Ap 8 Q4 Module
Ap 8 Q4 Module
Ap 8 Q4 Module
ARALING
PANLIPUNAN
IKA-APAT NA MARKAHAN
MODYUL 4
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa
antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
1 DO_Q4_AP8 _ARALIN1-2
ARALIN Ang Unang Digmaang Pandaigdig
1-2
HALO-LETRA
Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang matukoy ang mga
konseptong may kaugnayan sa Unang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang
nabuong salita sa katabing patlang bago ang bilang.
Europa
A P O R E U ________________________1.Ang entablado ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
Alyansa
A S A L N A Y ________________________2.Ang pagkakampihan ng mga bansa.
Militarismo
O M S I R A T I________________________3.Pagpapalakas
LIM ng sandatahan ng isang bansa.
Imperyalismo
O M S I L AY R E M_____________________4.Panghihimasok
IP ng makapangyarihang bansa
sa isang mahinang bansa.
O Y S A N Nasyonalismo
O M S I L S A N________________________5.Damdaming pagmamahal sa inang bayan.
2 DO_Q4_AP8 _ARALIN1-2
Pagbuo ng mga Alyansa – Dahil sa inggitan, pinaghihinalaan, at lihim na
pangamba ang mga bansang makapangyarihan, nabuo ang dalawang
magkasalungat na alyansa –Triple Alliance (Austria-Hungary, Germany, at
Italy) – Triple Entente (France, Great Britain, Russia).
Sadyang nabago ang mapa ng Europa dahil sa digmaan. Nag-iba rin ang
kalagayang pampolitika sa buong daigdig. Ang Austria at Hungary ay
nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland,
Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malalayang bansa. Naitatag
din ang mga Liga ng mga Bansa (League of Nations) matapos ang digmaan,
ngunit nabigo pa rin ang mga bansa na magakaroon ng pangmatagalang
kapayapaan sa daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay
nagtanim ng hinanakit sa Germany. Lubhang marahas ang mga parusang
iginawad sa Germany. Ang pagkapahiya ng Germany ang dahilan ng muli nilang
paghahanda upang muling makipaglaban sa mga bansang alyado.
Pamprosesong Tanong
1. Batay sa inyong pagkakaunawa, ano ang pangunahing pangyayaring naging
dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit hindi naging pangmatagalan ang kapayapaan sa kabila ng pagkakaroon
ng mga kasunduan ng mga bansang sangkot sa digmaan?
3. Bakit tinaguriang Great War ng mga historyador ang Unang Digmaang
Pandaigdig?
4. Bakit hindi katanggap-tanggap sa bansang Germany ang naging resulta ng
mga kasunduan?
3 DO_Q4_AP8 _ARALIN1-2
Sanhi o Bunga
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangyayari ukol sa Unang Digmaan
Pandaigdig. Isulat sa sagutang papel ang salitang SANHI kung ang
pangyayari ay dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig at
BUNGA naman kung ang pangyayari ay epekto o resulta ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
4 DO_Q4_AP8 _ARALIN1-2
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-
ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto
sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920 na ang pangunahing
layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at
diplomasya.
A. League of Nations B. United Nations
C. European Union D. World Trade Organization
2. Ito ang pagpapalawak ng teritoryo na isinagawa ng mga bansa sa Europa sa
pammagitan ng pagtatatag ng Kolonya
A. Komunismo B. Nasyonalismo
C. Imperyalismo D. Kolonyalismo
3. Ano ang ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini na tumutol sa
anumang uri ng oposisyon sa pamahalaan
A. Marxism B. Nazism
C. Nationalism D. Fascism
4. Sa kanyang pamumuno, nasimulan ang muling pagtatag ng sandatahang
lakas ng Germany at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Benito Mussolini C. Hideki Tojo
B. Adolf Hitler D. Winston Churchill
5 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
5. Noong Disyembre 7, 1941, biglang sinalakay ng Japan ang ______________,
isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States.
A. Pearl Harbor C. Normandy
B. Hawaii D. Newfoundland
Aralin
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3-4
Suri-larawan
Panuto: Pagmasdan at suriin ang mga larawan. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa kwaderno.
Pamprosesong tanong:
1. Anong aktibidad ang iyong nakikita sa larawan?
2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang possible mong
maramdaman?
6 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria – Noong 1931, inagaw ng Japan ang
lungsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at
sinabing mali ang ginawang paglusob. Kasunod ng pagkundena, itiniwalag sa
Liga ng mga Bansa ang Japan.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa – Ang Germany naman ay
tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa Germany, ang pag-aalis at
pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-
aalis ng karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf
Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatag ng sandatahang lakas ng bansa.
Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa
Germany sa kahiya-hiyang kondisyon. Upang makabangon sa pagkakagapi
sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang Mabuti ni Hitler ang muling
pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang
France ay nakipag-alyansa sa Rusya laban sa Germany. Pinalilimitahan
naman ng Inglatera ang bilang o laki ng puwersa ng Germany.Ngunit sa kabila
nito’y nagpadala pa rin ng tropa sa SONA ang Germany.
3. Pag-sakop ng Italy sa Ethiopia - Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop
ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang
Kasunduan sa Liga (Covenant of the League).
4. Digmaang Sibil sa Spain – Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong
1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang Nationalist Front at ang sosyalistang
Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa
digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng ibang bansa.
5. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) – Nais ng mga mamayang
Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang
pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers
(France, Great Britain at United States). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng
Italy at Germany na kinalabasan ng Rome – Berlin Axis noon 1936, ang
pagtutol ni Mussolini sa nasabing union ng Austria at Germany ay nawalan
ng bisa noong 1938.
6. Paglusob sa Czechoslovakia - Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang
mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya.
Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa
Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga
natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany.
7. Paglusob ng Germany sa Poland – Huling pangyayari na nagpasiklab sa
Ikalawang Pandaigdig ang pagpasok ng Germany sa Poland noong 1939. Ang
pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa
kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan nang hindi pakikidigma.
Ang pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari:
7 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang
Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito.Tinangka rin
niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor. Tumanggi
ang Poland kaya nagkakrisis. Unang araw ng Setyembre 1939, nang puwersa ng
Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng
magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan.
Nang mabatid ito ng Britain at France, silay ay nagpahayag ng pakikidigma sa
Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan
kay Hitler ay sumalakay din sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang
Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Germany at Unyong Sobyet
nang walang labanan
Ang Digmaan sa Europe
Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag-abang sa
likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos
nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos
sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na
walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo
samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo
1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika,
Holland at Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang
ito na kung tawagin ay low countries at sinira ang mga Paliparan, pahatiran at
tulay. Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang hukbong Pranses. Sa ganitong
gipit na kalagayan, ipinasaya ng Punong Ministro ng England na si Winston
Churchill na umurong sa hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo
laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk. Samantala, ang France
na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulan ay nabigla nang dumating
na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10 ng Hunyo, 1940.
Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
Ang United States at ang Digmaan
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga
Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning
demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing
ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa
mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United
States noong 1941.
Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina
Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill, punong ministro ng
Inglatera. doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na
Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya
ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at
di na muling gagamit ng puwersa.”
8 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
Ang Digmaan sa Pasipiko
Samantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay
naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito
ay masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula
United States. Ang Punong Ministro ng Japan na si Hideki Tojo ay nagpunta kay
Embahador Saburo Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburo Nomura sa
pakikipagtalastasan Sa United States nang sa gayon ay maiwasan ang krisis ng
Amerika at Japan. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang Japan ay
naghahanda sa isang digmaan. Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang
sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng
United States sa Hawaii.
Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy.”
Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Japan ang United States, gayon din ang
Britanya. Ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan at nagpahayag
din ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941.
Samantala, nakapaghanda ang Austrialia at nabigo ang Japan na masakop ito.
Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay
sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark
Field, Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon. Sa pamumuno ni
Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas
MacArthur, magiting na lumaban sa mga Hapon. Tuluyang nasakop ng Japan
ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng
demokrasya ang Bataan at Corregidor. Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang
pagsalakay at pagsakop ng mga Hapones sa Thailand, British Malaya, Hongkong,
Guam, at Wake Islands. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa
pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere.
Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa
Pearl Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga
kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon nila ang
mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur na
nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return.”
Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Tagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang Africa
Taong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa
Alyadong Bansa. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay
lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo
ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Nagsimula sa
pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong ika-13 ng Mayo, 1945,
na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng Hunyo, at ang pagsuko ng
Italya noong ika-3 ng Setyembre. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery
ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ng mga puwersang Anglo-Amerikano
sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan
ng matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang Hilagang Africa ay
napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa Hilagang Africa at Sicily, ang pagkatalo
ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni
9 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
Pietro Badoglio. Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa
hilagang Italya. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito
tinangkilik ng mga tao. Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang
kinakasamang babae na si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril, 1945. Noong ika-
22 ng Mayo, nabihag ng mga Russia ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo, tinanggap
ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims at nang
sumunod na araw sa Berlin, sa wakas ay sumapit din ang tinatawag na V-E Day
(Victory in Europe Day).
