Module 3 (Filipino 8)

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 436

Mga Gabay na Tanong:

6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang


larong duplo sa mga lamay sa patay sa
kasalukuyan? Bakit?

5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting


epekto ng dupluhan?

4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka


ang bawat isa?

3. Paano nilalaro ang duplo?

2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?

1. Tungkol saan ang binasang duplo?

Batay sa mga impormasyong iyong binasa, magiging daan ito upang


maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga
akdang pampanitikan.

1
GAWAIN 1.2.1.d : SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA

Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at


duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga
elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel.

KARAGATAN Mga Elemento DUPLO

Paksa

Mga Tauhan

Hakbang ng
Pagsasagawa

Palitan ng
Pangangatuwiran
Hatol

PAGKAKATULAD
1. Paksa: ___________________________________________________
2. Mga Tauhan: ______________________________________________
3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________
4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________
5. Hatol: ____________________________________________________

2
Mga Gabay na Tanong:

1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga


Pilipino batay sa sumusunod:

pagbibigay-parangal sa namatay

pag-aliw sa namatayan

pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw

paraan ng pagpapahayag

paggamit ng mga salita

Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga


tiyak na katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan
na lumaganap sa Panahon ng Español at naging instrumento ng
pagpapahayag ng pananaw, damdamin at saloobin ng mga Pilipino sa
panahong iyon.

3
GAWAIN 1.2.1.e: PAGPAPAHAYAG…SARILING REPLEKSIYON

Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining


sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na
bibigyang pansin ng susunod na gawain.

Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong


panig?

SITWASYON SARILING PANIG

1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na


ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap
mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap.
Ngayong ikaw ay nasa hayskul na
pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na
kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa
kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay
pagiging guro?

2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong


paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa
Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong
mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan
ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay
lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang
pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong
sasabihin sa kanila?

3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa


Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon

4
ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa
kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang
makahulugang tingin ng iyong mga kaklase.
Paano mo ipahahayag ang iyong panig?

4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong


kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo
siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang
panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa
kaniya?

5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para


sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa
guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong
hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong
paghanga?

Ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na


manatiling maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga
ng paggamit ng angkop na salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng
iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng
sariling pagkatao.

Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging


katanggap-tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na
talakayan.

GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG…


ISAALANG-ALANG

PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG

Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay


Ugnay-Wika
pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng

wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na

impormasyon.

1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:

5
a.paksa ng usapan

b.taong sangkot sa usapan

c.lugar

2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na

nagpapahiwatig lamang.

3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais

ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita

at kinakausap.

Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa

tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay

naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.

Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:

1. patay sumakabilang buhay

2.nadudumi tawag ng kalikasan

3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay

4. katulong kasambahay

Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang


iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning
hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng
magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan
ang mga ito ng eupemismo.

4. sugarol
3. tsimay
2. maarte

5.
mayabang
1.
pakialamero

6
Natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa araling ito. Handa ka
na sa mga gawaing tutulong sa iyo na palalimin pa ang iyong kaalaman. Sa
bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang mga gawaing inihanda ay naglalayong
pagtibayin ang mga nabuong pag-unawa at kasanayan. Marahil, unti-unti mo
nang nakita ang bakas ng nakaraan, ang naging paraan ng mga Pilipino sa
kanilang pagpapahayag noon at ang paraan naman ng pagpapahayag sa
kasalukuyan. Pareho itong nagpapakita ng bahagi ng kulturang Pilipino.

GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN

Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng


kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod
na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala.
Gawing gabay ang kasunod na mga saknong.

Ang pagtatalo ay isang laro ng isipan


Walang sakitan ng katawan pati ng kalooban
Ingatan ang salitang bibigkasin at bibitawan
Dahil ang totoo’y paksa lang ang pagtatalunan.

Subuking sagutin ang isyu ngayon


Ako ay nasa panig ng pagsang-ayon
Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayon
Pagkakaiba ng mga pananaw sa mundo’y
nagpapayabong.

PAKSA
Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang
sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng
maraming anak/kabataan.

7
SANG-AYON SALUNGAT

Sa pagkakataong ito, sinikap mong makapagpahayag nang may sining


sa isang paksa. Tulad ng karagatan at duplo, sinikap mong humabi ng mga
taludturan na ginamitan ng mga salitang higit na nakabubuti kaysa
nakapananakit. Mahusay na napagsama-sama mo ang iyong kaalaman sa
tula, paraan ng pagpapahayag at paggamit ng magagandang pahayag.

GAWAIN 1.2.1.h: BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN

Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang


tinalakay.

 Ang karagatan at duplo ay mga

_________________________________

 Ito ay nagpapakita ng

_________________________________________

 Makikita sa kulturang Pilipino ang

_______________________________

 Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang

___________________

 Maaaring magkaroon ng pagtatalong

_____________________________

 Sa kasalukuyan, ito’y yamang

___________________________________

8
Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari
nang sumubok sa pangwakas na gawain.

GAWAIN 1.2.1i : NAIIBANG FLIPTOP

Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong


komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang
iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat.

Mga Napansing Negatibong


Mga Napansing Positibong Mensahe
Mensahe at Paraan ng Paggamit
at Paraan ng Paggamit ng Wika
ng Wika
1. 1.

FLIPTOP
2. 2.

3. 3.

Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang


pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang
napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig
na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng
magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga
tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang
hiyawan at palakpakan.

Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong


komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw
ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala.
Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa
entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod:

Pamantayan Bahagdan

1. kabuluhan ng paksa 25

2. kalinawan ng paninindigan 20
3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong
25
pahayag

9
4. wastong gamit ng mga salita 15

5. ideya ng pagtatalo 15

KABUUAN 100

Ngayon ay napagtagumpayan mo ang mga gawain sa paksang


karagatan at duplo. Alam kong handa ka na para pag-aralan ang susunod na
akda na kinilala sa Panahon ng Español – ang tula.

Aralin 1.2.2: TULA


Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa
panahon ng pananakop ng mga Espaῆol. Ito ang “Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Tatalakayin natin ang
nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga anyo ng
panitikang Pilipino. Pag-aaralan mo rin ang mga pandiwang magagamit
upang higit na maipadama ang ating emosyon o damdamin. Magiging tulong
ang kasunod na tanong.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni
Andres Bonifacio ang tula?
2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang emosyon o damdamin
sa kaniyang isinulat na tula?
3. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong upang mabisang maiparating ng
may- akda sa mga mambabasa ang kaniyang emosyon o damdamin?

Bago natin simulan ang pag-aaral, sagutin mo muna ang mga gabay na
tanong batay sa iyong nalalaman. Dugtungan ang kasunod na pahayag.

Mabisang naipahayag ni Andres Bonifacio ang kaniyang


damdamin sa pamamagitan ng
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
________________________

10
Magkasama nating aalamin kung tama ang sagot sa pamamagitan ng
pag-aaral at pagsasagawa ng mga gawain sa araling ito. Ang lahat ng iyong
matututuhan ay makatutulong upang maisagawa mo nang buong husay ang
inaasahang produkto. Bilang patunay na talagang naunawaan mo ang aralin,
inaasahang ikaw ay makasusulat ka ng iyong sariling tula na magpapahayag
ng iyong damdamin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ninyong sariling
lugar o ng ating bansa.

Ang iyong layunin sa bahaging ito ay mabasa at masuri ang tulang


“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ni Andres Bonifacio upang nang sa
gayo’y malaman mo kung paano niya ipinahayag ang masidhing
pagmamahal sa bayan. Upang lubos mong mapahalagahan ang tula,
kilalanin mo muna si Andres Bonifacio.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre,

1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de

Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni

Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang

kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan

siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid

na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga

kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na

pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan.

Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng

Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang

mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na

pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and Company

bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya

naging matatag siya sa kaniyang trabaho.

Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa

pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting

aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at

El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang "Les Miserables" ni

11
Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at

Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga

tula at isa na rito ang sikat na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.

Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam

siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español. Naitatag din

niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng

mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao

Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si

Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay

mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas.

Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan

noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan

ay natuklasan na ng mga Español. Mahigit sa 1,000 katipunero ang sumama

sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil sa

kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila

nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si

Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na

magkaisa.

Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang

namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa

isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano

Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim.

Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit

niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan,

upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo

ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Español sa

pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang

Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan

12
ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang

gawain.

Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat

sa Indang, pagkatapos ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo

na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga tauhan

dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa

kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang

bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang

nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite

noong ika-10 ng Mayo, 1897.

Ibahagi ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang


ilang mahahalagang bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio. Isulat sa sagutang
papel. Gayahin ang pormat na pagsusulatan ng mga sagot.

Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, suriin mo kung


masasalamin ba sa tula ni Andres Bonifacio ang buhay at mga karanasan na
kaniyang pinagdaanan? Nakaragdag ba ang mga ito upang mabisa niyang
maipahayag ang kaniyang emosyon o damdamin sa tulang kaniyang nilikha?

13
Basahin at unawain:

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad


Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal laki,


na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:


Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,


Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya't gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!

14
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa't sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak


Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig


At hanggang may dugo'y ubusin itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit!

GAWAIN 1.2.2.a: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang


mahihirap na salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga
ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.
Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na
may kaugnayan sa tula. Gawin sa isang buong papel.

isinisiwalat sakbibi itigis


__________________
. __________________ __________________
__ __ __

tatalikdan lumiyag
__________________ __________________
__ __
15
a. itapon
b. umibig
c. tatalikuran
d. inilabas/ipinagsasabi
e. kaligayahan
f. matinding kalungkutan

Talata:
GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

GAWAIN 1.2.2.b: SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA

Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong naunawaan


tungkol sa nilalaman ng tulang iyong binasa. Sagutin nang matapat ang
mga tanong at gawain upang matamo mo ang iyong hinahangad na
maunawaan at maisagawa sa pagtatapos ng aralin.
1. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-
akda para sa kaniyang bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang
maaaring sumagisag sa pag-ibig na ito.

Iguhit dito ang simbolo/sagisag: Paliwanag:


_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________ 16
_________________________
2. Anong panahon naisulat ang tula? Ano ang kalagayang
panlipunan ng Pilipinas ng panahong naisulat ng may-akda ang
tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol dito at itala sa
tulong ng Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin
ang kasunod na pormat.

3. Sa kasalukuyan, paano maipakikita ang iyong pagmamahal


sa bayan? Muli, gumuhit o gumupit ng simbolo na
magpapakita ng iyong pag-ibig sa bayan. Gawin sa maiksing
coupon bond.
4. Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay may magkaibang
pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Magtanong sa iyong
kakilala na sa iyong palagay ay makatutulong upang
malaman mo ang kani-kanilang pananaw. Ilahad mo ang
mga ito. Pagkatapos, bumuo at ibahagi mo naman ang iyong
sariling pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Isulat ang
sagot sa papel.
Rizal sarili Bonifacio

pag-ibig sa bayan

5. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig


sa bayan ang paksa. Sipiin mo ito at ihambing sa tulang isinulat
ni Bonifacio.

17
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ibang tula

____________________________ _____________________________
____________________________ _____________________________
____________________________ _____________________________
____________________________ _____________________________
__________________ _____________________________
_____

6. Ano ang iyong naramdamam pagkatapos basahin ang dalawang


tula?

7. Mabisa bang naipahayag ng mga sumulat ang kanilang


damdamin sa isinulat nilang tula? Ano kaya ang nakatulong
upang maisagawa nila ito nang mabisa? Ipaliwanag.

Alam mo ba na…
Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang
nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita
at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at
masining bukod sa pagiging madamdamin.
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod,
samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig
sa bawat taludtod ng saknong.
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil
sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling
salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at
lalabindalawahing pantig ang sukat.

8. Balikan ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, at subuking


sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang sagot.

Tanong Sagot
a. Ilang taludtod mayroon ang tula?
b. Ilang saknong mayroon ang tula?
c. Ano ang sukat ng tula?
d. May tugmaan ba ang mga dulong salita ng
bawat taludtod ng mga saknong?

18
Patunayan.
e. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang
magkakatugma sa bawat taludtod ng mga
saknong ng tula?

9. Nakatulong ba ang mga elemento ng tula upang mabisang


maipahayag ng may-akda ang kaniyang emosyon o damdamin?
Ipaliwanag.

10. Muli, maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na


nagpapahayag ng emosyon o damdamin. Sipiin mo ito sa iyong
notbuk at pagkatapos ay suriin. Makatutulong sa iyo ang mga
gabay na tanong sa gagawin mong pagsusuri. Gamitin ang
pormat sa ibaba. Gawin sa papel.

Ang may-akda ng tula (maikling talambuhay)

Pamagat ng Tula

19
Sagutin mo naman ang sumusunod na tanong. Gawin sa papel.

Ano ang emosyon o damdaming 2. Ano ang nakatulong upang


ipinahahayag ng may-akda sa mabisang maipahayag ng
kaniyang tula? may -akda ang kaniyang
emosyon o damdamin?

3. Ano ang iyong naging damdamin


matapos mong mabasa ang tula?
Bakit ito ang iyong naramdaman?
Ipaliwanag.

Ilang taludtod mayroon ang tula?


Ilang taludtod mayroon ang bawat taludtod?
Ilan ang sukat ng taludtod?
Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa
bawat saknong.

Buong husay mong naisagawa ang mga gawain. Marahil ay


nauunawaan mo na kung paano mabisang maipahahayag ng isang tao
ang kaniyang emosyon o damdamin? Paano nga ba? Tingnan ko nga
kung alam mo na. Dugtungan mo lamang ang pahayag na ito.

Mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang


emosyon o damdamin kung
_______________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
__________ 20
Pero hindi lamang iyan. Mayroon pang makatutulong kung paano
natin maipahahayag ang ating emosyon o damdamin. Alamin natin.

GAWAIN 1.2.2.c: EMOSYON MO... IPAHAYAG MO

Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating


damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa
pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit
ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama.

Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o


panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o
galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin
tulad ng sumusunod:(ilan ito sa makikita sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa”).

1. Isulat sa kabilang kolum ang damdaming ipinahahayag ng bawat


pandiwa. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

Mga Pandiwang Nagpapahayag


Emosyon o Damdamin
ng Emosyon o Damdamin
pagpupuring lubos
buong pagkasi
sakbibi ng lumbay
wari ay masarap
tunay na langit

1. a. Balikan ang isa sa mga tulang ipinahanap ko sa iyo sa mga


naunang gawain. Itala ang mga pandiwang ginamit ng may-akda
sa pagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin. Isulat sa
sagutang papel.

b. Batay sa mga pandiwang ginamit ng may-akda, ano ang


damdaming nangingibabaw sa kaniyang tula? Ipaliwanag.

c. Ikaw naman ang magpahayag ng iyong damdamin. Sagutin mo


lamang nang tapat ang kasunod na tanong. “Ano ang iyong
nararamdaman sa mga oras na ito?” Gawin mo sa papel.

21
Pagkatapos mong maunawaan ang iba’t ibang konsepto kaugnay ng
araling ito, palalimin pa natin ang iyong pag-unawa sa susunod na bahagi.

Ang iyong layunin sa bahaging ito ay higit pang mapalalim ang iyong
pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyong isipan
dahil ito ang tulay upang maisagawa mo nang buong husay ang inaasahang
produkto na isasagawa mo sa pagtatapos ng araling ito.

GAWAIN 1.2.2.d: ALAM KO NA…

Higit mong
maipahahayag ang
iyong emosyon o
damdamin kung…

Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa aralin? Paano


mo ito gagamitin sa iyong sariling buhay? May nabago ba sa iyong sarili,
matapos mong maunawaan ang mga konseptong ito? Ibahagi. Ngayon ay
nakahanda ka nang ilipat ang iyong natutuhan sa tunay na sitwasyon, nang
sa gayo’y makita mo ang kabuluhan ng pag-aaral ng modyul na ito.

GAWAIN 1.2.2.e : DAMDAMIN KO… ISULAT KO

Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong natutuhan sa sitwasyong


kasalukuyan mong ginagalawan. Ito ay ang pagsulat ng sariling tula na
nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang taong iniidolo o
hinahangaan. Basahin ang kasunod sitwasyon.

22
Sitwasyon:

Nais ng inyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong

nakapag-ambag o nakagawa ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang

paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang tulang

mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at

bumigkas ng tula. Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang

kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang buwan bago ang araw

ng parangal. Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan:

a) orihinal, b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula, c)

angkop sa paksa, d) nagpapahayag ng sariling emosyon o damdamin sa

taong hinahangaan, e) makatotohanan at f) may kariktan.

Ano ang iyong natutuhan sa isinasagawang gawain? Makatutulong ba


ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Paano?
Pagkatapos mong matutuhan ang tungkol sa tula bilang isa sa mga
akdang pampanitikan, ngayon ay makikita mo ang pagkakaiba nito sa isa
pang akdang tuluyan-ang sanaysay.

ARALIN 1.2.2: SANAYSAY

Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay


makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga
dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng
paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang
upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin.

Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan ang iyong pag-


aaralan- ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay
na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng pangunahin
at mga pantulong na kaisipan. Kung gayon, mahalagang tanong na ating
pag-uukulan sa pag-aaral na ito ang: Paano ipinahayag ng mga manunulat
ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa
kanilang panahon?

23
GAWAIN 1.2.3.a: KALAKASAN, KAHINAAN…
TUKUYIN AT ITALA

Sinasabing ang isang tao maging ang isang bansa ay nagtataglay ng


mga kalakasan at kahinaan. Batay sa mga pahayag, tukuyin mo ang mga
kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino. Maaari ka pang magtala ng
karagdagang katangian at mga patunay tungkol dito.

Bukas na lang natin ipasa Umaasa akong hindi tayo


ang proyekto.Kahit huli na Di na ako papasok, pababayaan ng Diyos.
tatanggapin naman ni wala namang gagawin Dagdagan pa natin ang
ma’am ‘yan. sa iskul,maglilinis lang! sipag at tiyaga.

Lola, sumabay na Sige na, wala


po kayo sa akin sa namang
tawiran. bantay,itapon mo
Manang, sobra po ang basura sa
ang inyong sukli. ilog.

Batay sa aking pag-aaral,


lumalala ang kondisyon
Kunin na natin ng kapaligiran dahil sa
ito,kahit ba ukay, Naku, kanina tinatawag na climate
imported naman! pa pala change.
tumatapon ang
tubig.Maisara
nga ang gripo.

Panalo tayo! Sabi ko


sa iyo, dapat kaya
nating
makipagsabayan sa
galing ng ibang bansa.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino batay sa mga


pahayag? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

KALAKASAN PATUNAY KAHINAAN PATUNAY

24
.
2. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang mga ito sa kalagayan ng
bansa? Dugtungan ang pahayag. Isulat ang sagot sa papel. Gayahin
ang pormat.

Ang kalakasan ng mga Pilipino ay:

5.

4.

3.

2.

1.

Samantala, ang mga kahinaan ng mga Pilipino ay …(isulat sa loob


ng alimango):

1 2 3

4 5

3. Alin ang nakahihigit ang kalakasan o ang kahinaan ng mga Pilipino?


Patunayan.

25
GAWAIN 1.2.3.b:: LIHIM NG MGA SALITA … TUKLASIN

Tuklasin mo ang lihim ng mga salitang pinahuhulaan? Alamin mo ang


teknik upang matukoy ang mahalagang salita na gagamitin sa sanaysay
na iyong babasahin.

Halimbawa:
1. Ako ang simula ng buhay
At simula pa rin ng umagang kayganda
Gitna ng bahay na kongkreto
At simula ng araw-araw na biyaya
At katapusan ng bagay .
Natuklasan mo ba kung anong salita ako?
Tama, ang salita ay buhay.

2. Ako ang simula ng katotohanan


At katapusan ng tapat na pagsinta
Ako ang matatagpuan sa unahan ng ligaya
Ngunit nasa gitna ng kawalan
Ako ang simula ng yaman ng bawat bansa
At simula rin ng alab ng puso
Ako ang katapusan ng pag-asa
Ngunit simula ng nabuhay na pangarap.
Hulaan mo ang salita.

2. Simula ako ng elementong pinag-uusapan


At katapusan ng mabagal na pag-unlad
Ako ang nasa unahan ng ulap na bughaw
Ako pa rin ang simula ng katahimikan
Nasa gitna ng malakas na tawanan
Ako ang nasa unahan ng simula
At simula pa rin ng yukong walang humpay
Ako ang katapusan ng musikang kulang sa tono
At wakas ng nanay na ‘di matagpuan.
Hulaan mo ang salita.

26
Natuklasan mo ba kung paano mahuhulaan ang mga salita? Natukoy
mo ba na ito ay ang kalayaan at edukasyon? Tama, kung napansin mo ay
walang kaugnayan ang mga pahayag sa bawat isa. Ang tanging palatandaan
para mahulaan ang salita ay ang paggamit ng simula, gitna at katapusan ng
kasunod na salita/mga salita. Kung gayon, binabati kita! Alam kong nasagot
mo ang mga tanong at gawain sa bahaging ito. Ngayon ay handa ka na para
sa mga gawain sa bahaging Paunlarin.

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay makatutulong upang lubusan mong


makilala ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan. Maihahambing mo
ito sa iba pang akdang pampanitikang pinag-aralan kung matutukoy mo ang
katangian nito. Tutuklasin mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng
pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa pagbuo ng sanaysay.
Gayundin, sa pagbabasa ng halimbawang akda malalaman mo ang kaligirang
pinagmulan at mga dahilan ng may-akda. Dahil dito, mahalagang tanong na
dapat tandaan: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan,
kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon?
Iyong balikan ang ilang tala sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal.

Alam mo ba na …

(1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa

Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at

12:00 ng gabi.

(2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda ay

nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki

kaysa karaniwan.

(3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang

sa Biῆan, Laguna.

(4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat

tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto.

Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na

walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal

sa wika.

(5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang

kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano

27
Aquino Cruz sa Biῆan, Laguna.

(6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila.

Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang mag-

aral ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central de

Madrid.

(7) Nakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika.

(8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula,

nobela, sanaysay, atbp.

(9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata,

dalubwika, mananaliksik at pilosopo.

(10)Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na

ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil

sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaῆol.

(11)Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik:

a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong

bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espaῆol.

b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan.

c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay.

GAWAIN 1.2.3.c.: Ako At Ang Bayani

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang tala sa buhay ng


pambansang bayani, subukin mong isulat ang mga kaisipang naibahagi nito
sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag. Gawin sa papel.
Nabatid ko na ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Hindi maikakaila ang marubdob na pagmamahal niya sa bayan dahil


______________________________________________________________

28
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Bilang mag-aaral, nais kong
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Nais mo bang maragdagan ang iyong pagkakilala sa pambansang


bayani? Kung gayon, basahin ang kaniyang sanaysay.

GAWAIN 1.2.3.d: LIGHT.: MGA KAISIPAN … HANAPIN


AT PATUNAYAN

Bago mo basahin ang sanaysay, nais kong lagyan mo ng tsek(√) ang


mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay.

___1. Likas na tamad ang mga Pilipino.

___2. Hindi tamad ang mga Pilipino.

___3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan


sa Panahon ng mga Español.

___4. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na


singaw ng panahon.

___5. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng


di- magandang sistemang umiiral sa Panahon ng mga Español.

___6. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na

ipinatutupad ng pamahalaan.

___7. Sinusuportahan ng mga Español ang mga magsasaka na ang


pananim ay pininsala ng mga hayop o bagyo.

___8. Ayon kay Jose Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan,
walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na
makapagdudulot ng bungang ninanais.

___9. Nagpapahiram ng puhunang salapi ang mga Español sa layuning


mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.

29
___10.Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at
pagwawalang-bahala sa paggawa dahil sa malupit na sistema ng
edukasyon.

Ang iyong pagbabasa at pag-unawa sa sanaysay na pinamagatang


“Ang Katamaran ng mga Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang
magpapatunay sa mga kaisipan kung ito ay binanggit sa kaniyang
sanaysay.

Sikapin mong salungguhitan ang mga kaisipang napatunayan mong


tuwirang binabanggit dito.

Ugnay-Panitikan Ang Katamaran ng mga


Pilipino
ni Dr. Jose P. Rizal

(Ang matutunghayan ay isang


lagom sa Tagalog ng sanaysay
na “La Indolencia de los
Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang
Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang
pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na
upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi
tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya
ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-
amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga
Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.

Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na


ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang
malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng
mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos
ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni
Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa
ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad
kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang
kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng
kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa
kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na
katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang

30
bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa
paggawang sapilitan.

Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit


ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima,
kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni
Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin
lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa


kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang
mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa
Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka,
pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang
wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga
pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang
gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan


sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay
ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw
pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga
Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga
pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming
digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay.
Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na
halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang
buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili.

Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na


ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa
ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko,
kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat
upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t
naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na
nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo
ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa
noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng
pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng
sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.

31
Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay
mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan
sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t
humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay
hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid
kung walang pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang


halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya,
matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa
para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa
kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y
wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling
timbangan at takalan.

Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng


gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang
pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t
sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa
pangangalakal.

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan,


mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at
“pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa
kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang
kapaki-pakinabang.

Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa


pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa
bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng
pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na
ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng
iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at
pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.

At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng
kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong
mayaman.”

32
Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng
katamaran.

Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang


upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong
magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang
impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at
iba pa.

Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang


pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka,
kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang


Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya
pinag-ukulan ng pansin.

Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng


edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na


pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa
kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa
simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang
bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala
silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi
nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling
pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-
hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na
pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng
kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang
walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay
siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.”

Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay


nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng
mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.

Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan


nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng

33
karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng
pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi


nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao.
Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa
kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at
kasaganaan ng kanilang Bayan.

Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay


siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang
kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na
makapagdudulot ng bungang ninanais.”

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang sanaysay?

2. Isa-isahin ang dahilan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino? Isulat


sa papel ang sagot.

ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO


PILIPINO

1.
2.

3.
4.
5.

6.
7.

8.
9.
10.

34
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa
kalagayang panlipunan sa kaniyang panahon? Gawin sa papel.

Mga Kalagayang Sa aking palagay...


Panlipunan

Pirata, mandarambong,
sumalakay

Gobernador, abusado

Sistema ng edukasyon,
baguhin

Malupit na sistema,
palitan

4. Ilarawan ang damdaming nangingibabaw sa sanaysay.

5. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa larawan. Isulat ang mga sagot


sa papel.

6. Sa iyong palagay, bakit isinulat ng bayani ang sanaysay?

7. Sa kasalukuyan, naniniwala ka bang tamad ang mga Pilipino?


Pangatuwiranan.

GAWAIN 1.2.3.e: MAGHANAY NG DETALYE … KAYA KO!

Pagkatapos mong basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa


nilalaman ng sanaysay, alam kong kayang-kaya mong ihanay ang mga
detalye ng bawat kaisipan. Isa-isahin ang mga patunay sa pahayag. Gawing
batayan ang sanaysay.

A. Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ay ang


mainit na singaw ng panahon.

B. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling


sistemang pinairal ng mga Español.

C. Ang hindi mabubuting ugali ng mga Español ay nagpalala sa


katamaran ng mga Pilipino.

Naihanay mo ang detalye ng kaisipang tinalakay sa sanaysay.


Matutukoy mo ba ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan?
Basahin mo ang sumusunod na mga impormasyon.

35
Ugnay-Panitikan Sanaysay

Sinasabing ang
sanaysay bilang akdang
pampanitikan ay huling
nakakita ng liwanag sa
larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at
opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa.

Uri ng Sanaysay
Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o
impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na
sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na
sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan
samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad
ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay
nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko,
may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng
impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay
parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa’y garapal
ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng
pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay;
kabaligtaran sa di-pormal.

Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay


May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2)
naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o
nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o
makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11)
sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.

36
Mga Gabay na Tanong:

1. Batay sa mga impormasyong inilahad tungkol sa sanaysay subukin mong:

a. paghambingin ang sanaysay na pormal at di-pormal

PORMAL DI-PORMAL

________________ _________________
________________ _________________
________________ SANAYSAY _________________
________________ _________________
________________ _________________
________________ _________________
_________ ___
________________ _________________
________________ _________________
________________ _________________
b. ________________
Suriin (batay sa tiyak na uri ng sanaysay) ang mga mungkahing
_________________
pamagat ng sanaysay
________________ ____________
________________ _________________
1. Si Papa at Mama
________________ _________________
2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change?
________________ _________________
3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay
________________ _________________
4. Ang Politika sa Pilipinas
________________ ____________
5. Isang Gabing Pagninilay
________________ _________________
________________ _________________
Nagkaroon ka na ng mga kaalaman tungkol_________________
________________ sa sanaysay bilang isa sa
mga akdang pampanitikan.
________________ Handa ka na upang pag-aralan ang mga
_________________
elemento ________________
na nagpapabuti sa kabuuan ng pagsulat ng sanaysay - ang
____________
pagtukoy sa pangunahin
________________at mga pantulong na kaisipan.
________________
Bilang mambabasa, malaki ang maitutulong sa iyo
________________ ng mga
kasanayang matatamo sa pagtukoy ng pangunahin at mga pantulong na
____________
kaisipan sapagkat sa ganitong paraan matitiyak kong mauunawaan mo ang
layunin ng sumulat. Maaaring mapatunayan mo rin na ang pagbabasa ay
isang gawaing interaktibo.

Mga Gabay na Tanong

1. Basahin ang sumusunod na talata. Sipiin/Kopyahin ang bawat talata.


Salungguhitan ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing
kaisipan at lagyan ng tsek(√) ang mga binilangang pangungusap na
nagpapahayag ng pantulong na kaisipan. Gawin sa sagutang papel.

37
A) (1) Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para
magtagumpay ang isang tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa
kamangmangan. (3) Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa
sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon sa
buhay. (4) Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan.
(5) Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang
kapaligiran. (6) Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na
makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo.

B) (1) Naging mapagpabaya ang mga Pilipino dahil sa pagpapatupad


ng sapilitang paggawa. (2) Ang mga encomendero ay lubhang
nagsamantala sa pamamagitan ng pagpilit sa mga magsasaka na
ipagbili sa kanila ang mga ani sa murang halaga na naging daan
sa pananamlay ng mga magsasaka sa paggawa sa bukid. (3)
Sinasarili rin ng gobernador ang lahat ng negosyo at
nawawalan ng kita ang mga magsasaka. (4) Walang dulot na
pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. (5) Samakatuwid ang
sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling
pamamalakad ng mga Español.

C) (1) Ang mga Pilipino ay mapamahiin. (2) Naniniwala sila na


ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan
ng pagdating ng panauhin. (3) Hindi dapat tumuloy sa
anumang lakad kung nakasalubong ng itim na pusa dahil ito’y
hudyat ng kapahamakan. (4) Mawawala ang suwerte kapag
nagwalis sa bahay tuwing gabi. (5) Ang pagkabasag ng salamin
ay magdudulot ng pitong taong kamalasan. (6) Sadyang
mapamahiin ang mga Pilipino.

D)(1) Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino


ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. (2)
Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles
dahil gustong matawag na sosyal. (3) Ipinagpaparangalan sa
mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. (4) Tunay na
suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-
alipin ng mga Pilipino. (5) Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo
sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain
at pananaw. (6) Maging ang iba pang sistemang umiiral sa
bansa ay mula sa mga dayuhan.
Natutuwa ako sa iyo dahil natapos mo ang mga gawain sa
bahaging nang may kahusayan. Sa pagkakataong ito ay susubok ka

38
na sa susunod na gawain upang palalimin pa ang iyong kaalaman.
Mahalagang mapagtibay mo ang mga konseptong iyong natutuhan at
naunawaan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inilaang gawain.
Inaasahan ko na iyong nakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
gawain tungkol sa mahalagang tanong na: Paano ipinahayag ng mga
manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng
bansa sa kanilang panahon? Sa gayon ay maihahambing mo ang
kasalukuyang kalagayang panlipunan at kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataon paano mo ito maaaring maipahayag?

GAWAIN 1.2.3.f: LARAWAN AT KAAISIPAN

Matutunghayan mo sa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng


iba’t ibang kalagayan sa lipunan. Isulat sa loob ng malaking kahon ang
pangunahing kaisipan at sa maliliit na kahon ang mga pantulong na
kaisipan.

39
Lagyan ng bituin () ang larawang nagsasaad ng pangunahing
kaisipan. Lagyan ng tsek () ang larawang tumutukoy sa mga
pantulong na kaisipan. Pagkatapos, bumuo ng mga pahayag na
nagpapakita ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa
mga larawang napili. Isulat ang sagot sa mga kahon sa ibaba. Sundin
ang pormat.

Nakikita mo ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari noon sa


kasalukuyan? Ang mga kalagayang panlipunan ngayon na ipinakikita ng mga
larawan ay nakatutulong sa pagbuo ng mga kaisipan. Maaaring sa tulong ng
mga ito, makakalilikha ka ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.

40
GAWAIN 1.2.3.g: BUUIN: KONSEPTONG MAKATOTOHANAN

Dugtungan mo ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng


paksang tinalakay.

√ Ang sanaysay ay
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

√ Ipinabatid ng sanaysay ang tungkol sa pambansang bayani na


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

√ Sa kasalukuyan, mapaiigting ang kalakasan ng mga Pilipino


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

√ Makatutulong ako sa paglutas ng mga suliranin ng bansa sa


pamamagitan ng
_____________________________________________________
_
_____________________________________________________
_____________________________________________________
__

√ Sa pagbabasa ng talata, makikilala ang pangunahing kaisipan


________
_______________________________________________________
____

√ Samantala, ang mga pantulong na kaisipan sa isang talata ay


_____________________________________________________
_
_______________________________________________________
_______________________________________________________

41
GAWAIN1. 2.3.h: MAGSULAT, MAGPAHAYAG, AT MANGAMPANYA

Unti-unti mo na bang nakikita ang bunga ng iyong pag-aaral? Tandaan


na napakahalaga ng pag-unawa sa aralin para sa isang mag-aaral na tulad
mo. Ito ang magiging daan upang iyong maisagawa ang inaasahang
produkto/ pagganap. Kaya, alam kong handa ka nang gawin ang pangwakas
na gawain.

Ang barangay captain sa inyong lugar ay naghahanap ng mga


kabataang manunulat na maghahanda ng flyers (leaflet) tungkol sa
LIGTAS-KAPALIGIRAN, SAGIP-KALIKASAN: ISANG KAMPANYA.
Ang flyers na ito ay ipamimigay sa bawat pamilya ng nasabing barangay.
Layunin nitong ilahad ang kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa inyong
barangay na may malaking epekto sa kalikasan.

Batay sa pamantayan, nararapat na magtaglay ng sumusunod ang


flyers:
1. Maglagay ng tatlo hanggang apat na larawan tungkol sa suliranin
sa kapaligiran ng inyong barangay.

2. Bawat larawan ay lalagyan ng lima hanggang pitong pangungusap


na maglalahad ng kalagayang pangkapaligiran sa inyong barangay.

3. Tiyaking makapagtatala ng lima hanggang pitong mungkahing


hakbang na gagawin ng bawat pamilya para makatulong sa
panawagan.

4. Gawin itong kaakit-akit, malinaw, at nakapanghihikayat.


Isaalang-alang ang sumusunod sa pagbuo ng flyers:

Kalinawan ng mensahe sa larawan 40%

Katiyakan at kaisahan ng mga pangungusap ayon sa paksa 50%

Kabisaan sa panghihikayat sa mambabasa 10%

____

100%

42
Pagnilayan at Unawain

Tiyak kong batid mo na ang mga lumaganap na akdang


pampanitikan sa Panahon ng Espaῆol. Marahil ay humanga ka sa
kapwa Pilipino dahil sa paraan ng kanilang pagpapahayag.
Ipinakita sa mga akdang pampanitikang tulad ng karagatan, duplo, tula at
sanaysay ang husay sa mabilis na pag-iisip gayundin ang kasiningan sa
paggamit ng wika. Kaya naman patunayan mong ikaw ay nagmula sa lahing
ito na may angking husay sa pag-iisip at pagpapahayag.

Natutuwa ako para sa iyo sapagkat batid kong may sapat ka nang
kaalaman tungkol sa mga panitikang sumibol sa panahon ng Espaῆol.
Natitiyak kong ang dati mong kaalaman sa simula ng pagtalakay sa aralin ay
higit na lumawak at lumalim. Samakatuwid, sa tulong ng KWHL Sheet, ang
nauna mong mga paghihinuha ay napagtibay na ng nakuha mong mga
kaalaman sa kabuuan ng aralin kaya maaari mo nang sagutin ang huling
kolum ng sheet.

Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong


sa kasunod na kahon sa p. 150. Nasagot mo na ang tatlong naunang kolum,
ang KWH,hindi ba? Pagkatapos nating pag-aralan ang Aralin 1.2 ay saka mo
sagutin ang huling kolum, ang L.

K
Masasalamin Ano ang alam mo na?
(What do you know?)
ba sa panitikan
ang kultura o
W
Ano ang nais mong
kalagayang malaman?
(What do you want to find
panlipunan ng out)
isang bansa sa H
panahon at Paano mo makikita ang nais
mong maunawaan?
lugar na (How can you find out what
you want to learn?)
isinulat ito?
Patunayan. L
Ano ang iyong natutuhan/
naunawaan?
What did you learn?)

43
Binabati kita! Buong husay mong nagampanan ang mga gawaing
inilaan ng bahaging ito ng modyul. Inaasahan kong naging malinaw sa iyo
ang sumusunod na konsepto:

1. masasalamin sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng


isang bansa sa panahong isinulat ito ;

2. gumamit ng iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng duplo, karagatan,


tula at sanaysay ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang
pananaw, saloobin at damdamin ;

3. mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa maayos na


pagpapahayag; at

4. sa kasalukuyan, makikita pa rin ang kaugnayan ng mga akdang


pampanitikan sa buhay ng mga Pilipino.

Ilipat

Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin


mo ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na
gawain.

Isa kang kolumnista sa pahayagan. Maraming sumusubaybay sa iyong

kolum/pitak. Ayon sa pamunuan ng pahayagan, iminumungkahi nilang

talakayin mo sa iyong susunod na kolum ang paksang nauukol sa suliraning

kinakaharap ng paparaming batang nasasangkot sa krimen o tinatawag na

youth offenders tulad ng mga batang hamog atbp. Ang mungkahi ng

pamunuan ay ayon na rin sa liham na natanggap nila sa mga mag-aaral sa

hayskul na naglalayong matalakay ang paksa at makita ang paraan ng

pagkakabuo nito sa ginagawa nilang pag-aaral.

Inaasahan ng mga tagasubaybay ng mag-aaral ang sumusunod:

(1) makatawag-pansing pamagat

(2) lawak ng pagtalakay sa paksa

(3) paglalahad ng mga datos o estadistika

44
(4) wastong gamit ng mga salita

(5) kalinawan ng mensaheng nakapaloob


IV. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Aralin 1.2)
Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano na ang iyong mga
natutuhan sa mga paksang iyong pinag-aralan.

I. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga


tanong kaugnay nito.

1. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita


ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga
opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o
isyu.

a. tula c. dula
b. sanaysay d. maikling kuwento

2. Sa pagbabasa ng isang talata paano magiging madaling makita ang


pangunahing ideya nito?

a. Alamin ang paksa ng talata.


b. Isa-isahin ang mga detalye.
c. Hanapin ang mga halimbawa sa talata.
d. Tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa.

3. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Pagkatapos, tukuyin ang


pangunahing kaisipan.

(A) Sa kasagsagan ng bagyo, isang dalagita ang nagligtas sa

bandila ng Pilipinas.

(B) Samantala, isang nawawalang matanda ang tinulungang

makita ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng

facebook sa tulong ng isang binata.

(C) Tulad ni Ahli, araw-araw niyang inaakay ang kaniyang lolo

na may kapansanan.

(D) Nakatutuwang isipin na may kabataan pa rin sa

kasalukuyan ang handang maglingkod sa kapwa at bayan.

45
4. Ano ang pinakamabuting maaaring ibunga ng paggamit ng
eupemistikong pananalita?

a. Nagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.


b. Nagpapakilala sa tao sa kaniyang kapwa.
c. Nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming kaibigan.
d. Naghahatid ng saya sa kausap.
5. Ikaw ay inanyayahan ng iyong kamag-aral na dumalo sa kaniyang
kaarawan. Subalit alam mo na hindi ka pahihintulutan ng iyong
magulang sapagkat sa gabi isasagawa ang pagdiriwang. Paano mo
sasabihin sa iyong kamag-aral na hindi ka makadadalo?

a. “Pasensiya ka na kung hindi ako makadadalo kasi istrikto ang


magulang ko.”

b. “Ikinalulungkot ko na hindi ako makadadalo sapagkat talaga lamang


may panuntunan kaming sinusunod sa bahay.”

c. “ Sana ginawa mo na lang ng hapon para makadalo ako.”


d. “Delikado ang panahon ngayon kaya hindi ako dadalo sa iyong
kaarawan.

6. Ang duplo bilang anyo ng panitikan ay nagtataglay na sumusunod na


katangian maliban sa:

a. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo


sa palad ng sino mang nahatulang parusahan.

b. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para


sa kaluluwa ng namatay.

c. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nahulog na singsing ng isang


dalaga.

d. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae


ay duplera.

7. Bakit mainam pa ring laruin ang karagatan at duplo sa kasalukuyan?


a. Nagpapatalas ito ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o
impromptu.

b. Naaaliw nito ang mga namatayan.


c. Nauuwi sa pagliligawan ang biruan lamang sa simula ng kabataan.

46
d. Nasasanay magkabisado ng tula ang kabataan

Basahin at unawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos,


sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

‘Di na kailangan sa iyo ang awa


ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso naming ang kami’y mapuksa,
langit mo naman ang kami’y madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam,paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.

Mula sa: “Katapusang Hibik ng Pilipinas”


ni Andres Bonifacio

8.Ano ang ibig sabihin ng salitang kuhila?


a. api c. ganid
b. taksil d. hirap
9.Sino ang tinutukoy na Ina sa tula?
a. Espaῆa c. Hapon
b. Pilipinas d. Amerika
10. Alin sa mga taludtod ang angkop na kasunod ng saknong na:
Bakit? Alin ito na sakdal laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugugulan ng buhay na iwi?
a.Ay! Ito ang Inang Bayang tinubuan b. Siya’y Ina’t tangi kinamulatan
b.Ng kawili-wiling liwanag ng araw d. Na nagbigay-init sa buong katawan

Wow! Natapos mo na nang buong husay ang Aralin 1.2. Malawak na


ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap
naman noong Panahon ng mga Español. Nakatitiyak ako na nagkaroon ka rin
ng kaalaman tungkol sa kultura at kaugaliang Pilipino ng mga panahong iyon
dahil nasalamin mo ang mga ito sa bawat akdang ating tinalakay. Marahil ay
nanininiwala ka na ang panitikan ay talagang salamin ng kultura ng mga tao
sa panahon at lugar na pinagmulan ng mga ito.

