Script of El Filibusterismo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Ang Iskip ng El Filibusterismo

Scene 1. Sa Kubyerta

(Nakatayo si Simoun sa gilid ng bapor, malalim ang iniisip.)

Ibarra: Bilisan mo, papalapit na sila! (Nagpaputok ng baril)

Elias: Ngunit… (natamaan ng bala) ahh. Dumapa po kayo.

Ibarra: Bakit… (Hindi na naituloy nang ipinadapa siya nito at tumalon sa lawa.
Nagpaputok ulit ng baril)

Simoun: (Mahigpit na hinawakan ang kamao. Naglakad papunta sa mga kasama.)

Donya Victorina: (mataray at naiinis ang tinig) Ang bagal-bagal naman ng takbo
nitong bapor! Hay naku, at iyang nagdaraang kasko, bangka, balsa at mga indiong
nagsisipaligo at nagsisilaba, nakakasira ng ganda ng kalikasan! Bibilis sana ang takbo
ng bapor Tabo kung walang mga Indio sa ilog, sa pampang. Sa alinmang lipunan o sa
alinmang bahagi ng daigdig!

(Walang nakikinig rito. Nagpapaypay ito ng mabilis. Umismid na tumalikod at tinanaw


ang lawa.)

Ben Zayb: Ang katalinuhan ng mga siyentista ang gusto kong bigyan ng
pagpapahalaga. Dahil kapag walang mga ekspertong siyentista, wala tayong pag-unlad
kaya kailangan ‘yon pag-aralan ng mga tao rito.

Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb! Karanasan lamang ang kailangan upang
mapaganda ang Ilog Pasig. Kaya hindi na dapat sila mag-aral ng syensiya!

Ben Zayb: (napailing) Hindi. Matalinong pag-iisip ang kailangan. Dapat mong isiping
malaking suliranin ang liku-liko at mabuhangin na Ilog Pasig.

Simoun: Mga simpleng problema lang yan na nangangailangan ng simpleng lohika.


(Napatingin ang mga kasama rito.) Dapat lang humukay ng isang malalim na kanal
mula sa bunganga ng ilog Pasig hanggang sa labasan na maglalagos sa Maynila, at
ang lupang mahuhukay ay itatabon sa dating ilog. Kapag nagawa ito, tiyak na
mapapaikli ang paglalakbay.

Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ipambabayad sa mga manggagawa?


Simoun: Walang magugugol sapagkat pipiliting gumawa ang mga mamamayan, bata
man o matanda!

Don Custodio: Walang magandang ibubunga ‘yan kundi kaguluhan!


Simoun: Kaguluhan? Bakit, nag-alsa na ba ang mga taga-Ehipto? At nag-alsa rin ba
ang mga bilanggong Hudyo laban kay Tito?

Don Custodio: Ngunit, hindi taga-Ehipto, ni Hudyo ang iyong kaharap! At ang mga
Pilipino ay hindi miminsang naghimagsik.

Simoun: Ang panahong tinutukoy ninnyo ay nakalipas na. Hindi na muling


maghihimagsik ang bansang ito, dagsaan man sila ng mga Gawain at patawan man
ng higit na mataas na buwis.

(Sinabayan ng pagpapanaog sa kubyerta)

Ben Zayb: Indiong Ingles!

Scene 2. Sa Ilalim ng Kubyerta

(Instik ang nakatihaya sa mga dala niya, may nagsusugal, may naglalakad, may
kolehiyalang nagbubulungan habang tinatakpan ang mukha ng abaniko.)

Kapitan Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?


Basilio: Mabuti po naman ang kanyang kalagayan.

Kapitan Basilio: Mabuti naman, tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila,


natitiyak kong hindi ninyo iyan maisasakatuparan.

Isagani: Nagkakamali po kayo. Kung hindi po ngayon ay bukas na namin


matatanggap ang pahintulot. Si Padre Irene na binigyan namin ng dalawang
kastanyong kabayo ay nangakong tutulungan kami sa Kapitan Heneral.

Kapitan Basilio: Saan naman kayo kukuha ng pera?

Isagani: Nag-ambag-ambag na po ang mga estudyante. May mga propesor na rin po.
Ang kalahati ay Pilipino at ang iba naman ay mga Kastila. Kilala niyo ba si Makaraig?
Bukas palad po niyang inalok ang isa nilang bahay para gawing paaralan.

(Ngiti-ngiting napatango si K. Basilio.)

Kapitan Basilio: Sana’y magtagumpay kayo. Maiwan ko muna kayo at pupunta pa ako
sa itaas. (Naglakad papaalis.)

Basilio: Ano nga pala ang sabi ng amain mo tungkol kay Paulita?

Isagani: (Napapangiti) Pinapaalalahanan ako sa pagkilatis ng mapapangasawa, ngunit


pinuri ko sa kanya si Paulita. Sinabi kong walang makakapantay sa kanya sa
Maynila, at lahat na yata ng M ay nasa kanya na.

Basilio: Oo nga, maganda na’t mayaman pa. Kaya lang…

Isagani: A-ano?

Basilio: O, (napatawa) ‘wag kang kabahan, ang nais ko lamang sabihin ay kaya lang,
palagi niyang kasama ang tiya niyang napakamasungit.

(Napatawa ng malakas ang dalawa at dumating si Simoun.)

Simoun: Kamusta senyor Basilio? Ikaw ba’y papauwi na at magbakasyon? At sino


naman itong kasama mo, isang kababayan?

Basilio: Hindi po pero magkalapit lamang ang aming bayan. Siya nga po pala si
Isagani, don Simoun.

(Tinignan ni Simoun si Isagani mula ulo hanggang paa na ikinainis nito.)

Simoun: Kamusta ang lalawigan ninyo? Balita ko na dahil sa mahihirap ang mga tao
roon kaya hindi raw nakakabili ng alahas.

Isagani: Hindi nga po bumibili sapagkat hindi naman kailangan.

(Ngumiti ng pilit si Simoun.)

Simoun: Uminom tayo ng serbesa, ako ang taya.

Basilio: Pasensya na po ngunit hindi kami umiinom ng alak.

Simoun: Hindi umiinom? Ayon kay Padre Camorra, makakasama kung puro tubig
lang ang iniinom.

Basilio: Kung tubig lang sana ang iniinom ni Padre Camorra, tiyak na marami na
siyang naitabing pera.

Isagani: ‘Di tulad ng alak, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag
tubig ay nagalit, iyon ay maaaring lumawak at maging dagat na handang magwasak
at pumatay. Kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw.

Simoun: (Napahanga. Tinakpan ang bibig at nagkunwaring umubo) Bweno, mauna na


ako sa inyo at itutuloy ko pa ang pag-inom ng serbesa. (Tumalikod at ngumiti)
Isagani: Nakakapangilabot ang taong iyon.

Basilio: Hindi mo ba alam na siya ang tagapayo ng Kapitan Heneral?

Isagani: (Napahanga) Talaga? (May lumapit na katulong at bumulong kay Isagani.)

(Sa kabilang dako…)

Kapitan: Padre Florentino! Hinahanap na po kayo ng mga kasama ninyo sa itaas.

Padre Florentino: Susunod na ako. Kakausapin ko muna ang aking pamangkin.

(Tumango ang kapitan at pumanhik. Paparating si Isagani.)

Padre Florentino: Huwag kang aakyat sa kubyerta habang ako’y naroroon.

