Ikaapat Na Lagumang Pagsusulit
Ikaapat Na Lagumang Pagsusulit
Ikaapat Na Lagumang Pagsusulit
PANGALAN_____________________________ISKOR:___________________________
SEKSYON:______________________________GURO:___________________________
I .Piliin ang angkop na salitang naglalarawan sa parirala sa bawat bilang. Isulat ang letra ng wastong sagot
____1. Ang Noli Me Tangere ay nobelang panlipunan dahil inilalarawan ng akda ang lipunang
A.nabubuhay sa pagkaalipin B. pinalaya ng dayuhan C. nabubuhay sa Kalayaan D. puno ng pag-asa
____2. Ito ang nobelang nabasa ni Dr. Jose P. Rizal na hawig sa karanasan ng lipunang Pilipino.
A. Florante at Laura B. Les Miserables C. Noli Me Tangere D. Uncle Tom’s Cabin
____3. Ang Noli Me Tangere ay inialay ng may-akda sa
A. Gomburza B. kasintahan C. Inang-bayan D. magulang
____4. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad niyang walo na nagtuturo ng pagmamahal sa sariling wika ay
A. Sa Aking mga Kabata B. Ang Pag-ibig C. Inang-wika D. Batang Gamugamo
____5. Ang nagpahiram ng pera kay Jose Rizal upang maipalimbag ang kanyang nobela na Noli Me Tangere
A. Paciano Rizal B. Maximo Viola C. Valentin Ventura D. Ferdinand Blumentrit
____6. Naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Nobelang Noli Me Tangere
A. The Roots B. Iliad and Odyssey C. Ebony and Ivory D. The wandering Jew
____7. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay
A. erehe B. mangmang C. Indiyo D. tamad
____8. Pinupuri at hinahangaan ng Kapitan Heneral ang isang anak na marunong magmahal sa kaniyang magulang tulad ni
A. Basilio B. Elias C. Ibarra D. Ma. Clara
____9. Ang pagpunta ni Crisostomo Ibarra sa ibang bansa ay hangad na
A. magliwaliw B. magpakadalubhasa C. maglakbay D. lalong magpayaman
____13. “Wala sa sariling napatindig ang binata nang marinig ang matutunog na salitang “ama”at “kulungan” nilapitan nito ang kura at
idinikit sa leeg ang nadampot na kutsilyo. Ang tunggalian ay may uring
A. tao vs. tao B. tao vs. kalikasan C. tao vs. sarili D. tao vs. kagamitan
____10. Ang dahilan kung bakit sabik na sabik makauwi ang magkapatid na si Basilio at Crispin.
A. may masarap na pagkain sa bahay C. gusto nilang makita ang ama
B. naghihintay ang kanilang ina D. pagod na sila sa pagtatrabaho
____11. Nagpapahalaga sa sariling bayan ang mga tauhang tulad nina
A. Ibarra at Ma. Clara C. Ibarra, Basilio at Crispin
B. Don Rafael at Pilosopo Tasyo. D. Don Rafael at Kapitan Tiyago
____12. Ang mga karakter na ito ay naniniwalang mahalaga ang edukasyon sa tao .
A. Pilosopo Tasyo at Don Filipo C. Don Rafael at Pilosopo Tasyo
B. Pilosopo Tasyo at Jose Rizal D. Don Rafael at Kapitan Tiyago
____14. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa nilalaman ng nobela.
1.Ping-iingat ni Tenyentesi Guevarra si Ibarra upang di matulad sa ama.
2.Natuklasan ni Ibarra na Itinapon sa lawa ang bangkay ng ama
3. Ang kandilang itinulos ni Ma. Clara ay binawi ni Kapitan Tiyago nang makausap niya si Padre Damaso
4. Tinuya ni Padre Damaso ang pag-aaral ni Ibarra sa ibang bansa
5. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang bagong dating na kaisa-isang anak ng kanyang kaibigan
A. 54231 B. 54321 C. 54132 D. 54123
____15. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa nilalaman ng nobela.
1.Nawala ang pagtitimpi ni Ibarra nang lapastanganin muli ang ama.
2. Humanga ang Kapitan Heneral nang makausap si Ibarra
3. Hindi na eskomulgado si Ibarra dahil pinatawad siya ng arsobispo
4. Iniligtas ng piloto si Ibarra nang pagtangkaang patayin ng taong madilaw
5. Dumalo si Padre Damaso sa pananghaliang inihanda ni Ibarra
45231 B. 45321 C. 45132 D. 45123
Basahin:
“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayang
Makamalas sa kanya, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nangabulid sa dilim ng gabi.”
