Filipino 3 1st Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 75

Filipino – Ikatlong Baitang

Alternative Delivery Mode


Unang Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Helen A. Bustamante, Merry Jean A. De Asis


Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos
Tagasuri: Alejandre S. Fernandez Jr., Angelica M. Mendoza
Tagawasto: April C. Delos Santos
Tagaguhit at Tagalapat: Reygine Joyce B. Canlas, Dwight Jehan T. Patao
at Jecson L. Oafallas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Josephine L. Fadul
Janette G. Veloso Christine C. Bagacay
Analiza C. Almazan Lorna C. Ragos
Ma. Cielo D. Estrada Cristy S. Agudera
Mary Jane M. Mejorada Alma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Ikatlong Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng


tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang


bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Magandang araw sa iyo!
Ako’y lubos na nasisiyahang ipaalam na sa araling ito ay matututunan mong
gamitin ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar at bagay sa iyong
paligid.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
● nakagagamit ng pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at
bagay sa paligid (F3WG-Ia-d-2).

Subukin
Isulat ang pangngalan ng bawat larawan sa angkop na hanay.

aklat Araw ng Barangay kabayo

hardin Lita

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


Aralin 1 Paggamit ng Pangngalan sa
Pagsasalaysay
Balikan
Balikan natin ang iyong karanasan noong nasa Ikalawang Baitang ka.
Sagutin mo ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangalan ng iyong paaralan?

__________________________________________
2. Ano-ano ang kagamitan mo sa pag-aaral?

__________________________________________
3. Sino ang matalik mong kaibigan?

_________________________________________
4. Sino ang iyong guro noong nasa ikalawang baitang ka?

_________________________________________
5. Saan ka bumibili ng pagkain tuwing recess?

_________________________________________

Tuklasin
Punan mo ng angkop na pangngalan ang bawat patlang upang mabuo ang
talata. Piliin sa kahon ang iyong sagot.

aso Mara bahay


Mankilam magulang

Ang Batang Masipag


Sinulat ni: Helen A. Bustamante
Si (1) ________ ay siyam na taong gulang. Ipinanganak

siya sa(2)____________ noong Setyembre 2, 2010.

Sa murang edad, mapapansin na ang kaniyang kasipagan.

Tuwing Sabado, maaga siyang gumigising upang magwalis sa

kanilang bakuran, magdilig ng halaman at magpaligo ng alaga

niyang (3) ____________ . Tumutulong din siya sa kaniyang ina

sa pagluluto at paglilinis ng kanilang (4) ___________ .

Masayang-masaya ang kaniyang mga (5) _________

dahil sa kasipagang ipinakita ng anak.

Suriin
Pangngalan ang tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar
at pangyayari.
Ang dalawang uri nito ay ang pantangi at pambalana.

Pantangi ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak o partikular na ngalan


ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa:
Lita, Mongol, Bantay, Barangay Mankilam,
Araw ng Barangay

Pambalana ang tawag sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at


pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
Halimbawa:
guro, paaralan, lapis, palatuntunan, aso

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa


paligid.
Halimbawa:
Si Ana ay nagwawalis. (tao)

Ang aklat ay makapal. (bagay)

Presko ang hangin sa bukid. (lugar)

Pagyamanin
Gawain A
Pagtambalin ang pangngalang pambalana na nasa Hanay A sa pangngalang

pantangi na nasa Hanay B.

A B

ina Didas Shoe

kainan Jullibee Carenderia

sapatos Aling Nena

simbahan Davao del Norte

probinsiya San Pedro Cathedral

Gawain B

Iguhit ang bilog ( ) sa kahon kung ang pangngalang tinutukoy ay pambalana


at bituin ( ) naman kung ito ay pantangi.
bunso

Pilipinas

paaralan

Farmer’s Market

Bb. Emely R. Santos

Isaisip

Punan ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap.

1. Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng


________________, __________________, ________________,
__________________, at ___________________.

2. Ang dalawang uri ng pangngalan ay __________________, at


__________________.

3. Ang tawag sa tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar,


at pangyayari ay __________________.

4. Ang tawag sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at


pangyayari ay __________________.

5. Nagagamit ang __________________ sa pagsasalaysay tungkol sa tao,


lugar, at bagay sa paligid.
Isagawa
Gamitin ang sumusunod na larawan upang makasulat ng isang
pangungusap.

1. __________________________________

__________________________________

2. __________________________________

__________________________________

3.
__________________________________

__________________________________

4. __________________________________

__________________________________

5.
__________________________________

__________________________________
Tayahin
Tingnan mo ang mga larawan sa bawat bilang. Isulat ang letra sa patlang
at pumili ng sagot sa kahon.

A. matalinong guro C. malinis na parke

B. malaking gitara D. malambot na unan


E. naghahabulan na mga bata

___________ 1.

___________ 2.

___________ 3.

___________ 4.

___________ 5.
Pumili ng limang pangngalan mula sa listahan. Gamitin ang mga ito sa pangungusap na
magsasabi ng iyong sariling karanasan.

kuya aklat palengke

simbahan nanay Araw ng Barangay

1. ______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

______________________________________________________________

4. ______________________________________________________________

______________________________________________________________

5. ______________________________________________________________
______________________________________________________________

Subukin
Kilalanin ang mga taong tinutukoy sa bawat bilang batay sa iyong naunang
kaalaman o karanasan sa pamilya.
Piliin mula sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

ate ama ina kuya bunso

__________ 1. Masayahing bata si Lito. Ginagawa niya ang pagtulong sa kaniyang


ama nang may ngiti sa kaniyang labi.
__________2. Si Mar ay masunuring bata. Sinusunod niya ang
mga payo at utos ng kaniyang magulang at nakatatandang kapatid.
__________3. Si Mara ay masipag na bata. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay tulad
ng pagluluto, paglalaba at pag-aalaga ng bunsong kapatid.
_________ 4. Si Mang Lino ang haligi ng tahanan.
Naghahanapbuhay siya upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.
__________5. Si Aling Nita ang ilaw ng tahanan. Siya ay nangangasiwa sa mga gawain
upang maging maayos at magkakaintindihan ang buong pamilya.

Paggamit ng Naunang
Kaalaman o Karanasan sa
Aralin 2 Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto

Balikan
Punan mo ng wastong pangngalan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra
ng iyong sagot.
1. Si Bb. Helen Cruz ay isang __________ na nagtuturo sa paaralan.

a. karpintero b. upuan c. guro


2. Pumunta si nanay sa __________________.
a. baso
b. palengke
c. Aling Nina
3. Mabait si _________________ sa kaniyang kaklase.
a. aso b. Berto c. rosas
4. Presko ang hangin sa _________________.
a. unan b. bukid c. palengke
5. Mabango ang _________________ na sampaguita.
a. pabango b. bulaklak c. simbahan

Pagyamanin
Gawain A
Sa tulong ng nakatatanda sa iyo, pakinggan mo ang tekstong kaniyang babasahin sa
pahina 12 at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang titik ng iyong sagot.

1. Ano ang CoVid-19 batay sa tekstong napakinggan?


a. masamang kaaway
b. simpleng karamdaman
c. nakahahawang karamdaman
2. Sino-sino ang maaaring mahawahan nito?
a. mga bata
b. mga matatanda
c. mga bata at matatanda
3. Ano ang nabanggit sa teksto na dapat gawin upang maiwasan ang CoVid-19?
a. lumabas ng bahay
b. manatili sa loob ng bahay
c. makipaglaro sa mga kaibigan
4. Bakit kailangang manatili sa loob ng inyong bahay ayon sa tekstong napakinggan?
Upang ______________.
a. magkaroon ng panahon sa pamilya.
b. maging maayos at malinis ang loob ng bahay.
c. maging ligtas at hindi mahawahan ng sakit na CoVid-19.
5. Sa palagay mo, ano pa ang maaaring gawin upang maiwasan ang CoVid-19?
a. Palaging maghugas ng kamay.
b. Makipagkamay sa mga kaibigan.
c. Makisalamuha sa ibang mga tao.
Gawain B
Pagtambalin ang mga hakbang sa pag-iwas sa CoVid-19 na nasa Hanay A sa
mga larawang nasa Banay B. Isulat ang titik ng iyong sagot.

