Filipino 6 q1 Week 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 6 Unang Markahan – Ikaanim na Linggo / WEEK 6 GURO: LESLIE L.

CARAMIHAN
Parent’s Signature__________________________________________________________
Ang atlas, almanake, internet, tesawro, ensiklopedya ay kabilang sa pahayagan at diksyunaryo. Ang tawag sa kanila ay Pangkalahatang
Sanggunian. Ito’y ginagamit sa pananaliksik minsan sa paggawa ng proyekto , gawaing – bahay at mga aralin.
Ano ang makukuhang mga impormasyon sa mga sangguniang ito? Heto alamin natin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin ang sangguniang gagamitin.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Si Grace ay naghahanap ng sikat na pasyalan sa bansang Italya ngayon patapos na ang pandemic. Ano ang kailangan niyang aklat?
__________
2. Nagkataong nagbakasyon si Nanette sa New York at kailangan niyang gumawa ng modyul. Wala siyang makitang aklatan. Ano ang
gagamitin niya sa pagkuha ng mga impormasyon?_______
3. Gustong makasagap ng balita ni Beth ang kalagayan ng lungsod ng Talisay at ang bilang ng mga nagiging positibo ng COVID-19 sa
araw na iyon. Saan siya mangangalap ng mga ideya nito ?_____
4. Nag-aaral si Aurora ng mga iba’t ibang uri ng palamuti sa panahon ng Kastila upang ito’y gawin at ibenta sa mga kakilala. Anong aklat
ang kanyang kukunin sa aklatan?_______
5. Kumukuha ng nursing si Shirley at kailangan niya ng detalyadong impormasyon tungol sa dissecting na gagawin nila sa Biology Class
niya? Anong sanggunian niya ito makukuha ? _______
6. Si Novelyn ay magpasusulit sa kasingkahulugan at magkasalungat na salita sa Filipino bukas. Anong aklat ang gagamitin niya upang
mas madali lang siyang makapag aral?_________
7. Binigyan ni Laisa ang mga bata takdang araling tungol sa mga mahihirap na salita at nahapin ang mga kahulugan nito. Anong angkop
na sanggunian ang gagamitin ng mga bata?________
8. Nang matapos na ang pandemya ay naisip ni Anna Lynn manood ng sine. Saang sangunian niya ito dapat titingnan?_________
9. Naisip ni Rian mag ikot sa iba’t ibang bansa sa Europa at maghanap ng bagong mga kakilala. Wala siyang ideya sa mga magagandang
pasyalan at kainan dito. Anong sanggunian niya makikita nag kanyang hinahanap?_________
10.Gabi na at hindi na maaaring lumabas si Ray ng bahay subalit may sasagutang siyang aralin at hindi na dala ang kanyang libro.
Malakas ang WIFI nila sa bahay. Anong sanggunian ang maari niyang gamitan?_________

V. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap ang sagutan ang mga sumusunod na tanong. Titik lamang ang isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Madalas binibigyan ng takdang aralin ang mga bata tungkol sa mga matatalinghagang salita. Anong pangkahalatang
sanggunian ang mas mainam gamitin ng mga bata?
A. atlas B. almanac C. diksiyonaryo D. ensiklopedya
2. Bakasyon na naman at naisip ng pamilyang Carredo na mangibang bansa. Sa anong sanggunian ang angkop na gagamitin?
A. atlas B. almanac C. diksiyonaryo D. ensiklopedya
3. Minabuti mong maghanap ng mababasang aklat na may kaugnay sa mga sikat na kasuotan sa taong 90’s upang gamitin sa
iyong proyekto? Anong aklat ito?
A. atlas B. almanac C. diksiyonaryo D. ensiklopedya
4. Nawalang ng internet sa bahay at nais mong magbasa aklat upang madagdag ang iyong kaalaman sa mga bagay bagay.
Alin sa mga ito ang mas mainam gamitin?
A. mapa B. almanac C. thesauarus D. diksiyonaryo
5. Naghihirapan kang basahin ang salitang “bouquet”. Anong sanggunian ang maaring gamitin?
A. atlas B. almanac C. pahayagan D. diksiyonaryo
6. May proyekto kayo sa Araling Panlipunan at naatasan ka sa bansang Tsina. Anong pangkahalatang sanggunian ang dapat
gamitin?
A. atlas B. mapa C. pahayagan D. diksiyonaryo
7. Gusto mong sumabay sa uso ngayon kaya naghahanap kang mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa kasuotan at mga
sikat na
personalidad. Alin sa mga ito ang angkop na sanggunian?
A. mapa B. globo C. almanac D. ensiklopedya
8. Gusto mong makangalap ng bagong balita sa bansa sa araw na iyon. Ano ang pinakamadaling bilin na sanggunian?
A. atlas B. mapa C. almanac D. pahayagan
9. Nahiligan mong magpinta at gusto mopang mas maraming malamin tungkol sa iba’ ibang istilo sa pagpinta. Anong
pangkahalatang sanggunian ang iyong gagamitin?
A. mapa B. almanac C. pahayaganD. ensiklopedya
10.Nasa SM ka nang biglaang tumawag ang kapatid mo tungkol sa kanyang aralin na sinasagutan. Alin pangkalahatang
sanggunian ang maaaring gamitin?
A. globo B. internet C. almanac D. ensiklopedya

You might also like