Grade 9 & 8 2nd Quarter Module

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 164

Modyul 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA

PANAHON
Panimula
Change is inevitable. Karaniwan nang naririnig ang ganitong
kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit
ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang
ngayon. Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa
daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan?
Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais
mo ba itong malaman?
Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa
Kasaysayan ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon.
Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay panahong ito ay
masasagot mo ang katanungang: Paano nakaimpluwesiya ang mga
kontribusyon ng Klasikal at Transiyunal na Panahon sa paghubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?
Mga Aralin At Sakop Ng Modyul
Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe
Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America,
Africa, at mga Pulo sa Pacific
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:
Aralin 1

Aralin 2

Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean


Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece
Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa
kabihasnang klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome
hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman)
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan
Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng
America
Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na
kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)
110

Aralin 3

Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng pulo sa Pacific


Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa
Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng
Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong
Medieval
Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng Holy Roman Empire
Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada
sa Panahong Medieval
Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval:
Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga
bagong bayan at lungsod
Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang
mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap
ng pandaigdigang kamalayan
PANIMULANG PAGSUSULIT

Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda kung ano na


ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo
masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa
ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot.
1.Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa polis bilang isang
lungsod-estado?
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung
saan binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at
nakasentro sa isang lungsod.
C. May ibat ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa
ibat ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang
polis.
2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng
sinaunang Rome?
A. Censor at Praetor
B. Etruscan at Roman
C. Patrician at Plebeian
D. Maharlika at Alipin

111

3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang


Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla
B. maliit na mga isla
C. maitim na mga isla
D. maitim ang mga tao sa isla
4. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman.
Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 C.E.?
A. Charlemagne
B. Charles Martel
C. Clovis
D. Pepin the Short
5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng
Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko
Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa

http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

112

6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod


na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pagunlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang
maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa,
at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan
dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at
Asya ang Kabihasnang Minoan
A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II, at III
Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan:

7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga


Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring
mabuo batay sa larawan?
A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek
ang paniniwala sa ibat ibang diyos
B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya
C.Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga
Roman
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa
astronomiya noong Panahong Hellenistic
113

Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag:


Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a
minority but of the whole people. When it is a question of settling private disputes,
everyone is equal before the law;
PERICLES
Funeral Oration
8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang
pamahalaang Demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban
sa pamahalaan
Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga Kabihasnan sa America
Mga Kabihasnan sa America

1200500 B.C.E.

200-700
C.E.

250-900
C.E.

900-1100
C.E.

1200-1521

1300-1525

Olmec

Teotihuacan

Maya

Toltec

Aztec

Inca

9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Prehistoric?


A. Kabihasnang Olmec
B. Kabihasnang Maya
C. Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Inca

114

Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip

Ako ang HARI,


pagmamay-ari ko ang
lahat ng lupain. Subalit
ibinigay ko ang iba sa
mga BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging


TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa akin
ang ilan sa kaniyang lupain.Dapat na handa
akong ipaglaban siya at magsanay ng mga
KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan
sa aking lupain sa aking mga KNIGHT.

Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa


akin ang ilan sa kaniyang lupain upang
mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong
magbayad ng buwis at magkaloob sa kaniya ng
regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain na
kaniyang nasasakupan nang walang

pahintulot ang KNIGHT.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa


comic strip tungkol sa Piyudalismo?
A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang
mga nasasakupan
B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay
pagmamay-ari ng lupa
C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong
Panahong Medieval
D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe
noong Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo

115

Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan

11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang


Manor?
A. Pakikipagkalakalan
B. Pagsasaka
C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
D. Paggawa ng ibat ibang kasangkapan
Para sa bilang 12, suriin ang kasunod na graph:

Bilang

ngpopulasyon

samilyon

45
40
35
30
25
15
20
10

5
0

116
20

40

60

80

1000

Taon Common Era (C.E.)

1200

12.Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang


bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph,
sa anong mga taon ito naganap?
A. 1000 at 1500 C.E.
B. 800 at 1000 C.E.
C. 800, 1000, at 1500 C.E.
D. 600, 800, at 1000 C.E.
13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa. Ito ay yumaman
sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa ibat ibang lugar ang mga produktong mula sa
Crete. D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng ibat ibang lungsod-estado na ang
bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
A. Ibat iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece
B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan
ng Europe na isang mabundok na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng
maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Ibat iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya ibat ibang kabihasnan
ang umusbong dito
15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang
pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome
kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece
D. Wasto ang lahat ng nabanggit

117

16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali


at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad
ng pagsasaka
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang
produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa
Sahara
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto
ng Sahara
17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo
ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific
ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay
naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga
lawa o dagat-dagatan.
18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: Pari,
Kabalyero, at Serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
B. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at
pamilya. C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong
Medieval. D. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan
19. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa
mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon
kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang ipinapahiwatig ng
pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao

118

20. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng


Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng
Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa
Kapapahan o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng
estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag
hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng
Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval

119

ARALIN 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan


sa Europe
Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng
mga atleta mula sa ibat ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng
lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olymics sa Beijing, China. Saan at kailan
nga ba nagsimula ang paligsahang ito?
Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympiaisang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na
Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.
Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang
pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga
Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang:paano
nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan?

120

ALAMIN
Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India,
Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga
kabihasnang nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling
ito ang kasagutan.

Gawain 1. Ano ang Gusto Ko?


Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Pilosopo
Politiko

Artist
Mandirigma

Mangangalakal

Kababaihan

Makikita
sa
larawan
ang
isang
tipikal na tagpo sa isang
lungsod-estado
sa
Europe
noong
Panahong
Klasikal.
Bawat isa ay
may
tungkuling
ginagampanan.
Kung
ikaw ay nabuhay nang
panahong iyon, alin sa
sumusunod
na
tungkulin ang
nais
mong
gampanan?
Bakit?

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado
noong Panahong Klasikal? Ipaliwanag.
2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo
sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan

121

Gawain 2. I-R-F CHART


Panuto:Basahing mabuti ang tanong. Pagkatapos ay isulat sa bahaging
initial ng diagram ang maiisip na sagot.
FINAL

Paano
nakaimpluwensya
ang Panahong REVISED Klasikal sa Europe
sa pag -unlad ng
pandaigdigang
kamalayan?

INITIAL

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi
Tiyak na nais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga
PAUNLARIN
kabihasnan noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa

pagsasagawa ng ibat ibang gawain sa modyul na ito, madaragdagan


ang iyong dating kaalaman at masasagot ang iyong mga tanong tungkol
sa paksa.

122

PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang
nabuo sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang
pangyayari sa bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga
ito sa paghubog ng pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang
paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto.

Gawain 3. Mapa-Suri. Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan


ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito.

Pamprosesong
Tanong
1. Ano ang mga
anyong tubig na
malapit sa Greece?
2. Saang direksyon
ng Greece makikita
ang Isla ng Crete?
3. Paano
nakaimpluwensiya ang
lokasyon ng Greece
sa pag-usbong ng
Kabihasnang Greek?

Mapa 1.1 Mapa ng Europe

123

Gawain 4. Magbasa at Matuto


Panuto: Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto
tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean.
Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng
Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng
Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo.
Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa
paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang
mula sa baybay-dagat.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging
sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang
paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat
lungsod- estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa
kanilang kultura.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa
maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin
ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa ibat ibang uri ng tao na nakatulong
naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging
tagumpay sa ibat ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.
Halaw sa Project Ease Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego pp. 8-10

Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece.


499 B.C.E
Nagsimula
ang Persian
War

700 B.C.E

700 B.C.E
Umusbong
ang
mga
Lungsodestado ng
Greece

600 B.C.E

431 B.C. E
Nagsimula ang
Peloponnesian
War

500 B.C.E

460 B.C.E
Nagsimula
ang Golden
Age
ng
Athens

400 B.C.E

404 B.C.E
Tinalo ng
Sparta ang
Athens

334-323 B.C. E
Pananakop ni
Alexander the
Great

300 B.C.E

200 B.C.E

Pigura 1.1 Timeline


ng mga pangyayari
sa
Kabihasnang
Greece.

124

Ang mga Minoans


Ayon sa mga arkeologo, ang kaunaunahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula
sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the
Common Era. Tinawag itong Kabihasnang
Minoan batay sa pangalan niHaring Minos,
ang maalamat na haring sinasabing
nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang
mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na
yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng
pagsulat.
Magagaling
din
silang
mandaragat.
Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos
bilang isang makapangyarihang lungsod at
sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito
matatagpuan ang isang napakatayog na
palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya
ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na
bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod
na sunog at iba pang mga natural na
kalamidad.
Paglipas ng ilan pang taon na
tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E.,
narating ng Crete ang kanyang tugatog.
Umunlad nang husto ang kabuhayan dito
dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga
Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean.
Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang
Knossos ang naging pinakamalaki.
Sa pamayanang Minoan ay may
apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,
mga mangangalakal, mga magsasaka, at
ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao
at mahiligin sa magagandang bagay at
kagamitan. Maging sa palakasan ay di
nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro
ang unang nakagawa ng arena sa buong
daigdig kung saan nagsasagawa ng mga
labanan sa boksing.

Ang kabihasnang Minoan ay


tumagal hanggang mga 1400 B.C.E.
Nagwakas ito nang salakayin ang
Knossos ng mga di nakikilalang mga
mananalakay na sumira at nagwasak
sa buong pamayanan. Tulad ng
inaasahan, ang iba pang mga
lungsod ng mga Minoan ay
bumagsak at isa-isang nawala.

Gabay na Tanong
Saan nagsimula ang
Kabihasnang Minoan?
____________________________
____________________________
Ano ang dahilan ng pag-unlad ng
kabuhayan ng mga Minoan?
____________________________
____________________________
Sino-sino ang mga pangkat ng
tao sa pamayanang Minoan?
____________________________
____________________________
Bakit nagwakas ang
Kabihasnang Minoan?
____________________________
____________________________

125

Ang mga Mycenaean


Bago pa man salakayin at sakupin ng mga
Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang
paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa
Timog Greece.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro
ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang
naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga
lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan
at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang
lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga
maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa
nang
napakalakas
na
mandaragat
ang
mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at
magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa
lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga
salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek.
Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng
mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan
ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na
kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng
mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di
naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa
mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing
naging batayan ng mitolohiyang Greek.Sa bandang
huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa
ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga
mananalakay.
Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao
mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo
ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian.
Samantala, isang pangkat naman ng tao na
mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang
tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia
Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean.
Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag
itong Ionia.Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang
dark ageo madilim na panahon natumagal din nang
halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng
mga ibat ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan,
pagsasaka,
at
iba
pang
gawaing
pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at
pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Mapa 1.2 Lokasyon ng Kabihasnang


Mycenaea

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path395983.png

Ano-anong impormasyon ang


mahahalaw mula a teksto?
1. _________________________
_________________________

2. _________________________
__________________________
3. __________________________
__________________________
4. __________________________
__________________________
5. __________________________
__________________________

Halaw sa Project Ease Modyul 4:


Pagsibol ng Sibilisasyong
Griyego pp 10-11

126

Gawain 5. Daloy ng mga Pangyayari


Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean.

Minoan

Mycenean

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng
kabihasnang Minoan at Mycenean?
2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng
kabihasnang Minoan at Mycenean?
3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan
sa pag-usbong ng kabihasnang Greek?
127

Mula sa labi ng madilim na panahon, unti -unting umusbong sa Ionia ang isang
bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan
sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang
nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang
Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.Ito ay tumagal mula
800 B .C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong
naganap sa kasaysayan ng daigdig.
Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na
kabihasnang Greece.
Gawain 6. Magbasa at Matuto
Panuto: Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito.
Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon.

Ang mga Polis


Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong
Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga
lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng
bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa
pagsalakay ng ibat ibang pangkat. Ang mga pook na ito
ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsodestado o polis kung saan hango ang salitang may
kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at
politiko . May malalaki at maliliit na polis. Ang
pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay
5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang
nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng
lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga
pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na
tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon
ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para
sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang
matatayog na palasyo at templo kung kayat ito ang
naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na
agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga
pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa

Batay sa teksto, isulat


ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita:

polis-______________
___________________
___________________
acropolis-___________
___________________
___________________
agora- _____________
___________________
___________________

128

Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga


Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang
dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang
kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga
nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga
lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang
bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng
posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa
mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa
pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga
polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito,
dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay nagbigay
daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay
nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging
pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang
lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid
ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat
napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di
nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang
lungsod-estado o metropolis.
Mula sa pakikipagkalakalan sa ibat ibang
panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga
bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay
nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi
naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila
ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng
mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian
naman ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula
naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit
ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

Pamprosesong
Tanong
1. Ano-ano ang mga
karapatang
tinatamasa ng
mga lehitimong
mamamayan ng
isang lungsodestado?
2. Ano-ano ang
responsibilidad ng
isang mamamayan
sa lungsod-estado?
3. Bakit mahalaga ang
pakikipagkalakalan
para sa mga Greek?

Karagdagang babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. pp. 114116.

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma


Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus
na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang
Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na
patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang
lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at
pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila
sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan.
Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming pagkakataon na nagalsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan
sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang
kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang
maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot.