A B

1. Iwasan ang matataong lugar.


a.

2. Magsuot ng protective face mask.


b.

3. Hugasan ng palagi ang mga kamay.


c.

4. Panatilihin ang isang metrong distansiya sa d.


kapuwa-tao.

5. Takpan ang bibig kapag umuubo


at bumabahing. e.

Isaisip

Punan ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan.

Nalaman kong magagamit


ang mga naunang
______________ at ______________
ko upang mas madali kong
maunawaan ang tekstong
aking napakinggan.
Isagawa

CoVid-19
Sinulat ni: Helen A. Bustamante

CoVid 19 ang kaniyang pangalan


Isang nakahahawang karamdaman
Sa pag-ubo at pagbahing na paraan Kaya lahat siya ay iniiwasan.
.

Alagad ng kalusugan ay gumawa ng hakbang


Pagpapanatili sa loob ng bahay ay ipinaalam
Upang mga tao’y ligtas at hindi mahawahan
Nang sa gayon, CoVid-19 mawala nang tuluyan.

Pangarap ni Raprap
Sinulat ni: Helen A. Bustamante

Isa si Raprap sa mga mag-aaral na nasa ikatlong baitang. Matalino siyang bata.
Iyan ang napapansin ni Gng. Lorna Santos na kaniyang tagapayo. Tuwing tanghali,
may inilalaan siyang oras para turuan niyang magbasa ang kaniyang kaklase na si
Gab. “Ginang Santos, maaari po bang humiram ng pinapabasa mong aklat kay
Gab,” ang sabi ni Raprap sabay akbay kay Gab papalabas ng silid aralan.
Isang hapon, bago mag- uwian, “Rap, natutuwa akong tinuturuan mong
magbasa si Gab”, sambit ni Ginang Santos. “Gusto ko po kasi kayong tulungan
upang matutong bumasa si Gab at pangarap ko pong paglaki ko ay magiging
katulad mo po ma’am, isang guro”, sagot ni Raprap. Masaya at napaluha ang guro
sa kaniyang narinig. Mula noon, si Raprap ay tinaguriang little teacher sa kanilang
klase.

Karagdagang Gawain
Pakinggan ang tekstong babasahin ng iyong kapamilya sa pahina 13 o i-play ang
naka-record na tekstong binasa ng guro. Pagkatapos ay isagawa ang gawaing nasa
ibaba.
Punan ang patlang ng bawat bilang upang mabuo ang pangungusap batay sa
napakinggang teksto.
1. Si Raprap ay isang batang __________.
2. Tinuturuan ni Raprap si _________ na bumasa.
3. Ang pangarap niya ay magiging isang __________.
4. Tinaguriang ___________ si Raprap dahil sa kaniyang magandang ginawa.
5. Natutuwa ang guro niyang si __________ sa ipinakita ng kaniyang mag-aaral.

Subukin
Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Bilugan ang letra ng iyong napiling sagot.
Ang Piknik sa Energy Park
Isinulat ni: Cristy S. Agudera

Nagsisimba ang pamilya ni G. Rudy Mercado tuwing Linggo.


Pagkatapos magsimba, nagpipiknik silang mag-anak sa Energy Park. Sama-
sama silang kumakain sa parke sa inihandang pagkain ni Nanay Alma tulad ng
adobong manok, sinigang na hipon na may gulay, inihaw na bangus at mga
prutas. Nagdarasal muna sila bago kumain.

Matapos kumain ay
nagpapalipad ng saranggola sina Jef
at Jec sa malawak na parke. Si Kris
naman ay aliw na aliw sa duyan.
Abala naman ang kanilang nanay sa
paghahanda ng meryenda nila.
Masayang-masaya ang mag-anak.

1. Saan naganap ang kuwento?

a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke


2. Kailan namamasyal ang mag-anak?
a. Araw ng Lunes b. Araw ng Linggo c. Araw ng Sabado
3. Batay sa pangungusap na may salungguhit sa kuwento, ano ang ibig sabihin
ng nagpipiknik?
a. kumakain sa parke
b. sumasakay sa duyan
c. nagpapalipad ng saranggola
4. Sa iyong palagay, bakit namasyal ang mag-anak?
a. dahil wala silang magawa sa bahay
b. sapagkat marami silang perang panggastos
c. upang maglaan ng oras at panahon sa pamilya
5. Mahalaga bang maglaan ng panahon para sa pamilya?
a. Hindi, dahil dagdag gastusin lang ito.
b. Oo, upang malimutan ang isa’t isa.
c. Oo, upang maging mas matibay ang pagsasamahan.

Aralin Pagsagot sa Tanong tungkol sa


Kuwento,
3 Usapan, Balita at Tula

Balikan
Basahin ang maikling kuwento.
Ang Saranggola
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Araw ng Sabado noon at maagang nagising si Isko dahil gusto niyang


maglaro kasama ang kaniyang mga kaibigan. Napansin ni Isko na malakas ang
hangin sa labas kaya naisipan niyang magpalipad ng saranggola. Tinawag niya
ang kaniyang mga kaibigan at dali-daling nagpunta sa burol.
Masayang nagpalipad ng saranggola si Isko at kaniyang mga kaibigan
ng biglang sumabit sa puno ang saranggola ni Isko. Sa tulong ng mga kaibigan,
inakyat nila ang puno at kinuha ang saranggola ni Isko. Masaya si Isko dahil
bukod sa nakapagpalipad siya ng saranggola, nakatagpo rin siya nang
mabubuting kaibigan.
Pagtambalin ang mga tanong sa Hanay A sa wastong sagot nito na nasa
Hanay B.

A B
1. Sino ang bata sa kuwento? a. Isko

2. Kailan pumunta sa burol si Isko? b. sa burol


3. Bakit maagang gumising si Isko? c. araw ng Sabado
4. Ano ang gagawin ni Isko sa burol? d. dahil eksayted siyang
maglaro
5. Saan pumunta sina Isko at
kaniyang kaibigan? e. magpalipad ng
saranggola

Tuklasin
Basahin ang usapan.
Gintong Paalala
Isinulat ni Airene S. Hinay

Hapon ng alas-tres noon nang nagkuwentuhan ang maganak sa sala


habang nanonood ng palabas sa telebisyon.
Nanay: O ikaw anak, dapat gayahin mo ang pag-uugali ng bida sa
palabas. Masipag mag-aral upang makamit mo ang mga
pangarap mo sa buhay.

Tatay: Oo nga anak. Lagi kang mag-aral ng mga leksiyon mo sa klase


upang makakuha ka ng mataas na marka. Ang sipag at tiyaga
sa pag-aaral ang magiging susi mo sa pagkamit ng iyong mga
pangarap.

Boboy: Opo ‘nay at ‘tay. Tatandaan ko po ang inyong


mga paalala. Mag-aaral po ako nang mabuti para sa inyo at para
sa mga pangarap ko.

Sagutin ang sumusunod na tanong at bilugan ang letra ng iyong sagot.


1. Ano ang ginawa ng mag-anak habang nanonood ng palabas sa telebisyon?
a. kumakain b. nagkukuwentuhan c. naglilinis
2. Sino ang sinabihan ng mga gintong paalala?
a. Nanay b. tatay c. Boboy

3. Saan nagkukuwentuhan ang mag-anak?


a. sa sala b. sa kusina c. sa kuwarto
4. Sa iyong palagay, bakit sinabi iyon ng nanay at tatay?
a. sapagkat nakakalimutan ito ni Boboy
b. dahil gusto nilang magtagumpay sa buhay si Boboy
c. upang hindi makamit ni Boboy ang kanyang mga
pangarap
5. Mahalaga ba ang pag-aaral upang makamit mo ang iyong pangarap? Bakit?
a. Oo, upang mas lamang ka sa kapuwa mo.
b. Hindi, dahil dagdag gastusin lang kay nanay at tatay.
c. Oo, dahil mas maganda ang uri ng trabaho pag may pinagaralan ka.