Isagani: Opo! (Nakaalis na si Padre Florentino.) (Bulong) Ang totoo, ayaw lamang
niyang makausap ko si Donya Victorina.

Scene 3. Sa Kubyerta

Don Custodio: Saan kayo galing, senyor Simoun?

Simoun: Sa ibaba. Nagtanong-tanong sa mga pasahero kung may alam silang alamat.

Kapitan: Kung sa alamat, ang Ilog Pasig ay mayaman. Isa na rito ang Alamat ng
malapad na bato. Bukod doon, may isa pa pong alamat na tumutukoy naman sa
isang kweba. Ito ang alamat ni Donya Geronima.

Simoun: Alamat ni Donya Geronima? Magandang pangalan, sige kapitan, ikwento mo


nga ang alamat na ‘yan.

Padre Sibyla: Si Padre Florentino, Senyor Simoun ang higit na nakakaalam sa alamat.

(Pangisi-ngisi habang pailalim na sumusulyap kay Padre Florentino.)

Padre Florentino: (Binalewala lang ang sinabi ni Padre Sibyla) May isang binata raw
ang nangako sa isang paraluman na pakakasalan ito pero dahil sa labis na pag-aaral
ng binata, ang pangako niyang ito ay nawala sa kanyang isipan. Ang dalaga naman ay
patuloy pa ring naghihintay sa iniirog niya, siya ay si Donya Geronima. Nagulat na
lamang siya nang mabalitaan na naging arsobispo na pala ang binata. Nagmakaawa
ang dalaga na siya’y pakasalan, upang hindi mapahiya, nagpagawa ng kweba ang
binata para sa Donya. Dahil sa karangyaan ng Donya, gabi-gabing nagkakaroon ng
handaan sa kanyang kweba. Isang araw, umupaw ang tubig sa ilog at pinasok ang
kweba, kasabay rin nito ang biglang pagkawala ng nasabing Donya. Nilimot na ng
panahon ang kwento ni Donya Geronima at iilan nalang sa mga mamamayan ang
nakakaalala nito.

Ben Zayb: Napakagandang alamat! Napakasentimental. Isusulat ko iyan sa


pahayagan.

Simoun: Hmm, (nag-iisip) Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na
ipinasok ang Donya sa beateryo, halimbawa, doon sa Sta. Clara. Doon ay pwede
niyang dalawin ang donya na hindi pinaghihinalaan ng mga tao. Sa nasabing
monesteryo rin, maaaring kumpisalin ng arsobispo ang dalaga at magkomunyon sa
kanya.

Padri Salvi: Mga alamat ang pinag-uusapan natin, bakit na-napunta sa kumpisal at
komunyon? (Pinagpapawisan ng malapot. Tumikhim ito.) Bweno, may alam akong
isang alamat na talagang walang kalamat-lamat at sa ganda ay walang katapat. Ito ay
ang milagro ni San Nicolas. Tungkol ito sa isang Intsik na sakay sa isang bangka.
Nang dumaan ang sinasakyan sa harap ng simbahan ay biglang lumabas ang isang
dimonyo na nagkatawang buwaya. Inihampas nito ang mahabang buntot na ikinataob
ng bangka, natakot ang Intsik at nagbigkas nang malakas ang pangalan ni San
Nicolas kaya naging bato ang buwaya.
(Tinatanaw ng lahat ang lawa. Namamangha sa nakita. Biglang lumingon si Ben Zayb
sa kapitan at nagtanong.)

Ben Zayb: Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, alam niyo ba kung saang dako ng
lawa napatay ang isang pilibusterong nagngangalang… ano nga ‘yon… Cuevarra,
Navera o… Ibarra? (Napatingin lahat sa kapitan.)

Kapitan: Tumingin kayo roon (itinuro ang isang bahagi) Ayon sa mga guwardiya-sibil
na humabol sa mga tulisan, si Ibarra, nang makitang wala na siyang ligtas ay
tumalon mula sa bangka at lumangoy. Sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo ay
pinauulanan siya ng bala. Doon sa malayo ay hindi na siya makita, ngunit ang tubig
sa dakong iyon ay nagkulay dugo. Iyan ang nangyari, labingtatlong taon na ngayon
ang nakararaan.

Ben Zayb: Kaya ang kanyang katawan ay…

Padre Salvi: Ay sumama sa kanyang ama. Sa bangkay na isa pang Pilibustero.

Ben Zayb: Ano ang nangyayari sa inyo, senyor Simoun? Namumutla ka yata. (Tumawa
at kumutya) Ikaw, na isang manlalakbay, nahihilo sa isang patak ng tubig na ito?

Kapitan: Ang lawang ito ay hindi ninyo dapat tawaging isang patak lang ng tubig. Ito’y
mas malaki pa sa kahit anong lawa sa Suwisa, at kahit pagsama-samahin pa ang
lahat ng lawa Espanya. Marami na akong nakitang marinerng nahihilo rito.

Scene 4. Sa Tahanan ni Kabesang Tales

Juli: Ama! (Nagagalak) May dumating na po bang sulat galing kay Basilio?

Tales: A, oo (sabay bigay ng sulat kay Juli)

Juli: Ano kaya ang pakiramdam na makapag-aral sa Maynila tulad ni Basilio, ama
nuh?

Tales: Huwag kang mag-alala, sa isang taon ay makakapag-aaral ka na sa Maynila at


makakabihis na tulad sa mga babae roon.

Juli: Talaga, ama? (Niyakap ito) Salamat! Sige, babasahin ko muna itong sulat.

(Umalis na)

(Napabuntong hininga si Tales.)

Tata Selo: O, ano ang problema anak?

Tales: (Tumingin sa lupain.) Ang mga prayle ama. Tumaas na naman ang renta sa
pinagsasakahan kong lupa. (Muling napabuntong hininga. Titingin ulit sa lupain, at
kukuyom ang palad.)

Tata Selo: Magtimpi ka! Higit na malaki ang magagastos mo kung lalaban ka sa
inihaharap nilang kaso. Bayaran mo nalang ang hinihingi nilang renta.

Tales: Ngunit ama, sila’y umaabuso na!

Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na lamang na ang iyong salapi ay


nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang kamag-anak ay
sumama sa kanya.

Tales: Hindi ko hahayaang makuha nila ang lupa, ama. Hindi! Walang sinumang
dayuhan ang makakakuha ng aking lupang sinasaka! Lupa ko ito. Binungkal,
tinamnan, sinaka, inalagaan, minahal at pinagyaman. Walang dinala rito ang mga
dayuhan, kahit isang dakot man lamang ng lupa. Sapagkat wala silang ibinigay, wala
rin silang karapatang kumuha ng anuman! Ibibigay ko lang ang lupa sa sinumang
handang magdilig ng sariling dugo! Buhay ang pinuhunan ko, ama sa lupang ito.
Kaya dapat lang na buhay din ang ibayad sa akin!

Tata Selo: Ano na ngayon ang plano mo?


Tales: Dadalhin ko ito sa hukuman, ama.

Tata Selo: Ipinaaalala ko lang sa iyo na ang sino mang mananalo sa korte ay
nahuhubaran sapagkat naipagbili ng nasasakdal ang lahat ng kasangkapan pati na
ang kahuli-hulihang kasuotan.

Tales: Hubad tayong ipinanganak, Itay, kaya hubad din tayong mamamatay.

(Umaga na.)

Tales: Anong kailangan mo?