129

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng


Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang
walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan.
Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag
nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay
dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay
doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang
lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit
ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga
batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang
sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo
militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa
pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin
ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang
reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang
pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga
kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at
ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30,
sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at
manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa
gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa
hukbo.
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa
upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot. Maging
ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di
tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang
ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay
maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso
ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa
kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at
malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani -kanilang
mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong
tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng
pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa
simula, labu-labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo
ngat sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang
mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway
hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang
mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging
maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng
isa-isa sa mga kalaban,sila ay nananatiling sama-sama sa
pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan,hawak ang
pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan.
Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang
binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag
namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na
sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga
bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang
polis.

Pamprosesong
Tanong:
1. Ano ang
pangunahing
katangian ng
Sparta bilang isang
lungsod-estado ng
Greece?

2. Paano sinasanay
ang mga Spartan
upang maging
malakas?

3. Paano nakabuti at
nakasama ang
paraan ng disiplina
ng mga Spartan?

Karagdagang babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. pahina
117

130

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito


Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa
lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece
na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi
angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga
mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan,
gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o
mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang
Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo
na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica
ay sumali sa kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay
pinamunuan ng mga tyrant na noon ay
nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan . Bagamat karamihan sa kanila ay naging
mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na
umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong
kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na
pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari
na inihalal ng asembleya ng mamamayan at
pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang
asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may
malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay
tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga
may kaya sa lipunan.
Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga
artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang
lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang
karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o
aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang
tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at
hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang
kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantaypantaysa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang
mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito
nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng
Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang
makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa
kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa
larangan ng politika.

Batay sa teksto, ano ang


kahulugan ng sumusunod?

tyrant-________________
_____________________
_____________________
Archon- _____________
_____________________
_____________________

Larawan 1.1 Ang Parthenon ng


Greece

https://encryptedtbn3.gstatic.com/images?
q=tbn:A
Nd9GcReawl5Xp8agCBTODpqzMKAPIuktNE9yhizLwB
ds64 yykmPzc7kg

131

Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong


594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga
pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at
patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at
ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng
malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga
magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa
mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni
Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at
karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang
kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga
mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang
mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad
ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang
ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para
sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag
sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na
umuugit ng batas.
Noong mga 546 B.C.E., isang politikong
nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan
ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang
suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang
mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi
ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga
magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng
malawakang
trabaho
sa
malalaking
proyektong
pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa
lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang
templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at
kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga
pintor at sa mga nangunguna sa drama. Ang pagsulong
niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang
Athens na sentro ng kulturang Greek.

Larawan 1.2 Si Solon,


isang mambabatas na
Greek
http://en.wikipedia.org/wik
i/Fil

e:Solon2.jpg

Larawan 1.3 Si
Pisistratus, isang
mahusay na pinunong
Greek

http://en.wikipedia.org/w
iki/ Cleisthenes

132

Noong 510 B.C.E., naganap muli ang pagbabago sa


sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni
Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito.
Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito
at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang
magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng
mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang pagkakataon,
nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari
man ng lupa o wala.
Upang
mapanatili
ang
kalayaan
ng
mga
mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema
kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang
mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing
panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng
mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10
taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong
palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng
pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na
ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng
sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan
ang mga mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga
repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang
naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens,
kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga
mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

Pamprosesong
Tanong:
1. Ano ang
pangunahing
katangian ng
Athens bilang
iang lungsodestado ng
Greece?
2.Para sa iyo, ano
ang
pinakamahalagan
g ambag ng
Athens sa
daigdig?
3.Nakabuti ba
sa Greek ang
pagpapatupa
d ng
demoksrasya
? Patunayan.

Halaw sa Project EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng


Sibilisasyong Griyego pahina 15-21.
Karagdagang
babasahin: Kasaysayan
ng Daigdig, Batayang
Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et. al.
pahina 116-117

133

Gawain 7. Paghahambing
Panuto:Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng
sinaunang Greece.

Sparta Athens

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga
Spartan at Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pagunlad ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas
pipiliiing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 8. Magbasa at Matuto
Bagamat ang Greece ay binubuo ng ibat ibang lungsod-estadong malaya sa
isat isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang tingin nila sa isat
isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin nil sa mga hindi Greek.
Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit
na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang kinasangkutan
ng Greece.

134

Ang Banta ng Persia


Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo
nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus
the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni
Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang
hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang
mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong
ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa
labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E.
Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius
na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at
gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang
paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia,
sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota
o fleet na pandigma.
Ang Digmaang Graeco- Persia (499-479 B.C.E.)
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay
naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid
ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa
Marathon , isang kapatagan sa hilagang -silangan ng
Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang
humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang
tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong B.C.E.,
isang madugong labanan ang naganap sa
Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng
bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece.
Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay tagaSparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa
puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na
madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya
inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga tagaSparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw,
dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit
ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan
patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni
Leonidas ang mga Greek na lumikas habang
ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae.
Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes,
namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens.
Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa
dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat
ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng malaking
barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit
na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isaisang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing
hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga
lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias
ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens,
Sparta, Corinth, at Megara.

Larawan 1.4. Paglalarawan ng


Digmaang Graeco-Persia
http://althistory.wikia.com/wiki/Greek
_Glory?file=GRECO-PERSIANWARS.gif

Ano ang dahilan ng


pagtatagumpay ng Greek
laban sa malaking puwersa
ng Persia? Ipaliwanag.
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________.

Halaw sa Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et. al. pp
117-118

135

Digmaang Peloponnesian
Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di
lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong
mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang
umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang
kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan
kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging
isang imperyo ang Athens.
Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon
sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League
subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa.
Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian
League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag
ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at
tinawag itong Peloponnesian League.
Noong 431 B.C.E., nilusob ng Sparta ang mga
karatig pook ng Athens na naging simula ng Digmaang
Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na
mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat
iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa
pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang
sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan
ang mga Spartan. Ngunit sinawing- palad na may
lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao,
kasama na si Pericles, noong 429 B.C.E.
Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi
nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga
Mapa 1.3 Lokasyon ng Digmaang
desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang
Peloponnesian
akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa
paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong
http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesia
Sparta upang iwasan ang pag -uusig sa kanya. Doon
n
siya ay naglingkod laban sa kanya mismong mga
kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa
Ano ang epekto sa Greece ng
Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng
hidwaan at digmaan sa pagitan ng
pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng
mga lungsod-estado nito? Ipaliwanag
Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa
______________________________
Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong 404
B.C.E., sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti,
______________________________
ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades.
______________________________
Ang dalawamput pitong taong Digmaan ng
______________________________
Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa
_____________________________.
Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng
ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang
suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng
presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.
Karagdagang Babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang
Halaw sa Project EASE Modyul 4: Ang PagAklat
sa Araling Panlipunan Ikatlong
usbong ng Sibilisasyong Greece pp. 31-32
Taon nina Mateo et.al. pp 119

136

Gawain 9. A-K-B Chart


Panuto: Punan ang diagram ng kinakailangang impormasyon batay sa
binasang teksto.
Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece

Aktor (Sino ang


magkalaban?)

Kaganapan
(Anu-ano ang
mga
mahahalagang
pangyayari?)

Bunga
(Ano ang
resulta ng
digmaan?)

Pamproseng Tanong
1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian
sa daigdig?
2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa
kasalukuyan? Patunayan.
137

Gawain 10. Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol


Ginintuang Panahon ng Athens.

Ginintuang Panahon ng Athens


Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang
strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan ang namuno sa
Athens. Taon-taon ay nahahalal si Pericles
hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan
noong 429 B.C.E.
Sa loob ng mahabang panahon ng
kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na
mga programang pampubliko si Pericles. Lahat
ay naglalayong gawing pinakamarangyang
estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang
umiiral na demokrasya sa Athens kung kayat
dinagdagan niya ang bilang ng mga
manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan
niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay
nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa
pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di
nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng
populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga
gawain ng pamahalaan.
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga
repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa
mayayaman
ang ginawa
niyang
mga
pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa
pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa
mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol
niya ang kanyang mga ginawang pagbabago
sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang
pahayag na naitala naman ni Thucydides, na
isang historyador. Ayon kay Pericles Ang ating
konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito
ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng
iilan.
Mahalaga ang edukasyon para sa mga
Athenian. Ang mga lalaki ay pinag- aaral sa
mga pribadong paaralan kung saan sila ay
natuto ng pagbasa, matematika, musika,at mga
obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat
din silang talakayin ang sining, politika at iba
pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng
kanilang pag-aaral.

Sa edad na 18 taong gulang, ang mga


lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at
pagkatapos
ay
maaari
nang
maging
mamamayan ng Athens at makibahagi sa
pamahalaan nito. Samantala, ang mga
kababaihan ay itinuring na mas mababa sa
mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng
pagkamamamayan
at
hindi
maaaring
makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila
maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay
umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga
ng mga anak. Sa edad na 14 -16 sila ay
ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang
mga magulang.
Pagsasaka
ang
karaniwang
ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay
kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto
ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang
pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang
ang mga gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ay simple lamang, maging ito
ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging
pamumuhay sa sinaunang Greece.Ngunit mula
sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang
pinakamahuhusay na artista, manunulat, at
mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan
hanggang sa ating makabagong panahon.
Ang may-akda ng mga natatanging
pilosopong Greek sa larangan ng politika
ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni
Plato at Politics ni Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay
nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang
arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay
matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba
pang siyudad. Ang tatlong natatanging
estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay
naperpekto nila nang husto.

138

Ang pinakamagandang halimbawa ay


ang Parthenon, isang marmol na templo sa
Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus
at Calicrates at inihandog kay Athena, ang
diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay
matatagpuan din sa mga templo ng Crete,
Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek
na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena
sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan
lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang
mga natatanging iskultura ay ang Collossus of
Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na
parehong itinanghal na Seven
Wonders of the Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni
Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang
kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay
nakatulong upang maging obra maestro niya
ang Kasaysayan ng Digmaang Persian.
Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan. Sinundan
ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan
sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang
kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek
mula sa Babylonia hanggang Black Sea at
Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng
guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa
makabagong medisina sa sinaunang Greece.
Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay
si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng
Medisina. Itinaas niya ang larangan ng
medisina bilang agham at hindi bunga ng
mahika.
Marami ring Greek ang kinilala at
dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa
larangan ng agham at pilosopiya. Ang kaunaunahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng
Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay
nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento
ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman
ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero
kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo,
lima at pito ay maswerteng mga numero.
Ilang dekada matapos ang Digmaang
Persian, isang pangkat ng mga guro na
tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa
Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga
umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring
turuan ang mga tao na gumawa ng
magagandang batas,

makapagsalita, at makipagdebate sa mga


Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa
sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito
ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na
kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself).
Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong
ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay
upang matiyak kung sila ay may mga
kasagutan sa mga katanungang ito.
Ang pamamaraang ito ay kinikilala
ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng
mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni
Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga
diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens.
Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng
kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan,
siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng
paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni
Socrates ay hindi niya naisulat.
Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na
mag- aaral, ang nagsumikap na maitala ang
lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas
higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang
Republic, isang talakayan tungkol sa katangitanging polis at ang uri ng pamahalaan na
makapagbibigay ng kaligayahan sa mga
mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang
pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman,
hayop, astronomiya, at pisika na pawang
nangangailangan ng masusing pagmamasid.
Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari
lamang tanggapin kung ito ay batay sa
masusing pagmamasid ng mga katotohanan.
Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan
sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic,
isang pagsusuri sa mga ibat ibang dula-dulaan,
ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat
ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang
talumpati, at ang Politics kung saan tinalakay
ng mga mamamayan ang ibat ibang uri
ngpamahalaan.
Halaw sa Project EASE Modyul 4, Ang
Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego.

139

Gawain 11. Talahanayan, Punan Mo.


Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens,
buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa ibat ibang larangan.
Larangan

Ambag

Kahalagahan

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon?
2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na
epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.

140

Gawain 12. Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto
tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng
mga lungsod-estado ng Greece.
.
Imperyong Macedonian
Hinangad ni Philip, hari ng
Macedonia , na pag-isahin ang mga
lungsod- estado sa Greece sa ilalim ng
kanyang pamamahala. Upang matupad ang
kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang
hukbo at sinanay sa pinakamabisang
paraan
ng
pakikipagdigma.
Bilang
pagtatanggol
ng
kanilang
kalayaan,
sinalakay ng magkasanib na puwersa ng
Athens at ng Thebes ang Macedonia noong
338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang
hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang
pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat
ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga
lungsod-estado. Ang buong Greece,
maliban sa Sparta, ay napasailalim sa
kapangyarihan ng Macedonia.
Naging tanyag na pinuno ng
Macedonia ang anak ni Philip na si
Alexander the Great. Noong siya ay bata pa
lamang, naging guro niya si Aristotle na
nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa
kultura at karunungan. Habang lumalaki,
natutuhan niya ang kagalingan sa
pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang
nang mamatay ang kanyang ama at naging
hari ng Macedonia at Greece. Matalino,
malakas ang loob at magaling na pinuno si
Alexander . Sinalakay niya ang Persia at
Egypt at pagkatapos ay tumungo sa
silangan at sinakop ang Afghanistan at
hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na
sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya,
Egypt, at India. Pinalaganap niya ang
kaisipang Greek sa silangan.
Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32
taon namatay si Alexander sa Babylon sa
hindi matiyak na karamdaman.

