Sta. Faustina 2021

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

1

PAMBANSANG DAMBANA AT PAROKYA NG BANAL NA AWA NG DIYOS


STA. ROSA 1, MARILAO, BULACAN

KAPISTAHAN NI
STA. MARIA FAUSTINA KOWALSKA,
dalaga

Ika-5 ng Oktubre, 2021


2

PANIMULANG RITO
Papasok ang mga tagapaglingkod habang inaawit ang Pambugad na awit.

PAGPASOK
Magbibigay galang sa Altar ang mga Pari. Tutungo ang Pari sa upuang inihanda para doon niya pasisimulan
ang pagdiriwang.

PAGBATI
Tagapagdiwang:

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Sambayanan:

Amen.

Tagapagdiwang:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng


Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y
sumainyong lahat.

Sambayanan:

At sumaiyo rin.
3

PANIMULA SA PAGDIRIWANG AT PAGSISISI


Ang tagapagdiwang ay maaaring magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang sa
pamamagitan ng sumusunod na panimula kasunod ang pagsisisi:

Tagapagdiwang:

Mga kapatid, ngayon ay masaya nating ipinagdiriwang ang


Kapistahan ni Sta. Maria Faustina Kowalska, isang dalaga at nag-alay
ng kanyang sarili upang ipahayag ang mensahe ng Banal na Awa ng
Diyos. Kaya tayo ngayon ay tinatawag bilang maging tagapaghatid ng
mensahe ng Awa ng Diyos. Sa pasimula ng ating banal na
pagdiriwang, alalahanin natin at pagsisihan ang ating mga kasalanan.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

Tagapagdiwang:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating
mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Sambayanan:

Amen.
4

KYRIE
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA

PANALANGING PAMBUNGAD
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan para sa panalangin

Ama naming makapangyarihan,


katulad ng naganap kay Santa Faustina, ang dalagang matapat mong
katipan,
gawin mong maging maalab sa aming kalooban ang iyong
pagmamahal
na naghanay sa kanya sa tanang mga banal
na dangal ng iyong Simbahan kailanman
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R: Amen.
5

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA Awit ni Solomon 8, 6-7

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Awit ni Solomon

Ako ay mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong,


O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayun.
Sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.
Kahit baha ay di kaya na pigilin ang paggiliw,
buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin.
Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin
baka pa nga ang mangyari ay ikaw pa ang tuyain.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN Salmo 148, 1-2. 11-13a. 13k-14

R. Mga babae’t lalaki, bigyan ang D’yos ng papuri.


Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,
kayo sa itaas siya’y papurihan.
Ang lahat ng anghel, magpuri’t magdiwang,
kasama ang hukbo roong karamihan!

R. Mga babae’t lalaki, bigyan ang D’yos ng papuri.


Pupurihin siya ng lahat ng tao,
hari at prinsipe, lahat ng pangulo,
babae’t lalaki, mga kabataan,
matatandang tao’t kaliit-liitan.
Sa ngalan ng Poon lahat ay magpuri,
ang kanyang pangala’y pinakamaigi.
R. Mga babae’t lalaki, bigyan ang D’yos ng papuri.
Walang kasimbuti sa langit at lupa,
Siya’ng nagpalakas sa sariling bansa,
6

kaya pinupuri ng piniling madIa,


ang bayang Israel, mahal niyang Iubha!
R. Mga babae’t lalaki, bigyan ang D’yos ng papuri.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA Lucas 10, 38-42

V. Sumainyo ang Panginoon


R. At sumaiyo rin.
V. + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod


siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang
babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan
ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta
sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya
kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong
tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta,
naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang
talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa
kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

HOMILIYA
7

PANALANGIN NG BAYAN
Tagapagdiwang:

Tulad ng napag-alaman nina Maria at Marta, nabunyag kay Jesus ang


kabutihan at pag-ibig ng Diyos na nananahan sa ating piling. Manalangin
tayo sa Diyos na naririto at nakikinig sa atin. Ating hilingin:
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging bukas na tahanan para sa
lahat ng maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.


Ang mga labis na abala sa mga bagay sa mundong ito na kumukupas
nawa’y magkaroon ng pagpapahalaga sa pakikinig sa Salita ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon.

PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.