Guwardiya sibil: Sinusundo ko po ang anak niyong si Tano upang magsilbi sa


depensa military. (Nasa gilid si Tano at nakikinig.)

(Nagulat si Tales ngunit tumango-tango rin sa huli.)

(Napaluha si Tano, at sumama sa gwardya sibyl nang hindi nagpapaalam.)

Tano: (Nasa isip) Alam ko namang tanging si Juli lamang ang mahalaga sa bahay na
ito. (Pinunasan niya ang naglandas na luha.)

Scene 5. Sa Lupa na Sinasakahan

(Nagbubungkal si Tales nang may naramdaman siyang baril na nakatutok sa kanya.)

Tulisan: Sumama ka nang matiwasay sa amin kung gusto mo pang mabuhay.

Scene 6. Sa Bahay ni Kabesang Tales

Tata Selo: Kailangan mo ba talagang magpakaalila kay Hermana Penchang?


(Malungkot ang tinig.)

Juli: Wala na pong ibang paraan, ingkong. Kahit lumusot sa butas ng karayom,
gagawin ko. Kung iyon lang ang tanging paraan upang mailigtas lamang si ama sa
kamay ng mga tulisan.

Tata Selo: Pero… may iba pa sigurong-

Juli: Naisanla ko na po ang lahat ng aking mga alahas pwera lang sa agnos na
ibinigay ni Basilio, kaso… kulang pa rin po. Wala nang ibang paraan kundi ito.
(Umiyak si Tata Selo at pinakalma ito ni Juli.)

Juli: Ingkong, malalim na ang gabi. Matulog ka nap o.

(Hinalikan si Tata Selo sa noo. Lumabas ito nang makitang nakapikit na ang mga
mata nito)

(Napadausos ito sa pinto ay impit na umiiyak habang sapo-sapo ang bibig.)

Scene 7. Sa Sementeryo

Basilio: (Nagdarasal sa may puntod ng ina.) Kamusta na ina? Matagal-tagal na rin po


ah. (umupo sa bato.) Labingtatlong taon na rin pala ang nakakaraan. Pero sariwa pa
rin ang lahat… dito sa isipan ko. Matagal na ngunit ramdam na ramdam at naaalala
ko pa rin ang sakit na dulot ng nakaraan.

(Natigilan nang may marinig na ingay ng yapak ng tao. Iginala niya ang paningin sa
paligid. Napalunok siya at sinundan ang ingay.)

Basilio: (Bulong) Si ginoong Simoun! Pero, ano ang ginagawa niya rito? (May naalala.)

Basilio: N-Nanay? (napahagulgol) Nanay---! Hindi! (umiling) Hindi! (umiling) Hindi


maaari! Na-nay! (niyakap niya ang ina.)

(Pag-angat niya ng ulo ay nakita niya si Ibarra.)


Ibarra: Tulungan mo akong sunugin ang bangkay ng aking kaibigan at ng iyong ina,
hanggang sa maging abo. Ano na ngayon ang gagawin mo pagkatapos nito?

Basilio: H-hindi ko po alam. (Malungkot ang tinig.)

Ibarra: May nakatagong ginto dito, hukayin mo. Iyong-iyo na. Mag-aral ka!

Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, ginoo?

(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)

Simoun: Anong ginagwa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung naaalala niyo pa, sa mismong pook ding ito tayo nagkita, may labing
tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang
pakikiramay.
(Itinutok ni Simoun ang rebolber kay Basilio.)

Simoun: At sa palagay mo’y sino ako? (humakbang paurong.)

Basilio: Kayo po si Crisostomo Ibarra na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na.

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari
mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking
kamay? Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin.
Ang maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti!
Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan!

Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.

Simoun: Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang
dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng
mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagpatuloy
ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng
kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-
alipin! Hindi pinakikinggan!

Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang
Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang
magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin
natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga
karapatan! Ang ating mga pagkatao!

Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.

Simoun: Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alam kong ang nakataya dito ay
ang katuparan ng aking mga plano. Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin,
sabay nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!

Basilio: Salamat sa pagtitiwala ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong
makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na doktor.

Simoun: At ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo


bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na
lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na
tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kaya ko bang silang ipaglaban
gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay.
Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay
at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.

Simoun: At kung ibibigay ko sa’yo ang aking tulong?


Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na silang
magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at
kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa
aking paghihiganti.

Simuon: Gabi na, bumalik ka na sa inyo. Hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking
lihim, dahil kahit ihayag mo ito’y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon man,
kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may
Escolta.

(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang


kinatatayuan.)

Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamatay na ang mahihina at
matira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong
magtagumpay. Kaunting tiis na lang. (ngumiti ng nakakatakot.)

Scene 8. Sa Tahanan ni Kabesang Tales

(Inilapag ni Simoun ang dalawang kahon sa mesa. Binuksan iyon at napahanga ang
mga tao sa paligid.)

Mga Tao: Ang gaganda!

Simoun: Dating pagmamay-ari ang kwintas na iyan ni Cleopatra na natagpuan sa


mga piramide. Ang katabi naman niyan ay mga singsing na gawa sa ametista na
pagmamay-ari ng mga senador ng Roma at magigiting na kawal ng Cartaga.

Kapitan Basilio: Yan siguro ang mga ipinadalang singsing ni Hanibal matapos
magkagyera sa Cana! (Taas noo habang tinitignan kung nakikinig ang lahat.)

Simoun: (Nakangiting binuksan ang isa pang kahon.) Nagdala rin ako ng mamahaling
hikaw na dating pag-aari ng mga babaeng taga-Roma na nakuha sa mga villa ni
Annius Mucius Papilinus sa Pompei, Italya. (Lihim na napasulyap kay Kabesang
Tales.)

Simoun: Tingnan ninyo, (pilit na ipinatatanaw kay Kabesang Tales.) Dahil sa maliit na
batong bughaw na ito, ay maaaring ipatapon ng isang tao ang kanyang kaaway at
maaaring makauwi ang isang tao sa kanyang tahanan upang maibalita ang anak sa
kanyang ama.

Isang ina: Bumibili po ba kayo ng mga lumang hiyas?

Simoun: Opo.

(Tumili ang mga ina at isa-isang nagsitakbuhan sa kanilang mga bahay upang kunin
ang hiyas sa kanilang mga kabahayan.)

Simoun: Kayo po Kabesang Tales, may naitago ba kayong alahas?

Tales: Na-naipagbili na po lahat ng anak ko ang lahat ng alahas niya at ang mga
natira ay wala namang halaga.

Sinang: Teka, Kabesang Tales, nasaan po ang lacket ni Maria Clara?

Tales: Laket ni Maria Clara?

Sinang: Opo, isang magandang laket na may mga diyamante at Esmeralda. Suot po
iyon ng matalik kong kaibigan bago siya pumasok sa monasteryo.

(Pinawisan ng malapot si Simoun habang nagbubukas si Tales ng aparador. Inilabas


ng huli ang kahitang nakita. Nangiginig ang mga kamay na kinuha ni Simoun iyon.
May nangingilid na luha.)
Simoun: Ma-maganda! Magkano po kung bibilhin? (hindi umimik si Tales)
Nagustuhan ko ang disenyo nito, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? Isang libo?
Li… mang libo? Sabihin ninyo. O baka gusto ninyong ipalit ito sa ilang mga alahas na
dala ko? Mamili na po kayo!

