Ang Mahal Na Ina NG Manaoag Ay Isang Larawan NG Di

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Mahal na Ina ng Manaoag ay isang larawan ng di-mailarawang kagandahan

siya ay puspos ng pagmamahal, paggalang, pagdakila at pagkalinga; siya ang patron


ng mga may-sakit, ng mga nangangailangan ng kalinga, siya ang simbolo ng pag-asa.
Dahil sa mga katangian niya, hindi mabilang ang mga debotong bumibisita sa kanya
dito sa kanyang luklukan sa Simbahan ng Bayan ng Manaoag o mas kilala sa tawag na
Nuestra Senora De Manaoag. Dahil sa kanya, ang bayan ng Manaoag ay kilala bilang
Pilgrimage Town hindi lang dito sa Pangasinan, pati na rin sa buong bansa at maging
sa buong mundo. Para sa mga mamamayan nito, hindi pa man pormal na idineklara
ang Manaoag bilang isang lungsod, ay Pilgrimage City na ito ng Pilipinas para sa
kanila. Ngunit inaaayos na ng pamahalaan ng nasabing bayan ang mga papeles na
kinakailangan upang pormal na maideklarang lungsod ang lugar kung saan naroon ang
Mahal na Birhen.
Libo-libong deboto ang dumadayo dito. Halos araw-araw ay walang patid ang pagdayo
ng mga deboto na kinabibilangan ng ibat ibang klase ng mga tao mula sa ibat ibang
kulay ng buhay: mapa-sikat na artista man, politiko o sabihin na nating mga may-kaya
sa buhay o mga taong nasa baba ng poverty line, walang pinipili ang Mahal na Birhen.
Hindi nila pansin ang init ng panahon, pawis at pakikipagskiksikan makadaupang-palad
lamang ang Inang animoy tumatawag sa kanila ang Mahal na Ina ng Manaoag.
Kumakatawan sa ibat ibang klase ng buhay, ang mga deboto na galing pa sa ibat
ibang lugar ng Pilipinas ay nag-aalay ng misa para sa kanya, nag-aalay ng mga
bulaklak at nagtitirik ng kandila kalakip ang kanilang dasal o kahilingan at pasasalamat
sa mga pabor na kanilang natanggap na pinaniniwalaan nilang nanggaling sa kanya.
Ang pagdagsa ng mga deboto ay mas masasaksihan tuwing buwan ng Abril at Mayo,
sa panahong ito lang kadalasan nagkaka-traffic sa mga pampublikong lansangan ng
Manaoag.
Ang simbahan ng Manaoag ay isa rin sa paborito ng mga politikong puntahan lalo na
tuwing sasapit ang halalan. Karamihan ay tumutungo dito upang maghandog ng misa
para sa kanilang sari-sariling kahilingan at petisyon. At hindi lang politiko ang dumadayo
dito, mapa-artista man tumutungo rito lalo na iyong may mga pelikulang itatanghal.
Dumadaan sila dito upang isakatuparan ang kanilang pagsamba at pagpapahiwatig ng
kanilang pagmamahal sa Inang Maria. At mayroon ngang isang pelikula ang ginawa
bilang alay sa Birhen ng Manaoag sa Mahal na Araw. Ito ay ang Birhen ng Manaoag
sa direksiyon ni Ben Yalung. Sa pelikulang ito ay ipinapakita ang mga true accounts ng
maga himala at iba pang mga pangyayaring naganap upang pagtibayin ang paniniwala
ng mga deboto dito. Ang mga nagsipag-ganap sa nasabing pelikula ay kinabibilangan
nina Joyce Jimenez, Albert Martinez, Jean Garcia at marami pang ibang batikang mga
artista.
Sa loob ng simbahan ay makikita ang mga larawan (wall paintings) na nagpapahayag
ng kanyang mga milagro katulad ng isang kuwento ng isang batang maysakit na