____16. Ang pagbubukang –liwayway sa aking bayan ay patungkol sa
A. kinabukasan ng bayan B. kalayaan ng bayan C. kaluwagan ng bayan D. kuwentong bayan
____17. Nabanggit sa pahayag ang mga nangabulid sa dilim ng gabi na tumutukoy sa
A. mga sundalo B. mga bayani C. mga Kabataan D. mga matatanda
____18. Ang kabuuan ng pahayag ay may imaheng
A. pampisikal B. pang-espiritwal C. panlipunan D. Pangkalikasan
____19. Ang pinakaangkop na pamagat sa binasang pahayag ay
A. Huling Panawagan B. Paalam sa Inang Bayan C. Tagubilin sa Kabataan D. Ang mga Nangabulid
____20. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?
A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot
II. Kilalanin ang tauhang nagpahayag ng mga sumusunod na salita. Isulat ang letra ng wastong sagot.
____21. “Mamamatay akong di man lang namasdan ang maningning na pagsikat ng araw sa aking bayan”
A. Ibarra B. Elias C. Pablo D. Tarcilo
____22. “Dios ko, ako’y iyong parusahan ngunit iligtas mo ang aking anak.”
A. Kapitan Tiyago B. Don Rafael C. Padre Damaso D. Kabesang Tales
____23. “Hindi ako ang nangangailangan ng gamut kundi kayong mga nagabubuhay sa kasalukuyan.”
A. Kapitan Tiyago B. Don Rafael C. Padre Damaso D. Pilosopo Tasyo
____24. “Ang kumbento o ang kamatayan.”
A. Maria Clara B. Sinang C. Andeng D. Sisa
____25. “Aking sasabihin sa mga sawimpalad na ang pagbibigay tiwala sa tao ay ilipat sa Dios.”
A. Elias B. Don Rafael C. Tenyente Guevarra D.Sisa
____26. Si Basilio ay maraming magandang balak sa buhay,siya ay sagisag ng mga batang
A. mapagmahal sa ina C. tumututol sa bisyo
B. may pagmamahal sa paggawa D. nangangarap ng magandang kinabukasan
____27. Ang pagmamahal ng tao sa Diyos ay naipakita niya sa pagmamamlasakit sa kapwa tulad ng pangyayaring
A. hinangaan ng Kapitan Heneral si Ibarra C. balak balikan ni Dona Victorina si Dona Consolacion
B. pinaawit ni Dona Consolacion si Sisa D. laging pinag-iingat ni Elias si Ibarra
____28. “ Kumilos ng maaga para sa kapakanan ng kapwa” ito ay mailalarawan sa pangyayaring
A. pinupuna ni Pilosopo Tasyo ang palabas C. idudulog ni Elias kay Ibarra ang mga hinaing
B. magbibitiw sa tungkulin si Don Filipo D. pagtataggol kay Linares
____29. “Kung hindi niya susundin ang mga payo ng mga pari na limutin niya ang pag-ibig kay Crisostomo,hatid ni Ma. Clara na
mawawalan ng katahimikan ang kanyang buhay.”
A. susundin niya ang pari upang matahimik na sila C. magiging magulo ang buhay niya kapag nagpakasal kay Ibarra
B. hindi matutuloy ang paglagay niya sa tahimik D. hindi matatahimik ang dalaga kapag nilimot niya si Ibarra
____30. Ang pagsasabi ni Pari Damaso na hindi niya naging kaibigan kailanman si Don Rafael Ibarra ay nangangahulugang ang
prayle ay
A. nagsasabi ng totoo C. hindi kilala ni Don Rafael
B. umiiwas sa gulo D. hindi marunong magpahalaga sa pagkakaibigan
____31. Ayon kay Pilosopo Tasyo, ang aral na nakapaloob sa tangkay ng rosas na yumuyuko sa hihip ng hangin ay
A. pag-iingat ng sarili sa harap ng mga tao C. pagpapakumbaba sa oras ng pangangailangan
B. pag-ibig sa ganda ng kalikasan sa paligid D. kahinahunan sa panahon ng kagipitan
____32. Pinagmalasakitan ni Elias si Ibarra dahil sa
A. nais niyang humingi ng pabor kay Ibarra C. ang kapalaran ng bayan ay nakasalalay sa mga tulad ni Ibarra
B. itinuturing niya itong matalik na kaibigan D. naaawa sa binate dahil wala siyang tagapagtanggol
____33. Mayaman ang kanyang asawa kaya sunud-sunuran si Don Tiburcio sa mga kagustuhan nito. Alin ang angkop na
pangungusap sa sitwasyong binanggit?
A. masalapi si Don Tiburcio kaya nakukuha anumang magusuhan
B. anuman ang kagustuhan ng taong masalapi ay sinusunod ni Don Tiburcio
C. anuman ang kagustuhan ay nasusunod dahil masalapi si Don Tiburcio
D. masalapi ang gusto ni Don Tiburcio kaya niya sinusunod
____34. Ang layunin ng pagpapaaral ni Don Rafael sa anak ay upang
A. magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya ni Ibarra
B. maiambag ang karunungan sa ikabubuti ng sariling bayan
C. maipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa Kastila
D. mapalitan ang sistema ng kanilang pamahalaan
____35. Ang mabuting pakikipagkapwa at pagmamalasakit ay ipinapakita ng mga tauhan maliban sa
A. kusang pagpapakilala ni Ibarra sa sarili sa mga panauhin
B. pinaalalahanan ni Ten. Guevarra na mag-ingat si Ibarra
C. Pinauuwi na ni Pilosopo Tasyo ang magkapatid mula sa simbahan
D. Pagbibigay ng sigarilyo ni Tiya Isabel sa mga espanyol at pagpapahalik sa kamay sa mga kababayan.