Sanaysay
Sanaysay
Sanaysay
maiksing komposisyon na
kailimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng
may-akda.
Sinasabing ang sanaysay ay isang tangka sa paglalarawan at
pagbibigay kahulugan sa buhay at iba't ibang sangay nito.
Naiiba sa makata ang manunulat ng sanaysay sa dahilang
hindi siya nakatali sa mga pamantayan ng porma, sukat,
tugma o talinghaga. Malaya siyang lumilikha ng kahit anong
paksang nais niyang ipahayag na bunga ng kanyang
pagmamasid, pag-iisip at pagkakasangkot sa halos lahat ng
mga bagay sa kanyang kapaligiran. May layunin itong
maglahad ng pansariling damdamin at kurokuro ng kumatha
sa makatwirang paghahanay ng kaisipan. Nagpapaliwanag din
ito ng mga pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa
isang paksa. At kung minsan, may layunin itong
makapagpaabot ng pagbabago, makalibang at makahikayat ng
mambabasa (mula sa Timbulan II nina C. Javier, N. Dillague,
S. Marquez Jr. at L. dela Cruz Jr.)
Ang sanaysay ay isang akdang
pampanitikan na naglalahad ng
matatalinong pagkukuro. Ito'y
makatwirang paghahanay ng mga
kaisipan at ng damdamin ng
sumusulat ayon sa kanyang
karanasan, kaalaman at haka-haka.
(mula sa Gintong Pamana - Wika at
Panitikan nina L. Nakpil at L.
Dominguez)
Ang sanaysay ay isang akdang
pampanitikan na nasa anyong tuluyan.
Ito ay ang paglalahad ng matalinong
opinyon ng sumulat/may-akda, base sa
kanyang...
a. Damdamin
b. Karanasan
c. Kaalaman
d. Haka-haka/Opinyon
...Anumang bagay ay maaaring
paksain sa pagsulat ng sanaysay.
Ayon sa Diksyunaryo:
~> Ang sanaysay ay may natatanging paksa na hight na
maikli at pormal kaysa sa alinmang akda; pagtataglay ng
paniniwala, pananaw at kaisipan ng sumulat.
3) Ayon kay Dr. Samuel Johnson:
~> Ang sanaysay ay isang malayang igpaw ng pag-iisip.
4) Ayon kay Alejandro Abadilla
~> Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o
nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
5) Ayon kay Genovera E. Matute
~> Ang sanaysay ay ang pagtalakay sa isang paksa sa
paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng
kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat
upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo.
Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay
nakasulat na karansan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Ang sanaysay ay nagmula sa
dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay
panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro,
damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng
manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at
napapanahong paksa o isyu.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng
sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa
inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang
manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat
dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng
salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y
maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng
pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung
turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na
pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan
kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-
akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang
halong pagbibiro.
Ang pormal na sanaysay ay
tumutalakay ng seryosong paksa na
kinakailangan ng masusing
pagsasaliksik at pagaaral. Ito ay
nagbibigay ng kaalaman at kaisipan sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal
na pagaayos upang lubos na
maunawaan ang paksang pinili.
Ginagamitan ito ng mga piling salita ng
manunulat. Ito rin ay tinatawag na
impersonal.
Pormal sanaysay na
tumatalakay sa mga seryosong
paksa at nangangailangan ng
masususing pag-aaral at malalim
na pagkaunawa sa paksa; inaakay
ng manunulat ang mambabasa sa
malalim na pag-iisip upang
makabuo ng sariling pagpapasya
at kumilos pagkatapos
Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-
aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay
sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at
personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga
karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng
personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o
kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita
ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang
ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at
mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at
madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya
pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang
panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa
damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Di-Pormal sanaysay na
tumatalakay ng mga paksang
magaan, karaniwan, pang-araw-
araw at personal; binibigyang-diin
ng manunulat ang mga bagay-
bagay, mga karanasan o isyung
maaaring magpakilala ng
personalidad ng manunulat o
pakikisangkot niya sa mga
mambabasa
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman
anuman ang nilalaman ng isang
sanaysay ay itinuturing na paksa
dahil sa layunin sa pagkasulat
nito at kaisipang ibinahagi
Anyo at Istruktura ang anyo at istruktura
ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap
sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng
mga mambabasa; ang maayos at lohikal na
pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa
pagkaunawa sa sanaysay
3. Wika at Istilo ang uri at
antas ng wika at istilo ng
pagkakagamit nito ay
nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa;
higit na mabuting gumamit ng
simple, natural at matapat na
mga pahayag
Bahagi ng Sanaysay
Panimula ang pinakamahalagang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga
mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
Katawan sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at
nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang
bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng
mambabasa
Wakas nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng
sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng
mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng
sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting
Mananaysay
May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa
Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng
paglalahad ng ideya
Malinaw at hindi madamot o matipid sa
pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa
paksa
May kakayahang pumukaw o manghikayat ng
mambabasa
Nagmula kay A.G. Abadilla ang pagbuo ng
salitang sanaysay noong 1938 na ang ibig
sabihin ay salaysay ng isang sanay. Sa
ngayon, kinikilala ang sanaysay na tuluyang
kathain ng kaalaman, kuru-kuro o
damdamin sa isang maluwag, maguni-guni,
pansarili, at di ganap na pamamaraan.
