Diagnostic Test Esp

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

1. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso.

Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya


ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama.
Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga
batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat
ni John Lloyd.

a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya

b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agamagam.

c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa

pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin

d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang

konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.

2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?

a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan

b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan

c. Makakamit ng tao ang kabanalan

d. Wala sa nabanggit

3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao

b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama

d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang
kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera.
Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?

a. Tamang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya

b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya

5. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang
katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?

a. Obhektibo c. walang hanggan

b. Unibersal d. di nagbabago

6. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay:


a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.

b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan

c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na
pagsasanay

d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya magiging manhid na ito sa
pagkilala ng tama.

7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?

a. Mapalalaganap ang kabutihan

b. Makakamit ng tao ang tagumpay

c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan

d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

8. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:

a. Obhektibo c. walang hanggan

b. Unibersal d. di nagbabago

9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:

a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang
dapat iwasan.

c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at
tama o nagawa nang di maayos o mali.

d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit
hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas
nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan
kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong na ito ay

nagpapatunay na:

a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong
nagsasagawa ng kilos.

b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababale-wala kung ang layunin ay mabuti at
tama.

c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng

gumagawa nito.
Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong naging
sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.

Matapos ang gawain, sagutin mo ang sumusunod na tanong na ito sa iyong kuwaderno :

1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sarilingpagpapasiya. Isulat ang iyong
pasiya at paliwanag kaugnay nito, sa iyong kuwaderno.

Kaso 1

Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay nagtapat sa

iyo na lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang pamilya.

Dahil sa matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa

iyo kung saan siya pupunta. Subali’t mahigpit ang bilin niya na huwag itong

sasabihin sa iba lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan,

pumunta ang nanay niya sa inyo at humihingi sa iyo ng tulong.

Ano ang gagawin mo?

Kaso 2

Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng


kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa
sambayanan. May babala sa inyong barangay na nagtatakda ng parusa sa
mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na
tapunan nito.
Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo
ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi
itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay.
Ano ang gagawin mo?

Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:

1. Saan ibinabatay ng iyong konsiyensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?

2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?


Araling Panlupunan

Gawain 1: Pag-isipan Mo!

A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Bakit hindi kumakain ng mga baka ang mga Hindu? ____________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Ano ang maaaring maging epekto nito sa kanilang kabuhayan? ___________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

3. Para sa iyo, maganda ba ang sistemang Caste? Bakit? _________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Gawain 2: Paglalapat

Gawain A: Tukuyin ang mga sumusunod.

1. Banal na aklat ng Buddhismo_________________


2. Ang kilala sa tawag na “Ang Naliwanagan”________________
3. Ang sanhi ng pagdurusa at paghihirap ng tao__________________
4. Tunay na pangalan ni Buddha___________________
5. Ang Ganap na Kaluwalhatian____________________
Gawain B: Ilatag ang positibo at negatibong epekto sa lipunan ng
pagkakaroon ng sistemang caste.
Positibo: 1._________________________________________

2._________________________________________

3._________________________________________

Negatibo 1.._________________________________________

2._________________________________________

3._________________________________________
Gawain 3: Pag-isipan Mo!

Direksyon: mag-isip ng mga salitang may kaugnayan sa Kristiyanismo na nagsisimula sa mga titik
na ito:

K- _________________________________________________________

R-_________________________________________________________

I - _________________________________________________________

S-_________________________________________________________

T-_________________________________________________________

I - _________________________________________________________

Y- _________________________________________________________

A - ________________________________________________________

N- ________________________________________________________

I - _________________________________________________________

S- _________________________________________________________

M- ________________________________________________________

O- ________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X-Northern Mindanao
Division of Misamis Oriental
District of Naawan
NAAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Naawan, Misamis Oriental

Diagnostic test in AP

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong batas ng Hinduismo ang nagsasaad na “Anumang mabuti ay

galing sa mabuti at anumang masama ay galing sa masama”?

A. Batas ng Dharma B. Batas ng Reinkarnasyon

C. Batas ng Karma D. Batas ng Anatta

2. Siya ang propeta ni Allah.

A. Kutam Mohammad B. Siddharta Gautama

C. Lao Tzu D. Abraham

3. Ang pagdarasal ng Muslim ng limang beses sa isang araw.

A. Hajj B. Zakah

C. Sawm D. Salat

4. Ito ang tawag sa mga nagsulat ng buhay, turo at aral ni Hesus.

A. Jains B. Abu Bakr

C. Apostoles D. Evangelista

5. Ang estado ng pagkawala sa tanikala ng reinkarnasyon at pakikiisa kay

Brahman.

A. Samsana B. Moksha

C. Dharma D. Nirvana

6. Ito ang aklat na sinulat ni Lao Tzu na nagging sandigan ng Daoismo.


A. Tao Te Ching B. Analect

C. Upanishad D. Limang libro ng K’ing

7. Siya ang tinaguriang Buddha o ang naliwanagan na nagtatag ng

Buddhismo.

A. Kutam Mohammad B. Siddharta Gautama

C. Lao Tzu D. Abraham

8. Ang una sa apat na banal na katotohanan ayon kay Buddha.

A. Ang sanhi ng pagdurusa ay paghahangad

B. Ang buhay ay puno ng pagdurusa

C. Maaring mawala ang pagdurusa

D. Nawawala ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagsunod sa walong tamang daan

9. Ito ang dating lungsod ng Yathrib na tinaguriang lungsod ng kaharian

ng propeta kung saan nagkubli si Mohammad sa mga taong gustong

pumatay sa kanya.

A. Mecca B. Medina

C. Judah D. Jerusalem

10. Ito ang banal na kasulatan ng Shintoismo.

A. Tao te cheng B. Analect

C. Kojiki D. Shu K’ing

11. Ang pangunahing paniniwala ng Jainismo na iba sa Hinduismo at

Buddhismo.