Halaw mula sa Kasaysayan ng


Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Mateo et. al. pahina
119-120

Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander


the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/comm
ons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaicdetail1.jpg

Gabay na Tanong
1. Ano ang dahilan ng paghina
ng mga lungsod-estado ng
Greece?
2. Ano ang nagbigay-daan sa
paglakas ng Macedonia?
3. Ano ang maituturing na
kontribusyon ng Imperyong
Macedonia sa mundo?

141

GAWAIN 13: GREECESA ISANG TINGIN


Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat
konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan
ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon.
Politika
Heograpiya

Ekonomiya

Sinaunang Kabihasnang Greece

Pilosopiya

Sining at
Arkitektura

Agham at
Teknolohiya

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

142

Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti -unting humina ang malawak


na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe,
isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang
Greece ay kilala sa taguring the glory that was Greece makikilala ang Rome sa
taguring the grandeur that was Rome. Ano kaya ang kahulugan nito? Halinat
iyong tuklasin.
Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit
itong gabay sa mga susunod na pagtalakay.

306 C.E.
Naging
emperador ng
imperyo si
Constantine

202 B.C.E.
Natalo
ng
mga
Romans si
Hannibal

750 B.C.E

500 B.C.E

509 B.C.E.
Itinatag
ang
Roman
Republic

250 B.C.E

264 B.C.E.
Sumiklab
ang Punic
War

180 C.E.
Nagtapos
ang Pax
Romana

1 C.E.

250 C.E

27 B.C.E
Nagsimula
ang Pax
Romana sa
pamumuno
ni Augustus

500 A.D.

476 C.E.
Nagtapos
ang
imperyong
Romano sa
Kanluran
284 C.E.

450 B.C.E
Naging
pundasyon
ng batas ng
mga
Romans
ang Twelve
Tables

45 B.C.E
Naging
diktador ng
Rome si
Julius
Caezar

Hinati ni
Diocletian
ang
imperyong
Rome

Pigura 1.2 Timeline ng mga pangyayari sa


Imperyong Rome.

143

Gawain 14. Magbasa at Matuto.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome.
.

Ang Italy ay isang bansang


matatagpuan sa kanlurang Europe.
Ito ay isang peninsula na nakausli
sa Mediterranean Sea. Katulad ng
Greece, ang Italy ay binubuo ng
maraming kabundukan at ilang mga
kapatagan.
Isang
mahalagang
kapatagan ang Latium. Ang Ilog
Tiber ay dumadaloy sa kapatagang
ito. May ilang bakas ng sinaunang
kabihasnan sa kapatagan ng Latium
at sinasabing dito umusbong ang
dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang
lokasyon ng Rome dahil sa Ilog
Tiber na nag-uugnay dito at sa
Mediterranean Sea. Ang lokasyong
ito
ay
nagbigaydaan
sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa
mga bansang nakapalibot sa
Mediterranean Sea. Ang saganang
kapatagan
at
maunlad
na
agrikultura ay kayang suportahan
ang pagkakaroon ng malaking
populasyon.

Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome


Ano ang kaugnayan ng heograpiya
sa pag-usbong ng Rome bilang isang
matatag na lungsod?
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

144

Ang Simula ng Rome

Ang Rome ay itinatag sa


kalagitnaan ng ikawalong siglo
B.C.E. ng mga unang Roman na
nagsasalita ng Latin, isang sangay
ng wikang nabibilang sa IndoEuropeo. Sila ay lumipat sa gitnang
Italy at nagtayo ng sakahang
pamayanan sa Latium Plain.

Ang kambal ay
sinagip at inaruga ng isang
babaing lobo. Nang lumaki
ang dalawa at nalaman
ang kanilang pinagmulan,
inangkin nila ang trono at
itinatag ang Rome sa
pampang ng Tiber River
noong 753 B.C.E.

Ayon
sa
isang
matandang alamat ang
Rome ay itinatag ng
kambal na sina Romulus at
Remus.
Habang
mga
sanggol
pa
lamang,
inilagay sila sa isang
basket at ipinaanod sa
Tiber River ng kanilang
amain sa takot na angkinin
ng kambal ang kaniyang
trono.

Paano nagsimula ang Rome?


__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

http://upload.wikime
dia.org/wikipedia/co
mmons/6/6a/Shewolf_suckles_Romul
us_and_Remus.jpg

Ang mga Roman ay tinalo


ng mga Etruscan, ang kalapit na
tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay
magagaling sa sining, musika, at
sayaw. Dalubhasa rin sila sa
arkitektura, gawaing metal, at
kalakalan . Tinuruan nila ang mga
Roman sa pagpapatayo ng mga
gusaling may arko, mga aqueduct,
mga barko, paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata sa
pakikipagdigma, pagtatanim ng
ubas, at paggawa ng alak.

Halaw sa Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Mateo et. al. pahina
126-127

145

Ang Republikang Romano


Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng
mga Roman ang punong Etruscan at
nagtayo ng Republika, isang pamahalaang
walang hari.
Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius
Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy
sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang
huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus
ang isang Republika. Tumagal ito mula 509
hanggang 31 B.C.E.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal
ang mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan
sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay
may kapangyarihang pigilin ang pasya ng
isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan
ng mga konsul, humina ang sangay
tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan,
kinakailangang pumili ng diktador na
manunungkulan sa loob lamang ng anim na
buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na
kapangyarihan kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang
mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa
mga maharlika o patrician. Pawang mga
patrician ang dalawang konsul, ang diktador
at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos
sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng
Assembly na binubuo ng mga mandirigmang
mamamayan. Walang kapangyarihan ang
plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng
patrician.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,
Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina
92.

Batay sa binasang teksto,


ilarawan ang mga
sumusunod na bahagi ng
Republikang Romano.
konsul- _________________
_______________________
_______________________
diktador- ________________
_______________________
_______________________
Patrician- _______________
_______________________
_______________________
Plebeian- ______________
_______________________
_______________________

Para sa karagdagang
kaalaman, basahin ang
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan, Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. pahina
127

146

Tagumpay
Patrician.

ng Plebeian

Laban

sa

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang


maghimagsik ang mga plebeian noong 494
B.C.E. upang magkamit ng pantay na
karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at
lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang
Banal na Bundok. Doon sila nagbalak
magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng
mga patrician na mawalan ng mga
manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian
upang itigil ang kanilang balak sa
pamamagitan ng pagpapatawad sa dati
nilang utang; pagpapalaya sa mga naging
alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang
paghahalal ng mga plebeian ng dalawang
mahistrado o tribune na magtatanggol ng
kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o
mahistrado na humadlang sa mga hakbang
ng senado na magkasama sa mga plebeian.
Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang
isang panukalang -batas, dapat lamang
niyang isigaw ang salitang Latin na veto!
(Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at
kalahati, nagkaroon ng higit na maraming
karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E,
dahil sa mabisang kahilingan ng mga
plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12
lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum
upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang
kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome
at naging ugat ng Batas Roman. Sa
pamamagitan
nito,
nabawasan
ang
panlilinlang
sa
mga
plebeian
at
napagkalooban sila ng karapatang makapgasawa ng patrician, mahalal na konsul, at
maging ksapi ng Senado.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar
et. al. pahina 92.

Ano ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng nakasulat na
batas para sa mga plebeian?
_________________________
_________________________
_________________________
_______________________
Magbigay ng halimbawa ng
pangyayari sa kasalukuyang
panahon na maihahalintulad sa
tinahak ng mga plebeian upang
matamo
ang
kanilang
karapatan. Ipaliwanag
_________________________
_________________________
_________________________
_______________________
Sa kasalukuyan, nabibigyan din
ba
ng
kahalagahan
ang
kapakanan ng mga karaniwang
tao? Patunayan
_________________________
_________________________
_________________________
_______________________

Para sa karagdagang kaalaamn,


basahin ang Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. pahina 127128

147

Paglaganap ng
Rome

Kapangyarihan

ng

Lumaganap ang kapangyarihan ng


Rome sa buong Italy matapos ang sunudsunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.
E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at
iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian,
Sabine at Samnite. Matapos masakop ang
gitnang Italy, isinunod ang lungsod- estado
ng Greece sa timog. Naganap ang unang
sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea,
Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece
dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus
ng kaniyang pinsang si Alexander the Great
at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng
kinatatakutan
ng
mga
mandirigmang
Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring
Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang
nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang
napakamahal na tagumpay ay tinaguriang
Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si
Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa
Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna
ng peninsula ng Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay
hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng
Roman at pagtatamo ng kabantugang militar.
Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang
nagaping kaaway at magiging kolonya ng
Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga
hukbong nagapi ay nagiging karagdagang
mandirigma para sa hukbong Roman. Sa
ganitong sistema unti-unting lumaganap ang
kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog
Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy.
Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa
Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa
Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16
na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng
mga Roman sa Sicily ang naging
pinakamabigat na kaaway nito- ang mga
Carthagenian.

Mula sa binasang teksto,


isa-isahin
ang
pangyayaring
nagbigay-daan sa paglaganap ng
Kapangyarihan ng Rome.
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

Para sa karagdagang kaalaman,


basahin ang Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. pahina 128.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar
et. al. pahina 93

148

Digmaang Punic

Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang


pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy.
Nagisismula pa lamang ang Carthage noon na
maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng
Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis
ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong
814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre,
naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng
imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang
Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica,
Sardinia at Sicily.

Mapa 1.5 Lokasyon ng


Digmaang Punic
http://upload.wikimedia
.org/
wikipedia/commons/7/79/First_
Punic _War_264_BC.png

Halaw sa Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang Aklat
sa Araling Panlipunan,
Ikatlong Taon nina Vivar
et. al. pahina 94

Nasubok
ang
kapangyarihan
ng
Rome at
Carthage sa
tatlong Digmaang
Punic- salitang Latin na nagmula sa
pangalang Phoenicia. Sa digmaang
ito napagpasyahan kung sino ang
mamumuno sa Mediterranean. Sa
simula
makapangyarihan
ang
Carthage sa dagat bagaman
pawang
upahan
ang
mga
mandirigma nito dahil sa maliit na
populasyon. Ang mga Roman
naman sa simula ay walang
hukbong pandagat ni karanasan sa
digmaang pandagat.

Sa
simula
makapangyarihan
ang
Carthage
sa
dagat
bagaman pawang upahan
ang mga mandirigma nito
dahil
sa
maliit
na
populasyon.
Ang
mga
Roman naman sa simula ay
walang hukbong pandagat
ni karanasan sa digmaang
pandagat.

149

Digmaang
Punic

Unang
Digmaang
Punic (264241 B.C.E)

Ikalawanag
Digmaang
Punic (218202 B.C.E)

Mahahalagang Pangyayari

Bagamat
walang malakas
na plota, dinaig ng Rome
ang Carthage
noong 241
B.C.E.
Nagpagawa ang Rome ng
plota at sinanay ang mga
sundalo nito na maging
magagaling
na
tagapagsagwan.
Bilang
tanda
ng
pagkakapanalo ng Rome,
sinakop nito ang Sicily,
Sardinia at Corsica
Nagsimula ito noong 218
B.C.E. nang salakayin ni
Hannibal, ang heneral ng
Carthage, ang lungsod ng
Saguntum sa Spain
na
kaalyado ng Rome.
Mula
Spain, tinawid ni
Hannibal ang timog Frane
kasama ng mahigit na 40,
000 sundalo.
Tinawid din
nila
ang
bundok ng
Alps upang
makarating sa Italy.
Tinalo
ni Hannibal ang
isang malaking hukbo ng
Rome saCannae
noong
216 B.C.E. subalit hindi
naghangad si Hannibal na
salakayin ang Rome nang
hindi pa dumarating ang
inaasahang puwersa
na
manggagaling
sa
Carthage.
Sa ilalim ng pamumuno ni
Scipio Africanus, sinalakay
ng mga
Roman
ang
hilagang
Africa
upang

Kinahinatnan

Nanalo ang Rome


laban sa Carthage.

Natalo si Hannibal
sa labanan sa
Zama noong 202
B.C.E.
Sa
isang
kasunduang
pangkapayapaan
noong 201 B.C.E,
pumayag
ang
Carthage na siraon
ang
plota nito,
isuko ang Spain, at
magbayad
ng
buwis taon-taon sa
Rome

15
0

pilitin si Hannibal na iwan


ang Italy at tumungo sa
Carthage upang
sagipin
ang
kaniyang
mga
kababayan.
Ikatlong
Digmaang
Punic (149146 B.C.E)

Matapos ang 50 taon,


naganap
ang
Ikatlong
Digmaang Punic.
Mahalaga
ang papel
ni
Marcus
Porcius
Cato,
isang pinuno at manunulat
na Roman, sa pagsiklab ng
digmaan.
Sa kanyang
pagbisita sa
Carthage,
nakita
niya
ang
kasaganahan at luho ng
pamumuhay rito.
Batid
niyang
malakas
ang
Carthage
at
nananatili
itong banta sa seguridad
ng Rome.
Pagbalik sa
Rome, itinanim
niya sa
isipan ng Senate at publiko
na

dapat

wasakin

Bakit mahalaga par


pagkontrol sa Mediterr
Ano ang dahilan ng

naganap na Digmaang
Muling natalo ang
Carthage sa
Paano nakabuti sa R
digmaan.
laban sa Carthage?
Kinuha ng Rome
ang lahat ng pagaari ng Carthage
sa Hilagang Africa

ang

Carthage.
Nang
salakayin
ng
Carthage
ang
isang
kaalyado
ng
Rome,
sinalakay ng Rome ang
Carthage. Sinunog nito ang
lungsod at ipinagbili ang
mga mamamayan bilang
alipin.
Kabihasnang Roman
Sa pagsakop ng Rome sa mga
lungsod-estado ng Greece, libo-libong
Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay
din ng mga heneral ng Rome ang mga
gawang sining at aklat ng Greece sa
pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang
kabihasnang Greece sa Rome at
maraming Roman ang tumungo sa
Athens
para
mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang
kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling

151

katangian ang kabihasnang Roman.

