Filipino 9 L2M2-Q4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

9

Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 2 -Ikalawang Linggo

Nobela: NOLI ME TANGERE


(Ni: Dr. Jose Rizal)

BUOD AT MGA MAHALAGANG TAUHAN


NG NOLI ME TANGERE

i
Panimula
Makikita sa buod at mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal ang mga katangian
ng mga Pilipino at kastila noong kanyang kapanahunan. Ibinatay niya ang mga tauhan
sa Noli Me Tangere sa mga taong nakapaligid sa kaniya, kaya’y masasabing ang
nobela ay may bahid ng katotohanan. Ang ilang mga tauhan ay may mga sinasagisag
din.Ang lahat ng ito ay pagtutuunan sa aralin.Sa mga tauhang ginamit ni Rizal sa
nobela,nababanaag ang maraming kahalagahang pantao na nakatulong sa mga mag-
aaral na makaalinsabay sa mabilis na mga pagbabago sa kanilang paligid sa
kasalukuyang panahon.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

F9PN-IVc-57 - Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela;

F9PU-IVc-59 -Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang


monologo tungkol sa isang piling tauhan;

F9WG-IVc-59 -Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot batay sa hinihingi nito. Isulat ang sagot sa buong papel. Huwag
kalimutang isulat ang pangalan, taon at pangkat at bilang ng modyul.

1. Si Leonor Rivera ang inspirasyon ni Rizal sa isa sa mga tauhan niya sa Noli Me
Tangere;
A. Tiya Isabel C. Pia Alba
B. Maria Clara D. Donya Consolacion
2. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara at naging sagisag ng mga
kabataang Pilipinong nakapag-aral.
A. Alfonso Linares C. Don Rafael Ibarra
B. Don Santiago delos Santos D. Crisostomo Ibarra

3. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya


ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
A. Alfonso Linares C. Don Rafael Ibarra
B. Don Santiago delos Santos D. Crisostomo Ibarra

1
4. Siya ang tumutulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-
ekskomulgado.
A. Tenyente Guevarra C. Kapitan Heneral
B. Padre Damaso D. Alperes
5. Siya ang tenyente ng gurdia civil na nagkwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong
sinapit ng kanyang ama.
A. Tenyente Guevarra C. Tenyente Heneral
B. Tenyente Burgos D. Tenyente Alperes

6. Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay
sanggol pa lamang.
A. Donya Consolacion C. Tiya isabel
B. Donya Victorina D. Sinang
7. Asawa ng alperes at kaaway ni Donya Victorina;
A. Donya Consolacion C. Donya Victoria
B. Donya Pia Alba D. Donya Paulita

8. Ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego. Siya’y tahimik at
may lihim na pagsinta kay Maria Clara.
A. Padre Sibyla C. Padre Salvi
B. Padre Damaso D. Padre Florentino
9. Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya rin ang
nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga
Intsik
A.Padre Sibyla C. Padre Salvi
B. Padre Damaso D. Padre Florentino

10. Isang paring Dominiko na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo


Ibarra.
A.Padre Sibyla C. Padre Salvi
B.Padre Damaso D. Padre Florentino
11. Isang sakristan na tumakas sa kumbento matapos mapagbintangan ng sakristan
mayor.
A. Albino B. Basilio C.Crispin D. Elias
12. Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra
para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
A. Albino B. Basilio C.Crispin D. Elias

2
13. Tinatawag na baliw sa bayan ng San Diego dahil may mga kaisipan siyang una
kaysa sa kanyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.
A. Pilosopo Tasyo C. Nol Juan
B. Kapitan Basilio D. Don Filipo Lino
14. Siya ay pilay at bungal na kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang
paghahanap ng magandang kapalaran.
A. Alfonso Linares C. Don Tiburcio de Espadana
B. Tenyente Guevarra D. Don Santiago delos Santos
15. Napangasawa niya si Donya Consolacion at kaagaw ng kura sa kapangyarihan;
A. Alperes C. Tenyente Guevarra
B. Kapitan Basilio D. Kapitan Heneral

NOLI ME TANGERE
Aralin Ni: Dr. Jose Rizal
4.2 BUOD AT MGA MAHALAGANG TAUHAN
NG NOLI ME TANGERE

Alamin
1. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela;
2. Nagagamit ang tamang pang-uri sa paglalarawan ng mga katangian ng
tauhan sa nobela;
3. Nakasusulat ng isang monologo mula sa piling tauhan ng nobela.

