Ang Misa NG Sambayanan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG MISA NG SAMBAYANAN

______________________________________________________________________________

Pasimula

Pari: SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK, AT NG


ESPIRITU SANTO
Bayan: Amen.

Pari:SUMAINYO ANG PANGINOON


Bayan: At sumainyo rin

PAGSISISI SA MGA KASALANAN:


Pari: MGA KAPATID, AMININ NATIN ANG ATING MGA
KASALANAN UPANG TAYO’Y MAGING MARAPAT
GUMANAP SA BANAL NA PAGDIRIWANG.

Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid,


na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking
pagkukulang, Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa
lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid, na
ako’y ipanalangin sa Panginoon ating Diyos

Pari: KAAWAAN TAYO NG MAKAPANGYARIHANG


DIYOS, PATAWARIN TAYO SA ATING MGA
KASALANAN, AT PATNUBAYAN TAYO SA BUHAY
NA WALANG HANGGAN.
KYRIE: SUNG
GLORIA: SUNG

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Pari: MANALANGIN TAYO.
Bayan: Amen

1
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA:
SALMONG TUGUNAN:
PANGALAWANG PAGBASA:
GOSPEL ACCLAMATION:
EBANGHELYO:

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

BAYAN: SUMASAMPALATAYA AKO SA ISANG DIYOS


AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT,
NA MAY GAWA NG LANGIT AT LUPA,
NA LAHAT NA NAKIKITA AT DI NAKIKITA.

SUMASAMPALATAYA AKO SA IISANG


PANGINOONG HESUKRISTO,
BUGTONG NA ANAK NG DIYOS,
SUMILANG SA AMA BAGO PA NAGKAPANAHON.
DIYOS BUHAT SA DIYOS, LIWANAG BUHAT SA LIWANAG, DIYOS NA
TOTOO BUHAY SA DIYOS NA TOTOO.

SUMILANG AT HINDI GINAWA, KAISA NG


AMA SA PAGKADIYOS, AT SA
PAMAMAGITAN NIYA AY GINAWA ANG LAHAT.
DAHIL SA ATING PAWANG MGA TAO
AT DAHIL SA ATING KALIGTASAN,
SIYA AY NANAOG MULA SA KALANGITAN
NAGKATAWANG-TAO SIYA LALANG NG
ESPIRITU SANTO AY MARIANG BIRHEN
AT NAGING TAO.

IPINAKO SA KRUS DAHIL SA ATIN.


NAGPAKASAKIT SA HATOL NI PONCIO
PILATO, NAMATAY AT INILIBING.
MULI SIYANG NABUHAY SA IKATLONG ARAW
AYON SA BANAL NA KASULATAN.
UMAKYAT SIYA SA KALANGITAN AT
LUMUKLOK SA KANAN NG AMANG
MAYKAPAL…………..

PANALANGIN NG BAYAN

2
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PARI: MANALANGIN KAYO, MGA KAPATID, UPANG ANG


PAGHAHAIN NATIN AY KALUGDAN NG DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN.

BAYAN: Tanggapin nawa ng Pangioon itong paghahain sa iyong mga kamay sa


kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinaba ngan a sa buong
Sambayanan niyang banal

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY:

PARI: MANALANGIN TAYO,


BAYAN: Amen

3
PREPASYO VII

PARI: SUMAINYO ANG PANGINOON.


BAYAN: At sumainyo rin

PARI: ITAAS SA DIYOS ANG INYONG PUSO AT DIWA.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

PARI: PASALAMATAN NATIN ANG PANGINOONG ATING


DIYOS
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,


TUNAY NGANG MARAPAT NA IKAW AY AMING
PASALAMATAN.
KAHIT NA IKAW AY PINAGTAKSILAN
NG SANGKATAUHAN, IKAW AY PATULOY PA RIN
SA
IYONG PAGMAMAHAL. IKAW NA ANG NAGPUNO
SA
AMING PAGKUKULANG; IKAW PARIN ANG
NAGSUGO
NG TUTUBOS SA TANAN. ANG SUGO MONG ANAK
NA NAGING DI NA IBA SA AMIN BAGAMAT DI
NIYA
TINULARAN ANG AMING PAGKAMASUWAYIN.
NILOOB MO ITO UPANG IYONG MAMALAS
SA AMING PAGKATAO ANG GILIW MONG ANAK
AT KAMI’Y TUNGHAYAN MONG MAY PAG-IBIG
NA
TULAD NG PAGTATANGI MO SA KANYA NANG
HIGIT SA LAHAT. ANG KATAPATAN NIYA SA
IYONG WALANG MALIW AY NAGPANUMBALIK
NA MULI SA AMIN NG IYONG KASIYAHA’T NG
4
IYONG PAGTINGIN NA AMING IWINAKSI NOONG
IKAW AY AMING SUWAYIN.
KAYA KAISA NG MGA ANGHEL
NA NAGSISIAWIT NG PAPURI SA IYO
NANG WALANG HUMPAY SA KALANGITAN
KAMI’Y NAGBUBUNYI SA IYONG KADAKILAAN.