Katulad ni Maria, nawa’y piliin natin ang higit na mahalaga at tanggapin si
Jesus sa ating puso at buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Ang mga maysakit at naghihingalo lalo na mga dinapuan ng sakit ng


COVID-19, nawa’y tumingin kay Kristo sa oras ng kanilang paghihirap,
manalangin tayo sa Panginoon.

PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Ang mga yumao nawa’y manahan sa tahanan ng Diyos magpakailanman,


manalangin tayo sa Panginoon.

PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.


8

Tagapagdiwang:

Sa katahimikan ng ating mga puso, hilingin natin sa Maawaing Diyos ang


ating mga panalangin. Ipikit po natin ang ating mga mata. Ilagay natin
ang ating kanang kamay sa tapat ng ating puso. Umasa tayo sa Kanyang
Maawaing Puso na may magagawa ang Diyos.

*Alam kong may magagawa ang Diyos.


*Alam kong may magagawa ang Diyos.
*Kung ako’y magtatapat
*sa Kanya’y maglilingkod.
*Alam kong may magagawa ang Diyos.
*Alam kong diringgin ng Diyos ang samo ko.
*Alam kong diringgin ng Diyos ang samo ko.
*Kung ako’y magtatapat,
*sa Kanya’y maglilingkod.
*Alam kong diringgin ng Diyos ang samo ko.
Short Prayer… Bago awitin ang “Mayroong Magandang…”

Itaas natin ang ating mga kamay. Sama-sama tayong magpuri sa Diyos.
Mayroong Magandang Mangyayari sayo!
Mayroong Magandang Mangyayari sayo!
*Kung lalapit ka kay Jesus.
*Mayroong Magandang Mangyayari sayo!
*Kung lalapit kay Jesus.
Hesus, kami’y nanalig sayo!
Tagapagdiwang:

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak na si Jesus upang


ipakita sa amin ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Lagi
nawa namin siyang tanggapin sa aming buhay at magkaroon siya ng
puwang sa aming puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.
R: Amen.
9
10

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG ALTAR AT NG MGA HANDOG


Hahawakan ng pari ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya
nang pabulong

Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga
ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay-buhay.

Sambayanan:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Ang tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat
makihati sa aming pagkatao.
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Sambayanan:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Yuyuko ang tagapagdiwang habang kanyang sinasambit nang pabulong:


11

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Maaring insensuhan ang altar at ang mga handog. Matapos ay iinsensuhan ng diyakono ang tagapagdiwang at
ang sambayanan.

Ang pari ay maghuhugas ng kanyang kamay habang dinarasal nang -pabulong

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at


linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
Ang pari ay haharap sa dambana nang nakalahad ang mga kamay habang ipinahahayag

Manalangin kayo mga kapatid upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.

Sambayanan:

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa


kapurihan niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.
12

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha,


makapakinabang nawa kami
sa idinulot na bunga ng aming paghahain
upang katulad ng huwaran naming si Santa Faustina
kaming dinadalisay nito sa dating pamumuhay
ay umunlad nawa sa pagkakamit ng buhay mong bigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R: Amen.
13

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT


PREPASYO
V: Sumainyo ang Panginoon.
R: At sumaiyo rin.
V: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
R: Itinaas na namin sa Panginoon.
V: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
R: Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Ngayo’y ikinagagalak naming may mga banal na tao


na nagtalaga ng sarili sa Anak mong si Hesukristo
upang ipamalas nila ang paghahari mo
at maakit ang kapwa na manalig sa iyo.
Ngayon sa ami’y ibinibigay
ng iyong Anak na minamahal
ang kabanalang iyong taglay
at hangad mong kamtin ng tanan.
Ito ang pinanggalingang amin ngayong nililingon.
Dito mo rin nais na kami’y makarating at humantong.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANCTUS
14

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT


PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal

Ama naming banal ,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y
nagdarasal

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis samantalang kanyang
dinarasal
upang para sa ami’y maging
Katawan at Dugo  ng aming
Panginoong Jesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod ng pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy ng
inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon.
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
15

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT


ITO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod
siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan
iniabot niya ang kalis sa kanyang
mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG


KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG
HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA
SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang
pagsamba.