(Napatingin si Kabesang Tales sa naroon. Ang mga mukha nito ay nagsasabing


ipagbili niya na ang agnos ni Maria Clara.)

Hermana Penchang: (lumapit) Kung ako ang masusunod, hindi ko ipagbibili ang laket
na yan. Itatago ko na lang yang para maging relikya sapagkat ipinagpapalagay ng
lahat na si Maria Clara ay mamamatay na Santa. Iyan siguro ang dahilan kung bakit
ayaw ipagbili ni Juli ang laket at piniling maging alila.

Tales: Kung papayagan ninyo, hihingin ko muna ang permiso ng anak ko. Hintayin po
ninyo ako.

(Gabi na at naghihintay pa rin si Simoun. Dahil sa pagod ay napikit niya ang mga
mata habang nakikita niya si Maria Clara, nakangiti, suot ang agnos nito. May
naglandas na luha sa pisngi ni Simoun habang napangiti.)

(Nagising si Simoun sa umaga.Nagtaka kung saan ang kanyang rebolber, napatingin


siya sa lamesa. May sulat doon kalakip ang agnos ni Maria Clara. Naglakad siya
papunta doon at binasa ang sulat.)

Boses ni Kabesang Tales: Patawarin niyo po ako sa kapangahasang ginawa ko. Ipinalit
ko sa inyong rebolber ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata
sapagkat ako’y sasama sa mga tulisan. Pinapayuhan ko kayong mag-ingat.
Ikalulungkot ko kung magkita tayong muli dapagkat makatitiyak kayong huhulihin
namin kayo at ipatutubos sa malaking presyo tulad ng pagbebenta sa mga alahas
ninyo. Pagbaba ninyo sa hagdan ng bahay ko, makakasiguro kayong hindi na ninyo
ako maituturing na isang kaibigan kundi isang kaaway na dapat pangilagan.
----Telesforo Juan de Dios.

Simoun: (bulong.) Natagpuan ko na rin ang taong aking hinahanap. (Tumawa ng


malakas.)

Scene 9. Sa Bahay ng Kapitan Heneral

(Naglalaro ng baraha sina Padre Sibyla, Camorra, Irene at Kapitan Heneral.)

Kapitan Heneral: (Tumawa) Talagang napakabait sa akin ng tadhana! Sineswerte


talaga ako!

(Nagtitinginan si IRENE at SIBYLA, na may makahulugang ngiti.)

Kapitan Heneral: Simoun, halika’t sumali ka sa amin.

(Pumasok si Simoun doon.)

Kapitan Heneral: Ano ang naririyan ngayon?

Kalihim: Hu…humihingi po Kamahalan ng pahintulot ang mga kabataan na


makapagpatayo ng isang paaralan ng Wikang Kastila.

Kapitan Heneral: Ano ang palagay ninyo?

Mataas na Kawani: Makatarungan po ang kahilingan.

Padre Sibyla: May mga bagay na dapat isaisip. Bukod sa hindi napapanahon ang
kahilingan… (Tumingin kay Simoun.)

Simoun: May sapantaha akong, masama ang layunin ng mga kabataan. (Kumindat si
Padre Sibyla dito at nakita iyon ni Padre Irene. Nanlupaypay ang huli.)

Padre Sibyla: Iya’y isang tahimik na pag-aalsa, isang paghihimagsik na ang sandata
ay papel.
Kalihim: Ang kahilingan ay pinamumunuan ng ilang binata na pawing kilala sa
pagkamabago at kapalaluan. Si Isagani, na pamangkin ni Padre Florentino. Isang
binata na nagngangalang Macaraig.

Padre Irene: (Bumulong sa kapitan heneral.) Isang binatang napakaganda ng ugali at


nakakalugod. Iyan ang sinasabi ko sa inyo, mayaman at iniluluhog ng Kondesa na
inyong tingnan.

Kalihim: At isa pang nag-aaral ng medesina, si Basilio.

Kapitan Heneral: Gayon pala, itala ang pangalan niyan.

Mataas na Kawani: Ngunit, Heneral, hanggang ngayon ay wala pang sumbong laban
sa mga binatang iyan. Ang kanilang kahilingan ay makatuwiran at dapat lang na
pahintulutan sila at bawiin ang permiso kung talagang aabuso.

(Napatango sina Padre Irene, Padre Fernandez at Don Custodio.)

Padre Camorra: Ngunit ang mga indiyo ay hindi nararapat matuto ng Kastila!

Padre Fernandez: Nararapat na tayo ang unang magalak sa tagumpay ng mga nag-
aaral. Ang bayan ay mangmang at mahina pa ngayon, ngunit bukas ay iba na. Ang
kanyang paglakas ay hindi mapipigil sapagkat minamahal nila ang katuwiran. Bakit
hindi tayo magbago samantalang siya ay wala pang muwang? Ang kabataan ay
tamad, ngunit nagsusumigasig kapag sumasalungat.

Kapitan Heneral: (Tumindig.) Mga ginoo, ipagpaliban natin bukas ang talakayan.
Gusto ko nang mag-almusal.

(Maglalakad n asana ngunit natigilan ng magsalita ang kawani.)

Mataas na Kawani: Kamahalan, ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay nagbalik.


Hinihiling na palayain ang kanyang lolo na hinuli bilang kapalit ng ama.

Kapitan Heneral: Siya, padalhan ang kalihim ng tinyete ng Guwardiya Sibil upang
pakawalan.

Scene 10. Sa Silid-aralan ng Pisika

(May natutulog na estudyante sa klase ni padre Millon.)

Padre Millon: Aba, hoy tamad! Nakatulog ka na e di ka pa natatawag! (Nagtawanan


ang lahat na ikinagising ng matabang binata. Tumindig ito at sinabi ang minemorya
kagabi.)

Matabang binata: Tinatawag na salamin ang lahat ng ibabaw na pinakinis na inilaan


upang gumawa sa pamamagitan ng tilamsik ng liwanag, ng mga larawang nasa tapat
ng nasabing ibabaw na pinakinis. Ang mga bagay-bagay na bumubuo sa mga ibabaw
na pinakinis ay nahahati sa mga salaming metal at salaaming kristal.

Padre Millon: Kung bibigyan kaya kita ng pinutol na kahoy, sabihin na nating
kamagong na pinakinis na mabuti at pinahiran ng barnis o ng isang pirasong marmol
na pininturahan ng itim at pinakinis din, o isang azabache na kasisinagan ng mga
larawan ng mga bagay-bagay sa kanyang harapan. Paano mo mauuri ang mga
salaming nabanggit?

(Pinawisan ng malapot ang binata at hindi nakasagot.)

Juanito: (pabulong) Ang salaming kamagong ay kasama ng salaming kahoy!

Matabang binata: Ang salaming kamagong, ay… ay… ay kasama ng mga salaaming
kahoy. Ang ka…kahoy ay… ay mga punungkahoy tulad ng mangga at santol!
(Nagtawanan na naman ang buong klase.)

Padre Millon: Hala Juanito, sagutin mo ang tanong ko.


(Siniko ni Juanito si Placido. Sa labis na kalituhan, napakamot siya sa ulo at
natapakan ang paa ni Placido. Na impit na ikinasigaw ng huli.)

Padre Millon: Ikaw. (Itinuro si Placido.) Huli ka pa nga sa klase, nag-iingay ka pa!

(Ngiting-ngiti si Juanito na umupo samantalang si Placido ay unti-unting tumayo.)