SANTO, SANTO, SANTO….

IKALAWANG PANALANGIN NG
PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
NAKALAHAD ANG MGA KAMAY NG PARI SA PAGDARASAL

PARI: AMA NAMING BANAL,


IKAW ANG BUKAL NG TANANG KABANALAN.
PAGDARAUPIN NG PARI ANG KANYANG MGA KAMAY AT LULUKUBAN NG MGA KAMAY NIYA ANG MGA
ALAY HABANG SIYA’Y NAGDARASAL.

KAYA’T SA PAMAMAGITAN NG IYONG


ESPIRITU GAWIN MONG BANAL ANG MGA
KALOOB NA ITO
PAGDARAUPIN NG PARI ANG KANYANG MGA KAMAY AT KRURUSAN NIYA ANG TINAPAY AT KALIS,
SAMANTALANG KANYANG DINARASAL:

UPANG PARA SA AMI’Y MAGIG KATAWAN AT


DUGO + NG AMING PANGINOONG HESUKRISTO
PAGDARAUPIN NIYA ANG KANYANG MGA KAMAY.

BAGO NIYA PINAGTIISANG LOOB NA MAGING


HANDOG,
HAHAWAKAN NG PARI ANG TINAPAY NANG BAHAGYANG NAKATAAS SA IBABAW NG DAMBANA HABANG
KANYANG PATULOY NA INIHAHAYAG.

HINAWAKAN NIYA ANG TINAPAY,


PINASALAMATAN KA NIYA, PINAGHATI-HATI
NIYA IYON, INIABOT SA KANYNANG MGA
ALAGAD AT SINABI:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:

5
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO
IPAMAMALAS NIYA AN OSTIYA. LULUHOD SIYA PAGKATAPOS

GAYUNDIN NAMAN, NOONG MATAPOS ANG


HAPUNAN,
HAHAWAKAN NG PARI ANG KALIS NANG BAHAGYANG NAKATAAS SA IBABAW NG DAMBANA HABANG
KANYANG PATULOY NA INIHAHAYAG:

HINAWAKAN NIYA ANG KALIS,


MULI KA NIYANG PINASALAMATAN, INIABOT
NIYA ANG KALIS SA KANYANG MGA
ALAGAD AT SINABI:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT


ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA
INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA
KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


IPAMAMALAS NIYA ANG KALIS. LULUHOD SIYA PAGKATAPOS

IPAGBUNYI NATIN AN MISTERYO NG


PANANAMPALATAYA.

BAYAN: SI KRISTO’Y NAMATAY!


SI KRISTO’Y NABUHAY!
SI KRISTO’Y BABALIK SA WAKAS NG PANAHON!
ILALAHAD NG PARI ANG KANYANG MGA KAMAY SAMANTALANG SIYA AY NAGDARASAL.

AMA,
GINAGWA NAMIN NGAYON ANG PAG-ALALA
SA PAGKAMATAY AT MULING PAGKABUHAY
NG IYONG ANAK.
6
KAYA’T INIAALAY NAMIN SA IYO
ANG TINAPAY NA NAGBIBIGAY-BUHAY
AT ANG KALIS NA NAGKAKALOOB NG
KALIGTASAN

KAMI’Y NAGPAPASALAMAT
DAHIL KAMI’Y IYONG MINARAPAT
NA TUMAYO SA HARAP MO
PARA MAGLINGKOD SA IYO.
ISINASAMO NAMING KAMING MAGSASALO-
SALO SA KATAWAN AT DUGO NI KRISTO
AY MABUKLOD SA PAGKAKAISA
SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO
NAKIKIPAGMISA 1

AMA,
LINGAPIN MO ANG IYONG SIMBAHANG
LAGANAP SA BUONG DAIGDIG,
PUSPUSIN MO KAMI SA PAG-IBIG
KAISA NI FRANCISCO, NA AMING SANTO PAPA,
AT NI DAVID WILLIAM NA AMING OBISPO,
AT NG TANANG KAPARIAN.
NAKIKIPAGMISA 2

ALALAHANIN MO RIN ANG MGA KAPATID


NAMING NAHIMLAY NANG MAY PAG-ASANG
SILA’Y MULING MABUBUHAY GAYUN DIN
ANG LAHAT NG MGA PUMANAW.
KAAWAAN MO SILA AT
PATULUYIN SA IYONG KALIWANAGAN.
KAAWAAN MO AT PAGINDAPATIN KAMING
LAHAT
NA MAKASALO SA IYONG BUHAY NA WALANG
WAKAS.

