susulatin
 Panahong gugugulin
 Kitiran o lawakan ayon sa tinatayang sukat.
 Itala ang nadisisyunang paksa.
2. TUKUYIN ANG TIYAK NA LAYUNIN
 Ang layunin ng pagsulat ay para makapagpahayag ng
kaisipan at damdamin sa mambabasa.
 Magkukwento ka ba ng sariling karanasan?
 Maglalarawan ka ba ng isang tauhan?
 Pangangatwiranan mo ba ang isang isyu?
 O maglalahad lang ng impormasyon?
2. TUKUYIN ANG TIYAK NA LAYUNIN
 Sa pagtukoy ng layunin, isaalang-alang ang iyong
mambabasa o mga tagatanggap ng impormasyon.
 Pamilyar ba sa piniling paksa ang mambabasa?
 Gaano ang kakailanganing kaligirang ibibigay?
 Ano ang kagigiliwan ng mambabasa?
PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG MGA KAISIPAN
 Maraming mapagkukunan ng maisusulat – sa pagbabasa,
pagmamasid, panonood, pakikinig, pakikipag-usap, o sariling
karanasan. Magtalang mabuti nang tiyak, nang tama.
 Ikategorya ang mga detalye ayon sa makahulugang
pamamaraan.
 Maging orihinal. Tumuklas ng pansariling pamamaraan kung
paano lalabas na kaakit-akit/kawili-wili ang epekto sa
mambabasa.
IKALAWANG YUGTO: PAGSULAT NG BURADOR

 Hindi madaling mag-umpisa ng susulatin. Sa biglang


mauudlot na parang may bumabara sa bukana ng
utak kaya mabagal ang pagbukal sa mga salita, o di
kaya’y sadyang wala. Ito ang karaniwang
nasusumpungan ng karamihan sa pagsisimula kaya
nahahalinhan ng pagkainis ang kawalang masabi sa
naghihintay na blangkong papel.
PAMAMARAAN SA PAGPAPALABAS NG IDEYA

1.PAGTATALA – Paglilista ito ng mga kaisipan sa


pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, o pagsisipi.
Isa itong pagbabalangkas ng iniisip. Karaniwang
ginagamit ang pahalang at pababang paglilista ngunit
maaari ring pabilog, papangkat, palihis o pahugis-
puno.
PAMAMARAAN SA PAGPAPALABAS NG IDEYA

2. PALITANG – KURO. Grupo ang karaniwang gumagawa.


Mag-uumpok sa isang lugar at malawak na titingnan ang
paksa sa iba’t ibang anggulo. Ang potensyal na opinion ay
bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga
hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin.
PAMAMARAAN SA PAGPAPALABAS NG IDEYA

3. MALAYANG PAGSULAT – Kung ano ang basta lumabas


na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag maging mapanghatol,
huwag magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy ang
isipan nang walang anumang pagkontrol upang maging
ang mga di-inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw.
PAMAMARAAN SA PAGPAPALABAS NG IDEYA

4. PAMAMARAANG TANONG-SAGOT – Tinatanong ang


sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang
impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga
ito’y pinagsusunud-sunod at pinag-uugnay-ugnay.
Napalalalim ang pag-unawa at nakapagbibigay ng mga
kawili-wiling kaisipang maisusulat.
DALAWANG URI:

a. Pamamaraang Dyurnalismo – Sino? Ano? Kailan?


Saan? Bakit? Paano? Ang mga katanungan ito ang
lumilikha ng mahahalagang nilalaman. Nagsisilbing
pambukas-isip tungo sa mas marami pang maaaring
maisip.
DALAWANG URI:

b. Pamamaraang Pagkukubong (Cubing) – Isinasaalang-alang


dito ang iba’t ibang perspektibo o anggulo ng pagtingin sa
paksa. May anim na perspektibo:
1. Paglalarawan 4. Pagsusuri
2. Paghahalintulad 5. Paglalapat
3. Pag-aasosasyon 6. Pagmamatwid
MAHAHALAGANG BAHAGI
NG ISANG SULATIN
ANG PANIMULA
 Pinakamukha ng isang sulatin. Dito hinahatulan kung
magtatagumpay o mabibigo ang isang katha.
 Kailangang ito ay nakakapukaw, nakakaganyak,
nakakahatak na ng kuryusidad para tuluyang titigan,
tunghayan hanggang sa ang malay ay matangay nang
buong kasabikan.
1. PASAKLAW NA PAHAYAG

 Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi


bago isa-isahin at pagsunud-sunurin ang mga
detalye mula sa di-gaanong mahalaga hanggang
sa pinakamahalaga. Karaniwang nababasa sa
mga pamatnubay ng balita.
PASAKLAW NA PAHAYAG
Tuluyan nang nalusaw sa kategoryang low pressure
area (LPA) ang minomonitor ng Philippine
Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration o PAGASA na papalapit sa
Philippine Area of Responsibility (PAR) pero
mayroon na namang isa pang LPA na namonitor
bagama’t masyado pa itong malayo sa bansa. (Abante, July
24, 2014)
2. PAGBUBUOD

 Naghahayag muna ng pinakadiwa bago


tuntunin ang sadyang talakay.
PAGBUBUOD

a. Kahibangan na ngang matatawag ang


pagmamatwid sa pananatili pa ng mga base military
ng mga Amerikano dito… (Philippine Collegian)
b. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa pasipagan ng
bawat mamamayan.
3. PAGTATANONG
a. Mahina ba ang disiplina o talagang walang
disiplina ang mga Pilipino? Katanungan itong base sa
pagmamasid sa trapiko…
b. Kung huling araw mo na ngayon dito sa mundo,
ano ang gagawin mo?
4. TUWIRANG SABI
 Karaniwang nakapanipi dahil mula ito sa tapat na
pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog,
dalubhasa, awtoridad at maaari rin namang
karaniwang tao lamang ngunit nagsabi ng
mahalagang bagay na maaaring maging lundayan sa
pinapaksa.
TUWIRANG SABI

Isang sundalo ng Timugang Vietnam ang nagpahayag


kamakailan na: Kung mamamatay ako’y tiyak na
mapupunta ako sa langit, sapagkat tulad ng impiyerno
ang buong buhay ko rito sa lupa. (Gemiliano Pineda,
Impiyerno sa Lupa)
5. PANLAHAT NA PAHAYAG

 Nagtataglay ng kahalagahang unibersal na


maaaring hanguin sa mga salawikain, kawikaan
at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw
na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
PANLAHAT NA PAHAYAG

Walang pangalawang glorya, karaniwa’y


pangalawang dusa. Dito ibinase ng isang biyuda
ang naging karanasan niya sa pag-aasawang muli.
6. PAGLALARAWAN

Ginagamit kapag nagtatampok ng tao.


Sapagkat nagbibigay deskripsyon, mga
malarawan at maaksyong salita ang
ginagamit.
PAGLALARAWAN
Lagi siyang nakaupong mag-isa sa sulok.
Malayo ang tingin. Pinagmamasdan ang kawalan.
Nangungunot ang noo, ngumingiwi-ngiwi. Maya’t
maya’y ngingiti. Dahilan upang tawaging baliw ng
ilan. Iyan si Jing-Jing.
7. PAGKAKALIGIRAN

Ito naman ang ginagamit kung ang


binibigyang-larawan ay pook.
PANGKAKALIGIRAN
Ang dilim ay tila kumot na bumabalot sa paligid.
Humahampas ang mga sanga’t tangkay kasabay ng
hagupit ng umuungol na hangin. Humahagulgol ang
kalangitan at binabaha ang kanina’y tuyong
lansangan. Nangaripas ang mga sasakyang
nangangati nang makarating sa kani-kanyang
tahanan.
8. PAGSUSUMBI

 Bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na


karaniwan nang binubuo ng iisang salita.
Masurpresa itong parang suntok kung tumimo
sa kuryusidad ng bumabasa.
PAGSUSUMBI

Luha!
Salitang may apat na titik lamang datapwat
naglalaman ng isang libo’t isang kahulugan.
(Alejandro, 1948)
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! 

You might also like