San Tarcisio Novena PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

NOBENA KAY

SAN TARCISIO

Patron ng mga Adorador Tarcisiano,


mga tatanggap ng Unang Banal na Komunyon at mga
Sakristan
Pagsisiyam Kay San Tarcisio

NOBENA KAY SAN TARCISIO


Patron ng mga Adorador Tarcisiano, mga Tatanggap ng
Unang Banal na Komunyon at mga Sakristan

Kapistahan: AGOSTO 15
Pagsisiyam Kay San Tarcisio
Patron ng mga Adorador Tarcisiano, mga Tatanggap ng
Unang Banal na Komunyon at mga Sakristan
Kapistahan: AGOSTO 15

Sa Ngalan ng Ama, at nang Anak, at nang Espiritu Santo.


AMEN.

PAGSISI

Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang


totoo, gumawa at sumakop saakin, pinagsisisihan kong masakit
sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, Ikaw nga po
ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig ko ng higit sa
lahat. Nagtitika akong matibay na hindi na muling magkakasala
sa Iyo at nagtitika naman akong magkukumpisal ng dilang
kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa
Iyong Mahal na Pasyon at Pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa
akin. Amen.
PANALANGIN SA ESPIRITU SANTO

Halina Espiritu Santo, puspusin Mo ang mga puso ng mga


tapat sa Iyo at papagningasin sa kanila ang Apoy ng Iyong Pag-
ibig.

Namumuno: Suguin Mo ang Iyong Espiritu at malilikha ang


madling bagay
Lahat: At babaguhin Mo ang anyo ng lupa.

MANALANGIN TAYO

Oh, Diyos na nagturo sa mga puso ng mga binyagan sa


pamamagitan ng liwanag ng Espiritu Santo ay ipinagkaloob Mo
sa amin na sa Espiritu ding Iyon ay makamit ang tunay na
karunungan at malasap lagi ang kanyang aliw alang-alang kay
Kristong Panginoon naming. Amen.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Oh, Dakilang San Tarcisio, Huwaran ka ng magiting na


kawal ni Kristo. Sa iyong murang kaisipan ay itinalaga mo ang
iyong sarili bilang tagapaglingkod sa banal na Altar. Naging
masigasig ka sa pagtupad sa iyong tungkulin bilang tanda ng
wagas mong pagmamahal kay Kristo sa anyo ng Banal na Ostia.
Sakristan kang tapat na tumugon sa pangangailangan ng Banal na
Simbahan upang ihatid ang Kabanal-banalang Katawan ng ating
Panginoon sa mga Kristiyanong inuusig. Dahil ditto ay
nilapastangan ka ng mga pagano upang agawin sa iyo ang
Kabanal-banalang Sakrament ngunit tunay kang magiting na
lingcod. Hindi mo pinabayaang maagaw sa iyo ang Banal na
Sakramento, buhay man ang kapalit

Nagpapakumbaba ako sa harapan mo, upang ako’y tulungan


at huwag siphayuin ang aking abang kahilingan. Yayamang ako’y
umaasa at nagtitiwala sa iyong makapangyarihang panalangin sa
Diyos. Ipinagkaloob sa iyo ng Diyos na maging huwaran at
tagapagsaklolo ng mga kabataang naglilingkod sa Banal na Altar.

Tulungan mo ako at bigyan ng tapang sa aking


pangangailangan sa kaluluwa at katawan at ako’y magiging
mabuting magiting na Kristiyano bilang pasasalamat sa mga
biyaya ng Diyos. Tutuparin ko ang aking mga tungkulin sa Diyos
at sa kapwa hanggang sa wakas. Amen.
UNANG ARAW
Pagbasa: Mateo 5:13-16

“Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawawalan ng ala tang


asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na ring
kabuluhan kaya itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga
tao.”

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang


lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng
ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip, inilalagay
ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa
bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong
mabubuting gawa at luluwalhatiin ang inyong Amang nasa
langit.”
PAGNINILAY

Sa Ebanghelyo na ito, nais ng Panginoon na tayo ay maging


asin at ilaw ng sanlibutan – na sa ating paglalakbay sa mundong
ito ay magkaroon tayo ng kabuluhan sa ating kapwa at maging
ilaw sa diwa ng nagliliwanag na kabutihang nakikita sa ating pag-
uugali.

