AP-9 Q3 Week7 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

9

Department of Education-Region III


TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: [email protected]/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 7
Learning Activity Sheet

1
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: ___________________________ Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo


Baitang at Pangkat: ____________________ Petsa: ________________________

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN BILANG ISANG SALIK NG


EKONOMIYA

Susing Konsepto

● Salapi (money) - ginagamit bilang instrumento ng pamalit sa mga produkto at


serbisyo upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan.
● Kita (income) - pinanggagalingan ng salapi: ang halagang natatanggap ng tao kapalit
ng produkto o serbisyong ibinigay.
● Pagkonsumo (consumption) - paggastos o paggamit ng salapi upang mabili at
magamit ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
● Pag-iimpok (savings) - kita o salaping isinantabi, hindi ginamit sa pagkonsumo o
hindi ginastos sa layunin na magamit ito sa hinaharap.
● Utang (loan) - hiniram na pera na binabayaran nang may interes.
● Interes (interest) - dagdag o patong na halaga ng inimpok o inutang na salapi.
● Pamumuhunan (investment) - paglaan ng inimpok o inutang na salapi sa mga bagay
na magbubunga ng inaasahang benepisyo sa hinaharap.
● Pag-aari (assets) - mga bagay na may halaga na pagmamay-ari ng isang tao o
negosyo at may maibibigay na benepisyo.
● Pagkakautang (liabilities) - mga pananagutan o obligasyong pinansyal na dapat
bayaran
● Financial intermediaries - mga bangko o iba pang institusyong pananalapi na
namamagitan sa mga nag-iimpok at nangungutang.

Ang salapi, katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman, ay maaaring maubos.


Nagmumula ang salaping ginagamit ng tao sa kaniyang kita na kapalit ng pakikipagtrabaho
o pagnenegosyo. Ang pagkonsumo ang pangunahing dahilan ng ng pagkaubos ng kita.
Ngunit ito ay kinakailangan pa ring gawin upang mapakinabangan ang mga produkto o
serbisyo. Maaari rin na ipagpaliban ang paggastos sa pamamagitan ng pag-iimpok.
Kasalungat naman ng pag-iimpok ang pangungutang. Ang salaping inimpok o inutang ay
maaaring gamitin sa pamumuhunan sa pag-asang mapapakinabangan ito sa hinaharap. Ang
halimbawa ng pamumuhunan ay pagnenegosyo o pagdadagdag ng kapital sa negosyo. Ang
stocks, bonds, mutual funds, insurance at retirement plans ay mga magagandang uri din ng
pamumuhunan. Maaari din mamuhunan ng mga pag-aari tulad ng bahay at lupa, sasakyan,
gusali at iba pa.

Ang pera na naipon ay maaaring ideposito sa mga financial intermediaries tulad ng


mga bangko. Ang mga financial intermediaries ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga nais
mag-ipon at umutang. Maaaring gamitin ang perang inilagak sa bangko upang makabili ng
assets. Para sa mga umuutang, magsisilbi munang liability ang hindi pa nababayarang
halaga ng loan. Ang perang inilagak sa bangko ang siyang ipinapautang sa mga
namumuhuan na binabayaran ng may interes. Dahil dito maaaring kumita rin ng interes o
dibidendo ang nag-iimpok.

Makikita sa dayagram sa ibaba ang ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan. Ang


salaping idineposito sa bangko ng mga nag-iimpok ang siyang ipinapautang sa mga
nangungutang upang makapamuhunan. Ang perang inutang ay binabayaran ng may interes
kung saan bahagi nito ay tinatanggap ng nag-iimpok bilang dibidendo.
2
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay isang salik ng ekonomiya. Habang dumadami
ang namumuhunan, dumadami rin ang produksyon, trabaho at kita. Ang matatag na sistema
ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na savings rate at capital formation na
nagpapasigla ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa.

