FIL9 4th Periodical Test
FIL9 4th Periodical Test
FIL9 4th Periodical Test
Department of Education
Region VII
TOLEDO CITY DIVISION
Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga akda/aytem at sagutin ang mga tanong. Piliin ang malaking titik ng tamang
sagot. Isulat sa hiwalay na isang buong papel. (letter and words) BAWAL ANG BURA.
Sa paghahangad ko sa iyong kagalingan, at sa paghahanap ng mabuting lunas, gagawin ko ang ginagawa ng mga
tao noong unang panahon, sa mga maysakit, itinatambad sa mga naitang ng temple upang ang sino mang
dumalangin doon ay makapaghatol sa kanila ng lunas.
(Jose P.Rizal)
1. Ayon kay Rizal ang kanyang bayan ay may sakit na ______at ito’y kailangang itambad, sugpuin at ihanap ng lunas`
A.kahirapan ng mga Pilipino C.kanser na panlipunan
B.kamangmangan ng mga Pilipino D.katamaran ng mga Pilipino
2. Ang salitang itambad ay nangangahulugang ____
A.ilahad B. ilantad C.ipakita D.ipakilala
3. Isang obra maestro ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere na maituturing na isang nobelang _____
A. pampamilya B.pampolitika C.panlipunan D.panrelihiyon
4. Naging instrumento ang aklat na ito upang makabuo ang mga Pilipino ng___
A.samahan ng maghihimagsik C.pagkakaisa ng mga Pilipino
B. pagkakapatiran D.pambansang pagkakakilanlan
5. Iniaalay ito ni Rizal sa
A. kasintahan B.GOMBURZA C.Inang Bayan D.pamilya
6. Ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang nobelang _____________.
A.Doctor Zhivago B.Les Misarables C.The Pathfinder D.Uncle Tom’s Cabin
7. Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog
A. Alejandro G.Abadilla B.Lope K. Santos C.Pascual Poblete D.Virgilio Almario
8. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging dahilan upang maipalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin
noong Marso 1887?
A.pagbibigay ni Maximo Viola ng pera C.pagpapadala ng pera ng ama
B.pagpapautang ng tagapaglimbag D.pagtulong ni Retana
9. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal mula sa angkan ng mga Tsino na
ang apelyidong pinagmulan ay ________________.
A. Alonso B.Lamco C.Realonda D.Tan
10. Pinalitan ng Mercado ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria na
gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849. Ang Mercado ay nangangahulugang_________.
A. palengke B.pera C.talino D.yaman
11. Samantalang ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin ng kautusan ni
Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan namang___________.
A. katalinuan B.luntiang bukid C.pagsasaka D.palengke
31. Bakit si Kapitan Tiyago ang naghandog ng salu-salo para sa pagdating ni Ibarra?
A.dahil kaibigan niya ang ama ni Ibarra C.dahil kaibigan niya si Ibarra
B.dahil kamag-aral niya si Ibarra sa Europa D.dahil may gusto siyang hingin kay Ibarra
32. Ano ang ipinahihiwatig ng reaksyon ni Padre Damaso kay Ibarra?
A.hindi kilala ni Padre Damaso si Ibarra C.hindi gusto ni Padre Damaso si Ibarra
B.natutuwa si Padre Damaso kay Ibarra D.takot si Padre Damaso kay Ibarra
33. “Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero”ang kwento ni Tinyente Guevarra kay
Crisostomo. Alin ang kahulugan ng salitang “ pilibustero”?
A.isang taong lumalabag sa batas ng pamahalaan gaya ng hindi pagbabayad ng buwis.
B.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
C.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
D.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
34. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa nobela ang nagpapahayag ng damdamin?
A.Ang mga katangian ni Kapitan Tiyago ay maituturing na hulog ng langit.
B.Masasabing matalino si Ibarra dahil sa sariling pananaw sa buhay.
C.Hinagkan ang agnos ng ketongin at isinubsob ang ulo sa mga bakas ng yapak ni Maria Clara.
D.Wala raw makatutulad sa karangyaan sa piyesta ng San Diego
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias. Sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Inilahad
niya nang walang pag-aalinlangan ang mga kahilingan ng mga sawimpalad sa binata.