Ang katangian ng asin at ilaw ay makikita natin sa buhay ni


San Tarcisio. Naging makabuluhan siya tulad ng asin sa mga
Kristiyano nang akuin niya ang mapanganib na misyon na
magdala ng Komunyon sa mga Kristiyanong bilanggo.
Tinanggap niya ang responsibilidad ng pagiging Layko Ministro
ng Banal na Komunyon kahit na batid niya na sa anumang oras
ay nasa bingit siya ng kamatayan. Siya ay isang ilaw – liwanag na
tumatanglaw sa mga Kristiyano at isang magiting at tapat na
halimbawa ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa tao.
PANALANGIN
Oh, magiting na San Tarcisio, tunay kanga sin at ilaw ng
sanlibutan. Sa iyong murang edad ay naging ministro ka ng Banal
na Katawan at Dugo ng Panginoon, tulungan mo akong maging
asin at ilaw ng aking kapwa upang maipahayag ko sa lahat ng tao
ang wagas nap ag-ibig ng Diyos. Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. Sa p.23)

IKALAWANG ARAW

Pagbasa: Mateo 18: 1-5

“Nang sandaling iyo’y lumapit kay Jesus ang mga alagad at


nagtanong, ‘Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?’
Tinawag ni Jesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila at
sinabi, ‘Tandaan ninyo ito, kapag hindi kayo nagbago at tumulad
sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga
pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya
ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng
Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil
sa Akin ay Ako ang tinatanggap.’”
PAGNINILAY

Natunghayan natin ang pagtawag ni Jesus sa isang bata


upang ilarawan ang katangian ng pinakadakila sa kaharian ng
langit. Sinabi Niyang kailangan na tumulad sa mga bata ang mga
nagnanais na mapabilang sa kaharian ng Diyos – ang kababaang-
loob ng isang bata ang dapat tuluran.

PANALANGIN

San Tarcisio, masunurin at mapagpakumbaba, buong


pagmamahal kang tumalima sa mga tagubilin sa iyo upang
maingatan ang Kabal-banalang Katawan ng Panginoon. Tulungan
mo akong matularan ka sa pagiging masunuring anak ng Diyos
upang tulad mo ay maging karapat-dapat ako sa kaharian ng
langit. Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. Sa p.23)


IKATLONG ARAW

Pagbasa: Mateo 18: 10-14

“Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa mga maliliit na


ito. Sinasabi Ko sa inyo. Sa langit, ang kanilang mga anghel ay
lagging nasa harapan ng Aking Ama. Sapagkat naparito ang Anak
ng Tao upang iligtas ang nawawala. Ano sa akala ninyo ang
gagawin ng isang taong may isang daang tupa kung maligaw ang
isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu’t siyam
na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw?
Sinasabi ko sa inyo. Kapag nasumpungan niya ito, higit niyang
ikagagalak ang isang ito kaysa sa siyamnapu’t siyam na hindi
naligaw. Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa
langit na mapahamak ang isa sa mga maliliit na ito.”
PAGNINILAY

Hangad ng Diyos ang kaligtasan ng Kanyang mga anak.


Patuloy Niyang hinahanap ang Kanyang mga “nawawalang
tupa.” Gumagamit din Siya ng mga kasangkapan upang maihatid
sa lahat ang Kanyang mga gawain ng pagliligtas. Hindi Niya nais
na mapahamak ang kahit isa sa atin.

Ang buhay Kristiyano ni San Tarcisio ay naging daan upang


matuklasan ang kanyang kaibigang si Fabian ang liwanag ni
Kristo. Ang kaligtasan ay nakamtan ni Fabian sa pamamagitan ng
buhay ni San Tarcisio, isang buhay na larawan ni Jesus at buhay
na tanda ng pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao.

Patuloy na inililigtas ng Diyos ang tao at Siya ay gumagamit


ng mga instrument upang madama ng lahat ang kanyang
kabutihan at kapangyarihan. At si San Tarcisio ang naging
kasangkapan ng Diyos uang maligtas ang Kanyang mga naliligaw
na anak.