Pagkatapos ay ipahahayag ng pari

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


16

Magbubunyi ang sambayanan:

Si Kristo’y namatay
Si Kristo’y nabuhay
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t
iniaalay namin sa iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco na aming Papa,
ni Dennis na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
17

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may


pag-asang sila’y muling mabubuhay gayundin ang lahat ng mga
pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan mo
at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na
walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,


kaisa ni San Jose na kanyang kabiyak ng puso,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa
daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo
Pagdaraupin niya ang kanyang kamay

sa pamamagitan ng iyong Anak na aming


Panginoong Jesukristo.
Itataas ng pari ang pinggang may Ostiya at ang kalis habang kanyang binibigkas

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO, MAGPASAWALANG
HANGGAN.
Magbubunyi ang sambayanan:

Amen.
18

PAKIKINABANG
Tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad niya ang mga kanyang mga kamay at kaisa ang sambayanan ay sasambitin o aawitin

Ama namin
Sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama.
Magpapatuloy ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-
araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag ng tagapagligtas naming si
Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay

Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t sa iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.
19

PAGBATI NG KAPAYAPAAN
Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga
pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay:

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Tutugon ang sambayanan

Amen.

Sasabihin ng pari nang nakaharap sa sambayanan at nakalahad ang mga kamay

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Tutugon ang sambayanan

At sumaiyo rin

Sasabihin ng pari.

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

Alinsunod sa kaugalian ay magbibigayan ng kapayapaan ang bawat isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang
kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
20

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin ang pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

PAGHAHATI NG TINAPAY
Samantala ay aawitin ng sambayanan

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin


Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin
ang kapayapaan

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawi n mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.

PAANYAYA SA PAKIKINABANG
Luluhod ang pari bilang pagsamba, hahawakan ang ostiya at bahagyang itataas sa pinggan o sa kalis at
sasambitin nang malakas nang nakaharap sa sambayanan:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang inaanyayahan
sa kanyang piging.
21

Kaisa ang sambayanan ay kanyang sasambitin

Panginoon hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita


mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo
Matapos ito ay kanyang kukunin ang pinggan o ang sisidlan ng Katawan ni Kristo at tutungo sa mga
magkokomunyon. Itataas ng pari nang bahagya ang ostiya upang ipakita sa tatanggap habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Sasagot ang makikinabang.

Amen.

Samantalang nakikinabang ang Pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang. Pagkapakinabang, ang mga mumo ng
ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng Pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay
ginaganap ng Pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan.


22

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


pakundangan sa Katawa’t Dugo na aming tinanggap
huwag mong ipahintulot na kam’y sa kasamaan masadlak.
Sa halip, pakundangan kay Santa Faustina,
umunlad nawa kami sa pag-ibig na wagas araw-araw
at makaharap nawa kami sa iyo sa langit kailanman
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalng hanggan.
R: Amen.
Darasalin ang Panalangin sa Banal na Awa, Ina ng Awa, at ang Oratio Imperata. Pagkatapos ay gaganapin
ang pagtatalaga ng bagong Samahan ng “Promoters of the Divine Mercy.” Pagkaraan ay gaganapin ang
Special Collection at mga ilang patalastas.
23

PANGWAKAS NA RITU
Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.

Sambayanan:

At sumaiyo rin.

Tagapagdiwang:

Ang Diyos na nagkaloob ng kadakilaan


at kaligayahan sa lahat ng mga banal
na ngayon ay pinararangalan ay siya nawang magpala sa inyo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sambayanan:

Amen.

Tagapagdiwang:

Ang mga panalangin ng mga banal


ay magbunga nawa ng inyong paglaya mula sa kasalukuyang
kasamaan,
ang halimbawa ng kanilang pamumuhay
ay lagi nawang makaakit sa inyo
upang ang Diyos at kapwa tao ay paglingkuran
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sambayanan:

Amen.
24

Tagapagdiwang:

Ngayong ikinagagalak kaisa ng buong Simbahan


ang pagsapit sa langit ng mga banal
para kamtin ang walang maliw na kapayapaan,
makarating nawa kayo sa tahanan ng Diyos Ama
upang makaisa ng mga banal sa kaligayahang walang hanggan.

Sambayanan:

Amen.
Tagapagdiwang:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at ng Anak at


ng Espiritu Santo.
Sambayanan:

Amen.

PAGHAHAYO
Tagapagdiwang:

Humayo kayong taglay, ang Awa at Habag ng Diyos


at ipahayag sa Kanyang kawan.
Sambayanan:

Salamat sa Diyos.

You might also like