Suson - IDEA EXEMPLAR (AP) PDF

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learning Area

Learning Delivery Modality

Paaralan TMCC Baitang Anim


LESSON Guro Jessa Mae O. Suson Asignatura Araling Panlipunan
EXEMPLAR Petsa Ika- 15, Hunyo 2021 Markahan Ikalawa
Oras 1-2 pm Bilang ng Araw 1

 Masusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones.

I. LAYUNIN  Matutukoy ang mga mabubuti at masasamang epekto sa mga Pilipino ang
pananakop ng mga Hapones.

 Maisasalaysay ang mga patakaran na inilunsad ng mga Hapones sa


Pilipinas

A. Pamantayang  Ang mga mag-aaral ay masusuri ang mga patakaran at resulta ng


Pangnilalaman pananakop ng mga Hapones.

B. Pamantayan sa Pagganap  Ang mga mag-aaral ay matutukoy ang mga mabubuti at masasamang
epekto sa mga Pilipino ang pananakop ng mga Hapones.

C. Pagpapaganang Kasanayan  Ang mga mag-aaral ay maisasalaysay ang mga patakaran na inilunsad ng
(Kung mayroon, isulat ang mga Hapones sa Pilipinas
pagpapaganang kasanayan)

D. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung mayroon, isulat
ang pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o
MELC)

II. NILALAMAN Patakaran at Resulta ng Pananakop ng Hapones


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng  PIVOT 4A, p. 208
Guro  Curriculum Guide p.131
b. Mga Pahina sa Kagamitang  CO_Q2_AP 6_ Module 6
Pangmag-aaral
c. Teksbuk  Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino,
Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang Manila, LG & M
Corporation (SEMP 2): 2006, 187- 189.

 Marites A. Eugenio. Pilipinas 5, St. Augustine Publications, Inc.,


2009, 159- 162.
 Ma. Emelita V. Iñiguez. Pilipinas 4, St. Augustine Publications, Inc.
2009. DepEd LR Portal.
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resources
Bidyo, Larawan at PPT
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Kailangan Alamin

A. Panimula Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa patakaran at resulta ng


pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Mahalagang malaman at
maunawaan mo ang mga epekto at resulta ng
pananakop at higit sa lahat ang hirap na dinanas ng
mga Pilipino noong panahon ng digmaan lalo na sa
pananakop ng mga Hapones sa bansa.

Bago simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.

Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang
salitang tinutukoy.Isulat sa sagutang papel ang mga kasagutan.
1. Nilikha ni Pangulong Laurel upang maging pantay ang pamamahagi ng
paninda sa buong bansa.

N D I C O
2. Ang sangay na nangasiwa sa halaga ng bigas.

N A C

3. Ang lumikha at namamahagi ng bigas sa pamayanan.

B I A

4. I M At G i A n Aa P It B
a A gH Y a
gabi. Dahil sa samahang ito natigil ang laganap na pagnanakaw.

5. Pangunahing kakulangan ng mga Pilipino noong panahon ng Hapones.

P G K A N
B. Pagpapaunlad
Panuto: Basahin sa unang hanay ang mga ilang patakaran na inilunsad ng mga
Hapones sa bansa at isulat kung sang-ayon o di sang-ayon sa ikalawang hanay.

Patakaran Resulta
1. Pagputol ng pakikipag-ugnayan ng
Pilipinas sa Estados Unidos.

2. Pagtanggal ng lahat ng
kapangyarihang Amerikano.

3. Pagtatatag ng pamahalaan para sa


mga Pilipino lamang.

4. Pagpapatuloy ng mga
kapangyarihan ng mga pinuno ng
bayan.

5. Pamamahagi ng mga pangunahing


pangangailangan.

Iisa lamang ang layunin ng Hapon sa pagsakop nito sa


Pilipinas, ito ay ang makontrol ang ekonomiya nito. Sinakop ng mga
Hapones ang Pilipinas sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng panahong ito,
maraming hirap ang naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng bagong
mananakop. May mga pagbabagong naganap at mga patakarang ipinatupad,
bawat patakaran ay may resulta. Noong 8 ng Enero 1942, itinatag ng mga
Hapones ang isang Pamahalaang Militar. Ito ang namuno sa mga patakarang
pang-ekonomiya, pangkultura at pangkabuhayan.
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Hapones

