Module4 Esp Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PEAC Certified

SELF – LEARNING
MODULE IN
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 6
FIRST QUARTER –
MODULE 4
WEEK 4
PAKSA: TAMANG PAGPAPASIYA,
MAY KABUTIHANG DULOT
MR. ALEX A. DUMANDAN

STUDENT NAME: _______________________________________________________________

MODULE 3 - UNANG MARKAHAN PAKSA: TAMANG PAGPAPASIYA, MAY


KABUTIHANG DULOT

1
PANIMULA:

Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang mga hakbang


na makatutulong sa iyo na makapagdesisyon sa
pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung
ito sa palagay mo ay makabubuti. Marami tayong hinaharap
at pinagdadaanan sa araw-araw na pamumuhay. At sa bawat
araw na ito ay kailangan mo ng tulong ng iba lalong-lalo na
sa isang batang tulad mo na limitado pa ang maaaring gawin
upang makapagdesisyon. Sa paggawa mo ng isang desisyon o pasya mararanasan mo ang
sari-saring damdamin ayon sa resulta nito.
Minsan ay masaya, meron ding malungkot, nakakainis o nakakabahala. Nararapat na alam
mo kung sino ang dapat lapitan sa panahon na kailangan mo ang opinion o ideya ng iba
upang makagawa ka ng tamang desisyon o pagpapasiya.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay…naipamamalas ang
pagunawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang
desisyon para sa ikabubuti ng lahat.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay… naisasagawa ang tamang desisyon
nang may
katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: (Most Essential Learning Competencies)
Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:
K: Natutukoy ang tama at hindi tamang hakbang sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
S: Nasusuri ang tama at hindi tamang hakbang sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
A: Nauunawaan ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.

2
NILALAMAN:

ARALIN 1: PAGSANG-AYON SA PASIYA NG


NAKARARAMI KUNG
NAKABUBUTI ITO

Gumagawa tayo ng maraming desisyon araw-araw. Ano ang halimbawang naiisip


mo? Ano ang masasabi mo tungkol sa isang karaniwang desisyon na nagawa mo na
o kinailangan mong gawin sa araw-araw? May mga tao, maging batang katulad mo
na gusto nilang sila ang magpasya sa lahat ng bagay para sa kanilang sarili dahil
iniisip nilang ito ay karapatan nila. Hangga’t maaari, talagang hindi nila
hinahayaan na iba ang magdesisyon para sa kanila.

Pero may mga tao naman na takot gumawa ng desisyon. Ang iba ay kumokonsulta
pa sa mga guidebook o tagapayo at nagbabayad para humingi ng payo bago
makapagdesisyon. Ito ay nangangahulugan na binibigyang-halaga natin ang mga
payo o pasya ng iba. Bakit kaya ganito?

Basahin ang kwento sa ibaba.

Ang mga-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila ay nagpunta sa


kalapit na Barangay upang tulungan ang mga taong nasunugan. Sina Aling
Oneng at Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain. Sina Argie, Tina at Leo
ang tumutulong sa pag-eempake ng mga pagkain na ipamimigay. “Ako na
ang maglalagay ng noodles sa supot,” ang sabi ni Argie. “Ikaw naman Tina
ang maglagay ng mga de lata. Sila
naman ang maglalagay ng mga bigas,” sabay turo ng dalawang bata kay
Leo. Ang pamilya ay masayang-masaya kapag sila ay may natutulungan.

1. Ilarawan ang mga bata sa kuwento.


2. Bakit sila nasa kalapit Barangay?
3. Anong uri ng mga bata ang magkakapatid?
4. Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
5. Ano ang maaaring maging batayan ng isang
pamilya upang maging masaya?
6. Kung ikaw ay isa sa mga anak nila G. at Gng.
Reyes, paano mo sila tutularan? Bakit?

Basahin naman natin ang kwento ni Honesto.

3
May isang batang mabait na ang pangalan ay Honesto. Isang araw may nakita siyang
tumatakbong lalaki na may dalang bagong cellphone at bag. Hinahabol ito ng babaeng
umiiyak. Nagtago ang lalaki sa likod ng
bahay ni Honesto. Nakita din niya sa di kalayuan ay may pulis na naghahanap sa lalaking
magnanakaw. Walang pasubali at buong katapangang itinuro ni Honesto ang lalaki sa mga
pulis. Laking pasasalamat ng babae na naibalik ang bagong cellphone na ireregalo sa anak na
may kaarawan. Masayang-masaya ang pamilya ni Honesto sa ipinakitang katapangan.

1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.


2. Tungkol saan ang kuwentong iyong nabasa?
3. Paano naisauli ang cellphone at bag sa may-ari?
4. Ano ang ginawa ni Honesto? Sa iyong palagay, makabubuti ba ito sa kaniyang
pamilya? Bakit?
5. Kung ikaw si Honesto, ano ang gagawin mo? Bakit?

 Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagmula sa isang


pagpapasya.
 Ang paggawa ng pasya mula sa desisyon ng iba na maaaring
pagsisihan dahil sa hindi magandang resulta ay may tamang hakbang
o paraan upang maiwasan.

Isaisip

Sa pagkakataong ito, inaasahan na iyo nang napagtanto at binigyang halaga


ang pagpapahalaga sa ating sariling pamilya. Ito ang nagbibigay sa atin ng lakas
upang malampasan ang ano mang pagsubok o hamon ng buhay. Panatilihing
masaya, nagkakaintindihan, buo at matagumpay ang bawat
pamilya.
Kung kinakailangang isakripisyo ang pansariling kapakanan,
gawin natin alang alang sa kapanan ng bawat isa. Marahil
ngayon atin nang maisasapuso at maisasagawa ang pagsang-
ayon sa pasya ng nakakarami kung talaga namang ito’y
makabubuti sa nakararami. Gayunpaman, ating
pagpapahalagahan ang mga tamang hakbang o proseso bago
makapagpasya. Kinakailangan nating suriin ang sanhi at pag-
aralan bawat isa ang posibleng solusyon at ang maaaring
kahihinatnan nito. Ayon nga kay Aristotle “man is a rational
being”. Ang tao raw ay may angking galing at talino na may
kakayahan na makapangatwiran at makapagpaliwanag kaya
naman nakagagawa ng desisyon sa buhay. Meron tayong lahat nito, kinakailangan
lamang
nating linangin at paghusayin.

4
Unang Markahan
Sanayang Papel 4
Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Pangalan: __________________________________________ Petsa______________

Tayahin:

Gawain 1: TAMA O MALI (10 puntos)

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
sagot

______________ 1. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay lagging nakabubuti sa akin.

______________ 2. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa


lahat upang walang matapakan/masaktan o mapinsala.

______________ 3. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.

______________ 4. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.

______________ 5. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan.

______________ 6. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasya.

______________ 7. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa


kinabibilangang relihiyon.

______________ 8. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o


resulta ng isang gagawing desisyon o bibitawang pasya.

______________ 9. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.

______________ 10. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng huling
pagpapasya.

Gawain 2 “Pagpasyahin mo” (20 puntos)

5
Panuto: Isulat sa iyong patalang ang sinasaad ng sumusunod
1. Sino sino ang malalapit na tao sa iyong buhay na hinihingan mo ng opinyon o
payo sa panahon na kailangan mo ng tulong upang makapagdesisyon o
makagawa ka ng tamang pasya? Gumuhit ng isang hugis puso at isulat sa
loob ang sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Anong pagkakataon o sitwasyon sa iyong buhay na gumawa ka ng isang


mahalagang pagpapasya. Sino ang iyong nilapitan at sinang-ayunan mo kaya
nakagawa ka ng mabuting pasya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Lahat ba ng mungkahi o tulong na ibinibigay ng nakararami ukol sa


pagpapasya ay dapat mong sang-ayunan? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Sino ang mas pakikinggan mo sa pagpapasya, ang nakakatanda sa iyo o ang


mas nakababata? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami dahil


mayroon kang pakiramdam na magdudulot ito ng hindi maganda at maaaring
pagsisisihan ang pagsang-ayon sa kanilang pasya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

6. Ano ang mga pangunahing hakbang na pwede mong gawin bago gumawa ng
desisyon o magbigay ng iyong pasya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7. Dapat bang sumangguni ka pa sa ibang tao pagkatapos mong humingi ng


tulong at may mga mungkahing pasya na galing sa iba? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

8. Nagiging magaan ba para sa iyo ang pagpapasya kapag may tulong ng ibang
tao? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

6
9. Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

10. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang, “Ang matalinong pagpasya ay


tulad ng pagmamaneho sa kalsada?”
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 3: PAGNINILAY
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang tsek ( ) kung TAMA o kung
totoo ang isinasaad at ekis (X) kung sa iyong palagay ay di totoo o MALI.

SANGGUNIAN
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapasya
https://www.slideshare.net/ErvinKristerAntallan/ang-proseso-ng-paggawa-ngmabutingpasya
https://brainly.ph/question/520831#readmore
https://www.scribd.com/doc/97826879/Ang-Mga-Salik-Sa-Pagpapasya
https:/www.slideshare.net/mobile/Rs3/ep-i-mga-hakbang-sa-pagpasya108-
108750_woman-girl-clip-art-girl-thinking-png
Two-friends-vector-917250
https://brainly.ph/question/520831#readmore https://clipart-library.com

7
8

You might also like