Nawa’y matularan natin ang buhay ni San Tarcisio isang


buhay na tanda ng pag-ibig ng Diyos sa lahat ng naging
kasangkapan Niya para sa kaligtasan ng mga pagano
PANALANGIN

Oh, mabuting San Tarcisio, sa iyong hindi masusukat na


katapatan sa Diyos, ikaw ay naging instrument sa pagkakatuklas
ng liwanag ni Kristo sa iyong paganong kaibigin. Sa
pamamagitan mo ay nakilala niya bilang tagapagligtas si Jesus.
Tulungan mo kami upang ang aming buhay Kristiyano ay maging
kasangkapan upang ang lahat ng mga bansa ay maging ganap na
tagasunod ni Kristo at makilala Siya bilang Daan, Katotohanan at
Buhay. Amen

(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. Sa p.23)

IKAAPAT NA ARAW

Pagbasa: Mateo 22:34-40

“Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang


napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo at isa sa kanila, isang
dalubahasa sa kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin
ito. ‘Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa kautusan?’
Sumagot si Jesus, ‘Ibigin moa ng Panginoon mong Diyos ng
buong puso, ng buong kaluluwa at ng buong pag-iisip. Ito ang
pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin moa
ng iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito
nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo ng mga
propeta.’”
PAGNINILAY

Ang sampung utos ng Diyos ay ibinuod at hinati ng


Panginoong Jesus sa dalawa: Una, ang pag-ibig sa Diyos ng
buong puso, ng buong kaluluwa at ng buong pag-iisip;
Pangalawa, ang pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit tinatanggap ni San


Tarcisio ang pagpapakasakit at kamatayan – ang kanyang pag-
ibig sa Panginoon ng Buong puso, kaluluwa at pag-iisip. Nang
ipinagkatiwala sa kanya ang Katawan ng Panginoon, inilagay
niya ito sa kanyang dibdib upang mailapit sa pagtibok ng kanyang
puso. Nang tangkaing agawin sa kanya, hindi niya hinayaang
maagaw ito ng mga lapastangang pagano hanggang sa siya ay
batuhin at duguang malupaypay. Buong puso, kaluluwa at pag-
iisip niyang iningatan ang banak na Katawan ng Panginoon
hanggang sa siya’y malagutan ng hininga.

Tulad ni San Tarcisio, tayo rin ay inaasahan ng Panginoong


Diyos na umibig sa Kanya ng buong puso, kaluluwa, at pag-iisip
nang sa gayaon ay makamit natin ang biyayang buhay na walang
hanggan.
PANALANGIN
Maluwalhating San Tarcisio, tunay kang kawal ni Kristo na
handang ipagtanggol ang Panginoon laban sa lumalapastangan sa
Kanya. Turuan mo akong maging magiting na kawal ni Kristo at
magkaroon ng buong puso, kaluluwa’t pag-iisip na pag-ibig sa
ating Panginoong Diyos. Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. Sa p.23)

IKALIMANG ARAW

Pagbasa: Marcos 8: 34-38

“Pinalapit ni Jesus ang mga tao, pati ang Kanyang mga


alagad at sinabi, ‘Kung ibig ninumang sumunod sa Akin, limutin
niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at
sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang
buhay ay siyang mawawalanng nito ngunit ang mag-alay ng
kanyang buhay alang-alang sa Akin at sa Mabuting Balita ay
siyang magkakamit niyon.

Ano nga ang mapapala ng isang tao, maikamtan man niya


ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito ay kanyang
buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang
kanyang buhay? Kapag ang sinuman ay nahiyang kumilala sa
Akin at sa Aking Mga Salita sa harapan ng lahing ito na
makasalanan at hindi tapat sa Diyos, ikahihiya rin siya ng Anak
ng Tao, pagparito Niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng
Kanyang Ama at kasama ang mga banal na anghel.’”

PAGNINILAY

Ang tunay na nagnanais na sumunod sa Panginoon ay


nararapat na lumimot sa kanyang sarili at maging handa sa
maraming pagsubok na kakaharapin, handang mag-alay ng buhay
at kailanman ay hindi tatalikod sa pagkilala sa Panginoon.

Sa panawagang ito ay nasasalamin natin ang pagtugon ni


San Tarcisio sa Ebanghelyo ni Kristo. Sa buhay ng batang santo
ay nilimot niya ang kapahamakan ng kanyang sarili; sa mga
huling sandali ng kanyang buhay nakita natin kung paano pinasan
ni San Tarcisio ang kanyang krus.