namatay galing sa bayan ng Binmaley. Dinala ang nooy sinasabing naghihingalong


katawan ng bata sa paanan ng Inang Mahal at himalang nabuhay muli ito sa harap ng
kaniyang ina at ng Ina.
Sa isang pader naman sa isang dako ng simbahang yaon ay bubulaga ang isang
painting na naglalarawan ng isang lalaking natinik ng isda at nagkaroon ng impeksyon
sa lalamunan na gumaling dahil sa tubig na ginagamit na panghugas ng kamay ng
Mahal na Ina. Ito ay dahan-dahang ibinuhos sa bunganga na namamatay nang
pasyente. Gumaling umano ang nasabing maysakit pagkatapos painumin ng tubig mula
banal balon na ngayon ay tinatawag nilang Virgins Well.
Maliban sa mga nasabing himala, ang Inang Mahal ay masasabing taga-protekta at
taga-bigay ng mga saganang ani sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa kasaysayan,
ang Pangasinan at ibang kalapit na lalawigan, ay dinagsa umano ng mapaminsalang
salot noong 1698. Milyon-milyong insekto (locusts) ang pumupuksa sa mga palayan. Sa
pagkabahala ng buong bayan, ang imahe ng Mahal na Ina ay inilibot sa mga nasabing
palayan at nang ang kanyang imahe ay inilatag sa gitna ng kaparangan, ang mga salot
ay unti-unting napuksa at tuluyang nawala sa loob lamang sa limang araw na kung
iisipin, ay mahirap puksahin sa pamamagitan ng anumang paraan, manwal man o sa
tulong ng mga kemikal.
Dagdag dito, noong 1706 ay nagkaroon ng tagtuyot dito sa Lalawigan ng Pangasinan.
Dumanas ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga magsasaka ng matinding
gutom at kahirapan dahil hindi sila makapagsaka. Inabot ito ng maraming buwan
hanggang sa maging taon na ang binibilang. Naisip ng mga mamamayan na
maghandog ng nobena para sa Inang Maria. Mayat maya nga ay naghandog ng
nobena ang mga taga-Manaoag at nagprusisyon para sa Mahal na Ina. Ginawa nila ito
ng ilang araw at sa huling araw ng prusisyon, habang ang karosa niya ay ipinapasok na
sa kanyang luklukan ay namangha na lamang ang taong bayan dahil sa ang mga ulap
ay nag-ipon-ipon at nagdilim ang paligid at bumuhos ang malakas na ulan na tumagal
ng apat na araw.
Ayon sa kuwento na nagpasalin-salin na sa mga dila ng ibat ibang henerasyon, ang
bayan ng Manaoag ay nagsimula at nagmula sa tawag ng Mahal na Birhen. Ayon sa
kuwento, isang araw, isang magsasaka ang naglalakad sa isang burol pauwi sa
kanilang bahay. Habang binabaybay niya ang burol ay may kung anumang
misteryosong boses siyang narinig. Tumingin siya sa paligid upang hanapin ang
pinanggagalingan ng tinig at namangha siya sa nakita niya isang babaeng
pagkaganda-ganda na nababalot ng usok at ng nakakasilaw na liwanag. Isang babae
ang tumambad sa kanyang paningin. Siya ay nakadamit ng mahaba hanggang
talampakan at may belo ang ulo. Ang liwanang ay tila nanggagaling sa kanya. May
hawak siyang rosaryo sa kanang kamay at ang kaliwa naman niyang kamay ay may

hawak na sanggol. Nakatungtong siya sa isang puno. Marahil ay hindi makapaniwala sa


mga nakikita, ang lalaki ay lumuhod sa harap ng babaeng nababalot ng liwanag at
nagdasal. Pagkatapos noon ay ibinalita niya sa buong lugar ang kanyang nakita. Hindi
nagtagal (17th Century), isang simbahan ang itinayo sa mismong lugar na
pinangyarihan ng pangyayari. Ang simbahang iyon ay pinangunahan at pinamunuan ng
mga Dominikong mga Padre, na nooy mga deboto naman ng Our Lady of the Holy
Rosary. At ang lugar na iyon ay pinangalanan ng Manaoag mula sa salitang tawag.
Ngayon, kilala ang nagpakita sa burol na iyon bilang Our Lady of Manaoag: The Lady
Who Calls.
Ang makasaysayang aparisyong iyon ay kumalat sa buong bayan. Mabilis ang pagkalat
ng balita, animoy epidemyang kumalat sa mga karatig na bayan. Maging sa
malalayong lugar ay nakarating ang magandang balita. Konektado sa pagkalat na ito ay
sinasabing sa lalawigan ng Davao, karamihan, kung hindi man lahat, sa mga bahay ay
may imahe o larawan ng Our Lady of Manaoag na maingat na nakalagay sa altar ng
bawat tahanan ng bawat pamilyang tahimik na nakatira doon. Ito ay pinatutunayan sa
talatang ito sa isang libro sa municipal library ng bayan na tahanan ng Our Lady of
Manaoag:My sonmy son, came the call from a deserted hill late one afternoon of
1605, a young farmer heard the call and beheld the beasutful lady carrying a child, a
rosary and a scepter in her hands.

