Mga Salitang Magkatugma Mula Sa Awit, Tula at Bugtong: El Osario Hristian Nstitute

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Del Rosario Christian Institute

Aralin 4

Mga Salitang
Magkatugma mula sa
Awit, Tula at
Bugtong

#DRCilearn
Isaisip Natin

Ang mga salitang magkatugma ay


ang tawag sa mga salitang
magkapareho ang tunog sa hulihan
ng mga salita

#DRCilearn
Suriin Natin
Basahin natin ang mga tugma at awit pambata.
Sipit at Pipit, Lumilipad
Araw natin ay sumikat.
Bulaklak sa hardin na namumukadkad
Inahing ibon umalis sa pugad

Ang Po at Opo
Ang bilin sa akin ng ama't ina ko
Maging magalangin, mamumupo ako
Pag kinakausap ng matandang tao
Sa lahat ng lugar, sa lahat ng dako
Kapag kausap ko'y matanda sa akin,
Na dapat igalang, na dapat pupuin,
Natutuwa ako sa bigka-bigkasin,
Ang po at opo ng buong paggiliw.
#DRCilearn
Suriin Natin
Basahin natin ang mga bugtong.
Kay lapit-lapit na sa mata,
di mo pa rin makita.
Kaisa-isang plato,
Malambot na parang ulap kita sa mundo
kasama ko sa pangarap

Isang butil ng palay,


sakop ang buong buhay.
Bulaklak muna ang dapat gawin,
bago mo ito kainin.

#DRCilearn
Suriin Natin
Awitin natin

"Bahay Kubo"

Bahay-kubo, kahit munti


Ang halaman duon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayro'n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
#DRCilearn
Suriin Natin
Basahin natin ang tula.

"Ang Gulay"

Gulay ay Masustansya
Buhay natin ay hahaba
Gatas at itlog
Pagkaing pampalusog
Saging at papaya
Pagkaing pampaganda
Kumain ng gulay
Nagpapalakas at nagpapasigla
Kumain ng kamatis
kutis ay kikinis
#DRCilearn
Alamin Natin

Basahin ang halimbawa ng mga salitang magkatugma.

aso baso talong gulong sabon ibon

gitara kutsara bola pala ilog itlog


#DRCilearn

You might also like