Ang kamatayan ng kanyang ina at ang pag-uusig sa kanyang


ama dahil sa pananampalataya kay Kristo. Nakita rin natin kung
paanong si San Tarcisio ay binato at inalimura ng mga pagano.
Kailanman ay hindi niya binitawan ang Banal na Sakramento.
Panalangin ng katatagan ang kanyang nasambit sa bawat batong
tumatama sa kanya. Duguan siyang bumagsak sa lupa tulad ng
pagkamartir ni San Esteban na walang ibang nasambit kundi ang
pangalang “Jesus”. Hindi niya ikinahiya ang Panginoon. Namatay
siyang nasa kanyang dibdib at malapit sa kanyang puso ang Banal
na Katawan ng Panginoon.
Tulad ni San Tarcisio, tayo rin ay inaasahan ng Panginoong
Jesus na sumunod sa Kanya.

PANALANGIN

Pinagpalang San Tarcisio, tunay kang matapat na tagasunod


ng Panginoon at huwaran ng katatagan ng pag-ibig sa Diyos.
Tulungan mo kaming maging matatag sa mga krus na aming
pinapasan at huwag panghinaan sa mga masasamang tuksoo sa
kapaligiran. Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. sa p. 23)


IKAANIM NA ARAW

Pagbasa: Marcos 10: 13-16

“May nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging


ipatong Niya sa mga ito ang Kanyang Kamay, ngunit
pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Jesus nang makita ito,
at sinabi sa kanila, ‘Pabayaan ninyong lumapit sa Akin ang mga
bata, huwag ninyo silang sawayin sapagkat sa mga katulad nila
naghahari ang Diyos. Ito ang tandaan ninyo, ang sinumang hindi
tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata
ay hindi mapapabilang sa mga pinanghaharian Niya.’ At kinalong
ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang Kanyang mga kamay sa
kanila at pinagpala sila.”

PAGNINILAY

Tunay ngang malapit sa Panginoon ang mga bata. Sa


Ebanghelyo, malinaw na sa kabila ng mga pumipigil sa mga
batang makalapit sa Kanya kinalong Niya at pinagpala sila. Muli,
sinabi Niya na sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.

Tulad ng mga magulang ng mga bata sa Ebanghelyo, si San


Tarcisio ay inilapit ng kanyang mga magulang sa Panginoon
bilang Kanyang lingkod sa kabila ng mga nag-aambang panganib.
Si San Tarcisio ay naging tapat sa sakristan ng Panginoon.

Bilang tugon sa Mabuting Balita, huwag nating hadlangan


na makapaglingkod sa Panginoon ang mga kabataan. Nawa ay
maging daan tayo na mailapit sa Kanya ang marami pang
kabataan upang mamuhay sila ng malapit sa ating Panginoong
Diyos.

PANALANGIN

San Tarcisio, tunay kang marapat na tanghalin bilang patron


ng mga sakristan, na tumugon sa Banal na Ministeryo ng
paglilingkod sa altar. Ipanalangin mo ang mga magulang na
tumututol na makapaglingkod sa Panginoon ang kanilang mga
anak. Nawa’y mabuksan ang kanilang mga puso at maging daan
sila na mapalapit sa Diyos ang mga kabataan nang sa gayon ay
malinang ng mga kabataan ang kanilang angking katangian sa
pamamagitan ng paglilingkod sa ating Panginoong Diyos. Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakin atbp. sa p. 23)


IKAPITONG ARAW

Pagbasa: Lucas 6: 20-23

“Tumingin si Jesus sa mga alagad at Kanyang sinabi,


‘Mapalad kayong mga dukha sapagkat ang Diyos ang maghahari
sa inyo! Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat
kayo’s bubusugin! Mapalad kayong mga tumatangis ngayong
sapagkat kayo’y magagalak! Mapalad kayo kung dahil sa Anak
ng Tao, kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng
mga tao at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak
kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat Malaki
ang inyong gantimpala sa langit.”

PAGNINILAY

Inihayag ng Panginoong Jesus ang mga pangungusap na ito


para sa mga tapat Niyang lingkod. Ito ay tanda ng pag-asa kapag
ang isang lingkod ng Panginoon ay dumadaan sa labis na
paghihirap.

Ang pangungusap na ito ay ang tanging pag-asa ni San


Tarcisio: “Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao, kayo’y
kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao at pati
ang inyong pangalan ay kinasusuklaman.” Masakit ang nangyari
kay San Tarcisio dahil mismong mga kaibigan niya ang napoot,
nagtaboy, umalimura at nasuklam sa kanya. Pinili niyang
gampanan ang kanyang tungkulin kaysa makisama sa mga
kaibigan. Ang pagtanggi niyang iyon ang naging dahilan kung
bakit sila nagalit sa kanya. Binato siya at pilit na kinuha ang dala
niyang Banal na Sakramento. Duguan siyang bumagksak sa lupa
at namatay ng martir.

