Filipino 9 q4 Week 3
Filipino 9 q4 Week 3
Filipino 9 q4 Week 3
(Modyul 1 at 2)
PANGALAN:_____________________________________________PUNTOS:__________
ANTAS AT PANGKAT: ____________________________ PETSA:____________
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang bilang ang sagot.
______1. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit
ng mga Espanyol?
A. The Wandering Jew C. Noli Me Tangere
B. El Filbusterismo D. Uncle Tom’s Cabin
______2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na layunin ni Dr. Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?
A. maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mgakaraingan at kalungkutan
B. matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
C. mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan
D. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama
______3. Mula sa layunin na, “mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay”,
ano ang nais ipahayag nito?
A. pagmamalupit ng mga Kastila C. pagiging sakim ng mga dayuhan
B. pagmamalupit ng mga Pilipino D. pagpapakita ng lakas sa kapangyarihan
_______4. Ano ang nais ipakahulugan ng layuning ito? “Maipaliwanag ang
pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon”.
A. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon
B. bawat relihiyon ay may iba’t ibang paniniwala
C. mas makapangyarihan ang simbahan kaysa pamahalaan
D. may pagkakaiba ang bawat relihiyon batay sa kanilang pinaniniwalaan
______5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kondisyong panlipunan na nangibabaw sa nobela?
A. pagsasamantala ng mga makapangyarihan
B. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
C. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Hapones at Amerikano
D. pantay na karapatan sa larangan ng pag-aaral ng mga Kastila at mga Pilipino
______6. Ano ang maaaring pagpapaliwanag sa kondisyong panlipunang kawalan ng kalayaan sa pananalita at
panulat?
A. Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino.
B. Hindi maaaring magsulat o magsalita ang mga Pilipino.
C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga Pilipino.
D. Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi ng kanilang saloobin.
______7. Ano ang nais ipakahulugan ni Rizal sa kondisyong panlipunang ito: ang mga kaugalian na nakasanayan ng mga
Pilipino?
A. pagiging duwag ng mga Pilipino
B. walang boses upang ipahayag ang kanilang hinaing
C. hindi marunong lumaban sa pang-aapi ang mga Pilipino
D. pinanatili ng mga Pilipino sa kanilang isip ang pagiging mangmang
______8. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino ng pagmamalupit ng mga Espanyol?
A. nanatiling tagasunod na lamang
B. naging mabuti pa silang mamamayan
C. nawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili
D. nawalan ng kalayaan, katarungan at karapatang pantao
________9. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino nang mabuo ang nobelang Noli Me Tangere?
A. Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.
B. Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga pang-aalipin ng mga Kastila.
C. Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga Pilipino na lumaban sa Kastila.
D. Naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
_______10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsakop ng mga Kastila sa bansa?
A. pagtuturo ng wikang Kastila
B. pagkakaroon ng edukasyon sa bansa
C. pang-aalipin sa mga Pilipino sa sariling bayan
D. pagmumulat sa isipan ng mga Pilipino sa mga maling kaugalian
Para sa bilang 1-2
“Mamamatay ako na ‘di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan!
Kayong makamamalas sa kaniya, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang
nangabulid sa dilim ng gabi.”
1. Ano ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na, “ang pagbubukang- liwayway sa aking
bayan”?
A. kuwentong-bayan C. kaluwagan ng bayan
B. kalayaan ng bayan D. kinabukasan ng bayan
2. Ano ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na, “nangabulid sa dilim ng gabi”?
A. kabataan C. mga bayani
B. matatanda D. mga sundalo
3. Ano ang patunay na ang nobela at telenobela ay may pagkakaiba?
A. Magkaiba ang nobela at telenobela pagdating sa haba nito.
B. Ang mga tauhan sa nobela ay mas marami kaysa telenobela.
C. Mas matapang ang mga tauhan sa telenobela kaysa sa nobela.
D. Ang telenobela ay ineere sa telebisyon samantalang ang nobela ay nababasa lamang.
4. Alin sa sumusunod ang patunay ng pagkakatulad ng telenobelang napanood sa mga nobelang nabasa?
A. mga lalaki ang pangunahing tauhan
B. sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan
C. parehong ineere at napanonood sa telebisyon
D. tinatalakay ang paksa tungkol sa mga bayani
5. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?
Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at
malansang isda.”
A. Ayon kay C. Sa palagay ko
B. Batay sa D. Pinatutunayan na
6. Alin sa sumusunod na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?
sabay na natapos ni Rizal ang medisina at pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at
Unibersidad Central de Madrid.
A. Batay sa C. Pinatutunayan ng
B. Tinutukoy sa D. Ayon sa nabasa kong datos
7. Anong salita o ekspresyon ang angkop sa pahayag? talambuhay ni Rizal,
binaril siya noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan na kilala na ngayon bilang Rizal Park.
A. Batay sa C. Sang-ayon sa
B. Para sa akin D. Pinaniniwalaan ko
8. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?
Rizal na hindi kinakailangang gumamit ng dahas upang makamit ang inaasam na
kalayaan.
A. Ayon sa C. Pinatutunayan ni
B. Batay sa D. Pinaniniwalaan ko
9. Alin ang angkop na salita o ekspresyon na dapat gamitin sa pahayag?
, malaki ang naging ambag ni Rizal sa ating bayan kaya nararapat lamang na siya ang
kilalaning pambansang bayani.
A. Ayon kay C. Para sa akin
B. Sang-ayon sa D. Tinutukoy ng
10. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?
si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan dahil napagbintangang nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.
A. Batay sa C. Tinutukoy ng
B. Sang-ayon sa D. Ayon sa nabasa kong datos