FILIPINO 9-4th Q SY 23-24

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIIPINO 9

Pangalan:_______________________________ Iskor:________ Lagda ng Magulang:____________


Baitang/Pangkat:______________________ Petsa:________

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kondisyong panlipunan bago naisulat ni Rizal ang
Noli Me Tangere?
a.Naging maganda ang pamumuhay ng mga Pilipino
b.Umasesnso ang kalakalan sa iba’t-ibang pook sa Pilipinas
c.Nakaranas ng pang-aapi at kawalan ng katarungan ang marami
d.Nagtulungan ang lahat sa pagpapaunlad ng mga bayan-bayan

2. Ang Noli Me Tangere ay isinulat para ialay sa ____________


a. GOMBURZA b. Inang Bayan c. Maria Clara d. Leonor
Rivera

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay kay Rizal ng inspirasyon upang maipalimbag ang
kanyang unang nobela na "Noli Me tangere”.
a. Bibliya b. The Wandering Jew c. Florante at Laura d. Uncle Tom’s
Cabin

4. “Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero”. Ang terminong "pilibustero" ay tumutukoy sa


____________.
a. Paglaban sa kapwa c. paglaban sa pamahalaan
b. Paglaban sa mga kristiyano d. paglaban sa ibang bansa

5. Ang mga panauhin sa pagtitipon ni kapitan Tiyago ay nagpakita ng magandang pag-uugali ng


mga Pilipino, gaya ng ________.
a. Paghahanda ng magarbo
b. Pagmamano sa mga matatanda
c. Pagsusuot ng magagarang kasuotan tuwing may okasyon
d. Pagbati sa mga nakakasalubong

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
b. Imulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa, mithiin,
adhikain, karaingan, at kalungkutan.
c. Upang hindi ihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan upang
makagawa ng masama.
d. Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay at hindi tunay na relihiyon.

7. Ang Noli Me Tangere ay isang halimbawa ng isang _____________ na nobela.


a. pampulitika b. panrelihiyon c. pang-agham d. panlipunan

8. Siya ang nagpahiram ng tatlong daang piso upang maipalimbag ni Rizal ang “Noli Me
Tangere”.
a. Paciano Rizal b. Ferdinand Blumentrit c. Maximo Viola d. Andres Bonifacio

9. Ang “Noli Me Tangere” sa wikang filipino ay nangangahulugang ______________________.


a. Huwag mo akong siraan
b.Huwag mo akong talikuran
c. Huwag mo akong subukan
d.Huwag mo akong salingin

10. Ano ang naging epekto ng pag-aaral ng Noli Me Tangere sa kasalukuyang panahon?
a. Mabukas ang isipan natin na gumawa ng mga magagandang pagbabago sa ating bansa.
b. Paghubog ng katayuan ng mga mamamayang Pilipino dito sa ating bansa.
c. Edukasyon na bubuo sa pagkatao ng isang mamamayang Pilipino na makakagawa ng mga
magagandang pagbabago dito sa bayan.
d. Lahat ng nabanggit

11. Ang ika-30 ng Disyembre ay itinuturing na dakilang araw ng pangilin ng mga Pilipino dahil sa
anong dahilan?
a. Nakamit natin ang kapayapaan at kalayaan
b. Ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang kabayanihan ni Rizal sa araw na ito.
c. Bilang karagdagan, ito ang petsa ng kanyang kamatayan.
d. Pagkilala sa katapangan at katalinuhan ni Rizal.

12. Ano ang huling akda na isinulat ni Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan?
A. El Filibusterismo
B. Mi Ultimo Adios
C. Noli Me Tangere
D. Sa Aking mga Kababata

13. Anong ang unang akda ni Rizal ang nagbukas sa kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa pang-
aabuso ng mga Kastila?
A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere
B. Mi Primera Inspiracion D. Sa Aking Mga Kabata

14. Dalawang nobelang isinulat ni Rizal upang pasiklabin ang damdaming makabayan ng mga
Pilipino kahit na ipinagbabawal ng mga Espanyol ang pagsusulat.
a. Mi Ultimo Adios at Sa Aking Mga Kababata
b. Noli Me Tangere at E Filibusterismo
c. Noli Me Tangere at Mi Ultimo Adios
d. El Filibusterismo at Sa Aking Mga Kababata

15. Isang samahan na itinatag ni Rizal na binubuo ng mga taong gustong tapusin ang pang-aapi
sa mga Pilipino ng mga Kastila. Ang pangunahing layunin nito ay bigyan ang Pilipinas ng
mapayapang kalayaan mula sa España.
a. Kabataang Makabayan
b. Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
c. La Liga Filipina
d. Indios Bravos

16. Sina Basilio at Crispin ay nakaranas ng kaapihan at kalupitan. Bilang kabataan at nakasaksi
ng pang-aabuso ano ang gagawin mo?
a. magkikibit-balikat
b. aawayin ang nananakit
c. isusumbong sa kaibigan
d. isusumbong sa kinauukulan

17. “Ang Pilipinas ay nalalambugan ng kadiliman!” – Pilisopo tasyo.


a. Makulimlim dahil sa papalapit na ulan.
b. Kalayaan ang namamayani sa bansa.
c. Bumabalot sa Pilipinas ang kasakiman at kasamaan.
d. Katahimikan ang bumabalot sa bayan.

