Summative Test #3 2nd Grading

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO V

ST#3 2nd Grading

I. PANUTO: Makinig sa kwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga tanong tungkol ditto.
1. Ano ang nangyari kay Lobo?
2. Sino ang uhaw na uhaw na dumating?
3. Paano nakaalis si Lobo sa balon?
4. Ano ang nangyari kay Kambing sa loob ng balon?
5. Tama ba ang ugaling ipinakita ni Lobo sa kwento? Bakit?
II. PANUTO: Basahin ang kwento at piliin ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar.
Ang Lobo at ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng
ubas na hitik ng hinog na bunga.
"Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya
maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang
ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.

"Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.

________6. kagubatan a. mapalad


________7. hitik b. marami
________8. sakmalin c. tali
________9. bungkos d. sunggaban
_______10. swerte e. isang lugar na maraming mga hayop at puno
III. PANUTO: Tukuyin ang pangkalahatang sangguniang dapat gamitin sa bawat sitwasyon.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Diksyonaryo Almanac Ensiklopediya


Tesawro Atlas Peryodiko

____________11. Naghahanap si Kate ng impormasyon tungkol kay Andres Bonifacio.


____________12. Gustong malaman ni Leni ang kasalungat ng salitang matarik.
____________13. Gustong mabasa ni Emman ang tungkol sa SONA ni Rodrigo Duterte.
____________14. Gustong makita ni Agatha ang mapa ng bansang Brunei.
____________15. Hinahanap ni Luke ang mga bagong tuklas na hayop sa taong 2016.
____________16. Gustong malaman ni Alyssa ang kahulugan ng salitang ma-impok.
IV.PANUTO:Isulat sa patlang ang tambalang salita na bubuo sa bawat pangungusap.
Pumili sa mga tambalang salita sa loob ng kahon.

hatinggabi sirang-plaka abot-kaya pusong-mamon


sulat-kamay taos-puso bagong-luto takdang-aralin
ulilang-lubos
17. Ang dating mamahaling gamot ay _________ na ngayon.
18.___________ na ang uwi si Ron mula sa kanyang trabaho sa call center kaya matulog ka na.
19. May ginataan na ____________sa kusina kaya magmerienda muna tayo.
20. Natapos mo ba ang ating______________ sa Sibika at Kultura?
21. Malungkot isipin na walang magulang o kamag-anak na kasama si Crispin tuwing Pasko dahil
siya ay _______.
22. ________________si Rina kaya madali siyang umiyak kapag nanonood ng K-drama.
23. Si Maria ang nagsulat ng liham na ito dahil alam ko ang kanyang__________
24.___________ ang pasasalamat ng biktima ng krimen sa mga taong tumulong upang maligtas siya.
25. Dahil hindi mo sinusunod ang sinasabi ng nanay mo, para tuloy siyang______________ kapag
pinagsasabihan ka.

Kwento:

Ang Lobo at Ang Kambing


Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-
ahon palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng
lobo. "
Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo.
"Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya'y niloko lamang ng lobo.

"Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo.


"Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, ,magtulungan tayo. Mayroon akong naiisip na paraan kung
paano natin gagawin iyon.”

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas.
At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman
ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng
kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,

"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.


Division of Marikina
Marikina District 1
Malanday Elementary School

Table of Specification

Level of Difficulty
Competencies No. of Items Easy Ave Difficult Item Percent
Placement

Nasasagot ang mga literal na


tanong sa napakinggang teksto 5 5 1-5

Naibibigay ang kahulugan ng


salitang pamilyar at dipamilyar
salita sa pamamagitan ng 5 5 6 - 10
paglalarawan

Nagagamit ang pangkalahatang


sanggunian sa pagtatala ng
mahahalagang impormasyon 6 6 11 - 16
tungkol sa isang isyu

Nabibigyang-kahulugan ang 9 9 17 - 25
tambalang salita

You might also like