My son, the Lady said, I want a church built here in my honor. My children shall
receive many favors in this place. Since then, the place has never been deserted.
Throngs of Pilgrims from all sorts of life coming from as far as north as the Ilocos
Region to the far south of Davao come each day to the blessed spot in the town named
after the call Manaoag. Many answered the call, the church was built and many
received favors.
Maraming beses na ipinakita ng Mahal na Ina ang kanyang pagmamahal at proteksyon
sa mga mamamayan ng Manaoag. Sinasabi rin na noon, ang mga miyembro ng isang
tribo na namumuhay sa bundok ay galit na galit sa mga Kristiyano kung kayat
sinusunog nila ang mga tirahan ng mga ito. Hindi nakaligtas ang Manaoag at nangyari
nga rin ang ganitong kalapastanganan dito. Hindi nakaligtas ang Manaoag sa kanilang
kabuktutan. Sa kawalan ng awa ng mga tribong ito, isang araw ang mga bahay ay
sinunog nila. Walang ibang mapuntahan ang mga tao kundi ang simbahan kung kaya
sila ay lumikas mula sa kanilang mga bahay at mabilis na pumunta sa simbahan. Ang
simbahan ay gawa lamang noon sa pawid kung kaya madali itong sumilab. Sa tindi ng
galit at suklam sa mga mamamayan, ang lider ng tribo ay umakyat sa bakod at
nagpalipad ng apoy sa pamamagitan ng sibat patungo sa simbahan sa layuning
sunugin at tuluyang tupukin ito kasama ang mga pamilyang nagsilikas dahil sa

pagkatakot at pagkataranta. Sa kabilang dako, dahil sa imahe ng Inang Maria at ng


kanyang tulong, ang simbahan ay hindi tuluyang nasunog.
Ang pangyayaring ito ay naulit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kung saan
paulit-ulit na binomba (hindi malaman kung ito ay sadya o aksidente lamang na
nahuhulog mula sa mga sasakyang papawirin) ang simbahan ng mga kaaway. Ngunit
dahil nga sa pagmamahal ng Mahal na Birhen, ni isang bombang itinapon ay walang
sumabog. Ang mga bomba ay hindi kapani-paniwalang gumugulong paibaba sa burol,
palayo sa kung saan nakatirik ang simbahan ng Manaoag. Ngayon, sa pagpunta sa
simbahan at sa pagbagtas sa burol na ngayoy sementado na, mapapansin sa harap ng
kampana na mayroon isang hugis-granadang malayang nakatirik doon. Paalala ito sa
mga taongbayan na minsan sa kasaysayan ng kanilang bayan, ay may nagtangkang
bombahin ang kanilang simbahan ngunit sa kasamaang palad ay, ang maitim na balak
ay hindi nakuhang magtagumpay.
Ayon pa sa mga matatanda, may isang hindi makakalimutag pangyayari noong 1697
ang naganap. Isang Linggo ng Pagkabuhay noon. Isang malaking sunog ang gumimbal
sa buong kabayanan na umabot hanggang sa simbahan. Ang padreng nakatalaga sa
simbahan ay dali-daling kinuha ang imahe ng Mahal na Birhen sa dambana at umusal
siya ng panalangin sa Mahal na Ina. Marahil ay naisip ng kawawang padre na kung
hahayaan niyang lamunin ng apoy ang simbahan ay dalawa silang masusunog.
Matapang na inilabas ng padre ang imahe sa kabila ng init at pag-aalab ng apoy. Sa
labas ng simbahay sinalubong siya ng mga taong nagsisi-iyakan at nagdarasal dahil
nawalan sila ng tirahan. Lalo silang nagdasal ng naaninag nila ang imahe, ngayoy mas
taimtim at mas galing sa puso nang kung anumang himala ay biglang namatay ang
sunog. Hindi lang ito ang nangyari, dahil nang tumila ang sunog ay kinakailangan pang
apat na lalaki ang magbuhat sa Mahal na Ina upang ibalik siya sa kanyang luklukan.
Ayon sa nabasa koy kapansin-pansin daw na bumigat ang naturang imahe sapagkat
bago maganap ang pagbabalik, ang pari lang ang naglabas nito mula sa simbahan.
Maraming beses na ring pinagplanuhang ilipat ang lugar ng simbahan ngunit walang
natuloy. Ang Ina ay palaging nagpapahiwatig na ayaw niyang ilipat ang kanyang
dambana. Isang kuwento ng matatanda ang nagpapatunay sa sabi-sabing ito. Taong
1699, ayon sa kuwento, ang vicar ng simbahan ay nais ilipat ang luklukan ng Mahal na
Ina. Bilang pasimula, ang orihinal na misyon ng Sta. Monica ay nagtalaga ng mga
karpintero upang siyang gumawa ng nasabing simbahan sa Baloquin. Sa madaling
salita nasimulan na ang proyekto. Sa pag-usad ng panahon ang proyekto ay natapos.
Isang araw, inutusan ng vicar ang kanyang mga tauhan upang bisitahin ang nasabing
simbahan para sa paglilipat. Namangha at nagulantang na lang ang mga tauhan nang
sumapit sa naturang lugar dahil wala silang nakita kundi ang apat na pundasyong
nakatayo. Mabilis na kumalat ang balita at nagdagsaan ang mga pariseyo sa nasabing