Balikan

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan ng talata.

Ang Noli Me Tangere ay nangangahulugang ____________________.


Ito ay mula sa sipi sa ________________________ at isinulat
ni____________________. Ang nobelang ito ay maituturing
na________________At ayon kay Dr. Blumentritt, ang nobelang ito ay
isinulat sa _________________.

3
Tuklasin

Subukan mong kilalanin kung sino sa mga tauhan sa nobelang Noli Me


Tangere ang kumakatawan sa mga taong kinakasangkapan ni Rizal nang sulatin
niya ito. Hanapin sa loob ng kahon ang mga tauhang kumakatawan at Isulat ang
titik sa patlang bago ang bilang.
A. Elias E. Donya Consolacion
B. Maria Clara F. Donya Victorina
C. Don Juan Crisostomo Ibarra G. Crispin at Basilio
D. Don Santiago H. Padre Damaso

_____1. Leonor Rivera- inspirasyon ni Rizal, mahinhin at malapit sa Diyos.

_____2. Jose Rizal - nag-aaral sa ibang bansa at humihingi ng payo sa mga


pagpapasiya.

_____3. Paciano Mercado Rizal- nakatatandang kapatid na lalaki ni Rizal,ang


madalas niyang hingan ng payo.

_____4. Kapitan Hilario Sunico- Isang Pilipinong nagpasakop sa mga Espanyol at


walang sariling desisyon.

_____5. Donya Agustina Medel de Coca- isang mayamang nagmamay-ari ng Teatro


Zorilla at mga lupain,ayaw niyang tanggapin ang kanyang pagka-Pilipina.

_____6. Magkapatid na Crisostomo- sila’y taga-Hagonoy na namuhay na puno ng


pagdurusa.

_____7. Paring Pransiskano- mapanghamak at mapagmalupit lalo na sa mga Pilipino.

Suriin / Talakayin
ANG MGA MAHALAGANG TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

Don Juan Crisostomo Ibarra- Binatang nag-aral sa


Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng
kabataan sa San Diego. Siya ay kababata at
kasintahan ni Maria Clara.Siya ay sagisag ng mga
Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may
maunlad at makabagong kaisipan.

4
Maria Clara delos Santos- Siya ang kasintahan ni Crisostomo
Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa
kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina
ng relihiyon. Siya ay maganda,
relihiyosa,masunurin,matapat,mapagpakasakit ngunit may
matatag na kalooban.

Elias - Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang


tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang
tunay na maginoo,hindi mapaghiganti,ang iniisip ay ang
kapakanan ng nakararami,at may pambihirang tibay ng
loob.

Pilosopo Tasyo - Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng


marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang
katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid.
May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya’t
hindi siya maunawaan ng marami.

Padre Damaso - Isang kurang Pransiskano na dating kura ng


San Diego at siya rin ang nagpahukay at nagpalipat sa bangkay
ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya
ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa
mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng
nagpaparangal.

Don Santiago “Kapitan Tiago” delos Santos - Isang mayamang


mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni
Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging
masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang
pinapanginoon kundi ang salapi.

Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa


bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa
yaman na kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay
pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong
naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang
kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga
paglabag dito

5
Sisa- Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang
pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig
at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit
alang-alang sa mga minamahal na anak.

Padre Bernardo Salvi- Ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa


bayan ng San Diego. Siya’y tahimik at may lihim na pagsinta kay
Maria Clara.

Padre Hernando Sibyla - Isang paring Dominiko na lihim na


sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.

Basilio- nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at


tumutugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga
walang malay at inosente sa lipunan.

Crispin - Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama


ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

6
Alperes - Siya ang puno ng mga guardiya sibil at siya rin ay mahigpit
na kaagaw ng kura sa kapangyarihan ng San Diego.

Donya Consolacion - Siya ay isang dating labanderang malaswa


kung magsalita na naging asawa ng alperes.

Donya Victorina de Espadana- Isang babaeng punumpuno ng


kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang
mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng kastila
bagama’t ito ay laging mali.

Don Tiburcio de Espadana- Siya ay pilay at bungal na kastilang


nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng
magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya
ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at
prinsipyo.

Alfonso Linares- Binatang napili ni Padre Damaso na maging


asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don
Tiburcio.

Tiya Isabel - Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-aalaga kay


Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.

