IKATLONG LINGGUHANG PAGSUSULIT Sa Araling Panlipunan 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKATLONG LINGGUHANG PAGSUSULIT

SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: ________________________________ Iskor: ________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Unang binomba ang Pearl Harbor ng Amerika bago sumalakay ang mga Hapones sa
Pilipinas. Bakit ito ang una nilang ginawa?
A. Pigilan ang Pacific Fleet ng Amerika sa paghihimasok sa aksiyong militar ng
Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya.
B. Mas madali itong pabagsakin kaysa sa Pilipinas.
C. Malapit lamang ito kaysa sa Pilipinas.
D. Wala sa mga nabanggit.

2. Sino ang heneral ang nagtanggol sa Bataan laban sa ng mga Hapones?


A. Douglas MacArthur B. Edward P. King
C. Masaharu Homma D. Tomoyuki Yamashita

3. Anong siyudad ang idineklara ni Heneral Douglas MacArthur bilang isang Open City?
A. Baguio B. Cebu C. Davao D. Manila

4. Kailan hinirang si Jose P. Laurel bilang unang pangulo ng Ikalawang Republika?


A. Oktubre 12, 1943 B. Oktubre 13, 1943
C. Oktubre 14, 1943 D. Oktubre 15, 1943

5. Ang Philippine Executive Commision (PEC) ay itinatag bilang pansamantalang katiwalang


pamahalaan ng Maynila, at nang lumaon ay ng buong Pilipinas. Sino ang itinalagang
pangulo dito?
A. Benigno Aquino Sr. B. Claro M. Recto
C. Jose P. Laurel D. Jorge B. Vargas

6. Bakit nilikha ng KALIBAPI ang Preparatory Commission for Philippine Independence?


A. Maging mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa sunud-sunod na problema
na kanilang naranasan sa kamay ng mga Hapones
B. Ito ang initasang maghanda ng isang Saligang Batas para sa Republikang
tatangkilikin ng Hapon.
C. Magsanay sa sariling pamamahala ang mga Pilipino.
D. Mailigtas sa trahedya ng digmaan ang Pilipinas.

7.Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagbabagong naganap sa ekonomiya ng Pilipinas sa \


panahon ng pananakop ng mga Hapones, Alin dito ang HINDI kabilang?
A. Bumagsak ang produksiyon sa mga sektor ng agrikultura.
B. Dumami ang nagutom dahil sa kakulangan sa pagkain.
C. Dumami ang trabaho para sa mga Pilipino.
D. Kawalan sa kalakalang panlabas

8.Alin sa mga sumusunod ang naging resulta ng pagbagsak ng Bataan, na kung saan ang
mga POW or prisoners of war ay sapilitang pinalakad?
A. Death March B. Military Parad C. Protesta D. Rally

9. Ano ang dahilan ni Heneral Edward King para isuko ang Bataan?
A. Kakulangan sa gamot, pagkain at armas.
B. Malakas na puwersa ng mga Hapones.
C. Mahina na at sugatang mga sundalo.
D. Lahat ng nabanggit.
10. Ano ang dahilan ng mga Hapones kung bakit nagbigay sila ng pangako sa mga Pilipino
na gagawaran nila ng kasarinlan ang Pilipinas?
A. Nagbayad ng malaking pera ang Pilipinas.
B. Makuha ang loob ng mga Pilipino.
C. Naaawa sila sa mga Pilipino.
D. Wala sa mga nabanggit.

11. Ilan sa mga pagbabago ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas na ipinatupad ng mga


Hapones ay ang pagtataguyod ng opisyal na wika ng bansa. Anong wika ang mga ito?
A. Nihongo at Tagalog B. Tagalog at Ingles
C. Ingles at Nihongo D. Ingles at Filipino

12. Ang mga prisoners of war o POW ng mga Hapones ay sapilitang pinalakad mulaBataan
hanggang Kampo ng O’Donnell.Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Kahit nanghihina na ang karamihan ay pilit pa rin silang pinalakad na may
kaakibat na pagpapahirap.
B. Tinulak-tulak sila para makapaglakad patungo sa kanilang piitan.
C. Kalayaan ang gantimpala sa mga nais maglakad nang sapilitan.
D. Kinaladkad sila ng kanilang mga sasakyang pandigma.

13. Ang mga balitang inilalathala sa bawat pahayagan ay kinokontrol din dati ng mga
Hapones kaya hindi naglaon ay itinatag nila ang sarili nilang palimbagan na tinawag
na _______________________________________.
A. Taliba B. Manila Tribune C. La Vanguardia D. Manila Newspaper Company

14. Bakit tinaguriang “Republikang Puppet” ang Ikalawang Republika na itinatag ng mga
Hapones sa bansa? Dahil sa ____________________.
A. mga Pilipino ay malaya sa kanilang kagustuhang makapagsarili
B. naging sunud-sunuran ang mga pinuno sa mga Hapones
C. nailigtas ang mga Pilipino sa trahedya ng digmaan
D. mga Pilipino ang namuno dito

15. Bakit kaya tinanggihan ni Manuel Roxas ang unang alok ng mga Hapones na siya ang
maging pinakamataas na pinuno ng mga Pilipino? Dahil _______________________________.
A. nagparaya siya para kay Jose P. Laurel
B. sa kaniyang humihinang kalusugan
C. natatakot siya sa mga Hapones
D. wala sa nabanggit
Susi sa pagwawasto

1. a

2.b

3.d

4.c

5.d

6.b

7.c

8.a

9.d

10.b

11.a

12.a

13.d

14.b

15.b

You might also like