Suriin
Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento at usapan, mahalagang
maunawaan mo ang bawat pangyayari na naganap dito.

Mahalagang malaman mo kung ano ang tinutukoy ng mga bawat salitang pananong.

Mga Salitang Pananong

1. Ano – tumutukoy sa bagay, hayop at pangyayari

sapatos pusa

nagpapalipad ng saranggola

2. Sino – tumutukoy sa pangalan ng tao

Nanay Tatay bata

3. Saan – tumutukoy sa lugar

sa hardin sa paaralan

4. Kailan –tumutukoy sa oras o panahon.


Araw ng Lunes

Ikalawa ng Mayo

umaga
gabi
5. Bakit – tumutukoy sa dahilan.
Nakakuha ng mataas na marka si Eva
dahil nag-aaral siya nang mabuti.

Pagyamanin
Gawain A
Basahin ang usapan sa ibaba at mula rito sagutin mo ang mga sumusunod na
tanong. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

Tagubilin
Isinulat ni: Jaycel D. Suganob

Ang kagandahan ko ay tila paraiso,


Ngunit bata at matanda ay inaabuso ako,
Punongkahoy pananggalang sa malakas na bagyo, Pinutol at ginawang troso.

Ang aking hiling huwag akong abusuhin,


Kapaligiran ko sana ay laging linisin,
Mga basurang nagkalat dapat ating pulutin, At huwag itapon sa dagat
na irog natin.

Pangangalaga sa kapaligiran ay laging tandaan,


Panatilihin ninyo ang taglay kong kagandahan,
Dahil ito ay nagsisilbing likas na kayamanan,
Na maipagmamalaki sa mga dayuhan at kaninuman.

1. Ano ang pamagat ng tulang iyong napakinggan?


a. Tagubilin
b. Panawagan
c. Pangangalaga sa kapaligiran
2. Sino-sino ang umaabuso sa kapaligiran?
a. mga hayop
b. mga halaman
c. bata at matanda
3. Saan nagkalat ang mga basura?
a. karagatan
b. kapaligiran
c. kabahayan
4. Sa iyong palagay, kailan dapat pangalagaan ang kapaligiran?
a. bawat oras
b. tuwing hapon
c. tuwing umaga
5. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapaligiran?
a. dahil ito ay tirahan lamang ng mga hayop.
b. upang maging madumi ang hangin at madaming tao ang magkasakit.
c. para may masilayan at mapakinabangan pa ang susunod na henerasyon.

Isaisip
Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
ipinapahayag nitong diwa.

Masasagot ang mga tanong sa kuwento at usapan kapag naintindihan ang mga
pangyayari nito. Ang mga tanong ay madaling masasagot kung alam mo ang tinutukoy ng
bawat salitang pananong tulad ng; (1) __________, (2)__________, (3)__________,
(4)__________, at (5)__________.

Isagawa
Basahin mo ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Bilugan
ang letra ng iyong sagot.

Araw ng Barangay
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Bata at matanda ay may kani-kaniyang gawain sa pagdiriwang ng Araw ng


Barangay. Lahat ay abala sa kanilang mga gawain. Ang mga kababaihan ang nag-aayos ng
mga palamuting bulaklak sa entablado para sa gagawing programa. Ang mga kalalakihan
naman ang nakatoka sa pagkabit ng mga banderitas.
Abala ang mga kabataan sa pag-eensayo ng sayaw para sa paligsahan, Kami
naman ay tumutulong sa paglilinis ng aming mga tahanan.

1. Tungkol saan ang kuwento?


a. Araw ng Bayan
b. Araw ng Barangay
c. Araw ng Lalawigan

2. Sino ang nag-ayos ng mga bulaklak sa entablado?


a. kabataan b. kalalakihan c. kababaihan

3. Saan naganap ang kuwento?


a. sa bayan b. sa paaralan c. sa barangay

4. Paano ka makatutulong sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay?


a. maghihintay na tawagin
b. maglilinis ng paligid nang hindi inuutusan
c. magpapabayad sa pagsasabit ng banderitas at palamuti

5. Bakit mahalagang magtulungan sa bawat gawain?


a. upang madaling matapos ang mga gawain
b. para maabutan pa ng bukas ang mga gawain
c. upang maging magulo ang paggawa ng mga gawain
Paggamit ng mga Bahagi ng
Aralin 4 Aklat sa Pagkuha ng
Impormasyon
Balikan
Basahin at intindihin mo ang tula sa ibaba. Pumili ng sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa sagutang papel.
Buwan Aking Kaibigan ni: Jessa Mae R.
Pendon

Hindi ko ramdam ang dilim


Kapag sayo’y nakatingin
Ika’y lumilipad sa hangin Maningning pa sa akin

Buwan aking kaibigan


Tayo’y tumalon sa kagalakan
Ako’y napapaawit at napapaindak Habang tuloy sa pagpadyak
1. Ano ang pamagat ng tulang binasa?
a. Mapalad na Buwan
b. Buwan Aking Kaibigan
c. Magandang Buwan sa Langit

2. Sino ang kaibigan na tinutukoy sa tula?


a. ulap
b. langit
c. buwan

3. Ayon sa tulang binasa, saan lumilipad ang buwan?


a. dilim
b. hangin
c. alapaap

4. Ano-ano ang kanyang ginagawa sa ilalim ng buwan?


a. nagdarasal at umaawit
b. napapaawit at napapaindak
c. napapatalon at napapagiling
5. Bakit mahalaga ang buwan sa tulang binasa?
a. dahil ito ay nagsisilbing ilaw sa madilim na paligid.
b. upang maging madilim ang gabi at walang makita sa paligid.
c. para maging maganda ang kapaligiran na ginawa ng ating May-kapal.
Tuklasin
Kulayan ang mga salitang bahagi ng aklat na iyong mababasa sa loob ng word search
puzzle.
Mga Salita:
1. pahina ng pamagat 6. Katawan ng aklat
2. glosari 7. Karapatang ng aklat
3. talaan ng nilalaman 8. bibilograpi
4. pabalat 9. Paunang salita
5. indeks
K B U Y T R E W S F G T K K F
A C P A B A L A T D G A B A V
T P C R L K J T R Q W L S R F
A A H I N A N G Q P R A G A T
W U X E R T Y I O P K A B P M
A N D F G H J K L Z X N R A Y
N A R W Q Y U I P K L N D T R
N N O G L O S A R I K G H A E
G G D F H W H J H B C N S N S
A S O N S B F G M H J I K G J
K A H A B V H J U Y T L B A M
L L N T Y U L O I P B A J R G
A I S D F G H J K L P L A I D
T T D I N D E K S Q M A K K E
A A I O P K G H J K L M G L K
P A H I N A N G P A M A G A T
B I B L I O G R A P I N R J T
Ang aklat ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi. Ito ay ang pabalat, pahina ng pamagat,
pahina ng karapatang-sipi, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat,
bibliograpi, glosari at indeks.

Ang pabalat ang pinakaharapan ng aklat,


nagbibigay proteksyon sa aklat upang hindi
madaling masira. Makikita rito ang pamagat ng
aklat. May matingkad na larawan upang
makatawag pansin sa mambabasa.
Sa pahina ng pamagat nakalagay ang pangalan ng aklat at pangalan ng may akda.

Sa karapatang-ari makikita ang taon kung saan at kalian nilimbag ang aklat.

Sa paunang salita nakasaad ang mensahe ng may-akda para sa kaniyang mambabasa.


