Karagdagang Kaalaman Konfili

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KARAGDAGANG KAALAMAN:

Sulyap sa Ebolusyon ng Wika


 1935 – Sa saligang batas ng Pilipinas, nagtadhana tungkol sa wikang
pambansa”….ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatiba
y ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika”
(Seksyon 3,Artikulo XIV)
 1936 – pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt blg 184
na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa

Surian ng Wikang Pambansa
   layuning pumili sa mga ito ng gagamiting batayan sa pambansang wika ng Pilipinas
Dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayan ng Wikang Pambansa
   1.Maraming nagsasalita ng Tagalog

2. Hindi nahahati sa iba pang wikain


3. May mayamang panitikan
4. Tagalog na wikang ginagamit sa Maynila
5. Tagalog ang wikang ginamit sa himagsikan at ng Katipunan
 Dis 30, 1937 – ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
batay sa Tagalog
 Abr. 1, 1940 – binigyang pagpapahintulot ang paglikha ng diksyonaryong Tagalog-
Ingles at Gramatika ng Wikang Pambansa kay Lope K. Santos
 Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg 570 na nagproklama na ang
Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang opisyal na
wika.
 Marso 26, 1954 –pagdiriwang ng Wikang Pambansa mula Marso 29 – Abril 4 taun-taon
- tampok ang kapanganakan ni Balagtas (abril 2)
Set. 23,1955 – inilipat ni Pang. Magsaysay ang pagdiriwang sa Agosto 13-19
 Agosto 13, 1959 –Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na inilabas ng Kagawaran ng
Edukasyon-Tatawaging PILIPINO ang wikang pambansa
1973 – nagkaroon ng Constitutional Convention
Nakasaad sa Konstitusyon ng 1973 ang pagbabago sa pagtawag sa wikang pambansa
 1974-  itinadhana ang panuntunan sa pagpapatupad
ng edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong pampaaralan 1974-
1975.
1974- 1984 – ipinatupad ang patakarang bilinggwal
 1987 – Artikulo XIV Seksyon 6-9 , ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng
Pilipinas ay FILIPINO.
  Sek 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
 Agosto 26,1996 – sinusugan ang batayang deskripsyon ng Filipino
“ Ang Filipino
ang katutubong wika  na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon n
g mga etnikong grupo.Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga
di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t-ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon,
sa mga nagsasalita nito na may iba’t-ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag”
 1987 -  ipinalabas ang Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987
kung  saan isinasaad na gagamitin sa mabisang komunikasyon sa paaralan ang wikang  F
ilipino at Ingles
- Sa taon ding ito inilabas ang alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino
 1997 -  Proklamasyon blg 1041 - nagtatakda sa buong buwan ng Agosto bilang
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
2001-  Rebisyon ng Ortograpiyang Filipino
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino- istandardisasyon  at intelektwalisasyon ng
Wikang Filipino
Ang Modelo ng Communicativ Competence o Kahusayang Pangkomunikatibo ni Dell
Hymes
       Ayon kay Brown (1987, binanggit ni Baronda,2016), "ang kahusayang pangkomunikatibo o
ang communicative competence ay tumutukoy sa kakayanan at kaalaman ng sinumang
gumagamit ng wika na nakatutulong  na makapagpahayag at makapagbigay kahulugan sa mga
mensahe upang makipagdiskurso nang mahusay at angkop sa iba’t ibang konteksto o sitwasyon.
Ang wika ay mahalaga sa pagsasagawa ng diskurso  sa pagitan ng mga tao sa maraming uri ng
pagkakataon. Ang kaalaman sa wika ayon sa kaisipang ito ay  hindi lamang limitado sa tamang
gamit ng estruktura ngunit tinitingnanna nito ang kahalagahan na matukoy kung kalian, saaan at
paano gagamitin ang wika na angkop sa pangangailangan ng anumang pagkakataon o sitwasyon"
(p.43).
     Ayon kina Canale at Swain (1983 binanggit ni Baronda,2016),  mayroong apat na
pamantayan para sa kahusayang pangkomunikatibo.