Hindi lamang ang indibidwal o sambahayan ang nag-iimpok, bagkus maging ang mga
bahay-kalakal at ang pamahalaan. Ang perang nailagak sa mga instutusyong pinansiyal ay
ginagamit ng mga namumuhunan sa pag-asang mapalago ang antas ng trabaho,
produksiyon at kita. Ang paglago ng pamumuhunan sa bansa ay palatandaan na ang
ekonomiya ay sumusulong at nakararanas ng pag-unlad.

Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga produkto
at serbisyo, kailangan magtipid, mag impok at iwasan ang sobrang paggastos. Kung nais
natin umasenso at magkaroon ng kalayaan sa pananalapi, mahalagang alamin din natin at
pag-aralan kung ano ang dapat gawin sa pamahahala ng pera. Darating ang panahon na
ikaw ay magiging bahagi na ng lakas-paggawa at may kakayahan nang kumita. Kaya’t
habang maaga at bata pa ay dapat ka nang mag-ipon at mamuhunan.

Pamantayang Pampagkatuto

Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.

Mga Layunin

1. Nasusuri ang konsepto ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya


2. Nailalahad ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng
ekonomiya.

Pagsasanay 1

PANUTO: Imarka ang sarili ayon sa kung paano mo naisasagawa ang mga pahayag.
Mahalaga ang pagiging totoo at tapat sa pagsagot nito. Isulat ang 3 sa patlang kung palagi
itong ginagawa, 2 kung hindi gaanong ginagawa at 1 kung hindi mo ito ginagawa.
Pagkatapos ay sagutin ang katanungan sa ibaba.

_____ 1.) Una kong binibili ang aking mga pangangailangan bago ang kagustuhan.

3
_____ 2.) Bumibili ako ng mga gamit na pangmatagalan upang mapakinabangan ko ito ng
mas mahabang panahon.
_____ 3.) Gumagawa ako ng budget plan para sa mga gastusin.
_____ 4.) Inuuna kong itinatabi ang ipon bago ang iba ko pang gastusin sa aking baon
_____ 5.) Nagtatabi ako ng pera para sa mga biglaang pagkakagastusan.
_____ 6.) Inaalam o isinusulat ko ang pinupuntahan ng aking pera.
_____ 7.) Gumagawa ako ng paraan upang magkaroon ng dagdag na kita tulad ng
pagtitinda o pakikipagtrabaho.
_____ 8.) Ginagawan ko ng paraan ang mga lumang gamit upang mapakinabangan itong
muli kaysa bumili ng bago.
_____ 9.) Nagdedeposito ako ng aking ipon sa bangko.
_____ 10.) Kapag may gusto akong bilhin, nagsusumikap akong mag-ipon para hindi ko na
kailangan humingi ng pera o mangutang.

Base sa gawain, paano mo isinasalarawan ang iyong sarili sa paggamit ng salapi?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 2

PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Maaaring piliin ang tamang sagot mula
sa kahon sa ibaba. Isulat ang pinaka-angkop sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______________ 1.) Ang mga bangko, lending institutions at Insurance companies ay


