Karunungang Bayan

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Karunungang Bayan

Ano ang karunungang bayan?


• Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng
isang tribo.
• Bugtong
• Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan
na ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng palaisipan.
• Salawikain
• Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverbs, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na
kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang
dinadaan sa talinhaga.
• Idyoma/Sawikain/Sawikaan
• Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na
paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
• Kasabihan
• Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin
na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.
• Palaisipan
• Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan.
Halimbawa ng Kasabihan

• Ako ang nagbayo, iba ang nagsaing.


• Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ng tuloy.
• Batu-bato sa langit, tamaan huwag magagalit.
• Kapag ang kalikasan ay nilapastangan lalong lalaki ang ating
babayaran.
• Huwag sirain ang ganda ng mundo dahil ang pagtira rito’y isang
pribilehiyo.
Ang bugtong ay may iba’t ibang pakinabang. Ito ay ang mga sumusunod:

• Una, ito ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip ng


isang tao dahil sa mga palaisipang ito ay kailangang gumamit ng
lohika at kaalaman upang malaman ang tamang sagot.
• Pangalawa, ito rin ay isang mahusay na paraan para maipahayag ang
kultura at tradisyon ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga bugtong,
naipapakita natin ang ating mga paniniwala, kaugalian, at iba pang
mga yugto ng ating buhay bilang mga Pilipino.
• Pangatlo, ito ay nakakatulong din sa pagpapalawak ng ating
bokabularyo at kaalaman sa wika.
Paano?
• Sa paggawa ng bugtong, kinakailangan ng isang malikhain at malalim
na pag-iisip. Maaari itong magsimula sa isang pangkaraniwang bagay
o karanasan at gawing metapora. Kinakailangan ding magkaroon ito
ng sukat at tugma upang magkaroon ng indayog o ritmo. Karaniwan,
ang mga bugtong ay naglalaman ng mga talinghaga o simbolismo na
tumutukoy sa iba’t ibang bagay o sitwasyon. Ang sagot sa bugtong ay
karaniwang isang salita o maikling parirala na naglalarawan sa
tinutukoy ng metapora.
Halimbawa
• 1. Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahin.
Sagot: Sapat

• 2. Kung may ditche at diko sa sambahayan, kapartner nito ang sanse sa tahanan.
Sagot: Sangko

• 3. Barong itinatapis lamang, maaaring gawing pormal na kasuotan.Thailand ang pinanggalingan.


Sagot: Sarong

• 4. Hindi ka pa gaanong nilalagnat, sakit ay di pa ganap.


Sagot: Sinat

• 5. Maitim na puwit, tangkay ay nakakabit.


Sagot: Sungot
• 1. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.
Sagot: Pusa

• 2. Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.


Sagot: Langgam

• 3. Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.


Sagot: Paniki

• 4. Tiniris mo na inaamuyan pa.


Sagot: Surot

• 5. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.


Sagot: Bibe
• 1. Bugtong-bugtong, hindi mabitawan kahit may kasalanan.
Sagot: Pag-ibig

• 1. Buto’t-balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola

• 2. Kung gabi ay malapad, kung araw ay matangkad.


Sagot: Banig

• 3. Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala.


Sagot: Sapatos
• 4. Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Ngunit kung ako’y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
Sagot: Kandila

• 5. Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.


Sagot: Kabaong
Ano ang Sawikain?

• Ang mga sawikain o idioms sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga


salita na patalinghaga at ‘di tuwirang naglalarawan sa isang bagay,
sitwasyon o pangyayari.

• Ito ay matatalinghagang pahayag na kung minsan ay nagpapahiwatig


ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.

• Nakakatulong ang paggamit ng mga sawikain upang mas lalong


mabigyang-diin ang isang pahayag o pangungusap. Ito ay
nakakapukaw sa damdamin ng mga nakikinig o nagbabasa.
Halimbawa
• 1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.
• 2. Agaw-buhay
Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik nang maputulan ng hininga
Halimbawa: Agaw-buhay na nang dalhin sa ospital ang lola ni Andrea.
• 3. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Bilisan na natin dahil mag-aagaw dilim na.
• 4. Ahas
Kahulugan: Taksil, traydor
Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Belinda, bakit kinaibigan mo pa?
• 5. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.
• 6. Alog na ang baba
Kahulugan: Matanda
Halimbawa: Alog na ang baba ngunit ayaw pa rin tumigil sa pagta-trabaho ni Lolo Lito.
• 7. Alsa balutan
Kahulugan: Naglayas
Halimbawa: Nabalitaan ko na nag-alsa balutan daw ang anak mo.
• 8. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Hindi na daw kasi amoy pinipig si Aling Grasya kaya iniwan na ng asawa.
• 9. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Bakit amoy tsiko ka na naman?
• 10. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Kahit anak-dalita ay naabot pa rin ni Abel ang kanyang pangarap.
Ano Ang Palaisipan?

• Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan


ng lumulutas nito
• Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba
sa karaniwan. Heto na ang mga halimbawa nito:
• Tanong: Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?

Sagot: G
• Tanong: Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?

Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.


• Tanong: Anong isda ang lumalaki pa?

Sagot: Yung bata pa.


• Tanong: Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?

Sagot: Donut na may butas sa gitna


• Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako

Sagot: Telepono/Cellphone
• Tanong: Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig pagkaraan nama’y agad binabalik

Sagot: Ilong (sipon sa ilong ang tinutukoy na tubig)


• Tanong: Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya

Sagot: Tsinelas/Sapatos
• Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?

Sagot: Side Mirror


• Tanong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: Baril
• Tanong: Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: Posporo
• Tanong: May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: Sandok
• Tanong: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: Zipper
• Tanong: Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

Sagot: Sumbrero
Salawikain
• Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang
matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang
bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng
mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi.
Ito ay na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito.

• Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa bawat magbabasa. Ang mga ibang kasabihan
ay naging bahagi na ng ating kulturang pangwika, lalo na yong mga sinulat at
binigkas ng mga dakila nating mga bayani at mga batikang manunulat. Marami sa
mga ito ay karaniwan na nating nababasa sa mga aklat at ginagamit bilang
pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino.
• Aanhin pa ang damo
• Kung patay na ang kabayo
• Kahulugan: pwede itong ihambing sa kalikasan, araw-araw, libo-libung puno ang
pinuputol para panggawa ng bahay, darating ang araw na makakalbo na ang mga
bundok dahil dito. At kapag bumagyo at gumuho ang lupa galing sa bundok, wala ng
mga puno para pigilan ang pagbagsak nito sa mga bahay na malapit.

• Ang tumatakbo ng matulin


• Pag masusugat ay malalim
• Kahulugan: matutong pagisipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong desisyon.

• Kapag binato ka ng bato


• Batuhin mo ng tinapay
• Kahulugan: huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway
Ngipin sa ngipin
Mata sa mata
Kahulugan: ito ay hustisya, kapag gumawa ka ng masama, ang
kaparusahan ay naaangkop sa iyong krimen.

Kung ano ang hindi mo gusto,


Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran
Kahulugan: kung gusto mo na respetuhin at maging mabuti sa iyo ang
mga tao, mauna ka na magpakita ng respeto at magandang asal at tiyak
na susuklian din nila ito ng mabuting intensyon.
• Ang batang palalo at di napapalo
Pag lumaki ang kahalubilo
Sa mundo ng magugulo
Kahulugan: kapag hindi marunong mag-disiplina ang magulang sa kanilang
anak, lalaki itong barumbado.

Mansiyon man ang bahay mo


Asal ka namang hunyango
Mabuti pa ang bahay mo ay kawayan
Kung maasahan ka sa lahat ng bayanihan
Kahulugan: hindi dapat hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang kanyang
ugali. Mahirap man o mayaman, dapat matutong magpakumbaba.
• Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan
Ngunit ang natural na asal ay hinding-hindi mapag-iiwanan
Kahulugan: matutong intindihin sa iyong puso ang mga pinag-aaralan.
Huwag mag-aral para lang sa pag-susulit, hindi nagtatagal ang ganitong
kaalaman. Intindihin at damdamin ang binabasa para habang-buhay mo
itong magamit.

• Mas delikado
ang taong edukado
Kahulugan: ang taong may pinagaralan kapag ginamit ito sa kabutihan
ay pakinabang ng sanlibutan, ngunit kapag ito ay ginamit para sa
masamang bagay, marami ang mapapahamak.
Oh pag-ibig na makapangyarihan
Pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang
Kahulugan: hindi mo kayang piliin kung sino ang mamahalin mo, kapag
mahal mo, mahal mo.

Huwag kang patatalo sa iyong panibugho


Mundo mo ay guguho at magkakagulo-gulo
Kahulugan: natural lang ang pagseselos sa isang relasyon, ngunit wag
mong hayaan na ikasira ito ng inyong pagmamahalan.

You might also like