REGIONAdocx

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

MAKATARUNGAN BA ANG PASYA NG KORTE SUPREMA TUNGKOL SA

WIKA AT PANITIKANG FILIPINO SA KOLEHIYO?

LAKANDIWA
Isang napakagandang araw ginoo’t binibini
Sa araw na ito kayo ay magiging saksi
Balagtasan na napapatungkol sa paksang napili
Halina at abangan sinong sawi at sinong wagi

Bandang kanan, ‘sang mambabalagtas na napakatayog


Panig na ‘di sumang-ayong tanggalin sa kolehiyo
Pag-aaral ng Filipino bilang asignatura?
Upang pagkakakilanlan ay hindi raw mabura?

Wikang Filipino natin ay dapat pang pagyamanin


Ito anya ang nagbukas-daan sa pag-unlad natin
At ang pagwaksi nito ay hindi nga makatarungan
Sariling atin ay kaniya ngayong ipaglalaban

Kaliwang bahagi, may tinig ng isang binibini


Na kung saan nagbibigay-diin sa kursong napili
Sagabal raw ito sa pag-aaral sa kolehiyo?
Kayat nais ipatanggal ang asignaturang ito

Kung pagkalago nga lang rin ang ating pag-uusapan


Hatol ng korte suprema ay bigyan ng katuparan
Makabubuting ang pasyang ito ay dapat sugpuin
Sapagkat sa kursong kinuha’y di na kakailanganin

Buksan niyo ang isipan at ‘wag magdili-dili


Saan nga ba kayo papabor itanong sa sarili
Mabuting pagdedesisyon ang kailangan sa pagpili
Atin ngang pakinggan, tayo nga ba ay mawiwili?

SANG-AYON
Para mapayaman pa rin, ating Wikang Filipino

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
Kahit sa mababang antas ito ay itinuturo
Kaya ngayon, ako’y tatayo nang nakataas noo
Nakahanda na para sa’ting tunay na pagbabago

Asignaturang Filipino ay dapat na iwaksi


Sa karerang tatahakin tayo ay makibahagi
Upang malinang ang paghahanda sa kinabukasan
Ito’y ating alisin, at wala namang mawawalan
DI SANG-AYON
Aking pakiwari ay marapat na panatilihin
Pag-aaral ng simbolong sumasalamin sa atin
Kaakibat nito: pagkatao’t pagkakakilanlan
Sa karerang tinahak, t’yak na mapapakinabangan

Bakit pa ba tatanggalin ang ating nakasanayan


Kung ito ay nakatanim mula pa sa kabataan
Kaya atin lamang ‘tong palaguin at paunlarin
Huwag mong pagtakhan ‘yan at gustuhin mang alisin

SANG-AYON
Ginoo, ako ay sumasagot nang may paghahandog
Sa pangalan ni Balagtas na makatang lubhang bantog
Na ang asignaturang ito ay di kinakailangan
Ang ating pagka-Filipino ay huwag kalimutan

Sa pag-aaral sa kolehiyo’y di na kailangan pa


Sapagkat musmos pa lamang ay dito na nagsimula
Ating sariling wika ay di ko naman tinatanggi
Hindi lamang ako sang-ayon sa iyong sinasabi

DI SANG-AYON
Marahil hindi mo naiintindihan, binibini
Wala ka atang nalalaman sa iyong sinasabi
Pagkalipas ng panaho’y maraming nadadagdagan
Sa asignaturang ito na ating pinag-aralan

Bagama’t maraming mag-aaral na galing pribado


Kaya hindi husto, paggamit ng wikang Filipino
Di maitatatwang wikang Ingles ang nakasanayan
Ngayon, sasabihin mong hindi na iyan kailangan?
This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
LAKANDIWA
Aba aba aba hindi na sila magpapaawat
Dala nang kanilang napakainit na mga banat
Makabuluhang salita na sinlakas ng agimat
Nasa atin na ngayon ay kanila ngang ilalapat

Dalawang mambabalagtas ay muling ipatatawag


Kung kayo nga ay mayroon pang ibig na ipahayag
Atin nang ipagpatuloy ang nasimulan na hamon
Na inyong paninindigan sa huling pagkakataon

SANG-AYON
Ito naman talaga ay nagbibigay katarungan!
Kung pagbabago nga naman ang ating pag-uusapan
Nararapat lamang na ito ay ating tatanggalin
Lalo na sa ibang kurso ay di natin gagamitin

