EsP7 STPT 4.1
EsP7 STPT 4.1
EsP7 STPT 4.1
MELCS:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay
(EsP7PB-IVc-14.1)
Kilala mo ba sila Moymoy Palaboy? Sila Moymoy Palaboy ay mga komedyante na nakilala sa kanilang na-
upload na mga lip sync na video sa Youtube. Sila din ay mga artista ng isang sikat na television network. Ngayon
ay basahin mo ang kanilang maiksing kasabihan sa ibaba na may kaugnayan sa aralin.
Ano ang masasabi mo sa sa itaas na kaisipan? Ikaw ba ay natuwa sa maiksing kasabihan nila Moymoy Palaboy?
Ikaw ba ay naka-relate? Sang-ayon ka ba rito? Ang tagumpay nga ba ay resulta ng tamang desisyon? Paano nga ba
talaga magtagumpay? Ano ang susi rito? Paano bumuo ng tamang desisyon? Buoin ang mga mahahalagang salita
na may kaugnayan sa araling iyong pag-aaralan sa ngayong huling markahan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 (Ikalawang araw ng unang lingo hanggang ikalawang araw ng
ikalawang linggo): Gamit ang iyong kaalaman sa Matematika, kwentahin o kompyutin mo ang lahat na
napapaloob sa pambansang prutas ng Pilipinas. Maaring gumamit ng kalkyulator o humingi ng tulong sa iyong
magulang. Pagktapos mo makwenta o makompyut ang sagot ay isulat ang bawat letra na may katumbas na sagot
na makikita sa ibaba upang makabuo ng mga mahahalagang salita na may kinalaman sa kahalagahan sa mabuting
pagpapasiya. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
\
Binabati kita at naipamalas mo iyong kaalaman at kagalingan sa Matekamtika at pag-uugnay nito sa aralin.
Marunong ka bang maglaro ng chess? O di kaya naman ay nakakapanood ka ba ng mga naglalaro nito? Kung
susuriing mabuti ang paglalaro ng chess, mapapansin na ang sinumang naglalaro nito ay sumasailalim sa malalim na
pag-iisip. Sa buong panahon ng paglalaro ng chess ay kinakailangan nilang mamili ng tamang piyesa na ititira at
magpasiya ng gagawing tira. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing
tira. Kailangang maging maingat sa pagpapasiya dahil kung hindi ay magbubunga ng pagkatalo sa laro. Ang lahat ng
kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Nagmumula ito sa simpleng pagpapasiya. Halika at pag-aralan mo
ang proseso sa paggawa ng mabuting pasya.
Basahin ang pagpapalalim sa Pahina 290-296 sa EsP Learner’s Materials ng mga sumusunod patungkol sa
mabuting pagpapasiya.
ANG PROSESO NG PAGGAWA NG MABUTING PASYA
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay
nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon.
Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya ay panahon. Kadalasan ito ang una
nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya sa anomang bagay na inaasahan sa atin. Karaniwan na ang
mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip.”
Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at damdamin. Una, ginagamit natin ang
ating isip. Pinagninilayan natin ang sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang
mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian. Hinihinuha natin ang mga maaring kahantungan o
maging epekto ng mga ito.
Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya. Kung hinihingi ng
pagkakataon na tayo ay mamili, madalas na tinitimbang natin ang mga pamimilian batay sa kung ano ang
mahalaga sa atin. Maaring pinipili natin ang pagkain ng gulay dahil sa halaga nito sa ating kalusugan, ayon sa
dikta ng ating isip sa kung ano ang tama at ng damdamin ayon sa ating ginugusto. Ang proseso ng mabuting
pagpapasya sa maikling salita ay – “batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating isip at damdamin
upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating pasya.” Maaaring ilarawan ang proseso ng mabuting
pagpapasya bilang:
1. Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga
katotohanan. Maaring humingi ng tulong sa mga nakakatanda, pamilya kaibigan o etc.
2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anumang pagpapasiya ng tao, mahalaga ang pagninilay sa mismong
aksiyon. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na gabay:
1. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon.
2. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa
iyong isasagawang aksiyon.
3. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon.
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan
na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalaga ring isaalang-alang ang ating
damdamin o kalooban sa ating gagawing pagpili.
5. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam
na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na
panalangin at mas ibayong pagsusuri. Upang lubos na maunawaan mo ang paksang “Proseso Ng Paggawa Ng
Mabuting Pasya”, halina at basahin mo ang isang kwento ni Tipaklong at Langgam na nagtatalakay ng
kahalagahan ng pagpapahalaga at mabuting pagpapasiya sa buhay.
SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG
Mula sa Batayan Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at
kumain. Pagkatapos lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita
niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. Magandang umaga, kaibigang Langgam,
bati ni Tipaklong, kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?
Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon, sagot ni Langgam. Tumulad ka sa akin, kaibigang
Langgam, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay
kumanta. Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang
panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain kapag sumama ang panahon.
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa
rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na
ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Kamusta ang pagbabasa mo ng kwento ni
Langgam at Tipaklong? Marahil ay naunawaan at natukoy mo kung sino sa dalawa ang may mataas na
pagpapahalaga at mayroong mabuting pagpapasiya sa buhay. Gayun din tila napansin mo na sa simula pa lamang
ay alam na ni Langgam ang kanyang nais sa buhay, ayun ang magipon ng pagkain. Bakit kaya hindi nasayang ang
paghihirap ni Langgam? Alamin mo ito sa susunod na paksa.
** Bumuo o sumulat ng isang pagninilay o repleksyon tungkol sa magiging epekto ng wasto at tamang pagpapasiya.
Ano ang maaaring maidulot nito sa iyo upang magkaroon ng makabuluhang uri ng buhay?
(PAALALA: (1) Maaaring gamitin ang ibinigay na WHLP upang dito isulat ang mga sagot. Gumamit lamang
ng extrang papel kung hindi sapat ang space para dito. (2) Ang mga sagot sa SUMMATIVE TEST no.4.1
ay sa mismong test paper na isusulat.
Summative Test No. 4.1 sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Week 1 at 2)
I. Basahin at Unawain ang mga talata sa bawat bilang. Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.
______ 1. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na panahon o oras sa pagpapasya.
______ 2. Maaaring magpasya na gamit lamang ang damdamin.
______ 3. Mahalagang pinagninilayan ang sitwasyon bago magdesisyon.
______ 4. Ang paghahanap ng impormasyon ay hindi na dapat gawin sapagkat ito ay nakakatagal lamang sa
pagdedesisyon.
______ 5. Timbangin ang mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian.
______ 6. Ang pamimili ay batay sa kagustuhan natin at hindi sa kung ano ang mahalaga.
______ 7. Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya.
______ 8. Ang matalinong pagpapasya ay pagsunod sa dinidikta ng ating isipan lamang.
______ 9. Ang proseso ng mabuting pagpapasya sa maikling salita ay – “batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin
ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating pasya.”
______ 10. Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at damdamin.
II. Basahin at Unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay Hakbang sa
Paggawa ng Wastong Pasya at ekis (X) naman kung Hindi.
____ 1. Umasa sa sariling kaalaman. Hindi na kailangang humingi pa ng payo mula sa ibang tao o sa mga nakatatanda.
____ 2. Maaaring gumawa agad ng desisyon at umaksyon ayon sa nararamdaman sa pagkakataon na iyon.
____ 3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
____ 4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
____ 5. Pag-aralang muli ang pasiya.
III. Naging isang malaking hamon sa mga lahat ang pagkakaroon ng pandemya sapagkat ito ay nagdulot
ng malaking pagbabago sa Edukasyon at sa pang-araw-araw nating buhay. Bilang isang mag-aaral, paano
ka makagagawa ng isang mabuti at matalinong pagpapasya para saiyong pag-aaral sa gitna ng pandemya
na kinakaharap ng buong mundo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Rubrik: malinaw at maayos na pagkakapaliwanag- 5pts
di gaanong malinaw na pagkakapagliwanag- 3pts
Nangangailangan ng tulong sa pagpapaliwanag ng saloobin- 1pt
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_