lugar. At iisa ang kanilang naging tugon ayaw ng Mahal Na Ina na lumipat pa ng
tirahan.
Dahil dito naniwala ang vicar na ayaw nga ng Mahal na Ina ang lumipat pa ng tirahan at
siya ay lumuhod at humingi ng tawad at nangakong hindi na niya tatangkaing ilipat pa
ang kanyang dambana. Sa kabuuan, dahil naman sa nabanggit na mga pangyayari,
ang simbahan ng Manaoag ay nagdaraos ng mga selebrasyon taon-taon upang
parangalan ang Mahal na Ina ng Manaoag.
Ang unang parangal any ginanap noong 1926. Ito ay nang koronahan ang imahe ng
Our Lady of Manaoag sa ilalim ng pamumuno ni Fr. Mariano Rodriguez, O.P. Ang
nasabing koronasyon ay may basbas ng kapangyarihan ng Papa sa Roma. Ang buong
komunidad ng Dominikano ay nagdaos ng bongga at enggrandeng paghahanda para
dito.
Sa ikatlong Miyerkules pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay ng taong iyon na siyang
pinaniniwalaang araw ng pagpapakita ng Mahal na Ina ay ipinagdiwang ang Pista ng
Our Lady of Manaoag. Ang delegasyon ng Papa galing sa Roma at mga matataas na
opisyal ng simbahang Katoliko ang nag-opisyo na naturang misa at koronasyon ng
Mahal na Ina. Ang mga panauhin ay kinabibilangan ng mga Obispo, arsobispo at iba
pang tauhan ng simbahang Katoliko kabilang na ang delegasyon mula sa bansang
Vietnam, China at pati na rin mula sa Pilipinas. Hindi mabilang ang mga debotong
galing sa ibat ibang lugar ang dumagsa sa nasabing okasyon.
Samantala, isang nobena naman ng taong ding iyon, 1926, ang hindi malilimutan ng
mga taong sumaksi sa nasabing pagtitipon. Ang nasabing nobena ay inihandog ng
mamamayang Intsik ng Pangasinan, at ng mga Lalawigan ng Ilocos Norte at Sur, Tarlac
at Nueva Ecija. Malaking delegasyon ang dumalo sa nasabing natatangi at dimalilimutang nobena.
Samantala, ang ikalawang malaking selebrasyon naman ay idinaos ng bayan sa
pamamagitan ng kapiyestahan noong 1976. Ito ay ang ika-50 anibersaryo ng
koronasyon ng Mahal na Ina ng Manaoag. Bilang paghahanda sa naturang anibersaryo,
ang imahe ng Mahal na Ina ay inilibot sa lahat ng bayan ng Pangasinan maging sa
ibaibang lalawigan na kinabibilangan ng Tarlac, Ilocos, Nueva Ecija hanggang Baguio
at Mountain Province. Habang ang imahe ay inililibot sa nasabing mga lalawigan, ang
mukha ng Mahal na Ina ay tila nagsasabing Mga anak, kayo ay walang sawang
dumadalaw sa akin sa Dambana ng Manaoag. Ngayon, ako naman ang bibisita sa
inyong bayan.
Noong Mayo 5, 1976, idinaos ang isang misa upang parangalan at buhayin muli ang
koronasyon ng Mahal na Ina sa pamumuno ni Apostolic Nuncio Archbishop Bruno
Torpigliani, DD. Ang ika-75 anibersaro o Diamond Jubilee ng koronasyon ng Mahal na

