Babasahin Sa Wika at Panitikan
Babasahin Sa Wika at Panitikan
Babasahin Sa Wika at Panitikan
Semestreng
Pagsusulit Mga Babasahin Tungkol sa Wika at Panitikan
Panuto: Basahin ang mga ibinigay na artikulo tungkol sa wika at panitikan. Deadline: Ika-10 ng Oktubre, 2020
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ilagay sa kahon ang sagot. 05:00PM
1. Ilista ang pamagat ng mga binasang pag-aaral o pagsusuri tungkol sa wika at panitikan. (10
puntos)
Artikulo 1 Panitikan. Para sa mga Lola: Ang Comfort Women sa Panitikang Filipino
Artikulo 2 Wika. Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa
2. Sino-sino ang nagsagawa ng pag-aaral o pagsusuri? Ibigay ang mga pangalan. (10
puntos)
3. Ibigay ang buod ng pag-aaral o pagsusuri (maximum 200 salita). (10 puntos)
Wikang Filipino ang makapangyarihang wika sa Pilipinas bilang Wikang Pambansa. Napagtuonan
ang sinabi ni Beinvenido Lumbera na “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin
ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din dito.”Sa pahayag na ito ay binigyang diin kung paano naging hininga ang pagtuturin
sa wika lalo na sa sariling wika. Maraming mga isyu ang buhay na buhay na nagpapahina sa wikang
pambansa. Isa dito kung usapin lang ay karunungan maraming nag-aakala na mahina ang mga
Pilipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita
ng mataas na Ingles. Ang napakaraming isyu tungkol sa wika at edukasyon sa Pilipinas nilakip din
sa papel na ito ang pananaw ni Umberto Eco sa kanyang sanaysay na “Language, Power, Force” na
nagsasaad “We must not be amazed then to hear people say that the given language is power…
1
Hating Filipino 65: Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan Guro: Amroding Tauter Baraiman
Semestreng
Pagsusulit Mga Babasahin Tungkol sa Wika at Panitikan
Panuto: Basahin ang mga ibinigay na artikulo tungkol sa wika at panitikan. Deadline: Ika-10 ng Oktubre, 2020
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ilagay sa kahon ang sagot. 05:00PM
because outside the given language there is nothing.” Ang tatag ng Filipino bilang wika ng mga
Pilipino, likas at magkakaisa at tigilan ang kolonyal na pag-iisip sa pag-unlad ng karunungan nating
mga Pilipino.
Maraming kaalaman ang naiibigay ng pag-aaral na ito sa aking pagbabasa dahil binigyang diin kung
bakit nararapat nating pahalagahan ang ating sariling wika dahil mas angkop at makapangyarihan
ang wikang Filipino sa Pilipinas. Nais kong malaman sa pag-aaral na ito kung bakit mas nakatuon
ang karamihan sa pag-aaral ng dayuhang wika kung ang wikang Filipino naman ang pangunahing
wika ng ating bansa. Paano kaya malulutasan ang mga balakid na nagpapahina sa ating wikang
pambansa? Dahil paulit-ulit na lamang ang mga isyung ipinupukol na mahina ang pagkikilala ng
mga Pilipino sa ating sariling wika. Idagdag ko pang gustong malaman kung bakit hindi magagawa
ng Departamento ng Edukasyon na gawing pangunahing wika ang Wikang Filipino bilang wikang
panlahat at wikang panturo.