Tulad ni San Tarcisio, nawa’y huwag nating ipagpalit ang


Panginoon kahit kanino man. Maging matibay nawa tayo sa ating
mga sarili at huwag bumitaw sa Panginoon dahil sa Kanyang
muling pagdating, tatawagin Niya tayong tunay na mapalad.

PANALANGIN

Mapalad na San Tarcisio, tunay kang mapalad sapagkat


napagtagumpayan mo ang mga pag-uusig at pinili mong
gampanan ang inyong tungkulin higit sa iyong mga kaibigan.

Hinahangaan ko ang iyong katapatan sa pagganap sa gayong


tungkulin. Tulungan mo akong huwag magsawa sa paglilingkod
sa Panginoon, upang sa gayon ay maging mapalad din akong
tulad mo. Amen.
(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. sa p. 23)
IKAWALONG ARAW

Pagbasa: Juan 13: 31-35

“Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, “Ngayo’y mahahayag


na ang karangalan ng Anak ng Tao, at mahahayag din ang
karangalan ng Diyos sa pamamagitan Niya, at kung mahayag na
ang karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng
karangalan ng Anak at gagawin Niya iyon agad. Mga anak,
kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama.
Hahanapin ninyo Ako, ngunit sinasabi Ko sa inyo ngayon ang
sinasabi ko sa mga Hudyo, hindi na kayo makakapunta sa
paroroonan Ko. Isang bagong utos ang ibibigay Ko sa inyo: Mag-
ibigan kayo! Kung papaanong iniibig Ko kayo, gayundin naman,
mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-iibigan, makilala ng lahat na
kayo’y mga alagad Ko.’”

PAGNINILAY

“Ang Diyos ay Pag-ibig.” Kung tayo’y mag-iibigan,


makikilala tayo bilang mga alagad ng Panginoong Jesus.
Tulad ni San Tarcisio, minahal niya ang kanyang kapwa
Kristiyano. Pag-ibig ang dahilan kung bakit kusang-loob siyang
nagdala ng komunyon sa mga bilanggong Kristiyano. Mahal niya
ang mga kapatid sa pananampalataya at maipapadama lamang
niya ito sa oras na magampanan niya ang mapanganib na misyon.

Ito ang bagong utos ni Jesus bago Siya lumisan: Mag-ibigan


ang bawat isa. Si Tarcisio ay isang mapagmahal na bata. Bilang
isang sakristan, mayroon siyang malasakit sa kanyang kapwa-
Kristiyano. Hindi siya makasarili at handa niyang ibuwis ang
kanyang buhay alang-alang sa mga kapatid niyang Kristiyano.

Tulad ni San Tarcisio, nawa’y matutunan din nating mahalin


ang ating kapwa sa diwa ng pagdamay sa kanila sa oras ng
kapighatian. Maipadama nawa natin ang pag-ibig natin sa kanila
sa pamamagitan ng mabubuting gawa nang sa gayon ay makilala
tayong mga alagad ng ating Panginoong Diyos.

PANALANGIN

San Tarcisio, mapagmahal at mapagmalasakit ka sa iyong


kapwa. Tulungan mo akong matularan ang iyong dalisay na
kabayanihan upang makilala rin akong tunay na alagad ng Diyos.
Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakit atbp. sa p. 23)


IKASIYAM NA ARAW

Pagbasa: Juan 15: 1-4

“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang Aking ama ang


Tagapangalaga. Pinuputol Niya ang bawat sangang hindi
namumunga at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat
sangang namumunga upang dumami ang bunga. Nalinis na kayo
sa pamamagitan ng salitang sinabi Ko sa inyo. Manatili kayo sa
Akin at mananatili Ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang
sangang hindi nakakabit sa puno. Gayundin naman, hindi kayo
makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa Akin.”

PAGNINILAY

Si San Tarcisio ay isang magandang halimbawa ng


namumungang sanga ng ating Panginoong Jesus. Lagi siyang
nakakapit sa ating Panginoon.