Padre Millon: Hindi kita tinatanong ngunit ibig mong sagipin ang iba. Ano ang
pangalan mo?

Placido: Placido po.

Padre Millon: Ah! Placido Penitente, mas mabuti kung ang tawag sa iyo ay Placidong
bulong! (Tinignan ang listahan.) Labinlimang araw na pala ang liban mo! Isa pa at
magbabakasyon ka na!

Placido: Ngunit apat na araw pa lang akong liban.

Padre Millon: Sa tuwing liliban ka ng isang araw, lima ang katumbas. Kapag lumiban
ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit dahil di mo alam
ang leksyon ngayon.

Placido: Kung lalagyan po ninyo ng guhit ang pangalan ko dahil sa di pagkaalam ng


liksyon ay dapat pong tanggalin ang guhit na hindi ko pagdalo sa klase ngayon.

Padre Millon: Aba! At bakit?

Placido: Hindi ko po maisip kung paano ang wala rito ay makapag- uulat ng leksyon.

Padre Millon: Hindi mo ba alam na ang isa ay maaaring magsabay na magkulang sa


pagpasok at sa di pagkaalam ng liksyon? Diyata’t ang iyong pagliban ay
nangangahulugan ng karunungan? Ano ang ikakatuwiran mo riyan, pilosopastro?

Placido: (Ihahagis ni placido yung libro sa harap ng guro.) Tama na, Padre! Ilagay na
ninyo ang lahat ng ekis na gusto ninyo! Pero wala kayong karapatang tapak-tapakan
ang pagkatao ko! Diyan na kayo, matalino at makatarungang propesor (sarkastikong
sabi nito). Sa inyo na ang klase ninyo, sa akin naman ang karangalan ng pagiging
Pilipino ko!

(Taas-noong naglakad palabas ng silid.)

Scene 11. Sa Bahay ng mga Estudyante

(Nag-uusap sina Pecson, Isagani, Macaraig at Juanito sa sala.)

Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at sinabi niya ang
nangyari sa Los Banos. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang
Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.

Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!

Macaraig: Yan din ang sinabi ko kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio,
isang kasangguni ng lupon ang magdedesisyon.

Pecson: Ngunit, kung hindi sang-ayon si Don Custodio?

Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at sinagot niya ako na malayo na raw
ang ating narating, nagawa na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang
kapasyahan. Kung makukuha natin si Don Custodio sa ating panig ay makakamit
natin ang tagumpay.

Sandoval: Sa papaanong paraan?

Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.

Pecson: Ang intsik na si Quiroga!


Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!

Isagani: May isang paraan pa. Maaari tayong lumapit kay Ginoong Pasta.

Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?

Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay
kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan
tayo.

Macaraig: Hindi ba’t si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.

Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga


kalaguyo?

Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa


noon. Kilala ko ang babae, si Matea.

Isagani: Huwag mga ginoo, gumamit muna tayo ng mabuting paraan. Ako ang
kakausap kay G. Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang
ibang paraan.

Scene 12. Sa Opisina ni Ginoong Pasta

(Pumasok si Isagani sa opisina ni ginoong Pasta. Ngunit abala ang ginoo kaya
naghintay siya. Nang mapansin na may nakatayo, napatitig si Ginoong Pasta sa
sapatos patungo sa ulo.)

Ginoong Pasta: Ah, kaya pala, umupo ka. Kamusta ang iyong amain?

Isagani: Maayos naman po ang kanyang kalagayan.

G. Pasta: Ah.. ganoon ba?

Isagani: Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming panig.


Naniniwala ang mga kabataan, na labis kayong nagmamahal sa inyong baying
sinilangan. Kaya nais naming humingi ng tulong upang mapakiling sa amin si Don
Custodio.

G. Pasta: Ayaw ko makialam sa ganyang mga usapan! Oo nga’t mahal ko ang lupang
sinilangan at naghahangad ng pag-unlad ngunit hindi maaaring sumulong nang
basta-basta. Maselan ang aking kalagayan at maraming ari-arian kaya kailangan ko
ng ibayong pag-iingat.

Isagani: Di po namin hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit, kahit napaka-kaunti


ang nalalaman ko sa mga batas at mga pagpapasya sa ating bayan, ipinagpapalagay
ko na hindi masamang makiisa sa mga adhikain ng pamahalaan at sikaping siya’y
maalinsunod ng mabuti. Iisa lamang po ang aming layunin, nagkakaiba lamang ng
pamamaraan.

G. Pasta: Kahanga hangang kasagutan. Ngunit hindi niyo pa rin ako mapapapayag.
Binata, isantabi mo na lang ang hakbang na iyan sapagkat 'yan ay sadyang
mapanganib. Ang maipapayo ko ay pabayaan mo na lang gumawa ang pamahalaan.

Isagani: Kung gayo’y… (Tumayo na) Mauuna na po ako. (Lumabas na at isinara ang
pinyo.)

G. Pasta: Kaawa-awang binata. Ako man ay nagkaroon rin ng ganoong kaisipan.


Pero… (napabuntong-hininga.) kaawa-awang binata, kawawang Florentino.

Scene 13. Sa Bahay ni Quiroga

(Nagsasaya ang mga tao, halakhakan. May nagtatabako.)

(Sa may silid ni Quiroga, nag-uusap sila ni Simoun.)

Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na iyong inutang?


Quiroga: Wala na akong pela. Empleyado, opisyal, tinyente, sundalo. Lahat sila utang
akyen pelo wala bayad. Hindi akyen alam kung paano bayad utang. Tulong ka ke
Quiroga.

Simoun: Ngayon ko pa naman kailangan ng salapi pero alam mo namang kaibigan


kita. Kung gusto mo, gawin na lang nating pitong libo ang utang mo. Kayo’y
nakapagpapaok ng aduana ng lahat ng inyong naisin, mga kahon ng lampara, bakal,
porselana at mga baril para sa mga kura. O, ano, papayag ka ba?

Quiroga: Si…sige, payag ako basta kikita pela. Pe..pelo delikado kontlabando. Ba…
baka huli tayo sundalo?

Simoun: Shh… huwag kang maingay. Ngayong gabi, may darating na ilang kahong
baril. Gusto kong tulungan mo akong itago ang mga ito sa iyong bodega.

Quiroga: Takot si Quiloga. Meron ako balil. Pelo pak hawak ko, pikit ko mata.

Simoun: Kung ayaw mo madali akong kausap. Pero magbayad ka ngayon din sa utang
mo.

Quiroga: Sige, sige, ako hindi na takot. Tulong na Quiloga sa kaibigan. Pelo ikaw
ingat. Huwak damay Quiloga, ha?

Simoun: Huwag kang mag-alala. Sagot kita.

(Tinapik-tapik niya ang intsik.)

Scene 14. Sa Bulwagan

Mr. Leeds: Deremof! (Bumukas ang kahon at nalantad sa paningin ng mga naroroon
ang isang ulo. Idinilat ng ulo ang mga mata at iginala ang paningin at napatitig kay
Padre Salvi.)

Mr. Leeds: Espinge, sabihin mo sa amin kung sino ka.

Imuthis: Ako ay si Imuthis. Ipinanganak sa panahon ni Amasis. Galing ako sa


paglalakbay sa Gresya, Assyria, at Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay nakatuklas
ako ng isang lihim. Sa takot nila na ibunyag ko ang kanilang lihim ay kinasangkapan
nila ang banal na batang saserdote.