Nakalagay rin dito ang mga kapakipakinabang na dulot ng aklat sa mga gagamit nito.
Sa talaan ng nilalaman
makikita ang
listahan ng mga pak
sang
tatalakayin sa aklat.

Angkatawan ng aklat
ang
pinakamahalagang bahagi ng
aklat. Dito mababasa ang nilalaman
o paksa ng aklat.
Talahulugan o glosari malalaman ang kahulugan ng
mga mahihirap na Salita na ginamit sa aklat
Nakaayos ang mga ito ng paalpabeto, para madaling makita
ng nagbabasa ang salita.

Sa bibliograpi nakatala ang pangalan ng manunulat at aklat


na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang
impormasyon.

Sa indeks makikita ang talaan ng mga paksang nakaayos nang


paalpabeto at pahina kung saan ito matatagpuan.
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang pangalan ng bahagi ng aklat.

a. Talaan ng Nilalaman d. Indeks


b. Karapatang-ari e. Pabalat
c. Katawan ng Aklat f. Talahulugan

1.

2.
3.

4.

5.
6.

Pagsasanay 2

Suriin ang mga larawan at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang magiging pamagat ng aklat kung titingnan ang larawan na nasa ibaba?
_________________________

Isinulat ni: Juan dela Cruz

a. Ang Mga Bituin


b. Malawak na Dagat
c. Pamumuhay sa Bukirin

2. Ano ang paksa ng aklat kung titingnan ang talaan ng nilalaman?

Talaan ng Nilalaman

Yunit 1- Mga Hayop

Aralin 1- Mga Uri ng Hayop................. 1


Aralin 2 – Tirahan ng mga Hayop........ 5

Aralin 3- Mga Kilos ng mga Hayop.... 10

a. bagay b. hayop c. pagkain

3. Anong bahagi ng aklat ang nasa ibaba?

a. Indeks b. Pabalat c. Karapatang-sipi

1. Sa pagitan ng anong pahina mababasa ang paksa tungkol sa mga bayani?


a. pahina 45-48 b. pahina 60-65 c. pahina 11-19

Indeks
A Araw..........................
. 60-65
Aso............................. 23-29
B 45-48
Bahay........................ p
Bayani....................... 11-19

Subukin
Gawain 1
Isulat sa loob ng kahon ang mga salita ayon sa hinihinging bilang ng mga pantig. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

masagana elepante dalanghita sapatos kabayo


bandila mansanas telepono bayani sampaguita
Tatlong Pantig Apat na Pantig
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Gawain 2
Piliin ang salitang hiram na makikita sa bawat pangungusap.
1. Nakatutuwa ang mga hayop sa loob ng zoo.
2. Sumakay kami sa jeepney papuntang lungsod.
3. Ang lalaki ay magaling tumugtog ng xylophone.
4. Nasira ang zipper ng pantalon ng batang babae.
5. Bago ang mga bag ng mga mag-aaral tuwing unang araw ng pasukan.

Aralin

5 Pantig at Salitang Hiram

Balikan

Basahin mo ang mga tanong. Piliin at isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.
1. Sa bahagi ng aklat, saan makikita ang mga paksa at araling nilalaman?
a. pabalat B. paunang salita C. katawan ng aklat

2. Ano ang tamang pagpapantig ng salitang pabalat?


a. pab-lat B. pa-ba-lat C. pa-bal-at

3. Ilang pantig meron ang salitang glosari?


a. dalawa B. tatlo C. apat

4. Alin sa sumusunod ang salitang hiram?


a. indeks B. bibliography C. karapatang-ari

5. Makikita sa index ang talaan ng mga paksang nakaayos nang pa-alpabeto. Piliin ang
salitang hiram.
a. index B. talaan C. pa-alpabeto
Tuklasin

Basahin mo nang mabuti ang teksto sa ibaba.

Ang mga Tao sa Panahon ng COVID-19

Milyon-milyong mga tao sa buong mundo ang hindi makapaniwala sa epekto ng


nakahahawang sakit na
tinatawag na Coronavirus disease of 2019 o COVID-19. Limitado
ang paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan. May ilang negosyo o trabaho na
kailangan munang ipatigil upang
masugpo ang pagkalat ng nasabing virus.
Hindi mababayaran ang mga hirap at sakripisyo ng mga frontliners upang malabanan at
mailigtas ang mga tao mula sa
pandemyang ito.
Naging malaking tulong ang social media upang magkamustahan ang mga tao at maibsan
ang takot at
kalungkutan na nadarama. Gawain 1

Magtala ka ng limang salita na may tatlong pantig mula sa teksto. Isulat ang iyong
sagot sa papel.

Halimbawa: epekto e-pek-to

1. _____________________ 4. ______________________

2. _____________________ 5. ______________________

3.______________________

Gawain 2
Kopyahin ang mga pangungusap sa iyong kuwaderno.
Salungguhitan ang salitang hiram na ginamit sa bawat pahayag.

1. Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na maaaring ikamatay ng isang tao.


2. Ugaliing maghugas ng kamay upang matanggal ang nakakapit na virus.
3. Ang social media ay makakatulong sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
4. Ang mga frontliners ay ang ating mga makabagong bayani.
5. Kapag aalis ng bahay, kinakailangan magdala ng quarantine pass.

Suriin
Ang pantig ay paraan ng paghahati-hati ng salita sa mga pantig. Ilan sa mga halimbawa
nito ay:
la-la-ki pag-ka-in ba-ba-e
trans-por-tas-yon

Ang salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas sa wikang Filipino kung kaya
ang mga ito ay tanggap ng gamitin sa pakikipag-usap.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga salitang nasa ibaba.

Coronavirus disease cinema

zoo xylophone

virus frontliners

zipper supermarket

jeepney quarantine pass

Pagyamanin
Gawain 1
Lagyan mo ng tsek ( ) ang bilog na naglalaman ng tamang bilang ng pantig sa bawat
salita. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

Halimbawa: te-le-bis-yon 1 22 3 4

Bilang ng pantig

1 2 3 4

1 2 3 4
1. ku-si-na 1 2 3 4
4. ba-ya-ni-han
2. sa-la-min 1 2
5. ma-ma-ma-yan
3. ma-si-pag 1 2 3 4

Gawain 2
Kopyahin mo ang talata sa iyong kuwaderno. Punan ng wastong salita ang bawat
patlang. Pillin ang sagot sa kahon.
supermarket COVID-19 jeepney frontliners grocery
Ang _____________ ay isang napakadelikadong sakit na ating kinakaharap ngayon.
Lubos tayong nagpapasalamat sa mga ____________ na nagsakripisyo para matulungan
tayong labanan ang pandemyang ito.

Kaya pinapayuhan tayong lahat na mag ingat ng mabuti kapag tayo ay aalis ng bahay.
Tuwing sasakay tayo ng
_________ugaliin na magsuot ng mask. Kapag pupunta naman sa
____________upang mag ___________ ng ating mga pangangailangan mainam na sundin
ang isang metrong layo upang mapanatili ang social distancing.

Gawain 1
Kopyahin sa iyong kuwaderno ang mga salita sa loob ng kahon. Pagkatapos ay bilugan
ang salitang may tatlong pantig.

1. ba-ta ma-gu-lang pa-a-ra-lan

ak-lat na-nay bu-lak-lak


2.
3
wa-lis sa-nga wa-ta-wat

4.
ga-mot ba-su-ra ma-ma-ma-yan

5. ba-to sa-li-ta pa-a-ra-lan

Gawain 2
Kopyahin ang talahanayan sa iyong kuwaderno at bilugan ang salitang hiram.
1 bag lapis damit
2 sakit virus mikrobyo
3 papeles pandemya quarantine pass
4 tulong serbisyo frontliners
5 radio telebisyon social media

Tayahin
Gawain 1
Isulat ang bilang ng mga pantig ng salita sa sagutang papel.
Salita Pagpapantig Bilang
bayani ba-ya-ni
masipag ma-si-pag
paaralan pa-a-ra-lan
masayahin ma-sa-ya-hin
mapagmahal ma-pag-ma-hal

Nakikilala mo ba ang mga hanapbuhay ng mga tao sa


Aralin 7 komunidad? Ito ang mga pinapangarap ng mga batang
katulad mo. Sipiin ang wastong baybay.