7
Donya Pia Alba delos Santos- Siya ang ina ni Maria Clara na sa
loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak
na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos
maisilang si Maria Clara.

Tenyente Guevarra - Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael


Ibarra. Siya rin ang tenyente ng gurdia civil na nagkwento kay
Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.

Kapitan Heneral -Ang pinakamakapangyarihang opisyal at


kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang
tumutulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-
ekskomulgado.

Kapitan Basilio- Isa sa mga naging kapitan ng Bayan ng San Diego


na naging kalaban ni Don Rafel sa isang usapin sa lupa. Ama ni
Sinang na kaibigan ni Maria Clara.

Nol Juan - Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa


pagpapagawa ng kanyang paaralan.

8
Mga Kaibigan ni Maria Clara:

❖ Andeng - Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto


❖ Neneng - Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara
❖ Sinang - Masayahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio
❖ Victoria - Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at Kasintahan ni Albino
❖ Iday - Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa
❖ Albino - Ang dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni
Victoria.
❖ Leon - Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad

Mga Sanggunian: Buhay at Diwa ni Rizal nina Alejandro at Medina Rizal: Buhay at mga
Kaisipan nina Dela Cruz at Zulueta; Noli Me Tangere nina Guzman-Laxamana-Guzman.

ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE

Ang kasaysayan ay nagsimula sa isang salu-salo na bigay ni Kapitan Tiago sa


kanyang bahay sa kalye Anluwage nang katapusang araw ng Oktubreng iyon.
Inihandog ito sa karangalan ni Crisostomo Ibarra, ang kaisa-isang anak ni Don Rafael
Ibarra at kasintahan ni Maria Clara,na nagbalik sa Pilipinas mula sa Europa matapos
ang pitong taong pag-aaral.

Kabilang sa mga panauhin sa salu-salong iyon sina Padre Damaso, isang


paring totoong mapusok at may dalawampung taon na kura ng San Diego; Padre
Sibyla,pari ng Binondo; Senyor Guevarra,tenyente ng mga guardia sibil; Don Tiburcio
de Espadana,asawa ni Donya Victorina, at iba pang mga babaing panauhin.

Maganda ang naging pagtanggap kay Ibarra ng mga panauhin, maliban kay
Padre Damaso, at alinsunod sa kaugaliang Aleman, ipinakilala niya ang kanyang sarili
sa mga kababaihan. Ang naging paksa ng usapan sa hapunang iyon ay ang pag-aaral
at ang mga karanasan ni Ibarra sa ibang bansa. Ikinalugod ng mga panauhin ang
mga isinalaysay ni Ibarra,maliban kay Padre Damaso, na nagmumukmok ang
kalooban dahil sa ang natatapat sa kanya ay ang leeg at matigas na pakpak ng
tinolang manok. Kanyang pinawalang-halaga ang mga sinabi ni Ibarra.
Matapos ang hapunan, nagtungo si Ibarra sa otel upang makapagpahinga.
Sumabay sa kanya si Tenyente Guevarra at isinalaysay sa kanya ang tungkol sa
kamatayan ng kanyang ama sa San Diego. Ayon sa nagsasalaysay,si Don Rafael ay
isang matapang na lalaki , na ipinagtanggol ang isang bata sa kapaslangan ng isang
walang pinag-aralang kolektor na Kastila na kanyang naitulak at namatay, na naging
dahilan ng kanyang pagkabilanggo. Sa bilangguan na inabot iyon ng kamatayan. Sa