Tagumpay sa

Pagkata
pumunta sa sil
Macedonia ay n
ang Corinth at
pangangasiwa
Mula 13
lupain. Sa pags
ay nasakop ng
ang Mediterran
Halaw sa

Kasays
nina Mateo
et.

Pangunahin na rito ang kaalaman sa


arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng

Larawan 1.6 Ang labi ng Colloseum sa


Rome.
http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view
/coliseum.jpg/92540006/coliseum.jpg

Batas
Ang mga Roman ay kinikilala
bilang pinakadakilang mambabatas ng
sinaunang panahon. Ang kahalagahan
ng Twelve Tables ay ang katotohanan
na wala itong tinatanging uri ng
lipunan. Ito ay batas para sa lahat,
patrician o plebeian man. Ito ang
ginamit upang alamin ang mga krimen
at tantiyahin ang kaukulang parusa.
Nakasaad dito ang mga karapatan ng
mga mamamayan at ang pamamaraan
ayon sa batas.

Inhenyeriya
Ipinakita
ng
mga
Roman ang kanilang galing
sa inhenyeriya. Nagtayo sila
ng mga daan at tulay upang
pag-ugnayin
ang
buong
imperyo
kabilang
ang
malalayong lugar. Marami sa
mga daan na ginawa nila
noon ay ginagamit pa
hanggang ngayon. Isang
halimbawa ang Appian Way
na nag-uugnay sa Rome at
timog Italy. Gumawa rin sila
ng mga aqueduct upang
dalhin ang tubig sa lungsod.

Panitikan
Ang panitikan ng Rome ay nagsimula
noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E.
Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga
tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si
Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey sa
Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay ang
mga unang manunulat ng comedy. Ang iba
pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus.
Si Cicero naman ay isang manunulat at
orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa
kanya,
ang
batas
ay
hindi
dapat
maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o
sirain ng pera kailanman.
Ang mga babaeng
Roman ay dalawa rin ang
kasuotan. Ang stola ay

Kabihasnang
Roman

Pananamit
Dalawa ang kasuotan
ng mga lalaking Roman. Ang
tunic
ay
kasuotang
pambahay na hanggang
tuhod. Ang toga ay isinusuot
sa ibabaw ng tunic kung sila
ay lumalabas ng bahay.

Arkitektura
Ang mga Roman ang
tumuklas
ng
semento.
marunong na rin silang
gumamit ng stucco, isang
plaster na pampahid at
pantakip sa labas ng pader.
Umaangkat sila ng marmol
mula sa Greece. Ang arch na
natutuhan ng mga Roman
mula sa mga Etruscan ay
ginagamit sa mga temple,
aqueduct, at iba pang mga
gusali. Ang gusali na
ipinakilala ng mga Roman ay
ang basilica, isang bulwagan
ng nagsisilbing korte at
pinagpupulungan ng
152

Assembly. Mayroon din silang

Gawain 15. Lagumin Mo.


Panuto: Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang
talahanayan.
Pangyayaring Nagdulot ng
Paglakas ng Rome

Patunay/ Paliwanag

153

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng
Kabihasnang Rome?
2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang
Punic?
3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag-unlad at paglakas
kabihasnang Rome.

ng

Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak


ng Kapangyarihang Roman
Habang patuloy ang pagkakasangkot
ng Rome sa mga usaping panlabas,
dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at
katanyagan nito sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagamat
ang pagpapatibay ng mga tratado at
deklarasyon ng digmaan ay dapat na
isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito
ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng
nais ng Senate. Ang monopoly ng
kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa
katiwalian sa pamahalaan. Madalas na
gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa
mga lalawigan ang kanilang katungkulan
upang magpayaman. Ang mga pagkakataon
sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga
kapaki-pakinabang na kontrata para sa
kagamitan ng hukbo.
Masama naman ang naging epekto
ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog
na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa
pamiminsala na ginawa ng hukbo ni
Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka
ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng
trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman
sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o
bihag ng digmaan. Tumungo ang mga
magsasaka ng Rome upang maghanap ng
trabaho ngunit wala namang malaking
industriya ang Rome na magbibigay ng
kanilang trabaho.
Ang yaman na pumasok sa Rome

Batay sa tekstong binasa,


ano-ano ang mga suliraning
kinaharap ng Rome bunsod ng
paglawak ng kapangyarihan nito?
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
________________________
Paano nakaapekto ang mga
nabanggit na suliranin sa
Republikang Roman?
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
Maihahalintulad ba ang mga

154
pangyayaring isinasaad sa teksto
sa kalagayan ng kasalukuyang
lipunan? Sa paanong paraan?

Gawain 16. Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa mga
pangyayaring nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo
sa pagtatag ng Imperyong Roman.
Ang Banta ng Digmaang Sibil
Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapwa
tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang
panganib sa katatagan ng Republic. May mga nagtangkang magpatupad ng
pagbabago katulad ng mga sumusunod:

Pinuno/Taon
Tiberius
133 B.C.E

Pangyayari
Nagpanukala

ng

batas

Epekto
sa Upang hadlangan si Tiberius

pagsasaka kung saan ang mga


lupang
nakamit
sa
pamamagitan ng digmaan ay
ipamamahagi
upang
magkaroon ng bukirin
ang
mahihirap.
Nais niyang limitahan ang dami

at takutin ang iba pang


nagnanais ng
pagbabago,
ipinapatay siya
ng isang
grupo ng mayayaman.

ng lupa na maaring ariin ng


mayayaman upang pigilin ang

155

mga ito sa pagkamkam ng higit


pang maraming lupa.
Gaius Gracchus
123 B.C.E

Gabay na Tanong:

Sinundan ni Gaius Gracchus


ang hakbang
tungo
sa
pagbabago na sinimulan
ng
kanyang
nakakatandang
kapatid,
subalit, ang
mga
mayayaman ay hindi rin sangayon
sa
kanyang
mga

Ano ang dahilan ng mga kaguluhang naganap sa Rome?


panukala.

Sinalakay si Gaius at ang


kanyang 3,000 na tagasunod
ng isang pangkat ng mga
senador
kasama
ang
inupahang hukbo at alipin.
Ipinapatay ng Senate ang
mga tagasunod
ni Gaius
Gracchus. Siya naman ay
nagpatiwakal.

Ano ang ipinapahiwatig ng mga nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng mga


patrician at plebeian? Ipaliwanag
Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon?
Ipaliwanag.

Tunghayan mo sa mga sumusunod na teksto ang ilan sa mga


mahahalagang pangyayari sa Rome.
Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na
tunggalian ng mga patrician sa Senate at ng mga
plebeian at alipin.
Sumiklab ang mga serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105
B.C.E. Bumalik ang
sa Rome nang maging diktador si Sulla
Batay sa bahaging ito ng
noong 82 B.C.E.
teksto, ano ang kahulugan
sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong militar
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa
Panlipunan,
IkatlNoong Taon60 ninaB.C. EMateo.,binuoet. alni.pahinaJulius133Causa,.
_____________________
Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang First
_____________________
Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang
_____________________
tao na nangasiwa ng pamahalaan. Hinawakan nila ang
_____________________
kapangyarihang politikal at militar. Si Crassus ang
_____________________
pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa
_____________________
pagpapakalma sa isang rebelyon ng
mga alipin.
_____________________
Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani
_____________________
dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain. Si
Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan
_____________________
matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan
ng Rome hanggang France at Belgium. Bagamat
nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may
namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa.
Si Julius Caesar Bilang Diktkaayusandor

Sa unang siglo ng B.C.E., matindi ang agawan

sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil.

Aralin g Triumvir ate?

156

Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si


Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang
naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng
mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang
makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi
lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar.
Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din
siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad
ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga
beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na
bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang
hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng
Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang
hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar,
tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga
kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni
Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey.
Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa
Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong
kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang
kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman
niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi
nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng
naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang
pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang
pamahalaan ay pinagbuti.

Nangamba ang Senate na maaring ideklara


ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang
Republika . Binuo ang isang sabwatan upang
patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan
ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar.
Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang
pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang
Senate , sinaksak si Caesar ng unang grupo ng
senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius
Cassius.

Bakit naging tanyag si


Julius Caesar?

Bakit siya tinawag na


diktador sa kanyang
pagbalik saRome?
Anu-ano ang mga
pagbabagong ipinatupad
niya sa Rome?

Ano ang ipinapahiwatig


ng kamatayan ni Julius
Caesar?

157

Augustus: Unang Roman Emperor


Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang
tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si
Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony
at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second
Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay
dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang
mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second
Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at
Cassius.
Sa loob ng sampung taon, naghati sa
kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony.
Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang
bahagi ng imperyo, samantalang pinamunuan ni
Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na
kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus
ang namahala sa Gaul at Spain.
Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si
Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome
ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at
balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo
at plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap
ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang
puwersa sa Actium noong 31 B.C.E. Matapos matalo
sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at
sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na
taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pagaakala na nagpakamatay si Cleopatra. Samantala,
dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at
sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na
rin si Cleopatra.
Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan.
Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain.
Noong 36 B.C.E., hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily
laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang
mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa
Circeii, Italy.
Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako
siyang bubuhayin muli ang Republic bagamat hawak
niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng
hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27
B.C.E., iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong
Augustus. Ang katagang Augsutus ay karaniwang
ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na
akto. Samakatuwid, ang titulong Augustus ay
nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi

Mula noon, si
Octavian ay nakilala sa
pangalan na ito. Sa
wakas, pagkatapos ng
halos isang siglong puno
ng digmaang sibil, ang
Rome ay napagbuklod
sa ilalim ng isang
pinuno.
Inihatid
ng
pamamahala
ni
Augustus ang panahon
n g Imperyong Roman.

Sinu-sino ang bumuo sa


Second Triumvirate?

Bakit mahalaga ang


pagkapanalo ni Octavian
sa labanan sa Actium?

Bakit tinawag na Augustus


si Octavian?

158

o
Limang Siglo ng Imperyo
Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na
imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa
silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng
Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog.
Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., ang populasyon ng
imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng ibat
ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian.

Gaano kalawak ang sakop


ng Imperyong Roman?

Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang


unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Ang
panahong ito ay mula sa 27 B.C.E. hanggang 180 C.E.
Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax
Romana o Kapayapaang Roman. Umunlad ang
kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at
karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate.
Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na
nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang
kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang
produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at
Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa
Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan.
Sa labas ng imperyo, isang masaganang
kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa ibat ibang
bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa
Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango,
mamahaling bato, at iba pang luho.

Ano ang Pax Romana?

Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana.


Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay
nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang Aineid, ang
ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak
ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga
mitong Greek at Roman sa akda niyang Metamorphoses.
Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural History, isang
tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa
kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang Histories at Annals na
tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga
Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27-26
B.C.E ang From the Founding of the City, ang
kasaysayan ng Rome.

Ano ang kahalagahan ng


pag-unlad ng panitikan sa
kasaysayan ng Rome?

159

Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus


Namatay si Augustus noong 14 C.E. Ang Titulong imperator o emperador ay
iginawad ng Senate kay Tiberius napinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa
pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng imperyo noong
476 C.E., ang Rome ay nagkaroon ng ibatibang uri ng emperador.

Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian


Pinuno
Tiberius (14-37 C.E.)

Nagawa

Caligula (37-41 C.E.)

Magaling na administrador si Tiberius bagamat isang


diktador.
Nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhong

Claudius (41-54 C.E.)

kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga


gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang
siya ay isang gladiator.
Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga

Nero( 54-68 C.E.)

batikang administrador.
Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan,
kabilang ang kanyang sariling ina at asawa.
Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa
pa siya diumano habang ginagawa ito.

Mula sa Dinastiyang Flavian


Pinuno

Nagawa

Vespasian

Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na patakarang

(69-79 C.E.)

pananalapi at pagtatayo ng imprastrukturang tulad ng


160

pampublikong paliguan at amphitheater para sa mga labanan ng


mga gladiator.

Ang Limang Mahuhusay na Emperador


Pinuno
Nerva (96 -98 C.E.)

Trajan

Nagawa

Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang

kinitang interes ay inilaan niya para tustusan ang mga


ulila.
(98-117 Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating ng

C.E.)
Hadrian( 117-138
C.E.)
Antoninus
Pius

imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan.


Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga
hangganan at lalawigan ng imperyo.
Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa

(138-161 C.E.)
mga Kristiyano.
Marcus
Aurelius Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod niya ang
(161-180 C.E.)

pilosopiyang stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito


ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng
pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine will).

Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pagpapanatili ng


isang imperyo?

Hango ang teksto sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling


Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 134-137 .

161

Gawain 17. Rome Sa Isang Tingin


Panuto: Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas at paghina ng
hirap sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart.

Sanhi

Bunga

Naging malakas na imperyo


ang Rome sa Mediterranean.

Humina
at
bumagsak ang
Roman.

unti-unting
imperyong

Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Roman ?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________

162

Gawain 18. Pagsulat ng Sanaysay. Sumulat ng sanaysay tungkol sa


pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Greece at Rome. Suriin din
ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito sa daigdig.

Gawain 19: I-R-F CHART


Panuto: Isulat sa bahaging revised ang sagot sa tanong na nasa loob ng
kahon.