halimbawa ng ___.
_______________ 2.) Marami ang biniling alcohol at face mask ng pamilya Manaloto dahil
sa COVID19 Pandemic. Ang paggastos upang makabili ng alcohol
at facemask ay halimbawa ng ___.
_______________ 3.) Humiram si Tonyo ng ₱20 sa kaniyang kaklase dahil agad nitong
naubos ang kaniyang baon. Ang paghiram ng pera ni Tonyo ay
tinatawag na ___.
_______________ 4.) Nagdeposito si Bryan ng ₱2,500 sa bangko mula sa kaniyang kitang
₱10,000 sa pag-oonline selling. Ang paglagak ng pera ni Bryan sa
bangko ay halimbawa ng ___.
_______________ 5.) Pagkalipas ng ilang taon ay ginamit ni Michelle ang kaniyang ipon
upang magpatayo ng sarili niyang negosyo. Ang paggamit ng salapi
sa pagpapatayo ng negosyo ay halimbawa ng ___.
_______________ 6.) Si Joseph ay may dalang ₱50 upang bumili ng meryenda sa
Tindahan. Ang ₱50 na pinambili sa tindahan kapalit ng meryenda
ay tinatawag na __.
_______________ 7.) Si Kevin ay may pagkakautang sa isang lending company at sa
bangko. Ang mga pagkakautang na ito ay tinatawag din na __.
_______________ 8.) Si Rea ay may-ari ng isang ektaryang lupa sa Tarlac. Ang pag-aari
niya sa lupa ay kabilang sa kaniyang __.
_______________ 9.) Si Tina ay tumatanggap ng ₱20,000 sahod kada buwan. Ang
₱20,000 na tinanggap ni Tina kapalit ng pagtratrabaho ay
tinatawag na __.
_______________ 10.) Umutang si Jane ng ₱6,000 sa bangko at ang kabuuang bayad
niya rito sa loob ng 6 na buwan ay ₱7,200 na sobra ng ₱1,200 sa
kaniyang inutang. Ang dagdag na bayad sa halaga ng utang ay
tinatawag na __.

4
Assets Interes Pag-iimpok Salapi
Ekonomiks Kita Pagkonsumo Singil
Financial Intermediaries Liabilities Pamumuhunan Utang

Pagsasanay 3

PANUTO: Basahin at unawain ang kwento sa loob ng kahon. Pagkatapos ay sagutin ang
mga katanungan sa ibaba.

ANG GANDA NI GIRLIE

Grade 9 student si Girlie. Masipag siya


mag-ipon. Imbes na bumili ng bagong
notebook sa pasukan, pinagsasama-sama na
lang nya ang mga blank pages para gumawa
ng bago. Sa pag-uwi niya sa school,
naglalakad na lang siya imbes na mag-tricycle
dahil kaya naman niyang lakarin ang pag-uwi
sa kanila. Hindi na rin niya kailangan bumili sa
canteen dahil palaging masarap ang baon niya.
Siya pa nga ang nagluluto nito dahil daw mas
tipid. Pag may nakita naman siyang empty
bottles, dinadampot at iniipon niya ang mga ito
para ibenta.
Kapag weekends, nagtitinda siya ng malamig na Ice Candy sa umaga at
masarap na Barbeque sa gabi sa kaniyang mga kapit-bahay. Ginamit nya ang
ilan niyang ipon para ipuhunan dito. Imbes naman magshopping ng bagong
damit, nag-u-upcycle sya ng old clothes nya. Dahil sobrang ganda, binebenta
niya rin ang ilan sa mga ito online. Siyempre, marami ang bumibili. Nakakapag-
ipon na siya, nakakatulong pa siya sa kaniyang pamilya at komunidad.
Idinadagdag naman niya ang malaking bahagi ng kaniyang kita sa
pagtitinda sa kaniyang ipon sa bangko. Pangarap niya kasing maging sikat na
Fashion Designer. Balang araw, gagamitin niya ang kaniyang naipon para
makapagpatayo ng sarili nyang boutique.
Ang ganda ni Girlie no? Hindi lang maganda, marunong pa sa pera at
marunong sa buhay. Kung kaya’t siya ang tinaguriang “Diskarte Queen!”

1. Ano ang aral na mapupulot mo sa kuwento?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Paano naisasagawa ni Girlie ang kumita, makapag-impok at makapagpuhunan ayon sa


kuwento?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang mga gawain at katangian ni Girlie upang
makapag-ambag sa pag-unlad ng kaniyang sarili, sa kaniyang pamilya at sa bansa?
Paano at Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagsasanay 4

PANUTO: Isulat ang T sa patlang bago ang bilang kung Tama ang pahayag at M naman
kung Mali.

