Mod 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MODULE 4

Aralin ANG PAGHUBOG NG

1 KONSENSIYA BATAY SA LIKAS


NA BATAS MORAL
Balikan

Sa modyul 3, napag-usapan natin ang tungkol sa kahulugan ng konsensiya, mga


uri ng kamangmangan, mga yugto ng konsensiya at mga prinsipyo ng Likas na
Batas Moral. Sa ating buhay, marami tayong mga katanungan. Sa pamamagitan
ng ating konsensiya, nakagagawa tayo ng mga pasya na maaaring makaapekto sa
ating pamumuhay. Gaya nga ng sinasabi ng karamihan, “pag-isipan mo muna ng
maraming beses bago ka gumawa ng pasiya”. Ang konsensiya ang pinakamalapit
na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa
kabutihan.

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong sariling


karanasan.

1. Naranasan mo na bang pasya na pinagsisisihan mo ang epekto nito? May


nasaktan ka ba sa ginawa mong pasya na ito? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Paano mo naitama o nalampasan ang pasyang iyong nagawa?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Tuklasin

Gawain 1. Tukuyin mo

PANUTO: Lagyan ng / ang patlang bago ang numero kung ito ay nagpapatunay na
ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa
tamang pagpapasya at pagkilos at X kung hindi.

______1. Alam ng tao ang mabuti at masama at ang magiging epekto nito sa
sarili.
_____ 2. Nararamdaman niya na hindi niya dapat ginawa ang isang maling bagay,
hindi dahil sa ito ay ipinagbabawal o nasa batas sa halip alam/nakikita
niya mismo ang mali dito.

_____ 3. Inuuna ang pansariling kabutihan bago ang iba kahit alam niyang mali
ito.

_____ 4. Isinasabuhay ng tao ang mga salita at utos ng Diyos.

_____ 5. Tinitimbang ng tao ang mga katotohanan bago gumawa ng isang hakbang.

_____ 6. Ang paraan ng pagkilos ay nagmula sa konsensiyang nahubog ng maayos.

_____ 7. Pagsisiswalat ng mga impormasyon tungkol sa pinakamatalik na kaibigan


dahil sa hindi pagkakaunawaan.

_____ 8. Sinusuri nang maayos ang sariling hangarin upang matiyak na kumikilos
na ayon sa mabuting layunin.

_____ 9. May kakayahan ang tao na maunawaan at piliin kung ano ang mabuti
patungo sa mabuting paraan ng pagkilos.

_____10. Ibinubulsa ang kaban ng bayan dahil sa sobrang kahirapan ng buhay at


wala namang nakaka-alam sa kilos na ginagawa.

Suriin
Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral?

 Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng pagpapasiya at


nasusunod ang Batas-Moral sa kaniyang buhay.

 Ang konsensiya ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang


iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na Batas Moral na siya namang
batayan upang malaman ang mabuti at masama sa natatanging sitwasyon.

 Sinusuri ng konsensiya ang kilos kung ito ay tama o mali

 Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.

Mga antas ng paghubog ng konsensiya

1. Ang antas na likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa


pagkabata. Hindi alam ng bata kung ano ang tama o mali. Umaasa lamang
siya sa mga paalala, paggabay at pagbabawal ng kanyang mga magulang o
ng mga mas nakatatanda.

2. Ang antas ng superego. Malaki ang bahaging ginagampanan ng may


awtoridad sa pagpapasya at pagkilos ng bata. Itinuturo sa bata kung ano
ang mga ipinagbabawal sa lipunan at nagiging bahagi na ito ng kanyang
buhay nang hindi namamalayan.
3. Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph 55-58), mahuhubog ang
konsensiya ng tao upang kumiling ito sa mabuti kung susundin ang
mga hakbang.

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa


katotohanan. Maipakikita ang pananagutan sa kilos kung gagawin ang
mga sumusunod.

a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral


na sangkot sa isang kilos.

b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos sa


mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes.

c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay.

d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga


napapanahong isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng
mga ito.

2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Ang pakikipag-


ugnayan natin sa Diyos ay nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban,
paglinaw ng pag-iisip at kapayapaan ng puso.

Pagyamanin

Gawain 2. Balikan mo

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto.


1. Magtala ng dalawang karanasan kung saan nakaranas ka ng “krisis” o
kahirapan sa pamimili ng tama at mabuting pasiya.
2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya kung
mahaharap sa parehong sitwasyon.
3. Gawing gabay ang nasa ibaba.

Paliwanag kung
bakit ito a ng
Sitwasyon sa Pasiya o kilos kung
pasyang
buhay mahaharap sa parehong
gagawin
sitwasyon

Gawain 3. Pagpapasya

PANUTO: Suriin nang maayos ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa tapat ng


bawat sitwasyon, gumawa ng sariling pasya at ipaliwanag kung bakit ito ang
naging pasya.

Sitwasyon Ano ang Bakit ito ang


gagawin mo naging pasya?
(pasya) (paliwanag)
1. Inaya ka ng mga kaibigan mo na tumambay
muna sa isang lugar at nag-inuman. Gustong gusto
mong sumama dahil matagal na kayong hindi
lumalabas.Ngunit naalala mo ang bilin ng iyong
mga magulang tungkol sa paggawa ng mabuti.