 Ganap na pagputol ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados


Unidos.
 Ganap na pagtatanggal ng lahat ng kapangyarihang Amerikano sa
buong kapuluan.
 Pagtatatag ng isang pamahalaang para sa mga Pilipino lamang (na hindi
naman totoo sapagkat sila pa ring mga Hapones ang
makapangyayarihan).
 Pagpapatuloy sa posisyong pampamahalaan ng mga pinuno ng bayan sa
ilalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
 Pag-aalis ng kalayaang makapagsalita at makapagpahayag.
 Pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa pagkain sa
pamamagitan ng pagrarasyon.
 Paglilitis at pagpaparusa sa mga Pilipinong kumakalaban sa mga
Hapones.
 Pagpigil sa mga programang pangkaunlaran at pangkabuhayan.
Itinatag ni Pangulong Laurel ang ilan sa mga
kawanihan ng pamahalaan tulad ng mga sumusunod:

1. Kawanihan ng mga Beterano


2. Sanggunian ng mga Siyensya
3. Pangasiwaan ng Bigas at Mais
4. Kawanihan ng Konstabularyo
5. Lupon ng Pangkabuhayang Pagbabalak

Tumanggi naman ang mga Hapones na maipagpatuloy ang Gawain ng


Kagawaran ng Paggawa at Tanggulan. Sa kabila nito, pinasimulan
naman ang Gawain ng mga Kagawaran ng:

1. Kalusugan at Kapakanang Pampubliko


2. Agrikultura at Pangangalakal
3. Pampublikong Gawain at Komunikasyon
4. Pananalapi
5. Panloob
6. Pampublikong Gawain at Komunikasyon
7. Katarungan
8. Edukasyon, Kalusugan, at Kapakanang Pampubliko

Sa kabila ng mga pagbabagong inilunsad ng pamahalaang Hapones, hindi pa rin


naging mapayapa ang buhay ng mga Pilipino.
Nagtangka ang mga Hapones na hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino
upang makuha ang katapatan nila mula sa Estados Unidos patungo sa
Hapon. Kanilang ipinag-utos na palitan ng Pilipino o Hapones ang pangalan
ng mga kalye at lugar na nakasunod sa mga Amerikano at mga institusyon
nito. Halimbawa:
 Ang Briton Hill ay naging Nilad.
 Ang Broadway Street ay naging Biak-na-Bato.
 Ang Chicago Street sa Maynila ay naging Makiling at

 Harrison Park ay naging Rizal Park


Subalit patuloy rin na nangangamba ang mga Hapones sa di-mapigil
na nasyonalismo ng mga Pilipino. Upang mapigilan ito, kanilang
ipinagbawal ang pag-awit at pagtugtog sa publiko ng pambansang
awit ng Pilipinas.
Ika-20 ng Disyembre 1943

Matapos ang pagkakatatag ng Ikalawang Republika sa ilalim ng pananakop ng


Hapon, isa ring bagong Pambansang awit ng Pilipinas ang kauna-unahang
tinugtog at inawit sa publiko. Nakilala ang bagong pambansang awit sa
titulong "Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas".

Itinatag ang "Bigasang Bayan" (BIBA) at ang "National Distribution


Corporation" (NADISCO) para mangasiwa sa pagpapatupad ng mga programa
sa paglutas sa suliranin sa pagkain.
Ang BIBA ang nagsasaayos sa distribusyon ng kakaunting imbak na bigas.

Samantala, ang NADISCO naman ang itinalagang mamahala sa pamamahagi


hindi lamang ng bigas kundi iba pang pang-araw-araw na pangangailangan sa
buong bansa.

Nakasalig sa edukasyon ang patakarang kultural ng mga Hapones. Sa


pagbubukas ng mga paaralan, lahat ng mga patakaran sa pagtuturo ay
pawang nakatuon sa mga sumusunod ng mga layunin:

A. Maipaliwanag ang kahulugan ng Greater East Asia Co-Prosperity Spere


at maipaunawa ang bahaging ginagampanan ng Pilipinas sa programang
ito.

B. Maiwaksi ang mga pagpapahalaga at kulturang Kanluranin upang


maisaisip muli ang pagiging Asyano.

C. Mahubog ang kaugalian ng mga Pilipino at maiwaksi ang pagiging


materyalistiko.

D. Maituro ang wikang Hapones o Niponggo upang sa kalaunan, malimutan


ang wikang Ingles.

E. Mabigyang- halaga ang pangunahing edukasyon at maipakilala ang


bokasyonal na edukasyon.
F. Mahikayat ang mga mamamayan na matutuhan ang pagmamahal sa
paggawa.

Kinakailangang suriin muli ang mga kurikulum at mga aklat na ginagamit


upang maisakatuparan ang mga layuning ito. Anumang nagsasaad ng laban sa
Hapon at pagsuporta sa mga Amerikano o Ingles ay inalis. Higit na binigyang
pansin ang pag-aaral ng mga kursong bokasyonal kaysa panitikan at agham
panlipunan.
Mga Epekto at Resulta ng Pananakop ng mga Hapones
Isa sa mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng pananakop
ng mga Hapones ay ang pagkakasipa palabas ng mananakop na Estados
Unidos mula sa Pilipinas. Nagkaroon din ng pagkakataong mamahala ang
mga Pilipino sa mga mahahalagang bahagi ng burukrasya.
Mga Mabubuting Epekto ng Pananakop ng mga Hapones sa
Pilipinas

Natutunan ng mg Pilipino ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga


isda, hipon at mga bibe, ang pagsasaka at pangingisda. Naimpluwensiyahan
din ang mga Pilipino ng mga pagkaing tulad ng noodles,tempura , at sushi.
Natutunan ang paggawa ng origami at ikebana.