Ina ay ginanap nong 2001 at ang kanyang ika 100-anibersaryo o Centennial


Celebration ay gaganapin sa taong 2026.
Nakita at nalaman natin sa tulong ng mga detalyeng nakalap ang paglalarawan ng mga
himala ng Mahal na Ina na siyang patunay na siya nga ang nagpoprotekta sa mga
mamamayan ng Manaoag at karatig-lalawigan at ibat ibang selebrasyon na idinaraos
para sa kanya. Ngunit hindi diyan nagtatapos ang mga himala at ang mga pagtugon ng
mga taga-Manaoag sa Inang Birhen. Maraming himala pa ang hindi naisusulat dito
mula noon hanggang ngayon. Marami ring mga pista ang idinaos at marami pang
idadaos.
Sa bagong panahon, bilang isang estudyante na namulat dito sa bayan ng Manaoag,
ang mga ginaganap na selebrasyon bilang tugon sa Mahal na Ina ay susubukan kong
alalahanin ano nga ba ang mga ginaganap na pagdiriwang upang parangalan ang
Mahal na Ina? Anu-ano nga ba ang mga naging pagtugon nila sa Mahal na Ina kahit
ngayong moderno na ang teknolohiya? Simula natin mula sa mga simpleng pag-aalay
ng misa.
Sa ordinaryong misang ginaganap mula Lunes hanggang Linggo kinakanta ng choir
ng simbahan ang Immaculate Mother bilang pagtatapos ng misa. Ito ay ginagawa
upang ipaabot ang pasasalamat sa kanya.
Sa buwan ng Setyembre (ika-8 ng Setyembre) idinaraos ang kaarawan ng Mahal na
Ina. Isang misa ang ginaganap na dinadaluhan ng estudyante at pariseo. Sila ay nagaalay ng mga bulaklak at nagdarasal ng pasasalamat at muling humihingi ng pabor.
Popular dito ang pagpapalipad ng rosaryong ginawa mula sa mga lobo. Ang maraming
lobong ito ang nagsisilbi bilang mga beads ng rosaryong ipaparating hanggang sa langit
kasama ng kanilang mga dasal.
Sa pagdaraos naman ng Pista ng Santo Rosario sa buwan ng Oktubre, ang mga
pariseo ay naghahandog ng nobena para sa Mahal na Ina. Ito ay natatapos sa ikasiyam
na araw. Pagkatapos ng nobena ay may misa at bawat misa ay mayroong tagatangkilik.
Sa ikasampung araw, magdaraos ng misa para sa Mahal na Ina sa ganap na ikaapat ng
hapon at pagkatapos ng misa ang imahe ng Mahal na Ina ay ililibot sa buong bayan.
Dito ay magtutulong-tulong ang kasapi o kasama sa ibat ibang organisasyon na
binunuo ng simbahang katoliko, sampu ng mga estudyante mula sa paaralang katoliko
at mga guro at empleyado kasama ng mga bisita at iba pang mahahalagang panauhin.
Isa ding tradisyon dito ang Black Rosary kung saan ang imahe ng Birhen ng Manaoag
ay tinatanggap ng isang pamilya sa loob ng kanilang tahanan upang itoy dasalan ng
rosaryo o nobena. Ang imahe ay tatagal lang sa isang tahanan ng tatlong araw. At
pagkatapos ng tatlong araw ay ililipat sa ibang bahay, upang siya rin naman ang magalay ng dasal at bulaklak para dito. Tumatagal ito hanggang sa lahat ng gustong