Ang Pagbagsak ng Germany
Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa Normandy, Pransya ang
pwersa ni Heneral Eisenhower. Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo
nila ang mga Nazi. Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang Belhika.
Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa
Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang
labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi. Sa huling araw ng Abril 1945,
bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake ng mga Alyado sa kanluran at ng
mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan ang kanyang
kakampi at noong umaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya si Admiral Karl
Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya at ang kanyang
kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay.
Ang Tagumpay ng Pasipiko
Ika-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa Leyte si Heneral Douglas
MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa
ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral
McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon. Noong ika-6 ng Agosto,
1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman
ng Russia ang Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto,
muling nagbagsak ng bomba atomika sa Nagasaki ang mga Amerikano. Nagimbal
ang Japan, kaya tinanggap nito ang ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng
Agosto at pagkatapos ay tuluyan nang sumuko. Noong huling araw ng Agosto
nang lumapag sa bansang Hapon si Heneral MacArthur bilang SCAP o Supreme
Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng
bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri sa Tokyo
Bay.
Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ito ng malaking pagbabago
sa kasaysayan ng daigdig.
1. Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos
60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay
kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni
Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
10 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang
nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany,
Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.
It’s a Match!
A. Hanapin ang tamang sagot ng mga salita sa Hanay B mula sa Hanay A.
Isulat ang letra tamang sagot sa sagutang papel.
A B
____1. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Adolf Hitler a. Nagasaki at Hiroshima
____2. Ang tawag sa samahan ng mga bansa na b. US Missouri
naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang c. Narzism
Pandaigdig
____3. Ito ang dalawang lugar sa Japan na
pinasabog States sa ng United pamamagitan d. United Nations
ng Atomic Bomb
____4. Ang barko kung saan nilagdaan ang
pagsuko ng Japan noong September 2, 1945.
____5. Ang alyansa na binubuo ng United States, e. Allied Power
Great Britain at Soviet Union
Pagsulat ng Sanaysay
Sumulat ng isang sanaysay na naglalaman ng panawagan sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa mundo.
Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon ng Paksa 10
Kabuuan 30
11 DO_Q4_AP8 _ARALIN3-4
Panuto: Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920 na ang pangunahing layunin ay
tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya.
A. League of Nations C. United Nations
B. European Union D. World Trade Organization
2. Ito ang pagpapalawak ng teritoryo na isinagawa ng mga bansa sa Europa sa
pamamagitan ng pagtatatag ng Kolonya.
A. Komunismo C. Imperyalismo
B. Nasyonalismo D. Kolonyalismo
3. Ano ang ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini na tumutol sa anumang
uri ng oposisyon sa pamahalaan?
A. Marxism C. Nazism
B. Nationalism D. Fascis
4. Sa kanyang pamumuno, nasimulan ang muling pagtatag ng sandatahang lakas
ng Germany at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Benito Mussolini C. Adolf Hitler
B. Hideki Tojo D. Winston Churchill
5. Noong Disyembre 7, 1941, biglang sinalakay ng Japan ang ______________, isa sa
mga himpilan ng hukbong dagat ng United States.
A. Pearl Harbor C. Hawaii
B. Normandy D. Newfoundland
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-
ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto
sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
12 DO_Q4_AP8 _ARALIN5
Panimulang Pagtataya
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang TAMA sa
sagutang papel kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi ito
wasto.
________1. Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States,
upang balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa.
________2. Ang Nagkakaisang Bansa o United Nations ang kauna-unahang
naitatag na pandaigdigang organisasyon.
________3. Ang mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing
sangay.
________4. Great Britain, United States at Germany ang itinuturing na Big 3 sa
Yalta Conference.
________5. Noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay itinatag ang Mga Bansang
Nagkakaisa o United Nations (UN).
Bilang ng bumubuo sa
Ilan? Sangguniang Pangkatiwasayan.
13 DO_Q4_AP8 _ARALIN5
Panuto: Basahin at suriin ang teksto tungkol sa United Nations.
Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor sina
Pangulong Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill ng England ay
bumalangkas ng deklarasyon, ang Atlantic Charter na siyang saligan ng 26 na
bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng Mga Bansang Nagkakaisa (United
Nations). Sa isang pagpupulong sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United
States, Great Britain at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin
ang kapayapaan sa sandalling matalo ang Axis. Sinundan ito ng deklarasyon
ng apat na bansa, kasama ang China, para maitatag ang isang pangkalahatang
samahang pandaigdigan upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa
mundo. Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang
balangkasin ang karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Noong ika-24 ng Oktubre,
1945 ay itinatag ang mga Bansang Nagkakaisa o United Nations (UN). Muling
nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong 1946 at nahalal
na unang Sekretaryo-Heneral si Trygve Lie ng Sweden.