Mr. Leeds: Paano ka ipinahamak ng batang saserdote?

Imuthis: Umibig ako sa anak ng isang saserdote. Ang batang saserdote ng Abydos ay
umibig din dito. Gumawa ito ng kaguluhan at ako ang idiniin na may kasalanan.
Ikinulong ako ngunit tumakas at nagpunta sa lawa ng Moeris pero doon ay pinatay
ako. Nabigyan ako ng pagkakataon na bangunin ang kaluluwa. Naririto ako upang
isigaw sa lahat ang mamamatay taong naglibing sa akin sa hukay! Mamamatay taong,
lumapastangan sa aking kasintahan! Mamamatay taong alagad ng kadimonyohan!
Kadimonyohan! Kadimonyohan! Kadimonyohan!

Padre Salvi: Huwag! Hindi ako! Hindi ako! Hindi ako! (Nagsusumigaw habang
umiiling.Napatingin lahat sa kanya, nanginginig siya.)

(Ibinalik niya ang mata sa lamesa at nakita niyang nakatingin sa kanya ang espinge
habang pinandidilatan siya nang mata.)

Imuthis: Oo, ikaw nga kurang may maitim na buto! Ikaw na mapagparatang sa
kapwa! Ikaw na lumapastanganan sa Diyos! Ikaw na pumatay sa kapwa! Ikaw na
dimonyo! Dimonyo! Dimonyo! Pinatay mo ang dalaga! Pinatay mo siya! Pinatay mo
siya!

Padre Salvi: Pa…patawad. Buhay pa siya! Buhay! Mahabag ka! (nahimatay)

(Naging abo ulit si Imuthis. Ang mga dalaga ay naghima-himatayan din ngunit nang
mapansing walang dumadamay sa kanila, nagsibangon kaagad at naghilu-hiluhan sa
upuan.)
Scene 15. Sa Bahay ni Kapitan Tiyago

Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina na ang pulso, walang ganang kumain. Kumalat na nang tuluyan ang
lason sa kanyang katawan.

Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi
mo binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa bayan.

(Tututol sana si Basilio)

Simoun: Huwag na, (malungkot ang boses) sa loob ng isang oras, magsisimula na ang
himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala nang mga mag-aaral at
magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong
kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?

Basilio: Hindi ko alam. (napabuntong-hininga.)

Simoun: Magpasya ka.

Basilio: Ano ang nararapat kong gawin?

Simoun: Pamunuan ninyo ang isang pangkat at salakayin ang kumbento ng Sta.
Clara at dooy ilabas ang isang taong maliban sa inyo at kay Kapitan Tiago ang
nakakaalam, si Maria Clara.

Basilio: Huli na kayo! Patay na si Maria Clara.

Simoun: P-patay na? (Nanginginig ang boses.) Hindi! Hindi totoo ‘yan!

Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang
makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Narito ang sulat ni Padre Salvi na
dinala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung kaya’t naghihinagpis ngayon
si Kapitan Tiyago.

Simoun: Namatay! Namatay nang hindi man lang kami nagkitang muli. Namatay nang
hindi man lang nalalaman na nabuhay ako nang dahil sa kanya. Na…namatay na
nagtitiis.

(Umiiyak na at nagtatagis ang baga. At umalis ito na wala sa sarili.)

Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis ng napakamahabang


panahon para sa iniibig. Ngunit heto ang nakuha niyang ganti. Sadyang
nakakalungkot ang tadhana nilang dalawa. (Malungkot.)

Scene 16. Sa Dagat

Donya Victorina: Ano na ang balita sa pinapahanap ko sayo, Isagani?

Isagani: Wala pa pong nakapagbalita sa akin tungkol sa inyong asawa.

Donya Victorina: (galit) Ipaalam mo lamang sa kanya na ipahahanap ko siya sa mga


Guwardiya sibyl. Buhay man o patay ay gusto ko siyang makita sapagkat kailangang
maghintay ng sampung taon ang isang tao upang makasal muli.

Isagani: At sino naman po ang maswerteng ginoo? (sa isip) Hahaha! Malas kamo.

Donya Victorina: Sino pa e di si Juanito!

(Napatawa si Isagani ngunit kunwa’y umubo upang mapigilan ang sariling tumawa
nang malakas.)

Alalay: Isagani! Isagani! Nahulog sa malalim ng batuhan ang pamaypay! Baka mabasa
Isagani! Baka matangay!
(Napatakbo si Isagani papunta kay Paulita.)

Paulita: O, bakit naririto ka? Bakit hindi mo sundan sa Luneta ang nakakahalinang
mananayaw at manganganta? Mga Pranses na sobrang kayputi at sobra rin sa ganda!

Isagani: Teka, hindi ba ikaw ang nagpatawag upang tayo ay magkita?

Paulita: Oo, ako na kung ako. Mabuti naman po at nakarating kayo. Kagabi ay parang
hindi man lang ninyo ako nakita. Tingin po ako ng tingin sa inyo pero parang
lumuluwa na ang mga mata ninyo sa kasusunod sa imbay ng katawam ng mga
mananayaw na pakembot-kembot sa tanghalan.

Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi. At saka, wala akong nalalaman sa
sinasabi mo tungkol sa mga mananayaw na iyan.

Paulita: Gayon, ako pa ang mali ngayon? Hmph!

Isagani: (lalapit at yayakapin ang nobya) Paulita, alam mo namang para sa iyo lamang
ang aking mga mata.

(Haharap si Paulita at magkatitigan silang dalawa. Tinanaw ni Isagani ang dagat.)

Isagani: Ikaw lamang ang pinakaninanais nitong masdan at titigan. Lubos ang
pagmamahal ko sa aking lalawigan bago pa lamang kitang makilala. Ngayon ay
masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala ang iyong kagandahan.
Darating ang panahon at magiging malaya na ang Pilipinas at pagdating ng panahong
iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan at mga pangarap.

Paulita: (Kumawala.) Pangarap! Pangarap! Sinabi ni Tiya na lagi raw alipin ang baying
ito! Paano kung mabigo kayo sa inyong pakikipaglaban?

Isagani: Kung magkatotoo iyon, matutuwa pa rin kami kung may maghahanap sa
aming bangkay at ituturo ninyo an gaming puntod sabay ang pagmamalaking, “Diyan
inilibing ang mga bayaning nagmahal sa aming kalayaan! Langit Paulita. Langit an
gaming madarama kung kayong mangabubuhay ay magpapahalaga. Isang
katotohanang lubos na mapapatunayan ang kabayanihan oras na inialay an gaming
buhay para sa lupang tinubuan.

Scene 17. Sa Pansiteria

(Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon.)

Sandoval: Masarap ang sopas na ito! Ano ika ang tawag dito?

Tadeo: Pansit lang-lang. Kakaiba yan sa pansit na ating kinagisnan.

Sandoval: Napakahirap namang tandaan! Sa ngalan ni Don Custodio, binibinyagan


kita bilang proyekto ng mga sopas.

Tadeo: Para kay Don Custodio ang “Panukalang sopas”

Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay
sa mga prayle.

Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga
Intsik, tayo ang tumatangkilik pero sila ang nakikinabang. Tulad ng ating
pamahalaan ngayon.

Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinakamakapangyarihang
tao sa Pilipinas.

Estudyante1: Dapat ang Eminencia Negra kay Simoun!