tumanggap sa Ina ay nakuhang patuluyin sa kanilang altar ang mahal na Ina. Ito ay
bilang paggunita sa pangyayari kung saan tinangkang ilipat ang luklukan niya. Kayat
ang Black Rosary ay nagsisimula sa barrio ng Baloking (dati ay Baloquin).
Samantala, bilang paggunita naman ng Pista ng Banal na Rosaryo, nang nakalipas na
taon (2004), ang Our Lady of Manaoag College ay nagtanghal ng natatanging theatrical
play para sa Mahal na Ina. Ito ay pinamagatang Ina ng Manaoag: Kasaysayan
Kuwento at Buhay. Sa pangunguna ni Fr. Gaspar Sigaya, O.P. na siya ring naging
director ng tanghalan, lumikha ng isang maituturing na obra maestro sa buhay ng Inang
Birhen. Kasama si Fr. Patricio A. Apa, O.P. bilang executive producer,pumili sila ng mga
estudyanteng may angking kakayahan sa pag-arte mula sa mga ibat ibang paaralan
dito sa Manaoag, kabilang dito ang: Our Lady of Manaog College, St. Camillus Institute,
Golden Seeds Montessori School, Family Child Development Center, Divine Word
Montessori, Cabanbanan National High School, at Manaoag National High School.
Hinubog ang kakayahan ng mga naturang estudyante ng ilang linggo. Mula sa kanyang
malikhaing imahinasyon, bumuo siya ng isang konsepto at ang nasabing pagtatanghal
ay napanood ng mga taga-Manaoag at ibang mga bisita noong ika-1 hanggang ika-3
Oktubre. Dito ay isinalarawan ng mga tauhan ang mga pangyayari mula sa buhay ng
Mahal na Birhen at hanggang sa kung paano siya ang napiling ina ng ating Mahal na
Poong Hesus. Dito rin ay isinabuhay ang mga himalang naganap sa bayan ng
Manaoag, tulad ng mga nabanggit sa mga naunang pahina.
At bilang sa pasasalamat sa Mahal na Ina, ang simbahan ng Manaoag ay naghahandog
ng libreng pagkain sa buong bayan ng Manaoag, Pagkatapos ng misa sa araw ng lingo,
ang mga mamamayan ay iniimbitahang magtungo sa Pilgrims Center para sa isang
salo-salo. Masasarap na pagkain ang naghihintay doon para sa mga taong tutungo
doon. Dito mo makikitang ang simbahan ay walang kinikilingan dahil sa ipinakitang
inspirasyon ni Inang Mahal.
Sa buwan naman ng Disyembre, ang simbahan ng Manaoag, sa pakikipagtulungan ng
opisyales ng bayan at Galicayo Foundations, ay naghahandog ng isang dipangkaraniwang pagdiriwang. Ito ay ang GalicayoFestival na kung saan, ang salitang
Galicayo ay nangangahulugang Hali kayo! sa Tagalog na nakuha mula sa pagtawag
ng Ina sa isang magsasaka. Ang Galicayo ay isang pagtatanghal na naka-sentro sa
mga pang-araw-araw na buhay ng mga taga-Manaoag. Ito ay isang kakaibang
pagdiriwang ng paniniwala, kulura at sining. Ang Ina, bilang pinaka-sentrong tema, ay
malaki ang bahaging ginagampanan; kung kayat binibigyang buhay nila ang kuwento
ng mga pangyayari dito sa Manaoag. Unang ginanap ang Galicayo taong 1999. Ang
festival na ito, na tumatagal ng ilang lingo, ay nagsisimula sa paunang misa sa araw ng
lingo. Dahil sa mainit na pagsuporta ng mga deboto at mamayan ng Manaoag, ang
Galicayo Festival ay nakilala na sa buong lalawigan pati na rin sa buong bansa sa