Pagkatapos ng pananakop ng mga Español sa ating bansa, dumating


naman ang mga Hapon. Katulad ng mga naunang dayuhan na sumakop sa

47
atin, mayroon din silang kultura at uri ng panitikan na ipinakilala sa ating mga
kababayan. Iyan ang aalamin natin sa huling aralin ng Modyul 1, ang Aralin
1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon. Simulan na natin.
Aralin 1.3: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
I. Panimula at mga Pokus na Tanong

Naitanong mo na ba sa iyong sarili


kung bakit ang paksa ng mga tula noong
panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan,
pag-ibig, kalikasan, buhay-lalawigan o
nayon, pananampalataya at sining?
Marahil nagtataka ka kung bakit ‘di
naging paksa ng mga akdang
pampanitikan noon ang tungkol sa
pamamahala ng mga Hapones.

Sa araling ito malalaman mo ang


mga akdang pampanitikan na sumibol sa Isang tipikal na tagpo sa kabukiran ang pagtatanim ng
panahong ito na naimpluwensiyahan sa palay – ang pangunahing pagkain ng mga Pinoy.
panahong naisulat ito, tulad ng tanaga,
haiku at maikling kuwento. Alamin mo kung ano ang kulturang namamayani
ng panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng panitikang lumaganap sa
panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno?

II. Ang mga Aralin at Ang Saklaw Nito


Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang
Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na
aralin na nakapaloob sa modyul na ito:
A. Aralin 1. 3- Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones
1. 3. 1. a. Panitikan: Tula
a.Tanaga
b.Haiku
b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa
1. 3. 2. a.Panitikan: Maikling Kuwento
“Uhaw ang Tigang na Lupa”
ni Liwayway Arceo
b.Wika: Sanhi at Bunga

48
III. Mga Inaasahang Kasanayan

Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at


kasanayan.
Aralin Mga Kasanayang Pampagkatuto
1.3 Pag-unawa sa Napakinggan
Nakikinig nang may pag-unawa upang:
 maipaliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari
 masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon
batay sa sariling karanasan

Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang


salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/
diskursong napakinggan
Pagsasalita
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na
nagbibigay-pahiwatig

Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran,


interpretasyon sa tulong ng mga diskursong:
 nagpapaliwanag
 nangangatuwiran
 nagsasalaysay
 naglalarawan

Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga
katangian nito
 tula
 maikling Kuwento
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/
teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng

49
mga pangyayari

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring


pagbasa ng akda/teksto
 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto
 Nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o
ideyang nakapaloob sa akda/teksto

Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa


pamamagitan ng:
 pagpili ng lohikal na wakas
 paggawa ng sariling wakas
 pagbabago ng wakas

Pagsulat
Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye,kaisipan at
opinyong nakapaloob sa teksto kung:
 mabuti o masama
 katotohanan o opinyon

Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t


ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba
pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay

Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:


 depinisyon
 paghahalimbawa
 pagsusuri
 paghahawig o Pagtutulad
 sanhi at bunga
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot
sa mga tanong at puna sa akdang pampanitikang

50
napanood,nabasa o napakinggan

Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral
Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng
pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda

Tatas
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa
paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo.

Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may


kabuluhan at kredibilidad

Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood,


napakinggan o nabasang impormasyon (media literasi)

Pananaliksik
Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na mga impormasyon

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t


ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa


isinagawang pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang


sanggunian sa aklatan/internet

51
IV. Konseptuwal na Balangkas

Narito ang Konseptuwal na Balangkas ng araling ito na makatutulong


upang maiplano mo ang iyong mga gawain.
ANG PANITIKAN SA
PANAHON
NG HAPON

Tula Maikling
Kuwento

Tanaga Haiku Uhaw ang


Tigang na Lupa

Pangungusap na Sanhi at Bunga ng


Walang Paksa mga Pangyayari

Marahil ay handang-handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin


natin ang tungkol sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Hapon.

V. PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin muna natin kung gaano na ang alam mo sa panitikang sumibol
noong Panahon ng Hapones sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang
pagtataya. Sa pagtatapos ng mga gawain sa araling ito malalaman mo
kung tama ang iyong mga kasagutan.

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan


ng pagsulat ng letra ng tamang sagot.

1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula?

a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-


5 o 5-5-7 o 7-5-5

b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-


4-4 o 5-5-8 o 8-4-6

c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-


4 o 8-2-2 o 2-8-2

d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-

52
5 o 4-5-5 o 5-5-4
2. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong

3. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku


sa ating bansa?
a. Katutubo
b. Español
c. Hapon
d. Kasarinlan
4. Ano ang karaniwang paksa ng mga tanaga at haiku noon?
a. kababalaghan c. kalagayan sa buhay
c. katatakutan d. kaguluhan
5. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng
salitang dumalaw ?
Panalangin
ni Asuncion B. Bola
Pagsubok ‘pag dumalaw
‘Di ka makapagpasiya
Ang Panalangin lamang
Sagot sa mga problema

a. bumisita c. dumating
b. pumunta d. bunga
6. Ano ang paksa ng kasunod na haiku?
Iyong galangin
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin. 
Huwag nang buksan,
Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.
Planong pamily

53
Ay dapat ginagawa
Ng mag-asawa.
a. Buhay may asawa
b. Ang Pag-aasawa
c. Pagplano ng pamilya
d. Pag-aaruga ng pamilya
8. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng
Hapones?

a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog.


b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles.
c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog.
d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa
Tagalog.

8. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga?


a. naglalaman ng mga pangyayari.
b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod.
d. kapwa may sukat at tugma.
9. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento?
a. 1941 c. 1942
b. 1943 d. 1944
10. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na
pinangasiwaan ng mga Hapones na kumilala sa panitikan?

a. likhang sining ng mga manunulat


b. obra ng mga manunulat
c. lakas ng manunulat
d. buhay ng manunulat
11. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng
Hapon?

a. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata,


mananaysay at manunulat ng maikling kuwento.
b. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan.
c. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan
ng mga Pilipino.

54
d. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag.
12 . Kung ikaw ang bata sa akdang “ Uhaw ang Tigang na Lupa” ano
ang iyong gagawin sa nararamdaman mong katahimikan sa inyong
tahanan?

a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam.


b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako.
c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong
malaman ang nangyayari.

d. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa


ako.

1. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso
ay tigang na lupang uhaw na uhaw”, ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito?

a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina.


b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin.
c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa.
d. Malungkot ang paligid.
14. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama at mga anak
b. nakatira sa maayos na bahay
c. may masaganang pamumuhay
d.may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
15. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang
huwarang pamilya?
a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang
gawain
b. magiging sikat na mamamayan
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili

Kumusta? Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung


marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito
upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga
panitikang lumaganap sa Panahon ng Hapon.

55
VI.Yugto ng Pagkatuto
Alamin
Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga
mananakop tayo ay may sarili nang panitikan? Hindi maikakailang
yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Sa araling ito, pag-
aaralan natin ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones
na bagamat napakahirap ng buhay ng mga Pilipino noon ay napaunlad pa rin
ang mga tula (haiku at tanaga), at maikling kuwento. Alamin mo kung ano
ang kulturang namamayani sa panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng
panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno?
Naniniwala ka ba na ang mga paksa ng akdang pampanitikan ay
naiimpluwensiyahan ng panahong naisulat ito?

Alam ko na may nalalaman ka na sa panitikan noong panahon ng


Hapon. Kung wala naman, makatutulong sa iyo ang araling ito upang mabatid
at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Subukin mo kung
hanggang saan na ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng susunod na
gawain.

GAWAIN 1.3.1.a : Tugon sa Pagkatuto


Ang Tahanan ng mga Konsepto ay mga konsepto na iyong
pagninilayan sa kabuuan ng araling ito.

Tahanan ng mga Konsepto

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa gitna at


sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo o di-
totoo ang mga konseptong nakasulat.
A. Bago ang B. MGA KONSEPTO C.Pagkatapos
Talakayan ng Talakayan

1. Totoo __ 1. Ang panitikan ay salamin ng 1.Totoo __


Di Totoo __ pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Di Totoo __
2. Totoo __ 2. Sa panitikan malayang naipahahayag ng 2.Totoo __
Di Totoo __ mga Pilipino ang kanilang damdamin at Di Totoo __
3. Totoo __ saloobin. 3.Totoo __
Di Totoo __ 3. Panitikan rin ang naging daan upang Di Totoo __
4. Totoo __ makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4.Totoo __
Di Totoo __ 4. Ang mga paksa noon ng akdang Di Totoo __
10.Totoo _ pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang 5.Totoo __
sumakop sa Pilipinas. Di Totoo __
Di Totoo __
5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang
pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay
ng mga Pilipino.

56
Matapos mong gawin ang Tugon sa Pagkatuto malalaman mo
ang mga konsepto na sa palagay mo ay totoo. Ito ay iyong babalikan
upang maitama ang mga konseptong alam mo na totoo at di-totoo.

GAWAIN 1.3.1.b: Hanap-Salita

Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may kaugnayan


sa ating tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones. Bilugan ang
mabubuong salita.

K I L A L A
U E P S T O
W A L A N G
E H A I K U
N I M I T O
T A N A G A
O Y A Y I E

Sa Panahon ng Hapones , may dalawang klase ng akdang


pampanitikan ang sumibol na iyong pag-aaralan sa bahaging ito- tula
(tanaga at haiku) at maikling kuwento.

Ang susunod na gawain ay makatutulong upang maunawaan isa-isa


ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones. Bibigyan mo rin ng pokus
sa iyong pag-aaral ang araling panggramatika na gagamitin upang
maisagawa ang produktong inaasahan pagkatapos ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito. Simulan natin sa tula, ang tanaga at haiku.

57
Paunlarin
Sa bahaging ito higit mong mauunawaan ang mga
konseptong dapat mong matutuhan sa tanaga at haiku
bilang mga akdang pampanitikan na sumibol sa bansa
noong Panahon ng Hapones.
Mauunawaan mo din kung ano ang naging tungkulin ng panitikan sa
noong panahong iyon. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga akdang
pampanitikang ito upang masilayan natin ang kultura at kalagayang
panlipunan ng mga Pilipino sa panahong ito? Upang matugunan mo nang
wasto ang mahalagang tanong, pagyamanin mo ang iyong kaalaman sa
paksa na iyong pag-aaralan sa tulong ng mga gawaing inilaan sa araling ito.

GAWAIN 1.3.1.c: Gabay ng Buhay

Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung


alin ang tanaga at haiku. Isulat ang letra sa sagutang papel kung haiku o
tanaga ang mga nakatala sa kahon.

Ang katoto kapag tunay


hindi ngiti ang pang-alay Gabing tahimik
kundi isang katapatan Sumasapi sa bato
A. ng mataos naB. pagdamay. B. Huning-kuliglig

Palay siyang matino,


Puno ay sanga Nang humangi’y yumuko;
C. Bisagra ay talahib, D. Nguni’t muling tumayo
Kandado’y suso. Nagkabunga ng ginto

Wala iyan sa pabalat


at sa puso nakatatak, 
E. nadarama’t nalalasap  F. Hila mo’t tabak…
Ang bulaklak nanginig
ang pag-ibig na matapat.
Sa paglapit mo…

TANAGA HAIKU
1. 1.
2. 2.
3. 3.

58
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang mga katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng


Hapon na ikinaiiba nito sa iba pang tula?

2. Ang mga akdang pampanitikan ba ay sagisag ng


pagkakakilanlan ng mga Pilipino? Ipaliwanag.

Tama kaya ang iyong pagkaunawa sa katangian ng tulang sumibol sa


Panahon ng Hapones? Upang iyong malaman at maunawaan ang tungkol
dito, narito ang mga impormasyon.

Ugnay-Panitikan
TANAGA AT HAIKU

Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa


impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang
tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong
Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at
haiku.

Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga
ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang
matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng
bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod),
binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na
bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma
(pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod)
, at puno ng talinghaga.

Halimbawa:

SIPAG IKAW LANG


Magsikhay nang mabuti Dasal ko sa Bathala
Sa araw man o gabi Sana’y makapiling ka sa
Hindi mamumulubi luha ko at dusa
Magbubuhay na hari Ikaw ang aking sigla

Samantalang ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng

59
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod
ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang
ikatlo’y may limang pantig tulad ng una.

Puno ay sanga Hila mo’t tabak...


Halimbawa: Bisagra ay talahib, Ang bulaklak nanginig
Kandado’y suso. Sa paglapit mo...

GAWAIN 1.3.1.d: Talinghaga ng Buhay

Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at


haiku. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

c.
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay Puno ay sanga
A. kundi isang katapatan B.
Bisagra ay talahib,
ng mataos na pagdamay. Kandado’y suso.

Wala iyan sa pabalat


at sa puso nakatatak, d.
nadarama’t nalalasap  Hila mo’t tabak…
Ang bulaklak nanginig
ang pag-ibig na matapat.
C. D. Sa paglapit mo…

__________________ B._____________
_______________ _____________
_______________ _____________
__________ ____________________
____________________
TANAGA ____________
HAIKU

C.________________ __________________
________________
_______________ ________________
_______________ __________

Sa iyong palagay, nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura


ng isang lahi? Marahil, tama ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng kultura
ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang pagkakaiba ng tanaga sa
haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba.

1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang-

60
araw-araw mong buhay? Patunayan.

2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga


tanaga at haiku?

Tunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na sa mga akdang


pampanitikan masasalamin ang kilos at pag-uugali ng isang tao. Tulad ng
mga halimbawa ng tanaga at haiku sa itaas.

GAWAIN 1.3.1.e : MAGKAIBA O MAGKATULAD (MOM)


May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang tanaga at haiku? Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat.
Pagkakaiba(Haiku)
Pagkakaiba (Tanaga) ____________________
________________ ____________________
________________ ____________________
________________ Pagkakatulad
(Tanaga at Haiku) ____________________
________________ _
___________________
___________________
___________________
___________________

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nagkaiba ang tanaga at haiku? Ipaliwanag.
2. Mahalaga bang matutuhan mo ang mga tanaga at haiku na
nangibabaw sa Panahon ng Hapones? Pangatuwiranan.

Alam ko na sa tulong ng mga gawaing naunang ginawa ay naunawaan


mo nang ganap ang pagkakaiba ng tanaga at haiku na lumaganap noong
Panahon ng Hapon. Pansinin ang kaiklian ng mga tanaga at haiku.
Nagpapahayag ba ng isang buong diwa ang mga ito? Alam mo ba na may mga
pangungusap tayo na kahit walang paksa ay maituturing na pangungusap?
Upang maging mabisa ang gagawin mong orihinal na tanaga at haiku na
lalapatan ng larawan, makatutulong sa iyo kung pag-aaralan mo ang mga
pangungusap na walang paksa.

GAWAIN 1. 3.1.f : Pangungusap Ba Kahit Walang Paksa?


Pagkatapos ng klase, ang magkakaibigan ay
nagkukuwentuhan habang sama-samang gumagawa
Basahin
ng kanilang takdang-at unawain
aralin. mosila
Tuwang-tuwa angat nais ipabatid na mensahe ng kasunod na
komik strip.
sabay-sabay nilang sinabi na...

Huwag mo ng isipin
Kagabi iyon. Tanghali
nakakatakot na,kailangang
talaga matapos natin ito 61
Umaaraw na.

Tawagan mo si Ana
nasa kanya ang aklat Oo nga may
na kailangan natin. pasok pa
tayo. Tayo
na.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ginagawa ng magkakaibigan?
2. Pansinin ang naging usapan ng magkakaibiganl, ano ang tawag
sa nabuong mga pangungusap?

3. Kailan masasabi na ang pangungusap na walang paksa ay temporal,


penomenal, eksistensiyal at modal?

Sa naganap na usapan ng magkakaibigan kapansin-pansin ang


kaiklian nito at mga pangungusap na hindi tiyak ang paksa. Pag-aralan mo
ang kasunod na impormasyon upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa
mga pangungusap na walang paksa.

Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa Ugnay-Wika

1. Penomenal- Ito ay tumutukoy sa mga


pangungusap na tumutukoy sa mga
kalagayan o pangyayaring pangkalikasan
o pangkapaligiran.
Halimbawa: Umuulan
Lilindol uli!
Maginaw ngayon.

62
Makulimlim na naman.

2. Temporal- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian


karaniwan itong mga pang-abay na nagsasabi ng…
Halimbawa: Tanghali na
Bukas ay Miyerkules
Alas singko pa lang ng umaga.
Todos los Santos sa Lunes
Magbabakasyon lang

3. Eksistensiyal- Nagsasaad ito ng “pagka mayroon” o pagka-wala”.


Inilalagay sa unahan nito ang mga salitang may o mayroon at wala.
Halimbawa: Wala pang bisita
May nakakuha na
May hinihintay pa
Walang sumasagot
4. Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari,
dapat, o kailangan.
Halimbawa: Puwede bang sabihin.
Maaari bang magdagdag?
Gusto kong magbigay.
Nais/ibig mo ba?

Ngayong, alam mo na ang pagkakaiba ng mga pangungusap na


walang na paksa, naghanda ako ng pagsasanay upang sukatin ang iyong
naging kaalaman..

GAWAIN 1.3.1 g : Mga Kasanayang Panggramatika

Basahin ang usapan . Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

Rey : Tao po. Magandang hapon po.

Lolo : Ay! Ikaw pala, Rey.Halika.Tuloy.

Rey : Nabalitaan ko pong dumating si Raymond, babatiin ko


lamang po siya dahil sa pagtatapos niya nang may
karangalan.

63
Lolo : Ganoon ba? Apo, tuloy ka.May bisita ka.

Raymond : Salamat po. Ikaw pala, Rey. Gabi na. Bakit napasugod

ka.

Rey : Binabati kita sa iyong pagtatapos nang may


karangalan. Ang galing mo talaga dangal ka ng ating
baryo.

Raymond : Maraming salamat. Sana maging karapat-dapat ako sa


iyong pagbati.

Rey : Binabati ka rin ng iba pa nating kaibigan. Sana raw di


ka magbago.

Raymond : Naku! Hinding-hindi mangyayari iyon.

Lolo : Hindi sa itinataboy kita, Rey. Bukas na kayo


magbalitaan. Dumidilim na. Kumukulog pa. Tag-ulan
ngayon. Baka magkasakit ka.

1. Ano ang paksa ng usapan?

2. Hanapin ang mga pangungusap na walang paksa sa teksto. Pangkatin


ito ayon sa uri. Isulat ang sagot sa papel.

Temporal Penomenal
___________________________ ____________________________
___________________________ ____________________________
___________________________ _____________________________
_
Umaasa akong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Dagdagan Di
pana
natin
akoang
papasok,
sipag at
wala
tiyaga.
namang gagawin sa iskul,maglilinis lang!

Pangungusap na Walang Paksa

Manang, sobra po ang inyong sukli. Lola, sumabay na po kayo sa akin sa tawiran.

64
Modal Eksistensyal
___________________________ ____________________________
___________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

3. Mabisa ba ang pagkakagamit ng mga pangungusap na walang paksa


sa ganitong usapan? Ipaliwanag.

4. Bumuo ng tanaga o haiku gamit ang mga pangungusap na walang


paksa.

Sa bahaging ito, bigyan mo ng pansin ang nabuong pag-unawa


tungkol sa paksa. Sapat na ba ang iyong kakayahan upang sagutin ang
kasunod na gawain na tutulong upang higit na lumalim ang iyong pag-
unawa sa araling pinag-aaralan?

GAWAIN 1.3.1.h : ILARAWAN


Piliin ang angkop na larawan sa mga sumusunod na tanaga at haiku.
Ipaliwanag.

A.

B .
D.
C.

Kabilang buhay, Pakikisama


Totoo ba o sablay Sa iyong mga
Kapag namatay kapwa
Dulot ay saya.
1._________ 2._________

Mabuting gawa Pag ang sanggol ngumiti


Mayroong nawawala ang pighati 
gantimpala kalong mo’y sumisidhi
Galing sa AMA. pangarap na punyagi
65
3._________ 4._________

Dahil ang mga tanaga at haiku ay sumasalamin ng kilos at ugali ng tao,


mas madali mong maiintindihan ito kung may representasyon ng larawan
katulad ng nasa kabilang pahina. Sang-ayon ka ba? Marahil , oo dahil
nakatulong sa iyo ang mga larawan upang malaman mo agad ang ibig sabihin
ng isang tanaga at haiku.

GAWAIN 1.3.1.i : PAGBATAYAN MO…


Bigyan mo ng pansin ang mga paksa sa kasunod na mga kahon.
Pagbatayan mo ang mga ito upang makabuo ng sariling tanaga at haiku.
Alam kong kayang-kaya mo itong gawin.
TANAGA HAIKU

Pag-ibig sa bayan Pagkabata

________________ __________________
________________ __________________
________________ __________________
________________

Biyaya
Pagmamahal sa kapwa

_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________

GAWAIN 1.3.1.j : SAYSAY PAGGUHIT


Basahin mong mabuti ang tanaga at haiku na nasa banner. Iguhit mo
ang kaisipang nakapaloob sa bawat isa.

INOSENTE KAIBIGAN
Nagtampong kalikasan Pakikisama
Sa Sa iyong mga kapwa
kurakot ng bayan Dulot ay saya
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.
66
GAWAIN 1.3.1.k : KONSEPTO … AKING NABATID!
Sa bahaging ito, nais kong masukat ang kabuuang kaalaman na iyong
natutuhan sa araling pinag-aaralan. Tunay nga bang sapat na ang iyong
kaalaman sa araling pampanitikan? Sa araling panggramatika? Ipakita mo ito
sa pagbuo ng maikling talata.

Magaling! Ngayon ay batid ko na tunay ngang napagyaman ang iyong


kaalaman sa araling ating pinag-aaralan. Marahil, sapat na ang mga
kaalamang iyong natamo upang maisakatuparan ang inaasahang produkto sa
araling ito.

GAWAIN 1.3.1.l : KAYA KO!


Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga konseptong
natutuhan sa araling ito. Basahin at unawain mo ang sitwasyon. Pagkatapos,
isakatuparan ito.

Araw ng mga puso kailangan mong mag-alay ng naiiba sa iyong

nanay/tatay/kapatid/minamahal. Wala kang sapat na pera para

bumili ng mamahaling regalo. Susulat ka ng orihinal na tanaga o kaya

haiku tungkol sa katangian ng pagbibigyan mo.

Isaalang-alang mo ang sumusunod na pamantayan sa gawain.

a. Kaangkupan sa paksa
b. Paggamit ng pangungusap na walang paksa
c. Kaangkupan ng mga salitang ginamit
d. Elemento ng tanaga at haiku
e. May orihinalidad

Mahusay! Natapos mong pag-aralan ang tanaga at haiku handa ka na


para sa susunod pang akda noong Panahon ng Hapones. Marahil , marami
ka nang nabasang maiikling kuwento at ilan dito ay tumatak sa iyong isipan
dahil sa husay ng pagkakabuo. Sa iyong palagay, malaki kaya ang
impluwensiya ng mga mananakop na dayuhan sa ganitong klase ng akda sa
panahong naisulat ito? Paano kaya naipakita ng mga Pilipinong manunulat
ang kanilang pagiging makabayan sa panahon na hindi sila malaya?

Alam kong nananabik ka ng umusad sa susunod na aralin.


Nararamdaman ko ang iyong pananabik na makilala nang higit ang maikling
kuwento na lumaganap sa Panahon ng Hapones.

ARALIN 1.3.2 – Maikling Kuwento

67
Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y
maglahad o magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari
sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging
maikli at may iba’t ibang elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay,
tunggalian kasukdulan at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling
kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa.

Bilang panimula sa susunod na aralin. Subukin mong magbigay ng


iyong saloobin, opinyon o paglalarawan sa kasunod na imahe.

GAWAIN 1.3.2.a. : ISANG SULYAP


Isang sulyap sa kasunod na larawan at alamin kung ano ang nais
nitong iparating sa iyo. Makabubuo ka kaya ng kuwento buhat sa larawan?

Subukin mong bumuo sa tulong ng sumusunod na bahagi .


a. Simula
b. Gitna
c. Wakas

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi
ng maikling kuwento?

2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa


maikling kuwento? Bakit?

3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan


sa lipunan? Pangatuwiranan.

Sa bahaging ito, tiniyak ko lamang kung may ilang kaalaman ka sa


araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-alala sapagkat tiyak na
pagyayamanin pa ang dati mong kaalaman sa paksa.

68
Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, sa iyong palagay
ano ang naging papel ng maikling kuwento sa buhay n g mga Pilipino noong
Panahon ng Hapon? Saang bahagi magkatulad ang maikling kuwento na
umusbong noong Panahon ng Hapones sa mga maikling kuwento na
lumalaganap sa kasalukuyan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain
upang bahagya mong masilayan ang maikling kuwento sa Panahon ng
Hapones.

GAWAIN 1.3.2.b : ANG TUNAY NA MUNDO


Alamin ang tunay na kulay ng panitikan sa Pilipinas noong Panahon ng
Hapones. Balikan mo ang kasaysayan ng ating bansa particular sa panahong
ito upang matugunan ang mga tanong na nasa mga biluhaba sa kasunod na
pahina.

Higit bang nakilala ang mga


manunulat na Pilipino sa
panahon ng Hapones?
Patunayan.

Nagamit din ba ang panitikan


Nailarawan ba sa maikling partikular na ang maikling
kuwento ang kultura at kuwento upang makamit natin
kalagayang panlipunan ng mga
ang kalayaan sa kamay ng
Pilipino noong Panahon ng
mananakop na Hapones?
Hapones?

Ngayong may ideya ka na sa larawan ng mga maikling kuwento na


lumaganap sa Panahon ng Hapones, nais kong bigyan mo ng pansin ang
akda na pag-aaralan mo sa araling ito. Sikapin mong suriin kung taglay ba ng
maikling kuwento ang katangian na dapat taglayin ng isang akda noong
Panahon ng Hapones.

Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng Hapones ang


iyong babasahin upang iyong malaman kung bakit ang mga akda noon ay
nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito.

69
Basahin at unawain:

Uhaw ang Tigang na Lupa


ni Liwayway Arceo

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos

akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng

kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim

na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng

bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang

aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang

mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang

buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing

duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo

at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka

ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi

palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya

ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay

maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ko

makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang

mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang

labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga

daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon

siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-

araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Minsan

man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t

hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi

nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na

kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot

kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng

70
isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol

sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting

ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang

bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang

pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa.

Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung

paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung

paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya

ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa

pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga

punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga

butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga

kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri –

ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunit,

ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa

at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay

nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-

lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit

na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at

labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang

kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging

katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung

nagkakagalit man ay sadyanghindi ipinamamalay sa akin, ay

hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti,

ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa

pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o

sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang

hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may

71
naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung

makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang

kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.Inuumaga

man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng

kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng

pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.

Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang

taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.

Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na

aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang

lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw

ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang

mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat

noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa

isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing

lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi.

Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong

naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya

ang hindi maipahayag na pagtutol

Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang

pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni

Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang

mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang

panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama.

Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang

bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa

palad, at ang kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga

talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na

72
inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahon

ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin

niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng

kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!

Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi

ako dating binibiro ni Ama.Sana’y ako si ina sa mga sandaling yaon:

sana’y lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama

kong kasiyahan...Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang

may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim

ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na

guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang

makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman

ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang

kanyang makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong

kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang

mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay

sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na

rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik

bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga

nasa sobre.Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na

mukha, may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi.

Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa

bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot...

Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa

kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.

Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil

ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat

73
hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa

isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang

malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang

ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit,

nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa

kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa

alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap;

sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...Nakita ko siya kagabi sa

panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng

isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi

ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong

buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring

paluhain...Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng

pangunahing tauhan;sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-

wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin.

Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo

akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...Ngunit, bakit

napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang

balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya

ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham

na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang

binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang

palad ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri;

ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...Ang

katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko

ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang

kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama

ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang

74
masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang

aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang

kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang

pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa

ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga

daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong

kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos

kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura

pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili

ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama

ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa

akin.Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina

ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-

idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...Ang

kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang

nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng

kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang

kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal

ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin

kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y

aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog

na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil

niya ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na

iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo

niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang

mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga

matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na di

mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin

75
mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko… Kinagat ni ina nang

mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko maamin kay ina

ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina

ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga

mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na

wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang

nadama ng kalilisang kaluluwa…

GAWAIN 1.3.2.c. : LINAWIN MO!


Sa gawaing ito kailangang maibigay mo ang kahulugan at magamit sa
sariling pangungusap ang mga salitang nakasulat nang pahilig.

1. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi.


Kahulugan:
__________________________________________
Pangungusap:
__________________________________________

2. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay
tigang na lupang uhaw na uhaw.
Kahulugan:
__________________________________________
Pangungusap:
__________________________________________
3. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig
siya.
Kahulugan:
__________________________________________

76
Pangungusap:
__________________________________________
4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat
ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan
ng amerikana ni Ama.
Kahulugan:
__________________________________________
Pangungusap:
__________________________________________
5. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong
naibigay na ginhawa.
Kahulugan:
__________________________________________
Pangungusap:
__________________________________________

Ngayong nabigyan mo ng kahulugan ang mga salitang nakasulat nang


pahilig at nagamit mo pa sa pangungusap, marahil nakatulong ito upang mas
lalo mong maunawaan ang kuwento. Makakaya mo ring sagutin ang ilang
kasunod na mga tanong na may kaugnayan sa paksa.

GAWAIN 1.3.2.d : SA BISA NG KARUNUNGAN


1.Paano sinimulan ang maikling kuwento?
2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa
nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga
manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan.

1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder.

Kasukdulan

77
Kakalasan
Papataas
na Aksiyon

Panimula Wakas

Panimula:
________________________________________________________
Papataas na Aksiyon:
________________________________________________________
Kasukdulan:
________________________________________________________
Kakalasan:
________________________________________________________
Wakas:
________________________________________________________

2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari?


3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento?
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng
kuwento, paano mo ito gagawin?

5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka


sa iyong isinusulat?

78
Ugnay-Panitikan
ANG BANGHAY

ng banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento
ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung
may mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumsunod:
ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas? Sinasabing
ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.

Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng


kuwento.
a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento
b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan
c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng
kuwento.

Matapos mong malaman ang isa sa mga sangkap ng kuwento alamin


naman natin ang katangian ng kuwento sa Panahon ng Hapones.

GAWAIN 1.3.2.e.. BANDILA


Kahulugan
Pagkatapos Nilalaman(Paksa)
mong basahin ang isang halimbawa ng maikling
_________________ _________________
kuwento sagutin ang mga detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic
organizer. ___ __
_________________ _________________
___ __
_________________
MAIKLING
_ KUWENTO_________________
_______________
Sinasalaming __ Kalagayan ng
_____________
Kultura
_________________ maikling kuwento
_______________
sa Panahon ng
_ 79
Hapones
_________________ ______________
_________________
___ _____
_________________
_________________ _________________
_____ _____

___________ _________
__________________
_________________
_______________

Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong


upang matukoy ang ikinaiiba at kalagayan ng panitikan noong Panahon ng
Hapones.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang
pampanitikan?

2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon


ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila?

3. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan


sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda
nila?

Pagkatapos mong magkaroon ng kaalaman sa maikling kuwento na


lumaganap noong Panahon ng Hapones, tingnan natin ang mas malalim na
mga pangyayari kung ano ang naging sanhi at bunga ng pagsusulat ng mga
manunulat sa Pilipino ng mga akdang pampanitikan sa panahong nabanggit..

Tutulungan ka ng susunod na gawain sa araling panggramatika upang


malaman ang mga detalye kaugnay ng mga sanhi ng paglaganap ng maikling
kuwento at mga bunga nito sa lipunang Pilipino noong panahong iyon.

GAWAIN 1.3.2.f : SANHI AT BUNGA


Suriin at pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga larawan upang
malaman ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa sagutang papel
ang letra na tutugon sa wastong pagtatapat at ang paliwanag sa ugnayan ng
bawat larawan.

80
A
1.

B
2.

3.

Sa bahaging ito nalaman mo na ang isang pangyayari ay may bunga


na maaaring maganda o di kaya’y di kanais-nais. Upang higit mong
maunawaan ang tungkol sa kasanayang sanhi at bunga narito ang mga
impormasyon na iyong uunawain at tatandaan.

81
SANHI AT BUNGA Ugnay-Wika
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at

bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at

nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang

pangyayari at kung ano ang naging epekto nito.

Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil dito, kung

kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa.

Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang

“Bakit ito nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang

pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang

ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga.

Halimbawa:

Sanhi bunga

GAWAIN 1.3.2.g. Buuin Mo!

Sa pamamagitan ng kasunod na sitwasyon, isulat ang sanhi at bunga


nito. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Sitwasyon Sanhi Bunga


1. Magulong pamilya
2. Pakikipagbarkada
3. Pagputol ng mga
puno
4. Maruming paligid
5. Mababang marka

82
Sa gawaing ito, mas lalo mong malalaman kung sapat na ang
kaalaman mo sa maikling kuwento at kasanayang sanhi at bunga sa araling
panggramatika..

GAWAIN 1.3.2.i: BUHAY MO, KUHA KO, KWENTO KO

Nalalapit na ang paggawa ng inyong Year End Issue. Ikaw ay isa sa

patnugot ng pahayagan na naatasang sumulat ng isang lathalain tungkol sa

mag-aaral ng ALS(alternative learning system) na kasama sa nagtapos.

Kailangang makalikha ka ng isang lathalain. Kumuha ka ng 4 na larawan na

patunay ng kaniyang pagsusumikap, i-lay out mo ito at bumuo ka ng maikling

kuwento. Kung wala namang kamera, gumupit ng 4 na larawan na may

kaugnayan sa buhay ng mag-aaral.


Naunawaan mo na ang kaugnayan ng Pananakop ng Hapones sa
tema ng akdang pampanitikan na nangibabaw noon. Lubos mo pang
mauunawaan ang panitikan noon sa susunod na mga gawain.

Pagnilayan at Unawain
1. Saguting muli ang gawain.

TUGON SA PAGKATUTO
(Map of Conceptual Change)

Tahanan ng mga Konsepto


Panuto: Basahin mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at
B. Lagyan ng tsek kung totoo di totoo ang mga konseptong nakasulat.

A. Bago ang B. MGA KONSEPTO C.Pagkatapos


Talakayan ng Talakayan
1. Ang panitikan ay salamin ng
1. Totoo __ pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Di Totoo __ 2. Sa panitikan, malayang naipahahayag ng 1.Totoo __
2. Totoo __ Di Totoo __
mga Pilipino ang kanilang damdamin at
Di Totoo __ 2.Totoo __
saloobin. Di Totoo __
3. Totoo __
3. Ang panitikan ang naging daan upang 3.Totoo __
Di Totoo __
makamit ang kalayaan ng ating bansa. Di Totoo __
4. Totoo __
4. Ang mga paksa noon ay tungkol sa mga 4.Totoo __
Di Totoo __
dayuhang sumakop sa Pilipinas. Di Totoo __
5. Totoo __
5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang 5.Totoo __
Di Totoo __ Di Totoo __
pampanitikan sa pang-araw-araw na
buhay ng mga Pilipino.

83
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong napansin sa kinalabasan ng iyong mga sagot?


2. Tama ba ang mga ito? Nagawa mo bang iwasto ang mga dating
mali?
3. Bakit kaya sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga akdang
pampanitikan na nangibabaw sa panahong naisulat ito?

2. 1. Sa pamamagitan ng kasunod na dayagram sa ibaba. Sagutin kung


paano nakaimpluwensiya ang mga Hapones sa panitikan noong
panahong sinakop nila ang Pilipinas?

2. Sa iyong palagay, nakatulong kaya ito sa pagpapalaganap


o pagpapaunlad ng panitikan?

84
Ilipat

Sitwasyon:
Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical

Institute ay nagkakaroon ng eksibit kaalinsabay sa pagdiriwang ng

Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing tanggapan, ikaw

ay naatasang bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan

ng mga orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa tulong ng teknolohiya

at mga larawan dapat na maging malinaw na maipakikita ang

natatanging kultura at kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit ay

sasaksihan ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalang-alang ang

paggamit ng tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at

paggamit ng teknolohiya at kaisahan/ kaangkupan.

Kraytirya Napakahusay Mahusay Papaunlad Kailangan pang MARKA


4 3 2 pag-aralan
1
Gumamit ng mga Gumamit ng mga May mga ilang salita Ang mga salitang
Paggamit angkop at angkop na salita sa na hindi angkop sa ginamit ay hindi
ng salitang magagandang salita pagbuo ng tula pagbuo ng tula angkop sa tula
tugmaan sa pagbuo ng
tula

Mga Makukulay at Makulay at angkop Gumamit ng ilang Hindi angkop ang


Larawan nakakaakit ang ang mga ginamit na angkop na 1 o 2 larawang
ginamit na mga larawan na makukulay na ginamit
larawan na kakikitaan kakikitaan ng larawan na
ng kulturang Pilipino kulturang Pilipino kakikitaan ng
kulturang Pilipino

Paggamit Nakagamit ng mga Nakagamit ng ilang Gumamit ng 1 o 2 Walang ginamit na


ng websites/technology websites/technolog websites/technology websites/technolo
Teknolohiya sa pagpapalawak ng y lamang upang mapalawak gy upang
tema upang mapalawak ang paksa mapalawak ang
ang tema paksa
Angkop ang Maayos ang mga Hindi masyadong Walang
Kaisahan pagkakaayos at larawan batay sa maayos ang mga kaugnayan ang
Batay sa pagkakaugnay ng tula tema larawan at mga larawan
tema at at larawan batay sa pagpapaliwanag batay sa tema
Pagkaka- tema
roon ng
Orihinalidad
KABUUANG
MARKA

85
Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagawa ng mga
gawain sa mga aralin sa modyul na ito , Panitikan sa Panahon ng Hapones.

VII.Pangwakas na Pagtataya (Ang Panitikan sa Panahon ng

Hapones)
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa pahalang at pababa.Gawin
sa papel. Gayahin ang pormat.

1. 2.
3. 4. ABB 5.

7.
8.
9.

86
Pababa
1. Isang uri ng akdang pampanitikan
2. Sa panahong ito naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino
3. Ito ay walang antalang bugso ng tinig na ang bawat pantig
ay laging may isang patinig

4. Lima – Pito - ______


5. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat
taludtod.

6. Ibang salita ng sagot


Pahalang

2. Tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa


tatlong taludtod

7. Ang tanaga ay binubuo ng _____ pantig bawat taludtod.


8. Uhaw ang ______ na Lupa
9. Isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang
matayog na guniguni at marangal na kaisipan.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
( para sa Modyul 1)

Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng paglalagom


ng tungkol sa kalagayan ng panitikan sa tatlong panahon na
nakapaloob sa modyul na ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Panahon ng Espaṅol at Panahon ng Hapones.
Ang modyul na ito ay tungkol sa panitikan na

binubuo ng tatlong panahon ay lubos na ____________sa

akin sapagkat ________________________________

Katulad ng Panahon ng ______________ ay nalaman

ko na _________________________, di rin pahuhuli

ang Panahon ng _________ ay

______________________ maging ang Panahon ng

___________.

Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/

nagbigay ________________ upang mas lalong


87
______________ ito ay aking _________________.
ILIPAT ( para sa Modyul 1 )

Sitwasyon

Nalalapit na ang Araw ng Kalayaan. Ang SK chairman ninyo ay

naglunsad ng isang patimpalak na gawain sa paggawa ng scrapbook ng mga

orihinal na akdang pamapanitikan ng na lumaganap sa Panahon ng Katutubo,

Espaṅol at Hapon. Ikaw bilang kabataan ay sasali sa patimpalak na ito

upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan

na lumganap sa tatlong panahong nabanggit.

a. May halimbawa ng bawat akdang pampanitikan na lumaganap


sa Panahon Katutubo, Espaṅol at Hapones.
b. Orihinalidada
c. Kakangkupan ng mga salitang ginamit

Natapos mo na ang hulig bahagi ng modyul na ito. At


naninaiwala akong buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo

88
ang aking pagbati. Iminumungkahi kong sagutin mo ang pangwakas na
pagsusulit upang higit mong matiyak na talagang naunawaan mo na ang
mga araling nakapaloob s modyul na ito. Simulan mo na!

VII.PANGWAKAS NG PAGSUSULIT (MODYUL 1)

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na mga tanong

1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na


makapagsulat sa wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit
ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng
buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang
isusulat kaya lumaganap ang tanaga at haiku. Aling pahayag ang
nagpapakita ng sanhi ng pangyayari?

a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino


b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat
c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon
d. lumaganap ang tanaga at haiku

2. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw


ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag?

a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari


b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya
c. nagpapakita ng katotohanan
d. opinyon lamang ng iba

3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang
puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi. Ano ang nais
ipahiwatig ng sitwasyon?

a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan


b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari

89
4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong “Uhaw ang Tigang
na Lupa”, ano ang ibig sabihin ng, “ tila musmos akong dumarama sa init
ng kanyang dibdib”?

a. batang nasa tabi ng ina na natutulog


b. sanggol na kalong kalong ng ina
c. nakikiramdam sa pintig ng puso
d. masama ang pakiramdam

5. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng


Hapones ngunit nagiging gabay ang mga ito ng buhay. Anong akdang
pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag?

a. karunungang - bayan
b. tanaga at haiku
c. bugtong
d. tula

6. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento na nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.

a. banghay
b. tagpuan
c. tauhan
d. tema
7. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang-
masaya siya na nag-aayos ng kaniyang mga paninda ngunit walang ano-
ano’y dumilim kaya’t nasabi niyang “uulan na naman”. Nalungkot siya. Kapag
umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag
ang pangungusap na walang paksa?

a. Maagang gumising.
b. Uulan na naman.
c. Masayang- masaya siya.
d. Nalungkot sita.

1. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito?
Damdamin ng Isang Ina

90
ni Asuncion B. Bola

Nasasaktan man ako


Sa aking mga desisyon
Paninindigan ito
Sa ikabubuti mo.

a. pagdidisiplina sa kaniyang anak


b. paglayo sa kaniyang minamahal
c. pagpaparaya sa kaniyang mahal
d. nararamdaman ng isang tao

2. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng Disyembre. Sa gulang niyang


pitong taon, masaya siya kapag sumasapit ang buwang ito. Tsokoleyt,
damit at laruan ang kanyang natatanggap. Pasko na bukas. Sa oras na ito
kaiba ang kanyang nadarama. Lungkot. Ito ang araw na iniwan siya ng
kanyang ina at namayapa. Anong uri ng pangungusap na walang paksa
ang mga salungguhit na pahayag?

a. penomenal
b. eksistensiyal
c. temporal
d. modal

3. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag-


aaral siya ang naging valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag
ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari?

a. sa kanyang pagiging matiyaga


b. naging valedictorian ng kanilang paaralan
c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba
d. masipag sa pag-aaral

8. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

91
Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng
pahilig?
a. sukat
b. aliw-iw
c. tugma
d. indayog
9. Kung ang bayang ito’y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit

Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang


nais ipakahulugan nito?

a. labag sa kalooban
b. tatalikod
c. di sang-ayon
d. magsasawalang-kibo

10. Saan nabibilang ang pahayag na “ Ang lahat ng palayok, may katapat
na saklob”?

a.bugtong
b.salawikain
c.sawikain
d.sabi-sabi

14. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng


isang mas mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong
salita ang binibigyang- turing ng mga salitang nakahilig sa
pangungusap?

a. siya
b. malayo
c. namatay
d. pag-asam

92
16. Balikang muli ang pangungusap na nasa blg. 14. Ano ang tinutukoy ng
mga salitang nakahilig?
a. panahon
b. lugar o lunan
c. paraan
d. kaisipan

17. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang
mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali?
a. palatuntunan
b. nagsipagdalo
c. pawisan
d. nag-umpisa

18. Ano ang tinutukoy ng salitang tanghali sa pangungusap blg. 17?


a. paraan
b. panahon
c. panahon o lugar
d. dahilan
16. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong
masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil
kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking
pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob
ng pangungusap?

a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing


b.nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon

20. Ano ang salitang ginamit na nagpapakita ng paghahambing na di-


magkatulad?

a. di- gaano

93
b. labis
c. c. dahil
d. tulad

Natapos mo na ang Modyul 1. Nakatitiyak ako na naunawaan mo


ang mahahalagang konsepto sa bawat aralin dahil buobng bisa mo
itong nailipat sa tunay na sitwasyon na magagamit mo sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Sa modyul na ito ay napag-aralan din natin ang
ilang akdang pamapanitikan na lumaganapa sa tatlong panahon.
Pagkatapos ng Panahon ng Hapones, ang Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at Kasarinlan naman at ang panitikang namayani sa bawat
panahon an gating pag-aaralan. Muli, maligayang pag-aaral.

MODYUL 2: SANDIGAN NG LAHI …


IKARANGAL NATIN

I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG


Kumusta na? Ikinatutuwa ko ang iyong pagtatagumpay sa
pagsagot sa Modyul 1. Muli, magbubukas ako ng mga bagong gawain at
aralin para naman sa Modyul 2 at ito ay nakatuon sa ilang akdang
pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano,
Komonwelt at Kasarinlan. Ang ilan sa mga ito ay ang Balagtasan,
Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang tungkol
sa araling panggramatika tulad ng Panandang Diskurso, Kaantasan at
Kayarian ng Pang-uri, Iba’t ibang Paraang Ginagamit sa Pagpapahayag
ng Pagsang-ayon at Pagsalungat, at Aspekto ng Pandiwa.

Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong


Panahon ng Amerikano? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang
pampanitikan sa panahong ito? Malaya ba ang mga manunulat sa
Panahon ng Komonwelt? Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng
damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang
maipahayag nila ang damdaming makabayan sa Panahon ng
Kasarinlan? Tunay bang ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang

94
bansa? Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t iba’t ibang
panahon? At bakit kailangang magkarooon ka ng kaalaman at
kasanayan sa gramatika? Nakatutulong ba ang mga ito sa pagiging
mabisa sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o pananaw ng isang
tao? Ang mahahalagang tanong na ito ay magsisilbing gabay mo sa
pagtuklas ng mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito.

Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto


na nakapaloob sa modyul na ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, ikaw
ay inaasahan kong makikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang
video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili
pa sa kasalukuyan, nabago at nawala na. Narito ang mga tiyak na aralin
na iyong pag-aaralan sa Modyul 2.

II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO

Sa modyul na ito ay masasagot mo ang mahalagang tanong kung


pag-aaralan mo ang sumusunod na aralin.

Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano


Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de
Jesus

b. Wika: Opinyon o Katotohanan


Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes

b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri


Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt
Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati)
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon

b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

95
Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes

b. Wika: Kayarian ng Pang-uri


Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan

Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento


“Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
ni Genoveva Edroza Matute

b. Wika: Aspekto ng Pandiwa


Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar

b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Aralin 2.1 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa Balagtasan at


Sarsuwela na lumaganap sa Panahon ng Amerikano na
sumasalamin sa kultura at kalagayang panlipunan ng mga
Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan;

Aralin 2.2 – makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at


Maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Komonwelt
upang mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan
ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito;

Aralin 2.3 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at


dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong
mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito.

III. MGA INAASAHANG KASANAYAN


Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman
at kasanayan:

Mga Kasanayang Pampagkatuto


MODYUL 2 Pakikinig
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong
Sandigan ng napakinggan
Lahi…Ikarangal  Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang
Natin pinakinggan
 Naibubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto
 Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at
kahalagahan ng mga dulang pantanghalan sa buhay

96
ng mga tao/ mag-aaral
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa
napakinggan
 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng
nagsasalita
 Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang
paksa at karanasan
 Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa
napakinggan

Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong


napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding)

Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa


mga ideyang pinakinggan
 Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa
pagpapahayag ng sariling puna

 Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa mga


inaakalang maling pananaw o impormasyong
napakinggan

Pagsasalita
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap
na nagbibigay pahiwatig

Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng


pang-uri tulad ng:
 lantay
 pahambing
 pasukdol

Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at


saloobin
 Nakapagsasadula ng dulang pantanghalan
(Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng
Amerikano
 Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga
patunay
at katuwiran
 Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay
sa iba’t ibang sitwasyon
 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,
opinyon

97
at saloobin batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng
teksto

Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa


mga bagay na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang
sa damdamin ng kausap)

Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam

Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino


gamit ang panitikan

Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng


simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling
atin

Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano


mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan

Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang ilang akdang Panitikan batay sa mga
katangian nito
 Balagtasan
 Sarsuwela

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa


pamamagitan ng:
 pagkilala sa kahulugan ng mga salita
 kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akdang


pampanitikan ay nakatulong upang maipahatid ang layunin
ng may-akda

Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:


 paksa
 layon
 tono
 pananaw
 gamit ng salita

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin

98
sa mga akdang binasa

Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa:


 sarili
 kapaligiran
 ibang tao

Naipaliliwanag ang mga elemento ng isang akda


 maikling kuwento
 dula

Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng


mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos
ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod
 Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o
kaisipang nakasaad sa binasa
 Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto
 Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa


mapanuring pagbasa ng teksto/akda
 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto/akda
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang
nakapaloob
sa teksto/akda

Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o


proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto

Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan


at katangian ng mga ito:
 Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng
pagpapaikli ng paksa
 Nasusuri ang layunin ng paksa
 Nasusuri ang mga uri ng panitikan at ang
katangian ng bawat isa
 Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga
kilos o gawi ng mga tauhan
 Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at
pahiwatig
na ginamit sa akda
 Naibubuod ang binasang akda

99
Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang
binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan,
at wakas

Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng


mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak
ang kakayahan at pananaw sa buhay

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng


akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng
may-akda

Nakapagbibigay-hinuha sa
 pangyayari
 kaalaman
 pakay o motibo
 layunin ng may-akda

Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa


kulturang Pilipino noon at ngayon

Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa

Naisasaayos ang mga pangyayari sa Maikling kuwento/Dula


ayon sa wastong pagkakasunod-sunod

Nasusuri ang bahagi ng Maikling kuwento/Dula/Sanaysay

Napaghahambing ang elemento ng Maikling kuwento sa


Dula

Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y


nanatili, nabago o nawala na

Pagsulat
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang
binasa at sa:
 pamantayang pansarili o pansariling karanasan
 pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang
babasahin

100
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/
iskrip

Nakasusulat ng talata na may pangunahin at pantulong na


kaisipan

Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng


Filipino sa pagsulat ng talata
 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak
ng paksa:
 pagbibigay ng depinisyon
 paghahalimbawa
 paghahawig o pagtutulad

Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob at pagitan ng


talata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng:
 pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang
pagkakasunod-sunod
 paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal
 paglalahad ng mga pangungusap na may
magkatulad na pagkakabuo

Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata


 Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang
malinaw
ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng
komposisyon
 Nagagawang kawili-wili ang panimula ng
komposisyon
sa pamamagitan ng isang:
 kaakit-akit na pahayag
 napapanahong sipi o banggit
 Nawawakasan ang komposisyon nang may
pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng:
 pagbubuod
 makabuluhang obserbasyon

Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri


ng paglalahad
 Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat
ng sanaysay
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa

101
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon
 Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-
ugnay na ideya at impormasyon
 Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa
 Nakabubuo ng isang:
 makatawag-
pansing
simula
 mabisang
wakas

Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan,


at opinyong nakapaloob sa teksto kung:
 totoo o hindi totoo
 may pagbabatayan o kathang-isip lamang
 mabuti o masama
 katotohanan o opinyon

Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman


ng akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di-
makatotohanan gamit ang graphic organizer

Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar


na pinagmulan

Nakasusulat ng talatang:
 naglalarawan
 naglalahad
 nagsasalaysay
 nangangatuwiran

Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda


hango sa sariling karanasan
 nasaksihan
 napakinggan/napanood/nabasa

Tatas
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan
sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo

Naipamamalas ang makahulugan at masining na


pagpapahayag
para sa mabisang pakikipagkomunikasyon

102
Nagagamit ang magagalang na pananalita
sa pakikipagkomunikasyon

Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa


komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at
pagkakataon

Pakikitungo sa Wika at Panitikan


Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at
pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood,
nabasa o napakinggan

Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng


pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda

Nalilikom ang mga panoorin na namayani sa panahon


ng Amerikano

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang


sanggunian sa aklatan/internet

Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon


sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang


sanggunian sa aklatan/internet

IV.KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob
sa Modyul 2 na iyong pag-aaralan.

SANDIGAN NG LAHI…IKARANGAL NATIN

1.1: a. Panitikan: Balagtasan


Aralin 1 : “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
ni Jose Corazon de Jesus
Ang Panitikan sa
b. Wika: Opinyon o Katotohanan
Panahon ng 1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
Amerikano “Walang Sugat” ni Severino Reyes 103
b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
2.1: a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati)
Aralin 2 : “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon
b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag
Ang Panitikan
2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento
sa Panahon ng “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes
Komonwelt b. Wika: Kayarian ng Pang-uri

3.1: a. Panitikan: Maikling Kuwento


Aralin 3 : “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
ni Genoveva Edroza Matute
Ang Panitikan sa
b. Wika: Aspekto ng Pandiwa
Panahon ng
Kasarinlan 3.2: a. Panitikan:Dula
“Sinag sa Karimlan.” ni Dionisio Salazar
b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat

Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito,


narito ang ilang gabay. 1.2 - a. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni
1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan.
Severino Reyes
2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain.
b. Wika:Kaantasan ng Pang-uri
3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng epiko.
4. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad
5. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa
sitwasyon.

Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang
pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag.
Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang
pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga
aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot
habang pinag-aaralan mo ang araling ito.

V. PANIMULANG PAGTATAYA
Unang Bahagi

104
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na
tanong/pahayag.

1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento.


a. Rogelio R. Sicat
b. Deogracias A. Rosario.
c. Narciso Reyes
d. Liwayway . Arceo
2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa
Panahon ng Komonwelt.
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na
Panitikan.
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga
kuwentista.

3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.”


a. salaysay
b. komposisyon
c. talumpati
d. sanaysay

4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng


sumusulat at bumabasa.

a. malayo ito sa damdamin ng madla


b. napakahirap nitong gawin
c. dahil nagmula ito sa ibang bansa.
d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik.

5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan.


a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit
lumalaban.
b. Mayroon itong isahang yugto.
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining.

105
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at
pamilyar dahil nang-aaliw.

Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang
masagot ang kasunod na mga tanong.

Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais

Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik.

Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig

Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip;

Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig,

Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;

Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,

Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit.


Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso
at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle

6. Anong uri ng panitikan ang binasa?


a. Balagtasan
b. Batutian
c. Karagatan
d. Duplo

7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda?


a. May-akda
b. Lakandiwa
c. Mambabalagtas ng Puso at Isip
d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran

8. Anong sukat mayroon ang akda?


a. wawaluhin
b. lalabindalawahin
c. lalabing-animin
d. lalabingwaluhin

9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda?


a. Kabutihan – Di-kabutihan

106
b. Dunong - Pagmamahal
c. Tagumpay o Kabiguan
d. Isip at Katuwiran

10. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na


binasa?
a. pagkain
b. kayamanan
c. pag-ibig
d. karangalan

11. Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik?


a. pangngalan
Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong
mananakop.
b. panghalipSubalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit,
angpangalawang
c. pang-uri hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay,
ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa
d. pandiwa
nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog
sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong
hinigpitan nila ang iyong tanikala.
Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi
kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong
“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan.
iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang
Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at
nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga
tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?”
tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa
Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng
kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng
mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap
apat na raang taon.
ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan
Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na
ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan,
ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala.
at paulit-ulit na pinapatay.
Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo
ang mga latay na tumimo sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang
malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos
mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay
mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.

Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.

107
12. Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon?
a. tula
b. nobela
c. maikling kuwento
d. sanaysay

13. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda?


a. pagiging isang politiko
b. pagpapakita ng damdamin
c. kahirapan
d. pagpapahayag ng saloobin

14. “Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng


salitang may salungguhit?

a. bilangguan
b. kalayaan
c. sakit sa katawan

108
d. kadena
15. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda?
a. Amerikano
b. Hapon
c. Español
d. Tsino
16. Sino ang kausap ng manunulat sa akda?
a. dayuhan
b. Pilipino
c. namumuno sa pamahalaan
d. kabataan

17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?


a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang
mga latay na tumimo sa iyong isip.

b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa


bayang Pilipinas.

c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.

d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong


kahapon.

18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga
Pilipino?

a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan


na malaon nang ginagamit

b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop


sa bansa

109
c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na
pilit na ipinapalit sa sariling wika

d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang


mangyari

19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga


Amerikano?

a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga


Amerikano

b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino

c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa


kanilang katawan

d. dahil maging ang lupang sinilangan – ang Pilipinas ay hinahamak


na rin ng mananakop

20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya


mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan?

a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan

b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa

c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in

d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling


pag-unlad

Ilan sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang


mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang
maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral.

VI. YUGTO NG PAGKATUTO


ALAMIN

Hindi maikakailang isa sa ipinagmamalaki ng ating


bansa ang ating sariling panitikan. Bago pa man dumating ang mga

110
Amerikano, nagkaroon ng sariling pamahalaan hanggang sa makamit
ng bansa ang kasarinla. Ang panitikan ay kinagigiliwang basahin ng
ating mga kababayan. Dahil sa ito ay bahagi na ng ating buhay,
nararapat lamang na ito ay pag-aralan upang lalo pa itong maunawaan.

Ano ba ang iyong paniniwala tungkol sa panitikan? Sa tulong ng


Beliefs Inventory, alamin natin ang iyong paniniwala tungkol dito.
Pagkatapos ng lahat ng gawain sa modyul na ito, bago ang pagtatapos
na pagtataya, muli itong balikan upang matiyak na ang iyong paniniwala
ay wasto o mali.

GAWAIN 2.1: BELIEVE IT OR NOT…

Lagyan mo ng tsek () ang patlang bago ang pahayag na iyong


pinaniniwalaan tungkol sa panitikan. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na
ito ay muli itong balikan at ilagay sa dulo ng pahayag ang MK kung ito ay
may katotohanan at WK kung ito ay walang katotohanan.
Naniniwala ako na. . .

_____ Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino.


_____ Malaya ang mga manunulat noong Panahon ng Amerikano.
_____ Ang Balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan.
_____ Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinyon at katuwiran
sa Balagtasan.
_____ Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa.
_____ May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, “Walang
Sugat ni Severino Reyes.”
_____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon
ng Komonwelt.
_____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri
upang mas maging masining ang kanilang akda.
_____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon
ng Amerikano.
_____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng

111
Amerikano, Panahon ng Komonwelt at Panahon ng Kasarinlan
ang kulturang Pilipino.

Tingnan mo sa kalakip na Susi sa Pagwawasto ang tamang sagot.


Kung nasagot mo nang wasto ang 8 – 10 na aytem, napakahusay! Binabati
kita sapagkat may ideya ka na sa ating magiging aralin. Kung 5 -7, mahusay
sapagkat may kaalaman ka na rin sa magiging aralin na palalawakin pa natin
sa tulong ng mga gawain o pagsasanay. Kung 4 pababa ang iyong nakuha,
huwag kang malungkot sapagkat ang modyul na ito ang iyong magiging
gabay upang lumawak ang iyong kaalaman sa aralin.

GAWAIN 2.2. IMPORTANTASTIK


Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahanga-
hangang impormasyong iyong nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng
Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito sa blangkong bilog.

PANITIKAN

112
Marami ka bang naisulat na impormasyon? Ang mga impormasyong
iyong naitala ay nagpapatunay kung gaano na ang alam mo sa nilalaman ng
modyul na ito. Kung kaunti lamang ang iyong naisulat ay huwag kang mag-
alala sapagkat tutulungan ka ng mga gawain at pagsasanay na inihanda ko
upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan.
Halina’t simulan na nating paunlarin ang iyong dating ng alam.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito, pauunlarin natin ang ang iyong kaalaman at


kakayahan sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng panitikan tulad ng
Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula sa iba’t
ibang panahon. Ang mga impormasyon, gawain at pagsasanay na
nakapaloob sa bawat aralin ay makatutulong upang palawakain pang
lalo ang iyong kaalaman sa panitikan at nang sa ganoon ay matuto
itong pahalagahan bilang salamin ng ating lahi mula noon, sa
kasalukuyan at maging sa hinaharap. Bibigyang-pansin din sa modyul
na ito ang pag-aaral tungkol sa wika tulad ng mga pahayag na may
opinyon at katotohanan, kaantasan ng pang-uri, iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag, kayarian ng pang-uri, aspekto ng pandiwa, at mga
pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.

Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at


kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 2.1 ng modyul na
ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano.

ARALIN 2.1: ang panitikan sa Panahon ng Amerikano

I. Panimula at mga Pokus na tanong


Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Español, edukasyon
naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa
Pilipino. Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na
nagsulat sa Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit
mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikang
Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad
ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat
ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa
mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang
pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng
mga batikang manunulat ng bansa.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito

113
Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang
Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na
aralin na nakapaloob sa modyul na ito:
Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano

Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan


“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
ni Jose Corazon de Jesus

b. Wika: Katotohanan at Opinyon

Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela


“Walang Sugat” ni Severino Reyes

b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri

III. Mga Inaasahang Kasanayan


Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa
pagtalakay mo sa araling ito

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa sa Napakinggan
Aralin 2.1
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong
napakinggan
Ang
Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang
Panitikan sa pinakinggan
Panahon ng
Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto
Amerikano
Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagan
ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-
aaral

Pagsasalita
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap
na nagbibigay pahiwatig

Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng


pang-uri tulad ng:

114
 lantay
 pahambing
 pasukdol

Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at


saloobin

Nakapagsasadula ng mga dulang pantanghalan (Sarsuwela)


na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano

Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian
nito
 Balagtasan
 Sarsuwela

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa


sa pamamagitan ng:
 pagkilala sa kahulugan ng mga salita
 kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng genre


ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda

Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:


 paksa
 layon
 tono
 pananaw
 gamit ng salita
Nailalahad ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob
sa akdang binasa

Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa:


 sarili
 kapaligiran
 ibang tao

Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda

Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo


ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-
aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-
sunod

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin


sa mga akdang binasa

Pagsulat

115
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang
binasa at sa:
 pamantayang pansarili o pansariling karanasan
 pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang
babasahin

Nakagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/


iskrip

Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng


pangunahin
at pantulong na kaisipan

Tatas
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan
sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo

Pakikitungo sa Wika at Panitikan


Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at
pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang
napanood,nabasa, o napakinggan

Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik


Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

Nalilikom ang nakakalap na mga panoorin na namayani


sa Panahon ng Amerikano

Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon


sa isinagawang pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang


sanggunian
sa aklatan/internet

Nakapagsasagawa ng isang panayam sa mga taong may


sapat na kaalaman sa Sarsuwela at Balagtasan

IV. Konseptuwal na Balangkas


Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa
modyul na ito na iyong pag-aaralan.

116
Ang Panitikan sa
Panahon ng Amerikano

a. Panitikan: Balagtasan a. Panitikan:


Bulaklak ng Lahing Sarsuwela Walang
Kalinis- linisan ni Jose Sugat ni Severino
Corazon Reyes
de Jesus
b. Wika : Katotohanan b. Wika: Kaantasan
o Opinyon ng Pang-uri

V. Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay
panimulang pagtataya na hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang
mga akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong.
Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na
ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali
ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo
ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan.

A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa


umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita
ng tamang sagot.

G A L D E B A T E N B D
D E I U A D T T A H K O
S H U P D A G L I L M O
A B A L A G T A S A N N
N A T O S I R C S D T O
E L N H B A T U T I A N
L A K A N D I W A D G A

117
K S A K G I B I B M A M

B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap


upang mabuo ang diwa nito.

1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang


tanghaling Ama ng Balagtasan.

2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya


si Maria Asuncion Rivera.

3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa


edukasyon.

4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin


ang ating bayan gaya ni Balagtas.

5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon


at kultura para sa susunod na heherasyon.
Sa aking palagay Naniniwala akong rin
Sa dakong huli Tungkol sa para sa
Walang dudang bigyang-pansin
Sa madaling salita kaya lamang

Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang
mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo
ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano.

VI. Yugto ng Pagkatuto

Alamin
Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na
( What do you Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do
you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong malaman (How can
you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan?
(What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin
mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-
aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Gawin mo
ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart

Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan


ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan .
118
Ano ang alam Paano mo Ano ang
mo na ? Ano ang nais makikita ang iyong
(What do mong nais mong natutuhan/
you malaman? malaman? naunawaan?
(What do you (How can you (What did you
Know?) want to find dind out what Learn?)
out?) you want to
learn?)

K W H L

Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman –


ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa
mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa
mga tanong na iyan.

GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN?


Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong
nalalaman sa Panahon ng Amerikano.
Mga
Manunulat Mga Akda
Panahon
ng
Amerikan
o

Kultura

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo,


nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin.
Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng
modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

Paunlarin

119
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo
ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin
nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng
pag-unawa!

Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa


bahaging ito – ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa
Balagtasan (Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo.
Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano,
batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya
ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco
Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag
sa Balagtasan.

Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang


malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: “Masasalamin
ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan.” Narito ang mga gabay
na tanong upang masagot mo ito.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang Balagtasan?
2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan?
Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan?

4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating


bansa?

Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa


pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot.
Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa
pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga
natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal
na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga
pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang
opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang
maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at
kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d)
napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang
pagkakagamit ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa
ating gagawing pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan.

GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINES


Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin
mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang
isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa

120
Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na
ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong.

Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang


pangalan mo sa isip ko…
1. Aklat ka ba?
2. Papel ka ba?
3. Table of Contents ka ba?
4. Bagyo ka ba?
5. Teleserye ka ba?

Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito?


Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa
kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at
ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang
nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng
paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang
ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang
nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan.

Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating
pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot.

Natutuhan Ibig ko pang


ko na Naging malaman
kawili-wili sa ang tungkol
akin ang sa

GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH!


Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong
nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa

121
kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng
panitikan.

Balagtasan

_________________ _________________ _________________


_________________ _________________ _________________
_________ ___________ __________

Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo


ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin.

Basahin at unawain.
Ugnay-Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng
Balagtasan

Ang Balagtasan ay isang

pagtatalo sa pamamagitan ng

pagtula. Nakilala ito noong panahon

na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon

ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.

Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na

sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May

tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang

biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng

dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at

binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga

Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi

ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na

122
gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat

isaalang-alang.

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo

ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na

nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig,

isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng

katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba

ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula,

layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng

katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang

Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang

palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.

Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang

mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa

Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay

naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata

na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2.

Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an”

ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.

Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong

pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa

mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at

Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na

magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang

kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip.

Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si

Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng

123
Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute"

dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.

Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang

Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga

makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng

Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si

Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng

Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga

samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon

ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan.

Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng

tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga

tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating ( con todo forma) sa

publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig

( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang

panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.

Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan


ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod
na gawain.

GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan.

B
A Pagkakaiba Duplo
L
A Karagatan
G
T Pagkakatulad
A Batutian
S
A
124
N
2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo
ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na
basahin, palaganapin at pahalagahan ito?

3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang


kasunod na mga tanong.

BALAGTASAN

Ano-ano ang Bakit mahalaga ang Bakit mahalaga ang


elemento ng mga tauhan? mga elementong
Balagtasan? (Lakandiwa at sukat,tugma at
Mambabalagtas) indayog sa isang
Balagtasan?

4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan.


Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram.
Gawin ito sa sagutang papel.

Papel na Ginagampanan
sa Balagtasan

MAMBA-
MANONOOD
BALAGTAS

___________________
___________________
__________________

Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag-
aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang
basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang
masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain.

BALAGTASAN:

125
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
- Jose Corazon de Jesus

Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal


Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata


At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong balagtasa'y galing kay Balagtas


Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan


Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wika.

Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat


Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paruparong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakandiwa,


Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paruparo sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko

126
Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin


Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,


Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo,
At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin


Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay


Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang  dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang araw


Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.

Isang panyong puting may dagta ng lason

127
Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabol-habol ko ang bango at samyo


Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohanan


Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig


Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapa


Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,


Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayaw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y


Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig


Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,

128
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim


Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
“Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo


At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap


Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,


Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay


Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang


Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinahanap?

Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin


Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan namin
Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,

129
Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla


Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan


Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

Ang inyong taguan, akala ko’y biro,


Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


Giliw kong bulaklak din dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit


At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung di makita’y di na magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad


Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
‘Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,


Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,

130
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak


Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang


Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sanga


Na balot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon namin ay magkasama na.

Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw


Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy


Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan


Na kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig


Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot


Nakikiinom ka ng patak ng hamog,

131
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;


Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo,


Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saan man pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,


Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,


Iyong mga bulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap


Lalo na ang tahimik na  tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t dito


Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog


Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,

132
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang


Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,


Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.

Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga


At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa


Sa taglay kong bulo nilason na kita.

Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.


Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod.

Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,


Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malaman ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak


Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman


Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.

Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong


Dito’y masisira sa gawang paghatol;

133
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito


Na siyang kampupot sabihin kung sino
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,


Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,


Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong


Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid


Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig?

Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing


Daing at panaghoy na kung saan galing,
Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.

Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,


Makapitong lumbay o hanggang matapos.

Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan


Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin

134
Ay di mananakaw magpahanggang libing.

Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang


Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo


Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
(Pagkatapos tumula ni Paruparo)

Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,


Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos tumula ni Bubuyog)


Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.

GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-Salita


Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay
B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Hanay A Hanay B

1. May gata sa dila


____

2. Kapatak na luha b. konti


____

3. Hinagpis ko noong c. mahulog


____ ako’y iwan
d. matinding lungkot
____ 4. Ang binhi ng isang
halaman ay sumupling
e. mahusay bumigkas
135
5. Halakhak ay
____ f. nakaistorbo
nakabulahaw

Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang


simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay
dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng
binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito.
Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat.

GAWAIN 2.1.1.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa.
1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog?
2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata?
Patunayan.

3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong


panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit?

4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang


balagtasan?

Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit?

Ang higit na
matimbang sa inyong
dalawa ay si…
Paruparo
Bubuyog

136
5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at
pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang
kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay.

6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa


kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa
iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Pagkakatulad at pagkakaiba ng
panliligaw ng mga binata sa
dalagahan noon sa ngayon

Pagkakaiba
Pagkakatulad Pagkakaiba

7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang


maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at
pahalagahan ito?

Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan,


magtungo naman tayo sa wika – ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon.
Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at
opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito.

Katotohanan at Opinyon

May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang

sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa

pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na

pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang

maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na

maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan.

Opinyon

Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag

lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga

impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga

137
ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring

mapatunayan kung totoo o hindi.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking

palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,

para sa akin, sa ganang akin atbp.

Halimbawa:

1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala

sa isa’t isa.

2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may

takot sa Diyos.

Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang

sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na

maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang

pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa,

resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula

kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.

Halimbawa:

1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng

nababawasan ang mga out-of school youth.

2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na

unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.

Tandaan:

Katotohanan Opinyon
Pareho ng ur impormasyon
Maaaring mapatunayan na totoo Base sa mga saloobin at hindi
maaaring mapatunayang totoo.

138
Bihirang magbago sa pinagmumulan Madalas nagbabago sa mga
pinagmulan

Batay sa nalaman mong mga datos tungkol sa katotohanan o


opinyon, magkaroon tayo ng pagtataya tungkol dito upang malaman natin ang
iyong naging pag-unawa sa paksang ito. Simulan na natin.

GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O Opinyon

Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon.


1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po
at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang
makikita.

2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang


kinagisnan ang mga Pilipino.

3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon,


ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa
atin.

4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng


paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang
bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas.

5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na


panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon.

Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi


ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin kung alin ang opinyon at katotohanan
batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong
maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang
sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa
sa aralin.

GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN

139
Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga
tanong .

Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at


______________________ bilang parangal sa mga
______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin
_____________________________ ang mga ________________________.
Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng
magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may
_____________________.

Mahusay. Matapos mong masagutan ang ating aralin, ngayon naman


ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang
pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o
sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa
kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa.
Ikaw ay tatasahin sa sumusunod 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at
nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang
argumento sa editoryal.

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos


na aralin. Ngayon ay handa ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman
sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela na namayani
noong Panahon ng Amerikano.

Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang


Sugat” na isinulat ni Severino Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang
binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning
panlipunan at pampolitika noong Panahon ng Español . Ang kathang
pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa
kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito.

Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at


damdaming makabayan ang sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa
bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng
akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes.
Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag-
aaralan natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung
masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng
Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin.

140
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.

Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili


sa sumusunod na mga pangalan na nakilala bilang manunulat at ang
kanilang mga akdang naisulat.

GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo


Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng
panitikan sa Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa
kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A.
Isulat sa sagutang papel ang sagot.
Hanay A Hanay B

a. Walang Sugat
b. Dalagang Bukid
c. Kahapon, Ngayon at
Bukas
d. Ako Ang Daigdig
e. Sa Aking Mga
Kababata
f. Isang Punongkahoy

141
Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi
naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng araling ito na sa
sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling
bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang
tatalakayin.

Alam mo ba …
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na

Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.

Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang

patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at

ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya

tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging

punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga

patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na

espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang

kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento,

nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda

kuwentong ito.

Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang

kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de

Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon,

142
magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga

kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento

na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang

kuwento
AngniSarsuwela
Lola Basyang sa Liwayway
ay isang anyo ng noong
dulang1925. Siya
musikal na ay nakasulat ng 26
unang
na Sarsuwela.
umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na

sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at


Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon
kabayanihan. Hinango
naman ay ating alaminang
angtaguring Sarsuwela
tungkol sa sa maharlikang
kasaysayan palasyo
ng Sarsuwela.
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni

Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang

Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa

Pilipinas.

Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay

namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani

nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang

“Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad

“Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan”, at

Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.”

Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang

pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang

manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng

panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin

nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo

sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal

ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng

malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa

isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay

iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong

pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang 143

iskrip.
Mga Elemento ng Sarsuwela
Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip.

Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-


buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng
iba’t ibang damdamin.

Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang


dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang
tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging
tanghalan din.
Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;
siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang
sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip.

Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at


husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat
tagpo , yugto at bahagi ng dula.

Eksena at tagpo-   Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng


mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

144
Ngayon ay dumako na tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes
na “Walang Sugat”. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa
tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang
araling ito. Halika simulan mo na.

Basahin at Unawain.
Walang Sugat
ni Severino Reyes
UNANG BAHAGI
I Tagpo:
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro


Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inam


Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik


tumutimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot


Panyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.

145
Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.

Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib,


Sabihin sa aking ibig
Na ako’y nagpapahatid
Isang matunog na halik.

Koro : Ang karayom kung iduro


Ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig


Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumigiit.

Mga irog natin naman


Sila’y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot


Panyong ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan


Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

146
Salitain
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.
(Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong ).

II TAGPO
(Tenyong at Julia…)
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang


pagkakayari, nakakahiya.

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog


kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin
kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka


palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod


pala ito sa isang tabong tubig!

Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni


Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod)


Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…

147
Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at


nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang
pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso,


at E. ay Flores.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at


F?
Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin
at ang F ay Frayle.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang


posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na
magsasalita).

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag


hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka.
Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban)

Musika No. 2
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at


‘di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay


talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.

148
Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi


paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa
tuwi- tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na
mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia)
maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).

III TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato?
(Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas. )

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka…


(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

149
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang
tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding
dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay
maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay
kusang lumilipas.

(Telong Maikli) Kalye


IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.


Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay at nakahandang


tunay, laan sa lahat ng bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga


babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa


kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

150
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong
maikli)

V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong
nakatali sa mga rehas).

Salitain
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao
ito…

Marcelo: Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t


kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!


Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya
ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K.
Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang


Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na


dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila
kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon
na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang
kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at


nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong
paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro
que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon?
Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na

151
tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po
isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay


Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan
si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito


lamang.

Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.


Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si
Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na
asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan
Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman


ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso
po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon


ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang


kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si


Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at
buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng
mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis


traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.

152
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo : Bakit ka mumurahin?

Juana : Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin


ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang
inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin
ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang
namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang
pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao
noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao
lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana : Totoo po ba ang sabi mo.

P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi


sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi
mabubuhay sa panay na hangin.

Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking


dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po… Alin po
ang malapit na?

Miguel: Ang… ang… ang…

Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

153
Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.)

Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo : Ano ba ang sinabi mo?

Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka


nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel : Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo : Malapit na ang alin?

Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh,


hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa


mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas


ang mga dalaw).

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa


mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas


ang mga dalaw).

VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae
at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo,
dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang
paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan
na ng mabuting tulugan…

154
Putin : Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin


namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa
naman sila.

Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.

(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a


Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es
necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los
ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. ( Papasok ang mga pari).

VII TAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain

Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay


sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi


dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa
Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang
ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid
lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo!
Nakalulunos ang kamngmangan!

(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid ).

Putin : Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia : Kaawa-awa naman!

155
Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga
buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan,
nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka
namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit
kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang


katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko,
huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana
Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila…
Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang


ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang
dalawang braso’y…)

Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto
sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan,
nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag
namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit
kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin


man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di
makababayad sa utang ng madla.

Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay


daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang

156
ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan…

Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang,


Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang…

Putin : Inggo ko… Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)

Telong Maikli

VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga
bilanggong nangakagapos).
Salitain

Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia,


nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking
dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi
ako makahinga! Ang pusoko’y parang pinipitpit sa palihang
bakal! (Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay
dalhin.

Isa : Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa : Ako ma’y mayroon din.

157
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko


tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin
na.

Isa : Mga tampalasan.

Isa pa : Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si


Julia).

Julia : Tenyong, Tenyong!


Tenyong: Julia!

Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo?


Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw
kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas
kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba
si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang
Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala
ko?

Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng


isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing
gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay


hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng
pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak;
ang Ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo
niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang
ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng

158
paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang
taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin
ay
magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling


tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita;
tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang
ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa
mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga
panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang
agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan
ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang


pagluluwalhati.

Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim


ay mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad


lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming
tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob
ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang
pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao
na ako!

Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay,


bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong: Juliang aking sinta!

Julia : Oh, Tenyong ng buhay!

159
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya
ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni
Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa
ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at
mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).
Telon
Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang
kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia : Wala po!

Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak


at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?

Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang


tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

160
Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata


pa nga- Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t
noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay
tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano
ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba
na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung
may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at
itinutuloy dito.

Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang
pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay
hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y
nagpapahingalay na…

Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana : Siyang tunay!

Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito


po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia : Wala po!

Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman


mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang
wika ko baga, ay bukas- makalawa’y mag-aasawa ka rin
lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!.

Monica : (Sa loob) Pooo!

161
Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin
mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica: Opo (Papasok).

III TAGPO
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,


Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,


At baka di na abutin
Si Julia’y humihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin


Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,


Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawain minsan man isang taon.

Salitain
P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t
napakalumbay lamang…

Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y


nangagsirating…Kahiya-hiya po.

162
P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting


asawa..Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam
makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana : Mabuti po, among.

Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel


ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo.

Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa


isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit
ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana
ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng
liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay
kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat
ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si
Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin
na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.

Ikatlong Bahagi

Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa


liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang
nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng
dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina.

Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni


Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia

163
kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas
kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang
magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong
na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang
“Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng
loob ang kanyang ina.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si


Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari
para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong.
Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal.
Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa
huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal,
bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin
ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang
lahat.

Wakas (Magsasara ang telon)


GAWAIN 2.1.1 h: Hanap - Salita
Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon.
Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap.

Hanay A Hanay B
_____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta
_____ 2. sumisimsim b. kalungkutan
_____ 3. kaparangan c. apihin
_____ 4. malumbay d. awit- panalangin
_____ 5. dalit e. magtaksil
_____ 6. maglilo f. malungkot
_____ 7. magahis g. mamatay
_____ 8. makitil h. mapahamak
_____ 9. aglahiin i. mapulaan
____ 10. pagbabata j. kabukiran
k. pagtitiis

GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard


Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay
dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong
ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari.

164
Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod.
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.


b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana
Putin at pagpapakasal niya kay Miguel.

g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw


ng “Walang Sugat”.

h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.


i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.
j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang
mapalaya ang Inang-bayan.

GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang
masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito.

165
1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang
binurdahan?

2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong


pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle?

3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

WALANG SUGAT

JULIA TENYONG LUKAS JUANA

___________ ___________ ___________ ___________


___________ ___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________ ___________
4.Gamit ang Venn Diagram,
________ ipakita ang pagkakatulad
________ ________ at pagkakiba ni Julia
________
sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang
pormat.
Pagkakatulad

JULIA

KABABAIHAN SA
KASALUKUYAN

Pagkakaiba Pagkakaiba

5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang
lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba
sa pasiya ng iyong ina? Bakit?.

6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II.


7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit?
8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.

166
Mahusay ang iyong ginawa. Madali mong naunawaan ang simulang
bahagi ng aralin. Alamin mo naman ang kaligirang pangkasaysayan ng
Sarsuwela na namayani sa Panahon ng Amerikano. Gagabayan ka sa iyong
pag-aaral ng sumusunod na gabay na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang Sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang
pampanitikan?

4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng


panitikang Pilipino?

5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang


Walang Sugat.

6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano


mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan?

7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang


iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa
dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

PAGSULAT
Ituloy mo ang pahayag…

Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y


, dahil ako’y . kaya nais kong maging
____________________________________________________________
____________________________________________________________
________________

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating


aralin. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan na ginamit ng may-akda
sa binasang Sarsuwela? Marahil ay napansin mo na iba-iba ang antas ng
pang-uri na ginamit ng may-akda upang higit niyang maikintal sa isipan ng
mambabasa ang imahe na nais niyang iwanan sa isipan . Suriin natin ang
ilan sa mga ito.

167
Kaantasan ng Pang-uri

Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri.


Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng
panghalip. Ugnay-Wika

Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o
pangyayari.
Halimbawa:
a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito.
b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.

2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari.


a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at
magsing, magkasin
Halimbawa:
.Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela.
. Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika.

b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi


magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba.
Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di-
gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng
tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa
 Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang
kabataan . 168

 Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras.


Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo.
Pagkatapos mong malaman ang mga impormasyon sa kaantasan ng pang-
uri, ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa sagutang papel
ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap.
(lantay, pahambing o pasukdol).

______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz.

______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-


asa.

______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo.

______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong


sa Dynamic Teen Company ni Peñaflorida.

______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz


sa ibang kabataan ngayon.

______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez.

______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa


kanilang gawain.

______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong


ngunit hindi niya ipinagkait ang lakas niya upang
matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas.

_______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang


mga batang lansangan at nagkalkal ng mabahong basura

169
para makahanap ng anumang bagay na may halaga na
maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya.

_____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang


guro na si Efren Peñaflorida.

Nasagutan mo lahat ang iyong gawain sa pagsasanay na ito. Kung


hindi naman ay okey lang. Gagabayan ka ng araling ito sa paglinang pa ng
iyong kaalaman. Magkaroon ka naman ng paglalagom kung ano ang iyong
naunawaan sa pinag-aralan sa araling ito.

Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay-


turing sa pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o
pagtutulad nito batay sa kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa
ang pagsasalaysay at paglalarawan sa mga tauhang karaniwang ginagamit
sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin ang gawaing aking
inihanda.

Bakit mahalagang
gamitin ang kaantasan
sa paglalarawan?

Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating


pinag-aralang akda, balikan natin ang mahalagang tanong na sumasalamin
ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang-
uri? Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot.

SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG


PILIPINO 170
Napatunayan mo na ang sarsuwela ay larawan ng kulturang Pilipino,
bukod dito isa pa sa mga tulong upang higit na masalamin ang kalagayang
panlipunan. Nakatulong ba ang mga kaantasan ng pang-uri upang mapalabas
ang kulturang Pilipino upang makapaglarawan ng mabisa?

Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong


paglalakbay. Upang matiyak natin na naunawaan mo ang aralin, nais kong
magsaliksik ka ng isang dula na naglalarawan ng kalagayang panlipunan,
kaugalian at paniniwala ng pamilyang Pilipino. Suriin mo ito. Ibuod at
ipaliwanag kung paano inilarawan dito ang mga nabanggit sa itaas.

Pagnilayan at Unawain
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang
pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na nakapoob sa
buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano.
Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung may
mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng iba’t
ibang gawaing iyong pinagdaanan.

1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng


Amerikano?

2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan


sa panahon ng mga Amerikano?

3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan?


Patunayan.

Sagutin mo ang mga nabanggit na tanong sa paraang patalata. Maging


matapat ka sa iyong pagsagot dahil dito ko malalaman kung dapat na
tayong magpatuloy sa susunod na aralin, o balikan pa ang ilang gawain
Saupang
araw sa
na gayo’y
ito naunawaan ko na
magkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa nilalaman ng
____________________________________________________
araling ito. Makatutulong sa iyo kung sasagutin mo pa ang Gawain sa
________
ibaba/kabilang pahina.
Natatandaan ko na natuwa ako sa na
Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang
____________________________________________________
sagot sa iyong dyornal.
________
Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga
____________________________________________________
____________________________________________________171
____________________
__________________________________________________________
______________________

Marahil ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa


balagtasan at sarsuwela. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng
malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-
unawa sa pagkakaiba ng katotohanan o opinyon at kaantasan ng pang-uri.
Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na
lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong
balikan ang Kahon ng Hinuha sa unahang bahagi ng araling ito, at
dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo
kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Maraming salamat.

Ilipat Ang Iskrip at Diyalogo

Sa isang pagtatanghal,
Sa mga natutuhanwalang kuwento
mong mga aralingangpampanitikan
maisasadula at
kung wala
pangwika
ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto-
angmakasulat
ang iskrip. Matatawag lamang
ka ng iskrip na dula ang
at diyalogo ng isang
isang katha
dula kung ito’y
na sumasalamin sa
pamilyang Pilipino. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang
itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na
karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang
pagsulat ng iskrip
magsisilbing gabayat ng
diyalogo ng isang
mga tauhan dula.
upang Atin pang Taglay
magsadula. ipagpatuloy at alamin
ng iskrip
naman kung ano ang iskrip at Diyalogo. Simulan na natin.
ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at

maging ng buong dula.

Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at

iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang

dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula

ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang

mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.
172
Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga

mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan

ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula.

Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng

direktor kung anong magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng

tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at ipahahayag ng

mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda

ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa

ganitong larangan.

Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip.

Paraan ng Pagsusulat

Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula


siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at
pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan
ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at
pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating.
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip

173
1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang
mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig
sa katha.
2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti
kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo.
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang
mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo
ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga
dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan
ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter
(character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba
pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na
lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay
pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat


ng iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang inyong
gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang
sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito.

Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado

ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang

NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay

maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok

sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga

kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na

mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad.

Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling

mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap

ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging

lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal

na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na

makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop

na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura

at paniniwala ng pamilyang Pilipino. 174


Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip at Diyalogo
Mga Pamantayan Napaka- Mahusay Katamta Hindi Nangangailangan
husay mang Mahusay pa ng
Husay Pagpapahusay
5 4 3 2 1

a. Pagkamalikhain

b. Makatotohanan at
kapani-paniwala ang
pagkakasulat ng
iskrip
c. Orihinal

d. Sumasalamin sa
kulturang Pilipino at
naaangkop sa
kasalukuyan
e. Wasto ang
pagkakagamit ng
wika

Interpretasyon
21- 25 -Napakahusay
16- 20 -Mahusay
11-15 -Katamtamang Husay
6-10 -Hindi Mahusay
1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay

Nakumpleto mo na ang araling ito. Bago ka dumako sa susunod na


aralin, Bakit hindi mo subuking itaya ang iyong mga natutuhan? Maaari mo ng

175
sagutan ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na
ang iyong kahandaan. Simulan mo na.

VII. Pangwakas na Pagsusulit (Panitikan sa


Panahon ng Amerikano)

A. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa


sagutang papel.

1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang


paksa na karaniwang may Lakandiwa na namamagitan.

a. balagtasan
b. duplo
c. karagatan
d. karilyo

2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni


Francisco Baltazar.

a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan


b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong
kaniyang kapanahunan.

3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu.

a. Balitao
b. Batutian
c. Duplero
d. Siday
e.
4. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang
kapanahunan.

176
a. Jose Rizal at Andres Bonifacio
b. Juan Luna at Antonio Luna
c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz
d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes

5. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon de


Jesus.

a. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas.


b. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal.
c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan.
d. Pagbibigay-galang it okay Jose Corazon de Jesus.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong anyo ng kaantasan ng pang-uri.


Gawing gabay ang mga salita sa loob ng panaklong. Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang bawat mamamayan ay dapat na (husay) __________ sa


paggamit ng ating pambansang wika.

2. Talagang (hanga) __________siya sa kanyang ipinamalas na


husay sa pagsasalita.

3. (Marami) __________ ng magagandang dahilan upang ating


paunlarin ang ating wika.

4. (Gusto) __________ ng mga manonood ang balagtasan at


sarsuwela sa palatuntunan ng Buwan ng Wika.

5. (Hanga) __________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal


sa sariling wika.

C. Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart, buuin ang konsepto o ideyang nabuo
sa iyo sa pag-aaral sa dula.

Tatlong bagay, kaisipan o ideyang nalaman sa aralin


3
Dalawang kawili-wiling bagay na nalaman
2
Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang
1 konseptong natutuhan sa dula

177
Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang Panahon ng
Komonwelt. Aalamin natin kung ano ang papel na ginampanan ng mga
akdang pampanitikang namayani sa pagbabagong anyo ng panahon at
masasabi mo ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang
bansa? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang
Pagtataya para sa Aralin 2.2, ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.

ARALIN 2.2 : ang panitikan sa PANAHON


NG KOMONWELT

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

Kumusta? Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisagawa ang


mga gawain at pagsasanay sa Aralin 2.1. Sa bagong aralin, tutuklasin natin
ang panitikan sa Panahon ng Komonwelt.

Ang Panahon ng Komonwelt ay sinasabing Malasariling


Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon.
Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili kung ang
panitikan ba sa panahong ito ay nagpatuloy sa pag-unlad
dahil ang ating bansa ay naging malaya na sa
pananakop ng mga Amerikano. Mahalaga ba ang naging
kontribusyon sa ating bansa ng mga manunulat ng
panitikan sa Panahon ng Komonwelt? Sa tulong ng mga
gawaing inihanda para sa iyo, malalaman mo ang kasagutan sa
mahalagang tanong na ito.
Hudyat na naunawaan mo ang araling ito kung sa pagtatapos ay
makapagpapahayag ka ng iyong katuwiran na ang layunin ay makahikayat sa
iyong tagapakinig/tagapanood na maniwala at pumanig sa iyong katuwiran.
Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod
na pamantayan: a.) naglalahad ng sariling opinyon at katuwiran; b.)
napaninindigan ang opinyon at katuwiran; c.) may batayan ang inilahad na
opinyon at katuwiran; at d.) paraan ng presentasyon.

Sa araling ito, ay malalaman mo ang iba pang panitikang napatanyag


sa panahong ito partikular na ang Sanaysay (talumpati) at Maikling
kuwento. Gayundin ang mga araling panggramatika tulad ng Iba’t Ibang
Paraan ng Pagpapahayag, at Kayarian ng Pang-uri.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito

178
Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa:

Aralin 2.1- Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt


Aralin 2.1.1 a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati)
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon
b. Wika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag

Aralin 2.1.2 a. Panitikan: Maikling Kuwento


“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes
b. Wika: Kayarian ng Pang-uri

III. Mga Inaasahang Kasanayan


Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at
kasanayan
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa sa Napakinggan
Ang Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong
Panitikan pinakinggan
Sa
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari
Panahon sa napakinggan
 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin
Ng
ng nagsasalita
Komon-  Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang
welt paksa at karanasan
 Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa
napakinggan

Napalalalim ang pag-unawa sa diskursong pinakinggan


sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman nito

 Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto


 Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong
napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding)

Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga


ideyang pinakinggan

 Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita


sa pagpapahayag ng sariling puna
 Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa inaakalang
mga maling pananaw o impormasyong napakinggan

Pagsasalita
Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay

179
at katwiran

Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa iba’t


ibang sitwasyon

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon


at saloobin

Pag-unawa sa Binasa
Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o
kaisipang nakasaad sa binasa

Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto

Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring


pagbasa ng teksto

 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto


 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang
nakapaloob sa teksto
 Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa:
sarili
ibang tao
 Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong
solusyon
o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto

Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan


at katangian ng mga ito
1. Sanaysay
 Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan
ng pagpapaikli ng paksa
 Nasusuri ang layunin ng paksa
 Naipaliliwanag ang tema o kaisipang nakapaloob
sa sanaysay
 Nasusuri ang mga uri ng sanaysay at ang
katangian ng bawat isa
 Naipahahayag ang magandang kaisipang nais
ipabatid ng may-akda sa kaniyang isinulat

2. Maikling kuwento
 Naipaliliwanag ang mga elemento ng maikling
kuwento
 Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga
kilos o gawi ng mga tauhan
 Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at
pahiwatig na ginamit sa akda

180
 Naibubuod ang binasang akda

Pagsulat
Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng
Filipino sa pagsulat ng talata

 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa


pagpapalawak
ng paksa:
pagbibigay ng depinisyon
paghahalimbawa
paghahawig o pagtutulad

 Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob


at pagitan ng talata upang magkaroon ng
kaisahan
sa pamamagitan ng:
pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang
pagkakasunod-sunod
paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal
paglalahad ng mga pangungusap nang may
magkatulad na pagkakabuo

Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata

 Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang


malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa
pagbuo
ng komposisyon
 Nagagawang kawili-wili ang panimula ng
komposisyon sa pamamagitan ng isang:
kaakit-akit na pahayag
napapanahong sipi o banggit
 Nawawakasan ang komposisyon nang may
pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng:
pagbubuod
makabuluhang obserbasyon

Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri


ng paglalahad

Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng


sanaysay
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa
 Nakapagtatala ng kinakailangang mga
impormasyon
 Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-
ugnay
na ideya at impormasyon

181
 Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng
paksa
 Nakabubuo ng isang:
makatawag-pansing simula
mabisang wakas
Tatas
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan
sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo

Pakikitungo sa Wika at Panitikan


Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot
sa mga tanong at puna sa panitikan

Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik


Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng


pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t


ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon


sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang


sanggunian sa aklatan/internet

IV.Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito

Ang Panitikan sa Panahon


ng Komonwelt

a. Panitikan: Sanaysay a. Panitikan: Maikling


b. Wika: Iba’t Ibang Kuwento
Paraan ng b. Wika: Kayarian ng
Pagpapahayag Pang-uri

Mini-museum o eksibit

Nagkaroon ka na ng ideya sa ating magiging aralin. Ngayong nalaman


mo na ang magiging paksa sa araling ito at ang inaasahang kakayahan at
kasanayan na lilinangin sa iyo, tingnan muna natin ang iyong kahandaan sa

182
magiging paksa ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang
pagtataya.

V. Panimulang Pagtataya

Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang
pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring
sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito,
makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo
nasagot nang tama, at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan
mo ang araling ito.

Unang Bahagi

Panuto: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay.


(Para sa bilang 1 – 4).

Sanaysay

Pormal Pamilyar

Magkaibang katangian:
____________________________________________
____________________________________________

Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang
kasunod na mga tanong.

Ang matandang babae ay ‘di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng


nagtatanong na dalaginding ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng
kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon ng
mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siya’y umiibig.
“Hindi,” ang tiyak na sagot.
“Nang makilala mo ba si Tatang,” ang patuloy na tanong, “ay may
naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib?”

183
“Oo!”
“Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang?
“Oo!”
“E ano ang sinabi sa iyo?”
“Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang ako’y may
iniibig na lalaki. Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y
nag-asawa ay kaniyang papatayin.”
“Ay, ano ang naging sagot mo?”
“Ako’y nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking
isusumpa.”
“Kung gayo’y bakit mo naging asawa si Tatang?”
“Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato a di
nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay …
mabuhay, laging sariwa.”
“A, kaya pala!”
“Kaya palang ano?”
“Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.”
Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig
sabihin ni Irene.

Mula sa, Ang Dalaginding


ni Iñigo Ed. Regalado

5. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad


____________.
a. 10 – 12
b. 13 – 15
c. 16 – 18
d. 19 – 21

6. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________.


a. pangngalan
b. panghalip
c. pandiwa
d. pang-uri

7. “Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato.” Ang salitang may


salungguhit ay nasa anyo ng pang-uri na ________________.
a. payak
b. lantay
c. pahambing
d. pasukdol

184
8. “Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y nag-
asawa ay kaniyang papatayin.” Alin sa sumusunod ang pinakamalapit
na interpretasyon ng binasang pahayag?

a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang


anak maging sa pag-ibig.

b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga


taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang anak.

c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang


hindi na sila aalagaan sa kanilang pagtanda.

d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad


pa lamang.

9. Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________.


a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito
b. paghahambing gamit ang tayutay
c. pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan
d. pagpapahayag ng sariling karanasan
10. “Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” Ano ang
mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene?

a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap


ang ina.

b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa


mga kagalit.

c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig.

d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene.

Upang magkaroon ka ng pagtataya sa iyong naging sagot, tingnan mo


sa Susi sa Pagwawasto ang wastong sagot. Kung marami kang nasagot na
wasto ay masasabi kong handa ka na para sa aralin. Maaari mo nang
simulan.

VI.Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Bago pa man dumating ang mga mananakop, tayo ay may sarili


ng panitikan. Hindi natin maikakaila na yumabong pa ito sa kanilang

185
pagdating. Sa araling ito ay nakapokus tayo sa Sanaysay at Maikling kuwento
sa Panahon ng Komonwelt. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili, ano
kaya ang kalagayan ng ating panitikan at manunulat sa panahong ito?
Bigyang-pansin mo rin ang mahalagang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat
ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Inaasahan kong ang
mga gawain at pagsasanay sa bahaging ito ay makatutulong upang masagot
ang mga tanong na ito.

Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan ay


maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang
pampanitikan partikular na ang sanaysay na umusbong noong Panahon ng
Komonwelt hanggang sa kasarinlan. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling
ito ay makapagsasagawa ka ng mockumentary tungkol sa wika. At sa
pagsisimula mo sa araling ito, iyong isulat ang una mong naisip tungkol sa
manunulat noong Panahon ng Komonwelt sa tulong ng Generalization Table.

GAWAIN 2.2.1: Generalization Table


Ang unang kolum ang unang sasagutan bago ang kasunod na mga
kolum. Ang ikalawa at ikatlong kolum ay sa susunod na mga bahagi ng aralin
at ang huli ay sa bahaging Paunlarin ng araling ito.

Una kong naisip Natuklasan ko Patunay nito Kaya ang aking


na . .. na . . . ang . . . kongklusyon ay:

Simulan natin

Simulan natin ang pag-aaral ng modyul na ito sa pamamagitan ng


pagpili sa sumusunod na pangalan na nakilala bilang manunulat sa Panahon
ng Komonwelt at ang kanilang naisulat sa panahon ding ito.

GAWAIN 2.2. 3-2-1 Action

Gamit ang estratehiyang 3-2-1, piliin sa kahon ang tatlong (3)


akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng
mga akdang ito, dalawang (2) katangian ng akda at manunulat na may
likha ng mga ito at isang (1) tanong/pahayag na nais mo pang mabatid
tungkol sa manunulat at sa kanilang akda.
186
Mga Manunulat Mga Akda
Genoveva Edroza Matute Ang Anluwage
Buenaventura S. Medina Jr. Ang Dalaginding
Adriano P. Landicho Lugmok na ang Nayon
Iñigo Ed. Regalado Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes Sa Aking mga Kabata
Deogracias A. Rosario Hikbi sa Karimlan

Mga akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang


3 manunulat ng mga akdang ito
1.
2.
3.
Katangian ng akda at manunulat sa naging sagot sa 3
2 1.
2.

1
Tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa
manunulat at sa kaniyang akda
1.

Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang unang dalawang kolum


na magkasunod. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat
layunin ng modyul na ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang
tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Walang tama o
mali sa bahaging iyon.

Bibigyang-tuon natin sa araling ito ang Sanaysay (talumpati) at


Maikling kuwento na lumaganap sa panahong ito. Tutuklasin natin ang

187
iyong dati nang kaalaman sa ating magiging paksa sa pamamagitan ng
sumusunod na gawain.

GAWAIN 2.2.3: Ilalahad Ko, Kilalanin Mo

Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang bawat aytem


ay tumutukoy tungkol sa sanaysay, ekis (X) kung ito ay
tumutukoy naman sa Maikling kuwento at asterisk (*)
kung parehong tumutukoy sa Sanaysay at Maikling
kuwento.
__Nnagbibigay
a ng mahahalagang
g i kaisipan
n g m a d a
__ ito ay orihinal na panitikan ng mga Pilipino
__ nagsisilbing aliwan/libangan
__ kabilang ang sulating pampahayagan
__ may mga tauhang nagsisiganap
__ Buenaventura S. Medina Jr.
__ Deogracias A. Rosario
__ Michel de Montaigne
__ maaaring iugnay sa sariling karanasan at karanasan ng ibang tao
__ ginagamitan ng masining o mga tayutay na mga salita o pahayag
sapagkat sinusukat lamang natin ang iyong kaalaman sa magiging aralin. Ang
susunod na bahagi ay makatutulong sa iyo upang lalo pang lumawak ang
iyong kaalaman sa panitikan sa Panahon ng Komonwelt. Makatutulong ang
mga gawain upang masagot mo ang mahalagang tanong na “Malaya ba sa
pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?”

Paunlarin

Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang


maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin.
Ang mga akdang pampanitikan na pag-aaralan natin sa bahaging ito ay
Sanaysay at Maikling kuwento na sumibol sa Panahon ng Komonwelt.
Mahalagang masagot sa bahaging ito ang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat
ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Simulan natin sa
Sanaysay. Sa lahat ng uri ng panitikan, ang Sanaysay ang sinasabing may
pinakakaunting bilang ng manunulat dahil sa malayo ito sa damdamin ng mga
tao. Gayon pa man, mananatiling ang nilalaman nito ay kapupulutan ng aral
at aliw sa mambabasa. Sa araling ito ay gawing gabay ang sumusunod na
tanong na makatutulong sa iyo sa maaari mong maging tunguhin sa araling
ito.

188
Mabisa bang paraan ng Bakit mahaIaga ang iba’t
paglalahad ng katuwiran ang ibang paraan ng
pagsulat ng sanaysay? pagpapahayag sa isang
___________________________ sanaysay?
___________________________ _______________________
___________________________ _______________________
___________________________ _______________________
___________________________ _______________________
___________________________ _______________________
Sa pagpapatuloy
___________________________ ng aralin ay malalaman mo rin ang wastong sagot sa
_______________________
mga tanong na iyan. Ipagpatuloy
___________________________ _______________________mo lamang ang paglalakbay at pagtuklas sa
mga kaalamang
________________________ ibibigay sa iyo ng modyul na ito. Muli mong gawin ang
_______________________
hinihinging sagot sa susunod na gawain.
_______________________
_______________________
GAWAIN 2.2.1.a: Konseptulong __________

Magbigay ng mga pantulong na konsepto na may


kaugnayan sa salitang Sanaysay na sa iyong palagay ay
makatutulong upang makabuo ng isahang konsepto para
sa aralin. Gawin sa sagutang papel.

Isahang konsepto sa salitang sanaysay


_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
Sa mga naging gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong
________________________________________
nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo
kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa kasunod na
sanaysay (talumpati) upang maunawaan ang aralin, subalit bago iyon ay
magbigay ka muna ng impormasyon tungkol sa sumulat ng talumpating
tatalakayin, si Manuel L. Quezon.

189
Kapanganakan Pamilya Mga Naiambag sa
Katangian Pilipinas

Si Manuel L. Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay


nahirang na Komisyoner ng ating bansa, may kalayaang magpahayag
subalit walang kalayaang bomoto sa U.S. House of Representatives.
Ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa mga Amerikano
noong 1935. Nagtapos din siya ng kursong abogasya at nakuha ang pang-
apat sa pinakamataas na iskor sa pagsusulit.

Maaari mo nang basahin ang talumpating binigkas ni Manuel L.


Quezon. Ang talumpati ay tumutukoy sa kaisipan o opinyon ng isang tao na
ipinababatid sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag para sa pangkat
na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas
sa harap ng mga tagapakinig.

Basahin at unawain
Wikang Pambansa

ni Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng

pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika

ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang

nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang

pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y

mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay

na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang

kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.

190
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang

pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang

kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino.

Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang

aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya,

hindi ba?

Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at

itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang

panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa.

Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa;

ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung

sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't ibang wikang Pilipino na Mangyan ang

katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko

higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa

akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para

lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

GAWAIN 2.2.1.b: Paglinang ng Talasalitaan

Pumili ng isang salita sa akdang iyong binasa, ilagay ito


sa pinakagitnang kasunod na grapiko. Ibigay ang
kahulugan, ang katangian, ang bahagi ng panalita at
ang halimbawang pangungusap. Gawin sa sagutang
papel.

Kahulugan Katangian

SALITA
Bahagi ng Panalita Halimbawang
Pangungusap

191
GAWAIN 2.2.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang
pambansa ang Pilipinas?

2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig:


“Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang
wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.”

3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad


din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit?

4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa


paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay
sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo.

5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang


pagpapahalaga sa wikang pambansa?

6. Pakinggan ang awiting Ako’y Isang Pinoy ni Florante. Ilahad ang


pangunahing ideya sa awit na ito. May kaugnayan ba ang awit na
ito sa talumpati ni Manuel L. Quezon? Ilahad ito.

7. Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika, ihambing ito


sa damdaming namamayani sa awit.

8. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang


Pilipinas?

Nasagot/naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Balikan


mong muli ang iyong naging mga sagot at limiin ito sa iyong sarili. Sa iyong
binasang akda ay mabisang nailahad ng may-akda ang kaniyang katuwiran
upang makahikayat, maniwala at sumang-ayon sa kaniya. Napakasarap pag-
aralan ang wika lalo’t ito ay sarili. Wala na ngang tatamis pa sa sariling wika.
Kaya naman sa Panahon ng Komonwelt ay pinagtibay ang wikang magiging
Wikang Pambansa.

192
Ang binasang akda ay isang halimbawa ng Sanaysay na nasa anyong
talumpati. Noong Panahon ng Komonwelt ay nakatulong ito upang
maipahayag ang saloobin ng isang Pilipino sa katauhan ni Manuel L. Quezon
na pahalagahan ang wikang sarili na mag-uugnay sa mga Pilipino noon
hanggang ngayon. Ang Wikang Pambansa ay itinaguyod ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon para sa mas ikatatatag at pagkakaroon ng unawaan ng
mga Pilipino.

Sa bahaging ito ay nais kong itanong sa iyo kung handa ka na bang


madagdagan ang iyong kaalaman sa Sanaysay? Kung gayon, basahin ang
kasunod na mga impormasyon.

Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan

na

ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at

damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”

Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa

Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag

niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang

pagsubok sa anyo ng panulat.

Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar.

Narito ang kanilang pagkakakilanlan.

Pormal Di-Pormal o Pamilyar


Nagbibigay ng impormasyon Nagsisilbing aliwan/libangan
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o Nagbibigay-lugod sa pamamagitan

kaalaman sa pamamagitan ng ng pagtalakay sa mga paksang

makaagham at lohikal na pagsasaayos karaniwan, pang-araw-araw at

sa paksang tinatalakay personal


Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang

nakikipag-usap lamang
Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono
Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng Subhektibo sapagkat pumapanig sa

may-akda damdamin at paniniwala ng may-akda

193
Ngayong nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa sanaysay,
maaari mo ng sagutin at isagawa ang mga kaugnay na gawain.

GAWAIN 2.2.1.d: Tukuyin ang Kaibahan


Sagutin ang tanong na “Paano naiiba ang Sanaysay sa iba pang uri ng
panitikan?” Gamitin ang Diyagram ng Hambingan at Kontrast sa
paghahambing sa iba pang anyo ng tuluyan.

9. Sanaysay Iba pang tuluyan

Paano nagkatulad?

Paano nagkaiba sa…


Uri
Katangian
Pagkakalahad
Iba Pang Pagpapaliwanag

Naunawaan mo na ba ang ilang bagay tungkol sa sanaysay? Kung


hindi pa ganap ang iyong pagkaunawa, basahin ang isa pang halimbawa ng
Sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong.

194
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na

isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang

mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Wikang Pambansa, ang gamit kong salit a…” Hay, napakasarap sa

pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal

ng mang-aawit sa akin.

Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni

dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay

daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo

ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa

maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang

aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Sa paglipas

ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.

Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan.

Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng

pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno.

Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong

panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon

wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra.

May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan

bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang

ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating

bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang

pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.

195
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika

ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon,

tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad.

Mga Gabay na Tanong


1. Anong uri ng Sanaysay ang binasang akda. Ipaliwanag.
2. Pansinin ang kasunod na mga pangungusap na may salungguhit. Ano
ang layunin ng mga pangungusap na ito?

Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban


ni dating Pangulong Mauel L. Quezon.
_______________________________________________
___

Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na


ang ating bansa
_______________________________________________
___

Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa


makabagong panahon.
_______________________________________________
___

Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan


ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang
panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy
na pag-unlad.
_______________________________________________
Malalaman natin kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na
___ tungkol sa iba’t ibang paraan
gawain sa pamamagitan ng ilang impormasyon
ng pagpapahayag. May iba’t ibang paraan at layunin ang isang tao sa
kaniyang pagpapahayag. Upang lubos itong maunawaan, basahin ang nasa
kahon at isagawa ang gawaing kaugnay nito. Handa ka na ba?

196
Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag, maaaring paglalahad,

paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad

ay may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang

kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito

sa mga kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari,

pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng

iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran.

GAWAIN 2.2.1.e: Pagbuo ng Sariling Yaman


Sumulat ng sariling pagpapahayag tungkol sa isang bagay na
itinuturing mong sarili mong yaman na maaaring sa paraang paglalahad,
paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Magkakaroon ng
pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:
a.) kalinawan; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas;
d.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; e.) makatotohanan; at f.)
naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay o nangangatwiran (depende kung
anong paraan ng pagpapahayag ang pinili ng mag-aaral).

GAWAIN 2.2.1.f: Balita Mo, Isusulat Ko


Sumulat ng sariling sanaysay na maaaring sa anyong pormal o
pamilyar mula sa napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga balitang
dokumentaryo. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Malaya
kang pumili ng anumang paksa sa napanood. Magkakaroon ng pagtataya sa
iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kaisahan
ng salita, pangungusap at talata; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong
gamit ng bantas; d.) makatotohanan; at e.) gamit ang iba’t ibang uri ng
pagpapahayag.

Ngayong ganap mo nang naunawaan ang aralin, binabati kita! Muling


balikan ang ikalawa at ikatlong kolum sa huling bahagi ng Alamin. Punan ang
mga kolum na ito. Matapos
Kaya angitong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong
aking
kaalaman sa tinalakay na aralin.
kongklusyon ay:

Una kong naisip Natuklasan ko Patunay nito

197
na . .. na . . . ang . . .

Minsan pa ay magkaroon tayo ng pagtataya sa iyong kaalaman sa


naging mga aralin sa pamamagitan ng paglalagom sa iyong mga natutuhan.

GAWAIN 2.2.1.g: YES/NO Analysis


Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng opinyon at
katuwiran sa isang Sanaysay noong Panahon ng Komonwelt.

GAWAIN 2.2.1.h: Ang Mali Noon, Itatama Ngayon…

Sa tulong ng reflective journal ay itala ang kabuuang


konseptong natutuhan sa aralin.

Muli, binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na


gawain para sa araling ito. Gawin sa sagutang papel.
Ang lagom ng aking nagawa sa aralin:
 (panitikan)
 (wika)
Mga bago kong natutuhan sa paraan ng paglalahad ng katuwiran gamit ang
Sanaysay:


Naunawaan ko na ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ay:


Ang dati kong kaalaman na natuklasan kong mali sa:
 (panitikan)
 (wika)
Natulungan akong maunawaan na

198
 (panitikan)
 (wika)
Sa aking palagay, magagamit ko ang kaalamang ito sa pamamagitan ng:
 (sa pag-aaral)
 (sa tunay na buhay)

Binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na


gawain para sa araling ito. Basahin ang tungkol sa isa sa mga anyo ng
balitang dokumentaryo, ang tinatawag na mockumentary. Makatutulong ang
impormasyong ito para sa huling bahagi ng araling ito. Upang maragdagan
pa ang kaalaman dito, makatutulong ang
http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_mockumentaries.

Ang mockumentary ay isang uri ng pelikula o programang

pantelebisyon na kadalasang ginagamit sa pagsusuri o pagbibigay

puna sa napapanahong pangyayari at isyu sa bansa na maaaring komedya

o katawa-tawa o drama. Ito ay maaaring isang paraan ng panggagaya na

maaaring ang bahagi o ang kabuuan ay itinatanghal nang natural upang

maging makatotohanan.

GAWAIN 2.2.1.i: Natutuhan ay Isasabuhay…

Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling


ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito
sa tulong ng gawaing ito.

Ikaw ay kabataang mag-aaral na naimbitahang dumalo sa


gaganaping programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Layon nitong
ipagtanggol ang wika ng kabataan sa harap ng mamamayan dahil sa hindi
responsableng paggamit nito. Ikaw ay makikibahagi sa pagsasagawa ng
mockumentary na magkakaroon ng pagtataya sa pamamagitan ng: a.)
mahusay na pagbibigay ng katuwiran; b.) makatotohanan; c.) nakahihikayat

199
sa pagbibigay ng katuwiran; at d.) nagagamit ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag.

MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA GINAWANG PAGTATANGHAL


NG MOCKUMENTARY

Pamantayan 10 8 6 4 2 Pamantayan
Mahusay ang Di-gaanong
pagkakalahad ng mahusay ang
mga katuwiran pagkakalahad
ng mga
katuwiran
Lahat ng inilahad May mga
na impormasyon at impormasyong
pagkakalahad ng hindi
paksa ay makatotohanan
makatatotohanan. ang
pagkakalahad.
Nakahikayat sa Hindi lahat ng
lahat ng manonood ay
manonood nahikayat sa
pagbibigay ng ibinigay na
katuwiran katuwiran.
Nagamit ang lahat Isa o walang
ng paraan ng nagamit na
pagpapahayag. paraan ng
pagpapahayag

KABUUAN

Interpretasyon:
31 – 40 Lubos na kasiya-siya
21 – 30 Kasiya-siya
11 – 20 Hindi gaanong kasiya-siya
2 – 10 Husayan pa

Marahil ay sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa Sanaysay. Kung


mayroon pang hindi malinaw sa iyo, maaari mong balikan ang naging
talakayan at mga gawain. Sa naunang naging mga gawain sa naunang aralin

200
na iyong napagtagumpayan, binabati kita! Pag-aaralan naman natin ngayon
ang isa pang uri ng panitikang tuluyan – ang Maikling kuwento. (Aralin 2.2)

Ang Maikling kuwento ay isang sangay ng panitikan na masining ang


pagkakalikha upang mabisang maikintal sa isip at puso ng mambabasa ang
mga pangyayaring nakapaloob dito. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling
ito ay masagot mo ang mga gabay na tanong upang ikaw ay makabuo ng
mahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang makabubuo ka ng
Advertisement Poster sa pagtatapos ng araling ito. Ang pamantayan sa
pagtataya ng iyong gagawin ay batay sa a.) kasiningan; b.) pagkamalikhain;at
c.) pagiging makatotohanan.

Mga Gabay na Tanong


1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa
iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt?

2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang


kuwentista?

GAWAIN 2.2.a: Katotohanan o Opinyon?


Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong sa tulong ng Fact or
Opinion analysis. Matutuklasan mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy mo
sa araling ito.
Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa
manunulat at sa iba pang Pilipino noong
Panahon ng Komonwelt?
Bakit gumagamit ng iba’t ibang
kayarian ng pang-uri ang isang
kuwentista sa kaniyang pagsulat?

Pahayag Katotohanan Paliwanag


o Opinyon?
Si Deogracias A. Rosario ay
“Ama ng Maikling Kuwento.”
Nakatulong ang maikling
kuwento sa manunulat at sa
mga Pilipino noong Panahon
ng Komonwelt.
Maaaring buhay ng manunulat
ang ipinahahayag sa akdang
kaniyang isinulat.
Mayaman ang mga

201
manunulat.
Hindi malaya ang mga
Pilipinong manunulat noong
Panahon ng Komonwelt.
Nakatutulong ang pang-uri sa
paglalarawan ng mga
katangian ng isang lugar at
mga tauhan sa akda.

Marami ka bang nasagot nang tama? Tingnan sa Susi sa Pagwawasto


upang makita ang antas ng iyong kaalaman sa magiging paksa. Kung ang
lahat ay wasto, ipinababatid ko sa iyo ang aking pagbati. Ngunit kung marami
ang mali sa iyong naging sagot, huwag kang mag-alala sapagkat bahagi
lamang ito ng pagtataya at pagtuklas sa iyong dating kaalaman tungkol sa
paksa.

GAWAIN 2.2.b: Kilalanin Mo

Sa bahaging ito ay alamin natin kung gaano mo kakilala ang


sumusunod na mga manunulat na Pilipino. Ibigay ang naging kontribusyon
nila sa panitikang Pilipino.

DEOGRACIAS ROGELIO SEVERINO


A. R. REYES
ROSARIO SIKAT

Nasagutan mo ba nang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi


ka nakatitiyak sa iyong mga sagot, ang pagpapatuloy mo sa pagtuklas sa
bahaging ito ng modyul ay makatutulong upang mapalawak mo pa ang
kaalaman tungkol sa maikling kuwento gayon din naman sa kaugnay na wika
nito, ang kaantasan ng pang-uri.

Sa naging mga gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong
nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo

202
kung tama ang iyong mga sagot. Upang ganap na maunawaan ang aralin,
basahin at unawain mo muna ang kasunod na Maikling kuwento at
pagkatapos ay sagutin/gawin ang mga gawain o pagsasanay sa bahaging ito.

GAWAIN 2.2.c: Pagtukoy sa Maaaring Nilalaman ng Akda

Bigyan ng mga kaugnay na salita/parirala/pangungusap ang pamagat


ng babasahing akda at ang maaaring nilalaman nito.

Lupang
Tinubuan

Basahin at unawain

Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes

Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay.

Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama,

Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga

habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay

sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-

bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka!

Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na

kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay,

Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon

at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang

sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-ss. Tsug,

203
tsug, tsug.

Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y

napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.

Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi,

“Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang

kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at

halaman sa dinaraanan.

Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila

pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni

Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang

pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, “Ang

namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan

namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.”

Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita

kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama

ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang

damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak,

lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana

at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha,

kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang

kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-

ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.

Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang

nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko,

natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng

204
kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang

karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit,

isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito,

nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng

lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at

walang ulap na langit.

Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng

kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak

ng pagkabigo sa kanyang dibdib. Hindi po naman,” ang marahan niyang

tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina

del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang

diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon

ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa

paligid-ligid.

Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang

pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila

ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas.

Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito,

halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa

lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa

mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-

anak ni Danding. Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,” ang

naisaloob niya. Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.”

Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong

iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang

205
kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay

ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong

bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si

Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa

pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng

ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan

ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang

loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala.

Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa

bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At

sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga

puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang

pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at

nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-

iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw

sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng

bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa

katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga

matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang

pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at

lungkot.

"Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala

ng kanyang Tita Juana. At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang

habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni

Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso.

206
Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang

kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at

makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.

Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid

sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at

naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng

araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong

kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.

Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo

Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na

kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo

Tasyo ang unang nagsalita.

Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.

Bakit po?”

Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.”

May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.”

Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.”

Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”

Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. Ang batang ito! Ako ang

nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan.

Naulila agad siya sa ama.”

207
Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng

bukid. Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang

munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama

siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya

titigil sa kaiiyak.”

Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang

likuran. Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo

isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga

huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina,

doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula - isang maikling papuri sa

kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong

kapilyuhan ang ama mo.”

Napangiti si Danding. Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng

pagkakaluwas niya sa Maynila?”

Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga

nangyari. Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.”

Nahuli po?”

Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.”

Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay

at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya

ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.

Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga

bagong tuklas niyang pinsan.

208
Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang

naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa

bahay.

Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay

Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at

batbat-sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang

magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na

nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng

mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga

pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang

pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag

masaling maging ang pinakamaliit na halaman.

Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at

pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang

takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan

ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi

at ang mga piping panangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay

Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga

pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila

ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa

kanyang mga mata.

Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang

kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya

man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang

dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at

209
nagpaunang bumalik sa bahay.

Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan

sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at

nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay

nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga

kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at liig.

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos

sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa,

at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa,

itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig

niyang mukha ang banayad na hangin.

Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.

Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay

ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan

ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso.

Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at

kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni

Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang

pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng

palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si

Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang

punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay

sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak

ng kanyang ama.

210
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng

tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang

pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang

mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa

Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at

Bonifacio.

Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga

pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding

ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan,

kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim

at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti.

Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan

niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi

na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman

ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang

nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang

aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito.

Naibigan mo ba ang kuwentong binasa? Subukin natin ang iyong


kakayahan sa pag-unawa. Gawin ang sumusunod na mga gawain.

GAWAIN 2.2.d: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Pagkatapos, ibigay
kung anong bahagi ng panalita ito, at gamitin sa pangungusap ang mga
ibinigay na kahulugan.

211
Salita mula sa Kahulugan Bahagi ng Pangungusap
aralin Panalita
pinagmuni-muni

agaw-dilim

piping panangis

sumasalunga

makadurog-puso

GAWAIN 2.2.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ilarawan ang nayon ng Malawig. Ibig mo bang marating ang nayon na


ito? Bakit?

2. Bakit lumuwas si Danding sa Malawig?

3. Ilahad ang mga kaugalian ng mga taga-Malawig. Nakikita pa ba ito sa


kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay.

Kaugalian ng mga Nakikita pa ba sa Patunay na nakikita/hindi


taga-Malawig kasalukuyan? na nakikita sa
(Oo/Hindi) kasalukuyan

4. Ang Malawig ay isang lalawigan. Ihambing ang pamumuhay rito at sa


lungsod. Alin ang nais mong maging tirahan? Bakit?
Paraan ng Paraan ng
Pamumuhay Pamumuhay
sa Lalawigan sa Lungsod

212

Dahilan:
5. Sa iyong palagay, nanaisin ba ni Danding na manatili na lamang sa
lupang tinubuan ng kaniyang ama kaysa ang bumalik sa siyudad na
kaniyang kinalakhan? Magbigay ng mga patunay sa pamamagitan ng
paglalahad sa bahaging nagpapatunay nito.

6. Nanaisin mo pa bang bumalik sa iyong tinubuang lupa kung maganda


na ang iyong buhay sa ibang bayan o bansa? Bakit?

7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at


pagmamalasakit sa sariling bayan?

Ang binasa at tinalakay na akda ay isang halimbawa ng Maikling


kuwento. Alam mo ba kung ano ang maikling kuwento? Bakit kaya ito patuloy
na pinag-aaralan mula noong panahon ng pananakop hanggang sa
kasalukuyan? Basahin ang kasunod na mga impormasyon tungkol sa
maikling kuwento at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na mga gawain.

213
ANG MAIKLING KUWENTO

Ang Maikling kuwento o maikling katha ay

nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa

isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay

ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.

Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang

pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng

solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may

mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na

kaagad susundan ng wakas.

Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong

kulay – ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang

pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa lugar na

binibigyang-diin sa kuwento.

Upang matiyak na naunawaan mo ang Maikling kuwento, subuking sagutin


o gawin ang mga kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento.

1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga


manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt at
maging sa kasalukuyan?

2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan.

3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring


kuwento tungkol sa iyong sariling bayan o kuwento ng iyong paboritong
lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na pormat. Gawin sa
papel.

214
Pamagat Solusyon

May-akda

Mga Tauhan

Suliranin

Wakas

4. Mula sa ginawang balangkas ay bumuo ng sariling maikling kuwento. I-


post ito sa iyong fb account at pabigyang puna (like o dislike) ito sa mga
kamag-aral o kaibigan. Kung wala namang fb account, pabigyang puna
ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa pangkat ng
mga bituing napili. Pabigyang paliwanag kung bakit ito ang kanilang
puna sa iyong likha.

 Napakahusay

 Mahusay

 May kaunting husay


Nangangailangan ng malaking pagbabago

215
Malaki ang tulong ng Maikling kuwento upang lalo pang sumigla at
tumaas ang katayuan ng panitikan sapagkat Wikang Pambansa ang ginamit
na midyum sa pagsulat, dumami ang manunulat, nagkaroon ng iba’t ibang
pamamaraan ng pagkukuwento at ang mga paksang dating hindi naisusulat
ay nabigyan ng pansin. Inaasahan kong naunawaan mo na ang ating aralin.
Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral sa
kaugnay na wika ng ating aralin – ang kayarian ng pang-uri. Basahin ang mga
impormasyon tungkol dito.

ANG PANG-URI
Ugnay-
Wika Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa

pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang

maglarawan.

Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng pang-uri. Ang

mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan.

1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat.

Halimbawa: ganda talino, bago

2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang–ugat

at panlapi.

Halimbawa: maganda, matalino, makabago

3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi

nito o ang buong salitang-ugat.

Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino

4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang

pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang

kahulugan.

Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing

Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa tungkol sa pang-uri,


basahin ang kasunod na teksto sa at sagutin ang kasunod na mga tanong
tungkol dito.

216
Sa buhay, kailangang maging pusong

mamon ka sa mga taong nangangailangan ng

tulong. Hindi mahalaga ang kasikatan dahil sa

yaman, sikat na sikat ka nga kung hindi mo naman

alam ibahagi sa iyong kapwa, balewala rin.

Maging matulungin at hindi dapat maging palalo,

iyan dapat ang maging panuntunan sa buhay ng

mga taong biniyayaan ng Panginoon ng maraming

bagay. Hindi dapat tapakan ang mga taong may

buhay-alamang, sa taimtim na panalangin sa

Dakilang Lumikha, mababago rin ang mahirap

nilang buhay. Kaysarap sa pakiramdam ang

tumulong sa kapwa. Magiging magaang-magaan

ang pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa

pagtupad sa kanilang simpleng pangarap.

1. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Itala ang
mga ito sa ilalim ng angkop na kayarian ng pang-uri.

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

217
2. Mula sa mga larawan sa ibaba, pumili ng isa. Sumulat ng komposisyon
tungkol dito na naglalarawan gamit ang iba’t ibang kayarian ng pang-
uri.

3.

4. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang


kuwentista?

Kumusta? Naisagawa mo ba ang lahat ng gawain? Tunay na nakatutulong


ang mga kayarian ng pang-uri upang mas mabisang mailarawan ang
tagpuan, mga tauhan at mga pangyayari sa akda. Ngayong natapos mo na
ang mga gawaing pampanitikan at panggramatika, subukin naman nating
magkaroon ng pagtataya sa iyong pag-unawa sa mahahalagang konseptong
nakapaloob sa aralin. Sagutin ang tanong upang mataya ang iyong pag-
unawa sa naging aralin.

Natutuwa ako at malapit ka na sa hagdanan


ng tagumpay. Kaunting sikap pa at makakamit mo na ang bandila ng

218
tagumpay. Nakita mo na ang kahalagahan ng Maikling kuwento. Sa Panahon
ng Komonwelt ay malaya ang mga manunulat na ipahayag ang kanilang
saloobin, damdamin at ideya. Kasama ng kalayaan sa pagpapahayag ng mga
ito ang kalayaan sa paggamit ng sariling wika sa kanilang mga akda.

Pagkatapos mong maunawaan ang Maikling kuwento, magkaroon pa


tayo ng pagtataya sa gawaing susubok sa iyong pag-unawa sa aralin.
Basahin ang kasunod na sitwasyon at ihanda ang sarili sa pagsasagawa nito.
Naniniwala ako sa iyong kakayahan kaya’t halika na!

GAWAIN 2.2.f: Proud to be Kabarangay!


Magkakaroon ng panauhin sa inyong lugar dahil sa nalalapit na
pagdiriwang ng kapistahan. Bilang SK Chairman ng inyong barangay, ikaw ay
naatasang i-promote ang inyong lugar sa inaasahang mga panauhin na
punong-lalawigan, punong-bayan at iba pang politiko, mga turista at mga
kabarangay sa pamamagitan ng paggawa ng advertisement poster. Ang
iyong likha ay magkakaroon ng pagtataya batay sa: a.) pagiging masining;
b.) pagiging malikhain; c.) husay sa pagpapaliwanag; at c.) pagiging
makatotohanan.