KAISA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA NA


7
INA NG DIYOS. KAISA NG BANAL NA JOSE NA
KANYANG ASAWA, KAISA NG MGA APOSTOL AT
LAHAT NG MGA BANAL NA NAMUHAY
DITO SA DAIGDIG NANG
KALUGOD-LUGOD SA IYO, MAIPAGDIWANG
NAWA NAMIN ANG PAGPUPURI SA
IKARARANGAL MO
PAGDARAUPIN NG PARI ANG KANYANG MGA KAMAY.

SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK


NA AMING PANGINOONG HESUKRISTO.
ITATAAS NG PARI ANG PINGGANG MAY OSTIYA AT ANG KALIS

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA


NIYA, AT SA KANYA ANG LAHAT NG PARANGAL
AT PAPURI AY SA IYO, DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

BAYAN: AMEN

ANG PAKIKINABANG
PAGKALAPAG NG KALIS AT PINGGAN SA DAMBANA, IPAHAHAYAG NG PARI NANG MAY MAGKADAOP
NA MGA KAMAY:

PARI: SA TAGUBULIN NG MGA NAKAGAGALING NA


UTOS AT TURO NI HESUS NA PANGINOON NATIN
AT DIYOS IPAHAYAG NATIN NANG LAKAS-LOOB.
ILALAHAD NG PARI ANG KANYANG MGA KAMAY AT IPAHAHAYAG NIYA KAISA NG LAHAT

LAHAT: AMA NAMIN, SUMASALANGIT KA.


SAMBAHIN ANG NGALAN MO.
MAPASAAMIN ANG KAHARIAN MO.
SUNDIN ANG LOOB MO
DITO SA LUPA PARA NANG SA LANGIT.
BIGYAN MO KAMI NGAYON

8
NG AMING KAKANIN SA ARAW-ARAW.
AT PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA
SALA PARA NANG PAGPAPATAWAD NAMIN
SA NAGKAKASALA SA AMIN.
AT HUWAG MO KAMING IPAHINTULOT SA
TUKSO. AT IADYA MO KAMI SA LAHAT
NG MASAMA.
NAKALAHAD ANG MGA KAMAY NG PARI SA PAGDARASAL

HINIHILING NAMING
KAMI’Y IADYA SA LAHAT NG MASAMA,
PAGKALOOBAN NG KAPAYAPAAN ARAW-ARAW,
ILIGTAS SA KASALANAN
AT ILAYO SA LAHAT NG KAPAHAMAKAN
SAMANTALANG AMING PINANABIKAN
ANG DAKILANG ARAW NG PAGPAPAHAYAG
NG TAGAPAGLIGTAS NAMING SI HESUKRISTO.
PAGDARAUPIN NIYA ANG KANYANG MGA KAMAY. WAWAKASAN NANG SAMBAYANAN ANG PANALANGIN
SA GANITONG PAGBUBUNYI

BAYAN: SAPAHKAT IYO ANG KAHARIAN


AT ANG KAPANGYARIHAN
AT ANG KAPURIHAN MAGPAKAILANMAN. AMEN
PAGKATAPOS, MALAKAS NA DARASALIN NG PARING NAKALAHAD ANG MGA KAMAY

PANGINOONG HESUKRISTO,
SINABI MO SA IYONG MGA APOSTOL:
“KAPAYAPAAN ANG INIIWAN KO SA INYO
ANG AKING KAPAYAPAAN ANG IBINIBIGAY
KO SA INYO.”

TUNGHAYAN MO ANG AMING


PANANAMPALATAYA AT HUWAG ANG AMING
MGA PAGKAKASALA.

PAGKALOOBAN MO KAMI NG KAPAYAPAAN


AT PAGKAKAISA AYON SA IYONG KALOOBAN.
PAGDARAUPIN ANG KANYANG MGA KAMAY.

9
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
BAYAN: AMEN

PARI: ANG KAPAYAPAAN NG PANGINOON AY LAGING


SUMAINYO.
BAYAN: AT SUMAINYO RIN
PARI: MAGBIGAYAN KAYO NG KAPAYAPAAN SA ISA’T-
ISA

KORDERO NG DIYOS……(SUNG)

PARI: ITO ANG KORDERO NG DIYOS.


ITO ANG NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG
SANLIBUTAN. MAPALAD ANG MGA
INAANYAYAHAN SA KANYANG PIGING.

BAYAN: PANGINOON, HINDI AKO KARAPAT-DAPAT NA


MAGPATULOY
SA IYO NGUNIT SA ISANG SALITA MO LAMANG AY
GAGALING NA AKO.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

PARI: MANALANGIN TAYO….


Bayan: AMEN

PANGWAKAS

PARI: SUMAINYO ANG PANGINOON


BAYAN: AT SUMAINYO RIN

PARI: PAGPALAIN NAWA KAYO NG PANGINOONG


MAYKAPAL, SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK,
AT NG ESPIRITU SANTO.
BAYAN: AMEN.

10
PARI: TAPOS NA ANG MISA, HUMAYO KAYONG DALA-
DALA ANG MABUTING BALITA AT KAPAYAPAN
NG PANGINOON.
BAYAN: AMEN

11

You might also like