Edukasyon Sa Pagpapakatao 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Dayap National High School – Mabacan Annex

S.Y 2021 – 2022


Unang Markahan
Linggo ng Pagkatuto 1-2 Edukasyon sa Pagpapakatao
7
Pangalan: ___________________________ Petsa: ______________ Iskor: ___________
Baitang & Seksyon: ___________________ Guro: Bb. Rizza Joy S. Esplana

Modyul 1: Pagtukoy at Pagtanggap ng mga Pagbabago sa Sarili


GAWAING PAGSASANAY
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagkilala sa Sarili
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong;
1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagbabagong nararanasan ng katulad mong
nagbibinata o nagdadalaga? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Alin sa mga pisikal na pagbabagong nararanasan mo ang sa palagay mo ay pinakamahirap sa


iyo? Bakit?

3. Bakit itinuturing na ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ang pinaka kumplikado o hindi


madali bilang bahagi ng buhay ng isang tao?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin Natin!


Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra at sagot sa iyong sagutang papel.
____ 1. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nagiging mas malalim ang pakikipag-ugnayan ng
isang kabataan. Dito ay naghahanap na din siya ng makakasama na makakasundo niya sa maraming
bagay. Anong inaasahang kilos at kakayahan nito?
A. Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa bab
B. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.
____ 2. Ang mga sumusunod ay paraan upang malampasa ang mga hamon ng pagbabago na
nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata, MALIBAN sa __________.
A. pagtuklas ng talent C. pagtuklas sa sariling kakayahan
B. pagkakaroon ng tiwala sa sarili D. pagtuklas sa sariling kalakasan at kahinaan
____ 3. Matatamo ang mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa tulong ng ____________.
A. pagmamahal C. pagtitiwala sa kapwa
B. pagbibigay paggalang D. pagbibigay halaga hindi nabubuhay ang tao sa sarili
____ 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili?
A. Hindi natatakot si Daniel sumakay sa mga extreme rides.
B. Si Ana ay palaging nagsasanay upang mas gumaling sa pagkanta.
C. Palaging natatalo sa badminton si Jessie kaya naman sumusuko na siya.
D. Hindi nagpapatlo sa kanyang takot si Julian handa siyang harapin ito.
____ 5. Paano magiging ganap ang iyong pakikipagugnayan?
A. Kung magtatago ka ng lihim sa kanya.
B. Kung magpapakita ng tiwala sa kapwa.
C. Kung handa kang ipakita ang tunay na ikaw.
D. Kung babaguhin mo ang iyong kaibigan ayon sa nais mong maging siya.
____ 6. Ang mga sumusunod ay mga inaasahang kakayahan at kilos ng isang
nagdadalaga/nagbibinata maliban sa;
A. Pagiging isang mabuting kapatid.
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
C. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.
D. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at pamamahala sa mga ito.
____ 7. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay unti-unting nakikilala ng isang kabataan ang
kanyang mga kakayahan, talent at mga hilig. Dahil dito ay sa kolehiyo at ang kanyang nais na
trabaho. Sa anong inaasahang kakayahan at kilos ito nabibilang?
A. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
B. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
C. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting pagpapasya
D. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
____ 8. Bago pumasok si Rose sa paaralan ay makailang ulit siya tumitingin sa salamin upang ayusin
ang kanyang buhok at damit. Nagiging palaayos na siya sa kanyang itsura. Anong inaasahang
kakayahan at kilos ito nabibilang?
A. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
B. Pagkakaroon ng kakayahan na makagawa ng maingat na pagpapasya
C. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
D. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pagmamahal sa mga ito
Dayap National High School – Mabacan Annex
S.Y 2021 – 2022
Unang Markahan
Linggo ng Pagkatuto 1-2 Edukasyon sa Pagpapakatao
7
____ 9. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang’; ano ang ibig sabihin nito?
A. Tayo ay nabubuhay para sa ating kapwa
B. Kailangan natin ang ating kapwa upang tayo ay lumago bilang isnag tao
C. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa
D. Lahat ng nabanggit
____ 10. Bakit mahalag ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata?
A. Para magkaroon ng madaming kaibigan
B. Para mapagtagumpayan ang mga pangarap
C. Para malampasa ang mga hamon sa buhay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagbabago Noon at Ngayon


Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala ang iyong mga katangian noong
ikaw ay ansa gulang na 8 hanggang 11 taon. Sa hanay ng “Ako Ngayon” ay italaga naman ang mga
pagbabagong naganp s aiyo sa kasalukuyan.

AKO NOON sa gulang na 8-11 AKO NGAYON na nasa ika-7 baitang

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pagpapaunlad sa Sarili


Panuto: Isulat ang pagbabago sa iba’t-ibang aspekto sa panahon ng iyong pagdadalaga o pagbibinata.
(Emosyonal o pandamdamin, Intelektwal o pangkaisipan, Sosyal o pakikipag-ugnayan at Moral o
paggawa ng mabuti).

MGA ASPEKTO MGA PAGBABAGO

Emosyonal o Pandamdamin

Intelektwal o Pangkaisipan
Sosyal o Pakikipag-ugnayan

Moral o Paggawa ng Mabuti

Pamantayan sa Paggawa
Orihinalidad 5 puntos
Nilalaman 10 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos
Kabuuan = 15 puntos

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pagninilay sa Sarili


Panuto: Sumulat ng isang pagninilay sa sarili sa tulong ng tanong na iyong sasagutin.
1. Paglalarawan ng mga bagay na natuklasan mo sa iyong sarili.
Halimbawa, pagtanggi sa di mabuting gawain ng iyong kaibigan o barkada,
2. Paano ito makatutulong sa iyo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

Lagyan ng iyong larawan o

gumuhit ng larawan

(kung ikaw ay

nagdadalaga ang

iguguhit ay babae, kung

ikaw ay nagbibinata ang

iguguhit ay lalaki naman)

Pamantayan sa Paggawa
Orihinalidad 5 puntos
5 puntos
Nilalaman
(nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at 3 o higit = 5 puntos)
Pagkamalikhain 5 puntos
Kabuuan = 15 puntos

Pangalan ng Magulang: Lagda:


Dayap National High School – Mabacan Annex
S.Y 2021 – 2022
Unang Markahan
Linggo ng Pagkatuto 1-2

You might also like