A. Ang mga Vedas ay hindi banal na aklat

B. Ang Ahimsa o pagiging sagrado ng buhay

C. Ang paggawa ng Dharma

D. Ang Karma

12.Ang templong ginawa ni Abraham na kung saan naroroon ang itim na

banal na bato at kung saan humaharap sa direksyon nito kapag nananalangin

ang mga Muslim.

A. Kaaba B. Altar
C. Temlo ni Shiva D. Ang arko ng kasunduan

13. Ito ang ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sainai.

A. Kaaba B. Ang Sampung Utos

C. Ang apat na banal na katotohanan D. Ang Shahada

14. Ang tradisyonal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan.

A. Jainismo B. Buddhismo

C. Shintoismo D. Daoismo

15. Ang unang tao na nilikha ni Brahman ayon sa paniniwalang Hinduismo.

A. Manu B. Abraham

C. Adan D. Brahmin

16. Ito ang kumentaryo sa batas na itinuturo sa pamamagitan ng

bukambibig ng Hudaismo.

A. Upanishad B. Talmud

C. Torah D. Analect

17. Ang mga nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

A. Ang mga gurong Tomasinong amerikano

B. Ang mga prayleng Kastila

C. Ang mga sundalong Hapon

D. Ang mga mangangalakal na intsik

18. Siya ang nagsagawa ng sermon sa Benares.

A. Hesu-Kristo B. Mohammad

C. Ismael D. Buddha

19. Sino ang nakakasakop sa Judea ng isilang si Hesus?

A. Mga Kastila B. Mga Hapon

C. Mga Amerikano D. Mga Romano

20. Ito ay ang banal na aklat ng Hinduismo.

A. Koran B. Bibliya

C. Vedas D. Torah
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X-Northern Mindanao
Division of Misamis Oriental
District of Naawan
NAAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Naawan, Misamis Oriental

Diagnostic test in AP

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Isang katutubong prinsipe mula sa isla ng Java na nanguna sa pag-aalsa laban sa mga Olandes

A. Diponegoro B. Kukulkan

C. Ibarro D. Nakamura

2. Gobernador o kinatawan ng mga maharlika na nangangasiwa sa East India

Company

A. Ministro B. Hari

C. Viceroy D. Pangulo

3. Amerikanong commodore na nakipagkasundo sa Shogun na Hapon upang buksan ang kalakalan sa


pagitan ng Hapon at Amerika

A. Henry Wainright B. Matthew Perry

C. George Dewey D. Douglas MacArthur

4. Ang mga sumusunod na bansa ay naging pangunahing mananakop sa mga bansang Asyano maliban sa

A. Portugal B. Espanya

C. Britanya D. Sweden

5. Siya ay kinilalang Enlightened Emperor sa Hapon

A. Naruhito B. Hirohito

C. Matsukuhito D. Mustsuhito

6. Ang huling hari ng Dinastiyang Qing

A. Meng Fei B. Pu Yi
C. Ba Ma D. Chu Qing

7. Empress Dowager ng Tsina na sumuporta sa kilusan laban sa mga dayuhang

mananakop

A. Li Yi B. Chi chi

C. Ci Xi D. Li Po

8. Mga sundalo sa India sa panahon ng pananakop ng mga British na nag-alsa

dahil sa pagsisimulang pagbabago ng kultural na aspeto ng lipunan

A. Sepoy B. Sikh

C. Hindus D. Hathor

9. Kasunduan na naging daan sa pagiging kolonya ng Pilipinas sa mga Amerikano

A. Kasunduan sa Shimoneseki B. Kasunduan sa Paris

C. Kasunduan sa Vienna D. Kasunduan sa Ghent

10. Unang naging kolonya ng pananakop ng Hapon

A. Macau B. Mongolia

C. Hong Kong D. Korea

11. Digmaan naging daan ng pagbubukas ng mga daungan sa kalakalan ng Tsina para sa Britanya

A. Morphine War B. Shabu War

C. Opium War D. Flower War

12. Kilalang tawag sa bumubuo sa sikretong organisasyon ng mga Tsino na ang layunin ay patalsikin ang
mga dayuhan sa Tsina

A. Taekwendo masters B. Boxers

C. Kung Fu D. Tai Chi

13. Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking nasyon-estado na


dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at maliliit na nasyon-estado

A. Imperyalismo B. Kolonyalismo

C. Nasyonalismo D. Komunismo

14. Unang president eng Republika ng Tsina

A. Mao Xe Dong B. Sun Yat Sen

C. Chiang Kai Shek D. Deng Xiao Ping


15. Teoryang pinalaganap ng mga Ingles sa paniniwalang patataasin nila ang antas ng sibilisasyon ng mga
kolonya

A. Ethical Policy B. Civilizing Mission

C. Culture System D. Propaganda

16. Teritoryo na direktong pinangangasiwaan ng isang imperyalistikong bansa

A. Protectorate B. Colony

C. Sphere of Influence D. Civilizing mission

17. Empress ng India

A. Victoria B. Elizabeth

C. Margaret D. Diana

18. Ang mga sumusunod na bansa ay naging bahagi ng sphere of influence sa Tsina maliban sa

A. Rusya B. Britanya

C. Norway D. Hapon

19. Sa pagwawagi ng Hapon sa labanang Russo-Japanese War ang mga

sumsunod na teritoryo ay naging bahagi ng kanyang imperyo maliban sa

A. Burma B. Korea

C. Pescadores D. Manchuria

20. Kolonya na may sariling pamahalaan nguni’t tinutulungan at indirektong pinangangasiwaan ng


bansang mananakop

A. Sphere of Influence B. Protectorate

C. Colony D. Civilizing Mission

You might also like