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ADVERTISEMENT POSTER


Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Kailangan Pang
Paunlarin
Natugunan ang Natugunan ang Natugunan ang Natugunan ang
lahat ng lahat ng ilang ilang
pangangailangan pangangailangan pangangailangan pangangailangan
sa nilalaman at sa nilalaman at
mekaniks mekaniks
Ganap at Epektibong Nahirapang Walang gaanong
epektibong naihatid ang maihatid ang naihatid na
naihatid ang mensahe mensahe mensahe
mensahe
Napakahusay at Nakaaakit ang Katamtaman ang Walang
higit sa inaasahang pang-akit na organisasyon at
display na biswal
elementong display kaayusan ang
display na biswal display na biswal
Naipaliwanang Naipaliwanag nang Hindi gaanong Hindi malinaw ang
nang maayos at maayos ang poster malinaw ang pagpapaliwanag
wasto ang poster. pagpapaliwanag

Ngayon ay natalakay na natin ang Sanaysay at Maikling kuwento, mga


panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. Balikan ang
naging mga gawain at ihambing ang iyong unang ideya sa naging takbo ng

219
talakayan. Ilan sa iyong mga ideya ang wasto? Kung halos lahat ay nakuha
mo nang tama, binabati kita. Kung hindi naman ay mayroon ka pang
pagkakataon upang maiwasto ito. Alam mo na ang mahahalagang ideya sa
araling ito, palalimin pa natin ang kaalamang ito sa susunod na bahagi.

Pagnilayan at Unawain

Ang layunin mo sa bahaging ito ay palalalimin pa ang iyong


pag-unawa sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa araling ito – Aralin
2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt. May ilan pang gawain na
pagtutulungan nating gawin at sagutin upang sa gayo’y matiyak ko na wala
ka nang maling pag-unawa sa nilalaman ng araling ito.

GAWAIN 2.3: KKK (Katuwiran Ko’y kailangan)

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang iba’t ibang paraan ng


pagpapahayag. Isa na rito ang pangangatuwiran. Sa gawaing ito, ang husay
mo sa pagbibigay ng katuwiran ay kailangan. Sagutin mo ang tanong na
“malaya ba ang manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Sagutin ang
mahalagang tanong na ito gamit ang yes/no analysis.

Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng


Komonwelt? Pangatuwiranan.

Oo Hindi
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________

Wikang pambansa ang ginagamit ng mga manunulat sa panahong


ito at lalo pang umunlad ang panitikan dahil sa naipahahayag ng mga
manunulat ang kanilang saloobin, ideya at damdamin nang hindi napipigilan
nang ibang tao o mananakop.

220
GAWAIN 2.4: Ito Noon, Ganito Ngayon
Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay ibigay ang dating kaalaman
sa paksa, ang nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan at wastong natutuhan sa
araling tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Initial (Dating Kaalaman sa
Paksa)

Revised (Nabagong
Pagkaunawa sa Aralin)

Final (Kabuuan at wastong


natutuhan sa aralin)

Ngayong malalim at malawak na ang iyong pag-unawa sa aralin,


alam kong handa ka na sa susunod na gawain sa susunod na bahagi

Ilipat
Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong
natutuhan sa aralin. Ang susunod na gawain ay magtataya sa iyong
natutuhan sa aralin.

GAWAIN 2.5: KULTURA – IN OR OUT?


Magkakaroon ng paligsahan sa iyong paaralan tungkol sa
paglalarawan ng mga kulturang Pilipino sa Panahon ng Komonwelt na
nagbago, nawala at nananatili pa sa kasalukuyan. Bilang lider ng Mga
Kabataang Historyador sa Pilipinas (KHP), sa harap ng mga guro, kapwa
mag-aaral, puno ng kagawaran, punongguro at historyador ay gagawin mo
ito sa masining na paraan tulad ng mini-museum o eksibit. Magkakaroon sila
ng pagtataya sa iyong likha batay sa a.) presentasyon na iyong isasagawa;
b.) makatotohanan; c.) batay sa pananaliksik; at d.) pagkamalikhain.

MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA MINI-MUSEUM O EKSIBIT


A – Perpekto
B - Halos perpekto
C – May kaayusan
D – Paunlarin pa

221
PAMANTAYAN A B C D
Presentasyon – maayos at organisado
Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong
ipinakita
Batay sa pananaliksik – mapanghahawakan o
mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng mga
impormasyon
Malikhain – masining at gumamit ng mga awtentikong
bagay

Interpretasyon:
4 na A – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga
gawain.
3 A – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o
kagalingan.
2 na A – Katamtamang Husay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit dagdagan
pa upang mapaunlad pa ang gawain.
1 o walang A – Hindi Mahusay! Ulitin pa ang gawain upang maging
makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha.

Nakatulong ba ang pagganap na gawain upang maunawaan mo ang


halaga ng aralin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Ngayong natapos
mo na ang aralin, bago ka maglakbay sa bagong aralin ay sagutin mo muna
ang pangwakas na gawain.

VII. Pangwakas na Pagtataya:


(Panitikan sa Panahon ng Komonwelt)

SUMMARY-LESSON CLOSURE: Sa pamamagitan ng Lesson


Closure ay bumuo ng konsepto sa naging aralin.

222
LESSON CLOSURE

Ang aralin sa modyul na ito ay _____________________.


Ang mahalagang ideya tungkol sa sanaysay ay
_____________________
_____________________________________________________
__. Mahalagang maunawaan ang ideya o konseptong ito sapagkat
___________________________________________________.
Isa pang mahalagang konsepto sa aralin ay ang tungkol sa
maikling kuwento kung saan naunawaan ko na
_________________________
_____________________________________________________
___. Mahalaga ito dahil
_________________________________________. Magagamit ko
ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng
____________________________________________________

Sa kabuuan, ang aralin ay


___________________________________________________
___________________________________________________.

Sa pagtatagumpay mo sa araling ito, ikaw ay aking binabati.


Napatunayan mong muli ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa mga aralin
sa sariling sikap at tiyaga. Sa pagpasok mo sa bagong aralin, palawakin mo
pa ang iyong kaalaman sa pag-aaral sa mga panitikan sa Panahon ng
Kasarinlan. Muli kang gagabayan ng modyul para sa panibagong
pagbubukas ng aralin. Hangad ko ang muli mong pagtatagumpay.

ARALIN 2.3: Ang Panitikan sa Panahon ng


Kasarinlan

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

223
Kumusta na! Labis akong natutuwa na sa dalawang panahon na iyong
pinagdaanan ay marami kang napulot na kaalaman. Malaki ang magagawang
tulong sa iyo sa pagpasok mo sa bagong panahon na ito, ang Panahon ng
Kasarinlan. Sa araling ito ay aalamin mo ang naiambag ng akdang
pampanitikan na sumibol at napatanyag sa Panahon ng Kasarinlan.

Sa iyong palagay, nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng


damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo
ang damdaming makabayan sa nasabing panahon? Masasabi mo ba na ang
panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? Gayundin, mahalaga
bang matutuhan mo ang paggamit ng angkop na gramatika? Mahalaga ba na
magkaroon ka ng kaalaman at kakayahan tungkol dito? Malalaman mo ang
sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-
aaral.

Upang mapatunayan na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito,


sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahan na makabubuo ka ng isang
photo documentary na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan
ng mga Pilipino sa panahong ito na nawala,nabago na at nananatili pa
hanggang sa kasalukuyan. Narito ang mga pamantayan kung paano tatayain
ang gawaing ito: a) orihinal, b) may kaugnayan sa paksa/napapanahon ang
paksa, c)malikhain ang presentasyon, d) wasto ang paggamit ng
gramatika/retorika.

Malalaman mo sa araling ito ang iba pang akdang pampanitikang


napatanyag sa panahong ito partikular ang Maikling kuwento at Dula.
Gayundin ang mga araling panggramatika tulad Aspekto ng Pandiwa at
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito

Masasagot mo ang mahahalagang tanong at maisasagawa mo ang


Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na
nakapaloob sa araling ito:

ARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN

Aralin 2.3.1 a. Panitikan: Maikling Kuwento


“Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva
Edroza-Matute

b. Wika: Aspekto ng Pandiwa


Aralin 2.3.2. a. Panitikan: Dula

224
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar

b. Wika: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat


III. Mga Inaasahang Kasanayan

Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman at kasanayan:
ARALIN : Mga Kasanayang Pampagkatuto
ANG Pag-unawa sa Napakinggan
PANITIKAN Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang
SA
salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang
PANAHON
napakinggan
NG
Nakikinig nang may pag-unawa upang:
KASARINLAN
 mailahad ang layunin ng napakinggan
 masagot ang mga tiyak na tanong
 maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay na mga
pangyayari
Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging
makatotohanan/di- makatotohanan ng mga
punto/argumentong binibigyang-diin o halaga
ng napakinggan batay sa paraan ng pagsasalita (tono, diin,
paghinto, intonasyon)

Pagsasalita
Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa
mga bagay
na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin
ng kausap)
Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam
Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino
gamit ang panitikan
Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng
simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin
Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga
ideya,kaisipang inilahad ng teksto

225
Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano
mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan

Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga
katangian nito

Naipahahayag ang mga makabuluhang kaisipang nais


ipabatid ng may-akda
Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda
 dula
 maikling kuwento
Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang
binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan
at wakas
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa
mapanuring pagbasa ng akda/teksto
Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang
nakapaloob sa teksto
Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng
mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak
ang kakayahan at pananaw sa buhay
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng
akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng
may-akda

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa


mga akdang pampanitikan
Nakapagbibigay-hinuha sa
 pangyayari
 kaalaman
 pakay o motibo

226
 layunin ng may-akda
Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa
kulturang Pilipino noon at ngayon
Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa
Naisasaayos ang mga pangyayari sa maikling kwento/dula
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
Nasusuri ang bahagi ng maikling kuwento/dula/sanaysay
Nakikilala ang iba’t ibang bahagi at elemento ng maikling
kwento/dula
Napaghahambing ang elemento ng maikling kuwento sa
dula
Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y
nanatili, nabago o nawala na
Pagsulat
-Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan,
at opinyong nakapaloob sa teksto kung:
 totoo o hindi totoo
 may pagbabatayan o kathang-isip lamang
 mabuti o masama
 katotohanan o opinyon
Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng
akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di-
makatotohanan gamit ang graphic organizer
Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar
na pinagmulan
Nakasusulat ng talatang
 naglalarawan
 naglalahad
 nagsasalaysay
 nangangatuwiran
Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda
hango sa sariling karanasan
 nasaksihan

227
 napakinggan/napanood/nabasa
Tatas
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan
sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo
Naipamamalas ang makahulugan at masining na
pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
pakikipagkomunikasyon
Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa
komunikasyon
ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon

Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

Pananaliksik
Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa
iba’t ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga


impormasyon sa pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang mga kagamitang


sanggunian sa aklatan/Internet

V. Konseptuwal na Balangkas
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling ito

Ang Panitikan sa Panahon ng


Kasarinlan

3.1.1 Panitikan: 3.2.1 Panitikan:


Maikling Maikling Kuwento
Kuwento 3.2.2 Wika: Mga 228
3.1.2 Wika: Aspekto Pahayag ng
ng Pandiwa Pagsang-ayon at
Pagsalungat
Nasasabik ka na marahil sa mga aralin na iyong aalamin,huwag kang
mag-alala kasama mo na magsisilbing katuwang mo sa pagdukal ng mas
malalim pang karunungan.Magtiwala ka lamang sa iyong kakayahan at
tinitiyak ko magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang ating samahan, ipangako
mo lamang na walang iwanan hanggang sa matapos mo ang kabuuan ng
araling ito. Halika na! Simulan mo na ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng
pagsagot sa panimulang pagtataya na susuri sa iyong kahandaan sa
magiging paksa ng ating aralin.

VI.Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang alam mo tungkol sa araling ito.
Hanapin at isulat sa iyong notbuk ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa
bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang
maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo ang
mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang
pinag-aaralan mo ang modyul na ito.

Unang Bahagi
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng diyagram tungkol sa dula. (para sa bilang 1-5)
Gawin sa sagutang papel.

Dula

Kahulugan Katangian Kahalagahan nito


229
bilang akdang
pampanitikan
Ikalawang Bahagi

Panuto: Basahin at unawain ang isang bahagi ng maikling kuwento. Sagutan


ang mga tanong na kasunod nito.

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito


ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang
pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y magpatuloy sa loob ng tatlong araw,
ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang
araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang
papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog,
nariyang winawasak.
Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang
lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang sa tubig kalian man.

Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang,


makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan
ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa
pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang
pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa
kanyang ulo at pabulong na nagsalita “Siya matulog ka na.”
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti,
kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa
wala.
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking
gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang
kailanman.
230
-halaw sa “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza Matute
6. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______.
A. mapagmahal
B. palaasa
C. mayabang
D. mapangarapin
7. Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano
man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay
_______.
A. pagkatakot
B. pagkagitla
C. paghanga
D. pagtataka
8. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______.
A. pag-asa
B. pangarap
C. pag-unlad
D. paghahangad

9. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay


tinatawag na ________.

A. banghay
B. tema
C. pananaw
D. damdamin

231
10. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______.
A. kilos at galaw ng tauhan
B. tagpuan at banghay
C. tagpuan at kapaligiran

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang malungkot kung ilan lang


ang tama mong sagot. Tutulungan ka ng araling ito upang turuan ka pa at
maiwasto ang mali sa mga sagot mo. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan.

VI . Yugto ng Pagkatuto

Alamin
Malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga
Pilipino sa iba’t ibang panahon. Naranasan nila na maipahayag
ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga
pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang diwang makabansa.

Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y, malaman mo kung


nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon
o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa
Panahon ng Kasarinlan? Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan sa
panahong ito? Umaasa ako na ang mga gawain at pagsasanay sa bahaging
ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na ito.

Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan


maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang
pampanitikan partikular na ang Maikling kuwento at Dula na napatanyag at
umusbong noong Panahon ng Kasarinlan. Sa pagtatapos ng araling ito,
inaasahan kong makapagsasagawa/makabubuo ka ng photo documentary
na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa
Panahon ng Kasarinlan .
Ngayon, simulan mo na ang pag-aaral sa araling ito sa tulong ng
Timeline, ikaw ay magbabalik-tanaw sa mga manunulat at akdang
pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano,
Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan. Sa pamamagitan nito, tiyak
kong maalala mo ang mga akdang iyong napag-aralan sa nagdaang panahon

GAWAIN 2.1: Timeline…Noon at Ngayon


Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.139 . Kilalanin mo at piliin
sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na
isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline. Gawin sa
sagutang papel.

Panahon ng Panahon ng Panahon ng


Amerikano Komonwelt Kasarinlan

232
Hanay A Hanay B

Ang Pagpupulis –
Trapiko ay Isang
Sining

Paglalayag sa Puso
ng Isang Bata

Ako ang Daigdig

Isang Dipang Langit

Lupang Tinubuan

Wikang Pambansa

Si Nemo, Ang Batang


Papel

Titser

Ako’y Isang Tinig

Matapos mong makilala at maihanay nang wasto sa angkop na


panahon ang nasa bawat hanay sa Timeline, nais kong bigyan mo ng hinuha
ang mahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng KWHL Sheet. Sagutin mo
muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan
ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L.

GAWAIN 2.2: TSART-KWHL


Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin,
katuwiran, opinion o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang
damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? 233
K W H L
Ano ang alam Ano ang nais mong Paano mo makikita Ano ang iyong
mo na? malaman? ang nais mong natutuhan/
(What do you (What do you want maunawaan? naunawaan?
know?) to find out) (How can you find (What did you
out what you want learn?)
to learn?)

Inaasahan ko na masasagot mo nang tama ang tanong na ito. Kung


hindi pa, huwag kang mag-alala sapagkat gaya nga ng ipinahayag ko sa
layunin ng araling ito na sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga ay mahahanap mo
ang tamang kasagutan. Maaari ka ng magsimula sa pag-alam sa mga
impormasyon kaugnay ng akdang pampanitikan.

Paunlarin
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang
maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na
saklaw ng aralin. Huwag kang mag-alala sa tulong ng iyong pagsisikap
at pagtitiyaga, mahahanap mo ang tamang kasagutan. Ngayon ay maaari
kang magsimula na sa pag-alam sa mga impormasyon kaugnay ng akdang
pampanitikan. Magsimula tayo sa Maikling kuwento (Aralin 2.3.1
Ang Maikling kuwento o maikling katha gaya ng karaniwang taguri dito
ay sangay ng salaysay (narration). May sariling mga katangian ito na ikinaiiba
sa ibang akdang pampanitikan. Kabilang sa mga katangiang ito ay ang
pagkakaroon ng iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliraning kailangang lutasin, tumatalakay sa isang madulang
bahagi ng buhay at iba pa. Mahalaga ring masagot mo ang sumusunod na
pantulong o prosesong tanong upang makatulong sa iyo sa pagsagot sa
mahalagang tanong ng aralin.
Mga Gabay na Tanong
1. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan?
2. Ano ang karaniwang tema o paksang ginamit ng mga manunulat sa
panahong ito?

3. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa


paggamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa pag-aaral ng maikling
kuwento?

234
Simulan mo na ang mga gawain. Unahin mo munang tuklasin kung
ano ang iyong nalalaman sa ating paksa.

GAWAIN 2.3.1. a: TUKLAS-INFO


Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa
dayagram kaugnay ng araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-aalala,
ito’y pag-alam lamang kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa pag-
aaralan natin.

Ano ang Maikling kuwento?

Maikling Kuwento Paano ito lumaganap sa


Pilipinas?

Ihambing ang Maikling


kuwento sa iba pang akdang
pampanitikan

Inalam lang natin sa mga gawaing ito kung ano na ang iyong
nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo
kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa sumusunod
na Maikling kuwento upang maunawaan ang aralin. Ngunit bago iyon,
mahalagang malaman mo muna kung sino ang sumulat ng akda.Upang
ganap na maunawaan ang aralin, kilalanin mo muna ang isa sa natatanging
manunulat sa panahong ito. Kilala mo ba si Aling Bebang o si Genoveva
Edroza-Matute? Magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa kaniya gamit ang
sumusunod na Concept Map.

Kapanganakan:

Pamilya:
Larawan ni
Genoveva
Edroza-
Matute Mga Katangian:

235
Mga Tagumpay sa Buhay:
Genoveva Edroza-Matute
Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C.
Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina
Anastacio B. Edroza at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa
kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal
sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa
karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa
kaniyang ale—na kapatid
Nasiyahan ka bangsa
kaniyang
iyong ama—doon sa Felix
nabatid sa atingHuertas, Maynila
may-akda? Sa
hanggang makatapos
pagpapatuloy, basahinngmo
elementarya. Nag-aral
na ang maikling siya nang
kuwento sa Santa
may Clara Primary
pag-unawa at
School (na naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary
pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa pagsasanay at isagawa ang mga
School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High
gawaing nasa bahaging ito.
School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine
Basahin at unawainngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino
Normal University
at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ngayon, may ilang impormasyon ka na tungkol sa may-akda, handa


ka na ngayong basahin at unawain ang isa sa kanyang ipinagmamalaking
akda. Simulan mo na.

PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA

ni Genoveva Edroza Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak.

236
Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong

isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala,

isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang

batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.

Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit,

at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang

ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking

isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa

lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang

aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit.

Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan

lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya

ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto"

na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook.

Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang

ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na

hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot

muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang

pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at

pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan

kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi

ng "Goodbye, Teacher!"

Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita

ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-

minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang

kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang

mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan,

237
ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.

Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan

tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang

munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang

utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may

makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang

nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na

ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.

Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at

kaligayahan ng buhay-bata.

Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng

marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga

tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa

mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang

pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na

kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin

ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.

Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit

na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon

na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang

gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng

maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa

kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa

pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng

silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na

ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking

minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa

238
pagtapak sa mga upuan.

At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya

nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha

siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay

tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang

katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong

nalulumbay.

Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang

pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.

Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't

bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa

akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.

Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga

taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan.

Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin

ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na

magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit.

Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang

pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko

ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng

pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.

Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay

ng upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking

tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa.

Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at

nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang

ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang

mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi

239
siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.

Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y

kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol

niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-

iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam

din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang

may kapaitan sa puso.

Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong

kapasiyahan sa kanyang loob.

Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat

na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon

lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher."

Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo

nang lumayo.

Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang

itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y

sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.

Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…

Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa

pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may

nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay

umalis na siya.

Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita

ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan

ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang

kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

240
Naka-relate ka ba? Upang malaman natin na naunawaan mo ang
iyong binasa, sagutin mo nang buong husay ang sumusunod na mga gawain.

GAWAIN 2.3.1.b: Paglinang ng Talasalitaan

Sa pamamagitan ng Clustering, ibigay ang hinihinging mga konsepto o


kaisipan na may kaugnayan sa pahayag na SA PUSO NG ISANG BATA.
Gawin sa sagutang papel.

GAWAIN 2.3.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Upang ganap na mataya ang iyong pag-unawa sa binasa, sagutin mo
ang sumusunod na mga tanong/gawain. Gawin ito sa sagutang papel.
Pananalita Pananalita
1. Suriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita sa
pamamagitan ng Character Mapping. Gawin sa papel. Gayahin ang
Kilos
pormat Kilos

Damdamin Damdamin
241
2. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata?
3. Patunayan na ang guro sa akda’y naturuan ng bata sa kaniyang
buhay?

4. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong


guro kapag ikaw ay napagalitan niya? Pangatuwiranan. Isulat sa
papel.

5. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang


ipinakita sa kaniya ng mag-aaral kahit na napagalitan siya? Sumulat ng
diyalogo bilang sagot. Gawin sa papel

6. Anong damdamin ang namayani sa guro ng nasabi niya sa kanyang


sarili ang pahayag na ito? “Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang
kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak
sa kanyang siya’y mahalaga at minamahal.”

7. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na


tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.”
Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay
lumayo nang lumayo. Ano ang mensaheng nais iparating nito sa guro
at mag-aaral? Isulat ang sagot sa papel.

8. Punan ang mga kahon ng mga mensahe ng kuwento. Gawin sa papel.

242
9. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Patunayan.
10. Sa iyong palagay, may kaugnayan ang paksa o tema ng nasabing akda
sa buhay ng may-akda ng kuwento?

11.Mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento, anong pamamaraan ang


ginamit ng may-akda?

Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento


ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o
dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at
gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa
kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na
anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol
ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay
waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa.  Sumasabay din ang
mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang
pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at
kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng
pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.

Nasagot at naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Muli,


balikan mo ang iyong mga naging sagot at suriin mo. Sa iyong binasa,
mabisang naisalaysay ng may-akda ang tema, paksa o layunin sa kanyang
akda sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng mga pahiwatig.

243
Isang halimbawa ng Maikling kuwento ang iyong binasang akda.
Maliban sa kuwento ng katutubong kulay na iyong napag-aralan sa Panahon
ng Komonwelt, may iba pang mga uri ang Maikling kuwento. Siyanga pala,
ang binasa mong akda ay isang halimbawa ng Maikling kuwento na nasa
uring kuwento ng tauhan. Handa ka na bang madagdagan pa ang iyong
kaalaman tungkol sa Maikling kuwentong ito? Kung gayon, basahin mo ang
kasunod na impormasyon.

Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing

tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang

pag-uugali, pagkilos, pananalita at iba pang katangian sa pamamagitan ng

tahasan o tuwirang paglalarawan o kaya’y pagpapahiwatig sa pamamagitan

ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon.

Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag

na bida at antagonista na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng

bida.

Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag-

uugali kung ano ang gawi, kilos at katangian niya sa simula ng akda

hanggang katapusan; habang ang tauhang bilog (round character) naman

ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa

simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban.


Nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling kuwento,
mangyaring sagutin at gawin mo ang kaugnay na mga gawain.

GAWAIN 2.3.1.d: Pananaw mo,Pananaw ko,Pananaw ng lahat

244
Ibigay ang kahulugan ng maikling kuwento ayon sa iyong sariling
pananaw, pananaw ng ibang tao (kapwa kamag-aral, kaibigan) at pananaw
ng eksperto (maaaring kapanayamin nila). Gawin sa papel.

Sa pananaw ng aking kamag-aral


...

Sa pananaw ng
aking kaibigan...
Sa aking
pananaw...

Sa pananaw ng mga eksperto...

GAWAIN 2.3.1.e: Pagkakaiba-Pagkakatulad

245
Paano naiiba ang Maikling kuwento sa ibang akdang pampanitikan?
Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat.

MAIKLING KUWENTO Iba pang akdang


pampanitikan

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

sa Tema
sa Paksa
sa Layunin
sa Pamamaraan

Kung susuriin mo, sa pagdaan ng mga panahon (mula sa


Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt hanggang Panahon ng
Kasarinlan) ang Maikling kuwento ay naging behikulo ng mga manunulat para
maipahayag ang kanilang saloobin, damdamin, katuwiran o opinyon.
Nagkakaiba lamang sila sa tema, paksa, layunin at pamamaraan kung paano
ito nilikha ng isang manunulat na nakabatay
kung minsan sa kanilang naging karanasan o totoong buhay. At upang higit
mo pang maunawaan at makilala ang Maikling kuwento, basahin mo pa ang
isang halimbawa nito at sagutin ang kasunod na mga tanong:

Ang Aking Inspirasyon

“Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin.”


Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang
sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking
kamag-aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino
na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang
dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi
niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang
pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang panitikan ay salamin ng kultura ng
isang bansa. Buong puso at galak siyang nagtuturo at ito’y walang halong
Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa
pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa kanya. Naunawaan ko na sa
puso’t diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang
iba’t ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat sa pagpapaunlad ng
paaralan. Ngayon, ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak
panitikang Filipino.
ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko
ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at
personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na
nagbabantay ang aking napagtanungan. Ang tanong ko’y “nariyan ba si Ma’am?”.
Ang sagot niya “kaaalis lamang niya ng dumating ka.” Hindi man kami nagtagpo
sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na 246
nagsilbing tanglaw sa landas ko.
Mga Gabay na Tanong
1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento?
2. Anong uri ng Maikling kuwento ang iyong binasa?Patunayan.
3. Aling bahagi sa akdang ito ang masasabi mong may pagkakatulad/
pagkakaiba sa kuwentong nauna mo nang nabasa? Pangatuwiranan.

4. Pansinin ang salitang may salungguhit sa kuwento. Anong bahagi ito


ng panalita? Ano ang diwang inihahatid nito?

Malalaman mo kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na


gawain sa pamamagitan ng mga impormasyon tungkol sa aspekto ng
pandiwa. Malaking tulong upang higit na maipakita ang kasiningan ng larawan
at daloy ng Maikling kuwento sa pamamagitan ng wastong paggamit ng
aspekto ng pandiwa.

Mula sa salitang aspekto, malalaman na ito ay nagpapakita kung kailan


natapos, katatapos, kasalukuyang ginagawa ang kilos. Upang lubos itong
maunawaan, basahin ang nasa kahon at gawin ang gawaing kaugnay nito.
Handa ka na ba?

Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa

nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin

o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa:

aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang

kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong imperpektibo kung

nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at

kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay

naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong

katatapos kung saan nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago


247
nagsimula o naganap ang kilos.
GAWAIN 2.3.1.f: Aspekto-Tsart
Balikan muli ang kuwento. Isulat ang mga salitang may salungguhit sa
tamang talahanayan nang ayon sa aspekto nito.

ASPEKTO NG PANDIWA

Aspektong Aspektong Aspektong Aspektong


Perpektibo Perpektibon Imperpektibo Kontemplatibo
g Katatapos

GAWAIN 2.3.1.g: Salaysayin ng Buhay


Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong
palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at
wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng
pandiwa sa gagawing pagsasalaysay.

Ganap na ang iyong pagkaunawa sa aralin. Muling balikan ang huling


kolum ng tsart-KWHL. Punan ang kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay
palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin.

Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin,


katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo
ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan?

248
K W H L
Ano ang alam mo Ano ang nais mong Paano mo makikita Ano ang iyong
na? malaman? ang nais mong natutuhan/
(What do you (What do you want maunawaan? naunawaan?
know?) to find out) (How can you find (What did you
out what you want learn?)
to learn?)

Pagkatapos mong pag-aralan ang maikling kuwento at ang wastong


paggamit ng aspekto ng pandiwa, dugtungan mo ang pahayag na nasa kahon
upang makabuo ng makabuluhang pahayag.

GAWAIN 2.3.1.h: DugtungangPahayag


Itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag na nasa kahon.

Nalaman ko na ang ….

Naliwanagan ako dahil sa…

Naunawaan ko na…

Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong


paglalakbay para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay maipakita
ang iyong pagkaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng
masining na pagkukuwento o mga kauri nito tungkol sa mga pangyayari sa
kasalukuyan na may pagkakatulad o kabaligtaran ng mga pangyayari sa

249
maikling kuwento. Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain
para sa araling ito.

GAWAIN 2.3.1.i: Inspirasyon Ko, Kuwento ng Buhay Mo

Sinasabi na kung walang guro, walang anumang propesyon tulad ng


doktor, abogado, inhinyero at iba pa. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang
mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng isang kabataan. Marapat
lamang na siya’y tumanggap ng pagkilala. Kaakibat ng programa ng
Kagawaran ng Edukasyon ay ang Pambansang Kongreso ng mga Guro sa
Pilipinas. Ito ay lalahukan ng mga piling guro sa buong Pilipinas, mga
tagapanayam, mga superbisor, punong-guro, Filipino specialist at buong
pangasiwaan ng Kongreso. Ikaw, bilang kampeon sa katatapos na
Pambansang Paligsahan sa larangan ng masining na pagkukuwento ay
inanyayahan bilang isa sa mga panauhing pandangal na magpapakita ka ng
masining na pagkukuwento batay sa paksang “My Teacher, My Hero”
kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers Day bilang pasasalamat sa
kanilang buong pusong pagtupad sa tungkulin. Tiyakin mo na ito’y a)orihinal;
b) malikhain; c) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap; d)
makatotohanan; e) napapanahon; at f) may wastong gamit ng aspekto ng
pandiwa.

Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Magaling! Tunay nga na ikaw ay


malikhain. Tiyak ko na sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa maikling
kuwento. Kung mayroon pang hindi malinaw sa iyo, muli mong balikan ang
naging talakayan at mga gawain. Ngayon nakumpleto mo na ang araling ito,
dumako ka naman sa susunod na aralin, ang dula (Aralin 2.3.2) Halina at
simulan mo na ang panibagong aralin.

Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang


Pilipino ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon
hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging
pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan,
naipakilala ng mga manunulat na ang dula ay hindi lamang
para sa napakababaw na layuning magbigay ng kaaliwan, sa
halip, ito ay maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay
ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa
pagpapakilos.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo ang mga


gabay na tanong upang makabuo ng mahahahalagang konsepto para sa
aralin. Inaasahang ikaw ay makabubuo at makikibahagi sa pagtatanghal ng
dula mula sa orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay
ng isang tao/mga tao sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan,
b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e)kaangkupan ng
tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa
pag-arte.

Mga Gabay na Tanong

250
1. Masasalamin ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan
sa kasalukuyan?

2. Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag


ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang dula?

3. Bakit mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag


ng pagsang-ayon at pagsalungat?

GAWAIN 2.3.2.a: Pagkakatulad-Pagkakaiba


Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng dalawa sa mga uri ng panitikan. Gawin sa papel. Gayahin
ang pormat.

Pagkatapos mong mailahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


Maikling kuwento at Dula, sikapin mo namang sagutin ang hinihingi sa
talahanayan.

GAWAIN 2.3.2.b: Balik-tanawin…


Balikan mo ang ilan sa araling napag-aralan mo upang masagutan mo
ang dayagram.Gawin sa sagutang papel.

MAIKLING KUWENTO PANAHON NG PANAHON PANAHON NG

251
NG
AMERIKANO KASARINLAN
KOMONWELT
PAMAGAT
PAKSA
MAY -AKDA
PANGUNAHING TAUHAN
ARAL
PANAHON
PANAHON NG PANAHON NG
DULA NG
AMERIKANO KASARINLAN
KOMONWELT
PAMAGAT
PAKSA
MAY -AKDA
PANGUNAHING TAUHAN
ARAL

GAWAIN 2.3.2.c: Sang-ayon o Salungat


Sagutin mo ang sumusunod na mga gabay na tanong sa tulong ng
discussion web. Malalaman mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy ng iyong
pag-aaral ng araling ito.

Sang-ayon Salungat

Hanggang sa kasalukuyan
nananatili pa rin ang kulturang
Pilipino na masasalamin sa
dulang pantanghalan mula sa
Panahon ng Kasarinlan
Naging mabisang kasangkapan ng
mga manunulat sa pagpapahayag
ng kanilang damdamin, saloobin,
opinyon, at karanasan sa Dula.

Mahalagang malaman mo ang


tamang paraan ng pagpapahayag
ng pagsang-ayon at pagsalungat.

Nasagutan mo ba nang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi


ka tiyak sa iyong naging mga sagot, ipagpatuloy mo lamang ang iyong
pagtuklas sa bahaging ito ng aralin na makatutulong upang mapalawak pa
ang kaalaman mo tungkol sa dula gayundin naman sa kaugnay na wika nito,
ang pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat

252
Para sa higit na pagkakaunawa mo sa aralin, halika at kilalanin mo ang
isa sa napantanyag na manunulat sa Panahon ng Kasarinlan. Pagkatapos mo
siyang makilala, basahin at unawain mo muna ang kasunod na dula na
isinulat niya noong Panahon ng Kasarinlan.

Dionisio S. Salazar

Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero

8,1919 si Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng

kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng

Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto.

Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang

premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing,

patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na

tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal

gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa

Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and

Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong

panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki

nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na

manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat

tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.

O, nasiyahan ka ba sa iyong nabatid tungkol kay Dionisio Salazar? Sa


pagpapatuloy, babasahin mo na ang dula, huwag mong kalilimutang sagutin
ang mga tanong sa pagsasanay. Isagawa ang mga gawain sa bahaging ito.
Bilang panimula, nais ko munang bigyan mo ng hinuha ang pamagat ng ating
dula. Isulat sa papel ang sagot.

GAWAIN 2.3.2.d: Hinuha Mo…Hinuha Ko

253
Ang aking hinuha sa pamagat ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Matapos mong mabigyan ng hinuha ang pamagat ng ating dula, handa


ka na para basahin ito.

Basahin at unawain
SINAG SA KARIMLAN
ni Dionisio S. Salazar

MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………
Doming …………….. Mga kapwa bilanggo
Bok …………………
Padre Abena ………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes ………… Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa.
ORAS: Umaga
PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming
pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…Waterloo ng kasamaan…
Hamon sa pagbabagong buhay …May mga maikling gayong dapat
hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay
hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang
dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad,
kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin
sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami

254
nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang
makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang
tatak…May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng
isang marikit at makulay na kasaysayan…

PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng


Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita
rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa
gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing
kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May
munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa
gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng
dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May black eye
rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong –
may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan
sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka- plaster cast naman ang
isang paa ni Doming …Paminsan- minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni
Bok .

Doming : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok)


tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas
hang.BABAYING . Ba,sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa
naman. Duguduguan siya.
Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman
seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni
Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens!
Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming : Hisi lang, Tsokaran.
Bok : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat
n’ya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at
mapapahalinghing si Tony.)
Doming : Kilala mo siya, Bok?
Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko…

255
Doming : Ba, ‘wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony
ho’ng pangalan ko. Tekayo!Kayo si Ginoong Ernani Alba, di
ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan : Salamat, Tony.
Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only
Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai
padrino. Yeba!… (Mangingiting makahulugan ang lahat.)
Tony : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang
iling ang itutugon niTony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi
Gang, ha?
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada.
Dahil sa barkada’y –heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa
Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw
ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t
nagalaslas ang imong tiyan,ber? At… teribol yang blakay mo.
Yawa.
Doming : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya
mo ba,Tony?
Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy
kagabi.Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t
nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib),
kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y
yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya …
Aruy!

Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang


napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili)
A,kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa

256
kamatayan ! (Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y …
‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang
mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong …
Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan …
Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking
pagbabago… Totoo nga naman, walang utang na hindi
pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok : (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa
himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki
naganakaw milyun –milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay.
Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta
‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami
gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay
masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di
dapat pagtalunan.
Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung
walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di
nagkakaisa’y pirming nag- aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong
malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero …
pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may
kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre
Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan.
Tiyak.
Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya)
Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo.
Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng
tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit
kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit,

257
paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng
Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away sila …
Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos
ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo
kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya…
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang
lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong
mandukot, mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa
Welfareville … Inilipat ako dito pagkatapos … Santaon na lang
ang natitira sa senten’sya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng
lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting
library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi
nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki ang
pagbabasa…”
Tony : Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan
kaya. Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Ayoko na siyang makita pa!
Bok : Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony : ‘Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan.
Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng
aking kapatid… ng aking pagkakaganito!
Ernan : Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at
magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa.
Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig.
Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang
mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw
ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong
tingin. Pambihira kayo.
Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong
kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain.
Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang

258
walang anak (Magbubuntunghininga) …napaka … hindi ganap
ang kanilang kaligayahan.
Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan : K’warenta’y singko na.
Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa.
(Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon
de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung
multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko
sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog
ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat
na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga
nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang
nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil
nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman
akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung
ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala
ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang
tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait na
maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka
namin.
Tony : Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin
din daw ako. Pero…nakakahiya na atang pumasok sa klase.
Baka tawanan.
Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y
walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang
marunong na nagkakaanak ng alipin.
Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal,
binaril –
Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa
kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng
ating kasaysayan. Kailangan natin ang marunong na lider,
Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman

259
sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang
colonial mentality.
Bok : Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang
sariling paninindigan.Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa
naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan
ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip
seguro magatakas tayo.Yawa. (Tawanan) Pano ngani?… Mi
trangkaso… Lumpo (Titingnan si Doming) …Almoranas
(Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan?
Ingungususo si Tony.Tawanan na naman.)
Tony : Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan : Hindi naman.
Doming : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan : Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw
Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony : Ako nga ho.
Ernan : Ang binigkas mong tula’y –
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas
kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga
sinulat ko rito.
Doming : Hanong pamagat?
Ernan : Sinag Sa Karimlan.
Tony : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay
sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang
liwanag!
Ernan : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony : Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba.
Bok : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang
paksa)Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare….
(Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa
pahiwatig ni BOK)
Doming : Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang
haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo.
Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina
hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t
matalik na kebigan hay…Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking

260
tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana…
Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan : Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang
bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y
para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang
malakas na naa…padrino, sabi nga ni Bok.
Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming : Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha
s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!
Tony : “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa
kagandahan ” Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon?
Ernan : Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay”
Doming : Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan
hang…(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw,
Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong
napakaganda.
Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko,
hm…
Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of
beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan
ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming
pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! ….
Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan,
totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok : Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony : Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming : Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming : Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na
ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng
pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming
Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang
marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot
ng kumot.)
Tony : Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan : Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting
pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan.

261
Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na
kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya
napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-
linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me
inaasahang tubo o gantimpala. May –
Ernan : “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony : Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang
maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong
–buhay.
Doming : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip
mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony : P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin
dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena !
Magandang umaga po Padre.
P. Abena : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang
taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-
aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang
tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit )
Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May
blak-ay ka!
Bok : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre
tay-pa na .
Tony : Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya
lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon ,
Padre maaabsen ako sa ‘ting klase?
P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a…Natutuwa ako’t hindi ka naganyak
sumama kagabi.
Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin!
Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang
tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony : Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Erna’y ibig
ding …Wala raw silang anak.
Ernan : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung
may usapan na kayo’y… Padre, kami ng maybahay ko’y labing
limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang magka-

262
anak, subalit…Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor
kay Tony.
P. Abena :Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya.
Matulungin.Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang
pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig.
Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena : Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa
‘yo. Pagdating naman ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo
ang mangyayari.
Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na
senyong wala ‘na akong Tatay!
P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A,
‘di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,
Tony?
Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong
maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y
aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa
ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig
sana) “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang
nagpapagibik na ‘yon.(Susundan ito ng alis .)
Lahat : Adyos, Padre.
Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng
paring tulad niya …Matutupad din ang pangarap kong
makapag-aral … kung sakali…
Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat
ng alagad ng pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa
karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa
lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng
pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo.
Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony : Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan : A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa
Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan,
pangkultura … May malaki akong aklatan –magugustuhan mo
…. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo
kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa
pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay

263
galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batang-batang nars
ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang
temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin
ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya –
lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang
pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya
pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may karamdaman)
Bok : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss
Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero …
ginsama ang akon record. Yawa.
Tony : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang
pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na
marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok : Galalim man ang imong Tagalog!
Ernan : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok
(pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng
bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! ..
Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.)
Ernan : P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni
Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na …
(Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan
na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng
makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa
pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok
at Doming.)
Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales
pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring
tanod.)
Tanod : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony : (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod : Miron kang bisita, adding.
Tony : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir?
Tanod : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa
kanya.
Doming : Kuwarentay singko.
Tony : Papunta na ba rito, sir?
Tanod : Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony : (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa
loob ng dalawang taon.

264
Ernan : Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming : Baka naman hisang kamaghanak.
Bok : (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris
moTony?
Tony : (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok;
sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!
… City Jail … Welfareville … Muntinlupa… Imposible! Hindi.
Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong
itulot,Diyos ko!
Ernan : Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y ‘di siya
makatutuloy dito. Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating!
(Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang
dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya
ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na siya’y dumanas o
dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na barong
tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun
may halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-
aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’t
ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na
hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin
ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding
tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis : (Madamdamin) Tony, anak ko! …(Walang imik na pagyayapos
ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay
ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang
anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at
walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng
kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang
sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa
mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis
ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang
pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang
ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang
dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman
mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis : Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y
makita? Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa
kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti- unti
siyang lalapitan ng ama.)

265
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis : (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony : (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon
nang p-p patay !
Tony : Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony : Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng
bintana.) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa
kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking
Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil …Ano’ng gagawin ko? Me
sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami
… At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang
araw e napilitan akong …Nang– agaw ako ng bag. Nahuli ako.
Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang
dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang
kapatid ko! Sa tulong –
Luis : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob …
A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga
kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay …
Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T.B. rin ako …
Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng
iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog
nang walang unan …magtago sa ilalim ng tulay …
Bok : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony : (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat …
Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-
masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto …
Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at
malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang
haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong
ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay
tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-
iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis : H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony : Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis : Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony : (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang
hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa

266
kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayo’y

Tony : Huli na ang lahat!
Luis : Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan
kitang pinaghahanap?… At nang malaman kong narito ka’y
nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka
ng parole.
Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi
ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na.
(Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian!
Aru-aruuuyyy!
Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony)
Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin
kita. Anak, magsama-sama tayong muli!
Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa
sumama sa senyo!
Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –
ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo
ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin
ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang
Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod
naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang
nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad
naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig)
Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na
tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang
malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang
mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang
nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang
nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang
nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa
may pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-
ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang
kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga
ikinikilos ng kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis ang
nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na
pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-
bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at

267
Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo
sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin
ang kanyang labi.)
Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay
batbat ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya
lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit.
Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng
tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo
ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang
sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doktor…(Kay
Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot)
Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming : Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga
ba…
Bok : Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung
masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico
ng Asisi, sana’y –
Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” …
Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may
galit –
Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang
maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating
ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony : (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at
magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim
ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno
yaon ng dugo) Tony!(Kagyat na nalalapitan ang binata at
pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung doktor! O nars!
Madali kayo! …
Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming : (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars!
Nars! Narrsss!…(Muling darating ang nars na nakarinig sa
malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng
pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang

268
nagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng
magkasamang P. Abena at Mang Luis.Walang imik silang
magmamasid.)
Nars : Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita
nang
malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony?
Tony : Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd?
A, Miss Reyes pala!
Nars : Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy …
Sige ka, hm…
Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P.
Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars : O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango
ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony : Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot
kelanman ! Alam mo na iyan … matagal na. ( Hindi pa rin
nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng
papalapit na pari.)
P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag
ang batang ‘yan. Paris mo…
Tony : Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa,
Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang
tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony : Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang
pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi
mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si
Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay
mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na
katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay
magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng
kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars : Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw
‘pagkat makasasama sa ’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige,
higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang
tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.