2
Hating Filipino 65: Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan Guro: Amroding Tauter Baraiman
Semestreng
Pagsusulit Mga Babasahin Tungkol sa Wika at Panitikan
Panuto: Basahin ang mga ibinigay na artikulo tungkol sa wika at panitikan. Deadline: Ika-10 ng Oktubre, 2020
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ilagay sa kahon ang sagot. 05:00PM
Sa pag-aaral din na nilathala nina Feorillio Petronillo A. Demetrio III at Joshua Mariz B. Felicilda
na “Ang Ugnayan ng Wika Pananaliksik at Internasyonalismong Akademiko”. hinahangad ng
kanilang papel na maipakita ang malaking naiiambag ng Wikang Filipino sa pagpapanayam ng
kultura ng pananaliksik sa loob ng mga institusyong Pilipino sa mataas na edukasyon, na sa
kalaunan mag-aangat sa kanilang katayuan sa ilang Asyano at pandaigdigang ranking ng mga
pamantasan. Na nagpapakita ng pagpapahalaga lalo na sa likas ng ating wikang pambansa ang
Wikang Filipino na may kakayahang gamitin ito sa ibat-ibang larang sa pag-aaral at hindi
makatarungang isantabi lang ang ating wikang pambansa.
Pangunahing ideya sa pag-aaral na ito tungkol kahalagahan ng ating wikang pambansa na kung saan
ang Wikang Filipino ay isang makapangyarihang wika ng Pilipinas. Ang katatagan ng wikang
Filipino ay patuloy na panatilihin dahil ito ang siyang likas ng ating Pagka-Pilipino dahil ito ang
nagbubunsod sa ating identidad at pakaka-isa bilang isang mamayang Pilipino. Naging
pamamaraaan din ng may-akda ang paglikom ng mga kaugnay na literatura at ang mga sikat na
manunulat na nakapagsulat na tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino sa ating bansa na
naihanay ng maayos na siyang naging lakas ng kanyang pag-aaral.
Ang target na output sa pag-aaral na ito ay upang maipakita o maipahayag ang sitwasyon ng wika
at edukasyon sa Pilipinas. Sa kabila ng pagpapatatag at malawakang paggamit ng wikang Filipino
marami paring mga isyu hanggang sa kasalukuyan ang siyang naging balakid at nagpapahina sa
ating wikang pambansa. Huwag lang sana itong maging wangwang at ito ay maipatupad para sa
pagpapaunlad ng ating wika. Isang pag-aaral na makabuluhan sa ating mga Pilipino sa pagpapa-
alala na dapat magka-isa at tanggalin ang isang kolonyal na pag-iisip na nagpapabagal sa pag-unlad
ng identidad at karunungan nating mga Pilipino.
8. Ilarawan kung ano ang hangarin ng pag-aaral o pagsusuri – ano ang kabuluhan nito o kung
paano ito makatutulong; ano ang ambag nito na bagong kaalaman o kaya’y ambag sa wika
at panitikan ng
Pilipinas? (30 puntos)
Aritikulo 1: Para sa mga lola: Ang Comfort Women sa Panitikang Filipino.
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay pagbuhay muli sa Panitikang Comfort Women sa Panitikang
Filipino. Sa pagmulat sa ng mga pangyayaring bumabalot sa Pilipinas, parehong pakikiisa ang
kailangan ng mga lolang comfort women sa kabila ng karahasan at pagkamit ng demokrasya sa
bayan. Nakakatulong ang pag-aaral na ito bilang isang mamamayang Pilipino upang mapanatiling
malaman ang mga kasaysayang ng ating bansa at sa Panitikang Filipino.
Ang hangarin sa pag-aaral na ito ay upang mabigyang muwang ang bawat isa sa pagpapahalaga ng
Wikang Filipino at isa din dito ang nabigyang diin ang pananaw ni Umberto Eco sa kanyang
sanaysay ang “Language, Power, Force” na nagsasaad “We must not be amazed then to hear people
say that the given language is power… because outside the given language there is nothing.” At
nagbibigay punto ito sa pag-aaral bilang hangarin na paunlarin ang ating modernong wikang
magagamit sa mabisang kasangkapan sa kabuuang pambansa. Nakakatulong ang pag-aaral na ito
bilang tayo ay magkakaisa at nagbibigay ito ng kaalaman na ang Wikang Filipino ay isang
makabuluhan aspekto sa paggamit lalo na sa panitikang Filipino. Higit na dapat tayong maging
malakas bilang mga Pilipino na panatilihin ang pagiging matatag sa ating sariling wika gaya sa
idiniin ni Lumbera “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin nariyan ito.”