FINAL

Paano
nakaimpluwensiya
ang Panahong
REVISED

Klasikal sa Europe
sa pag-unlad ng
pandaigdigang
kamalayan?

INITIAL

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1.
Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tungkol sa
Panahong Klasikal sa Europe, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
bahagi ng modyul na ito.
163

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman
sa paksa sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga impluwensiya ng
Kabihasnang Klasikal sa Europe tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.

Gawain 20. E-Postcard


Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na
Kabihasnan sa Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin
ang format. I-upload sa napiling social networking site ang
nagawang E-postcard.
Larawan
Impormasyon

Kahalagahan sa
kasalukuyan.

Gawain 21. I-R-F Chart


Panuto: Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging final ang
iyong sagot.

164

FINAL

REVISED

Paano
nakaimpluwensiya
ang Panahong
Klasikal sa Europe
sa pag-unlad ng
pandaigdigang
kamalayan?

INITIAL

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng
Pagnilayan at Unawain sa araling ito.

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa


tungkol sa mga pangyayari na nagbigay -daan pagsibol, pagunlad at pagbagsak ng mga klasikal na Kabihasnan sa
Europe. Ang mga aral na iyong natutunan mula sa araling ito
ay magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na
aralin at sa kabuuan ay pag-unawa sa mga pangyayari sa
Kasaysayan ng Daigdig at ang kahalagahan ng mga ito sa
kasalukuyan.
Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga
Klasikal na Kabihasnang European sa susunod na aralin.
Magsisilbi rin itong gabay upang maunawaan mo at masuri
ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig sa kasalukuyan.
165

166

ARALIN2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa


America, Africa, at mga Pulo sa Pacific
Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America,
Ang Africa? At ang mga Pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa
mga lugar na ito?
Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng
kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang
naitatag sa mga kontinenteng ito.
Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung
paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo
sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan.

167

ALAMIN
Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga
kontribusyon ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo.
Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng mga
kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific.
Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin.

Gawain 1. ImbestigaSaysayan
Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na
arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang
imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong.
1

Ilarawan ang
disenyo

3 Ano ang

iyong
masasabi sa
kakayahan
ng mga
gumawa?

Bakit
ipinagawa?

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg

1 Ilarawan ang

Ano ang
iyong
masasabi sa
kakayahan
ng mga
gumawa?

disenyo

Bakit
ipinagawa?
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg

168

Gawain 2.Ang Aking Paglalakbay.Simulan mo ang iyong paglalakbay sa


araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa loob ng kahon.
Isulat mo sa bahaging Simula ang iyong sagot. Samantala, ang bahagi ng
Kalagitnaan at Katapusan ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling
ito.
Katapusan

Kalagitnaan
Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga
pangyayari at mga
tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo
sa pagbuo ng
sariling
pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin.
Sa pamamagitan ng pagtutupad sa ibat ibang
gawain sa modyul na ito, higit na madaragdagan ang dati
mo nang kaalaman tungkol sa paksa.

169

PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at
impluwensiya ng kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa
Pacific sa daigdig. Inaasahan ring masusuri mo ang kahalagahan ng mga
kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin ang nilalaman
ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na!

Gawain 3.Sulyap sa Nakaraan.Suriin ang timeline tungkol sa pagkakatatag


ng ibat ibang kabihasnan sa daigdig mula 3000 B.C.E. hanggang 500 C.E.
Pagkatapos na masuri, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga nakaraaang


aralin.
Makikita dito ang pag-unlad ng kabihasnan sa ibat ibang lugar sa daigdig mula 3000 B.C.E.
hanggang 500 C.E.
Gabay na tanong:
1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China at India?
2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 B.C.E.?
3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa Mediterranean
o sa America? Ipaliwanag.
4. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga kabihasnan
sa daigdig?

Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente, paano naman
kaya namuhay ang mga tao sa kontinente ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific?

170

Pigura 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 B.C.E. 500 C.E.)

3000
B.C.E.

Mesopotamia at
Persia
- Pag-unlad ng
agrikultura
- Pag-usbong
ng Sumer
- Naimbento
ang Cuneiform
at paggamit ng
gulong

Egypt

Africa

- Pag-unlad ng
agrikultura
Paggawa ng
palayok
- Naimbento
ang
Hieroglyphics

Mga guhit sa
bato sa
gitnang
Sahara na
nagpapakita
ng tao

OLD
KINGDOM
2500
B.C.E.

Pamumuno ni
Sargon g
Akkad

Pagtatayo ng
mga pyramid

2000
B.C.E.

- Pag-usbong
ng Babylon
- Pamumuno ni
Haring
Hammurabi
- Pag-usbong
ng Assyria

- MIDDLE
KINGDOM
- Pananakop
ng Nubia
- Pananakop
ng Hyksos

1500
B.C.E.
Ang pamumuno
ng Mitanni sa
hilagang
Mesopotamia

- NEW
KINGDOM
- Pamumuno
ng mga
warriorpharaoh
- Queen
Hatshepsut

Mediterranean
Lands of Europe
Pagtayo ng mga
batong monument
sa Malta

SINAUNANG
PANAHON NG
MINOAN sa
Crete

Northern
Europe
Pagtayo
ng mga
batong
monumento sa
hilaga at
timog
Europe

Pagtatag
ng Stonehenge

HULING
PANAHON NG
MINOAN

Paggawa
ng
kagamitang
bronze

Pagwasak sa
Knossos

India

Mga unang
magsasaka.

China

America

Mga unang
magsasaka

Mga unang
siyudad ng
Jericho at Catal
Huyuk
Pag-usbong ng
kabihasnang Indus

GITNANG
PANAHON NG
MINOAN

Paglakas ng
Mycenean
Pagbagsak ng
Crete

Western Asia

Pagdating ng mga
Assyrian upang
makipagkalakalan

Pagtatag sa siyudad
ng Mohenjo-Daro
at Harappa

Pagdating ng mga
Hittites sa
Anatolia

Pagbasak ng
kabihasnan sa
Indus

Pagtatanim
ng Maize

Pagdating ng mga
dayuhang Aryan

Paglakas ng
Imperyong
HITTITE

- Pag-unlad ng
Sistemang Caste
- Pag-unlad ng
relihiyong
Hinduismo

SHANG
DYNASTY
Naimbento
ang sistema
ng pagsulat

171

1000
B.C.E.

500
B.C.E.

Pag-usbong at
pagbagsak ng
Imperyong
Assyria

Ang PERSIAN
EMPIRE sa
kaniyang
kalakasan
Pananakop ni
Alexander the
Great kung
saan naisama
ang sa kaniyang
teritoryo ang
Persian Empire

-Tutankhamun
Unti-unting
pagbagsak ng
kabihasnan
Pananakop ng
Assyrian at
Kushite

- Pananakop
ng Imperyong
Persia,
pananakop ni
Alexander the
Great
- Pamumuno
ng mga
Ptolemies
- Pamumuno
ni Cleopatra
- Pananakop
ng Imperyong
Roman

Pagsimula ng
Kaharian ng
Kush
Pagtatag ng
Carthage

Digmaang
Punic sa
Pagitan ng
Carthage at
Rome
Natalo at
nasakop ng
Carthage ang
teritoryo ng
Imperyong
Rome sa
Hilagang
Africa

- Pagbagsak ng
Mycenean
-Pagdating ng
mga Dorian sa
Greece
- DARK AGES sa
Greece
- Ang mga
Etruscan sa
Hilagang Italy
- Ang pagtatag ng
- Rome 753
B.C.E.
- Pag-unlad ng
mga lungsodestado sa Greece
- Digmaang
Persian sa pagitan
ng Greeks a
Persians
- Pagiging
makapangyarihan
ng lungsod-estado
ng
Athens
- Digmaang
Peloponnesian
- Pamumuno ni
Alexander the
Great
Pag-usbong ng
Rome

Pandarayuhan ng
mga
Celts sa
ibat ibang
bahagi ng
Europe

Pananakop ng
mga
Roman sa
malaking
bahagi ng
Hilagang
Europe

Pagdating ng mga
Israelite sa
Canaan
Pamumuno nina
Haring David at
Haring Solomon
sa Israel

- Pagsulat ng
Vedas (religious
writings)

DINASITIYANG
CHOU

Ang pagusbong ng
mga Olmec
sa Mexico

- Isinilang si
Gautama (Buddha)

Isinilang si
Confucius

Paglunsad ng
tangkang
pananakop ni
Alexander sa India

- Panahon
ng warring
states
- Pag-iisa ng
China sa
ilalim ni
Shih
Huang Ti
- Itinayo ang
Great Wall
- CHIIN
DYNASTY
- HAN
DYNASTY

Pananakop ni
Alexander the
Great sa Eastern
Mediterranean

Pananakop ng
mga Roman

Pag-usbong
ng mga
Maya

Naimbento
ang papel

172

Gawain 4.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa


Kabihasnang Maya.

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica


Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang
Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga
mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural
na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging
makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang
mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito
ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec.
Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng
kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay
nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng
lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya,
Aztec, at Inca kung kayat itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa
America.

Kabihasnang Maya (250 C.E. 900 C.E.)


Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa
Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng
Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng
kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

173

Mapa. 2.1 Lokasyon ng


Kabihasnang Maya
1.Ano-anong
lungsod
ang
makikita sa timog na bahagi ng
Yucatan Peninsula?

2.Paano nakipagkalakalan
ang mga Maya sa iba pang
bahagi ng Mesoamerica?

Sa

lipunang

Maya,

katuwang ng mga pinuno ang


mga

kaparian

sa

pamamahala. Pinalawig ng
mga pinunong tinatatawag na
halach uinic

o tunay na

lalaki ang mga pamayanang


urban

na

sentro

kanilang

rin

pagsamba

ng
sa

kanilang mga diyos.


Nang lumaon, nabuo rito ang mga
lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng

Sa

larangan
sa

ng

ekonomiya,

ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng

kabilang

malalawak at maayos na kalsada at

pangkalakal

rutang pantubig ang mga lungsod-estado

pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy,

ng Maya. Banaag sa kaayusan ng

at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa

lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao

pamamagitan ng pagkakaingin. Ang

sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng

pangunahing pananim nila ay mais,

mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng

patani, kalabasa, abokado, sili, pinya,

bawat lungsod ay isang pyramid na ang

papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan

itaas na bahagi ay dambana para sa mga

ng agrikultura sa buhay ng mga Maya,

diyos. May mga templo at palasyo sa tabi

ang sinamba nilang diyos ay may

ng pyramid.

kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais

ay

mga

produktong

mais,

asin,

gayundin ang tungkol sa ulan.


174

tapa,

Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa
pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak.
Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay
tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak
ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng
kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga
dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa
produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng
kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong
kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili
nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng
Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang
sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

Kasingtulad ng pyramid ang


estrukturang ito. Subalit,
mapapansin, na ang itaas na
bahagi nito ay patag. Sa loob
nito ay may altar kung saan
isinasagawa ang pag-aalay.

Ipinagawa ang templo


upang pagdausan ng
mga seremonyang
panrelihiyon. Ito ay
parangal para kay
Kukulcan, ang
tinaguriang God of
the Feathered Serpent

Gawa ang pyramid


mula sa malalaking
bato. Mayroon itong
apat na panig na may
mahabang hagdan.
Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan

Ang pyramid na ito ay


patunay ng mataas na
kaalaman ng mga
Mayan sa arkitektura,
inhenyeriya, at
matematika.

175

Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa


diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.
Paglakas
Tapat
ang
mga
nasasakupan sa pinuno.
Siya ay namumuno sa
pamahalaan at relihiyon.

Pamahalaan
at Relihiyon

Napag-isa
ang
mga
mamamayan dahil sa iisang
paniniwala.

Paglakas
May mahusay na sistema
ng pagtatanim na nagdulot
ng sobrang produkto.

Ekonomiya
at
Kabuhayan

Palagiang
nakikipagdigma ang mga
pinuno at kaniyang
nasasakupan upang
makahuli ng mga alipin
na iaalay sa kanilang
mga diyos. Nagbunga ito
ng pagkaubos ng yaman
ng mga lungsod-estado.

Paghina
Paglakas
Mayaman at maunlad ang
mga lungsod-estado ng
Maya.

Mga
LungsodEstado

Paghina

Pagkawala ng sustansya
ng lupa. Ang paglaki ng
populasyon ay nagdulot
ng suliranin sa suplay ng
pagkain.

Paghina
Nagdulot ng kaguluhan
at
kahirapan
ang
madalas na digmaan sa
pagitan ng mga lungsodestado.

Pigura. 2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi
at bunga ng paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan.

Gabay na Tanong
1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema ng pagtatanim?

176

Gawain 5.Ipaliwanag Mo.Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga


Mayan. Punan ng impormasyon ang dayagram.

Pamahalaan

Relihiyon

Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan

Ekonomiya

Arkitektura

Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
Gawain 6.Exit Card.Dugtungan ang sumusunod na pahayag.
Naunawaan ko sa nakaraang aralin na ______________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
Ang mga bahagi ng aralin na hindi ko gaanong naintidihan ay _______________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Ilan sa aking tanong ay: _____________________________________________
______________________________________________________________________.
Ang pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Kabihasnang Maya ay nagdulot ng
GAWAIN 7.INFOCOLLAGE.Paunlarin ang iyong kaalaman at pag-unawa paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na

bahagi ng Mesoamerica. Sa panahong ito,

tungkol sa Kabihasnang Aztec sa pamamagitan ng pagsusuri sa sumusunod

nagsimulangimpormasyonumunlad. ang maliliit na pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamamayan

rito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica ang Imperyong Aztec.