1. Si Liza ay gustong maging isang


(manggagamot, mangangamot)
___________________________
___________________________
___________________________

2. Si Lino ay gustong maging isang


(mangingisda, mangisda)
__________________________
__________________________
__________________________

3. Si Ericka ay gustong maging isang


(inhenro, inhenyero)
__________________________
__________________________
__________________________

4. Si Joey ay gustong maging isang ( magassaka, magsasaka)


__________________________
__________________________
__________________________

5. Si Dexter ay gustong maging isang (karpintro, karpentero)


__________________________
__________________________
__________________________

Balikan
Kilalanin ang mga nasa larawan. Isulat ang nawawalang pantig.

bom- -ro kar-pen- -ro


_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
1. _____________________ 2. _____________________
Tin- -ra Mag- -sa-ka

_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
3. _____________________ 4. _____________________

Subukin
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng sumusunod na salita. Isulat mo ito sa iyong
sagutang papel.
maganda matibay matulin maligaya marunong

1. marikit __________________

2. mabilis __________________

3. masaya __________________

4. matalino __________________

5. matatag __________________

Aralin
Diksyunaryo
8
Balikan
Kopyahin mo ito sa iyong kuwaderno at kulayan ng dilaw ang kahon ng mga salitang
may tamang baybay.
tsike tseke tsiki

orihinal orehinal orihenal

tiknikal teknikal teknekal

kolehiyo koleheyo kolehiyu

eskwelahan eskwilahan eskuwilahan

Tuklasin
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang nasa mini-diksyunaryo at isulat
ang tamang sagot sa patlang katapat ng bilang. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

alagaan lungkot tagumpay bayan matatag

sandigan

Mini – Diksiyunaryo

________________________ 1. arugain, kalinga


________________________ 2. malakas, matibay
________________________ 3. panalo, nagwagi
________________________ 4. pighati, lumbay
________________________ 5. pundasyon, batayan
Suriin

Ang diksyunaryo ay isang aklat na binubuo ng mga salita ng isang wika na isinasaayos nang
paalpabeto (A hanggang Z, na may mga paliwanag, pagpapakahulugan o pagbibigay ng
katuturan.

Pagyamanin
A. Pagsunod-sunurin ang mga salita nang paalpabeto. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang.
Isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

1. _______ agham 2. ______ pagong


_______ apoy ______ suklay
_______ abaniko ______ kawali
_______ ahas ______ manika
_______ anim ______ medyas

3. _______ baka
_______ bulaklak
_______ bintana
_______ baso
_______ buhay

4. ________ langis
________ sapatos
________ bata
________ daga
________ gunting

5. _______ pagong
_______ pugad
_______ puno
_______ pinya
_______ papaya

Subukin
Gawain ng magulang/guro: (Gabayan ang bata sa pagsagot)

Panuto: Piliin mo ang salita na maaring ipalit sa ngalan ng tao na may salungguhit sa bawat
bilang. Isulat mo ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Si Nena at Totoy ay laging naghuhugas ng kanilang mga kamay.


a. Sila b. Ako c. Kayo d. Tayo

2. Si Kuya Orlan, Ate Mila at Ako ay nakikinig ng balita tuwing umaga.


a. Tayo b. Kami c. Ako d. Sila

3. Ikaw at ang iyong kapatid ba ay kumakain ng gulay?


a. Sila b. Tayo c. Kayo d. Ako

4. Si Ate ay isang magaling na nars.


a. Tayo b. Siya c. Kayo d. Ako

5. Ako, Ikaw at ang mga tao ay kailangang manatili sa ating mga tahanan.
a. Tayo b. Siya c. Kayo d. Ako

Aralin Mga Salitang Pamalit

9
sa Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, Siya, Tayo,
Kayo, Sila)

Magandang buhay! Tara na at ating lakbayin ang mundo ng mga Panghalip Panao.
Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang Ako, Ikaw, Siya, Sila, Tayo, at Kayo? Nagamit mo na ba
ang mga salitang ito? Alam mo ba ang tawag sa kanila? Kung Oo ang iyong sagot,
Magaling! Ngunit kung Hindi naman ay atin itong pag-aaralan.

Sa araling ito, lalo mo pang matututuhan ang tamang paggamit ng mga salitang
nabanggit at kung paano mo sila gagamitin sa pang araw-araw mong buhay. Handa ka na
bang matutuhan ang mga ito? Halika na’t ituloy natin ang ating pagbasa.

Balikan
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Piliin mo ang wastong panghalip panao para sa bawat pangungusap. Gamitin mo
ang larawan bilang batayan ng taong nagsasalita. Isulat mo ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel

1. (Ako, Ikaw, Siya) ang iyong bagong kapitbahay.


2. (Sila, Siya, Kami) ang aming guro sa Filipino.

3. (Siya, Kayo, Ikaw) ang masipag at matulunging


Kapitan ng aming barangay.

4.
(Ikaw, Tayo, Sila) ba ang gumawa ng iyong
saranggola?
(Ikaw, Sila, Kayo) ang mga nag-aalaga sa mga
taong may sakit.

Tuklasin
Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang mga pangungusap at ipagawa ang mga pagsasanay sa mag-aaral.)
Panuto: Punan mo ng wastong Panghalip panao ang bawat patlang upang mabuo ang
pangungusap. Piliin mo ang angkop na panghalip panao sa loob ng panaklong.
Isulat mo ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Matalinong bata si Franco.


________ (Ako, Siya, Tayo) ay masipag mag-aral.
2. Tumutulong sa gawaing bahay sina Marie at Nariz.
________ (Ako, Kami, Sila) ay matulungin.
3. Ako at ang aking mga kapatid ay kumakain ng masusustansyang pagkain.
________ (Tayo, Kami, Ikaw) ay malulusog.
4. Ikaw at ako ang katulong ni nanay sa mga gawain.
________ (Sila, Kami, Tayo) ay masipag.
5. Si Lorine ay masiyahing bata.
________ (Siya, Sila, Tayo) ay lagi tumatawa.

Pagyamanin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Punan mo ng wastong Panghalip panao ang patlang ayon sa ipinapakita sa larawan.
(Ako, Tayo, Ikaw, Kayo, Siya Sila). Isulat mo ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1.

2.

3.

4.
5.

Isaisip

Kumusta ang iyong paglalakbay kaibigan? Natutuwa ako at nakaabot ka sa bahaging


ito. Alam kong kayangkaya mo pa kaya’t magpatuloy tayo.
Mahalagang malaman natin ang mga salitang maaaring ipalit sa ngalan ng tao.
Ang mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao ay tinatawag na
Panghalip na Panao.
Ang Ako ay panghalip panao na ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong na
nagsasalita. Habang ang Tayo ay ipinapalit kapag kasama ang taong nagsasalita at ngalan
ng kausap.
Ang Ikaw ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng taong
kinakausap. At ang panghalip na Kayo ay ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng taong
kinakausap na higit sa dalawa.
Ang Siya ay ipinapalit para sa ngalan ng isang taong pinag-uusapan. Habang ang Sila
naman ay ipinapalit sa ngalan ng mga taong pinag-uusapan.
Subukin
Piliin mo ang magagalang na pananalita na angkop sa bawat sitwasyon. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

Sitwasyon 1: Isang umaga, nakita mo ang iyong guro na si


Gng. Santos sa parke. Ano ang iyong sasabihin?
a. Magandang umaga po, Gng. Santos.
b. Magandang gabi po, Gng. Santos.
c. Magandang tanghali po, Gng. Santos.

