Requiem Mass

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

ANG MISA NG SAMBAYANAN

PAGDIRIWANG PARA SA MGA YUMAO

PASIMULA

Pari: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa'y sumainyong lahat.
Bayan: Amen.

Diyakono: Bilang pagtugon sa panawagan ng ating Obispo,


ang Lubhang Kagalang-galang Honesto F. Ongtioco, DD,
na magtakda ng mga Misa upang ipagdasal
ang mga kapatid nating pumanaw na biktima ng Covid-19,
ang Misang ito ay inaalay natin para sa kapayapaan ng mga
kapatid nating yumao dahil sa Covid-19 at sa lahat ng mga
pumanaw sa loob ng quarantine period na ito.

Inaalala din natin sa pagdiriwang na ito ang mga doktor


at lahat ng mga medical at non-medical frontliners
na nag-alay ng kanilang sariling buhay
na naglilingkod at nagmamahal sa kapwa.

Ipagdasal din natin ang mga pamilyang nagdadalamhati

1
sa kanilang kamag-anak o kaibigan na nabiktima ng virus na
ito at sa mga pamilyang hindi nakapaglamay o nagawang
makapagluksa para sa kanilang mahal sa buhay.

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan


upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na
pagdiriwang:

PAGSISISI SA KASALANAN

Pari at Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


Bayan: at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
sa isip, sa salita, at sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

2
Pari: Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ginawa mong bumagtas sa kalangitan
ang iyong Anak na nanaig sa kamatayan.
Ipagkaloob mong ang iyong mga lingkod
na nanaig sa pagkamatay
ay makaharap sa iyong kadakilaan
bilang Lumikha at Manunubos kailanman
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Unang Pagbasa
Salmo
Ebanghelyo
HOMILIYA

3
PANALANGIN NG BAYAN

Ipanalangin natin sa Diyos Ama na protektahan tayo sa mga panganib,


patatagin ang ating pananampalataya, at dulutan ng kapayapaan ang
bawat isa; sa bawat panalangin, ang ating tugon:

(R) Mahabaging Diyos, kaawan mo kami.

1. Para sa ating Santo Papa, mga Obispo at kaparian, sila nawa'y maging masigasig sa
pangangalaga sa kanilang kawan at maging malikhain sa kanilang mga pastoral na
gawain. Manalangin tayo. (R)

2. Para sa ating mga pinuno sa gobyerno, mga pulis at sundalo, at mga opisyales ng
barangay, sila nawa'y patuloy na gabayan at protektahan ng Diyos sa pagtupad ng
kanilang tungkulin. Manalangin tayo. (R)

3. Para sa lahat ng mga nangangalaga sa mga maysakit, mga nagtratrabaho sa ospital,


patuloy nawa silang bigyan ng lakas at katatagan upang maglingkod ng buong
pagmamahal sa kapwa. Manalangin tayo. (R)

4. Para sa mga maysakit at ngayo'y nagpapagaling, nawa'y ipagkaloob ng Diyos ang


kagalingang kanilang minimithi, manatili nawang matibay ang kanilang paniniwala
at pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng kanilang paghihirap. Manalangin tayo. (R)

5. Para sa mga yumao at sa kanilang mga pamilyang nagdadalamhati, ipagkaloob


nawa ng Diyos ang kapayapaang kanilang hinihiling. Manalangin tayo. (R)

Makapangyarihan at mahabaging Ama, pakinggan mo ang aming mga


panalangin para sa mga yumao dala ng Covid-19. Pagkalooban mo ng
kapayapaan mo kanilang mga kaluluwa, biyayaan mo din ang kanilang
mga pamilya ng kapayapaan sa gitna ng kanilang dalamhati. Nawa'y
kaming lahat ay makapasok sa kaharian ng langit sa pamamamagitan
ng Iyong anak na aming Panginoong Jesukristo. Amen.

4
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Hahawakan ang pinggan ng tinapay:


Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Magbubuhos ng alak at kaunting tubig:


Diyakono: Sa paghahalong ito ng alak at tubig
kami nawa'y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Hahawakan ang kalis:


Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Yuyuko at dadasalin ng pabulong:


Pari: Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalananan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami'y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

5
Maghuhugas ng kamay at dadasalin ng pabulong:
Pari: O Diyos kong minamahal,
kasalanan ko'y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Ilalahad at pagdaraupin ang kanyang kamay:


Pari: Manalangin tayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming Lumikha,


kalugdan mo ang paghahain namin ng mga alay
para sa lahat ng mga pumanaw
upang pagkaahon sa bitag ng kamatayan
sila'y pagindapating magkamit ng walang katapusang buhay
sa pamamagitan ng Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

6
IKALIMANG PREPASYO: PAGYAO NG MGA KRISTIYANO

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Di man namin matawaran ang bayad na kamatayan


sa sala nami't pagsuway, kami pa ri'y iyong mahal.
Kaya't iyong minarapat
na iahon kaming lahat
sa kinasadlakang lusak
upang sa Iyo'y makaakyat.
Ang Anak mong minamahal ay sangla ng pagkabuhay
na sa ami'y nakalaan upang kamtin nang lubusan.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

7
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

8
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga
alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo +


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng


malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,

9
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

10
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

(Aawitin)
Aming ipinahahayag
na namatay ang iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo

11
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni FRANCISCO, na aming Papa
at ni HONESTO na aming Obispo,
at ng tanang kaparian,
lalo't higit ang kaparian ng Diyosesis ng Cubao.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,


ng kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

12
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

13
ANG PAKIKINABANG

Ipahahayag ng pari nang magkadaop ang mga kamay:

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


At turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
Ipahayag natin nang lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw – araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

14
Bayan: Sapagka’t iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

Pari: Panginoong Hesukristo,


sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay:

kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang – hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Bayan: At sumainyo rin.

Diyakono: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Hahati-hatiin ng pari ang ostiya at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong
niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng katawan sa Dugo

15
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa naming sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati sa ostiya, aawitin o darasalin ang paghulog na ito:

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magdaraop ang mga kamay ng pari sa pabulong ng pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot
ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob
mong lunas.

16
Luluhod ang pari at pagtayo niya'y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

ITO ANG KORDERO NG DIYOS,


ITO ANG NAG-AALIS NG MGA
KASALANAN NG SANLIBUTAN.
MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN
SA KANYANG PIGING.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatuloy sa iyo
nguni’t sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

17
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


alang-alang sa pakikinabang sa paghahaing ipinagdiwang
dagdagan mo ang iyong pagmamagandang-loob
sa mga lingkod mong pumanaw
at ang mga pinagkalooban mo ng iyong buhay
noong sila ay binyagan
ay bigyan mo ng kaganapan ng
walang maliw na kaligayahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Yumuko kayo upang tanggapin ang pagbabasbas.

Ama naming mapagpala,


isugo mo ang iyong liwanag
upang makamtan ang ibinibigay ng iyong kagandahang-loob
at maitalaga ng tanan ang sarili sa paggawa ng mabuti
sa pamamagitan ni Hesukristo

18
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, (+) Anak at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Diyakono: Tapos na ang Misa.


Humayo kayo
taglay ang kapayapaan ni Kristo.
Bayan: Salamat sa Diyos.

19

You might also like