9
libingan ng mga Kastila siya inilibing, ngunit ipinahukay ng kanyang mga kalaban ang
kanyang bangkay. Nagpasalamat si Ibarra sa Tenyente, at ipinanata niyang kanyang
tutuklasin pa ang katotohanan hinggil sa kamatayan ng kanyang ama.
Kinaumagahan ay naging panauhin siya ni Maria Clara,ang kanyang katipan, at
ang pagtatagpong iyon ang lalo pang nagpatibay sa kanilang matamis na
pagpapalagayan. Pagkatapos ng pakikipagtagpong iyon sa kanyang kasintahan,
tumuloy na siya sa San Diego,pagkat noon ay araw ng mga banal,at kanyang
dadalawin ang libingan ng kanyang ama. Doon niya natuklasan sa maglilibing na ang
bangkay ni Don Rafael ay ipinahukay ng pari at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik,
ngunit dahil sa noon ay maulan at lubhang mabigat ang bangkay, itinapon na lamang
iyon ng mangangalaga ng libingan sa lawa.
Poot na poot na iniwan ni Ibarra ang libingan, at sa kanyang paglabas ay
nasalubong niya si Padre Salvi, ang kura sa San Diego.na siya niyang pinagbuhusan
ng poot dahil sa nangyari sa kanyang ama. Ipinagtapat ng pari na ang lahat ng iyon
ay kagagawan ni Padre Damaso na siya niyang sinundang paring nakatalaga sa San
Diego.
Sa San Diego ay nakilala ni Ibarra ang iba’t ibang mga uri ng tao.
Nakadaungang-palad niya si Pilosopong Tasyo, na dahil sa mga tao, hanggang sa
ipinalagay nilang nasisiraan ng bait ang matanda; ang guro ng San Diego na siyang
nagsisiwalat sa kanya ng mga suliranin sa pag-aaral ng mga kabataan sa San Diego;
si Don Filipo Lino, ang lider ng kilusang liberal sa bayan at isang tenyente mayor; si
Don Melchor, ang kapitan ng mga Cuadrillos at iba pang mga kilalang mamamayang
gaya nina Don Basilio at Don Valentin.
Sina Kapitan Tiago, Maria Clara at Tiya Isabel ay dumating sa San Diego.
Naghanda si Ibarra sa may lawa. Kabilang na dumalo ay ang mga kaibigan ni Maria
Clara, sina Sinang,Victoria,Iday at Neneng at iba pang panauhin na kinabibilangan ng
kani-kanilang kaibigan. Isa sa mga bangkero ay nagngangalang Elias.
Sa lawa ay nakipaglaban si Elias sa isang buwaya, na buong bangis na
nakipaglaban sa matapang na bangkero. Sinaklolohan siya ni Ibarra na siyang
nakapatay sa buwaya at nakapagligtas sa buhay ni Elias. Hindi naglaon, umahon na
sila sa kati,sa isang naghihintay na handa. Matapos ang kainan, si Maria Clara at ang
kanyang mga kaibigan ay naglaro ng “ Gulong ng Kapalaran,” ngunit lumapit si Padre
Salvi at pinunit ang aklat na pinaglalaruan, dahil ayon sa kanya ay isang kasalanan.
Maya-maya ay dumating ang sarhento at apat na kawal ng guardia sibil na
humahanap kay Elias, ngunit nakatalilis na ang kanilang hinahanap.
Nang sumunod na araw ay dumalaw si Ibarra kay Pilosopong Tasyo upang
isangguni ang kanyang panukalang paaralan na ang kanyang pagkakaloob sa San
Diego ay pinahintulutan ng pamahalaan. Iniisip ni Pilosopng Tasyo na walang
kahihinatnan ang proyekto ni Ibarra bagama’t ang pagtatayo ng paaralan ay
pinasimulan na.
Samanatala’y abalang-abala ang buong San Diego dahil sa nalalapit na
kapistahan.Sa umagang iyon ng pagdiriwang, nagmisa si Padre Salvi at nagsermon
naman si Padre Damaso hinggil sa ilang nakamit ng karunungan na lumalason sa