18. Ang Kabisera sa bahaging Ang Hapunan ay sumisimbolo sa kapangyarihan. Ikaw bilang mag-
aaral na naatasan bilang pinuno sa inyong klase, paano ka dapat manunungkulan?
a. Ako ang masusunod sa lahat ng desisyon
b. Ako ay magsisibi sa klase at pakikinggan ang suhestiyon nila
c. Uutusan ko sila palagi.
d. Ipapakita ko ang aking otoridad sa kanila sa lahat ng pagkakataon.

19. Si Tandang Pablo ay pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias ang nagsabing “Ang
mayayaman ay walang naiisip kundi magpayaman”. Bilang kabataan ano ba ang dapat na
maging konsepto sa salapi?
a. tumutugon sa pangangailangan, kaya gamitin nang wasto at sa mabuti
b. tumutugon sa kagustuhan
c. kahit kumapit sa patalim magkapera lamang
d. higit ang salapi kaysa edukasyon

20. “Mamamatay akong hindi man lamang namasdan ang maningning na bukang-liwayway sa
aking Inang-bayan! Kayong makakikita, batiin Ninyo siya at huwag kaliligtaan ang mga nalugmok
sa dilim ng gabi! Ang bukang-liwayway ay sumisimbolo sa bagong pag-asa, at kalayaan at
nakamit ito dahil sa ating mga itinuturing na bayani. Bilang kabataan, kahit sa simpleng paraan
maaari kang maging bayani maliban sa:
a. Pagtangkilik sa sariling atin.
b. Pagmamahal sa Wika
c. Pagpupugay sa bandial
d. Paggmit ng imported na produkto

21. Siya ang pangunaghing tauhan ng Noli Me Tangere at ang kanyang nais ay bumuo ng isang
institusyong pang-edukasyon sa San Diego upang matupad ang mga pangarap at mithiin ng
kanyang ama para sa kanilang bayan, ngunit nahaharap siya sa mga problema sa simbahan.
a. Crisostomo Ibarra
b. Rafael Ibarra
c. Linares
d. Elias

22. Sa Noli Me Tangere, siya ang kinikilalang kaibigan at propesyonal na bangkero ni Ibarra. Sa
isang punto, tinawag siyang "ang piloto." Naging isa siya sa pinakakilalang kriminal sa San Diego.
Gusto niyang magsimula ng isang pagbabago sa kanyang bansa.
a. Crisostomo Ibarra
b. Rafael Ibarra
c. Linares
d. Elias
23. Ang matandang prayleng Pransiskano sa Noli Me Tangere na nanirahan sa Pilipinas sa loob
ng halos dalawampung taon. Siya ay isang tiwali, walang hiya, at nagmamalasakit sa
kapangyarihan. Siya rin ang may pananagutan sa pagpatay kay Don Rafael Ibarra.
a. Padre Salvi
b. Padre Sibyla
c. Padre Damaso
d. Padre Tasyo

24. Siyang pumalit kay Padre Damaso bilang kura paroko ng San Diego. Siya ay isang mas bata
at mas malupit na Kastilang pari. Mayroon rin siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara.
a. Padre Salvi
b. Padre Sibyla
c. Padre Damaso
d. Padre Tasyo

25. Ang mapagmatigas na si Padre Damaso ay nagalit sa kanya dahil sa kanyang mga aksyon, at
inakusahan siya ng erehiya at pilibustero. Sa bilangguan siya namatay bago pa malinis ang
kanyang pangalan.
a. Crisostomo Ibarra
b. Rafael Ibarra
c. Linares
d. Elias
26. Siya ay isang halimbawa ng isang dalagang Pilipina noong panahong iyon sa
Pilipinas.Binigyang-pansin ni Rizal ang kahanga-hangang pagpapakita niya ng katangiang iyon
dahil gusto niyang ipakita na ang lipunan ng panahong iyon ay nagpapahalaga sa pagsunod. Siya
ay mas kilalang kasintahan ni Crisostomo Ibarra at pinakita niya ang sarili bilang isang
mapagkakatiwalaang kabataan, tapat na kaibigan, at mapagrespetong anak.
a. Donya Pia
b. Donya Consolascion
c. Tiya Isabel
d. Maria Clara