269
P. Abena :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,
nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na
katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga
sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid
na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha
sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-
dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni
Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng
butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong
upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y
may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring
ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang
kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo,
madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng
dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na
pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan.
Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng
bahagya at pangiting bubulong.)

Nagustuhan mo ba ang dulang iyong binasa? May nabago ba sa iyong


saloobin at pananaw sa buhay matapos mong mabasa ang dula? Kaugnay ng
akdang ito, iba’t ibang gawain ang inihanda ko para sa iyo. Higit nitong
mapalalawak at mapalalalim ang iyong kaalaman.

GAWAIN 2.3.2.e: Kasingkahulugan(Talasalitaan)

270
Basahin ang mga pariralang hango sa dula. Ibigay ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit. Piliin sa ang kasingkahulugan ng mga ito at
gamitin sa sariling pangungusap. Gawin sa papel.

1. nagbakbakan naman seguro.


Pangungusap:____________________________________________

2. masyadong kontrobersiyal
Pangungusap:_____________________________________________

3. nalalambungan ng dilim.
Pangungusap:_____________________________________________

4. paglililo’y nasa kagandahan


Pangungusap:_____________________________________________

5. walang pagkukunwari
Pangungusap:_____________________________________________

naglabanan

pagpapanggap

pagtataksil natatakpan

nakakubli

Mainit na pinag-uusapan

GAWAIN 2.3.2.f: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

271
Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo
ang sumusunod na mga tanong/gawain. Isulat ang sagot sa iyong notbuk.

1. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin at paniniwala ng mga


tauhan sa dulang iyong binasa. Gawin mong batayan ang kasunod na
tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
2.
Mga PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA SALOOBIN
Tauhan
Tony
Ernan
Doming
Bok

3. May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag.


4. Halimbawang nagkamali ka, paano mo ito maitutuwid?
5. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng
mga bagay na labag sa batas?

6. Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng


kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya?

7. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May


pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? Gawin sa papel.

NOON KALAGAYANG NGAYON


PANLIPUNAN

8. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang “Sinag sa Karimlan” na


nagpapakita sa katangian ng isang dula. Gawin sa papel.

272
9. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang
kapwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?Isulat sa
papel ang sagot.

10. Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga


manunulat sa panahong ito ang Dula sa paghahayag ng kanilang
damdamin, saloobin, opinyon at karanasan?

11. Anong uri ng Dula ang iyong binasa? Ilahad ang mga katangian nito.

URI NG DULA MGA KATANGIAN


-
-
-

12. Tukuyin ang nais sabihin ng may-akda. Punan ang tsart. Gawin sa
papel.

Sa Lipunang
Sa Sarili Sa Ibang Tao
Ginagalawan

273
Ang binasa at tinalakay nating akda ay isang halimbawa ng Dula.
Maliban sa Sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa
iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang
Dula. Basahin mo ang kasunod na karagdagang mga impormasyon tungkol
sa dula at pagkatapos gawin mo ang kasunod na mga gawain.

Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa

tanghalan ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag

ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang

dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin at humihingi

ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda

sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw

sa tanghalan.

Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na

nagpapatingkad dito kung kaya’t nararapat lamang na ang isang dula ay

hindi magkulang ng sangkap sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang

lalong makatayo nang buong husay at makulay. Ito rin ang nagdudulot ng

kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar- kung saan nagaganap ang

mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip- itinuturing na

pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o

nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor-

gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng mga

diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon sa

mga manonood; d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at

nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood- mga saksi o nakapanood

ng isang pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng


274
mga tauhan samantalang ang tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa

dula.
Nakatulong nang malaki ang Dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad
ng panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na
mailarawan ngMgabuoPahayag ng Pagsang-ayon
ang kulturang Pilipino at at Pagsalungat
kanilang pangkasalukuyang
kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na hindi lamang para sa
napakababaw na layuning magbigay kaaliwan kundi maaaring mabisang
Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa
kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng
damdamin
anumang at sa pagpapakilos.
usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan.

Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat


Samantala, kaugnay nito ang pagiging interaktibo ng tao sa pagbibigay
nggamitin
sarilingsa opinyon
pagpapahayag ng pagsang-ayon
o reaksiyon hinggil at
sapagsalungat.
kaniyang naranasan, nakita o
napanood, narinig at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito,
karaniwang Sa humahantong
pagpapahayag ng pagsang-ayon
sa pagsang-ayon at pagsalungat
o pagsalungat. Basahin ay
ang
mga impormasyon tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag ng
makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng
pagsang-ayon at pagsalungat.
malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi

pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami.

Halimbawa:

*Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon

Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng


iniisip. Ganyan din ang palagay ko. Oo. Tunay

*Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat


275
Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit. Ikinalulungkot ko
ngunit. Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw
Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa sa tamang paraan ng
paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagsalungat, maaari mo ng
sagutin ang hinihingi ng tanong/gawain .

GAWAIN 2.3.2.i: Reaksiyon 1 / 1


Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula.Gawin sa
papel.
a.Pananaw ni Mang Ernan sa buhay

b.Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama

c.Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony

d.Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis

GAWAIN 2.3.2.j: Ilahad Mo, Opinyon Mo


Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil
dito. Gumamit ng mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat at
salungguhitan ang mga ito. Sa tulong ng debate, ilahad ang iyong opinyon sa
sumusunod na paksa.

276
a. Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula.
b. Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng
indibidwal na nakukulong

c. Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki

GAWAIN 2.3.2.k: Sumasang-ayon…Sumasalungat


Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka
ba sa mga ito? Lagyan ng tsek ( / ) ang kahong katapat ng iyong sagot at
saka ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa patlang.
a. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin.
Sumasang-ayon ako

Sumasalungat ako

Ang pangangatuwiran ko ay
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

b. Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang


relihiyon.

Sumasang-ayon ako

Sumasalungat ako

Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________


______________________________________________________________

c. Ang tao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa.

Sumasang-ayon ako

Sumasalungat ako

277
Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________
______________________________________________________________

GAWAIN 2.3.2.l: Halaga ng Wika


Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng paggamit ng
mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat?
Pangatuwiranan.

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa gawain? Alam kong


kayang-kaya mo ito. Minsan pa ay magkaroon ka ng pagtataya sa iyong
kaalaman sa mga naging aralin sa tulong ng sumusunod na gawain.

GAWAIN 2.3.2.m: Ilahad…Pananaw Mo


Ilahad ang iyong pananaw sa tanong na nasa loob ng bilog

Masasalamin pa ba
ang kulturang Pilipino
sa mga dulang
pantanghalan sa
kasalukuyan?

Naging mabisa bang


kasangkapan ng mga
manunulat sa paghahayag
ng kanilang damdamin,
saloobin, opinyon at
karanasan ang pagsulat ng
Dula?

Bakit mahalagang
matutuhan mo ang
tamang paraan ng
pagpapahayag ng
pagsang-ayon at
pagsalungat
278
GAWAIN 2.3.2.n: Bisa sa Isip, Damdamin, Kaasalan
Buuin ang pahayag batay sa bisang pangkaisipan, bisang
pandamdamin at bisang pangkaasalan buhat sa dulang napag-aralan. Gawin
sa papel. Gayahin ang pormat.

Matapos mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa aralin, handa ka


nang ilapat ang iyong mga natutuhan sa susunod na bahagi.

GAWAIN 2.3.2.o: Buhay Ko, Buhay Mo Sa Likod ng Iskrip


Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang
pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito.

Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan,

ikaw ay naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-worksyap tungkol sa

279
“Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon”. Isa sa bahagi ng naturang

seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang

artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa

larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip

na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at

pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain

ito batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining,

d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi

ng dula, g) kahusayan sa pag-arte at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-

ayon at pagsalungat.

Magaling! Naisagawa mo nang buong husay ang naturang gawain.


Sa bahaging ito tapos na nating talakayin ang maikling kuwento at
dula, mga panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin.
Balikan mo ang naging mga gawain at ihambing ang iyong inisyal na ideya
sa naging takbo ng talakayan. Ilan sa mga ito ang wasto? Kung halos lahat
ay nakuha mo nang tama, binabati kita!. Kung hindi naman ay mayroon ka
pang pagkakataon na muli itong balikan upang maiwasto ito.

Ngayong alam mo na ang mahahalagang ideya/konsepto ng dalawang


araling ito, ihanda mo naman ang iyong sarili sa susunod na gawain kung
saan magkakaroon ng pagtataya kung paano mo naunawaan ang naging
mga aralin.
Ikaw ay opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay

na naimbitahang maging panauhing tagapagsalita sa gaganaping programa

para sa Foundation Day ng iyong lungsod. Layunin mong makapaghatid sa

kanilang kaalaman tungkol sa kultura at kalagayang panlipunan ng inyong

barangay na katatapos lamang tanghalin bilang Most Outstanding

Barangay ng Taon. Gagamitin mo bilang presentasyon sa inyong

pagsasalita ang photo documentary na naglalarawan ng kalagayan ng


Ilipat
kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay sa kasalukuyan.
Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong
Tiyakin
natutuhan samo dalawang a)orihinal/awtentiko;
na ito’y aralin. Tatayain ito sab) pamamagitan
malikhain; c)ng
sumusunod na gawain.
makabuluhan ang mensahe; d) may pagkakaugnay-ugnay ang mga

pangyayari at larawan; d) nagtataglay ng elemento ng masining na

pagkukuwento; e) masining; at f) may wastong gamit ng aspekto ng


280

pandiwa.
Kumusta? Ano ang pakiramdam mo matapos mong magawa ang
naturang gawain? Sabi ko na nga ba, kayang-kaya mo itong gawin.
Nakumpleto mo na ang mga araling ito. Bago ka dumako sa susunod na
gawain o bahagi, sagutin mo muna ang pangwakas na pagsusulit upang
matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan.

VII. Pangwakas na Pagtataya (Panahon ng Kasarinlan)


Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang
naramdaman matapos itong matalakay.

Matapos matalakay ang aralin, NALAMAN KO NA:


1.
2.
3.
4.

281
Nakadama ako ng _____________________________________matapos
mailahad ang aralin dahil:
1.
2.
3.
4.

Pinatunayan mong muli na sa sariling sikap at tiyaga, malalampasan


mo ang lahat ng pagsubok sa modyul na ito. Sa kabuuan, naunawaan mo na
ang tungkol sa tulong na hatid ng panitikan sa pagtatamo ng damdaming
makabayan sa Panahon ng Kasarinlan at sa kahalagahan nito bilang salamin
ng kultura ng isang bansa.

Oops, huwag ka munang bibitiw. Upang mas lalo pa nating malaman


na ganap at malalim na talaga ang iyong pagkaunawa sa buong Modyul 2,
muling pagnilayan, suriin,at sagutin mo ang mahahalagang konsepto nito na
matatagpuan sa unahang bahagi.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Ngayon subukin natin kung talagang naunawaan mo ang
mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais
kong matandaan mo. Masasagot mo na nang tama kung bakit
kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t ibang panahon? Tunay ba
na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa?

1. Ibigay ang konseptong inilalahad ng graphic organizer. Pag-aralan mo


ito nang mabuti. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat

Ang Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga akdang


pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt
at Kasarinlan (batay sa paksa, tema, layunin ng 282
manunulat at uri ng akdang pampanitikan)
Ang Panahon ng Amerikano, Ang pagkakaiba ng Panahon ng
Komonwelt at Kasarinlan ay may Amerikano, Komonwelt at
pagkakatulad… Kasarinlan ay…

Ang Panahon ng Amerikano,


Komonwelt at Kasarinlan ay may
pagkakatulad…

Ang Panahon ng Amerikano,


Komonwelt at Kasarinlan ay may
pagkakatulad…

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa mga


panahong ito?
3. Nakatulong ba ang panitikan upang maging daan ng pagpapahayag ng
saloobin, opinyon at katuwiran?
4. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling ating tinalakay? Sagutin
ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag na nakasulat sa
Speech Balloon. Gawin sa papel.

Pagkatapos kong pag-aralan ang mga akdang


pampanitikan na sumibol at umusbong sa tatlong
panahon, napag-alaman kong
______________________________________________
__________________________________________.
Naramdaman kong
________________________________________
______________________________________________
__________________________________________.
Dahil dito, naunawaan ko ang kahalagahan ng
__________________
______________________________________________
__________________________________kaya_________
______________________________________________
______________________________________________.283
Nasisiyahan ako at nagagalak sapagkat natugunan
mo ang lahat ng gawain na inilaan para sa iyo ng modyul na ito. Tunay
na marami ka ng naipong kaalaman/impormasyon at higit na ang iyong
kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul kundi higit sa mas
makabuluhang patutunguhan nito. Bilang isang hamon, muli sikapin
mong matugunan at mahigitan ang inaasahan kong magagawa mo sa
susunod na bahagi.

ILIPAT
Binabati kita! At ilang hakbang na lamang at tapos na ang
iyong paglalakbay sa modyul na ito. Ang layunin mo sa bahaging
ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa Modyul 2 sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang
video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili
pa sa kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang
sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.

Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay

ang pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang

nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang

programa ang Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang

kulturang Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga

turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito.

Bilang tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong

probinsiya, layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang

Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na

bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng

kulturang Pilipino na nagpapatunay na “It’s More Fun in the

Philippines” . Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang

Pilipino na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang

presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa


284

pananaliksik; b)makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan


Napakahusay ng iyong video presentation! Maipagmamalaki na
kita!
Nagagalak ako at natapos mo na ang araling ito. Inaasahan ko na
marami kang natutuhan sa ating pag-uugnayan. Kaya bago ka dumako
sa susunod na modyul, sagutin mo ang ating pangwakas na pagsusulit.
Huwag kang matakot, kayang-kaya mo ito dahil marami ka ng alam.

VII.PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Modyul 2)


Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng pagtataya kung paano mo
naunawaan ang aralin. Sagutin ang sumusunod na tanong. Tiyakin na
nabasang mabuti ang panuto upang masagot mo ito ayon sa isinasaad
nito. Maaari ka nang magtungo sa bagong aralin kung maipapasa mo
ang huling pagtataya subalit kung hindi naman ay babalikan mo lamang
muli ang mga gawain. Huwag kang mag-alala sapagkat bahagi lamang
ito ng proseso upang matiyak na naunawaan mo ang aralin.

Pangkalahatang Panuto

1.Basahing mabuti ang bawat panuto sa pagsusulit.

2.Isulat ang sagot sa iyong notbuk.

285
3.Basahin at balikang muli ang mga tanong at ang iyong naging sagot
upang matiyak na nasagot mo ang lahat ng katanungan at mapag-
aralang muli ang iyong mga naging kasagutan.

Simulan mo na ang pagsagot.

1. Sino ang tinaguriang ama ng maikling kuwento?


a. Rogelio R. Sikat
a. Deogracias A. Rosario
b. Narciso Reyes
c. Liwayway Arceo
2. Paano lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng
Komonwelt?
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na
Panitikan.

b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat

c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat

d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga


kuwentista

3.Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.”


a. salaysay
b. komposisyon
c. talumpati
d. sanaysay

4.Bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at


bumabasa?
a. Malayo ito sa damdamin ng madla
b. Napakahirap nitong gawin.
c. Dahil nagmula ito sa ibang bansa.
d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik.
5.Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan?
a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit
lumalaban.

b. Mayroon itong isahang yugto.

286
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang
sining.

d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at


pamilyar dahil nang-aaliw.

5. Anong bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o


pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa?

a.kakintalan
b.kasukdulan
c.kakalasan
d.wakas
7. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang
kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa Maikling kuwento?

a. simbolismo
b. pahiwatig
c. kakintalan
d. larawang-diwa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang


masagot ang kasunod na mga tanong.
Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais
Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik.
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig
Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip;
Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig,
Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;
Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,
Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit.
Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o
ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
287
8.Anong uri ng tulang patnigan ang binasa?
a. Balagtasan
b. Duplo
c. Karagatan
d. Batutian
9. Sino kaya ang nagsasalita sa hinangong akda?
a. May-akda
b. Lakandiwa
c. Mambabalagtas 1
d. Mambabalagtas 2
10. Anong sukat mayroon ang akda?
Tony a. wawaluhin
:Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-
amahan?
b. lalabindalawahin
P. Abena :Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin
c. lalabing-animin
sa’yo.
d. lalabingwaluhin
Pagdating naman ng araw ay…magugustuhan din ng tatay
mo Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda?
11.
ang mangyayari.
a. kalakasan at kahinaan
Tony :(Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na
b. kayamanan at karalitaan
seyong wala akong Tatay!
P.Abenac. pag-aaral
:Ikaw oangpag-ibig
masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong
d. pusonasugatang
at isip damdamin. May lambong ka pa ng karimlang…A,
di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,
Tony?
Tony :Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena :Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong
Maggagalaw at nang hindi dumugo.

(Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang Malakas na pagpapagibik


buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik
Ang lahat at makikinig sa narinig “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko
sa Uhaw! Tubig!)
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang
napagibik na ‘yon (Susundan ito ng alis)
Lahat : Adyos, Padre.
Tony : (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid
ng paring tulad niya. Matutupad din ang pangarap kong 288
makapag-aral kung sakali.

Halaw sa akdang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar


12. “Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay!” ang
pahayag na ito ni Tony ay nagpapahiwatig ng _______________.

a. pagngingitngit ni Tony sa ama


b. pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya
c. pagtatampo ni Tony ke Padre Abena
d. pagkainis ni Tony sa pangalang binanggit

13. Ang pandiwang may salungguhit sa pangungusap na “Diyan nga muna


kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na ‘yon.” ay nasa
aspektong_____________

a. perpektibo
b. kontemplatibo
c. imperpektibo
d. perpektibong katatapos
14. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming
mga tauhan sa loob ng isang dula.
a.usapan
b.diyalogo
c.salitaan

289
d.eksena
15. Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan?
a. antagonista
b. ekstra
c. kontrabida
“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at
d. protagonista
nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na

tayong malaya; subalit malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang

naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing

kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong

katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili

mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay.

Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit

nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, ang pangalawang hampas. Muling

bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala

mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika

mo gayong iyan ang inihandog sa ‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo

matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala.

Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung

humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka

dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong

dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa

iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo

ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw

nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na

ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan

subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. Malaya

ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.

Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang

ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.


290

Mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.


16.Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda?
a. politiko
b. mananakop
c. kahirapan
d. pagpapahayag ng saloobin.
17. “Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap
at wala na ang tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salitang may
salungguhit?

a. bilangguan
b. kalayaan
c. sakit sa katawan

291
d. kadena
18. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo
ang mga latay na tumimo sa iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa
bayang Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng
iyong kahapon.
17. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala sa mga
Pilipino?
a. dahil sa pagpipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-
Bayan na malaon nang ginagamit

b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang


pananakop sa bansa

c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na


pilit na ipinapalit sa sariling wika

d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang


mangyari

18. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya


mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan?

a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan


b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa
c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in
d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling
pag-unlad

Ngayon, tingnan mo ang iyong sagot sa pagtatapos ng modyul.


Marami ka bang naging wastong sagot? Natutuwa ako at punong-puno
ka ng kaalaman sa araw na ito!

292
Alam mo ba na ‘di lamang sa Panahon ng Pananakop ng
Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan lumaganap ang mga akdang
pampanitikang natutuhan mo dahil sa kasalukuyan ay may tinatawag na
tayong panitikang popular.. Gusto mo bang malaman ang mga ito?
Ikaw, nasa uso ka ba? In ka ba ngayon? Kung oo, tiyak na makapag-
aaral ka na sa ikatlong modyul na iyong pag-aaralan…ang
Repleksiyon ng Kasalukuyan…Tungo sa Kinabukasan.
Maligayang paglalakbay!!!

MODYUL 3: REPLEKSIYON Ng kASALUKUYAN…


TUNGO SA KINABUKASAN

I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG


Binabati kita! Ngayon ay magsisimula ka na sa Modyul 3 ng iyong
pag-aaral sa Filipino! Sa modyul na ito, matutuklasan mo at
mauunawaan ang kulturang popular sa kasalukuyan sa pamamagitan ng
pag-aaral ng mga babasahing popular (tabloid, komiks, magasin at
kontemporaryong dagli), broadcast media (radyo at telebisyon) at pelikula.

Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa


buong mundo maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng Internet, pag-
usbong ng iba’t ibang social media network gaya ng Facebook at Twitter,
gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga
website gaya ng YouTube ay nagdulot ng malaking pagbabago sa

293
kulturang Pilipino. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa
mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa
pagbabagong bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba naiba ang
tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon
ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa
panitikang popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong
na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan kong


makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa estilo, mekanismo,
pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang
popular tungo sa kamalayang panlipunan. Bilang patunay na
naunawaan mo ang mahahalagang konsepto, sa pagtatapos ng iyong
pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay makikibahagi sa pagbuo
ng kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (social awareness
campaign) sa pamamagitan ng alinmang midyum ng multimedia na iyong
matututuhan sa modyul na ito. Magiging kaagapay mo rin sa pagbuo
nito ang mga araling pangwika na iyong pag-aaralan.

II. MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO

Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo


ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang
sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito

Mga Aralin sa Yunit

Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura


at Panitikang Popular

a. Panitikan: Popular na Babasahin


 Pahayagan (Tabloid)
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong Dagli

b. Wika: Antas ng Wika


 Pormal

294
 Di-pormal
 Balbal

Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago


at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

. a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo


b. Wika: Konsepto ng Pananaw

a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon


b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula:


Midyum sa Pagbabagong Panlipunan

a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni


Brillante Mendoza
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang:

Aralin 3.1: makapagbabahagi ng mga babasahing popular na


sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang
panahon;

Aralin 3.2: makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling


pananaw batay sa pamantayan ng isang mapanagutang
mamamahayag;

Aralin 3.3: makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo,


mekanismo at kaalamang teknikal ng isang
dokumentaryong pampelikula bilang midyum sa
pagbabagong panlipunan.

III. MGA INAASAHANG KASANAYAN


Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman
at kasanayan
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Repleksiyon Pakikinig
Ng Naililipat sa isang grapikong organayser ang mga
Kasalukuyan impormasyong napakinggan (transkoding)
Tungo  dayagram
Sa  grap
kinabukasan  grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang


pahayag, mensahe at teksto

295
Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring
pakikinig/panonood
 Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinion at
personal na interpretasyon ng nagsasalita at nakikinig
 Napag-iiba ang katotohahan (facts) sa mga hinuha
(inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng
nagsasalita at ng nakikinig /nanonood
 Nailalahad ang mga pagkiling (biases, prejudices) at
sariling interes ng nagsasalita
 Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa
teksto o diskursong napakinggan/napanood
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga
napakinggang pahayag, mensahe at teksto

Pagsasalita
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga
datos
sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon


at saloobin

Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/


pag-aatubili o pasubali

Pag-unawa sa Binasa
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na
bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa:


 paksa
 layon
 tono
 pananaw
 paraan ng pagkakasulat
 pagbubuo ng salita
 pagbubuo ng pangungusap
 pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring


pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:
 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang
nakapaloob sa teksto
 Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng
- paksa
- tono
- layon

296
- estilo at
- gamit ng mga salita

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa


mga nangyayari sa:
 sarili
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig

Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol


sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod:
- HIV and Drug Prevention
- Peace Education
- Karapatang Pambata at Kanilang
Responsibilidad
- Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga
Pilipino

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto


sa pamamagitan ng pagkilala sa:
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
 Napagsasama-sama ang magkakasalungat na ideya
 Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak
na bahagi nito

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring


pagbasa sa teksto;
 Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng:
- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita

Pagsulat
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng
ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming,
pananaliksik at panonood
 Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan
 Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon

Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,


organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o
impormasyong nagbibigay- kredibilidad sa mga kaisipan at
opinyong ipinahahayag sa lathalain

Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat ng


isang dokumentaryong panradyo

297
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon
 Nakabubuo ng maayos na balangkas
 Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,
organisasyong nagbibigay-kredibilidad sa mga
kaisipang ipinahahayag
 Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng
konsepto ng pananaw
 Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala
ng kaugnayang lohikal

Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at
impormal na Filipino pasalita man o pasulat
 Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong
Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o
pasulat

Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang


impormasyon

Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may


kabuluhan at kredibilidad

Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa


hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon

Pakikitungo sa Wika at Panitikan


Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na


may kasiyahan at kasiglahan

Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-


aaral ng wika at panitikan

Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang


mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga
impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng
pag-aaral/ pananaliksik
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na
mga datos sa pananaliksik
 Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga

298
sanggunian sa aklatan/ internet

Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t


ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon


sa isinagawang pananaliksik.

Panonood
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong
napanood
Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood

IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS


Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob
sa modyul na ito na iyong pag-aaralan.

REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN

Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at


Panitikang Popular
a. Panitikan: Popular na mga Babasahin
 Pahayagan(tabloid)
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
 Pormal
 Di-Pormal
 Balbal

Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad


ng
Kulturang Pilipino
. a. Panitikan: Komentaryong Panradyo
Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal

Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong


Panlipunan
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni
Brillante
Mendoza
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

299
Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito,
gawin mo ang sumusunod na gabay.

6. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

7. Sikaping makasunod sa mga direksiyon/panuto ng mga gawain.

8. Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo gaanong


maunawaan.

9. Balikan ang mga bahaging hindi mo gaanong naintindihan.


Gawin itong gabay sa mga bahagi ng aralin na dapat pang
paglaanan ng oras sa pag-aaral.

10. Magsaliksik. Tumuklas pa ng karagdagang kaalaman na


makatutulong sa lalong pag-unawa sa modyul na ito.

V. PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman
kaugnay ng mga aralin sa modyul na ito. Subukin mong sagutin ang
paunang pagsusulit bago ka magsimula ng iyong pag-aaral.
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra na sa
palagay mo ay tama.

Matapos maiwasto ang iyong papel, tandaan mo ang iyong


mga pagkakamali. Matutuklasan mo ang mga wastong sagot sa
pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito. Simulan mo na.

Teksto A.

(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang

magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-

minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami

kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siya’y aming

pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag-

aaral ang mahasikan niya ng karunungan.

1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap


bilang __________.

300
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4

2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________.


a. paghanga c. pag-asam
b. pananabik d. kasiyahan
3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.
a. manghikayat c. magbigay-parangal
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman

Teksto B

Tanaga ng Sakada
Jayson Alvar Cruz

Tahan ka sa’king silid Halika’t manibasib


apuhapin ang sakit sa katas ay sumipsip.
nang naglatag na sugat, Nang panawan nglakas,
sa banig, mutyang papag. kat’wang nais lumikas.
 
Doo'y lasapin kata Pagsaluhan na kata
nawaglit na gunita Utopia ng ideya.
usapin sa ‘ting lupa, Nang lumagpak na sila,
limot na alaala. sa ‘ting mga haraya.

Halikan mo ang langib,


sugat sa aking dibdib.
Haplusin mo ang hapdi.
Isip, namimighati.

4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan


sa tula?

a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus


sa San Juan, Metro Manila

301
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas
ng mga katutubong Aeta.

c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita


tungkol sa usapin sa lupa

d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng


Panatag Shoal.

6. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula?

a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng


anumang layunin.

b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin

c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa


kayamanan at kapangyarihan.
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan.
Teksto C.

Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo


ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa
paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento
o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga
suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang
nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon,
suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig
ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang
dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng
mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang
katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa
upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong
kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong
kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang
natatanging kasagutan.

11. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga


dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat
indibidwal?

a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung


panlipunan.

302
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.

c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.

d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.

12. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’


ayon sa pagkakagamit sa akda?

a. walang masyadong iniisip

b. hindi mapasisinungalingan

c. walang katotohanan

d. hindi angkop sa sitwasyon

13. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha


sa pahayag?

a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.

b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.

c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang


kanilang tungkulin.

d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.

14. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga


dokumentaryo ay upang ___________.

a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung


panlipunan

b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito

c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan

d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema

15. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon
sa iyo ng mga pahayag sa huling talata?
16.
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa
simpleng pamamaraan.

b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.

303
c. Maging isang lider upang maging sikat.

d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.

Teksto D

Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner!


Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang
pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas
na ‘yan!
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang
bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh.
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang
buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak
dahil dito.
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor
Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil
marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho.
Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re- electionist

na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan!


Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser
sa baga, manalo lang sa eleksyon!
Komentaista 2: Tumpak!

17. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?


a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni
PNOY!

304
c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa
Sin Tax Bill.
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng
buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo.

18. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo?


a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at
alak
b. Pagpasa sa Sin Tax Bill
c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill
d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill
19. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng
kaugnayang lohikal?

a. Pati na rin c. Ayon kay


b. Dahil dito d. Kaya naman
20. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________
sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na
salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?

a. upang c. nang sa gayon


b. dahil sa d. Kung
21. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin
Tax Bill.
d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang
batas.
22. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?
a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga
impormasyon.

b. Maging malinaw sa pagtatanong.


c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa
paksa ng panayam.

23. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?


a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon

305
b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan
24. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast
media sa lipunan?

a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa


pamahalaan.

b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa


paligid.

c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito.

d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika


at showbiz.

25. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga,


manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa
pahayag?

a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.


b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang
batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na
eleksiyon.

c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong


pabor sa panukalang batas.

d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa


paninigarilyo.

26. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________.


a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan
b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila
c. manood palagi ng mga dokumentaryo
d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran

Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo nang tama? Kung


marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito
upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga
panitikang popular na kinagigiliwan ng mga kabataang tulad mo.

VI. YUGTO NG PAGKATUTO

306
ALAMIN
Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung
gayon, simulan na natin ang iyong pag-aaral tungkol sa mga
panitikang popular. Naisip mo na ba kung paano naiba ang
mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng
panitikan na iyong natalakay sa naunang mga aralin? Bakit nga ba
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang
Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin at pag-
aralan ang mga panitikang popular?

GAWAIN 1: BUGTUNGAN, DUGTUNGAN!


Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi
ng panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit
upang maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin
mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga
titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.
Mga Bugtong:

1 – Pinipilahan ng mga
2 4 5 manonood, Sa pinilakang tabing
. . . ito’y itinatampok!
2 – Kahong puno ng
makukulay na larawan at
usapan ng mga tauhan. Tunay
na kinagigiliwan ng kabataan!
T 3 – Kuwadradong
M 6 D
elektronikon kagamitan.Tampok
.
ay iba’t ibang palabas na
3 L kinaaaliwan!
. 4 – Sa isang click lang
1P mundong ito’y mapapasok na
. para mag- Fb, Twitter o
B magsaliksik pa.
5 – Musika’t balita ay
mapapakinggan na. Sa isang
galaw lamang ng pihitan, may
FM at AM pa!
T 6 – Maliit na diyaryong
inilalako sa daan; balita, tsismis
7 G at iba paang laman.
. 7 – Pabalat nito’y may
larawan pang sikat na artista.
Nilalama’y mga artikulong 307
tumatalakay sa iba’t ibang
paksa.
Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil
may ideya ka na sa iba’t ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman,
huwag kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama
ang iyong mga maling akala.

Alam mo ba na...

May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon,

balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng

mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay

ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito

ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino

sa ngayon.

GAWAIN 2: ALIN, ALIN ANG PAGKAKAIBA?

Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga


nabanggit na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba
ng mga ito sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin
ang mga katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng kasunod
na gawain . Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay
taglay ng panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin
ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum
na ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.
Tradisyunal na Panitikang Popular
Panitikan

___________________ __________________
Paksang
___________________ __________________
Tinatalakay
___________________ __________________
___
___________________ __________________
Wikang
___________________ __________________
Ginagamit ___________________ __________________
___
308
Paraan/Midyum ___________________ __________________
sa Paghahatid ___________________ __________________
___________________ __________________
___

Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil
may ideya ka na sa katangiang taglay ng tradisyunal na panitikan at
panitikang popular. May napansin ka rin bang pagkakatulad ng mga ito?
Bakit kaya nagkaroon ng transisyon mula sa tradisyunal na uri ng panitikan
tungo sa panitikang popular na kilala natin sa kasalukuyan? Huwag kang
mag-alala, lalo pa nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga
panitikang popular sa susunod na mga gawain.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito ng modyul ay bibigyan natin ng
pansin
ang iba’t ibang uri ng panitikang popular at ang iba’t ibang
midyum na ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sa pamamagitan ng mga
gawain na nakahanay sa mga aralin, matutuklasan natin ang
kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang popular at ang papel na
ginagampanan ng mga ito sa kamalayang panlipunan ng mamamayan
ng isang bansa.

Sa tulong ng mga araling pangwika, pagtalakay sa iba’t ibang


pamamaraan sa pagbuo ng panitikang popular, pagsasagawa ng mga
programang panradyo at maging ng pelikula, inaasahang magiging
bahagi ka rin ng paghahanda ng isang kampanya tungo sa kamalayang
panlipunan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign
through the use of multimedia) sa katapusan ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito.

Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at


kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 3.1 ng modyul na
ito - ang mga uri ng kontemporaryong panitikan.

ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo


sa Kultura at Panitikang Popular

IV.Panimula at Mga Pokus na Tanong

Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga pocketbook, magasin at


komiks? Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang
mga naisulat nina Eros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes?
Eh, ang mga nakakikilig na Textstory ni Marcelo Santos sa Facebook, nabasa

309
mo na? Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang
popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na
panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin
ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman mo ang mga sagot
sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral.

V. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito:

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa


mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at
kontemporaryong dagli bilang bahagi ng panitikang popular upang
maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin ang mga ito. Narito ang mga
aralin na makatutulong upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman
na lilinangin sa araling ito.
ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at
Panitikang Popular
Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin
(Tekstuwal Analisis)
 Pahayagan(tabloid)/broad sheet
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
 Pormal
 Di-pormal
 Balbal

VI. Mga Inaasahang Kasanayan


Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa
pagtalakay mo sa araling ito.
Mga Kasanayang Pampagkatuto

Kon Pakikinig
temporaryong Naililipat sa isang graphic organizer ang mga
Panitikan Tungo
sa
impormasyong napakinggan (transkoding)
Kultura at
Panitikang Popular  dayagram
 grap
 grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang


pahayag, mensahe at teksto

Pagsasalita
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga
datos sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,


opinyon at saloobin

310
Pag-unawa sa Binasa
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na
bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay


sa:

 paksa
 layon
 tono
 pananaw
 paraan ng pagkakasulat
 pagbubuo ng salita
 pagbubuo ng pangungusap
 pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa


mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

 Nakabubuo ng balangkas ng binasang


teksto
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o
ideyang nakapaloob sa teksto
Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng
 paksa
 tono
 layon
 estilo at
 gamit ng mga salita.

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay


sa mga nangyayari sa:
 sarili
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig

Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi


tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod:

 HIV and Drug Prevention


 Peace Education
 Karapatang Pambata at Kanilang
Responsibilidad
 Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga
Pilipino

311
Pagsulat
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap
ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming,
pananaliksik at panonood
 Nakapagsasagawa ng rebisyon kung
kinakailangan
 Nakapagtatala ng mahahalagang
impormasyon

Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,


organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o
impormasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipan
at opinyong ipinahahayag sa kaniyang lathalain

Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at
impormal na Filipino pasalita man o pasulat

Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong


Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o
pasulat

Pakikitungo sa Wika at Panitikan


Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase


na may kasiyahan at kasiglahan

Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong


pag-aaral ng wika at panitikan

Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga


natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan


ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Estratehiya sa Pag-aaral
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga
impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak
ng pag-aaral/pananaliksik
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom
na mga datos sa pananaliksik
 Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga
sanggunian sa aklatan/internet

312
Panonood
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o
diskursong napanood
 Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu na may kaugnayan sa
napanood

VIII. Konseptuwal na Balangkas


Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong
upang maiplano mo ang iyong mga gawain:

Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura


at Panitikang Popular

Panitikan: Mga Popular


Wika: Antas ng Wika
na Babasahin
 Pahayagan (tabloid/
 Pormal
broad sheet)
 Di-pormal
 Komiks
 Balbal
 Magasin
 Kontemporaryong
Dagli

Produkto/Pagganap: Literary Folio na


sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng
barangay.

Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin


natin ang tungkol sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks,
magasin at kontemporaryong dagli.

IX.Panimulang Pagtataya

Crossword Puzzle
Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay
sa pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

313
Gabay sa Pagsagot

1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa)


2. Pahayagan ng masa. (pahalang)
3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang)
4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)
VI . Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila


ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya.
Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa
kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng
komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa
mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba
lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang popular.
Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano
naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino
tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing
popular?

Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga


babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad
mo. Sa pamamagitan nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga
babasahing popular na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-
aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi ng araling ito.

GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist


Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo.
Pagkatapos, iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta.
Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1
samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang
format
Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat
Broadsheet ___ Aliwan ___ Liwayway ___ Mga Aklat ni
___ Inquirer ___ Pantastik ___ Yes! Bob Ong
___ Florante at
___ Manila ___ Halakhak ___ FHM
Laura
Bulletin ___ Pugad ___ Candy ___ Noli Me
___ Philippine Baboy ___ T3 Tangere
Star ___ Super ___ Men’s Health ___ Mga Aklat ni
Eros Atalia

314
___ Business ___ Manhwa ___ Metro ___ Aklat-
Mirror Korean ___ Entrepreneur Kalipunan
ng mga Tula
___ Manila Times Comics ___ Cosmopolitan ___ Teksbuk
Tabloid ___ Archie ___ Good ___ HorrorBooks
___ Abante ___ Marvel Housekeeping ___ Antolohiya ng
___ Taliba ___ Japanese Maikling
___ Pilipino Manga Kuwento
___ Kalipunan ng
Mirror ___ Captain Dagling
___ Pilipino Star America Katha
Ngayon ___ Bibliya
___ Tempo

RANGGONG AYOS

Pahayagan (tabloid/ broad sheet) LEYENDA


Komiks 1 ------------------------------------- Pinakapopular sa
akin
Magasin 2 ------------------------------------- Popular sa akin
3 ------------------------------------- Di-masyadong
Kontemporaryong Dagli popular sa akin
4 ------------------------------------- Hindi popular sa
akin

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-


tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang
tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na
pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo
dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon.

Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri


ng panitikan ay
____________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil


_____________________________________________________________

315
Ngayo’y naunawaan ko na,
________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________
Nabago ang aking paniniwala sa
___________________

_____________________________________________________

Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito,


ikaw ay inaasahang makagagawa ng isang literary folio na sumasalamin sa
kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang ang
pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong pag-unawa.

Paunlarin
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan
mo
ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala
gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan
kitang alamin kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa
panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal
na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang
basahin ang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa!

Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang


kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga
kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid.

PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa
higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa
nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print
media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

316
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.”

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa


abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid
na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay
unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak
ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo.
Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa
ang mga nilalaman nito.

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o
'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa
diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag
walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito
nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa
broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa
tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang
maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa
itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay
nasa masamang balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily


tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.

GAWAIN 3.1.c: Listing

Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at


broadsheet? Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na
ideya o pahayag mula sa artikulo. Isulat sa papel ang sagot.

Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag

1.
2.
3.
4.
5.

317
Mga Gabay na Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid


kaysa sa broadsheet?

2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na


Internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng
mga pahayagan?

Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na


babasahing tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin,
lalo na ng kabataang tulad mo – ang komiks.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan
ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring
maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o
higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Kuwadro- Naglalaman
ng isang tagpo sa Pamagat ng
kuwento (frame) kuwento

Kahon ng Salaysay-
Pinagsusulatan ng
maikling salaysay
tungkol sa tagpo

318
Larawang guhit ng
mga tauhan sa
kuwento

Lobo ng usapan-
Isinulat ni Carlo J. Pinagsusulatan ng usapan ng
Caparas. Mula sa mga tauhan; may iba’t ibang
Komiklopedia.wordpress. anyo ito batay sa inilalarawan
ng dibuhista.
com.

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular


na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa


mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.

Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-


kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila
ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba
pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang
lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na
lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks,
maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Mga larawan mula sa


Philippine Online
Chronicles

319
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-
unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa
magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na
"Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na
pabula sa Asya.

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang


lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section
nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye
ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong
1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang


benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos
angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng
komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa
Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks.
Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa.

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng


komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez,
Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa
sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na
ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang


industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J.
Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang
tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang
komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

320
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga
manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin
Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng
komiks.

Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at


malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang
sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry
Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang
iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang

komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS.

“Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang

biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa

kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para

makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng

komiks.”

Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na


makipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw,
hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa
larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.

GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento


Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan
ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo
ka ng isang kuwento.

Isang araw,
ipinakita at
ikinuwento ng
lola ni Cyrus
ang mga
sumikat na
komiks noon na
siya ang isa sa
mga dibuhista
nito.

321
Mga Gabay na Tanong: …Wakas.

Mga Gabay na Tanong

1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?

2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura,


tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?

Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular


na babasahin sa kasalukuyan – ang magasin. Ituloy mo lamang ang
pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang
lalo mo pang maunawaan ang araling ito.

MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin


sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod
na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang
kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko,
ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang
inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng
kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting


humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga
Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang
bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na
tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging

322
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay
tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa
mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at
aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang
mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting
maybahay.
4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito
ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa
bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa
sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa
mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito
ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito.
Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-
aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo.

Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas.


Magmula sa Liwayway hanggang sa mga popular ngayong magasin.

GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik


Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik
sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang
binabasa nila. Gamitin mong gabay sa pananaliksik ang kasunod na
balangkas na nasa ibaba. Gawin sa papel.

Pamagat:_______________________________________

323
Mga Natuklasan sa Naunang Mga Natuklasan sa Isinagawang
Binasang Pananaliksik Pananaliksik

KONGKLUSYON
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at


magasin sa isa’t isa?
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa
pag-unlad ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga


gawain. Ngayon naman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na
babasahin na ituturo sa iyo ng modyul na ito – ang kontemporaryong dagli.
Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga
tanong at gawain.

KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling


maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa
Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang
isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito
aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga
manunulat ng dagli
sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de
Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco
Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na
sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang

324
Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga
Español dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa
ngunit patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling


kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang
pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap
nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936”
ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang
mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na
Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula
sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong
kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga
kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya,
“na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng
ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in-
the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa
media).”

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden


fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina
Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari
itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't
masasabing marami sa
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng
kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang

325
mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway,
Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si
William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan sa
paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.”
Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack
Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack
Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa
maliit
at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa
panitikan ng bansa.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang


tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae,
at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.”
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”

"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”

"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa


pahayagan."

(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na


hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr.,
isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay
pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling
kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan,” na inedit ni Vicente
Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay
lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay
Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang
magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr.
ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-
uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng manunulat na si
Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng
mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa
150 salita.

326
Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na
umabot sa 116 na salita.

HAHAMAKIN ANG LAHAT


Abdon M. Balde Jr.

(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na


inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang
kabuuan ng dagling katha)

Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr.


Sinundan naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros
Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos
tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito
kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala.
Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang
Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala
ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011.

SKYFAKES
Eros Atalia
(Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala
ng Visual Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)

Mga Gabay na Tanong/Gawain

1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon


kaugnay ng binasang teksto.

Mga Katangian
Layunin ng ng Naunang
Naunang mga Dagling Katha
Dagling Katha

Mga
Unang
Katawagan

KONTEMPORARYON
G DAGLI
327
Internasiyonal na
Pag-aaral na Lokal na Pag-
Naisagawa aaral na
Tungkol sa Dagli Naisagawa
Tungkol sa Dagli

2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin


ang nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa,
tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFAKES


Abdon M. Balde Jr. EROS ATALIA

Paano Nagkakatulad?

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Paano Nagkaiba?

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda


at iugnay ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan,
lipunan, at daigdig. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

328
HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFAKES
Abdon M. Balde Jr. EROS ATALIA

Kaisipan: Kaisipan:

1. sarili: 1. sarili:
2. pamilya: 2. pamilya:
3. pamayanan: 3. pamayanan:
4. lipunan: 4. lipunan:
5. daigdig: 5. daigdig:

4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang


na kaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon
magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin.

3-2-1 CHART

3. Mga Natuklasan

2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman

1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan

5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon,


paniniwala, pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa
sarili kundi sa nakararami.

1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili

329
6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang
kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda?

7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit


nila ng wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na
wika?

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating


aralin. Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin,
narito ang isang kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang
ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa!

GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig)


Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng
manunulat.

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad


(pabula)
Jayson Alvar Cruz

Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at

ikinikilios ni Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi

nakikihalubilo sa

iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa

kaniyang bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan,

isang batang talangka ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang

ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa maliit na butas sa dingding ng

330
bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking

pagtataka ng batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si

Mokong Talangka.

Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong

Talangka. Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng

pagkatulala at pagkagulat sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo

nitong sarili habang nakaharap sa salamin. At ang lalong ikinagimbal ng

batang talangka ay nang makita nito ang kakaibang paglakad ni Mokong

Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi patagilid kagaya ng

ibang talangka sa kanilang baryo.

Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na

ipagkalat ito ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na

talangka sa baryo. Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa

kakaibang paraan ng paglakad ni Mokong Talangka.

“Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga

usap-usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga

aklat,” wika ng isa sa mga purok lider na nasa umpukan.

“Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng

isa pang talangka.

Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng

pinto si Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan.

Nagulat ang karamihan nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong

at hindi patagilid.

“Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga

naroong lider talangka sa kanilang baryo.

“ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan

namin?” Pagtataray ng isang babaeng talangka.

331
“Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa

akin. Ako’y walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at

ninanais

na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa

sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking

mga naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung

hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo

dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang

nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng

paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin

ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang

ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako

balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni

Mokong Talangka.

Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka

sa kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na

ni Mokong ang pinto ng bahay nito.

“Hu, ang akala mo’y kung sinong marunong. Siya lang ang magaling.

Siya lang ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok lider na talangka.

“At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang

ginagawa. Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili

niya lamang,” inis na tinig ng isa pang purok lider na talangka.

Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang

lahat ng masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka.

Naisip

bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang

kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga

nasasakupan?

332
Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa

butas ng bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran

ay may kung sino ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa

kahihiyan

si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang

talangka. Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay.

Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong

talangka. Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-

patong sa maliit na mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin

din ang nakasubong papel sa makinilya ni Mokong talangka.

“Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang

maiibigan mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni

Mokong talangka.

“Talaga po!” Ang bait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo

dahil wala kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang

ko,

huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw

kayo.” Sunod-sunod na nawika ni Tikang.

“Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi

masama subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi

nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider

ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay

ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong

mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga

ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon

at

pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling

ang mga aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang

333
naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga

talangka sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong talangka.

“ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng

paglalakad?” pag-uusisa ni Tikang.

“Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang

kinamumuhian ko sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng

paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may dumarating na

panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang

talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila.

Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang

lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka.

Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang

inusisa

ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni

Mokong talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si

Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang

sinasabing

nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama

nito at agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang

bahay ni Mokong.

“Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko.

Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang

talangkang iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang.

“Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang.

Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng

bahay ni Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan.

“Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw

ng isang purok lider.

334
Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit

na talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka.

Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat

napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka

sa baryo Talangkukay

maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang

paglalakad ay naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo.

Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay

may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang

umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi.

Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang gayundin naman ang

batang talangka.

“Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng

paglalakad ninyo”, nawika ni Tikang.

“Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga

talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na

walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka.

GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik

Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng


PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo
ang kaisipan sa loob ng frame. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Ang Katibayan ng Pagpapahalaga

Inihahandog para sa akdang

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad


(pabula)

335
Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________
______________________________________________________.
Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na
______________________________________________________

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Mga Gabay na Tanong

1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan


sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda.

2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang


maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.
3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na
komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Alam mo ba…

Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/


Lalawiganin 4. Teknikal at 5. Masining

Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at


balbal na antas ng wika.

ANTAS NG WIKA

Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa

loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa,

pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay

lalawiganin, kolokyal at balbal.

Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal

at ang Balbal

1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga

aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga

paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit

ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na

usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga

336
panuntunang gramatikal.

2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple

lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang.

Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga

panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-

rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo

na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit

ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa

mga kaibigan.

Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o

pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga

mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito

upang maiakma sa paggamit.

Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin.

Pagnilayan at Unawain

Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagang


konseptong nais kong maunawaan mo sa tulong
ng mga tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang
ipinamamalas na sipag at tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito.
Nakatitiyak ako na alam mo na kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng
panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa
tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit
kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga.

GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat


Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng
iba’t ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at
mapanagutang gamit ng wika (pormal).

ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA

337
Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang

maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng

Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang

malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si

Boyet. Sinundo siya

sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang

tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng

bus.

BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang

napakarami ng kalat.”

TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay

dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng

bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang

pangkat ng mga kabataan.

BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”

BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako

kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-

jam ako kahit konti.”

BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na

ko eh.”

BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata.

Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y

biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya

ang impit na tili ng dalagitang estudyante.

Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng

kaniyang tiyuhin.

338
TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo

na sila.”

BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya

tayo.

TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.”

Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga

babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito.

BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.”

TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang

pamangkin ko.”

BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang

pananamit?”

TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila

nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa

Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa

kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip.

Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng

kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang

binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng

kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng

pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena

ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga

tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin.

Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na

kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit,

masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni

Boyet.

BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba

339
kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon

palakihin ang mga pinsan ko?

TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko,

wala akong magawa Boyet, wala.

Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang


nauunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng
ating napag-usapan sa unahang bahagi subukin mong humalaw ng iba’t
ibang akda gamit ang malikhain at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga
pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba: Maaari
kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito.

BALITA Artikulo (Sanaysay)

KOMIKS DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita)

BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa


bahaging Pagnilayan at Unawain ng araling ito. Mayroon ka nang sapat na
pag-unawa tungkol sa mga babasahing popular sa kasalukuyan. Gayundin,
natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit
ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika.
Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na
lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong
balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag sa
labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling
ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo.

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-


tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang

340
tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na
pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga
pahayag na nasa labas ng kahon.

Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na


uri ng panitikan ay
________________________________________________
__________________________________________________________

Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng


__________________________________________________________
__________________________________________________________

Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil


__________________________________________________________

Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________

Nabago ang aking paniniwala sa _________________________


_____________________________________________________

Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan


mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya
mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makabuo ka ng isang
literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay.
Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang
kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang paggawa ng literary
folio.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA


NG LITERARY FOLIO

Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay


makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang
kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalang- alang sa
paggawa nito.

1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong
literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng
pabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan.

341
Halimbawa:

Mataas na Paaralang Neptali A.


Gonzales
Lungsod ng Mandaluyong

KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi


ng inyong literary folio.

3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon


ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang
bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula,
maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan.

4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang


pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na
dumaan sa proseso ng pag-eedit.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa


ng literary folio Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing
produkto.

Ilipat

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang


konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan
ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa mahahalagang
konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat
ang sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang
ginagalawan)

342
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita
at bantas)

LEYENDA
20 – 25………………………………………………... Napakahusay
15 – 20 ………………………………………………. Mahusay
10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang
Husay
5 – 10 ………………………………………………. Hindi mahusay
0 – 5 ………………………………………………..
Nangangailangan
ng rebisyon

Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa


Aralin 1 ng modyul na ito! Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong
naisakatuparan, nagkaroon ka na ng mas malalim na pag-unawa sa ilang
kontemporaryong uri ng panitikan. Natuklasan mo na ba kung ano ang
pinagkaiba ng tradisyunal na uri ng panitikan sa kontemporaryong anyo nito?
Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga natutuhan?

X. Pangwakas na Pagtataya
Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay


ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang
2,000 libong salita.
___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod
na mga nobela.
___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-
araw na usapan.
___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa
ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.

Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng


broadcast media. Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng
radyo at telebisyon sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong
ang ating napakikinggan at napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa
sa ating kamalayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan?

343
Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para sa
Aralin 3.2. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.

Aralin 3.2: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-


unlad ng Kulturang Pilipino

V. Panimula at Mga Pokus na Tanong:

Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa


mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na
broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging
malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.

Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan ang


paboritong awitin o kaya naman ay malaman ang mahahalagang anunsiyo
mula sa PAGASA? Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang
malaman ang mga kaabang-abang na tagpo sa paboritong telenobela o kaya’y
malaman ang mahahalagang balita sa nakalipas na araw? Tunay ngang
bahagi na ng ating buhay ang broadcast media.

Ngunit paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa


pagpapalaganap ng kulturang popular? Paano nagagamit ang radyo at
telebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan
ng isang bansa? Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang ating tutuklasin sa
pamamagitan ng mga gawain sa araling ito.

VI. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito

Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa:

Aralin 3.2 : Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago


at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

A. Panitikan: Komentaryong Panradyo/


Dokumentaryong Pantelebisyon

344
B. Wika: Mga Ekspresiyong Nagpapakilala s
Konsepto
ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong Nagpapakilala
ng Kaugnayang Lohikal

VII. Mga Inaasahang Kasanayan


Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay
mo sa araling ito:
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Aralin Pag-unawa sa Napakinggan
Broadcast Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring
Media pakikinig/panonood
mekanismo  Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha,
Ng opinyon at personal na interpretasyon ng
Pagbabago nagsasalita at ng nakikinig
At  Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga
Pag-unlad hinuha (inferences), opinyon at personal na
Ng interpretasyon ng nagsasalita at ng
Kulturang nakikinig/nanonood
Pilipino  Nailalahad ang mga pagkiling
(biases,prejudices) at sariling interes ng
nagsasalita
 Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon
mula sa
teksto o diskursong napakinggan/napanood
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang
napakinggang mga pahayag, mensahe at teksto

Pag-unawa sa Binasa
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang
teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa:
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong
pahayag
 Napagsasama-sama ang magkakasalungat na
mga ideya
 Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga
tiyak na
bahagi nito

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa

345
mapanuring pagbasa sa teksto
 Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto
kaugnay ng:

- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita

Pagsasalita
Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-
aalinlangan/pag-aatubili/pasubali

Nailalahad nang maayos ang pansariling


pananaw,opinyon at saloobin

Pagsulat
Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat
ng isang dokumentaryong panradyo
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang
impormasyon
 Nakabubuo ng maayos na balangkas
 Nababanggit nang wasto ang may akda,
personalidad, organisasyong nagbibigay
kredibilidad sa mga kaisipang ipinapahayag
 Nagagamit ang mga ekspresiyong
nagpapakilala ng konsepto ng pananaw
 Nagagamit ang mga ekspresiyong
nagpapakilala ng kaugnayang lohikal

Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at
impormal na Filipino pasalita man o pasulat

Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang


impormasyon

Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may


kabuluhan at kredibilidad

Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino


batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon

Pananaliksik
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula
sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga


impormasyon sa isinagawang pananaliksik

346
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang
sanggunian sa aklatan/internet

VIII. Konseptuwal na Balangkas

Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago


at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

RADYO TELEBISYON

Panitikan: Panitikan:
Komentaryong Panradyo Dokumentaryong
Wika: Pantelebisyon
Mga Ekspresyong Wika:
Nagpapakilala ng Mga Ekspresyong
Konsepto ng Pananaw Nagpapakilala ng
Kaugnayang Lohikal

Dokumentaryong Panradyo/
Dokumentaryong Pantelebisyon

Marahil ay nananabik ka nang simulan ang araling ito. Simulan


na natin ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman!

347
IX. Panimulang Pagtataya
Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat
mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang
papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na mga datos
upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa
tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.

1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili.

2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang


mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.

3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man


o sa nayon.

4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.

5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o


telebisyon.

T E L E B I S Y O N M V

L M N H I E A Y O A U M

E J O S H I D I E T S U

L I R A B A L I T A I S

E C A C R I S T Y S K A

O M A R I C A R R O A K

D O K U M E N T A R Y O

348
Mahusay! Marahil nananabik ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-
aaral. Nais kong ipakilala sa iyo ang broadcast media sa pamamagitan ng
pag-anyaya sa iyo sa patuloy na pagbasa ng araling ito. Tara na!

X. Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng


telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa
maraming tumatangkilik ng broadcast media.

GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko!

Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang


palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong
pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo
pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.

Paboritong Palabas sa Telebisyon:


_________________________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:


_________________________________
_________________________________
_________________________________

Paboritong programa sa
Radyo:
___________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:


____________________
___________________

349
Mula sa gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay
ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito
nabago ang ating kultura at panitikan? Ano ang gampanin ng mga midyum na
ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang
kaganapan sa ating lipunan?

GAWAIN 3.1.b: Alam Ko ‘Yan!

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang


ating tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo
na, nais mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin
mo naman ang huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito
upang iyong maitala ang mga kaisipang iyong natutuhan. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

Broadcast Media: Mekanismo ng


Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang
Pilipino

Ano ang ALAM Ano ang NAIS kong Paano ko ito Ano ang aking
MATUTUTUHAN? NATUTUHAN?
ko na? MALAMAN?

Talaga namang mayroon kang pagnanais na matuto! Binabati kita!


Ipagpatuloy mo ang ganyang gawi upang ikaw ay magtagumpay! Sa
katapusan ng araling ito, inaasahang makikibahagi ka sa paglikha ng iskrip
ng isang komentaryong panradyo o kaya naman sa paglikha ng isang
dokumentaryong pantelebisyon. Huwag kang mag-alala. Matututuhan mo
ang iba’t ibang mahalagang kaalaman upang maging handa ka sa
pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Paunlarin

350
Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng pansin ang
radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na
naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng
mundo sa mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo
ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling


ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo
sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga
pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

nagpapahatid
ng mga
naghahatid ng panawagan
musika
nagpapalabas
ng pelikula

nagpalabas ng
variety show
nagpapalabas
ng teledrama

nagpapakilala
ng isang
produkto

nakikinig ng
naghahatid ng mga mga awit
talakayan/pulso ng
bayan

nagbibigay ng
opinyon
naghahatid ng
kaugnay ng
napapanahong
isang paksa
balita

351
Binabati kita sa mga tamang sagot na iyong nakuha! Ipagpatuloy mo
ang iyong sigla sa pagsagot! Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng
gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng
mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang
komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ng pananaw. Sa
ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring
makatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.

Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo


bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang
midyum ng pagpapalaganap panitikang popular? Ipaliwanag.

Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon naman nais


kong punan mo ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang
kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na
mapag-aralan ang araling ito.

Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang


anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag.

K W H L
Ano ang alam Ano ang nais Paano mo Ano ang iyong
mo na? mong malaman? makikita ang nais natutuhan/
mong naunawaan?
maunawaan?

Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga


komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung
tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill”
bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang
pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.

352
Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF

INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong

pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at

Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky: Magandang umaga partner!

Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom

of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay

Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga

politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !

Roel: Sinabi mo pa, partner!

Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?

Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh

bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga

opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga

tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na

naman yan! Demanda dito, demanda doon!

353
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t

dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong

‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan

sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil

magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang

mga corrupt na opisyal.

Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative

LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-

Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.

Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay


at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Gabay na Tanong

Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa


ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?

GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon

Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang
nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo
at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.

354
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena
Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang
hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng
isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo

Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa
mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5


http://www.interaksyon.com/article/4
2031/teodoro-l--locsin-jr---why-theyr
e-afraid-of-foi

tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-
s14674/
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-
92-3-news-fm-online/

355
Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa
anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na
kuwentuhang media.

Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin


mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa:
1) Pamagat ng paksang tinalakay;
2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na
natutuhan

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?


2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga
komentarista?
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO


NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN
 Magsaliksik ng mga impormasyon
 Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
 Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

KUWENTUHANG MEDIA

Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media


sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa
isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling,

356
matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o
pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ
Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro


ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA
vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief
Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng
ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor
Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco;
Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at
iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod


sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino,
magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra
o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay
ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa


remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na
rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa
Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa
nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat
makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms.
Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa
sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo


na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang
magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit
hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa
alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.

357
Mga Gabay na Tanong

1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong


binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?

2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag


upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye?

3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng


radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng
kasalukuyang lipunan?
GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon

Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang


teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin
sa papel.

Mga
nagpapahayag ng
impormasyon

Mga pahayag ng
mga personalidad

Sariling pananaw

GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga


halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag
na”konsepto ng pananaw.”
Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media, Hanapin ang mga
salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa
mga bilog. Gawin sa sagutang papel.

358
Ugnay-Wika
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman
upang lubos mong maunawaan kung ano ang
tinatawag na Konsepto ng Pananaw.

1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.


Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang


Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng


Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino


man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang


gaganda pa sa lugar na ito.

359
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa
at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing
di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang
pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari


iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-
isip ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa


kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong
kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal
ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
GAWAIN 8: RADYOMENTARYONG MAKABAGO

Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng


araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.

K
W
H
L

Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, nais ko


naman na iyong bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng
maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at
mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan.

Sa huli, gumawa ng isang komentaryong tumatalakay sa isang


napapanahong isyu gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at
Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa. Gawin ito ayon sa hinihinging
pamantayan.
1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong
sariling pananaw.

2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

Subukin mo namang makagawa ng isang bagay na noong una’y inisip


mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula

360
sa iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka
na.
Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo
ay inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang
panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang “award winning radio
broadcaster/ komentarista” na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya
ng kanyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng
Interact Club.
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

Pamantay Napakahus Mahusay Umuunlad Nagsisimu Kabuua


an ay 3 2 la ng
4 1 Marka
Masaklaw Komprehen Masaklaw,
Makabuluh May
na sibo at makabuluh
an at makabuluh
paglalahad makabuluh an at napapanah an at
ng an ang napapanah
on ang mga napapanah
napapanah napapanah on ang mga
impormasy ong mga
ong ong mga impormasy
ong impormasy
impormasy impormasy ong inilalahad ong
on ong inilalahad
sa materyal inilahad sa
inilalahad sa materyal
alinsunod materyal
sa materyal alinsunod
sa paksang ukol sa
alinsunod sa paksang
itinatampok paksang
sa paksang itinatampok.
ngunit may itinatampok
itinatampok. mga ngunit
detalyeng limitado
hindi ang mga
nailahad na ito.
higit na
makatutulo
ng sa
pagtatangh
al
Masining at Natatangi Masining at Masining at Masining
maingat na ang maingat na maingat na na ginamit
paggamit paggamit nagamit nagamit ang wika
ng wika ng wika ng ang wika ng ang wika ng ng
kabataan kabataan kabataan kabataan
nang higit sa sa sa
pa sa kabuuang karamihan karamihan
inaasahang pagpapaha ng pahayag ng pahayag
pamamaraa yag sa sa nabuong sa nabuong
n sa nabuong materyal. materyal
materyal. materyal. ngunit hindi
maingat
ang
paggamit.

361
Mahusay Tipong Taglay ang Taglay ang Naipamala
na propesyona lahat ng mga susing s sa
aspetong l ang kailangang elemento materyal
teknikal pagkakaga elemento sa ang
wa sa sa mabisang minimal na
materyal mabisang pagbuo ng antas ng
dahil sa pagbuo ng materyal at pagtatagpi-
husay ng materyal. naipamalas tagpi ng
pagtatagpi- Naipapamal ang angkop elemento at
tagpi ng as ang na teknikal teknikal na
mga kahusayan na pagganap.
elemento sa teknikal pagganap.
nito. na
pagganap.
Pagkaprakt Ang mga Malinaw at Makabuluh May mga
ikal ng inilahad na kapaki- an ang rekomenda
rekomenda rekomenda pakinabang karamihan syong
syon syon ay para sa sa inilahad inilahad
nagmumun lahat ang na ngunit hindi
gkahi ng inilahad na rekomenda malinaw
kaisipang rekomenda syon. ang
pangmatag syon. inimumung
alan sa kahing mga
kamalayan kaisipan.
ng madla
Kabuuang
Marka

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo?


Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa
papel.

SAGOT:
_______________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng


iyong pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng
broadcast media. Ngayon naman, ating aalamin ang mahahalagang
kaalaman tungkol sa isa pang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.

362
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng
broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng
buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging
bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng
mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa
telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga
morning show hanggang sa oras na bago matulog sa
mga prime time na mga panoorin kabilang na ang
mga teledrama, balita at mga dokumentaryong
pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong


panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng
balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa
mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa
paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa
pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga
batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica
Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.

Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang


dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?

Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang
maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong
ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng
kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang
dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat
mamamayan.

GAWAIN 3.2.1: Paborito Kong Palabas!

Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan


ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar
sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood.
Ipaliwanag kung bakit.

363
Weekend XXX
Getaway

TV Patrol Talentadong
Pinoy

ART Angel Rated K

Matanglawin TV Patrol

Umagang Kay i - Witness


Ganda

Tween Hearts

Mahusay mong nakilala ang mga larawan, tunay ngang ikaw ay isang
aktibong kabataan at mulat sa kamalayan ng mga pangyayari sa iyong
paligid.

GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon

Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang


programang pantelebisyon.

PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT


PINANONOOD

364
GAWAIN 3.2.k: Telembistiga

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa


kasunod na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila.

STORYLINE INVESTIGATIVE S. O. C. O.
DOCUMENTARIES

KRUSADA REEL TIME

REPORTER’S
NOTEBOOK

Alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay


detalye sa mga larawan sa itaas. Oras na upang ipagpatuloy mo ang pag-
unawa at pag-aaral ng araling ito.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?


2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit?
3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa?

365
4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang
isang malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan?
Pangatuwiranan.

Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot? Tama! Mga pahiwatig na


ikaw ay nakikisangkot sa mga usaping panlipunan gamit ang broadcast
media tulad ng telebisyon. Ipagpatuloy mo ang pagtuklas ng karunungan sa
susunod pang mga gawain. Nais kong bigyang-pansin mo ang bahaging ito
ng aralin. Malaki ang maitutulong nito upang higit mong maunawaan ang
kaugnayan ng naunang mga gawain sa mga susunod pa.

GAWAIN 3.2.l: Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin


ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na
matatagpuan sa youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related.Kung wala
nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Sa Gitna ng Dilim”


ni MiL Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang


maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang
dokumentaryo ni Kara David na
“Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas
sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan
ng edukasyon at sa kung paanong
dapat ito’y pinahahalagahan.

Humanga ako sa dedikasyon


ng mga guro at higit sa lahat sa mga
kabataan ng mga taga Little Baguio
dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng
kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang
nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,


nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay.

366
Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang
tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili
subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na
makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat
pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon.

Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi


inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at
paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”,
kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang


mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking
ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka
sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat
ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili
gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga
katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang
nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Mga Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang


dokumentaryo?

2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong


lipunan?

3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na


Gaya
alam kong ng pelikula
magagamit ang mga
mo sa susunod programang pantelebisyon ay
na gawain:
maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at
mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga
kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin
sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa367
isang lipunan.
Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na
maisakatuparan ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA


DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN
ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM

*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin


*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
 Teknik sa Pakikipanayam
 Bago Magpanayam

2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Teknik sa Pakikipanayam
 Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM

*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
 Pagkatapos ng Panayam

GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan

368
Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga
bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at
matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na
nasa kabilang pahina nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang
ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin
kaugnay ng telebisyon.

Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may


malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?”

MGA PATUNAY
MGA KATANGGAP-
MGA NAUNA NG NALAMAN
NALAMAN AT TANGGAP NA
NANG AT PAGLALAHAT
NATUKLASAN MGA
NALAMAN NATUKLASAN
KONDISYON

GAWAIN 3.2.n: Telementaryo

Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong


iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag
upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.

2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan


ng pagkain.

3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________.

4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,


_________________________________________.

5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng


dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim,”
__________________________.

369
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang
iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga
ekspresiyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang
karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga
konseptong may kaugnayang lohikal.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan


Ugnay-Wika
kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga
konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal
tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at
resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari.


Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita


ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-
ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng
mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/kaya naman natuto


siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may


hinto
dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at
resulta)
natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may

hinto

370
nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)
natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa


iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na
sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na
kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang


layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa.
Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag
ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan


nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos
ng
Layunin)
Nag-aaral siyang mabuti
upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)
matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para,


upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang


resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)


nakatapos siya ng kaniyang kurso.

Nakatapos siya ng kaniyang (resulta + paraan)


kurso sa matiyagang pag-aaral.

371
Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito.
Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una,


tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang
halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon +


bunga)

sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon +


bunga)

nag-aral kang mabuti,


matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kapag/ sa sandaling/ bastat


nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit


ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang
maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa
ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na
maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

372
GAWAIN 3.2.o: Sinematotohanang Kaganapan

Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang


lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.

kaisipan kaisipan

kaisipan

kaisipan kaisipan

kaisipan

Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas,


sagutin mo ang sumusunod na tanong.

373
1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?

2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa?

3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa


katotohanan ng mga kaganapan sa iyong lipunan?

Binabati kita, alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at
pagbibigay-detalye sa mga larawan. Oras na upang ang mga natutuhan mo
sa mga gawain sa araling ito ay mabigyan mo ng pagtataya.

GAWAIN 3.2.p: DokPantele


Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong
natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko saiyo.

Sitwasyon:

Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng

inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang

Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi

ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang

manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang

kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong

pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit

ang wika ng kabataan sa kaslukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita

ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa

halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.

Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at


telebisyon, at natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang
konsepto na nakapaloob sa araling ito. Para makatiyak ako, gawin mong muli
ang sumusunod na gawain.

374
Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na


gawain upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa
mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na
pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay
naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na
sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag
sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong
ang Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating araw-araw na
pamumuhay.

BROADCAST MEDIA

RADYO TELEBISYON

 pagbibigay ng impormasyon
 pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
 pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
 paglalatag ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliranin
 aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na
mga suliranin (serbisyo publiko)

375
Buuin ang pahayag

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na

pamumuhay

sapagkat____________________________________________

___________________________________________________
Ilipat

Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na


iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito.
Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong
guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga
aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak kong matagumpay mong
naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam kong nabatid mo rin
ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng
mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon
ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong
galing at talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong
isakatuparan.

Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay


naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa.

Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip


para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging
bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.

Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan


mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at
komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang
manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang
impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o
isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang
mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo –
ang KABOSES.

Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong


Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na
makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang
opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong
mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa
KABOSES Station Channel

376
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong
komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:

 Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?


 Ang mundo ba’y sadyang sa pera umiikot?
 Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?
 Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad?

Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na


malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong
gawa ang mga rubric na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at
dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.

Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:


Rubrik para sa Multimedia Presentation
Pinakamahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
4 3 2 1

Nilalaman: Layunin

Ang Ang May tiyak na paksa Di malinaw na


presentasyon presentasyon ang presentasyon naipakita ang paksa
ay may tiyak ay may tiyak ngunit ilang bahagi at ang karamihan sa
na layunin o na paksa, at lamang ang nagpakita bahagi ay walang
tema. Ang may ng kaugnayan sa malinaw na
lahat ng kaugnayan paksa. kaugnayan sa tema.
ipinakita rito ang mga
ay may tiyak ipinakita rito
na kaugnayan sa paksa.
sa layunin at
lubhang
makabuluhan.

Nilalaman: Kongklusyon

Ginamit ko Nakapaghinuh Sa tulong ng iba, Di naging madali ang


ang aking a ako nang nakapaghinuha akong paghinuha ko ng
natutuhan at maayos na isang magandang kongklusyon.
mga dati ng kongklusyon kongklusyon.
kaalaman mula sa mga
upang datos na
mailahad ang nakalap.
aking pag-
unawa sa mga
datos na
nakalap.

492
Katangiang Pang-Multimedia

Gumamit ng mga Gumamit ng Gumamit ng Di- gumamit ng


grapiko, video, multimedia upang multimedia upang multimedia upang
tunog, at iba pang maisagawa ang maisagawa ang maisagawa ang
multimedia na presentasyon. presentasyon, Presentasyon
makatutulong Sumunod sa ngunit may mga
upang higit na batas kaugnay ng pagkakataong
maging copyright sa nalalayo sa tema.
makabuluhan ang paggamit ng Sumunod sa
presentasyon. multimedia batas kaugnay ng
Sumunod sa batas features. copyright sa
kaugnay ng paggamit ng
copyright sa multimedia
paggamit ng features.
multimedia
features.

Pagiging Malikhain

Ang presentasyon Ang presentasyon Sinubukang Walang ginamit na


ay ginamitan ng ay ginamitan ng gamitan ng kakaibang mga
kakaibang mga kakaibang mga kakaibang mga likhang sining
likhang sining likhang sining likhang sining upang mahikayat
upang mahikayat upang mahikayat upang mahikayat ang mga
ang mga ang mga ang mga manonood.
manonood, manonood. manonood.
makadaragdag sa
pagpapalabas ng
layunin at tema ng
paksa.

Pagtatanghal

Pinaghandaang Pinaghandaang May mga ilang Di-napaghandaan


mabuti ang bawat mabuti ang bawat pagkakataong ang pagsasalita at
linya at malinaw linya at malinaw kinabahan pagganap.
na binigkas ang na binigkas ang habang
bawat salita. bawat salita. nagsasalita.
Naipakita ang
kabuluhan ng
paksa at tema
nito.

Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain sa


Aralin 3.2. Ngayon ay inanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga
kaalaman at nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito.

493
XI. Pangwakas na Pagtataya

Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga
kaisipang isinasaad.

1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa


kaniyang paligid sa pamamagitan ng
_____________________________________.
2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo,
______________________________________________________________
___________________.
3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan
ay ___________________________________________________________.

Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na


para sa huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol
sa dokumentaryong pampelikula.

494
Aralin 3.3 : Dokumentaryong
Pampelikula:
Midyum sa PagbabagonG
PAnlipunan

I. Panimula at mga Pokus na Tanong

Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan


at napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating
mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay
lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag
na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay
yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw- araw
na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na
ating napapanood.

Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop


culture”. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng
mga tao sa kasalukuyan ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga
produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang
ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto,
umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang
mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan,
estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad
mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media,
broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang
Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng Dokumentaryong
Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng
mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresiyong
biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang
ginagalawan.

Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang


integrasyon at paggamit ng ICT o Information and Communication Technology
upang lalo pang mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan.

Higit ka pang magkakaroon ng maraming kaalaman kung isasaalang-


alang ang sumusunod na tanong

1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong


ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon
din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga
elementong taglay nito?

495
2. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng
pagkatao at pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong
pampelikula?

3. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong


pagpapahayag sa mabisang paghahatid ng mga saloobin at
damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula?

II. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito


Bilang gabay, narito ang saklaw ng iyong pag-aaral na dapat mong
matutuhan

Aralin 3.3 : Dokumentaryong Pampelikula


Midyum sa Pagbabagong Panlipunan

a. Panitikan : “Manoro” (Ang Guro)


Dokumentaryong Pampelikula ni Brillante Mendoza
b. Wika : Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

III. Mga Inaasahang Kasanayan

Sa araling ito ang sumusunod na mga kasanayang pampagkatuto ay


iyong maisasakatuparan.

ARALIN Mga Kasanayang Pampagkatuto


Dokumentaryong Pag-unawa sa Napakinggan
Pampelikula Nailalahad ang pangunahing punto at
Midyum mahahalagang impormasyon sa napakinggan
Sa
Pagbabagong Pag-unawa sa Binasa
Panlipunan Nasusuri ang mahahalagang impormasyon para sa
sariling pagpapakahulugan sa daigdig na kaniyang
ginagalawan

- Naiisa-isa ang katangian ng ugnayan ng tao


sa lipunan na inilalahad sa akda
- Nailalahad ang mga patunay, halimbawa at
iba’t ibang damdaming ipinahahayag sa
akda/tekstong binasa

Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa :


- sarili
- kapwa
- kapaligiran/ lipunan

496
Pagsasalita
Nasusuri ang mga uri ng pagpapahayag

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,


opinyon
at saloobin

Pagsulat
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa
pangangalap
ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam,
brainstorming, pananaliksik at panonood

Tatas
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan,
napanood,
o nabasa ay may kabuluhan o kredibilidad

Pakikitungo sa Wika at Panitikan


Naipahahayag ang mga saloobin at damdamin
gamit ang mga uri ng komunikatibong
pagpapahayag

Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang


mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Estratehiya sa Pananaliksik
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom
na mga datos sa pananaliksik

Panonood
Natutukoy ang kontradiksyon sa pelikulang
napanood

497
IV. Konseptuwal na Balangkas

Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling dapat mong


matutuhan na magsisilbi mong gabay sa iyong pag-aaral.

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

` Ang Kaligiran ng Komunikatibong Paglikha: “Sequence


Dokumentaryo Paggamit ng Pahayag Script” at “Multi-Media Arts
Advocacy Campaign”
Katuturan ng
Dokumentaryong Mga Uri ng Pahayag
Pampelikula
Mga Pamantayan sa
Pagpapakahulugan ng paglikha ng “Sequence
Kaligirang Script” para sa
Pangkasaysayan mga Diyalogo
Dokumentaryong
Pampelikula at iba pang
Mga Elemento ng uri ng Media
Dokumentaryong
Pampelikula

V. Panimulang Pagtataya

Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga
sagot sa bawat bilang.

1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari


upang higit itong mas maging makatotohanan. D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _

2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa


mga patimpalak. S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.

3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at


dayalogo
ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _

4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent


Film ay si B_ _ll_ nt_ _e _do_a.

5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa


kasalukuyan at produkto ng Indie Films.

498
Sadyang ‘di maikakaila ang laki ng impluwensiya ng pelikula sa buhay
ng mga Pilipino, at ‘di maitatangging kabilang ka rito. Ipagpatuloy mo
na ang pag-aaral ng araling ito. Natitiyak kong lubos kang
masisiyahan.Tayo na!

VI. Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga


dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag nating panitikang
popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t tinawag itong
“dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging interesado sa
paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay
nabubuhay sa modernong panahon na laganap na ang mga modernong
teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahalagang tanong na magiging
gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang
dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng
pagkatao at pagbabagong panlipunan? Makatutulong sa iyo ang sumusunod
na gabay na tanong upang sa pagtatapos ay masagot mo nang tama ang
mga ito.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang


kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang
estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong
taglay nito?

2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa


isang dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na
pangkomunikatibong pagpapahayag?

Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw

para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa

pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin

ang pormat.

499
Sagot:

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay mabisang


makapagpahayag ng iyong sariling damdamin, saloobin at pananaw sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang sequence script o iskrip na nagtataglay
ng mga diyalogo gamit ang wastong pagpapahayag na pangkomunikatibo. Sa
pamamagitan nito ay iyong maipararating ang mahahalagang mensahe sa
kabataan na naghahangad ng pagbabago lalo na sa kasalukuyang
panahon.Simulan na natin.

GAWAIN 3.3.a: Larawasyon (Imahinasyon Batay sa Larawan)

Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga


kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa
loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel.

I- Witness

REEL TIME

500
Ang
Pag
dadalaga
Ni
Maximo
Oliveros

Ang Babae sa Septic


Tank

Mula sa: http:/www.google.com.ph

Alin sa mga palabas o pelikula


_______________________
3 na nakalarawan ang iyong
kinagigiliwan?Magbigay ng tatlo
________________
_______________________
(3) at ipaliwanag kung bakit. ________________
_______________________
________________
_______________________
2
Ano-ano ang eksena sa pelikula o
palabas ang tumatak sa iyong isipan.
Maglarawan ng dalawa (2) at ________________
ipaliwanag kung bakit. _______________________
________________
Kung bibigyan ka ng

1 pagkakataon, ano ang isang


tanong na nais mong tanungin sa _______________________
mga tao sa likod ng mga pelikula _______________________
o palabas na ito? _______________________
_________

501
GAWAIN 3.2.b: Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip)

Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa Gawain


3.3.a. Subukin mong ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod
na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito
kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa
mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

PELIKULA
DOKUMENTARYO

A. Pagkakaiba B. Pagkakaiba

C. Pagkakatulad

Inalam lang natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin.


Pagkatapos ng araling ito, balikan mo ang iyong sagot. Kung may mali kang
akala, itatama natin ito, huwag kang mag-aalala.

502
Paunlarin

Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto,


ang iskrip ng pelikula. Makatutulong ito upang malaman mo
kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang
instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan?

Maaari mo na itong panoorin bilang halimbawa ng isang


dokumentaryong pampelikula. Pinamagatan itong “Manoro” (The Teacher).
Ang salitang manoro ay nangangahulugang “tagapagturo” o “guro” sa
katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta. Ito ay may kinalaman sa isang
batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng kaniyang elementarya sa isang
mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at kung paano niya tinuruan
ang kaniyang kababayan sa kabundukan na bumasa, bumilang at sumulat.
Ngunit bago mo ito, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito. Basahin
ang kasunod.

Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay

ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa

pinakamahusay na direktor ng bansa sa

kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga

Independent o Indie Films o yaong mga

pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan

na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng BRILLANTE MENDOZA

mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing

dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na

nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kanyang film

subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang

bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular.

Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang

“pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” ( The Teacher) na

pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng

Best Picture at Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa

kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador

(Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo

503
sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at

film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga

Pilipino.

Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa

kabila ng pagiging limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag

pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na

wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang “mother tongue” o

katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa wikang

Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang

pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami.

Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan

ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang

“Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro).

Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong


mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa.
http:/www.google.com.ph/
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph

Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang


detalye nito para sa isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri.
Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang sa
ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas
malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang dokumentaryong pelikula na
katulad nito.

504
“ MANORO “ (Ang Guro)
(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
Hinalaw at Isinalin ni
Jet Oria Gellecanao

Mula sa: http://www.google.com.ph/ images

“ MANORO ” (Ang Guro)


Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong
Pampelikula

Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may

suliranin ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga

katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa

sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at

pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang

realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang

malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang

nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga,

gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng

daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong

Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag

na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang

505
mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit

rito.

Alamin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na


baitang sa elementarya maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa
kaibuturan ng kaniyang puso ay gumawa ng isang pagbabago sa kasaysayan
ng lahing katutubo.

EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)


Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa iba’t
ibang reaksiyon ng mga tao.
Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’y
napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng
elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat.
Maririnig ang ilang mga usap-usapan:

Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?


Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang
seremonya.
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga-
graduate
tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to.

Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga


sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan:

Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa


isang Intsik sa bayan.
Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin
kaming magbasa ngayong summer para makuha niya na rin
ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng
eleksyon.

SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.

Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa


paligid. Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin.
Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap.
Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay
may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa
isang mensaheng nakadikit sa dingding:

506
“Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.”

Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro:

Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?


Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.

(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga


picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.)

EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong


Resettlement Area ng mga katutubo
Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa
resettlement area ng mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at
nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga
kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat ang
mga ito.

Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga


gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo
Namalyari.

Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang


linggong sumama ang tiyan ni Lolo.” (sabay hagikhikan ang
lahat)

(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon,


binabasa nila ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang
byahe, maalikabok ang daanan; Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng
jeep.)

EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad


(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang
nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga
batang katutubo na nagsisipaglaro)

Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo,


magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel!

(Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala


ang balota papunta sa bahay nila)

(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang


kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang
mga ito… “ Maaryong aga, mam.”)

507
Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo.

(Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila
mabigat ang pasan-pasan sa likuran)

Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?


Lalaki: Oo, sinisikap ko
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok?
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita,
(Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si
Jonalyn
patungo sa tindahan.)

Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.”


(Habang nakapila ang mga katutubo para sa
ipinamamahaging
bigas.)

Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.

Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa
namang ibahagi ang ani ko sa lahat.

EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn


(Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture,
pati sa Diploma; pakakainin ng tinapay ang kaniyang mga kapatid)

Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi
sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang
muna
tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako.
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat!
(Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.

Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.


Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura)
Sino ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan
niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang
ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng
kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos
ang antena ng telebisyon)

Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may


nakikita ng tao sa TV!

(Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)

508
Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo!

(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang
pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng
kaniyang tatay ay tila walang nangyari)

Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.

Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para
makaboto.

Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang
manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga
ito
sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon!

EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad


(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung
saan
naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)

Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-


shen form for your job”... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng
aplikasyon para sa trabaho)

(Nagpasalamat ang mga ito.)

Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa


at magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng
oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko
na mag-fill-up ng aplikasyon.

(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang


kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)

(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena,


ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw
ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang
sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na
tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang
pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung
saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang
ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)

Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?

509
Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!

Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.

Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.

Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas!

(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay


nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng
plawta at binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang
mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi
ng bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy
dulot ng kaingin)

Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga
ibon (Malungkot ang mukha)

EKSENA 6 – Patungo na sa Kabundukan


(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga
tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila
sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig)

(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig
ang batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang
ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang
siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa
isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig
mula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri:

“Apo Namalyari
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit
rin):

“Ako’y nagsabi kay tatay,


Manghuhuli ako ng usa,
“Ako’y nagpaalam kay nanay
Para manghuli ng ibon
Ngunit ako itong nahuli
Ng katutubong Aeta”

(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok,


nakita nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng
pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta)

510
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?

Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga


dalawang araw na ang nakalilipas.

Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang
maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo.

Jonalyn: Amang, tara munang magdasal.


(Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay)

Apo Namalyari...
Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen
Tatlong araw na po siyang nawawala
Sana po ay amin siyang makita
Sa lalong madaling panahon

Jonalyn: Amang, mag-ingat ka!

Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng


pananghalian!

EKSENA 7 – Ang Pananghalian


(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang
sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang
pananim...)

Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!

Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano


magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!”

Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo.

(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang


batang babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang
mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan):

Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...


Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka
nagpapakuto!
Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna!

(Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng


kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena:
Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at
halos magpambuno sila.)

511
EKSENA 8 – Araw ng Eleksyon
(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin
ang araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo)

Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay


natin at
bantayan mo muna ang iyong mga kapatid
para
makaboto kami.

Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at


magsulat at
ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn,
isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi
marunong siya.

Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang
magbabantay
sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto.

(Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at


boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen,
ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang
Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.)

(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan,


kelangang hanapin sa registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga
magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo
dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong
iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa
pagboto ang kaniyang ama)

(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang


kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.)

Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?

Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si


FPJ at si GMA.

EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni


(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha,
may bahid ng kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng
mga panahong yaon.)

512
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta
ay nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t
hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa
akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na
katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-
lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay
Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang
kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang
mga mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.)

(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang
mula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking
baboy-ramo, sabay nagwika itong:

Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa
tahanan.)

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang


(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa
hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo.

Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito
makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”.

(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si


Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay
nakasulat ang mga katagang “Babangon ang Pilipinas”)
(Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)

Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo.

WAKAS

GAWAIN 3.3.c: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw)

Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong


upang iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong
kaalaman, pagkilala sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot
sa papel.

513
Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang
isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong
Pampelikula na bahagi ng ating kultura at
panitikang popular? Ipaliwanag.

Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong


sarili bilang isang mahusay na lider at
tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami
sa kasalukuyang panahon?

Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga


kababayan mo na nagtataglay ng “kawalang-alam”
(illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang
naisip mong mga proyekto para sa kanila?

Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na


landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni
Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung
ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo
at ng bansang Pilipinas?
Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo
ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo?
Magbigay ng mga mungkahi

Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa


kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para
sa kaniyang mga kapwa katutubo?

Maraming salamat sa buong husay mong pagsagot sa mga tanong na


ibinigay sa iyo batay sa akdang iyong binasa at pinanood na pelikula. Mula sa
dokumentaryong pampelikula na iyong napanood at iskrip na iyong nabasa,
batid naming namulat ang iyong isipan sa tunay na kalagayan ng mga
katutubo sa mga kabundukan, ang kanilang lagay sa lipunan at ang tunay na

514
kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, ang isang dokumentaryong
pampelikulang tulad nito ay isang matibay na instrumento upang maipamulat
sa bawat isa sa atin ang katotohanan ng buhay. Higit pa nating palawakin ang
iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan:

Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong

pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon,

manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas

malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na

nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.

Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga

Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang

pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa

anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang

“aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon,

naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng

“travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.

Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon,

sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling

pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime

propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit

ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema

Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula

totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-

uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula

at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa

pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan

ang isang dokumentaryo.

515
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga

nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”,

“Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi

ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.

Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong


dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:

Mga Elemento ng Pelikula


Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng
kuwento.
Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi
ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang
interes at amdamin ng manonood.

Iba pang mga Elemento

Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo


at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay
naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas.

Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng


lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na
paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano


patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga


negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri
ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat
isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula
dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

516
GAWAIN 3.3.d: Patinikan sa Panitikan

Muli nating balikan ang iba’t ibang eksena mula sa dokumentaryong


pampelikula na Manoro (Ang Guro), Para sa iyo, ano ang mga nais bigyang-
tuon nito? Isulat ang sagot sa papel.

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
__________________________
______
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_______________________

Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging


nakasisiya at mabisa ang isang dokumentaryong pampelikula, mahalagang
isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na
camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang
screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan
nito sa emosyon, lalim at kakintalan at ang magiging implikasyon ng isang
dokumentaryo sa mga manonood nito.

517
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na


“scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang


paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may
diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin,
kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay


lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang
papel.

Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up


shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-
up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa
halip na sa buong mukha.

High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa
ilalim.
GAWAIN 3.3.e: Kuha Ko, Hula Mo
Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.

Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na


Matapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng
anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
kamera at ang kahalagahan nito sa pelikula, ngayon ay pagmasdan mo ang
nasanaibabang
kasunod bahagi.
mga larawan ngHalimbawa
mga aktuwal nito
na ay angngsenaryo
kuha kamera ngsa buong
pelikulang
iyong karagatan
napanood. at
Isulat
mgakung anong uri na
kabundukan ito ng
angcamera shot ay
manonood at ipaliwanag
tila isang ang
nais nitong ipahiwatig.
ibong lumilipad sa himpapawid.
Uri ng Kuha: _______________________
Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang
kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa
nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong
kumakaripas ng takbo. 518
Nais Ipahiwatig:
___________________________________
_________________________________

Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig:
___________________________________
_________________________________

Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig:
___________________________________
_________________________________

Uri ng Kuha: _______________________

Nais ipahiwatig:
___________________________________
_________________________________
Mula sa: http://www.google.com.ph/images

Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang


Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri
ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating
naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa
paraan ng kaniyang mga pananalita.

Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating


sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag
gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe
o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.

a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.”


(pagtanggap)

519
2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-
aalinlangan)

3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga


pananalitang yaon.” (pagtanggi)

4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.”


(pagsang-ayon)

5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga


pahayag.” (pagsalungat)

b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at


ipinadarama

1. Pagbibigay-babala
“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-
babala)
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”

2. Panghihinayang
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana
nangyari yaon.”

3. Hindi Pagpayag
“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong
gagawin.”
“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong
isagawa.”

GAWAIN 3.3.f: Pahayag Ko, Tugon Mo

Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong


napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat
pangungusap. Pillin ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas . Isulat sa
papel ang mga sagot.

Pagtanggi Pagsang-ayon
Pagbibigay-babala Panghihinayang
Panghihikayat Pagsalungat

“Ama mag-ingat ka sa iyong “Hindi dapat maiwan si


paglalakbay, mapanganib sa Jonalyn, dapat kasama natin
daan!” siya sa pagboto.”

2. 520
__________________________
____
1.
____________________________
__

“Hindi na ako bomoto, dahil


“Sa ginagawa nilang iyan, naniniwala akong hindi naman
inaagawan nila ng tahanan ito makapagpapababa at
ang mga ibon.” makababawas ng aking
pagkatao.”

3. 4.
___________________________ __________________________
___ ____
“Ang sampagitang ito ay para “ O sige, mag-aaral tayo
sa mga ga-gradweyt lamang, pagkatapos ng pananghalian
isuot mo, huwag kang mahiya, natin.”
bagay sa iyo ito.”

6.
5. ___________________________
__________________________ ___
____
GAWAIN 3.3.g: Pahayag Ko, Interpretasyon Mo
Ngayon naman ay basahin mo ang Sanaysay na ito. Sa pamamagitan
nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na
paksang pangwika. Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pag-
alam ng mga kaisipan, saloobin, paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito mula
sa Sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang kahulugan ng
bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. Sundin ang pormat.

Pintig, Ligalig at Daigdig


Jet Oria Gellecanao

“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay


nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay
nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat
sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay
rin sa isang maligalig na daigdig.”
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga

521
usapang ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang
lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!” Mas
matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng isa. Sumagot
naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas
maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga
nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga
talento at taglay na kaalaman?
Madalas rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad,
at baka ika’y madapa, mas malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan
natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang “Taos-puso po
naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong
kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama
at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba
na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng
pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at
lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa
sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong
ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon”
at ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang mundo, ang
bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o
tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang
Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na
mapadali at mapabilis ang komunikasyon.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan
na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw
na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga hula ng mga tao
tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi
upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi
karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging siya
lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang
pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha.
Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-
522
bulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa?
Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang
tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay.
Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo
masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.”
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging
oras, nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig,
pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na
upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!

Pahayag: _____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________

Pahayag: _____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________

Pahayag: ______________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________

Pahayag: ______________________________
Paliwanag/Interpretasyon:____________________________________

GAWAIN 3.3.h: Katutubo – Kapatid, Kapamilya’t Kapuso


Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang
mga kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop
na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat.

Pagnilayan at Unawain

Mula sa mga nauna nating pinag-aralan, natutuhan mo ang


mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentaryong pampelikula.
Kabilang na rito ang pagsusuri sa nilalaman nito at kung ano ang
panlipunang kahalagahan nito lalo na sa panahon ngayon. Alam mo rin na
ang isang pinakamahalagang elemento ng dokumentaryong pampelikula ay
ang iskrip kung saan nakapaloob ang mga diyalogo o mga pananalitang
namumutawi sa bibig ng mga artistang gumaganap. Sa pananaw ng
scriptwriter at ng direktor, ang mga diyalogong ito ay may mas malalim na
pagpapakahulugan, sapagkat mula sa mga ito ay makukuha mo ang mga
nakapaloob na mensahe upang magsilbi itong kamalayan upang buksan ang

523
isipan ng bawat isa tungkol sa mga isyung panlipunan. Narito ang ilan pang
gawain na may kinalaman dito upang higit pa nating mapalalim ang iyong
pag-unawa sa kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay
mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong
panlipunan?

GAWAIN 3.3.i: INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo)

Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood.


Paano mo ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa
tunay na buhay at sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon.
Isulat sa papel ang sagot

“Hindi na ako bomoto, sapagkat para


sa akin, hindi ito makapagpapababa ___________________________
___________________________
at makababawas ng aking pagkatao”
___________________________
_________

“Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon,


pagsasayang lang ng oras yan, narinig ___________________________
mo naman ang mga Koreano, kelangan ___________________________
ko na mag-fill-up ng aplikasyon.” ___________________________
_________

“Apo Namalyri
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa __________________________
Kami ngayo’y nangagtipon __________________________
Dito sa aming taniman __________________________
Kayo lamang ang makatutulong sa ____________
amin”

Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa mabisang komunikasyon ang


pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muli mong balikan ang ilang
diyalogo sa dokumentaryong pinanood na sa palagay mo ay tumimo sa iyong
isipan, bigyan ito ng pagpapakahulugan.

524
GAWAIN 3.3.j: Pelskrip (Pelikula at Iskrip)

Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga


pahayag na mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na
nakatutulong upang magkaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang
mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay subukin mo ang iyong
kakayahan sa bagay na ito.

Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na “Ang


Babae sa Septic Tank” sa direksiyon ni Marlon Rivera, isang pelikulang
nagkamit ng maraming parangal na ang pangunahing tema ay suliraning
panlipunan. Subukin mong bumuo ng mga diyalogo mula sa mga ito na
ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pahayag na ating tinalakay sa mga
naunang aralin. Gawin sa papel.

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_____________________

_________________________________
_________________________________
_________________________________
____________________

Mula sa: www.starcinema.com.ph/

525
GAWAIN 3.3.k: Dokyufil: Pelikula at Dokumentaryong Filipino –
Epekto Sa Iyo

Ang mga pelikulang katulad ng “Babae sa Septic Tank” at “Manoro”


(Ang Guro) ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa napapanahong mga
isyu sa ating lipunan. Kaya’t ang matataas na uri ng mga obra-maestra na
katulad ng mga ito sa larangan at industriya sa paglikha ng pelikula ay
nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng kultura at panitikang popular sa
ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi naimumulat nito ang ating
kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging implikasyon o bisa nito sa
iyo bilang mag-aaral. Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng
dokumentaryong “Manoro” (Ang Guro) batay sa sumusunod na aspeto.
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

MANORO (Ang Guro)


Dokumentaryong Pampelikula

IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI PAMILYA LIPUNAN

_____________ _____________ _____________


_____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________
____ ____ ____

GAWAIN 3.3.l: Ako Mismo, Kikilos Ako!

Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda,


panahon na upang ibahagi mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong
pamayanan bilang isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga
suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan. Gawin sa papel.
Gayahin ang pormat.

526
“AKO MISMO,
BATANG
LIDER”

Matapos mong maisagawa ang napakahalagang gawaing ito ay lubos


kitang binabati at pinasasalamatan!

Mula pa lamang sa simula ng iyong pag-aaral ay nabanggit na sa iyo


na mahalagang maunawaan mo na mahalaga ang bahaging ginagampanan
ng dokumentaryong pampelikula sa lipunang ating ginagalawan at pati na rin
sa iyong sarili. Batay rin sa mga gawaing iyong isinagawa, naging bahagi ka
sa paglutas ng ilang mga suliranin sa inyong pamayanan bilang isang batang
lider. Mula sa mga ito ay iyong mahihinuha ang kahalagahan ng media o
anumang uri ng midyum sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at ikaw
bilang isang natatanging kabataan na nagtatalay ng matibay na personalidad
sa pagharap mo sa marami pang hamon na darating sa iyong buhay.
Kaugnay nito bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong
mga natutuhan sa araling ito. Sundin ang pormat.

Ang Aking Repleksyion …

________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________

527
Ilipat

GAWAIN 12: Iskripkoto


Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha
ng isang iskrip para sa isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang
iba’t ibang uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago iyon, dapat mong malaman
na bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong
simulan sa pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong
pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang
halimbawa, (halaw sa “Manoro”, Ang Guro) basahin, pag-aralan at unawain
mo itong mabuti.

ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (“SEQUENCE SCRIPT “)

Mga Detalye/ Mga Tauhan at


Eksena Bilang Kuha at Anggulo Paglalarawan Iba pang Datos
at Tagpuan ng Kamera at Kaisipan ng na
Eksena Kinakailangan

Eksena / Establishing Magbubukas Karamihan ng


Sequence 1: Shot sa “school ang eksena sa mga tao sa isang
School Grounds grounds” “school grounds” tipikal na
(Graduation sa araw ng “Graduation Day”
Day) Medium Shot sa graduation. (iba’t ibang
mga taong Hindi eksena)
nakapaligid (iba’t magkamayaw Isa sa mga
ibang senaryo) ang mga tao. unang makikita
Masayang- ang
Close-Up Shot na masaya ang pangunahing
ipakikita ang ilang lahat at lubos tauhan (Jonalyn
eksena ni Jonalyn ang pananabik. Ablong) kasama
(pangunahing Ngunit kasabay ang ilang
tauhan) nito ay ang pag- miyembro ng
iyak ng mga kanyang pamilya
bata’t sanggol. (matatapos
Maririnig ang nang masaya
ilang mga ang graduation)
usapan.
Eksena / Long Shot sa isang Ipakikita ang Mga ilang batang
Sequence 2: Jeep na papunta sa andar ng isang katutubo na
Sa isang Jeep Resettlement Area jeep sa mabato gumradweyt,
na patungong ng mga Katutubo at maalikabok mga ina, sanggol
Resettlement (tinatahak ang na daanan, may at iba pang mga
Area ng mga mababato at ilang batang batang sumama

528
Katutubo maalikabok na mga lalaki na sa graduation at
daanan) nakasakay sa tampok ang
itaas ng jeep pangunahing
Medium Shot sa tauhan na si
mga Masayang Jonalyn Ablong
nagsisipagtawanang nagtatawanan
katutubo tungo sa ang mga
Close-Up Shot sa katutubo tungkol
nagsasalitang si sa katatapos na
Jonalyn Graduation
(pangunahing hanggang sa
tauhan) pagdating sa
kanilang lugar

Gumawa ka ng isang iskrip pandiyalogo na maaaring isadula ng


pangkat ng mag-aaral kabilang ka sa loob ng limang minutong pagtatanghal
na may temang: “Tiwala ang Tanging Sandigan – Pagsisikap at Pagdarasal
Upang Malampasan ang Kahirapan”.

Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing


inilaan ko para sa iyo, sagutin mo muna ang Pangwakas na pagtataya para sa
araling ito.

VII. PANGWAKAS NA PAGTATAYA:


Isulat ang wastong sagot sa patlang.
1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting.
____________

2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang


pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon
para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
____________

3. May katuturang “pelikula totoo” at katangian ng isang dokumentaryong


pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.
____________

4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at


pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject.
Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan.
____________

5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat


pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng
mamamayan. ____________

529
Natapos mo na ang huling aralin ng modyul na ito. Sa kabuuan
naunawaan mo na ang tungkol sa iba’t ibang uri ng panitikang popular
mula sa mga babasahing popular, radyo, telebisyon at maging pelikula.
Ngayon, subukin natin kung talagang naunawaaan mo ang
mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais kong
maiwanan sa’yo. At masasagot mo na nang tama kung paano nga ba
naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular, at bakit
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang
Pilipino tungo sa panitikang popular? Bago pa man kita pinasagot sa
mga gawain sa bawat aralin ay tinanong ko na sa iyo sa simula pa
lamang.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Binabati kita at natapos mo nang buong husay ang
tatlong aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Natitiyak ko na
naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga
panitikang popular tulad ng iba’t ibang uri ng print media, radyo,
telebisyon at pelikula. Natitiyak ko rin na alam mo na kung paano nga ba
naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular. Napag-
alaman mo rin na may iba’t ibang mga aspeto na nakaimpluwensiya at
nakaapekto kung bakit unti-unting nabago ang mga anyo ng panitikan
mula noong sinauna pang panahon tungo sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, nais ko muling subukin ang lawak ng iyong pag-unawa at
ang taglay mong kaalaman tungkol sa bagay na ito. Ito ay masusukat sa
sumusunod na gawain.

Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang


sumusunod na aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan
mula sa tradisyunal na uri tungo sa mga panitikang popular.

Lengguwahe/Wika

Makabagong
Teknolohiya
Tradisyunal
Panitikang
na Mga Suliranin at Popular
Anyo ng Kalagayang Panlipunan
Panitikan
Prinsipyo at mga
Paniniwala

Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag

530
Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan, ang tradisyunal ay
_________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng
mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa popular
dahil sa ________________________. Nakatutulong ang panitikang
popular upang __________________. Bilang isa sa mga kabataan,
sisikapin kong ____________________________.

Natugunan mo na ang lahat ng gawain na inilaan sa iyo ng


modyul na ito. Tunay na marami ka ng naipon na kaalaman at higit na
ang iyong kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul na ito,
ngunit higit sa mas malalim na pagtingin sa mga kaganapan sa iyong
paligid. Bilang isang hamon bakit hindi mo sikaping higitan ang
inaasahan kong magagawa mo. Tunguhin mo ang panuto sa kasunod na
pahina at isagawa ang iniaatang sa iyong gawain.

ILIPAT

Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na tinalakay sa bawat


aralin ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT bilang malaking
bahagi ng Kulturang Popular tungo sa mga Panitikang Popular na umiiral
sa kasalukuyan. Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na
gawain para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral. Basahin ang nakasulat sa
loob ng kahon:

Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga

likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang

kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at

hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa.

Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang

patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng

kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging

kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya

tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa

531
isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga

paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin

ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong

paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at

praktikal na mga rekomendasyon.

Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan


o social awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang
midyum na iyong natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media
na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari
ka rin namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa
anyong video na siya namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng
mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari mo ring i-post sa internet
ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang maitatampok sa iyong
bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong baranggay at ang
magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na
suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.

Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo


ng isang balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang
inyong mahahalagang mga plano para maisakatuparan ang proyekto.
Maisasagawa lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue
script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto.

Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang


mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip
para sa mga eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo

1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging


makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.

2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag


kalimutang maging malikhain.

3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo.


Gamitin ang iba’t ibang uri ng mga pahayag na
pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.

4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong


pinatutungkulan sa pagsulat ng mga diyalogo.

5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng


isang mabisang iskrip.

532
Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong
campaign material

 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 40 %
 Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena - 20 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 10 %
 Epektibong Gamit ng Wika - 20 %
 Aplikasyong Teknikal - 10 %
_______
100 %

Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa pagmamarka ng


iyong isasagawang proyekto
M
MGA Kapugay- A
Magaling Umuunlad Nagsisimula
PAMANTAYA pugay R
3 2 1
N 4 K
A
Makabuluhan May
Komprehensibo Masaklaw, at makabuluhan
at makabuluhan makabuluhan napapanahon at
ang at ang mga napapanahon
napapanahong napapanahon impormasyong g mga
Masaklaw na
mga ang mga inilalahad sa impormasyon
paglalahad ng
impormasyong impormasyong materyal g inilahad sa
napapanahong
inilalahad sa inilalahad sa alinsunod sa materyal ukol
impormasyon
materyal materyal paksang sa paksang
alinsunod sa alinsunod sa itinatampok itinatampok
paksang paksang ngunit may ngunit
itinatampok. itinatampok. mga detalyeng limitado ang
hindi nailahad mga ito.
Masining na
ginamit ang
Masining at Masining at
Natatangi ang wika ng
maingat na maingat na
paggamit ng kabataan sa
Masining at nagamit ang nagamit ang
wika ng karamihan ng
maingat na wika ng wika ng
kabataan nang pahayag sa
paggamit ng kabataan sa kabataan sa
higit pa sa nabuong
wika kabuuang karamihan ng
inaasahang materyal
pagpapahaya pahayag sa
pamamaraan sa ngunit hindi
g sa nabuong nabuong
materyal. maingat ang
materyal. materyal.
paggamit.

Mahusay na Tipong Taglay ang Taglay ang Naipamalas


aspetong propesyonal ang lahat ng mga susing sa materyal
teknikal pagkakagawa kailangang elemento sa ang minimal
sa materyal elemento sa mabisang na antas ng
dahil sa husay mabisang pagbuo ng pagtatagpi-
ng pagtatagpi- pagbuo ng materyal at tagpi ng
tagpi ng mga materyal. naipamalas elemento at
elemento nito. Naipapamalas ang angkop teknikal na
ang na teknikal na pagganap.
kahusayan sa pagganap.

533
teknikal na
pagganap.
Ang mga
Malinaw at May mga
inilahad na
kapaki- Makabuluhan rekomendasy
Pagkapraktikal rekomendasyon
pakinabang ang ong inilahad
ng ay
para sa lahat karamihan sa ngunit
rekomendasyo nagmumungkahi
ang inilahad inilahad na mabuway
n ng kaisipang
na rekomendasyo ang mga
pangmatagalan
rekomendasyo n. iminumungka
sa kamalayan
n. hing kaisipan.
ng madla
KABUUANG
MARKA

Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga


gawaing iniatang sa iyo bilang isang mag-aaral, binabati kita! Isang
matagumpay na pag-aaral para sa iyo! Tunay na isa kang masipag at
matalinong mag-aaral!

VII. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (PARA SA


KABUUAN NG MODYUL 3)
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

Roel: “Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang


Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa senado.”

Macky: “Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay
Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga
politiko na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!’
Roel: “Sinabi mo pa, partner!”

Macky: “Ano ba talaga ‘yang FOI, partner?’

Roel: “Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh


bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga
opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”

Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh ‘di magdiriwang na ang


mga tsismosa at pakielamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na
naman ‘yan! Demanda dito, demanda roon!
1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
2.

534
a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit na
nakapikit!
b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
c. Naku! Delikado naman pala iyan!
d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.

3. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may


salungguhit?

a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.


b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.

4. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga


komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa?

a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.


b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig
ng mga pahayag ng mga personalidad.
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa
isang bansa.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.

5. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng


pananaw mula sa akda?

a. naman pala c. sang-ayon sa


b. sabi nga d. ng mga
6. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng
isang komentaryong panradyo?

a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.


b. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na
pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung
tinatalakay.
c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
Parami
d. Lahatnang nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng
nabanggit.
bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob
mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga
paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng
pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay
hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga
magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa
palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at
minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang
maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang
535
na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang
iparamdam sa kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap
sa kanilang mga anak.
7. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng
___________.
a. sanhi at bunga c. paraan at resulta
b. paraan at layunin d. kondisyon at
kinalabasan
8. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng
bullying?
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng
pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
9. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga
magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang
nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi c. paraan + resulta
b. sanhi + bunga d. resulta + paraan
10. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang
kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang
pananakit.

536
11. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa
pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi
gaanong nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.

“Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang


balita laban sa akin. Ako’y wala ginagawang masama laban sa
inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa. Tama kayo.
(2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking
bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking
mga naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang saysay ang isang
panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman
ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking
mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4)
Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na
taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo,
hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko
lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na
mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at
pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka.

12. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?


a. 1 c. 3
b. 2 d. 4

13. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay


_____________.
a. paghanga c. pag-asam
b. pananabik d. kasiyahan

14. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay


___________________.
a. manghikayat c. magbigay-parangal

537
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman

Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang


paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa
marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin.
Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may
marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa
isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya,
narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong
nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng
kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na
kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at
may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.

15. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan


mula sa tekstong binasa?
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus
sa San Juan, Metro Manila.
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas
ng mga katutubong Aeta.
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita
tungkol sa usapin sa lupa
d. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng
Panatag Shoal

16. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto?


a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng
anumang layunin.
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting
hangarin.
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa
kayamanan at kapangyarihan.
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan

538
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang
Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat,
inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo...Doon nagwika ang
kaniyang Apo Bisen “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin,
hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”.

Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang


na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng
kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang “Babangon ang
Pilipinas”

17. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging


nabasa?
(Close-Up Shot ngang
a. Ilarawan Camera)
kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas.
Natapos na ang ang
b. Ipakita pagdiriwang...ubos
kahalagahan ngnapagboto
rin ang upang
inihaing baboy-ramo.
magkaroon ng
pagbabago.
c. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging
maunlad.
d. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa.
18. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit?
a. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng
kahalagahan ng pagboto.
b. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat.
c. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan.
d. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa.
19. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang
dokumentaryong pampelikula?
a. pananaliksik c. pag-eedit
b. pagdidisenyo ng produksyon d. lahat ng nabanggit
20. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa?
a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa
kamangmangan ng mga mamamayan.
b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat.
c. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas.
d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila
ng kahirapan.

539
21. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga
manonood batay sa bahaging nabasa?
a. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay.
b. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat.
c. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo.
d. Nakasulat sa likuran ng mga bata ang katagang Babangon ang
Pilipinas

Binabati kita at matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa


bawat aralin ng modyul na ito. Naniniwala akong naunawaan mo ang
mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyo na magagamit mo
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Nawa’y naging makabuluhan
sa iyo ang ginawa nating pag-aaral. Handang-handa ka na para sa
Modyul 4 – ito ang tungkol sa awit na FLORANTE AT LAURA. Muli,
maligayang paglalakbay sa pagtuklas ng bagong karunungan.

540
GLOSARYO

Advertisement – Iba’t ibang mga anyo ng patalastas na matutunghayan sa


iba’t ibang uri ng media, maging ito man ay sa print media, broadcast media,
films at mg uri nito.

Adhikain- layunin; gusto


Advocacy – Isang salitang Ingles na ang katuturan ay “isang adhikaing
dapat na maisakatuparan, suportahan o itaguyod para sa isang natatanging
layunin.
Agam-agam- hinala
Analitikal – pagbuo ng mga ideya mula sa iba’t ibang ideya upang makabuo
ng higit na estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay
Angkinin- kunin
Arestuhin- hulihin
Babae sa Septic Tank – Isang Independent o Indie Film na nagtatampok ng
mga isyung panlipunan at ang tunay na kulay ng “showbiz” na labis ang
pagiging prestihiyoso ngunit may mga kabulukan sa likod ng tabing at
kamera.
Bajo de masinloc – parte ng Philippine Sea
Balakid- hadlang
Balangkas – pagkakasunod-sunod
Beterano- datihan
Bugso ng damdamin-napatangay sa nararamdaman
Bulwagan – lugar na pagdarausan

Camera Shots and Angles – Tumutukoy sa mga kuha at anggulo ng kamera


para sa isang partikular na eksena. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang
emosyong nais idiin ng isang senaryo.

Campaign Activity – Isang gawain ng pangangampanya para sa isang


natatanging layunin. Sa gawaing ito ay isinasaalang-alang ang ilang
mahahalagang tuntunin.

Cinema truth – May katuturang “pelikula totoo”; katangian ng isang


dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na
pangyayari.

Cinema Verite – Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na


pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film
subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Isang uri ng pagsasa-
pelikula sa kasalukuyan.

Coordinator – tagapangasiwa

541
Corrupt – isang taong may posisyon at ginagamit ang pondo ng bayan sa
sariling kapakanan

Dambuhala – malaki

Dedikasyon – pag-aalay

Dialogue Script – Isang uri ng iskrip kung saan nakapaloob ang diyalogo ng
mga aktor at aktres ng bawat eksena. Nakabatay ito mula sa “sequence
script”.

Dinuro-duro – minaliit

Diyalogo- tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming


mga tauhan sa loob ng isang dula

Documentary For Television – ito ay mga palabas na naglalayong maghatid


ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan
ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Dokumentaryong Pampelikula – Ekspresyong biswal, nagtatampok ng


realidad at katotohanan ng buhay ng isang lipunan. Nagbibigay ng
impormasyon, nanghihikayat at nagpapamulat ng kaisipan at kamalayang-
panlipunan.

Elemento ng Pelikula – Mga sangkap o mga bahagi ng isang pelikula upang


ito ay kilalanin bilang isang mataas na uri ng likhang-sining.

Estratehiko – pamamaraan

Ethnographic Film – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok sa kultura,


kalagayan at buhay ng mga katutubo sa isang lugar at lipunan.

Film maker – Ang taong bumubuo at lumilikha ng isang pelikula.

Film subject - Mga bagay o pinakapaksa sa pelikula na kinukunan ng


kamera upang maidiin ang nais ipahiwatig ng isang film maker.

FOI – Freedom Of Information

Forum – pagtatalakayan, pakikipagtalastasan,pag-uusap, pagpupulong

Gusot – problema

Halakhak-malakas na pagtawa
Himukin – hikayatin

Hinuha – pagbibigay interpretasyon

542
Illiterate – Nangangahulugang may “kakulangan ng kaalaman” sa isang
bagay o mga bagay na nakapaligid sa kaniya. Sa ibang salita ay
“kamangmangan” o pagiging “ignorante.

Implikasyon – Epektong pandamdamin, pangkaisipan, pangkatauhan at


panlipunan at pagkatapos nito ay ang kasunod na aksyon o resulta
.
Independent / Indie Films - Mga pelikulang may malayang tema at
pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang
kamalayang panlipunan ng mamamayan.

Information and Communication Technology (ICT) - Isa sa pangunahing


midyum sa kasalukuyang panahon upang mas maging mabilis at patuluyan
ang proseso ng gawaing pangkomunikasyon at pagbibigay-impormasyon.

Interpretasyon – sariling pag-unawa

Ipinipinid-isinasara
Iskrip- pinakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito
Kalumbayan-kalungkutan
Kamalayang panlipunan – pagiging bukas ang isipan sa mga nagaganap sa
paligid

Kariktan-kagandahan
Katig – kakampi, kinampihan, kapanalig

Kawangggawa- libreng serbisyo


Kinamihasnan-kinamulatan
Komentaryo – pagbibigay-opinyon

Komprehensibo – kumpleto at kapani-paniwala

Kontrobersiyal – makulay, maraming usapin

Kontrobersiyal- mainit na pinag-uusapan


Kredebilidad – kapani-paniwala

Kultura - ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang   mga 


ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan at tradisyong umunlad ng isang
lipunan. Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng
mamamayan tulad ng paaralan (edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at
mga establisimentong pansining.

Kulturang Popular – sumasaklaw sa pag-aaral/pagsusuri ng iba’t ibang


kulturang popular, halimbawa, pelikula, musika, komiks at pahayagan, mga

543
programang panradyo, pantelebisyon na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng
sariling katalinuhan at identidad. Sinasabing kultura ng panggitnang uri at
para sa marami (sangguniin sa introduksiyon nito ang malalim at malawak na
talakay)

Kuro-kuro – opinyon, saloobin

Lantaran – kitang-kita, bulgar

Larawang-diwa o imahe- tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa


akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa,
nagpapatalas ito ng pandama.

Lihim-sekreto
Likumin-kolektahin
Lumalawig – lumalawak

Lumuwas-nagpunta sa malayong lugar


Mamamahayag – tagapagbalita, tagapag-ulat

Manoro – Katutubong salita ng mga Aeta na ang ibig sabihin ay “guro”.

Martial law – Batas Militar

Masusulingan – matatakbuhan, mahihingan ng tulong

Mauuntol- matitigilan
Midyum – daan, instrument

Minindal-miryenda
Multi-Media – Tumutukoy sa iba’t ibang uri ng “media” o midyum na
ginagamit sa komunikasyon. Karaniwang binubuo ng print media, broadcast
media, film at information and communication technology.

Munti-maliit
Nagkakandirit-naglulundag na nakatingkayad ang paa
Nagkukumahog – nagmamadali

Nagtungo-nagpunta
Nagugulumihanan-nalilito
Nagugunita-naalala
Nalalambungan- natatakpan
Napopoot- nagagalit, matinding galit

544
Newsreel – Nagsisilbing balita ng bayan na nagtatampok ng iba’t ibang
pangyayari sa kapaligiran.

Obra-Maestra – Isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na


uri ng parangal; kinilala; naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may taglay na
kariktan.

Pagaril-pagaralgal
Pagbatikos – pagtuligsa

Pagkiling – pagkampi, pagpanig

Pagkukunwari- pagpapanggap
Paglalayag- paglalakbay
Paglililo- pagtataksil
Pagod-hapo
Pagpapahiwatig (foreshadowing) isang pagpaparamdam, pagpapakilala,
pagbibigay ng mga babala o pahiwatig o pagpapauna sa unahan o
kalagitnaan ng kuwento upang ihanda ang mambabasa sa maaaring
mangyari sa hulihan ng akda

Pagpapalaluan- pagyayabangan
Pagsasahimpapawid – ang sistema ng pagpapakinig ng isang programang
panradyo

Pahiwatig- mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang


nais nitong iparating. May mga pantulong na palatandaan sa loob ng
pangungusap o sa mga bahagi ng akdang makatutulong upang maunawaan
ang kahulugang nais nitong sabihin

Paksang-diwa o tema (theme)-itoy pangunahing kaisipan ng tula, katha,


dula, nobela, sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang pagmamasid sa
buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa mambabasa. Hindi ito dapat
ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina
ang tema. Paksa lamang itong maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsa’y
puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina

Pananaliksik- isang masusing pag-aaral sa isang paksa o problemang


inihahanap ng solusyon o kasagutan

Panitikang Popular - Anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at


pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong mga pamamaraan, estilo at
anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng mga kabataan sa
panahong kasalukuyan.

545
Panitikang Popular – sa orihinal na legal na kahulugan, pag-aari ng
mamamayan. Kawing sa “populace” na ibig sabihi’y hindi aristokrata, aral - -
ang mababang uri. May konotasyong inferior na uri ng literatura, hanggang sa
tribyal (pop). Sa usaping ideolohikal, bagama’t tinatangkilik ng lahat ng uri ng
lipunan, may pagkakaiba batay sa pang-ekonomiyang lagay (halimbawa;
klase ng sineng pinapanood, klase ng komiks na binabasa. Kasalukuyan,
nakakawing ang konsepto ng popular sa mas midya, kung ano ang naaabot
nito, ang saklaw ang siyang may kakanyahang maging popular. Ang popular
ay may oryentasyong komersyal, o sa pagkita (profit)

Pasubali – pag-aalinlangan, pagdadalawang-isip

Punto-tono ng boses sa pagsasalita


Rehas – harang, kulungan, hadlang

Resettlement Area – Lugar na pinaglipatan upang doon tuluyang manirahan.

Sagad-hanggang-langit – lubos, wagas, sukdulan,sobra, lubos

Salik – bagay na naging daan

Sanggunian – kalipunan

Sarat-pango
Senaryo – Termino sa pelikula na ang ibig sabihin ay “tanawin” o isang
“eksena”.

Sequence Script – Isang uri at bahagi ng iskrip na nagtatampok ng mga


detalye at kaisipan ng bawat eksena ng isang pelikula o dokumentaryo.
Gayundin ng bawat “camera shots and angles” nito.

Short Films – Maiikling uri ng pelikula na naghahatid ng mahahalagang


mensahe sa mga manonood.

Simbolo- ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang


pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa,
isang bagay o kaisipan na kumakatawan sa iba pang konsepto at maaaring
bigyan ng maraming antas ng kahulugan

Simpatika- malakas ang dating ng personalidad


Sisiw – maliit, walang lakas, walang kapangyarihan

Social Awareness – Sa tunay na katuturan nito ay “kamalayang panlipunan”


batay sa kaisipan at umiiral na moral ng isang lipunan tungo sa pagkamulat
sa katotohanan.

546
Tabloid- Maliit at abot-kaya kumpara sa isang broadsheet. Sapagkat mas
maliit ang espasyo sa tabloid, mas maliit rin ang inaasahang pagkonteksto sa
mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa
kaunting espasyong ito, nagkakasya ang maraming sambahayan para sa
balita at impormasyon.
Higit na binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories
(panggagahasa, pananamantala/molestation, kidnapping, atbp.) at mga
kuwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa pambansang
isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balita hanggang sa
paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o mali.

Tangan-tangan – hawak-hawak

Tanglaw – liwanag, umiilaw

Teksto – sa tradisyunal na gawi, ang nakasulat na anyo. Sa pag-aaral, ang


teksto ay sasakop di-lamang sa nakasulat na anyo, pati na rin sa praktikal na
gawi sa produksyon ng literatura.

Teledrama – mga drama sa telebisyon

Transaksiyon – kasunduan

Travelogue – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok ng iba’t ibang mga


lugar kung saan maaaring maglakbay.
Tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa
kasalukuyang panahon, ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga
produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang
ginagamit, pinanonood at maging binabasa.

Utusan-katulong
Video Advocacies – Mga adbokasiya, patalastas at mga propaganda na
naglalayong manghikayat, magpabago ng pananaw, magpamulat ng kaisipan
at kamalayan.

Wartime propaganda – Ang mga Dokumentaryong Pampelikula noong


unang panahon ay nagsilbing instrumento ng nasyonalismo, pakikipaglaban,
deskriminasyon at pagkakabaha-bahagi.

Yabag-tunog ng mga paa sa paglakad

547
SANGGUNIAN

*Aklat

Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa


Mataas na Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing
House, Inc., 2009

Arrogante, Jose A. et.al Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko.


National Book Store. Mandaluyong City, 1991

Austero, Cecilia S., et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. UNLAD


Publishing House. Pasig City. 2007

Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing


Pagsulat. C&E Publishing, Inc. Quezon City. 2008

Garcia, Lakandupil., et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2006.

Glinofria, Maurita L. at Laxina, Teresita F., Kadluan ng Wika at Panitikan IV


Makati City, Philippines, Diwan Scholastic Press Inc., 1999.

Mag-atas, Rosario U et.al., Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo),


Valenzuela, Metro Manila, Philppines, National Bookstore, Inc. 1994.

Resuma, Vilma Mascarina. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino


Komunikatibong Modelo.

Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de


Manila University Press. Quezon City. 1997

Rubin, Ligaya T. et.al., Panitikan sa Pilipinas, Sampaloc, Manila, Philippines,


Rex Book Store: 2001.

Santiago, Lilia Quindoza et al., Mga Panitikan ng Pilipinas, C & E Publishing


Inc., 2007

548
Pahayagan
Pilipino Mirror. Eros Atalia. Dagling Katha, Oktubre 29, 2012

Magasin

Awake! Magazine, Social Networking, Watchtower Society, September 2010

Magasing Gumising! Gabay sa Paggamit ng Kompyuter, Oktubre 2011

Internet

Aňonuevo, Roberto Alimbukad (http://alimbukad.com/2008/08/08/ang-


editoryal-bilang-lunsaran-ng-panunuri/)

http/www.youtube.com/watch

http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf

http://the1010project.multiply.com/journal/item/34/34?&show_interstitial=1&u=
%2Fjournal%2Fitem

http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph

http://www.balita.net.ph/2012/06/kuwentuhang-media/#.UKseSO_QVyw

http://www.cbcpworld.com/cinema/html/about_us.html

http://www.cinemalaya.org/film

http://www.gmanetwork.com/news/story/277577/ulatfilipino/balitangpinoy/free
dom-of-information-foi-bill-namimiligrong-mamatay-pagsapit-ng-disyembre

http://www.goodreads.com/author/show/562411.Liwayway_A_Arceo&docid=A
BGlKlbQ9ckHIM&imgurl=http://photo.goodreads.com/authors/1285673744p5/
562411.jpg&w=200&h=255&ei=qcWYUIG4C-

http://www.google.com.ph/images

http://www.google.com.ph/imgres?q=amado+v.
+hernandez&num=10&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ea4EYMm
ffqTL9M:&imgrefurl=http://tl.wikipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandez&docid=
4iKXVzDQtavxDM&imgurl=http://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/4/4d
/Amado_V_Hernandez.jpg/200px-

549
http://www.google.com.ph/imgres?
q=epifanio+matute&num=10&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ZLK
mBTzQV0CoJM:&imgrefurl=http://www.panitikan.com.ph/authors/m/egmatute.
htm&docid=_HCanklXMTkfgM&imgurl

http://www.google.com.ph/imgres?
q=genoveva+edroza+matute&num=10&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&
tbnid=TGmUnIRphI7ZEM:&imgrefurl=http://banareskimberly.blogspot.com/20
12/07/ang-kuwento-ni-mabuti-ni-

http://www.google.com.ph/imgres?q=manuel+l.
+quezon&num=10&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=hZL8VgvZzh
W9CM:&imgrefurl=http://www.takdangaralin.com/history/philippine-presidents-
history/manuel-

http://www.google.com.ph/imgres?
q=narciso+reyes+lupang+tinubuan&num=10&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm
=isch&tbnid=CPphnem0zXRMpM:&imgrefurhttp://www.123people.ca/s/narcis
o%2Breyes&docid=

http://www.google.com.ph/imgres?
q=rene+villanueva&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ZtEk2Y6A4zE
uuM:&imgrefurl=http://eatingthesun.blogspot.com/2007/12/rene-o-villanueva-
1954

http://www.google.com.ph/imgres?
q=severino+reyes&hl=fil&biw=1366&bih=550&tbm=isch&tbnid=LKWSzchujeP
65M:&imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wiki/File:Severino_Reyes.jpg&docid=J
7AUpzUBsdm2zM&imgurl=

http://www.rymaec.org/node/412

http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related

http:/www.google.com.ph

images.cnhsteacheers.multiply.multiplycontent.com/.../Worksheet%2

Thefreedictionary.com

Wordnetweb.princeton.edu/perl/webwn

www.adobe.com/products/

www.audioenglish.net

www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigative documentaries

www.screenaustralia.gov.com

550
www.starcinema.com.ph
a.
LAKANDI
tumubo
_________
WA
_________ www.wikipedia.com
_________
_________
_________

551

You might also like