177

Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng


Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito.
Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga
nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec.
Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo.
Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga
Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga
karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.

Gawain 7.Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang mga teksto tungkol


sa Kabihasnang Aztec.
Kabihasnang Aztec (1200 1521)
Ang mga Aztec ay mga
nomadikong tribo na ang
orihinal na pinagmulan ay
hindi tukoy. Unti-unti silang
tumungo sa Lambak ng
Mexico sa pagsapit ng ika-12
siglo C.E. Ang salitang Aztec
ay nangangahulugang isang
nagmula sa Aztlan,isang
mitikong lugar sa Hilagang
Mexico.

Noong 1325, itinatag nila ang


pamayanan ng Tenochtitlan,
isang maliit na isla sa gitna
ng lawa ng Texcoco.
Ang

Mapa 2.2 Sakop ng Kabihasnang Aztec


Gabay na Tanong:
1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigaydaan upang
ito ay maging sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong
sinaunang
panahon?

Texcoco ay nasa sentro ng


Mexico
Valley.
Nang
lumaon,
ang lungsod ay
naging mahalagang sentrong
pangkalakalan.

178

Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga


Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain
upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay
matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

1
Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang
madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng
mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.

2 Wala silang kasangkapang pambungkal


ng lupa o hayop na pantrabaho.
Nagtatanim sila sa malambot na lupa na
ang gamit lamang ay matulis na kahoy.

3
Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa
nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at
kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at
gansa.

Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan
at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli,
ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at
hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl.
Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan
ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng
tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagamat may mga mandirigmang Aztec
na nagkukusang-loob ialay ang sarili.

179

Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga


Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging
maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang
kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsodestado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa
iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

Sa

pagsapit

ng

ika-15

siglo,

nagsimula

ang

malawakang

kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga


nagbigay-daan sa mgapagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at
heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan
din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay
Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa
mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang
mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding
magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping
estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa
Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa
hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga
estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema
ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.

180

1.5

Mga Milyon

1.4
1.3

Makikita sa pahinang
ito
anggraph ng populasyon ng

1.2

mga Aztec.

pagbaba ng populasyon ay

1.1

dulot ng

ng

pang-aalipin,

digmaan, labis na paggawa,

Daang Libo

epidemya

bulutong,

1
Populasyon

Ang biglaang

at pagsasamantala.

SSa

kabuuan,

naubos

hanggang 95 bahagdan ng
kabuuang
katutubong

tinatayang
ang

mula

populasyon

85

ng

Mesoamerica

sa

lamang ng 160 taon.

2
1

1500 1520 1540 1560 1580 16001620 1640 1660 1680 1700
Taon
Pigura 2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519,


natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa
ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng
mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng
kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito.Noong
1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.
181

loob

Gawain 8.Daloy ng mga Pangyayari. Ipakita sa pamamagitan ng


flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong Aztec.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec?
2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang
sinakop?
3. Bakit madaling nakontrol ng mga Aztec ang iba pang karatig na lungsodestado?
Gawain 9.Pagsulat ng Sanaysay.Sumulat ng sanaysay tungkol sa
kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa
Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod:
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong
ng mga Kabihasnang Maya at Aztec?
2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan?
3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga?

182

4. Magbigay ng kongklusyong magpapatunay na ang nabanggit na


kabihasnan ay maituturing na Kabihasnang Klasikal.
Gawain 10.Pagsusuri sa Aking Natutuhan. Punan ng angkop na
impormasyon ang kasunod na chart batay sa paksang tinalakay.

Ang aking mga natutuhan sa araling ito


ay ______________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Madali kong naisakatuparan ang mga


gawain tulad ng ______________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Ang aking mga tanong sa araling ito ay


_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Nahirapan ako na mapagtagumpayan ang


mga gawain tulad ng _________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at katangian


ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at kapangyarihan ng
dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain partikular na ang Aztec. Isa
pang maunlad at higit na malawak na imperyo ang naging makapangyarihan sa America.
Ito ang Kabihasnang Inca na lumaganap sa South America.

183

Gawain 11. Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa


Kabihasnang Inca.

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA


May
heograpiya

magkakaibang

klima

at

ang South America kung

ihahambing sa Mesoamerica.
Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River
na

dumadaloy

sa

mayayabong

na

kagubatan. Pawang ang mga prairie at


steppe naman ang matatagpuan sa Andes
Mountains sa timog na bahagi. Samantala,
tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang
gulod ng mga bundok na kahilera ng
Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya-aya ang
topograpiya ng Andes, dito nabuo ang
mga

unang

indikasyon

ng

pamayanan.
pagsasaka

May

mga

gamit

ang

patubig sa hilagang gilid ng Andes noong


2000 B.C.E.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E,
maraming pamayanan sa gitnang Andes
Mapa. 2.3 Sakop ng Kabihasnang Inca.

ang naging sentrong panrelihiyon. Ang

Gabay na Tanong
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan
sa silangan ng Imperyong Inca?

mga pamayanang ito ay umusbong sa

2. Paano nakatulong ang mahabang


kalsada na ipinatayo ng mga Inca
upang mapatatag ang kanilang
imperyo?
3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang
maayos na sistema ng transportasyon?

kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador.


Nang lumaon, nagawang masakop ng
ilang malalaking estado ang kanilang mga
karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni
isa man ang nangibabaw sa lupain
184

Kabihasnang Inca (1200-1521)


Noong

ika-12

siglo,

isang

pangkat

ng

mga

taong

naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa


matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco
Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang imperyo. Hango ito
sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na
nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang
kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro
kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng
imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia,
at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti
ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang

Gabay na
Tanong
1. Ano ang ibig
sabihin ng Inca?
2. Sino si
Pachakuti?

sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493),


pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi
ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan
ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng
mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac,
nasakop ng imperyo ang Ecuador.

Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca.


BATAYAN

Pinagmulan
- nagmula sa maliliit na pamayanang
agrikultural
Paniniwala
- pagsamba sa araw bilang diyos
Inhinyera
- mahusay sa paggawa ng kalsada,
templo, at iba pang gusali

AZTEC

INCA

PATUNAY

Parehas na umunlad ang dalawang imperyo


mula sa matagumpay na pagtatanim.
Huitzilopochtli diyos ng araw ng mga Aztec
Inti diyos ng araw ng mga Incan
Pyramid of the Sun ginawa ng mga Aztec
Mahaba at batong kalsada ginawa ng mga
Incan

185

Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong


1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang
Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa
mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na
bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking
saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco.
Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan.
Siya ang namuno sa mga Espanyolsa pananakop sa
Imperyong Inca.
Gabay na Tanong
1.May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca?
Patunayan.
2. Paano siya natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi
sa kasaysayan ng Pilipinas?

Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng


epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o
mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca,
ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng
tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si
Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang
lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto.
Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga
Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong
teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga
Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon.
Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo
noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

186

Gawain 12.Sino Sila?Tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod napinuno ng


Kabihasnang Inca.
Pachakuti

Topa
Yupanqui

Huayna
Capac

Ano ang
nagawa?
Kahalagahan ng

Ano ang
nagawa?
Kahalagahan ng

Ano ang
nagawa?
Kahalagahan ng

nagawa:

nagawa:

nagawa:

GAWAIN 13.Puno ng Kaalaman.Isulat sa loob ng dahon ang mga dahilan ng


pagbagsak ng Imperyong Inca.

Mga Dahilan ng Pagbagsak


ng Imperyong Inca
187

Gawain 14.MAPAsuri.Suriin ang mapa ng Mesoamerica at South America.


Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na tanong.

1. Saang bansa sa kasalukuyan makikita


ang mga Kabihasnang Klasikal sa
Mesoamerica at South America?
2. Ano-ano ang anyong-tubig na nasa
paligid ng mga nabanggit na rehiyon?
3. Paano nakaapekto ang heograpiya sa
pagtatag ng mga Kabihasnang Klasikal ng
Aztec, Inca, at Maya?
4. Sa iyong palagay, alin sa dalawang
salik ang higit na nakaimpluwensiya sa
pag-usbong ng mga kabihasnan sa
Mesoamerica at South America, ang mga
tao ba o ang heograpiya? Ipaliwanag.

Mapa 2.4 Ang Mesoamerica at South America

Gawain 15.KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan).Punan ng


tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol sa
pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa
ibaba.
PAMAHALAAN

EKONOMIYA

RELIHIYON

KONTRIBUSYON

MAYA
AZTEC
INCA

Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga


Maya, Aztec, at Inca dahil _______________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________.

188

Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang


Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of
Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay
hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian
nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga
sinaunang mamamayan sa America.

Gawain 16.Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa


mga Kaharian at Imperyong naitatag sa Africa.
Mga Kaharian at Imperyo sa Africa
Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit
limitado lamang ang mga Pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi maganda
ang iyong impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang kasaysayan ng
daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa Pacific.
Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng
kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit naman sa mga pulo sa
Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa dalawang rehiyong ito

Heograpiya ng Africa
Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit
ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng
mga

Kanluraning

bansa.

Tinawag

ito

ng

Gabay na
Tanong

mga

Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito

Bakit tinawag na

nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman

dark continent
ang Africa?

ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng


ito hanggang noong ika-19 na siglo.

189

Ang pinakamainit at pinakamaulang


bahagi ng Africa ay yaong malapit sa
equator.

Matatagpuan

dito

ang

rainforest o isang uri ng kagubatan


kung saan sagana ang ulan at ang
mga puno ay malalaki, matataas, at
may

mayayabong

hangganan

ng

na

dahon.

rainforest

ay

Sa
ang

savanna, isang bukas at malawak na


grassland o damuhan na may mga
puno. Sa grassland sa hilaga ng
equator matatagpuan ang rehiyon ng
Sudan. Sa bandang hilaga naman ng
rehiyon ng Sudan makikita ang
Sahara,

ang

pinakamalawak
Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng
Africa

pinakamalaki

at

na

sa

disyerto

daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa


Europe ay hindi natitirhan maliban sa
mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa

Gabay na Tanong
1.Ano-anong uri ng vegetation at
anyong-lupa ang makikita sa kontinente
ng Africa?

disyerto kung saan may matabang


lupa at tubig na kayang bumuhay ng
halaman at hayop. Tanging sa oasis

2.Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng


Sahara?

lamang

may

mga

maliliit

na

3.Paano nakatulong ang heograpiya sa


pag-usbong ng mga Imperyong Ghana,
Mali, at Songhai.

at kalat-kalat ang mga kultura at

pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay


kabihasnang sumibol at namayani sa
malawak na kontinente ng Africa.

190

Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara.


Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang
Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga
produktong African.
Ang Kalakalang Trans-Sahara
Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa
pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara.
Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang TransSahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang TransSahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan, dala-dala ang ibat ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang
kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong
magkakasamang naglalakbay.
Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang
mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas.
Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa
Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Ibat ibang grupo ng mga tao ang nagtayo
ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

http://northafrica
nhistory.wikispac
es.com/file/view/
timbuktu.jpg/112
619921/timbuktu
.jpg

Mapa 2.6 Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara


Gabay na Tanong
1.Saang bahagi ng Africa makikita ang lupain ng mga Carthage?
2.Ano ang ibig sabihin ng caravan?
3.Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa?
4.Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?

191

Morocco

Ang Pagpasok ng Islam sa


Kanlurang Africa

Berber

Nang makapagtatag ng mga


pamayanang Muslim sa Morocco, ang
Islam

ay

unti-unting

nakilala

at

kalaunan ay namayani sa mga kultura


at

kabihasnang

Kanlurang

Africa.

nananahan

sa

Ang

ay

Islam

pinalaganap ng mga Berber, mga

Sudan at
Hilagang Africa

mangangalakal sa Hilagang Africa.


Pumupunta sila sa Kanlurang Africa
upang bumili ng ginto kapalit ng mga

Pigura 2.4 Kalakalan ng mga Berber at African

aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at


iba pa.

Gabay na Tanong
1.Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa
Hilagang Africa?
2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong
aspeto ng pamumuhay ng mga African ang
naimpluwensiyahan ng

mga Berber?

192

Gawain 17.MAPAghanap. Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mga


anyong-lupa, anyong tubig, at vegetation sa Africa. Tukuyin kung saang
bahagi ng Africa matatagpuan ang mga ito sa pamamagitan ng pagguhit ng
linya sa tiyak na lugar.
Rainforest

Savanna

Disyerto

Oasis

Pamprosesong Tanong
1. Alin sa mga nabanggit navegetation ang may pinakamalawak na saklaw?
2. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Carthage at
Sudan?
3. Saang mga lugar maaaring umusbong ang kabihasnan o imperyo? Bakit?

193

Gawain 18.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol iba


pang Kabihasnan sa Africa.

Mga Kabihasnan sa Africa


Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng
kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia
sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan.
Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang
mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng
kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasa
Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan.
Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

350 C.E.

Namayani ang Kaharian ng Axum sa Silangang Africa

700
dantaon

Naging makapangyarihan ang Imperyo ng Ghana sa


Kanlurang Africa

1240

Naitatag ang Imperyong Mali nang matalo ang


Imperyong Ghana

1335

Nagsimulang mamuno ang dinastiyang Sunni na siyang


nagpalawak sa teritoryo ng Imperyong Songhai

Pigura 2.5. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa.

194

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan


Ang kaharian ng Axum ay sentro ng
kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan,
ito ay may pormal na kasunduan ng
kalakalan sa mga Greek. Mga elepante,
ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o
rekado ang karaniwang kinakalakal sa
Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit
nito, umaangkat ang Axum ng mga tela,
salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Isang

resulta

ng

malawakang

kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito


ng

Kristiyanismo.