Alam na naman natin ang ating kasaysayang bigkas


Kaya huwag nang kilalanin ang bagay na naagnas
Wika nati’y mananatiling buhay sa Pilipinas
Kahit asignaturang ito’y tuluyan nang magwakas

DI SANG-AYON
Huwag nating biguin, mga bayaning nakipaglaban
Upang makamit ngayong tinatamasang kalayaan
Karapatan sa pagpapahayag mga saloobin
Na hindi sa makadayuhang paraan gagamitin

Di ibig sabihing nadaanan na ay mawawala


Kahit sa panahong ‘to tuluyang kinikilala
Pagpunyagi sa mga naglaan ng kanilang buhay
Sa’ting maharlikang mahal, dugo’t pawis inialay
Paglalagom:
SANG-AYON
Kagustuhan ng komisyon ay pagtuonan ng pansin
Na malinang natin ang karerang dapat tatahakin
mga kaibiga’t kaklase di na mahihirapan
Bagkus, kinabukasan seguradong matututukan

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
Sa huli ay dapat talagang iwaksi at palitan
Para sa ikabubuti ng ating kinabukasan
Kaya marapat talaga ito’y ating pag-isipan
Bagong sistema natin ay dapat isakatuparan

DI SANG-AYON
Tayo nga naman na mga mamamayang Filipino
Panatilihin, lagda ng ating pagka-sino’t ano
Wikang ating kinagisnan ay ‘wag hayaang burahin
Alagaan tungo sa isang makabayang tunguhin

Sa katapusa’y mananaig, ating kinalakihan


Upang patuloy na uunlad, naturang kabihasnan
Oo, marapat talaga na ito’y pag-iisipan
Huwag nang isakatuparan pa, sistemang alinman

LAKANDIWA
Kung atin itong pagtitimbangin at isaisahin
May pagkakatulad lang ang kanilang mga tunguhin
Malayong-malayo man ang pagitan at pamaraan
Hindi maikakaila na meron ngang kalakasan

At sa pagtatapos ng aming balagtasan na ito


Ninanais kong iparating lahat ito sa inyo
Pagtanggal man o pagpanatili sa asignatura
Sa puso at diwa ay talagang hindi mabubura
CAPTAIN AMERICA VS. ALIGUYON, SINO ANG MAS KARAPAT-DAPAT NA
MAGING BAYANI NGAYON?

LAKANDIWA
Isang napakagandang araw ginoo’t binibini
Sa araw na ito kayo ay magiging saksi
Balagtasan na napapatungkol sa paksang napili
Halina at abangan sinong sawi at sinong wagi

‘Sang matipunong mambabalagtas na nakikiayon


Alinsunod sa kabayanihan na napapanahon
Pumapanig, paraan ng pakikidigma sa ngayon
Suriin nating mabuti at isaisip kung gayon

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
Ang kaniyang bayani na tiyak ninyong kagigigilan
Wala na ngang iba kundi ang nag-iisang kapitan
Siya ay napahanga sa dala nitong kagitingan
Atin siyang pakinggan talagang inyong kagigiliwan

Nandito sa kabilang panig inyo siyang maririnig


At sa mga ligalig ay hindi s’ya magpapadaig
Tradisyonal na kakisigan, tiyak mapapatitig
Ating pakinggang maigi kanyang wiwikaing tindig

Likas niyang kakisigan ating itong masasaksihan


Bayaning napili’y taglay kakaibang katapangan
Ang kanyang kagitinga’y umabot sa kasalukuyan
Kaya halina’t kilalanin natin siyang lubusan

Buksan nyo ang isipan at ‘wag magdili-dili


Saan nga ba kayo papabor itanong sa sarili
Mabuting pagdedesisyon ang kailangan sa pagpili
Atin ngang pakinggan, talagang ito’y kawiliwili

ALIGUYON
Aking bayani ay puro at may diwang kayumanggi
Siya ay bayaning- bayani kahit saan na panig
Kinagisnan niya ay hindi natin maitatanggi
Sapagkat siya’y simbolo at dangal ng ating lahi

Bayaning nakilala’t nabasa sa’ting panitikan


Namumukod tangi ang katangian at kakayahan
Aliguyon kung tawagin, sagisag talaga natin
Mandirigmang napakalakas at napakatiisin
CAPTAIN AMERICA
Binigyang-puri ang kan’yang kakisiga’t katapangan
Sa kabila ng siyamnapu at tatlong taong gulang
Inidolo ng karamihan, lalo ng mga kabataan
Sa pananatili ng kaayusan sa kapaligiran

Sa pakikidigma, sandata’t kalasag nagniningning


Bayani sa henerasyong ito kung maituturing
Patuloy na kinilala, ginawang kabayanihan

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
Dito ako sasaludo sa nag-iisang kapitan

ALIGUYON
Ginoo, ako ngayo’y sumasagot nang may sumamo
Sa ngalan ni Balagtas makatang lubhang iniidolo
Ating pagkakakilanlan ay di natin maikubli
Hindi naman ‘to nakakaapekto sa’ting pagkasi

Bakit pa kikilinanin ang bayaning dayuhan?