27. Ang kanyang katauhan ay kumakatawan sa mga indibidwal na may maling paniniwala sa
kanilang sariling katayuan. Dahil siya ay nagpapanggap na isang babaeng Kastila sa
pamamagitan ng paglalagay ng maraming palamuti sa kanyang mukha upang magmukhang
isang babaeng Kastila, ang ganitong uri ng pag-iisip ay tinatawag na "kolonyal na mentalidad."
a. Donya Pia
b. Donya Consolascion
c. Donya Victorina
d. Tiya Isabel

28. Siya ay isang representasyon ng mga taong, sa katunayan, ay inosente, ngunit maling
inakusahan ng paggawa ng isang krimen. Ang isang matandang sakristan ay nag-akusa sa kanya
ng pagnanakaw ng dalawang onsa mula sa kanilang koleksyon.
a. Crispin
b. Basilio
c. Elias
d. Lucas

29. Ang kanyang buhay ay napinsala ng mga malagim na pangyayari na nagpapakita ng pang-
aabuso na dinanas ng kanyang bansa mula sa mga kolonisador. Siya ay nakikita na lamang na
naglalakad sa mga kalsada, magulo ang kanyang buhok, at gusgusin ang kanyang damit habang
tumatawag sa kanyang mga anak dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay.
a. Crispin
b. Basilio
c. Neneng
d. Sisa
30. Karamihan sa mga tao sa kanyang bayan ay naniniwala na siya ay baliw, kahit na siya ay
isang matandang pilosopo. Siya ay nagpapakita ng mga matalinong Pilipino na minsan ay umibig
sa kolonyal na kultura ng Espanya.
a. Basilio
b. Elias
c. Lucas
d. Pilosopo Tasyo
31. Bagama't kumakatawan siya sa mga progresibong prayle, mas gusto niyang manatili sa likod
upang maiwasan ang galit ng iba pang mga naghahari na mga pari. Higit pa rito, sinabi niya na
siya ay maliit at may maputing balat, at sinabi niya na siya ay lihim na nakikipag-ugnayan sa
mga gawain ni Ibarra.
a. Padre Salvi
b. Padre Sibyla
c. Padre Damaso
d. Padre Tasyo
32. Nakilala siya sa kwento bilang isang malupit na Pilipina na asawa ng Alperes. Siya ay isang
matandang babae na ikinahihiya ang kanyang lahi kaya siya ay nagpapanggap na hindi
marunong magtagalog.
a. Donya Pia
b. Donya Consolascion
c. Donya Victorina
d. Tiya Isabel
33. Siya ay asawa ni Kapitan Tiago at ina ni Maria Clara. Sa kanyang panganganak kay Maria
Clara, pumanaw siya. Siya ay isang representasyon ng mga babae na nakaranas ng pang-aabuso
mula sa mga pari at pinilit na itago ang kanilang mga karanasan dahil sa hiya.
a. Donya Pia
b. Donya Consolascion
c. Donya Victorina
d. Tiya Isabel
34. Hiniling ni Elias na ipagpaliban niya ang kanyang plano na atakihin ang sibilisasyon at
sinubukan niyang kumbinsihin siya na mas mainam na magkaroon sila ng kinatawan tulad ni
Ibarra upang makamit ang kanilang mga layunin sa isang mapayapang paraan.
a. Kapitan Tiago
b. Kapitan Pablo
c. Tinyente Guevarra
d. Alperes
35. Siya ay isang marangal na tenyente ng mga guwardiya sibil na naging kaibigan ni Don Rafael
Ibarra. Siya ang nagsalaysay kay Crisostomo Ibarra tungkol sa sinapit na kalunos lunos na
dinanas ng kanyang ama.
a. Kapitan Tiago
b. Kapitan Pablo
c. Tinyente Guevarra
d. Alperes
36. Bakit sinabing si Kapitan Tiyago ay kasundo ng Diyos?
a. Dahil sa walang liban niyang pagsisimba
b. Dahil sa napakarami niyang koleksiyon ng mga santo at santa.
c. Dahil nagagamit niya ang yaman sa kaniyang kabanalan sa pagpapamisa at pagpapadasal
d. Dahil kasundo niya ang mga kura paroko

37. Si Don Rafael Ibarra ay pinagbibintangang erehe dahil hindi siya


a. nagsisimba
b. nangungumpisal
c. nagpapadasal
d. nag-aabuloy

38. Ayon sa tinyente, si Don Rafael ang pinakamayaman sa kanilang bayan.


a. higit na marami ang naiinggit
b. marami ang natutuwa
c. halos lahat ay naiinis
d. marami ang nagagalit