2. Isang araw, dumating ang isa sa pinaka mahirap


na pagsubok sa iyong buhay. Kailangan ng pamilya
mo ang malaking halaga ng pera. Habang ikaw ay
naglalakad, may nakita kang wallet na nahulog.
Walang nakakita sa’yo nang ito’y iyong pulutin. Ang
laman nito ay sobra pa sa kinakailangan ng
pamilya mo. Walang ibang nakalagay sa wallet
kundi ang pera lang.
3. May nagawang hindi inaaasahang pagkakamali
ang iyong mga magulang. Inilihim ninyo ito dahil sa
maraming rason. Dahil hindi ka mapakali,
ibinahagi mo ito sa iyong matalik na kaibigan.
Isang araw pagpasok mo ng paaralan, nahuli mong
pinagkakalat ng kaibigan mo ang nagawa ng iyong
mga magulang at hinuhusgahan ka ng mga kapwa
mo mag-aaral. Nasaktan ka sa ginawa ng iyong
kaibigan at gusto mo siyang awayin.

4. Dahil sa pandemia na Covid 19, marami ang


nangangailangan ng tulong. Ang utos ng Gobyerno,
ang magpapalista lang ay ang mga walang
mapagkukunan ng pera dahil walang trabaho.
Parehong may permanenteng trabaho ang mga
magulang mo ngunit nagpalista pa rin sila.
Samantalang ang kapitbahay ninyo ay hindi inilista
kahit alam nilang walang wala na sila.

5. Isang daan nalang ang natitira mong pera. Dahil


sa lockdown hindi ka makaka-uwi upang humingi
ng pera sa iyong mga magulang. Wala ka nang
pagkain ngunit gustong-gusto mo nang magload
para makapag laro ng ML para hindi ka maiwan ng
mga kaibigan mo.

Isaisip
Gawain 4. Ayusin at Buuin mo

PANUTO: Punan ang mga patlang sa bawat pangungusap. Ayusin muna ang mga
letra sa kahon bago piliin ang tamang sagot sa patlang.

GNAYISNESNOK - __________________ MLIA - _________________ AAYBG - ______________

PPPAAAAGYIS - ___________________ IIUUSSNR - _____________ TMAA - ______________

LKSIO - __________________________ PGKLAIOS - ______________

1. Ang ______________ nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing


________________ sa tamang _________________ at ___________________.

2. _____________________ ng konsensiya ang __________________ kung ito ay


_______________________ o _______________.

Isagawa

Gawain 5. Natutunan mo, Ibahagi mo

PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng isang sanaysay.


Paano magsisilbing gabay sa pagpapasiya at pagkilos ang konsensiyang
nahubog batay sa Likas na Batas Moral?

Mga pamantayan sa Gawain

Pamantayan Iskala Iskor

Nilalaman

10

Pagbuo

Pagkamalikhain

Kabuuan

20

Tayahin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas
Moral?

A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.

B. Kailangan ito ng lahat ng tao

C. Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.

D. Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.

2. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral
ay ginagamit na ________________________.

A. Pagbabago sa mga bagay na nagawa.


B. Batayan ng kabutihan ng mga gawain.

C. Personal na pamantayang moral ng tao.

D. Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.

3. Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral?

A. Kalayaan ng tao

B. Kabutihan ng tao

C. Kahusayan ng tao

D. Kaayusan ng tao

4. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa


kasalukuyang panahon.

A. Likas na Batas Moral

B. Konsensiya na nahubog sa batas-moral

C. Kalayaan

D. Isip, puso at kamay

5. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng


tao ang _____________.

A. Katotohanan

B. Kapayapaan

C. Yaman

D. Katalinuhan
6. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya?

A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao

B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan

C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama

D. Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao.

7. Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at


gawa

A. Kilos-Loob

B. Konsensiya
C. Mga batas

D. May awtoridad

8. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang


katotohanan tungkol sa paghubog ng konsensiya?

A. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw

B. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.

C. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan

D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay

9. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na


pananalangin?

A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya

B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral

C. Dahil nakasanayan na nating manalangin

D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos

10. Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang


konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti.

A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan

B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa

C. Talikuran ang mga pagkakamali

D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay

11. Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?

A. Batas

B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.

C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral

D. Mga batas ng mga may awtoridad


12. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?

A. Kung ang kilos ay tama o mali

B. Pamumuhay ng isang tao

C. Ang mga maling nagawa ng tao

D. Kung nakagawa ka ng kabutihan

13. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula


pagkabata ang paghubog ng konsensiya?

A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.

B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o


masama sa hinaharap.

C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang


kabutihan

D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.

14. Ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa


mabuting pagkilos ay nagmula sa __________________.

A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang

B. Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad.

C. Nagmula sa ipinamana ng magulang

D. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay

15. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?

A. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan

B. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan

C. Kapag kumilos tayo ayon sa utos ng may likha

D. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin

Karagdagang Gawain

PANUTO: Sa pamamagitan ng pagsulat ng kanta, tula o pagguhit, sagutin ang


tanong. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Tanong: Paano magsisilbing gabay ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na


Batas Moral sa tamang pagpapasiya at pagkilos?
Mga pamantayan sa Gawain

Pamantayan Iskala Iskor

Nilalaman
5

Organisasyon
5

Pagkamalikhain
5

Kabuuan
15

You might also like