Makaraig: Maghinay-hinay kayo mga kaibigan. Posibleng may mga nagmamasid sa


kanila at posible ring may pandinig ang mga dingding. Ibaba ninyo ang inyong mga
tinig at magingat sa mga salitang sasabihin.
Pecson: Lalabas lang ako upang ipalabas ang iba pang mga ulam.

(Lumabas si Pecson at dali daling bumalik)

Pecson: Nakita ko ang paboritong tao ni Padre Sibyla na umalis agad nang mapuna
na napansin ko siya.

(Umaktong tumingin ang mga binata sa labas)

Makaraig: May nagmamasid nga sa atin!

Scene 18. Sa Paaralan

(Basilio naglalakad)

Basilio: (kausap ang sarili) Pagkatapos kong pumunta sa ospital ay tutungo naman
ako kay Makaraig upang mangutang ng pera upang matustusan ang mga gastusin sa
nalalapit kong pagtatapos ng medisina.(titingin sa paligid) Tila ata kakaiba ang
kinikilos ng mga tao.

Estudyante 2: Ginoo, alam mo ba ang planong paghihimagsik ng mga estudyante?

Basilio: (kinakabahan) Walang akong nalalaman at kinalaman sa inyong mga


sinasabi.

Estudyante 2: Mukhang hindi ito natuloy, maraming mga mag-aaral ang nasangkot.
Mabuti pa’t sunugin mo ang lahat ng kasulatang may kaugnayan sa paksang ito na
meron ka upang hindi ka madamay.

(Lalayo si Basilio at makikita ang propesor)

Propesor: Nasa hapunan ka ba kagabi, Basilio?

Basilio: Hindi po. Ako’y inanyayahan ngunit hindi ako nakapunta sapagkat kailangan
kong bantayan si Kapitan Tiyago.

Propesor: Mabuti na nga rin at hindi ka dumalo sa piging. Basilio, pilitin mong lumayo
sa mga mag-aaral na may kinalaman sa akademiya.

Basilio: Kasama po ba si Simoun, sa mga napagbintangan?

Propesor: Hindi, subalit siya ay sinaktan ng isang di-kilalang tao

Basilio: Mabuti kung ganoon, ang mga tulisan, may kasama ba sa kanila?

Profesor: Puro mag-aaral lamang, panay pagbabala, pagpatay at pagtuligsa sa mga


prayle ang nilalaman ng mga paskin na kagagawan ng mga estudyante.

Basilio: Ganoon po ba? Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo.

Propesor: Ikaw din.

Tadeo: (naglalakad) Matutuwa ka Basilio! Wala na namang klase! Pahinga na naman


tayo. Magaling, di ba? Bakasyon na! Bakasyon na!

Basilio: Ano ba talaga ang nangyari na dapat ikabahala?

Tadeo: Dapat ikabahala? Wala naman. Ipadadala lang daw tayong lahat sa kulungan!

Basilio: Ikinatutuwa mo ba yan?

Tadeo: Aba, e kung walang klase, di ba dapat na magsaya? Sige, mauna na ako.

Basilio: (Bumulong) Akala ko naman kung bakit siya masaya. Juanito! Mabuti at
nakita kita. May itatanong lang sana ako sayo tungkol sa mga paskil na sinasabi nila.

Juanito: Wala! Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon!


Basilio: Teka, huminahon ka. Namumutla ka na o.

Juanito: Wala akong kinalaman sa mga mag-aaral, kasapi lamang ako upang gabayan
sila, inosente ako. Tandaan mo, hindi ako kasama sa mga kilos ng kapisanan.

(Nagmamadali itong naglakad palayo.)

(Makikita ni Basilio si Isagani na nagsasalita sa kapuwa nito mga kamag-aral)

Isagani: Mas mabuti na ang ganito dahil sa ganitong paraan masusubok ang ating
pagmamahal sa bayan, sa Pilipinas. Sa panganib dapat pumaroon sapagkat naroon
ang karangalan.

(Hindi na lumapit si Basilio kay Isagani at pumunta na lamang kina Makaraig)

Scene 19. Sa Bahay ni Macaraig

Sundalo 1: Sino ka at bakit ka pumanhik dito?

Basilio: Nais kong maka-usap si Makaraig, kaibigan niya ako

Sundalo 1: Maghintay ka sa iba, Indio!

(Pababa ng hagdan si Macaraig kasama ang isa pang sibil.)

Macaraig: (nagulat) Bakit ka naparito Basilio?

Basilio: Gusto sana kitang makausap.

Sundalo 2: Indiyo, sino ka?

Basilio: Basilio po.

Sundalo 2: Salamat naman at hindi mo na kami pinahirapang hanapin ka. Dinarakip


ka rin namin.

Basilio: Wala naman akong ginagawang kasamaan, anong dahilan at ako’y inyong
dadakpin?

Macaraig: Huwag ka nang umalma pa, Basilio. Sa karwahe ko naman tayo sasakay.

Scene 20. Sa Bahay ni Kapitan Tiago

Padre Irene: Muntik nang dumanak ang dugo sa lansangan, mabuti na lang at
napigilan ko ang kapitan. O, ba…bakit tila namumutla ka yata. Ka…kapitan Tiago,
okay lang po ba kayo?

Kapitan Tiago: Si… si Basilio, may ibaba…lita ba kayo sa kanya?

Padre Irene: Ah, iyong ampon mo? Hindi mo ba alam na isa siya sa mga kabataang
dinakip?

(Hinabol ni Kapitan Tiago ang hininga. Pinapawisan siya. Kumapit siya sa bisig ni
Padre Irene at nagpupumilit bumangon. Nanginginig ang katawan nito at ilang sandali
pay bumula ang bibig. At napahiga ito sa kama, patay na.)

Scene 21. Sa Paniderya

May-ari: Inaresto ba si Tadeo?

Estudyante: Oo at kababaril lang sa kanya.

May-ari: Binaril? Inang! Paano na ngayon ang utang niya!


Estudyante: Hinaan niyo po ang boses ninyo at baka madamay kayo. Ako nga eh
sinunog na ang librong hiniram ko sa kanya.

May-ari: Totoo bang inaresto rin si Isagani?

Estudyante: Bobong Isaganing yan. Hindi naman siya dinakip kung bakit na pumunta
sa tanggapan ng Kapitan Heneral at magprisinta!

May-ari: Paano na si Paulita?

Estudyante: Marami siyang tagahanga diyan. Maaaring magdamdam siya nang


bahagya, ngunit hindi magtatagal ay magpapakasal sa isang Kastila.

Scene 22. Sa Kumbento

(Malalim ang gabi, isang nakakasindak na tili ng babae ang narinig sa paligid.
Umiiyak itong naglalakad at tumalon sa bintana ng simbahan.)

Tata Selo: Mga walanghiya kayo! Buksan ninyo itong pinto! (sinusuntok nito ang pinto
at sinisipa.) Apo ko! Ang kaawa-awa kong apo! (Umiiyak)

Scene 23. Sa Bahay ni Simoun

Ben Zayb: Natitiyak kong isang magarbong handa ang iyong ihahandog G. Simoun.

Simoun: Iyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong malaking lugar
upang pagdausan ng isang malaking piging.

Ben Zayb: Sayang naman pala. Di sana’y kayo na lang ang nakabili ng bahay ni
Kapitan tiago at hindi sana napunta kay Don Timoteo Pelaez ng libre. At ngayon!
Ikakasal ang kanyang anak sa mayamang si Paulita Gomez!