Naging

opisyal

na

relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo


noong 395 C.E.

Mapa Bilang 2.7. Ruta ng Kalakalang


Axum
Gabay na Tanong
1.
Anong mga anyong-tubig ang
dinaanan
ng
mga
Axum
sa
pakikipagkalakalan?
2.
Saang
mga
kontinte
nakipagkalakalan ang mga Axum?
3.
Paano ito natutulad at naiiba sa
kalakalang Trans-Sahara?

Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala


naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging makapangyarihan
dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang mga
imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

195

Ang Imperyong Ghana


Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang
isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng
kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng ibat
ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay
ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal,
katad, at iba pang produktong wala sila.
Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak
na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan
kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang
pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

Ginamit
ang
mga
sandatang gawa
sa
bakal
upang
makapagtatag
ng
kapangyarihan sa mga
grupong mahina
ang
mga sandata.

Mahalagang salik
sa paglakas ng
Ghana

Naging
maunlad
dahil
naging sentro
ng
kalakalan sa
Kanlurang Africa

Bumili ng mga
kagamitang
pandigma na yari sa
bakal at mga kabayo

Ang mga kabayo ay


nagbibigay ng ligtas at
mabilis na
paraan ng
transportasyon
para
sa mga
mandirigma
nito

Gabay na Tanong
1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana?
2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad
ang kanilang pamumuhay?

196

ANG IMPERYONG MALI


Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang
Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng
Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan
ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya
at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa

Mga Namuno sa
Imperyong Mali

pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong


Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal

Sundiata Keita

River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at


pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta
ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang

Mansa Musa

Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan


sa buong Kanlurang Sudan.
Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman
sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa
Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng
imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod
pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay
naging bahagi ng Imperyong Mali.
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog
din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa
karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-dasalan
ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo.

Gabay na
Tanong
1. Paano nakamit
ng Imperyong
Mali ang
kapangyarihan
mula sa
Imperyong
Ghana?
2. Bakit naging
tanyag si Mansa
Musa?

Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa


panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at
Djenne

ay

naging

sentro

ng

karunungan

at

pananampalataya.

197

Ang Imperyong Songhai


Simula

pa

noong

ikawalong

siglo,

ang

Songhai

ay

nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga


ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga
Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni
Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagamat hinikayat niya ang
mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang
Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa
iba pang bahagi ng Imperyong Islam.
Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong
Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335,
lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang
kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim
ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa
panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai
mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang
kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong
mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa
rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa
loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga
Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.

198

Ghana
Ipinag-utos ni haring AlBakri na ibigay sa kaniya
ang mga butil ng ginto at
tanging mga gold dust
ang pinayagang ipagbili
sa kalakalan. Sa ganitong
paraan, napanatili ang
mataas na halaga ng
ginto.

Gabay na Tanong
1. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong
Ghana, Mali, at Songhai?
2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?

asin

Ghana, Mali at Songhai


Ang mga imperyong ito ay
naging makapangyarihan
dahil sa kalakalan.
Pangunahing produkto nila
ang ginto. Nagsilbi silang
tagapamagitan ng mga
African na mayaman sa
ginto at ng mga African na
mayaman sa asin.

Pag-isipan!
Iugnay angLaw of Supply
and Demand sa
ipinalabas na kautusan ni
haring Al-Bakri.

ginto
asin

Mali
Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu.
Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam
at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng
impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang
Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa
noong 1325.

Pigura 2.6 Infographic tungkol sa Imperyong Ghana, Mali at Songhai

ginto

Sa panahong ito,ginagamit
ng mga African ang ginto
upang ipambili ng asin.
Ginagamit ng mga African
ang asin upang mapreserba
ang kanilang mga pagkain.
199

Gawain 19.History Makers.Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong


mga napag-aralan tungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.
PINUNO
Al-Bakri
SundiataKeita
Mansa Musa
Dia Kossoi
Sunni Ali

IMPERYONG PINAMUNUAN

MAHALAGANG NAGAWA

GAWAIN 20.Triple Venn Diagram. Isa-isahin ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Isulat sa Venn Diagram
ang sagot.

Ghana

Mali

Songhai

GAWAIN 21.KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan).


Punan ng tamang sagot ang talahanayan.Isulat ito sa loob ng angkop na
kolum. Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon.
IMPERYO
GHANA
MALI
SONGHAI

KONTRIBUSYON

KAHALAGAHAN

Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga


Imperyong Ghana, Mali, at Songhai dahil __________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________.

200

Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo


ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa. Samantala,
sa mga Pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga Austronesean.
Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang nabuong kabihasnan.

Gawain 22: Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol


sa mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific
MIGRASYONG AUSTRONESIAN
Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at
Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang
rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong
nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang
pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

Mapa 2.8.
Migrasyon ng mga
Austronesian.

Gabay na Tanong
1. Magbigay ng ilang
sa kasalukuyan na
pinanirahan ng mga
Austronesian.
2.Bakit nandayuhan
ang mga Austronesian
sa mga pulo sa Pacific.

http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples
Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga
Austronesian . Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila
ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E. Tumungo sila sa mga lugar na kilala
ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 B.C.E., may
mga Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa.
Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga
pulo ng Pacific.

201

.
Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at
Tasmania. Noong 1,000 B.C.E., nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at
Tahiti.
Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga
pulo ng Hawaii sila noong 100 B.C.E. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter
Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.
Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan
ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at
kulturang ito ay Austronesian.

Ang mga Pulo sa Pacific


Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking
pangkat ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay
iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang
anyo ng mga katutubo nito.

MICRONESIA

POLYNESIA
maraming isla
poly marami
nesia - isla

maliliit na mga
isla
micro maliit
nesia - isla

MELANESIA

maiitim ang mga


tao dito
mela maitim
nesia - isla

Mapa 2.9
Ang mga isla na
bumubuo sa
Pacifi.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

202

Polynesia
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific
Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na
malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii,
Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook
Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu,
Marquesas, at Pitcairn.
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa
Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang
sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok.
Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid satohua ang tirahan
ng mga pari at mga banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at
pangingisda.Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit,
saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon,
octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na
kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang bisa o
lakas.Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali,
bato, bangka, at iba pang bagay.

Gabay na Tanong
1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia?
2. Ano ang ibig sabihin ng mana?

203

May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o


mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang
banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang
kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa
bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may
angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa
pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay

Gabay na
Tanong
Ano-ano ang mga
paraan upang
mapangalagaan
ang mana?

dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili


lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang
kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong
ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na parusang
igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

Micronesia
Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng
Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands,
Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa
o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag
sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi
gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.Nagtatanim
sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch
na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga
Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga
lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

204

Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at


shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong
ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang
matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls).
Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang gamot at
pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga
shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa
saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng
kalalakihan.
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal
para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang
ani.

Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng
Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago,
Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o
sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan
ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan,
ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan,
karahasan, paghihiganti, at karangalan.

205

Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng


pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy,
at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May
kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga
Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga
gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng
diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna,
kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu
ang paniniwala sa mana.

May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa


Pacific.
Nakabatay
ang
kanilang
pamumuhay
sa
pakikipagkalakalan sa ibat ibang isla at kontinente.
Bagamat hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasingyaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa,
nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa
mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timogsilangang Asya sa kasalukuyan.

Gawain 23.Pagsagot saChart.Punan ng impormasyon ang talahanayan.


Isla

Kahulugan ng
Pangalan

Kabuhayan

Relihiyon

Polynesia
Micronesia
Melanesia

Gawain 24.Anong Konek?Makibahagi sa iyong pangkat. Magsaliksik tungkol


sa kultura ng mga taga-Pacific Islands at ihambing ito sa kulturang Pilipino.
Iulat ang inyong nasaliksik sa klase.
206

Gawain 25. Ang AkingPaglalakbay.Sa pagkakataong ito, isulat mo ang


iyong sagot sa bahagi ng Kalagitnaan.
Katapusan

Kalagitnaan
Simula

Paano
nakaimpluwensiya
ang mga
pangyayari at mga
tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo
sa pagbuo ng
sariling
pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2.
Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga salik na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga kabihasnang klasikal sa mga
Pulo sa Pacific, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng
modyul na ito.

207

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Tinalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa Panahong Klasikal sa
Europe, America, at mga Pulo sa Pacific. Nagkaroon ka rin ng malawak na
kaalaman tungkol sa ibat ibang kontribusyon ng mga nabanggit na kabihasnan
sa daigdig.
Ngayon naman ay kritikal mong masusuri ang impluwensiya ng mga
nabanggit na kabihasnan sa daigdig.
.

Gawain 26. AdBakit?Makibahagi sa iyong pangkat. Pumili ng isang


kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal na nakatalaga sa iyong pangkat.
Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet na nagsusulong ng adbokasiya
upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin
ang formatsa ibaba.
Front Page
Larawan ng Kontribusyon

First Page

Second Page

Ipaliwanag ang kahalagahan

Sumulat ng maikling pahayag

ng kontribusyon sa
kasalukuyang panahon sa:
Daigdig
Pilipinas

na naglalaman ng inyong
adbokasiya upang
mapangalagaan ang
kontribusyon na inyong napili

208

Gawain27.Ang Aking Paglalakbay. Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong


sagot sa bahagi ng Katapusan.
Katapusan

Kalagitnaan
Simula

Paano
nakaimpluwensiya
ang mga
pangyayari at mga
tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo
sa pagbuo ng
sariling
pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at
Unawain para sa Aralin 2.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa
mga kontribusyon at impluwensiya ng mga Kabihasnang
Klasikal sa America at Africa at sa kultura ng mga
mamamayan sa Pacific Islands. Handa ka na para sa
susunod na aralin.

209

ARALIN 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon


-Mga Pangyayaring Nagbigay-daan
sa Pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval
Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: In the space
between chaos and shape there was another chance. Nangangahulugan ito
na ang bawat kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong
pagkakataon. Marahil pagkakataon para bumangon, pagkakataon para
muling umunlad.Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay isang
mahalagang pangyayaring maaaring ituring na transisyon. Ikaw, sa buhay
mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon?
Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyunal na
Panahon.Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang
naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang
epekto ng mga pangyayaring ito sa paggpapalaganap ng pandaigdigang
kamalayan? Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Transisyunal na
Panahon sa paghubog at pagbuo ng pagkakakilanlan ng bansa at
rehiyon sa daigdig?Halinat iyo itong tuklasin.
ALAMIN
Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig,
bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang kalagayan ng mundo
sa Panahon ng Transisyon. Pagtutuunan sa araling ito ang mga kaganapan sa
kasaysayan na nakasentro sa Europe- mga pangyayari na nagbigay-daan sa
pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Ano nga ba ang epekto ng
mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kaalaman?
Subalit, bago mo tuluyang alamin ito, gawin mo muna ang sumusunod upang
malaman ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?

210

Gawain 1.Photo-Suri
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong matapos
masuri ang larawan.

Pamprosesong Tanong
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang mga
tagpong nasa larawan?
3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong nakikita
sa larawan? Patunayan.
Gawain 2.A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide)
Panuto: Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin.
Upang mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na
gawain.
Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang
taalakayin. Isulat sa unang kolum ang SA kung ikaw ay sang-ayon sa
pahayag at HSA namn kung hindi.

211

Bago ang
Talakayan

PAHAYAG
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano
at pananalasa ng ibat ibang pangkat ng
mga barbaro ay natapos ang Sinaunang
Panahon at pumasok ang pagsisimula ng
Panahong Medieval.
2. Si Charlemagne o Charles the Great
ang itinuturing na isa sa pinakamahusay
na hari ng Panahong Medieval.
Pinamunuan niya ang Holy Roman
Empire na sinasabing muling bumuhay
sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro,
naging kanlungan ng mga tao ang
simbahan. Naging mahalaga ang papel
ng Kapapahan o
ang tungkulin,
panahon
ng
panunungkulan
at
kapangyrihang
panrelihiyon ng
Papa
bilang pinuno ng simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad
ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyanismo sa iba pang
panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag
noong Panahong
Medieval. Itinuturing
itong sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko at militar na
sagot
sa
pangangailangan
sa
tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng
Piyudalismo
ay
tinatawag
na
Manoryalismo. Ito ay ang sistemang
gumagabay sa pamumuno ng mga hari
sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad
ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay
nakatulong sa paglago ng kalakalan at
ang paglago ng kalakalan ay nakatulong
din sa paglago ng mga bayan.

Matapos ang
Talakayan

212

8. Maaaring umangat ang isang tao sa


lipunan dahil hindi nakabatay sa
kapanganakan ang antas sa buhay kundi
sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil
sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe ay
nakatulong
sa
pagkakabuo
ng
pandaigdigang
kamalayan
sa
kasalukuyang panahon.

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin.
Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga
sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul.
Sa iyong pagtupad sa ibat ibang gawain, suriin kung tumutugma
ba ang iyong mga dating kaalaman sa mga bagong kaaalaman na iyong
matututuhan sa Modyul na ito.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahan na matututuhan mo ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Sagutin
ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungko
sa paksa. Handa ka na ba?

213

GAWAIN 3. Daloy Ng Kasaysayan


Tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 2 ang pagkakatatag ng mga Klasikal na Kabihasnan
sa Europe. Sa pagdaan ng panahon, ang dating matayog at makapangyarihang imperyong
Romano ay unti-unting humina at tuluyang bumagsak. Makikita sa diagram ang mga salik ng
pagbagsak ng Imperyong Romano.
Panuto: Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.

ng mga
Tapat at
may
Kakayahan
g Pinuno

Paglubha
ng Krisis
Pangkabuhayan

Paghina
ng
Hukbong
Romano

Pagkawala
ng
Katuturan
ng

Pagkamama
-mayang
Romano

PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMANO

Kakulangan

Pagbaba
ng

Moralidad
ng mga
Romano

Pagsalakay
ng mga

Barbaro

Diagram Blg. 3.1. Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman.