Sitwasyon 2: Dinalaw mo sa probinsiya ang iyong lolo at lola na matagal mo ng hindi


nabibisita.
a. Maraming salamat po lolo at lola.
b. Kumusta po kayo, lolo at lola?
c. Pasensya na po kayo, lolo at lola.

Sitwasyon 3: Gusto mong humiram ng lapis sa iyong kaklase. Ano ang sasabihin
mo?
a.Makikiraan po.
b. Magandang gabi po.
c. Maaari ko bang mahiram ang lapis mo?
Sitwasyon 4: Hindi mo sinasadyang mabasag ang platong hinuhugasan mo.
a. Hindi ko kasalanan!
b. Wala akong pakialam.
c. Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya.

Sitwasyon 5: Binigyan ka ng regalo ng iyong inay at itay sa iyong kaarawan.


a. Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya.
b. Maraming salamat po inay at itay.
c. Magandang gabi po inay at itay.

Aralin
Magagalang na Pananalita na
10 Angkop sa Sitwasyon

Balikan
Kumpletuhin ang tula ukol sa Masayang Pamilya gamit ang panghalip kami, tayo,
kayo at sila.

Masayang Pamilya
Raquel A. Tangga-an

______________ay masaya
______________ng lahat ay masaya.
______________ay masaya?
______________ng lahat ay masayang-masaya
kapag ang pamilya ay sama-sama.

Tuklasin
Basahin at unawain mo ang usapan.
Lunes ng umaga, maagang pumasok si Amy sa paaralan. Binuksan niya ang
pinto ng kanilang silid-aralan at nagsimulang magpunas ng mesa. Sa hindi inaasahan
ay bigla niyang nahulog at nabasag ang plorera sa mesa ng kanyang guro na si Gng.
Elvie Santos.
Amy: “Magandang umaga po Gng. Santos.”

Gng. Santos: “Magandang umaga rin sa iyo Amy.”

Amy: “May gusto po sana akong sabihin sa inyo.”

Gng. Santos: “Ano ang gusto mong sabihin Amy?”


Amy: “Hindi ko po sinasadyang mabasag ang
inyong plorera sa mesa habang naglilinis po
ako, ipagpaumanhin po ninyo Gng. Santos.”

Gng. Santos: “Ang importante ay hindi ka nasugatan at nagsabi ka ng


totoo Amy.”

Amy: “Maraming Salamat po Gng. Santos sa pag- intindi po ninyo.”

Gng. Santos: “Walang anuman Amy.”

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa mga tanong.

1. Ano ang nabasag ni Amy sa loob ng kanilang silid-aralan?


a. baso b. plorera c. salamin
2. Sino ang guro ng batang nabanggit sa usapan?
a. Gng. Cruz b. Gng. Santos c. Gng. Delos Reyes
3. Saan nangyari ang usapan?
a. bahay b. hospital c. paaralan
4. Paano mo babatiin ang iyong guro sa umaga pagdating sa paaralan?
a. “Maraming Salamat po.”
b. “Magandang umaga po.”
c. “Ipagpaumanhin niyo po.”
5. Kung may nagawa kang kasalanan, ano ang dapat mong sabihin?
a. “Maraming Salamat.”
b. “Wala akong pakialam!”
c. “Ipagpaumanhin niyo po ang nagawa kung kasalanan.”

Suriin
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit upang maipakita ang respeto at
paggalang sa kausap. Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung
kailan ito ginagamit.

Sa paghingi ng paumanhin
• “Ipagpaumanhin po ninyo hindi ko po sinasadya.
Kapag nakikipag-usap sa telepono sa iyong kaibigan
• “Hello, magandang umaga. Kumusta ka na?”
Kapag binigyan ka ng regalo ng iyong ninang
• “Maraming salamat po sa ibinigay mong regalo ninang.”

Pagyamanin
Sa gawaing ito, isulat mo sa sagutang papel ang
maaaring maging tugon sa mga magagalang na pananalita na ibinigay
sa usapan.

“Hello,
magandang
umaga,
1. kumusta ka
2.

“Para sa iyo
ang regalong
ito. Ibinigay sa
iyo ng iyong
Tita Ana”.

3.

Anak, maaari mo
bang ihanda ang
mesa para sa
hapunan natin?

“Mag-iingat ka
anak sa lakad
mo.”

4.
“Ikaw ba
ang
nakabasag
nito,
Paulo?”

5.

Isaisip
Magagalang na pananalita sa pagbati
• Magandang umaga
• Magandang hapon
• Magandang gabi
• Maraming salamat
Magagalang na pananalita sa paghingi ng paumanhin  Ipagpaumanhin po
ninyo, hindi ko po sinasadya. Magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa
telepono
• Hello, magandang umaga. Kumusta ka na?

Isagawa
Kulayan ang (masayang mukha ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagiging
magalang. kulayan naman ang (malungkot na mukha) kung hindi.

1. “Ipagpaumanhin niyo po, hindi ko na po uulitin.”


2. “Ayaw ko pong humingi ng tawad sa kanya!”

3. “Maaari po ba akong magtanong?”

4. “Humihingi po ako ng tawad sa aking kasalanan.”

5. “Makikiraan po.”

Subukin
I. Sagutin mo ang sumusunod.
1. Burahin mo ang letrang x at kopyahin sa patlang ang nabuong salita.
x p a x x n x d e x m x y x a

_____________________- ito ay isang epidemyang sakit na nakahahawa at


kumakalat sa isang lugar, mga karatig lugar, buong bansa at sa buong mundo.
Halimbawa:
Coronavirus Disease 2019

2. Si Pedro ay nagmamano sa kaniyang mga magulang. Siya ay isang batang


________________. Anong katangian ang ipinapakita ni Pedro? Ang pagiging
________________.
a. mapitagan b. kapatagan c. masayahin

3. Ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Attorney Harry Roque. Ano


ang daglat ng salitang may salungguhit?
a. Att. b. Atty. c. Atny.
4. Si Heneral Gregorio del Pilar ay isang magiting na bayaning Pilipino. Alin ang
tamang daglat ng salitang Heneral?
a. Hene. b. Henl. c. Hen.
5. Hanapin mo sa puzzle ang mga salitang hiram sa tulong ng mga kahulugan sa
kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel o kuwaderno.

• • nilalaro sa internet • kalye o daan


• manggagamot • tagapagpatupad ng
• tagaplano ng gusali, bahay at batas
kalsada • gamit pantawag o pantext

c e l l p h o n e t t x s
t d v i d e o g a m e j t
r o g p n e n g i n e e r
e c c k e q q q h n c k e
t t r r c q f h h m c q e
p o l i c e x q j w f c t
p r l l c c f f f j j q q

Aralin Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga


Bantas sa Pagsulat ng mga

11 Salitang Natutuhan sa Aralin, Salitang Hiram


at Salitang Dinaglat

Balikan
Isulat nang wasto ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
martes
juan cruz
disyembre
diego zamora
durian avenue
Tuklasin
Sa Panahon ng Pandemya
ni: Aisa Ali
Tumigil ang pag-ikot ng mundo ng mga tao sa pagdating ng pandemyang Coronavirus
Disease (COVID-19). Isa na rito si Mang

Kardo na isang Overseas Filipino Worker (OFW). Masaya siyang umuwi sa Pilipinas upang
makapiling ang kaniyang pamilya.
Pagdating sa bansa ay matapat niyang sinagot ang Health Declaration Card ng Bureau of
Quarantine (BOQ). Sinuri siya gamit ang thermal scanner at nakitang may lagnat siya.
Dinala siya sa isang ospital upang i-quarantine at upang mamonitor ang kaniyang
kalagayan.

Hindi na muna siya pinauwi sa kanilang bahay. Pagkalipas ng tatlong linggo ay

nakauwi na rin si Mang Kardo. Masaya siya nang makita ang kaniyang pamilya.
“Salamat po sa Panginoon, hindi ako nahawaan ng sakit”. Mangiyak -ngiyak na sabi
ni Mang Kardo.