10
kaisipan ng mga mamamayan. Naroon si Ibarra at nagdarasal na katabi si Maria Clara
sa loob ng simbahan. Lumapit sa kanya si Elias at pinagunitaan itong mag-ingat sa
pagbasbas ng ginawang paaralan.
Sa pagbabasbas, ang taong dilaw na siyang gumagawa ng kalo ay matamang
pinagmamasdan ni Elias. May hinala siyang ang gumagawa niyon ay kasapakat ng
mga taong kaaway ni Ibarra.At nang lumusong na nga si Ibarra upang tumupad ng
kanyang bahagi sa seremonya ng pagbabasbas, humugong ang paligid, pagkat ang
kalo ay biglang bumagsak. Mabilis siyang naitulak ni Elias, at ang taong dilaw ang
siyang nabagsakan.
Sa isang salu-salo sa ilalim ng kiosko, isang pangyayari ang naganap kay Ibarra
at Padre Damaso . Hinamak ni Padre Damaso ang gunita ng ama ni Ibarra at hindi
nakatiis, siniil ng binata ang pari at sa pamamagitan ng isang patalim ay mapapatay
sana niya ang prayle kung hindi namagitan si Maria Clara. Ang pangyayaring iyon ay
nagbunga ng dalawang bagay; napatid ang pagmamahalan nina Maria Clara at ni
Ibarra at itong huli ay naeskomunikado. Sa kabutihang-palad ay dumating ang
gobernador-heneral na siyang nagsabi kay Kapitan Tiago na tanggapin na si Ibarra
at ipinangakong lalakarin niyang maalis ang eskomunyon niyon.
Nang matapos ang pista,nagkasakit si Maria Clara. Ginamot siya ng
nagduduktor-dukturang si Tiburcio de espadana na asawa ni Donya Victorina, na
umaamuki kay Kapitan Tiago na ipakasal si Maria Clara sa kanyang pamangking
kastila na si Alfonso Linares de Espadana, na tinutulan naman ni Padre Damaso,
ngunit nanatiling matapat kay Ibarra si Maria Clara.
Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwawasak sa kanya.
Nagpakana sila ng pagsalakay sa tanggulan ng mga guardia sibil at yaon ay ipinaalam
din nila sa alperes. Sa mga nag-aalsa, ang ipinatalos nila’y si Ibarra ang utak ng lahat
ng iyon. Kung kaya’t nang madakip ang mga sumalakay, si Ibarra ang isinisigaw na
pinuno at iyong huli ay nadakip. Nang malaman ni Elias ang nangyari kay Ibarra ay
tinulungan niya itong makatakas. Sa isang bangkang puno ng kumpay, namaybay sila
sa ilog, tumigil sila sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago at doon ay nagkita sa kahuli-
hulihang pagkakataon sina Ibarra at Maria Clara. Doon ay ipinaliwanag ni Maria Clara
kung bakit niya ibinigay ang sulat ng katipan sa mga maykapangyarihan, na ipinalit
lamang niya ito sa mga sulat ng kanyang ina, si Pia Alba na nasa kay Padre Salvi, at
doon ay natuklasan niyang ang kanyang tunay na ama ay si Padre Damaso.

Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit aabutan sila ng


humahabol na sasakyang dagat ng mga pulis. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago
sa ilalim ng damo sa loob ng bangka. Pagkatapos ay tumalon siya. Tinugis si Elias ng
humahabol na akala ng maykapangyarihan ay si Ibarra.Tinamaan siya, ngunit
nagpatuloy sa paglangoy. At si Ibarra ay nakatakas. Malubha ang sugat, nakasapit si
Elias sa baybayin at lumakad na patungo sa gubat. Doon niya natagpuan si Basilio
na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Sisa, ang kanyang inang baliw.Inutos niya sa bata
na sila’y sunugin. Bisperas ng Pasko noon, at kabilugan ng buwan. Habang unti-
unting tinatakasan ng buhay, si Elias ay humarap sa silangan at umusal: “Mamamatay
akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking bayan!.Salubungin
ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi.”

11
Pagyamanin
A. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita/pahayag na nasa Hanay
A ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik sa tapat ng
bilang ang tamang sagot.
HANAY A HANAY B

___1. nagmukmok ang kalooban A. inapi

___2. poot na poot B. kumalas

___3. nakatalaga C. tangkalag

___4. nakadaungang-palad D. mamamangka

___5. nagsisiwalat E. galit na galit

___6. bangkero F. manghimok

___7. umaamuki G. pagtiwalag sa simbahan

___8. nakatalilis H. nakadestino

___9. pinagunitaan I. kasabwat

___10. kalo J. pari

___11. kasapakat K. rebelasyon

___12. siniil L. pinaalalahanan

___13. prayle M. nakaalis

___14. eskomunyon N. nagdamdam

___15. naglubay O. naging kaibigan

B. PAG-UNAWA SA BINASA
C. Panuto: Kilalanin kung sino ang tinutukoy na tauhan batay sa pangyayari ng
nobela.

1. Sino ang hinandugan ni Kapitan Tiago ng isang salu-salo?


2. Paano inilarawan si Padre Damaso sa nobela?

12
3. Kaninong asawa si Donya Victorina?
4. Ang isinalaysay na buhay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ay
tungkol kay?
5. Sino ang paring napagbuhusan ng poot ni Ibarra dahil sa nangyari ng kanyang
ama?
6. Siya ang lider ng kilusang liberal sa bayan at isang tenyente mayor.
7. Ang taong sinaklolohan ni Ibarra na nakikipaglaban sa buwaya sa lawa.
8. Sino ang dinalaw ni Ibarra para isangguni ang kanyang panukalang paaralan?
9. Namatay siya dahil sa biglang pagbagsak ng kalo sa seremonya ng
pagbabasbas.
10. Siya ang tumulong kay Ibarra para maalis ang pagiging eskomunyon.