14 DO_Q4_AP8 _ARALIN5
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay
binubuo ng 54 na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspeto ng
pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko at pangkalusugan
ng daigdig.
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan na nasa ibaba. Isipin mo na ikaw ay nasa
ng digmaan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa paggawa
ng reflection journal.
15 DO_Q4_AP8 _ARALIN5
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang nakikita sa larawan?
2. Paano makatutulong ang pagkakatatag ng mga Nagkakaisang Bansa upang
hindi na maganap ang pangyayaring ito?
3. Paano ka makatutulong upang mapanatili ang kapayapaan sa daigdig?
PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa kahalagahan ng pakikipag -
ugnayan at sama -samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa,proyekto sa
antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
16 DO_Q4_AP8 _ARALIN6
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyon ng lipunan.
Mga inaasahang matutunan mula sa aralin:
Sa araling ito, inaasahan na iyong natutunan ang kahalagahan ng mga ideolohiya
sa lipunan bilang susi sa kaunlaran ng isang bansa
PANIMULANG PAGTATAYA
17 DO_Q4_AP8 _ARALIN6
Aralin Mga Ideolohiya, Cold War, at
6 Neokolonyalismo
HANAP-SALITA
Ideolohiya
Politiko
Mamamayan
Sosyalismo
Diktador
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang iyong hinanap sa loob ng kahon mula
sa paksa?
2. Paano nagkakaiba- iba ang mga ideolohiyang ito sa isa’t isa?
3. Alin sa mga ideolohiyang ito ang umiiral sa ating bansa?
BASA-SURI-UNAWA
Ang Kahulugan ng Ideolohiya
Ang Ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan
na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Ang
ideolohiya ay ay nahahati sa tatlong kategorya: Ito ay ang mga sumusunod:
18 DO_Q4_AP8 _ARALIN6
1. IDEOLOHIYANG PANGKABUHAYAN- nakasentro sa mga patakarang pang-
ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga
mamamayan.
19 DO_Q4_AP8 _ARALIN6
Isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang-
ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng
pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
SOSYALISMO Ang mga industriya at ang lahat ng kailangan sa
pagpapabuti ng kalagayan ng mga industriya ay nasa
kamay rin ng pamahalaan. Binibigyang diin nito ang
pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay
pagmamay-ari ng pamahalaan.
LARAWAN SURI
Panuto: Gamit ang mga larawan bilang gabay, isaayos ang mga sumusunod na
letra upang mabuo ang salita at isulat ito sa sagutang papel.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at isulat letra ng wastong
sagot sa sagutang papel.
_____1. Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na
karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o
relihiyon
A.Kapitalismo B. Sosyalismo C. Kapitalismo D. Demokrasya
20 DO_Q4_AP8 _ARALIN6
_____2. Ang halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa China at dating
Union Soviet, kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang
katuparan.
A. Sosyalismo B. Awtoritaryanismo C.Demokrasya D. Totalitaryanismo
_____3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ideolohiyang Demokrasya?
A. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos
na kapangyarihan.
B. Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao
C. Karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong
makapangyarihan
D. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa kahalagahan ng pakikipag -
ugnayan at sama -samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap
Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad
at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.
21 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.
2. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at
Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States
C. Pangingibabaw ng dalawang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang
bansa
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Ruso na
makapasok sa kanilang bansa
22 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
ARALIN Epekto ng mga Ideolohiya, ng Cold
7 War at ng Neokolonyalismo
JUMBLED WORD!
Panuto: Ayusin ang mga letra sa jumbled word upang mabuo ang tamang salita.
Gawin ito sa sagutang papel.
cold war
1. RDAWOCL
SOVIET UNION
2. USOVNITEON
3. OLWRD NABK
World Bank
4. PERSUPWERO
5. LONMONEOLISKOYA
Panuto: Isulat sa hanay kung sa tingin mo saan naangkop ang mga salita sa
ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Foreign investment
2. Loss of pride
3. Foreign debt
4. Over dependence
5. Continued enslavement
23 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
Pamprosesong tanong
1. Batay sa gawaing ito, nakabuti ba o nakasama ang neokolonyalismo sa daigdig?
2. Ngayong nalaman mo ang negatibong epekto nito, ano ang nararapat mong
gawin? Bakit?
24 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito.
Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang
ang Soviet Union ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang naging
papel ng Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang kapitalista sa
pagsasaayos ng daigdig matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Upang mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR,
gumawa ito ng iba-ibang hakbang. Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng
United States ang pagbangon ng kanlurang Europe bilang kapanalig sa kanluran.
Sa silangan, tiniyak din nito ang pagbangon ng Japan sa pamamahala ni Heneral
Douglas MacArthur.
25 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid – Sa una’y maiisip na walang kondisyon ang
pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata o pamamahagi ng mga aklat.
Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang “libreng” pagtulong. Nagbebenta
ang bansang tumulong ng mga “imported” na produkto sa bansang tinulungan
kaya nga’t bumabalik rin sa kanya ang malaking tubo ng kanyang puhunan.
4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt – Gayundin, anumang pautang na ibigay
ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) ay laging may kaakibat
na kondisyon.
5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) – Kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin ang
isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.
Panuto: Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan
ng impormasyon ang kasunod na data retrieval chart
Pamprosesong Tanong
26 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
Narito ang rubriks sa inyong gagawin.
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman/Mensahe 30%
Presentasyon 20%
Kaangkupan sa Paksa 30%
Pagkamalikhain 20%
Panuto:
3. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya
at sa Europa. Paano nagsimula ang Cold War?
A. Pagnanais ng USSR na sakupin ang United States
B. Pagtanggi ng USSR sa pagpasok ng mga kalakal mula USA
C. Pangingibabaw at tunggalian ng ideolohiya ng mga bansang ito
D. Hindi pakikipagtulungan ng USA sa USSR sa mga planong pang
kapayapaan nito
27 DO_Q4_AP8 _ARALIN7
isang pisikal na komprontasyon sa pagitan nila. Maingat na binantayan ng
bawat isa ang mga galaw at hakbang ng kalaban. Samakatwid;
A. Ang Cold War ay isang laro ng pautakan at patalasan ng pakiramdam
B. Hindi malinaw kung alin sa USA at USSR ang nakaaangat sa usapin
ng Kapangyarihan.
C. Masahol sa isang aktuwal na digmaan ang Cold War dahil sa elemento
ng pananabik at takot
D. Ang Cold War ay nagwakas dahil hindi naniwala ang mga bansa sa
daigdig na matutuloy pa ito
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa kahalagahan
ng pakikipag- ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig
tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa
antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
_______1. Ito ay nabuo upang gampanan ang layuning pagbigkisin ang mga bansa
upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran.
a. Asosasyon b.Organisasyong Pandaigdig
c. Samahan d. Neokolonyalismo
28 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
______2. Ang mga layunin ng samahang ito ay sumasakop sa patakarang publiko,
patakarang publiko, ekonomiya sa ugnayang panlabas, tanggulan,
pagsasaka, at kalakalan.
a. Association of Southeast Asian Nations
b. Organization of American States
c. Organization of Islamic Cooperation
d. European Union
______3. Ang sumusunod ay ang iba’t ibang organisasyong pandaigdig MALIBAN sa:
a. European Union
b. Securities and Exchange Commission
c. Association of Southeast Asian Nations
d. International Monetary Fund
______4. Alin sa mga sumusunod organisasyong pandaigdig ang sumasaklaw sa
heopolitikal, ekonomikal, at pangkultural ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya
a. Association of Southeast Asian Nations
b. Organization of American States
c. Organization of Islamic Cooperation
d. North American Free Trade Agreement
5. Ang mga sumusunod na pandaigdigang organisasyon ay nakatuon sa
sistema ng pananalapi ng mga bansa MALIBAN sa:
a. World Bank c. International Monetary Fund
b. International Finance Corporation d. World Trade Organization
A B C D E
E
29 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
Organization of American States (OAS)
Pamprosesong Tanong:
30 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
ANG MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYON AT
IBA PANG PANDAIGDIGANG ORGANISASYON
AT IBA PANG PANDAIGDIGANG ORGANISASYON
31 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
3. Organization of Islamic Corporation (OAS)
32 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
6. International Monetary Fund (IMF)
33 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
8. ASEAN Free Trade Area
34 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
Organization of
American States
(OAS)
Organization of Islamic
Corporation (OIS)
Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN)
World Bank
VENN DIAGRAM!
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD
35 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
PICTURE KO: IPALIWANAG MO!
Panuto: Suriin ang mga nasa larawan. Ipaliwanag kung ano ang ipinapakitang
epekto ng trade bloc sa mga bansang kabilang dito. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
36 DO_Q4_AP8 _ARALIN8
Sanggunian