Sa pagtulad natin sa mga magandang halimbawa si San


Tarcisio, makita nawa sa atin ang tunay na kaanyuan ni Kristo
upang tayo ay hindi kailanman mahiwalay sa Kanya. Sa
pamamagitan nito, tayo rin ay makakapamunga nang sagana
bunsod ng inspirasyon ng ating magiting na batang santo.
PANALANGIN

Aming San Tarcisio, huwaran at magiting na bayani ni


Kristo, mabuting halimbawa ng mga kabataan, ikaw ay kaparis
ng sanga na puno ng bunga. Ipanalangin mo kaming lagi upang
makapamunga kami ng mabubuting gawa sa ikalulugod ng aming
kapwa at higit sa lahat ng Diyos.

Lagi mong isubaybay sa amin ang iyong makapangyarihang


panalangin upang huwag kaming malapitan ng masama at
kumapit kami kay Jesus at makapaglingkod kami sa Kanya para
sa kadakilaan ng Ama. Amen.

(Isunod ang Panalangin sa Maysakin atbp. sa p. 23)


PANALANGIN PARA SA MAYSAKIT

Ama naming makapangyarihan, gayon na lamang ang pag-


ibig Mo sa sanlibutan kaya isinugo Mo ang Iyong Bugtong na
Anak upang ang sinumang sumasampalataya at sumunod sa
Kanya ay makapamuhay sa katotohanan at magkamit ng
kaligtasan. Niloob Mo na sa Anak Mong Ito, ang lahat ay
magkaroon ng buhay: isang buhay na ganap at kasiya-siya. Ang
buhay na ito ang ipinangako Mo sa lahat ng mga napapabilang sa
mga pinagpala na pinaghaharian ng Diyos. Habang tinutupad ang
Kanyang misyon na iparangal ang Dalisay na Ebanghelyo tungkol
sa paghahari ng Diyos, pinagaling naman Niya ang maraming
maysakit na lumalapit at dinadala sa Kanya. Ang mga hinihipo ng
Kanyang kamay, anuman ang kanilang karamdaman ay
nakatatagpo ng lunas para sa kanilang sakit.

Ipagkaloob Mo sa iyong mga lingkod sa naririto, na


naniniwala sa Iyong kapangyarihan, nagtitiwala sa Iyong pag-ibig
at kagandahang-loob, nagpapasakop sa Iyong banal na
kapasyahan na tamasahin ang walang maliw na kalusugan ng
katawan, kaliwanagan ng pag-iisip, kalinisan ng puso,
kapanatagan ng kalooban, kasiyahan ng kaluluwa, kagalakan ng
espiritu at lalung-lalo na ang aking mga pinagtitiisan sa
kasalukuyan (banggitin ang karamdaman).
Sa tulong ng panalangin ni San Tarcisio na matapat mong
lingkod, malayo nawa kami sa lahat ng panganib, kalungkutan,
kaligaligan at kapahamakan sa buhay na ito. Ipagkaloob Mo na
magkaroon ng katiyakan ang pagkakamit ng mga biyaya na
maghahatid sa amin sa buhay na walang hanggan sa Iyong
tahanan sa kalangitan. Iniluluhog naming ito sa pamamagitan ni
Jesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen.

PANALANGIN PARA SA
TANGING KAHILINGAN

Oh, butihing San Tarcisio, maalab at tapat na lingkod ng


Kabanal-banalang Katawan ni Kristo, ikaw na walang pasubaling
inialay ang sariling buhay para sa kapakanan ng mga
nangangailangan, mangyaring ituro mo sa akin ang daan upang
ang Diyos ay mapaglingkuran ko ng walang pag-iimbot at buong
puso, at taglayin sa aking bawat pagkilos ang walang maliw na
pagtitiwala sa kanyang mapagpalang kamay.

Ikaw na ngayo’y nasa piling na ng Poong Maykapal, nawa’y


tulungan mo kami sa aming pakikihamok sa lahat ng kasamaang
nagbabadyang sirain ang aming layuning maging tapat na lingkod
ni Kristo na handing ibuwis ang lahat para sa higit na ikararangal
ng Diyos. Pakundangan, hilingin mo sa Diyos ang grasyang ito
(banggitin ang kahilingan) at nawa’y si Kristo ay pakamahalin at
paglingkuran ng lahat ng tao.

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu


Santo

Lahat: Kapara noong una, ngayon at kailanman, at


magpasawalang hanggan. Amen.

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


AMEN.

Isinaayos nina:
Rev. Fr. Michael Sandalo, CRSP
Rev. Fr. Jimy George Anastacio, CRSP
Sem. Mark Anthony Ramos
Bro. Reynaldo Balcos
Dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu

Sambahin ang Panginoon – Magpakailanman!

You might also like