I. Sagutin ang mga tanong tungkol sa teksto.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


__________________________________ 2. Sino ang
pangunahing tauhan?
__________________________________

3. Ano ang pandemyang kumakalat sa kuwento?

II. Basahin mo ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang hiram.

1. Bumili ng toothpaste si Jana sa tindahan.


2. Nagluto ng spaghetti si Ate Donna.
3. Ako ay naglalakad sa Flores Street.
4. Masayang naglalaro ang mga bata ng video game.
5. May libreng gupit ang Carl’s Barbeshop.
III. Pagtambalin mo ang mga salitang may salungguhit sa Hanay A sa dinaglat na
mga salita na nasa Hanay B. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Hanay A
Hanay B

1. Ginang Tan _________ Mt.


2. Binibining Cruz _________
G.
3. Ginoong Paul _________
Bb.
4. Mount Mayon St.
_________
5. Roxas Street Gng.
_________
Suriin
I. Pag-aralan pa nang mabuti ang gamit ng malaki at maliit na letra na
natutuhan sa aralin.

Gamit ng Maliit na Letra Gamit ng Malaking Letra:


hindi tiyak na ngalan ng: tiyak na ngalan ng:
 araw, hayop, lugar, tao,  araw, hayop, lugar, tao,
pangyayari, bagay, buwan, pangyayari, bagay (brand name
aklat, kuwento/awitin/tula o tatak), buwan, pamagat ng
aklat,
pamagat ng
kuwento/awitin/tula

Maliit na Letra sa Hindi Malaking Letra sa


Tiyak na Ngalan Tiyak na Ngalan
araw Sabado
bansa Pilipinas
bayani Jose Rizal
pangulo Pang. Rodrigo R. Duterte
pandemya Coronavirus Disease 2019
buwan Enero
aso German’s Shepherd
bolpen Panda
aklat Mga Pambansang Produkto
kuwento Sa Panahon ng Pandemya

A. Salitang hiram ang tawag sa mga salitang nagmumula sa ibang bansa o salitang
banyaga gaya ng Ingles na ginagamit natin tulad ng helmet, cellphone, dice,
resort, at internet.

B. Salitang dinaglat ang tawag sa mga salitang pinaikli. Ito ay nagsisimula sa


malaking letra kapag idinudugtong sa tiyak na ngalan at nagtatapos sa tuldok. Ito
ay maaaring hiram na salita o salitang Filipino.

Mga Salitang Hiram Dinaglat na Salita Halimbawa


mount Mt. Mt. Taal
street St. Rizal St.
engineer Engr. Engr. Rona Cruz
Mga Salitang
Filipino Dinaglat na Salita Halimbawa
konsehal Kon. Kon. Helen Tan
binibini Bb. Bb. Liza Santos
ginoo G. G. Andy Lim

Pagyamanin

I. Piliin mo ang hinihinging uri ng ngalan sa bawat bilang. Bilugan ang tamang

sagot.
(tiyak na ngalan) 1. lungsod Davao rehiyon
(di- tiyak na 2. tao ngalan) Reyes Amerika

(tiyak na ngalan) 3. guro bata Dindo


(tiyak na ngalan) 4. Pilipinas mapa bansa
(di- tiyak na ngalan) 5. lugar Sulu Mindanao

II. Isulat mo sa sagutang papel ang SH kung Salitang Hiram at H kung Hindi.
__________ 1. lungsod
__________ 2. photocopier
__________ 3. Claire’s Beauty Salon
__________ 4. bundok
__________ 5. Aisa’s Beach Resort

Aralin Pagsulat ng Parirala at


12 Pangungusap
Magandang araw sa iyo!

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


 Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga
salitang natutuhan sa aralin, salitang dinaglat, salitang hiram, parirala,
pangungusap, at talata (F3PU-lg-i-4, F3PU-lld-4, F3PU-llld-
2.6, F3PU-lVd-f-4).

Subukin
Tingnan mo ang bawat larawan at sabihin kung ano ang ginagawa ng bawat isa.
1 2 3

1. Ano ang masasabi mo sa bawat larawan?


a. Gawain sa loob ng bahay
b. Gawain sa loob ng paaralan
c. Gawain sa bahay, paaralan at pamayanan

2. Ano kayang okasyon mayroon sa unang larawan?


a. May parada sa barangay
b. May liga sa isang barangay
c. May kaarawan ang kapitan sa barangay

3. Bakit kailangang makilahok sa paglilinis ng paligid?


a. Upang maging makulay ang paligid
b. Dahil may multa kung hindi ka sasali
c. Upang maging malinis at kaaya-ayang tingnan ang paligid.

Balikan
Kopyahin at punan mo ng letra ang patlang ayon sa larawan.

1. ang ____ata 3. ang mga ____ulay


2. ang _____ama 4. si _____ola Kora

Tuklasin
I. Isulat sa papel o kuwaderno ang angkop na salita upang mabuo ang
parirala o pangungusap.
A. Parirala ang tawag sa lipon ng mga salita na hindi kumpleto ang diwa, nagsisimula sa
maliit na letra at walang bantas.
B. Pangungusap ang tawag sa salita o lipon ng mga salita na kumpleto ang kaisipan,
nagsisimula sa malaking letra at mayroong bantas.
• Ang tuldok ( . ) ay ginagamit na bantas sa pangungusap na pasalaysay.
• Tandang pananong ( ? ) ay ginagamit sa pangungusap na patanong.
• Ang tandang padamdam ay ginagamit sa pangungusap na nagpapahayag ng
matinding bugso ng damdamin.

Pagyamanin
I. Isulat mo sa papel o kuwaderno ang Parirala kung ang pahayag ay parirala at
Pangungusap naman kung ito ay pangungusap.
___________________1. ang mga tao
___________________2. Maraming bata ang naglalaro sa parke.
___________________3. Masayahing bata si Ani.
___________________4. puno ng tao
___________________5. ang guro at ang mga bata
Aralin
Pagsulat ng Talata
13
Balikan
Kompletuhin mo ang pagkakasulat ng pangungusap gamit ang tamang bantas na
nasa loob ng kahon.

. ? !
1. Si Bb. Reyes ang aking guro sa Filipino__
2. Tutulong kami sa mga taong nasalanta ng bagyo __ 3. Sino ang kumuha ng
aking pagkain __
4.
Aray __ Napaso ako ng kandila.
5.
Ito pala ang Mt. Taal __

Tuklasin
Basahin mo ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.
Ang Plano ni Malou
Isinulat ni Aisa Ali

Ipinakita ni Malou sa nanay niya ang listahan ng kaniyang mga gagawin sa araw na walang
pasok.
“Una, gigising po ako sa ikaanim ng umaga. Pangalawa, aayusin ko po ang aking higaan.
Pangatlo, pagkatapos ko pong maligo at mag-ayos ng sarili, mag-aagahan po ako. Pang-apat,
tutulong po ako sa paghuhugas ng pinggan at sa paglilinis po ng bahay. Panghuli, magsasanay po
ako ng cursive writing, ito po ang bilin ng aking guro,” pagbabahagi ni Malou.
“Maganda ang mga plano mo, anak,” ang masayang saad ng nanay ni Malou. “Malaki ang
maitutulong mo sa amin at sa iyong sarili.”

1. Ano ang pamagat ng iyong binasa?


2. Kung ikaw ang bata sa kuwento, ganito rin ba ang gagawin mo?
3. Sa palagay mo, bakit kaya natuwa ang nanay ni Malou?
Suriin
Pag-aralan mo ang nasa loob ng kahon.
Ang kuwentong iyong binasa ay binubuo ng mga talata.
Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o mga pangungusap na
nagpapahayag ng ideya, damdamin o diwa tungkol sa pinag-uusapan o
paksa.
Ang unang salita ng unang pangungusap nito ay

Subukin
Suriin ang mga larawang nasa ibaba. Isulat sa patlang ang tamang panghalip upang
mabuo ang pangungusap.
Ito Iyan Iyon

Ang lapis ko ay bago.