Isaisip
Alam mo ba….

Ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay sumasagisag sa mga taong nakaranas


at nakasaksi sa mga karahasan at maling pamamalakad ng mga Espanyol sa
panahon ng kanilang pananakop sa ating bansa.

Inilalarawan din ang mga katangian at pag-uugali ng mga tauhan na siyang tunay
na makikita sa mga mamamayang Pilipino noon, sa kamay ng mga Espanyol na
sumakop sa atin ng higit tatlong daan taon.

Isagawa

Gawain 1

maalalahanin maginoo mapagmataas

Mapagsakripisyo matapat mapagbigay

Panuto: Kilalanin ang katangian/pag-uugali ng tauhan batay sa kanyang pahayag.


Hanapin sa loob ng kahon ang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

________1. “Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu’t


tatlong taon na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong
gamitan ng kung ano-ano at mabulaklak na mga salita” - Padre Damaso

13
________2. “Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis
na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan,ang mga
babae”- Crisostomo Ibarra.

________3. “Mag-ingat kayo, binata! Maging aral sa inyo ang sinapit ng inyong
ama!” -Tenyente Guevarra

________4. “Itinakwil kita,isinuko ko ang aking pag-ibig. Ano ang hindi natin
magagawa sa isang namayapang ina at dalawang buhay na ama?”-
Maria Clara

________5. Hindi ko dapat na ikahiya ang malungkot kong karanasan. Sinuman ang
nasa katayuan ko’y gayon din ang gagawin.”- guro

Gawain 2

Panuto: Gamit ang tamang pang-uri ilarawan ang katangian ng sumusunod na


tauhan sa nobelang Noli Me Tange. Isulat sa loob ng kahon ang iyong
sagot

MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

1. Crisostomo Ibarra

2. Maria Clara

3. Elias

4. Padre Damaso

5. Kapitan Tiago

6. Don Rafael Ibarra

7. Donya Victorina

8. Sisa

9. Pilosopo Tasyo

10. Padre Salvi

Gawain 3. Pag-ugnayin
Panuto: Kilalanin kung sino ang tinutukoy na tauhan batay sa sumusunod na
paglalarawan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Siya ang kabiyak ni Kaptan Tiago na namatay matapos niyang


ipinanganak si Maria Clara.

14
__________2. Kanang kamay ng hari ng Espanya at siya ang
pinakamakapangyarihang opisyal.
__________3. Siya ay nagbalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral
sa Europa.
__________4. Ang paring labis na naiinggit kay Don Rafael Ibarra dahil sa yaman at
laging nagpapasaring kay Ibarra.
__________5. Isang masintahing ina nina Crispin at Basilio at isang
mapagparayang asawa.
__________6. Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego.
__________7. Ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego. Siya’y
tahimik at may lihim na pagsinta kay Maria Clara.
__________8. Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging
asawa ng alperes.
__________9. Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara.
Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
__________10. Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-aalaga kay Maria Clara
simula nang siya ay sanggol pa lamang.
___________11. Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang
tenyente ng gurdia civil na nagkwento kay Crisostomo Ibarra ng
totoong sinapit ng kanyang ama.
___________12. Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay
Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang
mga suliranin nito.
___________13. Siya ang puno ng mga guardiya sibil at siya rin ay mahigpit na
kaagaw ng kura sa kapangyarihan ng San Diego.
___________14. Isa sa mga naging kapitan ng Bayan ng San Diego na naging
kalaban ni Don Rafel sa isang usapin sa lupa. Ama ni Sinang na
kaibigan ni Maria Clara.

___________15. Isang babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang


pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ngayong nakilala na ninyo ang mga tauhan sa Noli Me Tangere, Pumili ng
isang tauhan na iyong nagustuhan sa nobela at sumulat/bumuo ng isang

15
makahulugan at masining na iskrip ng isang Monologo(Monologue). Isulat
sa isang bond paper. Sundin ang porma sa ibaba.

Ang Monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay
sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan
ng nangakikinig. Ang mga monologo ay ginagamit sa iba't ibang medya
gaya ng mga dula, pelikula, animasyon atbp.