39. Ang mga sumusunod ay kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere
maliban sa isa.
a.Pagmamalupit ng mga guardia civil sa mga Pilipino
b.Malayang nakapagpapahayg ang mga Pilipino
c.Hindi pagkamit ng katarungan laban sa mga Espanyol
d.Hindi patas na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino

40. Ang sumusunod ay mga pangyayari matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere maliban
sa:
a.Maraming humanga sa kanyang kagalingan sa pagsulat
b.Maraming mga prayle at kastila ang nagalit sa kanya
c.Ang mga sipi ng nobela ay nakarating sa Pilipinas at marami ang nakabasa nito
d.Kumita ng maraming pera si Rizal dahil sa kanyang isinulat

41. Anong mga katangian mayroon si Maria Clara bilang isang kasintahan at anak?
a.Matiisin at minsan iresponsable
b.Matiyaga at sunud-sunuran
c.Tapat at Mabuti
d.Mapagkakatiwalaan ngunit medyo pasaway

42. “Ang baya’y hindi dumaraing sapagkat pipi, natutulog kaya hindi kumikilos. Ang pagdurusa
niya’y hindi ninyo nakikita”, ano ang ibig ipahiwatig ng sinabi ni Pilosopo Tasyo?
a. ipinaglalaban ng mga mamamayan ang kanilang Karapatan
b. tamad ang mga Pilipino
c. nagbubulag-bulagan at nakatikom ang bibig sa pagpapahayag ng katotohanan
d. maraming mamamayan ang dumaraing

43. “Sa kalagayan po natin ngayon, upang mapabuti ang pagtuturo, kailangang magkaroon ng
pagtutulungan
a. ang pagkatuto ng mag-aaral ay nakasalalay sa guro lamang
b. marapat na magpaturo ng leksiyon sa magulang
c. mag-aral nang mabuti ang mga mag-aaral
d. nasa pagtutulungan ng lahat ang ikabubuti ng kalidad ng edukasyon

44. “Kahit ako’y kalimutan ng aking bayan, sa lahat ng sandali’y inaalala ko siya”, Crisostomo
Ibarra.
a. mahal ni Ibarra ang kaniyang lupang sinilangan
b. walang pakialam si Ibarra sa kaniyang bayan
c. galit ang mamamayan kay Ibarra
d. nag-aalala si Ibarra sa bayan

45. Sa pahayag ni Pedro na “Ang aking mga anak ay nangawala at ang aking asawa’y nasiraan
ng isip, ang sinabi ng iba’y tama lamang na iyan ang kapalaran ko”, ang emosyong namamayani
kay Pedro ay…
a. masaya
b. takot
c. nagdadalamhati
d. galit

46. Ano ang sinisimbolo ni Kapitan Tiyago sa Akdang Noli Me Tangere?


a. Pilipinong sunud-sunuran sa mga Kastila
b. Pilipinong Makabayan
c. Pilipinong Marahas
d. Pilipinong tamad

47. Ano ang katangiang taglay ng dalawang magkapatid na sina Basilio at Crispin bilang mga
anak ni Sisa?
a.Mga anak na mababait ,mabubuti at responsible
b.Mga anak na minsa’y may malasakit sa magulang
c.Mga anak na hindi mapagkakatiwalaan at kapwa magnanakaw
d.Mga anak na nagnanais makatulong sa magulang sa kahit anong paraan

48. “Kapag ang kura’y nagpahukay ng isang bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari’y walang
karapatang makialam ni magparusa.” – Padre Damaso.
a. takot ang kura paroko sa hari
b. makapangyarihan ang mga kura paroko
c. ang kura paroko ay nagpapahalaga sa mga erehe
d. makapangyarihan ang mga hari

49. “Kilalanin ninyo ang inyong kaharap! Hindi ito probinsiyana o kalunya ng sundalo”-Donya
Victorina de Espadaña. Ano ugali ang ipinamalas ng tauhan sa akda?
a. taksil
b. magagalitin
c. matulungin at may dignidad
d. mapagpanggap at mapang-alipusta

50. Ano ang sinisimbolo ni Don Rafael Ibarra sa akda?


a. Sumisimbolo sa mga mamamayan na humihingi ng katarungan
b. sumisimbolo sa pag-ibig ng mga Pilipino sa kanilang bayan
c. Sumisimbolo sa bansa na unti-unting namamatay sa kamay ng dayuhan.
d. Sumisimbolo sa kalayaang natamo sa mga dayuhan

Inihanda ni:

BETHSAIDA D. GAERLAN
T-I

Sinuri ni:

JERSON S. GAERLAN
OIC-HT FILIPINO

Inaprubahan ni:

BABY ZENY P. TABAG


SHT-III

You might also like