1. ______ ay
matulis na gamit.
Ang lapis ko ay bago.
2. _____ ay matulis na gamit.

Ang lapis ko ay bago.


3. ______ ay matulis na gamit.

Ang bola ay itim.


4. _____ ay bilog.

Ang bola ay itim.


5. _____ ay bilog.

Aralin

14 Gamit ng Ito, Iyan, Iyon


Balikan
Basahin mo ang mga pangungusap at tukuyin ang mga panghalip na pamatlig ang
ginamit at isulat ito sa loob ng puno na nasa ibaba.
1. Akin ang itim na backpack. Iyan ang dadalhin ko sa biyahe.
2. Gusto kong pitasin ang mga manggang iyon sa puno.
3. Ang perang ito na hawak mo ay akin.
4. Paki abot mo nga iyang aklat sa tabi mo.
5. Nakasampay sa labas ang tuwalya. Kunin mo iyon dahil umuulan na.
1.

3.
2.
Mercy: Halika Jeneth at Ruthel, aakyat tayo sa ikalawang palapag dahil bibili
ako ng damit.
Jeneth: Para saan ba ang damit na bago? Ano ba ang4.meron?
Ruthel: Oo nga Mercy, ano ba ang okasyon?
Mercy: Kaarawan ng mama ko bukas. Balak kong regaluhan siya ng damit.
Habang sila ay nasa RTW seksyon…
5.
Ruthel: Ito, Mercy baka gusto mo para sa mama mo?
Jeneth: Hindi iyan bagay sa mama mo Mercy, kasi mukhang
maiksi. Mas bagay iyon na suot ng mannequin na nasa dulo.
Mercy: Oo nga, mas gusto ko iyon, tara puntahan natin. At saka
sinabing,
Mercy: Ito ang bibilhin ko, bagay na bagay kay Mama.
At umuwi ang magkaibigan na bitbit ang bagong damit para sa mama
ni Mercy.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa papel.


1. Sino ang magkakaibigan?
a. Mercy, Ruthel at Jeneth
b. Mercy, Rachel at Jeneth
c. Mercy, Ruthel at Janeth
2. Bakit sila nasa mall?
a. Bibili ng damit para sa mama ni Mercy.
b. Bibili ng damit para sa mama ni Ruthel.
c. Bibili ng damit para sa mama ni Jeneth.
3. Bakit sumama sila Jeneth at Ruthel kay Mercy sa mall?
a. Dahil gusto nilang pumunta sa mall
b. Dahil gusto nilang sila ang pipili ng damit para sa mama niya
c. Dahil kaibigan nila si Mercy at gusto nila itong samahan
4. Anong salita ang ginamit ni Jeneth nang ituro ang damit na nasa malayo.
a. Ito b.Iyan c. Iyon
5. Kung ikaw si Mercy, isasama mo rin ba ang iyong kaibigan kung bibili ka ng regalo?
a. Hindi po, dahil ayaw ko ng may kasama.
b. Hindi po, dahil kaya ko naman pumili ng regalo.
c. Opo, dahil hindi ko alam ang bumili ng damit.
d. Opo, dahil mas marami ang pipili, mas maganda ang magiging regalo.
Suriing mabuti ang mga larawan at isulat sa patlang ang ito, iyan o iyon.

1. Ang ganda ng damit. ________ ang bibilhin ko.

2. Ang ganda ng damit. ________ ang bibilhin ko.


3. Ang ganda ng damit. ________ ang bibilhin ko.

4. Ang ganda ng bulaklak. ________ ang bibilhin ko.

5. Ang ganda ng bulaklak. ________ ang bibilhin ko.


Isaisip

Kailan po ba
ginagamit ang Ginagamit ang
panghalip na panghalip na ito kung
ito? hawak ng nagsasalita
ang bagay na kaniyang
inilalarawan o
binabanggit.

Sa panghalip
na iyan, ano
po ang dapat
tandaan?

Ginagamit ang panghalip na


iyan kung katabi o malapit sa
nagsasalita ang bagay na
kaniyang inilalarawan o
binabanggit.

At kalian naman
ginagamit ang
panghalip na iyon?

Ginagamit ang
panghalip na iyon kung
malayo sa nagsasalita
ang bagay na kaniyang
inilalarawan o
binabanggit.
Aralin

15 Gamit ng Nito, Niyan, Niyon

Alamin

Sa araling ito, inaasahang magagamit mo nang wasto ang panghalip na nito, niyan at
niyon.

Subukin
Punan mo ng nito, niyan, at niyon ang bawat pangungusap.

nito niyan niyon

Maricel: Arlyn, mayroon ka rin bang kopya _____ng awit para sa ensayo natin mamaya
para sa darating na patimpalak?

Arlyn: Naku, wala pa nga, Sige pahingi _________. Salamat.

Maricel: Walang anuman.

Balikan
Basahin ang mga pahayag at itapat ito sa tamang larawan gamit ang pagguhit ng
linya.

Hanay A Hanay B
a
1. Ito ang nabili kong lapis kahapon.

2. Iyan ang bola na ipapahiram ko sa iyo.


b

3. Iyon ang pinakamalaking bahay dito sa aming


lugar. c

4. Iyan ang duryan na ibibigay ko sa iyo.


d

5. Iyon ang pinakamalayong saranggola na


nakikita ko. e

Tuklasin
Basahin ang usapan ng magkakaibigan. Isulat ang nito, niyan at niyon sa patlang.

Bangkang Papel
Matapos ang malakas na ulan, nagkayayaan ang magkakaibigan na maglaro ng
bangkang papel.

Yehey! Ang bilis Oo nga ano? Sana


talaga _____ ng bumilis din ang aking
aking bangka. bangka tulad
_________.

Tingnan ninyo o, mas


magaganda ang Halika! Lapitan natin
kulay _____ kaya lang ang may-ari _____.
mabagal.

Suriin
Ang panghalip na pamatlig na nito, niyan, at niyon ay ginagamit bilang pamalit sa mga
pangngalan na nagsisimula sa ng.

• Ang nito ay ginagamit kapag ang tao, o bagay ay malapit sa nagsasalita.


Hinawakan ko ang dulong bote.
Hinawakan ko ang dulonito.

• Ang niyan ay ginagamit kapag ang tao, o bagay ay malapit sa kinakausap.

Nagluto siyang gulay.


Nagluto siyaniyan.

• Ang niyon ay ginagamit kapag ang tao, o bagay ay malayo sa nag-uusap.

Ang mga bintanang bahay ay bago.


Ang mga bintananiyon ay bago.

Pagyamanin
Gawain1

Salungguhitan ang angkop na panghalip na pamatlig sa loob ng panaklong upang


makabuo ng wastong pangungusap.

1. May nakita si Roy na kalapati sa bubong. Nasaan kaya ang bahay (nito, niyan, niyon)?
2. Ito ang bisiklita ni David. May butas daw ang gulong (nito,niyan, niyon).
3. Kanina ka pa riyan sa sasakyan. Ano ba ang sira ng makina (nito, niyan, niyon)?
4. Paborito ko itong kainin. Pabili ako (nito, niyan, niyon).
5. Nakita mo ba ang kapares (nitong, niyang, niyong) sapatos ko?
Gawain2

Basahin ang mga pangungusap. Isulat kung Tama o Mali ang gamit ng panghalip na
pamatlig.

____ 1. Ikaw ba ang may-ari niyang bola na hawak mo?


____ 2. May inihain akong pansit sa kusina. Gusto mo bang kumain nito?
____ 3. Tinitingnan ni Bb. Imee ang mga larawan sa paskilan. “Sino ang gumawa nito?”,
tanong niya kay Myrna.
____ 4. Luma na ang laruan kong iyon. Ang mga parte niyon ay sirasira na.
____ 5. Manonood ba kayo ng sine sa Sabado? Oo, manonood kami nito.

You might also like