Simoun: Ganoon talaga, may mga tao talagang swerte.

Ben Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na rin at si Juanito ang kanyang pakakasalan
kaysa naman sa isang hamak na makatang si Isagani! Marunong din mag-isip ang
babae. Alam niyang hindi niya kaya ang buhay mahirap.

Scene 24. Sa Lupain ni Kabesang Tales

(Patakbo si Basilio sa isang puntod. Napaluhod siya roon at napaiyak.)

Kabesang Tales: Sino iyan! (pinaputukan ngunit hindi natamaan. Tumakbo siya
papunta sa puntod ng anak at nakita si Basilio.)

Basilio: Hu..Huli, (nanginginig ang boses, at umiiyak.) mahal ko. Bakit mo ako
iniwan?

Kabesang Tales: Nagpunta siya sa kumbento upang hingin ang pagpapalaya sayo,
ngunit hindi namin aakalain na iyon ang magwawakas sa kanyang buhay.

Scene 25. Sa Silid ni Simoun

(Tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun. Kumatok ito sa pinto.)

Simoun: Tuloy.

Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid. Nakalimutan kong
pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako
ng Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.

(Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y
nakulong kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas
nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga
desisyon, dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng
dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y magtatagumpay.
Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama’y gigising sa
mga kabataan sa gitna ng dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang
kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratory ay makikita ang
isang lampara na may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo.

(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na


nitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak,
mga kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngzyong gabi, makakarinig ng
pagsabog ang Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang
parusahan!

(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa


gitna ng handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit
pansamantala lang. Pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng
lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang bomba!

Basilio: Kung gayoo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at
iba pang kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni
Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang
mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin
mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami
naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng
mahihina! Ang lahat ng hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang
magsimulang muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang
bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na magpapa-api!

Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung
pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko kailangang lingapin ang mundong kailan man ay
hindi lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka!

(Inabot ni Simoun ang isanng rebolber kay Basilio.)


Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi.
Lumayo kayo sa Daangan Analoague sa alas-nuwebe.

Basilio: Kung gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.

(At tuluyan nang umallis si Basilio.)


Scene 26. Sa Bahay ni Kapitan Tiago

(Dumagsa ang mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago. Sa harap ng bahay ay
naroon si Basilio at nagmamasid.

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman


sila. Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.

(Papalapit na siya sa bahay.)

Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat
sirain ang pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ang
pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may
hangganan din!

(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral
ay isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang
pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Basilio: Hindi sila dapat madamay!

(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyang suot mo!

Basilio: Papasukin ninyo ako!

(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)

Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!

(At tuluyan nang umalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ng kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.

(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan,


patungo sa pista.)

Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tara na! Umalis na tayo dito!

Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?

Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano
mang oras ngayon! Tara na!

Isagani: Bukas ay iba na siya….

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.

(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.

Bisita1: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra


.
Bisita2: Isang biro lang iyan!

Bisita3: Hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang
namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang
ganyang biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?

(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.

(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa
lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!

(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang


lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

Scene 27. Sa Bahay ni Padre Florentino

(Palakad-lakad ang mga sibyl, tangan ang mga baril, pinaghahanap si Simoun.
Uminom ng lason si Simoun at pinilit nitong magpunta kay Padre Florentino.
Nakahiga si Simoun habang may hawak na rosaryo.)

Padre Florentino: Matitiis ba ninyo ang paghihirap, Senyor Simoun?

Simoun: Matitiis ko pa, padre. Mawawala rin ang lahat pagkaraan ng ilang sandali.
Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan. A…Alam kong hindi na
magtatagal at darating na ang walang hanggang kapayapaan.

Padre Florentino: Diyos ko! Napatalikod lang ako sandali, wa…wala nang laman ang
botelya!

Simoun: Wala nang lunas. Bago mag-alas ocho ay dadakpin ako rito buhay man o
patay. Pero hindi ako makapapayag na kunin nilang buhay.

Padre Florentino: Panginoon ko, bakit kailangang mangyari ito?

Simoun: Huwag kayong matakot. Ang nagawa ay nagawa na. Lumalalim na ang gabi.
Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Pe…Pero bago yan, may gusto lang sana
akong itanong sa inyo.

Padre Florentino: Ano iyon senyor Simoun? Itanong ninyo at lilinawin ko.
Simoun: (Nangingilid ang mga luha.) To…totoo ba na may isang dakilang Diyos na…
na gumagabay sa ka…kapalaran ng sangkatauhan?

Padre Florentino: May iba pa akong gamit na maibibigay sa inyo, Senyor Simoun. May
morpina, may eternal, may chloroformo.

Simoun: Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon. Ma…malapit na malapit na ang


saglit nang pamamaalam. Padre, tulungan mo ako, ayokong mamatay na may dalang
kasamaan!

(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling siya ng
Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Tandaan mong alam ni Bathala na


may mga kahinaan tayong humihila sa atin pababa. Subalit ang Panginoon natin ay
Panginoong nakatunghay sa mga krus na ating dinadala rito sa matiryal na
sandaigdigang ating ginagalawan. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay
nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat na nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito
tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailanman ay


hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng kadakilaan.

Simoun: Tinatanggap ko ang… paliwanag . Makasalanan ako, padre, pero bakit ako
ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot
kundi kasamaan? Bakit nagbibingi-bingihan ang tinutukoy ninyong Diyos sa malakas
na hinaing ng mga inaalipin? Bakit nagbubulag-bulagan siya sa hirap na dinaranas
ng mga pinarusahan sa loob at labas ng mga kulungan?

Padre Florentino: Kailangang makaranas ng paghihirap ang mga karapat-dapat sa


pagpapala ni Bathala, senyor Simoun. Kailangan din naming kiskisin ang mga bato
upang mag-init at magningas, Isang katotohanang may nang-aalipin at may
nagpapaalipin.

Simoun: Kung gayo’y ano ang nararapat gawin?

Padre Florentino: Magtiis at gumawa.

Simoun: Kung ganyan ang kalaking hinihingi ng Diyos sa tao na hindi makaaasa sa
kasalukuyan at nag-aalinlangan sa hinaharap. Magtiis at gumawa! Anong diyos iyan?!

Padre Florentino: Isang Diyos na makatarungan, ginoong Simoun. Isang Diyos na


nagpaparusa sa ating kawalan ng pananalig, sa ating mga masasamang hilid at di-
gaanong pagpapahalaga sa kabutihan.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni


Simoun ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florntino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Ipapakita ang krus.)

Padre Florentino: Nasaan ang mga kabataang naghahangad sa kanilang ginintuang


panahon, ng kanilang pangarap at kasigasigan sa ikakabuti ng bayan? Nasaan ang
mga kabataang magbubuwis ng buhay upang mabayaran ang gayong karaming
kahihiyan, ang gayong maraming krimen? Malinis at walang dungis ang buhay na
kailangang alay upang ang handog ay maging karapat-dapat? Nasaan kayo,
kabataang may mga pusong pinag-iinit ng layuning makapag-ambag sa lalong
ikadadakila ng sangkapuluan? Hinihintay namin kayo!

(Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas.


Inihagis ni Padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.)

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung


kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na
matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Samantala, diyan ka muna, hindi
makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.

Padre Florentino: (Malungkot) Ang kayamanan ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan.

WAKAS!!!!!

You might also like