Pangalan: Taon at Pangkat:

Petsa: Modyul Blg:

Ang Monologo ni___________


(Pamagat)

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot batay sa hinihingi nito. Isulat sa isang buong papel ang sagot.

16
(Huwag kalimutang isulat ang pangalan, taon at pangkat at bilang ng
modyul.)
1. Siya ang kumakatawan sa tauhang si Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere.
A. Leonor Rivera C. Josephine Bracken
B. Segunda Katigbak D. Consuelo Ortiga Y Perez
2. Ang pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere, isang binatang nag-aaral sa
Europa at kasintahan ni Maria Clara;
A. Alfonso Linares C. Crisostomo Ibarra
B. Don Santiago delos Santos D. Don Rafael Ibarra
3. Ang asawa ni Pia Alba at kinikilalang ama ni Maria Clara;
A. Alfonso Linares C. Don Rafael Ibarra
B. Don Santiago delos Santos D. Crisostomo Ibarra
4. Pinakamakapangyarihang opisyal at kinakatawan ng Hari ng Espanya sa
Pilipinas;
A. Alperes C. Tenyente Guevarra
B. Padre Damaso D. Kapitan Heneral

5.Kaibigang matapat ni Don Rafael Ibarra at ang nagkwento kay Crisostomo Ibarra
sa sinapit ng ama;
A. Alperes C. Kapitan Heneral
B. Padre Damaso D. Tenyente Guevarra
6.Siya ang nag-alaga at katuwang sa pagpapalaki kay Maria Clara;
A. Tiya isabel C. Donya Consolacion
B. Sinang D. Donya Victorina
7. Isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes;
A. Tiya isabel C. Donya Consolacion
B. Sinang D.Donya Victorina
8. Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at lihim na kaaway ni Don
Rafael Ibarra;
A. Padre Sibyla C. Padre Damaso
B. Padre Salvi D. Padre Florentino

9. Ang paring Dominiko na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo


Ibarra;
A.Padre Sibyla C. Padre Damaso
B. Padre Salvi D. Padre Florentino
10. Ang kurang pumalit kay Padre Damsao sa San Diego;

17
A. Padre Sibyla C. Padre Damaso
B. Padre Salvi D. Padre Florentino
11. Siya ay isang tunay na maginoo,hindi mapaghiganti at may pambihirang tibay ng
loob;
A. Albino B. Basilio C. Crispin D. Elias
12. Isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento at nakatatandang anak
ni Sisa;
A. Albino B. Basilio C. Crispin D. Elias
13. Puno ng mga guwardiya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan;
A. Alperes C. Tenyente Guevarra
B. Kapitan Basilio D. Kapitan Heneral
14. Tagapayo ng mga marurunong na mamamayan ng San Diego;
A. Pilosopo Tasyo C. Nol Juan
B. Kapitan Basilio D. Don Filipo Lino
15. Isang kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng
magandang kapalaran;
A. Alfonso Linares C. Don Tiburcio de Espadana
B. Tenyente Guevarra D. Don Santiago delos Santos

Sanggunian
Pinagyamang Pluma 9
Larawan ng mga Tauhan
https://www.google.com/search?q=picture+of+characters+of+Noli+Me+Tangere&tbm=isch&chips=q:picture+of+characters+of+noli+me
+tangere,online_chips:pia+alba:cmgYYlW8EFA%3D&usg=AI4_-
kS83pfnDe0LEmqwHTEQjrNhzIei8Q&sa=X&ved=2ahUKEwje87WXw77wAhWKd94KHS3NC-
oQgIoDKAJ6BAgEEA8&biw=1440&bih=789

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN:
“huwag mo akong salingin”

18
Ebanghelyo ni San Lucas
Dr. Jose Rizal
Walang kamatayan
Dugo ng puso

TUKLASIN:
1. B 2.C 3.A 4.D 5. F 6 G. 7.H
PAGYAMANIN:
A. TALASALITAAN:
1. N 6. D 11.I
2. E 7. F 12.A
3. H 8. M 13. J
4. O 9. L 14.G
5. K 10. C 15.B

B. Pag-unawa sa Binasa
1.Crisostomo Ibarra
2. Isang paring totoong mapusok at dalawampung taon na kura sa San Diego
3.Tiburcio De Espadana
4. Don Rafael Ibarra
5. Padre Salvi
6.Don Filipo Lino
7.Elias
8.Pilosopo tasyo
9.Ang taong dilaw
10.Kapitan-Heneral

19

You might also like