1. Grammatical/ Linguistic Competence o kakayang panglinggwistika


2. Sociolinguistic Competence o kakayahang pangsosyo-linggwistika
3. Discourse Competence o kakayahang pandiskurso
4. Strategic Competence o kakayahang pang-estratehiya

 Grammatical/ Linguistic Competence o kakayang panglinggwistika

Saklaw ang pag-alam sa koda ng wika gaya ng talasalitaan, pagbuo ng salita at kahulugan,
pagbuo ng mga pangungusap, pagbigkas, at pagbaybay o ortograpiya. Nakatuon sa mga
kahingian ng isang mahusay at tamang pagsasalita.

 Sociolinguistic Competence o kakayahang pangsosyo-linggwistika

Pagtukoy kung paano gagamitin at uunawain ang wika sa iba’t ibang konteksto na  isinasaisip
ang mga salik gaya ng katayuan ng mga kasangkot, layunin ng diskurso, at mga pamantayan ng
ugnayan. Ang kaangkupan ng pahayag at mensahe ay saklaw ang estruktura at kahulugan.

 Discourse Competence o kakayahang pandiskurso

Tumutukoy sa pag-uugnay ng mga element para bumuo ng mga pahayag na maaring nasa
anyong pasalita o pasulat na may kaisahan sa diwa.

 Strategic Competence o kakayahang pang-estratehiya

Kakayahang magamit at manipulahin ang wika upang makamit ang layuning komunikatibo
Pumapasok sa aspektong ito ang  paggamit ng berbal at di berbal na simbolo
Ginagamit ang mga ito upang mapigilan at masolusyonan ang anumang tendensiya ng  bigong
komunikasyon.
Mga Salik sa Mabisang Pakikipagtalastasan
Si Dell Hymes ay naglahad ng ilang salik o  konsiderasyon  na dapat bigyang pansin upang
mailunsad  nang matagumpay at mabisa ang anumang gawaing pangkomunikasyon. Ayon sa
kanya, mahalaga ang maayos na paggamit ng wika  upang maging maisagawa nang mabisa ang
layunin ng komunikasyon. Ang mga mungkahi ni Dell ay may akronim na S.P.E.A.K.I.N.G.
1. S-etting (lunan ng usapan)

 Tumutukoy sa lugar o sitwasyon o scene ng pinangyayarihan ng gawaing


pangkomunikasyon
 Ang paraan ng pakikipagtalastasan ay naiiba batay sa lugar
 Sa pagbabago ng lugar, dapat iangkp ang pamamaraan sa paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan

2. P-artisipant (sangkot sa usapan)

 Sinumang maarin maging bahagi ng gawaing pangkomunikasyon


 Isinasaalang-alang ang edad, kasarian, kalagayan o antas  ng taong kausap dahil gabay ito
sa akmang pakikitungo 

3. E-nds (Layunin ng usapan)

 Layunin ang siyang nagtutulak sa tao upang magsagawa ng interaksyon sa pamamagitan


ng komunikasyon
 Ang mga mensahen inihahayag ay  kumakatawan sa layuning nais maisakatuparan

4. A-ct Sequence (daloy ng pag-uusap)

 Mga pagbabago sa takbo ng usapan


 Paraan kung paano nagsimula at natapos ang komunikasyon o usapan

5. K-eys (ants ng usapan)

 tumutukoy sa sitwasyon o konteksto ng komunikasyon


 Naiiba ang salitang ginagamit ayon sa antas ng usapan (i.e. panayam sa isang
empleyadong naghahanap ng trabaho vs.  usapan ng magkakaibigan sa kantina)

6. I-nstumentalities (daluyan o gamit na midyum sa pakikipag-usap

 Dapat na matukoy ang angkop na daluyan na gagamitin sa mabisang pagpapadala ng


mensahen
 Ang bawat konteksto ay may angkop na daluyang dapat gamitin
7. N-orms (paksa ng usapan)

 Kaangkupan ng tinatalakay na paksa sa klase ng kasangkot

8. G-enre (uri o anyo ng teksto)

 Tumutukoy sa kaanyuan o uri ng teksto na ginamit ng kausap na siyang gabay sa kung


paano o ano  ang angkop na genre ang dapat na gamitin sa ibibigay na tugon
 Dapat malaman kung nagtatanong, nakikipagtalo o naglalarawan ba ang uri ng teksto o
mensahe na inihahayag nang makatugon nang angkop sa mga ito

You might also like