Filipino Ellen Day 3outputsession 89-10-11

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

GAWAIN PARA SA SESYON 8

NAME : Josephine B. Pagobo SCHOOL: Labangan Central Elem. School

DISTRICT: Labangan 1 District DATE: September 8,2021

PAGTUTURO NG PAGTUTUKOY NG DETALYE NG TEKSTO 

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mga detalye ng
teksto gamit ang isa sa mga estratehiya:

A.      Direktang Pagtuturo (Explicit Teaching)

B.     Scaffolded Graphic Organizer 

C.    Semantic o Conceptual Mapping 

D.    Cloze Procedure

Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan

Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama nila ang


kanilang emosyon... malungkot o hindi sa mahigpit na yakap.

Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong
salita. Para sa mga sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng pagmamahal
subalit sa magkalaguyo ay hindi pagmamahal kundi nakaw na pagibig.

Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso ay


nadarama ang higpit ng yakap.

Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon ang


matinding yakap na nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay
nangangahulugan ng pagpapatawad. Iyong dibdib sa dibdib na yakap ay
nakaaalis ng sama ng loob, ng galit, ng inggit,ng hinanakit at marami pang iba.

Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan


makikita ang amang puno ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi
umaasa na darating ang isang araw na makapiling nila ang kanilang ama. Sa
isang ina na nagbalik pagkatapos iwan ang kanyang mag-aama nang mahabang
panahon ay mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding pagkagiliw
sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ang yakap ay simbulo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay,


pagpapatawad at pagsisisi. Ito ay pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong
nagmamahalan.

SESYON 9
Pagtuturo ng Pagtukoy ng Pangunahing Ideya 

NAME SCHOOL

DISTRICT DATE

APLIKASYON
Basahin ang akda at sagutin ang ibinigay na   tanong.
Panuto: Paano mo ituturo ang pangunahing ideya ng sumusunod na teksto? 
Isulat ang bawat hakbang.

        Puspusang mahiwaga at nakapagtataka ang buhay ng tao. Siya’y


ipinanganak upang maghirap at mamatay. Hindi maipagkakaila ang katotohanang
ito. Nang ikaw ay nagkamalay ay isinilang ka na. Hindi mo hinangad o pinili ang
iyong pagsilang. Hindi ka na makapamili ngayon kung gusto mo man o hindi ang
isilang, sapagkat sa ayaw at sa gusto mo ay isinilang ka na. Nariyan ka na. Ito ang
dahilan kung bakit kinukuro ng mga pantas eksistensiyalista na ang tao ay tila
baga inihagis o itinapon sa sang maliwanag na wala sa kanyang kaalaman o
kagustuhan. Bukod dito, pagkapanganak ng tao ay magsisimula na siyang
maghirap at maghihirap siya hanggang kamatayan. Sinumang hindi matutong
mabuhay nang mahusay, o kaya’y hindi siya magtatagal. Samakatuwid, kung nais
mong mabuhay nang matiwasay, kinakailangang matuto kang maghirap.
Alalahanin ang paghahaka ng mga Pilipino na “daig ng maagap ang masipag.”
Mula sa pagsilang ng tao ay magsisimula na siyang mamatay. Sa takdang
oras ng kanyang pagsilang ay magsisimula na siyang lumaki at gumulang.
Habang siya’y lumalaki, lalo naman siyang gumugulang at tumatanda ay lalo
naman siyang humihina at unti-unti siyang lumalapit sa kanyang huling
hantungan: kamatayan. Marami ring namamatay na hindi pa ipinapanganak,
halimbawa, iyong mga nalalaglag. Ganyan ang misteryo ng buhay.
Sanggunian:
Ano nga ba ang Buhay?
Ni Florentino T. Timbreza
Retrieved from https://ejournals.ph.article

10 Para po sa Asynchronous Activity 


NAME SCHOOL

DISTRICT DATE

May mga halimbawa po tayo ng mga modelo sa Pagtuturo ng


Paghihinuha.

1. Sagutin rin ang mga gabay na tanong:

*Ano ang paghihinuha?

* Ilarawan ang pagkakaiba ng paghuhula sa paghihinuha.

* Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang Pagtuturo ng Paghihinuha?

*Paano ituturo ang paghihinuha?

*Paano naiiba ang pagtuturo ng paghihinuha mula Key Stage1-Key Stage


3?

Ang paghihinuha ay isang proseso kung saan naglalayong maipaliwanag o mabigyang-


kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig o ng sariling kaalaman ang pangyayari.

Ang paghihinuha (inferring) ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na


nauunawaan niya ang kanyang binabasang artikulo o seleksyon.

Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na hindi tuwirang


sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon.

Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti, at buhat dito
ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag-unawa
nya sa nabasa. Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula. Kadalasan,
nagaganap ang paghuhula kung ang naging wakas ng akdang binabasa ay nakabitin.
Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang mangyayari o posibleng nangyari sa akda sa
pamamagitan ng mga pahiwatig at implikasyong ginamit sa paghihinuha

Hindi makagagawa ng paghihinuha at paghuhula ang mambabasa kung hindi ganap ang
naging pag-unawa niya sa binasang akda.

Sa makatuwid tatak ng pagkaunawa sa bumabasa ang kakayahang gumawa ng


paghihinuha (inferring) at paghuhula (predicting) sa hinihingi ng binabasang akda.
Nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat sa teksto. Ito ay di niya direktang ipinahahayag
bagama't may mga implayd na kahulugan sa pagitan ng mga salita, pangungusap at
talataan. Hindi ito dinidisklos ng manunulat at hinahayaang ang mambabasa ang kusang
makadiskubre hanggang sa tuluyang makapaghinuha o makapanghula sa kalalabasan ng
pangyayari.