Ang paggawa ng mga arkitektura tulad ng mga templo ng budismo.


Ang paggawa ng mga kasangkapan at armas. Ang pagiging bukas ang
kamalayan sa pagtangkilik sa teknolohiya at ito ay tulad ng mga karaoke,
videoke, game console, camera at iba pa.

Natutunan rin ng mga Pilipino sa mga Hapon ang pagsuot ng bata de


banyo at pagyukod sa kapwa bilang tanda ng paggalang. Napakilala nila ang
panitikan nila tulad ng mga kuwento, dula at alamat.
Mga Masamang Epekto ng Pananakop ng mga Hapones
Makatuwiran sana ang layunin ng bansang Hapon na makapagtatag
ng isang Asya na may kakayahan at kalayaang pang-ekonomiya na hiwalay
sa mga taga-Kanluran ngunit hindi makatuwiran ang naging pamamaraan nila
upang makamit ito.

Hindi makatuwiran na isang lahi lamang ang mamumuno upang


makamit ang layuning ito. Sang-ayon ako na ang Asya ay para sa mga
Asyano, ngunit ito ay hindi para sa mga Hapones lamang.

Hindi rin makatuwiran ang paggamit nila ng karahasan upang


makamit ito. Mas dinaig pa nila ang mga Kastila at Ameriakno pagdating dito
na pinatunayan ng malagim na sinapit ng Tsina (Rape of Nanking) at
Filipinas (Rape of Manila). Walang-awa nilang ginahasa ang mga kababaihan
at walang pakundangnang pinaslang ang libo-libong sibilyan sa mga bansang
nasakop nila. Hindi rin mabubura sa kasaysayan ang malagim na “Death
March” kung saan libo-libong sundalong Amerikano at Pilipino ang nasawi
sa malupit nilang mga kamay.

Higit sa lahat, dapat ding banggitin na hindi naman naging tapat ang
mga Hapones sa layuning ito. Sa bandang huli, napatunayan na simula pa
lamang ay kabutihan lamang ng bansang Hapon ang kanilang inisip. Ginawa
lamang nilang dahilan ang pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere upang maging legal ang kanilang lihim na agenda – ang maging isang
imperyalistang bansa.

C. Pakikipagpalihan
I. Panuto: Buuin ang Venn Diagram. Isulat sa loob ng A ang
mga mabubuting resulta ng pananakop ng mga Hapones at sa loob ng
B ang mga di-mabubuting resulta ng pananakop ng mga Hapones.
A B
Mabutin Di-
g Resulta Pananakop mabuting
ng mga Resulta
Hapones

II. Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat sa unang kolum ang nga
patakaran ng mga Hapones sa panahon ng pananakop sa Pilipinas at
sa ikalawang kolum naman ay isulat ang inyong reaksiyon.

Patakaran Reaksiyo
n

D. Paglalapat
Mahigpit na ipinatutupad ng mga Hapones ang kanilang mga patakaran sa
Pilipinas. Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Ganap na pagputol ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos.
 Ganap na pagtatanggal ng lahat ng kapangyarihang Amerikano sa
buong kapuluan.
 Pagtatatag ng isang pamahalaang para sa mga Pilipino lamang (na
hindi naman totoo sapagkat sila pa ring mga Hapones ang
makapangyayarihan).
 Pagpapatuloy sa posisyong pampamahalaan ng mga pinuno ng bayan
sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
 Pag-aalis ng kalayaang makapagsalita at makapagpahayag.
 Pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa pagkain sa
pamamagitan ng pagrarasyon.
 Paglilitis at pagpaparusa sa mga Pilipinong kumakalaban sa mga
Hapones.
 Pagpigil sa mga programang pangkaunlaran at pangkabuhayan.
 Pagturo ng wikang Hapones o Niponggo upang sa kalaunan,
malimutan ang wikang Ingles.

Ipaliwanag mo ang mga tanong sa ibaba.

1. Anu-ano ang mga patakarang inilunsad ng mga Hapones sa Pilipinas


noong panahon pananakop?
2. Anu-ano ang mga mabubuti at masasamang resulta ng pananakop ng
mga Hapones sa bansa?

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na__________________________________________.
Nabatid ko na_____________________________________________.

You might also like