Karaniwan, itoy nakalilibang at nakaaliw at
kung itoy nagtuturo ng kaalaman, inilalahad
ito sa paraang nabibihisan nang maayos at
masining na pagpapahayag.
Angsanaysay ay isang maiksing komposisyon nakalimitang naglalaman ng personal na kuru-kurong may-akda.Dalawang Uri ngSanaysayPormal o MaanyoAng sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'ymaimpormasyon. katulad ng Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sapamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinawng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kayamakahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlongpanauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nitoay seryoso, paintelektuwal, at walang halong tangang pagbibiro.Impormal o Di-pormalAng sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitanng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaringmagpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiinnito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ngpersonalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya.Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan angmay-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madalingmaintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ayunang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akdaang pananaw.
Halimbawa
ANG PAGHALIK NG KAMAYAng paghalik ng kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas nahanggang ngayon ay ginagawa parin ng ilang mga Pilipino. Humahalik sila ng kamay pagkataposng pagdarasal gayon din bago matulog sa gabi para mabigyan naman ng bendisyon. Bukoddiyan ay mayroon pang ibang pagkakataon na ang mga bata ay humahalik ng kamay sa mgamatatanda tulad ng pag-alis o pagdating buhat sa malayong pook, matapos makapagsimba, omakapaglakad at makapamasyal sa gabi.May malaking kahulugan napapaloob sa ugaling ito. Sa pamamagitan daw ng paghalik sa kamay
Halimbawa:
1. Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos ni
Dr. Jose Rizal
2. Buhay Karaban ni Fanny Garcia
3. Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto
4. Saan Patungo ang Langay-langayan ni
Bienvenido S. Medina Jr.
Bilang isang sulatin, ang sanaysay ay makikilala sa
taglay nitong anyo:
1. Ito ay tuluyan (prose)
2. Ang paksa ay maaaring sumaklaw mula sa
magaan, nakatutuwa, simple o payak, hanggang
sa malalim na pag-iisip
3. Ito ay maaaring may ibat ibang kalikasan:
pangkasaysayan, patalambuhay, personal,
pasalaysay, maimahinasyon o pilosopikal at
mapanuri.
4. Sa anumang sanaysay, ang personalidad ng
manunulat ay mapagkuro.
5. Isinasaayos ang mga kaalamang nakatatawag
ng interes at nakaantig sa emosyon o damdamin
Ang sanaysay ay nahahati sa tatlong bahagi: Simula,
Gitna at Katawan. Ang mga bahagi na ito at ang mga
paraan ng pagsusulat nito ay nakalista sa ibaba:
1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa
isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng attention ng
bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng
sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang...
a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga
maliliit na detalye (inverted pyramid)
b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong
ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at
para isipin niya.
c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa
paksa.
d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga
literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang
sanaysay.
e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang
pangungusap na makakakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
f) Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na
makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong
sanaysay.
g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong
sanaysay.
2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat
ng iyong mga ideya at pahayag. Pwede itong
isulat sa paraang...
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa
panahon ng pangyayari.
b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo
o "side" ng paksa.
c) Paghahambing - Pagkukumpara ng
dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa.
d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa
paraang simple hanggang kumplikado at vice
versa.
3) Wakas (Konklusyon) - Dito
nakalagay ang iyong pangwakas na salita
o ang buod sa sanaysay. Pwede itong
isulat sa paraang...
a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng
sanaysay.
b) Panlahat ng pahayag -
Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
c) Pagtatanong - Winawakas ang
sanaysay sa pamamagitan ng isang
(retorikal na) tanong.
d) Pagbubuod - Ang "summary" ng
iyong sanaysay.
Pokus sa Wika
Iwasan ang paggamit ng sunod-sunod
na mahahabang pangungusap.
Gawing tiyak ang gamit ng wika. Huwag
maging maligoy.
Gumamit ng idyoma at tayutay kung
kinakailangan.
1. Nilalaman
Mga paliwanag hinggil sa mga
katanungan.
Mga negatibo o positibong katangiang
taglay ng isyu.
Katayuan o punto ng nagsasalaysay.
Mga katibayan o suporta sa katayuan.
Konklusyon
Mga napatunayang bagay hinggil sa isyu.
Pagpapatibay ng punto o katayuan.
Maaring mag-iwan ng kakintalan o
paghihikayat sa mga mambabasa.