May mga artikulo, salaysay, mensahe, kwetnro at iba pang kaugnay na uri na bitin at sa
palagay ng mambabasa ay hindi "buo" o "ganap" ang pagkakasulat, kaya hinuhulaan
ang maaaring kalabasan. Sa ganitong paraan ay nakapagpapalawak, nakapag-iisip ang
mambabasa at nakapagsasanay sa pagbibigay ng kongklusyon sa pangyayari.
HALIMBAWA NG PAGHIHINUHA AY:

- Baka

- Tila

- Wari

- Marahil

- Siguro

Halimbawa sa Pangungusap:

- Marahil totoo ang kanyang sinasabi.

- Si Maria ay tila maglalaba mamaya.

- Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.

 # Dahil ito’y nangangailangan ng mataas na antas ng pag-iisip [HOTS], mahirap itong


ituro

subalit ito ay naituturo sa mga bata sa pamamagitan ng direktang pagtuturo gamit ang

mga estratehiya sa paghihinuha [inferential strategies].


Kailangang pagtuunan ng pansin sa paaralan ang pagtuturo ng paghihinuha dahil
tinulungan nito na palakasin ang mga ideya ng mga estudyante kung ano-ano pa ang
maaring mangyari sa istorya.

Nakakatulong ito na sanayin ang reading comprehension ng mga nagbabasa dahil kung
masagot nila ang tanong, ibig sabihin ay naiintindihan nila ang mensahe ng kwento.

Kung marunong din na maghinuha ang isang tao, madali na lang ang pagsunod-sunod
ng mga pangyayari sa kwento.

Nakakatulong din ito na madagdagan ang mga ideya upang makagawa ng isang kwento.
Kung magiging may-akda man ang mga nagbabasa, nagkakaroon sila ng karagdagang
impormasyon para sa kwento.

Ang paghihinuha ay nakakatulong para maintindihan ang mensahe ng kwento at para


palawigin ang creativity ng mga estudyante.

 Paano ituturo ang paghihinuha?

 Madalas ginagamit ito sa kuwento at nobela.


Ito ay maaaring batay sa mga hudyat, bakas, palatandaan, ebidensya o
mga implikasyong ipinapakita sa isang kuwento, akda o pangyayari.

SESYON 11
 Pagtukoy sa Tono at Damdaming Teksto

NAME SCHOOL

DISTRICT DATE
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang tamang
sagot.

1. “Hindi ko na ibig sabihin sa inyo ang sakitng  loob at malabis na


kalungkutang naghahari  sa aming lahat. Mula noon, bata pa ako ay 
nawalan na ng tiwala sa pakikipagkaibigan  at ako’y nag-alinalangan
na sa mga tao.” 

Ano ang tono ng pahayag?Bakit?

2. “Mauuna na kayong umuwi,  magpapahinga muna ako,ituturo  ko sa


inyo ang amingbahay”.

 Anong tono ang ginamit sa  pahayag?

3.    Dinaig ninyo ang mga templo sa Bangkok  Maging ang mga


elepante sa mgaliwasan Sa panghahalina at pang-aakit sa mgaturista! 
Gabi-gabi, tumututok ang iba’t ibang lahi sa  inyo, upang pulutanin ang
hubad ninyong  katawan.

Ano ang tono ngpahayag?

4. Samakatuwid, isang proseso ang kultura na  naghahatid ng mga


pagpapahalaga ng isang  lipunan sa pamamagitan ng mga produkto o iba 
pang anyo ng paggawa ng kahulugan. Halimbawa,  ang ideyal ng mga
Amerikano ng mabagsik na  indibiduwalismo ay malaon nang ipinakikita
samga  tradisyon ng aklat, pelikula at kanluraning  telebisyon at mga

kuwento ng detektibo.  
Ano ang tono ng kabuuangpahayag?
5. Mga kapwa ko kabataan, sikapin nating tayo’y makagawa ng
mahahalagang bagay upang maghubog at maggabay sa mga susunod
pang henerasyon. Dapat tayo’y maging langis sa munting lamparang
nagnanais na magbigay liwanag. Tayo ang sigla at lakas sa mga mata ng
tumatandang lipunan at mamamayan. Tayo’y makiisa sa mga proyektong
isinusulong ng ating pamahalaan upang higit na makatulong sa
ikasusulong nitong ating bansa.
Ano ang tono at damdamin ang bahaging pahayag sa akda?

6. Gayong-gayon din ang nakita ko sampung taon na ang nakalilipas.


Gayong-gayon din ang nangyari noon katulad ng sa panaginip ko
kagabi. Ngunit kagabi, bago ako nagising, kaiba sa nangyari
noon,nagawapangiangat ni Rex ang  kanyang duguang          mukha 
upang  pagtamain ang aming kapwa nanlilisik na mga  mata.

Ano ang tono o damdamin ng pahayagsa  akda?

7. DearDiary,
Ako’y Happy today dahil nakita ko na naman ang crush kong cute at
maculet. Nagiging masaya ako at inspirado kapag nakikita ko siya at
nakakasama kahit sandaling oras lang sa isang araw, dahil para sa akin ay
matagal na oras na ‘yon.

Ano ang   tono    o damdaming  ipinahahayag sa akda?

8.  “Juan, ano ang ibig  mong sabihin?”


        

Anong tono ang ipinahihiwatigdito? Salungguhitan.


a. nagtataka    c.nababahala
b.nagtatanong   d. Nananadya

9. “O Diyos, O Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Masidhi ang


pagtaghoy ko upang ako ay tulungan; ngunit hindi dumarating ang
saklolong hinihintay,  araw gabi’y dumaarating, tumatawag ako , Diyos
hindi ako mapanatag di ka pa rin  sumasagot!”

Ano ang tono o damdamin sa akda?

You might also like