Gumising ka! Meron na non sa ating sariling bayan
Nakahihigit, sumasalamin, pagkamamamayan
Hindi ba’t yon ang talagang nagbibigay karangalan
CAPTAIN AMERICA
Oo, subalit ‘wag mo itong tawaging kahangalan
Paumanhin binibini’t ‘di mo nauunawaan
Di naman sa nakalimutan ang pagkakakilanlan
Hindi lamang ako tumatangkilik sa ‘yong tinuran

Sapagkat ay tanyag, hindi man siya nanggaling sa’tin


Kilala bilang sundalo, kung atin mang marapatin
Gising nga’t namulat ngayon nitong mga pangyayari
Sana’y ganito ka rin, alam kung anong sinusuri

LAKANDIWA
Aba aba aba hindi nga sila nagpapaawat
Dala nang kanilang napakainit na mga banat
Makabuluhang salita na sinlakas ng agimat
Na sa atin nga ngayon ay kanila nang ilalapat

Dalawang mambabalagtas ay muling ipatatawag


Kung kayo nga ay mayroon pang ibig na ipahayag
Atin nang ipagpatuloy ang nasimulan na hamon
Na inyong paninindigan sa huling pagkakataon

ALIGUYON
Si Aliguyo’y tanda ng ating pagka-Pilipino
Ang kinilalang bayani noon hindi masisino
Katapangan at kagitingan natin kay Aliguyon
Makikita natin sa kasalukuyan at kahapon

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
Kaya bakit pa tayo maghahanap ng mga dayo
hindi ba’t tanda rin iyan ng ating pagkakanulo?
Tayo’y kinakailangang maging tapat at maging puro
Kaya matutong tumangkilik huwag kung sino-sino
CAPTAIN AMERICA
Huwag kang tumungo sa mga nagdaan nang kahapon
Marahil ay patuloy na nag-iiba ang panahon
Doon ka na paroroon sa ating kasalukuyan
Nang sa gayon ay angkop at akma ang kabayanihan

Kataksilan, seguradong hindi ko totoong layon


Bagkus ay akma lamang siya sa mga problema’t hamon
Kinagigiliwan ng mga kabataang sa ngayon
Kahit sa banyaga kung ito ay akma ay puputong

Paglalagom
ALIGUYON
Likas na lakas karapat-dapat na maging bayani
Kaligtasan nati’y siguradong mapapanatili
Wala na tayong katatakutan, kahit sino’t ano
Lalo na sa bakbakan ay palaging handa umano

Kung gayon, kinakailangan natin itong pag-isipan


Ang dapat nating piliin ay bayaning kinagisnan
Huwag naman nating talikuran, ating kasaysayan
Palutangin ang kultura natin pagkamamamayan
CAPTAIN AMERICA
Kay Kapitan Amerika ako nga ay papanatag
Narinig na ninyo naman, katangiang inilatag
Hindi siya padadaig, anumang mga bagabag
Iba’t ibang kahadlangan, hindi na siya patitinag

Makabago at napapanahon ay tatangkilikin


Dahilan ay sa ngayon hindi man natin kayang dalhin
Iahon mula sa hukay at ating muling buhayin
Ang kasaysayang nabaon, kung inyong isipin

LAKANDIWA

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/
Kung atin itong pagtitimbangin at isaisahin
May pagkakatulad lang ang kanilang mga tunguhin
Malayong-malayo man ang pagitan at pamaraan
Hindi maikakaila na meron ngang kalakasan

At sa pagtatapos ng aming balagtasan na ito


Hindi magmamaliw saan ka papabor at tutungo
Mahalagang pareho ang ating kahapon at ngayon
Maiging pagsamahin kabutihan ay paroroon

This study source was downloaded by 100000874422935 from CourseHero.com on 02-23-2024 05:48:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77972104/REGIONAL-BALAGTASANdocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like