pagkakaroon ng ibat ibang aktibidades na nagpapakita ng kultura at tradisyon ng


lalawigan ng Pangasinan.
At ang Galicayo Festival ay nagsisilbi ding paghahanda ng mga taga-Manaoag sa
pagsalubong sa Araw ng Pasko dahil dito sinisimulang ilawan ang panglalawigang
Christmas tree ng Pangasinan na nakaupo sa baba ng maliit na burol kung saan naroon
ang simbahan. Kaugnay nito, dito din inilalabas ang mga ibat ibang makukulay na mga
Chrismas Lanterns ng ibat ibang barangay. Ang iba pang mga tinatawag nilang
highlights dito ay ang sumusunod: street-dancing competitions, praise fests ng ibat
ibang mga religious groups, piyesta ng mga pagkaing lutong Pangasinan, street rave
parties kung saan ang mga bisita ay mga artista at mga bandang sikat, pagtatanghal ng
ibat ibang sikat at lokal na banda, choral singing competitions, fireworks display, and
the Handog Sayaw kay Inay Maria.
Ang mga estudyante ng Our Lady of Manaoag College, Manaoag National High School
at iba pang paaralan mula sa mga karatig-bayan tulad ng Mapandan, Tayug, Urdaneta,
Dagupan at Mangaldan ay kalahok sa streetdancing. Hindi alintana ang init ng sikat ng
araw ang lahat ng delegasyon ng bawat paaralan kabilang ang mga guro, empleyado
ng gobyerno at pribadong opisina, kagawad ng barangay at iba pa at nagpakitang gilas
sa pagsasayaw sa daan. Maliban sa paaralan ng naturang bayan, may pagtatanghal
din ang ibang kolehiyo na naimbitahang magtanghal.
Sa kauna-unahang pagdaos ng nasabing festival, naging tagumpay ito. Ito ay masugid
na sinuportahan ng mga opisyal ng lalawigan ng Pangasinan upang mapalawig ang
turismo sa bayan at maging sa buong lalawigan.
Ang Galicayo Festival ay isang linggong selebrasyon. Bilang panimula, ang simbahan
ay nagdaraos ng misa sa ganap na ikapito ng umaga. Sa liwasang bayan, mayroon
makikitang mga maliliit na kubo-kubong gawa sa kawayan at may sari-sari itong
paninda may pagkain tulad ng putot kutsinta, tupig, bukayo, bibingka, peanut brittle,
mga prutas, tinapay, laruan at kung anu-ano pa. Ang mga kubong ito ay bukas sa
magdamag at ang iba naman ay naghahandog ng libreng pagkain.
Sa huling araw ng Galicayo na itinataon sa araw ng Linggo, mapapanood ang pinakaaabangang streetdancing competition na dinadaluhan ng ibat ibang kolehiyo sa
Pangasinan. Magtitipun-tipon sila sa bayan ng Manaoag at pagkatapos ng misa
bandang ala-una ng hapon ay sinisimulan na ang streetdancing. Sa nasabing timpalak,
ang inyong lingkod ay kabilang sa mga mananayaw ng Manaoag National High School
mula 2000 hanggang 2004. Ako ay isang freshman pa lamang noon. Ang grupo naming
na pinangalanan naming Techno-Ethnic Dance Troupe ang nagkamit ng unang
gantimpala ng tatlong sunod-sunod na taon. Ang grupo namin ang tinanghal ang
kampeon sa Galicayo sa sunod-sunod na apat na taon.

Ang Galicayo Festival ay ipanapakilala na din sa buong bansa. Sa katunayan, ang


aming grupo ay ilang beses ding naimbitahang magtanghal sa WOW Philippines sa
Intramuros kung saan ang ibat ibang piyesta mula sa ibat ibang rehiyon ay nagsasama
upang maipakilala sa mga turista, lokal man o banyaga. Ito ay kabilang sa mga
proyekto ng Department of Tourism na mapalakas ang turismo sa bansa at makilala ang
Pilipinas bilang isang magandang tourist destination.
Ginaganap din ang ibat ibang klaseng patimpalak. Isa na nga dito ay ang sa timpalak
sa pag-awit at pagsayaw. Kalimitan ay may iniimbita silang mga artista at sikat na tao
sa industriya ng entertainment at politika. Hindi nagtatapos dito ang puspos na
pasasalamat ng taga-Manaoag sa mga biyayang natatanggap nila sa Mahal na Ina.
Isang tradisyon din ng bayan ang ginagawa sa tuwing sasapit ang kapistahan. Ang mga
matatanda ay nagsasalit-salitan sa pagkanta ng Pasyon. Ang Pasyon ay naglalahad ng
buhay ng ating mahal na Hesus. Nagtatanghal ang simbahan ng pag-arte sa altar at
ang sentrong tema ay umiikot sa mga huling araw ng ating Panginoon bago siya dakpin
ng mga alagad ni Poncio Pilato. Ito ay bahagi ng misa sa pagdaraos ng mahal na araw.
Malaki ang partisipasyong inilalaan ng mga mamamayan ng Manaoag sa araw na
nabanggit. Dito ay masasaksihan din ang ibat ibang paraan ng paglalarawan ng buhay
ng ating Panginoong Hesus kasama ng kanyang ina at ina nating lahat.
Pagdating ng Linggo ng Pagkabuhay ay mayroon tinatawag na abet-abet dito sa
Manaoag. Ang ibig sabihin nito sa Tagalog ay salubungan. Dito ay nagkakaroon ng
prusisyon kung saan ang mga imahe ng Inang Maria, Hesus, at iba pang mga imahe ng
mga santo at santa ay inililibot sa buong bayan. Pagkatapos ng mahabang paglalakad,
sa katapusan ng prusisyon ay pagsasalubungin ang mga imahe nina Mama Mary at
Panginong Hesus bilang mag-ina.
Sa ikatlong Miyerkules pagkatapos, gunitain ang Mahal na Araw ay idinaraos ang Pista
ng Manaoag. Hindi mawawala ang malaking bahagi ng programa tungkol sa Mahal na
Ina. Dito ay sinisimulan na naman ang pagdaraos ng nobena araw-araw na sinusundan
ng misa sa hapon. Ito ay ginagawa sa siyam na araw. Sa ikasampo ay ililibot na naman
ang Mahal na Ina sa bayan.
May mga pagkakataon na ang ibang bayan ay iniimbitahan ang Mahal na Ina na
dumalaw sa kanilang bayan tulad ng Nueva Ecija. May pagkakataon na ang mga
tauhan sa simbahan ay humingi ng pahintulot sa simbahan ng Manaoag upang
madalaw ng Mahal na Ina ang lalawigan ng Nueva Ecija. Dito ay pinauunlakan naman
sila.
May ilang taon na ring ang nakaraan ang imahe ang Mahal na Ina ay inilibot din sa
ibang bansa katulad ng Hawaii, California sa Estados Unidos. Kaya masasabing ang
Mahal na Ina ay naririnig na rin, kung hindi man popular, sa ibang bansa.