35. Ang mga sumusunod ay mga kahilingan ng mga sawimpalad na inilahad ni Elias maliban sa:
A.paggalang sa katiwasayan ng mga tao.
B.pagbabawas sa lakas at kapangyarihan taglay ng mga sibil
C.pagkakaloob ng kaunting dignidad sa pagkatao ng mga tao
D.pagkakaroon ng representasyon ng mga sawimpalad sa pamahalaang Kastila
36. “Matuto kang yumuko sa mga maykapangyarihan. Ngunit hindi lahat ng sasabihin nila ay iyong susundin”.
Sino ang mga makapangyarihan sa bayan ang tinutukoy ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra?
A. alkalde B.alperes at kura C.Don Rafael Ibarra D.Kapitan Tiyago
37. Sino ang kinatawan ng hari ng Espanya batay sa nobelang Noli Me Tangere?
A. Alperes B.Cabeza de barangay C.Kapitan Heneral D.Prayle
“Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makakakita,
salubungin ninyo ito, at huwag kalimutan ang mga nangabulid sa dilim ng gabi”.
38. Sa siniping pahayag na ito, ano ang tinutukoy na bukang-liwayway?
A. kalayaan B.pagbabago C.paglago D.umaga
39. “Ang mga nangabulid sa gabi ng dilim” ay tumutukoy sa mga___
A. bayani B.kabataan C.ninuno D.pinuno
” Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-
ingata’t kaaway na lihim” ---Pilosopo Tasyo.
40. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa _____________.
A. naghahambog B.nagpapahanga C.nagkukunwari D.nagpapasaya
41. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?
A.pagkakakulong ng dalawang anak C.pagkamatay ni Crispin
B.pagkawala ng dalawang anak D.pagpaparusa kay Basilio
42. Wala sa sariling napatindig ang binata nang marinig ang salitang “ama at kulungan”. Nilapitan nito ang kura,
sinuntok at idinikit sa leeg ang nadampot na kutsilyo. Akmang sasaksakin ang kura kung hindi lang pumagitna at
nakiusap si Ma.Clara. Aling bahagi ng banghay ng nobela ang tagpong ito? (kabanata 34-Ang Pananghalian )
A. panimula B.tumitinding galaw C.kasukdulan D.wakas
43. Ang uri ng tunggaliang ginamit sa sa bahaging ito ng nobela ay____________.
A.tao vs kalikasan B.tao vs lipunan C.tao vs.sarili D .tao vs.tao
44. Alin sa mga kabanata ang maituturing na panimulang pangyayari ng banghay ng nobelang Noli Me Tangere?
A.Paghahadog ng Salu-salo ni Kapitan Tiyago
B.Pagdating ni Crisostomo Ibarra
C.Pag-uulayaw sa Asotea ng magkasintahan
D.Pag-uwi ni Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng ama
45. Si Donya Agustin Medel de Coca-isang mayamang nagmamay-ari ng Teatro Zorilla at mga lupain, ayaw niyang
tanggapin ang kanyang pagka-Pilipina.Tukuyin kung sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ang kumakatawan dito.
A.Donya Consolacion B.Donya Pia Alba C.Donya Victorina D.Tiya Isabel
46. Sino naman sa mga tauhan ng nobela ang kumakatawan kay Kapitan Hilario Sunico-isang Pilipino na nagpasakop sa
mga Espanyol , sunudsunuran at walang sariling desisyon?
A. Alperes B.Kapitan Heneral C.Kapitan Tiyago D.Tinyente Guevarra
47. “Ialok mo ngayon sa kanya ang ibang katipan! Akala mo ba’y nagpapalit ang iyong anak ng mga katipan na gaya
lamang ng pagpapalit ng damit” Mula sa binasang pahayag tukuyin sino ang nagsabi nito at kanino ito sinabi.
A.Crisostomo Ibarra kay Kapitan Tiyago C.Padre Damaso kay Kapitan Tiyago
B.Padre Salvi kay Padre Damaso D.Tiya Isabel kay Kapitan Tiyago
48. “Hindi ka nagkakamali, subalit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama” Tukuyin kung sinong
tauhan ang nagwika ng sumusunod na pahayag:
A.Crispin B.Maria Clara C.Pilosopo Tasyo D.Padre Damaso