_____ 1.) Ang salaping inilalagak ng mga depositors sa bangko ay lumalago dahil sa
interes sa deposito. Ipinapautang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan
na may dagdag na kaukulang tubo.
_____ 2.) Ang magkaroon ng maraming nakadepositong pera at ang pagpapautang ng
pampuhunan ng mga bangko ay nakakadagdag lamang sa mga suliranin at
problema ng ekonomiya ng bansa.
_____ 3.) Ang matatag na sistema ng pagbabangko dahil sa pag-iimpok at pamumuhunan
ay magdudulot ng mataas na savings rate at capital formation na nagpapasigla
ng mga economic activities ng bansa.
_____ 4.) Habang lumalaki ang deposito, lumalaki rin ang maaaring ipautang at habang
dumarami ang namumuhunan, dumarami ang produksyon, trabaho at kita.
_____ 5.) Ang pag-iingat at matalinong pamamahala ng salapi ay isang paraan upang
umunlad at maging malaya sa kahirapan.
_____ 6.) Mahalaga na planuhin, subaybayan at bantayan ang daloy ng gastos at pag-
iimpok sa natatanggap na kita.
_____ 7.) Ilagak ang pera sa mga investment na nangangako ng balik ng pera sa mabilis
na panahon at napakadaling paraan.
_____ 8.) Ugaliing magbigay ng mga sensitibong impormasyon sa iba upang masiguro ang
inipong pera sa bangko.
_____ 9.) Bilhin na ang lahat ng kailangan at kagustuhan habang may hawak na pera.
_____ 10.) Ang layunin ng iyong pag-iimpok ay upang mabilis kang makisabay at makiuso
sa mga bagong gadgets at fashion trends.
Pangwakas

PANUTO: Sagutin nang malinaw at makabuluhan ang bawat katanungan sa ibaba sa loob
ng 2 o higit pang pangungusap.

1. Ano ang pagkakaugnay at kahalagahan ng kita, pagkonsumo, pag-iimpok at


pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

6
2. Paano naapektuhan ng pandemya ng COVID19 ang kita, impok at gastusin ng inyong
pamilya? Paano ninyo ito pinamamahalaan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang magkaroon ng kalayaang pinansyal
sa hinaharap?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka para sa Pagsasanay 1, Pagsasanay 3 at Pangwakas na


Gawain

Puntos
KRAYTIRYA DESKRIPSYON
1 (Oo) 0 (Hindi)
Malinaw at makabuluhan
Nilalaman ang pagkakalahad ng
ideya
Organisado at
magkakaugnay ang
Organisasyon
pagkakasulat ng mga
ideya
Nasunod ng wasto ang
Kawastuhan mga panuntunan sa
pagsulat

Sanggunian

Department of Education. 2015. Ekonomiks - Modyul ng mga Mag-aaral. pp 287-300

Bon, Charo B. 2015. Ekonomiks sa Makabagong Panahon. pp 251-254

BSP-DepEd-BDOF Financial Literacy Video. Ang Ganda ni Girlie. Retrieved from:


https://www.youtube.com/watch?v=WJuTDU8zMqY

7
Susi sa Pagwawasto
PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 3 PANGWAKAS
Ang mga mag-aaral Ang mga mag-aaral Ang mga mag-aaral
ay maaaring mgakakaiba ay maaaring mgakakaiba ay maaaring mgakakaiba
ang sagot sa gawain ang sagot sa gawain ang sagot sa gawain

PAGSASANAY 2 PAGSASANAY 4
Financial T
Intermediaries M
Pagkonsumo T
Utang T
Pag-iimpok T
Pamumuhunan T
Salapi M
Liabilities M
Assets M
Kita M
Interes

Inihanda nina:

FRANCIS LOUIE D. MENDOZA


Teacher II

PAUL MARION R. VALLENTOS


Teacher I - Tagaguhit

You might also like