Ngunit masasabi kong ang pinakamahalagang tugon ng mga taga-Manaoag sa tawag


ni Inang Maria ay ang pagpapatayo ng isang kolehiyo na alay sa kanyang walang
sawang pagbibigay-biyaya sa mga nasasakupan niya. Taong 1987, noon ay binalak na
ni Fr. Orlando Aceron, O.P., Director/Principal ng Holy Rosary Academy na gawing
kolehiyo ang nasabing paaralan. Ang mga pag-aaral ay isinagawa sa pamamagitan ng
mga kaibigan niya na may kinalaman sa pagtatayo ng kolehiyo. Nagasagawa sila ng
masusing pag-aaral tungkol dito. Pero hindi ito natuloy sa hindi malamang dahilan. Ang
planong ito ay naging isang pangitain na lamang.
Sa mabilis na pag-usad ng panahon kasabay ng paglawig ng makabagong teknolohiya,
nararamdaman ang pagdami ng out-of-school youth sa Pilipinas at lalong nadarama ito
sa bawat bayang may kawalan ng sapat na pondo upang suportahan ang edukasyon.
Ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga namumuno sa Simbahang Katoliko dito sa
Manaoag upang buksan uli ang paksa tungkol sa pagpapatayo ng kolehiyo dito sa
Manaoag. Ang mga kabataang nais na ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa kolehiyo
dito ay karaniwang dumadayo pa sa Dagupan, San Carlos City, Urdaneta at malimit ay
sa Manila, para makapag-aral lang sa kolehiyo.
Sa layuning maisulong ang kabuhayan ng mga mahihirap, kumilos nga ang mga
namumuno sa simbahan upang dumaan sa proseso ang mga papel na kailangan para
sa pagbubukas ng kolehiyo. Naging maganda naman ang resulta ng pag-aaral na
itinalaga para sa feasibility study at ibang pag-aaral. Kaya agad-agad sinimulan ang
pagpapagawa ng istraktura ng kolehiyo.
Sa dating kinalalagyan ng Holy Rosary Academy, ipinatayo ang gusali ng nasabing
kolehiyo. Kaya ang dating Holy Rosary Academy, ay naging Our Lady of Manaoag
College na ngayon. At ititinuturing kong pinakamahalaga ito sa mga naging tugon ng
mga taga-Manaoag sa tawag ni Inang Birhen. Ang kolehiyo ay ang pagtugon ng
simbahan sa lumalaking bilang ng mga out-of-school youth. Karamihan sa mga nagaaral dito ay pinag-aaral ng simbahang katoliko sa pamamagitan ng scholarship grants.
Isa pang mahalagang tugon ng mga taga-Manaoag at ng ibang bayan ng Pangasinan
ay ang paghahandog ng Misa Pasasalamat o Misa Gracias sa Manaoag tuwing sasapit
ang buwan ng Mayo. Bawat bayan ng Pangasinan ay binibigyan ng pagkakataong
makapagmisa kasama na kanilang kura paroko sa simbahan ng Manaoag. Kaya
mapapansin natin na ang buwan ng Abril at Mayo ang siyang pinakamaraming
debotong dumadayo sa simbahan ng Manaoag.
References:
Karamihan sa mga pinagkuhanan ng mga impormasyon tungkol sa mga mahahalagang
kasaysayan na nakasaad sa papel na ito ay nagmula sa mga Invitation Booklets na
ibinibigay sa mga tao kung merong mahalagang okasyong magaganap bilang pagpuri

sa Ina. Kabilang dito ang mga invitation booklets na ipinamigay ukol sa Piyesta taong
1992, 1996, 1998 at 2001.

You might also like