Filipino Report
Filipino Report
Filipino Report
TALATA AYON SA
PAGPAPAHAYAG
Ulat ni: JERICHO Z. TROPA
1.Talatang Naglalahad
2. Talatang Naglalarawan
3. Talatang Nagsasalaysay
4.Talatang Nangangatwiran
TALATANG NAGLALAHAD
Nagbibigay-turing o paliwanag sa isang
kaisipan nang walang kinikilingan.
May layuning ipaunawa ang diwang nais
ilahad sa isang malinaw na pamamaraan.
TALATANG
NAGLALARAWAN
Naglalayong bumuo ng isang larawan, anyo o
senaryo sa isipan ng mga mambabasa.
Isinasaalang-alang sa talatang ito ang layon,
perspektivo at mga katangiang taglay ng
kabuuang anyong nais ipabatid, nakikita man o
hindi, makatotohanan man o hindi.
TALATANG
NAGSASALAYSAY
Nagsasaad ng kaugnayan ng mga pangyayaring
maaring totoo o likhang isip lamang.
Layunin nitong makapagbigay ng kwentong
nakaugat sa sariling karanasan, nakita, narinig,
nabasa o napanood sa malinaw at kawili-wiling
pamamaraan.
Talatang
nangangatwiran
May layuning makapagbigay-katwiran
at katuturan hingil sa isang paksa.
Naglalayong manghikayat o magbigay
patotoo sa mga bagay o pangyayaring
alam at kilala na.
1.Panimulang Talata
2.Talatang Ganap
3.Talatang Naglilipat-Diwa
4.Talatang Naglalagom
Panimulang Talata
Tumatawag ng pansin sa mga bumabasa.
Ipinahihiwatig ang paksa o nilalaman ng talata.
Humihikayat upang patuloy na basahin ang
talata.
TALATANG GANAP
Nagpapaunlad o nagsusulong sa pangunahing
diwang nais mabatid tungkol sa paksa.
TALATANG NAGLILIPAT-DIWA
Naguugnay, nagdaragdag o nagsasalungat ng
mga talata.
Gumagamit ng mga kataga o salita katulad ng:
at, gayundin, ngunit, subalit, katulad, kagaya,
kaya, sa wakas, kung, kapag, sapagkat,
samakatwid, habang, samantala at iba pa.
TALATANG NAGBUBUOD O
NAGLALAGOM
Nagsisilbing pangwakas na talata.
Binubuod sa talatang ito ang mahaahalagang
kaisipan o pahayag na inilahad ng mga naunang
talata.
Talatang nagbibigay ng linaw sa mensaheng
nais iparating.