Halaw mula sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa
Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 137-139

Pamprosesong Tanong
1. Mula sa mga nabanggit na salik sa diagram, ano sa tingin mo ang
pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman?
Bigyang katuwiran ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng
Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe?

214

Suriin ang diagram tungkol sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval


Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Ang Paglakas ng
Simbahang Katoliko
Bilang Isang Institusyon
sa Gitnang Panahon

Ang Holy Roman


Empire

Ang Paglunsad ng
mga Krusada

Ang Buhay sa Europe


Noong Gitnang

Panahon (Piyudalismo,
Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan
at Lungsod)

Diagram Blg. 3.2 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahong Medieval sa Europe


http://mrgrayhistory.wikispaces.com/file/view/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg/244152229/293x372/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg
http://images2.wikia.nocookie.net/__cb20101006230145/deadliestfiction/images/b/b1/Charlemagne.jpg http://ts2.mm.bing.net/th?
id=H.4513801360115517&pid=15.1

http://crabberworldhistory.wikispaces.com/file/view/high_middle_agesjpg/180280913/high_middle_ages.jpg

Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang mga


dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko
bilang institusyon noong Panahong Medieval.

215

Gawain 4.Magbasa at Matuto


Panuto: Bilang panimula sa pagtalakay ng paksa, basahin at unawain ang
teksto tungkol sa mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Pope sa
Europe.

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan


Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa
sa Rome . Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang
nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

Pagbagsak ng Imperyong
Roman.Marami ang dahilan ng

paglakas ng kapangyarihan ng
Simbahang Katoliko at ng kapapahan.
Isa na rito ang pagbagsak ng
imperyong Romano noong 476 C.E.,
na naghari sa kanluran at silangang
Europe sa Gitnang Silangan at sa
hilagang Africa sa loob ng halos 600
taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari,
na kalooban ng mga Roman ang
bunga ng kanilang mga kasamaan.
Ang mga kayamanang umagos
papasok sa Rome ang naging sanhi
ng palasak na kabulukan sa
pamahalaan ng imperyo. Sa walang
tigil na pagsasamantala sa tungkulin
ng mga umuugit ng pamahalaan,
nahati ang lipunan sa dalawang
panig- ang pinakamaliit na bahagi ng
lipunan na binubuo ng mayayaman at
malalakas na pinuno sa pamahalaan
at mga nakararaming maliliit na
mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang
kabulukan sa pamahalaan at ang
kahabag-habag na kalagayan ng
pamumuhay ng mga pangkaraniwang
tao sa katayuan ng Imperyong Rome.
Noong 476 C.E., tuluyan itong
bumagsak sa kamay ng mga barbaro
na dati ng nakatira sa loob ng imperyo
mula pa noong ikatlong siglo ng
Kristiyanismo.

Sa kabutihang -palad, ang


simbahang Kristiyano, na tanging
institusyong hindi pinakialaman ng
mga barbaro, ang nangalaga sa mga
pangangailangan ng mga tao. Sa
kawalan ng pag-asang maibalik ang
dating lakas -militar at kasaganaang
materyal ng imperyo, bumaling ang
mamamayan sa simbahang Katoliko
sa
pamumuno
at
kaligtasan.
Binigyang-diin nila ang kalagayan ng
kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa
pangako ng Simbahan para sa mga
nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
Sa kabilang dako, nahikayat
naman ang mga barbaro sa
kapangyarihan
ng
Simbahan.
Pumayag sila na binyagan sa pagkaKristiyano at naging matapat na mga
kaanib ng pari.
Halaw sa Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang AKlat para sa
Ikatlong Taon nina Vivar et. al.
pahina 141-144

Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng


Imperyong Romano?
________________________________________
________________________________________
Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang
Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng
Imperyong Romano?

216

____________________________________
____

Matatag
Organisasyon

at
ng

Mabisang
Simbahan.

Noong
mga
unang
taon
ng
Kristiyanismo, karaniwang tao lamang
ang mga pinuno ng Simbahan na
nakilala bilang mga presbyter na pinili
ng mga mamamayan. Mula sa mga
ordinaryong taong ito lumitaw ang mga
pari at mga hirarkiya.
Isang
diyosesis
ang
kongregasyon ng mga Kristiyano sa
bawat lungsod na pinamunuan ng
Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang
maraming pari sa ibat ibang parokya
sa lungsod. Nang lumaganap ang
Kristiyanismo mula sa lungsod patungo
sa mga lalawigan, sumangguni sa mga
Obispo ang mga pari sa kanilang
pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at
pamamahala ng Obispo, hindi lamang
mga
gawaing
espiritwal
ang
pinangalagaan ng mga pari, kundi
pinangasiwaan din nila ang gawaing
pangkabuhayan, pang-edukasyon at
pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod
dito, ang Obispo rin ang namamahala
sa pagpapanatili ng kaayusan at
katarungan sa lungsod at sa iba pang
mga nasasakupan.
Tinawag na mga Arsobispo ang
mga Obispo na nakatira sa malalaking
lungsod na naging unang sentro ng
Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong
pamamahala ng kanilang sariling
lungsod, may kapangyarihan ang isang
Arsobispo sa mga Obispo ng ilang
karatig na maliit na lungsod. Ang
Obispo ng Rome, na tinawag bilang
Papa, ang kinikilalang katas-taasang
pinuno ng Simbahang Katoliko sa
kanlurang Europe. Kabilang siya sa
mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng
mga parokya.

Mula noong kalagitnaan ng ika-11


siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo
ng mga Kardinal sa pamamagitan ng
palakpakan lamang, depende kung sino
ang gusto ng matatandang kardinal. Sa
Konseho ng Lateran noong 1719,
pinagpasyahan
ng
mayorya
ang
paghalal ng Papa.

Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod:


Pari- _____________________________
_________________________________
_________________________________
Obispo- __________________________
_________________________________
_________________________________
Arsobispo- ________________________
_________________________________
_________________________________

Ang
kapapahan
(Papa)
ay
tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng
panunungkulan
at
kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang
Katoliko,
gayundin
ang
kapangyarihang pampulitika bilang pinuno
ng estado ng Vatican.
Ang
salitang
Pope
ay
ngangangahulugang AMA na nagmula sa
salitang Latin na Papa. Noong unang
panahon itinuturing ng mga kristyano ang
Papa bilang ama ng mga Kristiyano, na
siya pa ring tawag sa kanya sa

217

Uri ng Pamumuno sa Simbahan


Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa
pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan
lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang
makikita sa talahanayan.

Pinuno/ Papa

Paraan ng Pamumuno

Constantine the
Great

Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa


buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na
kaniyang tinawag.
Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan
ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang ibat ibang malalaking lungsod
sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang
pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng
Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang
Katoliko Romano.

Papa Leo the


Great (440-461)

Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang


nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni
San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa
kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe
ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng
Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan.
Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang
Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni
Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng
mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman
ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin
ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo
hanggang sa panahong ito.

http://upload.wikimedi
a.org/wikipedia/comm
ons/5/5b/Pope_St._L
eo_IV.jpg

218

Papa Gregory I

http://upload.wikimedi
a.org/wikipedia/comm
ons/9/97/Francisco_d
e_Zurbar%C3%A1n_
040.jpg

Papa Gregory VII

http://hist2615.wikispa
ces.com/file/view/Gre
gory_VII1.jpg/251843136/174

Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap


sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng
Simbahan sa buong kanlurang Europe.
Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang
magawa niyang sumampalataya ang ibat ibang mga
barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa
malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito,
nagpadala siya ng mga misyonero sa ibat ibang bansa na
hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong
tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa
ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa
Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.

Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng


kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of
investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga
tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry
IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si
Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya
ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang
maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII
ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at
humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang
kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng
lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak
pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon


ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng
isang organisasyon? Ipaliwanag
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_______________________

Ang
investiture
ay
isang
seremonya kung saan ang isang
pinunong sekular katulad ng hari ay
pinagkakalooban ng mga simbolo sa
pamumuno katulad ng singsing sa
Obispong kaniyang hinihirang bilang
maging pinuno ng simbahan.
Sa pamumuno ni Papa Gregory
sa Simbahan, tinanggal niya ang
karapatan ng mga pinunong sekular na
magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno
ng simbahan.

219

Pamumuno ng mga Monghe


Binubuo ang mga monghe ng isang
pangkat ng mga pari na tumalikod sa
makamundong pamumuhay at nanirahan
sa mga monasteryo upang mamuhay sa
panalangin at sariling disiplina. Sila ang
mga regular na kasapi ng mga pari at
itinuturing na higit na matapat kaysa mga
paring sekular. Tuwirang nasa ilalim
lamang ng kontrol at pangangasiwa ng
Abbot at Papa ang mga monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa
ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng
monasteryo. Dahil dito, malaki ang
kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng
tao noong Panahong Medieval. Dahil sa
kanilang paniniwalang Ang pagtatrabaho
at pagdarasal, nagsikap sila sa paglinang
at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid
sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito,
hindi lamang kapaki -pakinabang ang
kanilang pagsisikap sa mga monasteryo,
kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa
pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe
noong Panahong Medieval.
Mga Gawain ng mga Monghe.
Nagtiyaga ang mga monghe sa pag -iingat
ng mga karunungang klasikal ng mga
sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa
hindi pa natutuklasan ang palimbagan at
ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga
libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan
sa monasteryo ang kanilang matiyagang
isinusulat muli sa mga sadyang yaring
balat ng hayop. Dahil sa ginawang
pagsisikap ng mga monghe, ang mga
kaalaman
tungkol
sa
sinauna
at
panggitnang panahon ay napangalagaan
sa kasalukuyan.

Ang makatarungang pamumuno ng


mga monghe sa kanlurang Europe ay
nakatulong din sa lawak ng katanyagan at
kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng
pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga
monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa
mga maysakit at kumupkop sa mga taong
nais makaligtas sa kanilang mga kaaway.
Bumalangkas ang Simbahan ng isang
sistema ng mga batas at nagtatag ng mga
sariling hukuman sa paglilitis ng mga
pagkakasala na kinasasangkutan ng mga
pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil
walang sinumanang nagsasagawa ng
ganitong
paglilingkod
pagkatapos
bumagsak ang imperyo ng Rome,
nahikayat ang mga tao sa Simbahan para
sa kaayusan, pamumuno at tulong.
Pinakamahalaga
sa
mga
ginampanang tungkulin ng mga monghe
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
utos ng Papa sa ibatibang dako ng
kanlurang Europe. Napag-alaman na natin
kung
paano
napasampalataya
sa
Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain;
ang mga Anglo -Saxon sa England, Ireland
at Scotland; at ang mga German sa ilalim
ng direksiyon ni Papa Gregory I.
Gayundin, naging martir si St. Francis
Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia
para sa simulain ng pagpapalaganap ng
Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.

Paano nakatulong ang mga monghe sa


paglakas ng simbahan at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong


Taon nina Vivar et. al, pahina 141-144

220

Gawain 5.Diagram ng Aking Natutuhan


Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong
sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot.

Salik sa
Paglakas ng
Kapangyarihan
ng Papa

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng
simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Bakit madaling nahikayat ng simbahan ang mga grupong barbaro
na yakapin ang Katolisismo?
3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng simbahan sa
kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval?
Ipaliwanag.

221

Gawain 6.3-2-1 Chart


Panuto:Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa
natutuhan mo sa binasang teksto.
Konspeto o Kaalaman na Aking Natutuhan
1. __________________________________________
__________________________________________
2. _________________________________________

_________________________________________
3. _________________________________________
_________________________________________

Konsepto o Kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan


1. __________________________________________
_________________________________________
2. _________________________________________
_________________________________________

Tanong na nais ko pang mabigyan ng linaw


1. _________________________________________
_________________________________________

222

Gawain 7: Sa Madaling Salita


Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang


paglakas ng simbahang
Katoliko sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong
Medieval?

Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng simbahang


Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa
Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng Holy Roman
Empire. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit tinawag na
Holy Roman Empire ang imperyo? Ano ang kontribusyon ng
imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang
kamalayan?

223

Gawain 8.Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang
nagbigay- daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.

Ang Holy Roman Empire


Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang
nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga
mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin
ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France.
Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o
Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval
Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na
iskolar ng panahon upang magpaturo ng ibat ibang wika.
Inanyayahan din niya ang ibat ibang iskolar sa Europe upang
turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop
niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga
Kristiyano.
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang
emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire).
Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa
imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang
naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang
pagsasama -sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman
ang namayani sa kabihasnang Medieval.
Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis
the Religious . Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili
ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay
siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan
ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald
ang France; kay Louis the German ang Germany; atang Italy kay
Lothair.Sa pagkakawatak- watak ng imperyo, nawalan ng
kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at
nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at
Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang
mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko,
politiko at militari- ang piyudalismo.

Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa


Ikatlong Taon)nina Vivar et. al. pahina 140-141

Para sa karagdagang kaalaman basahin ang


Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo
et. al. pahina 173-175

481- Pinag-isani
Clovis ang ibat
ibang tribung
Franks at sinalakay
ang mga Romano
496- Naging
Kristiyano si Clovis
at ang kaniyang
buong sandatahan
511- Namatay si
Clovis at hinati ang
kaniyang kaharian
sa kanyang mga
anak

687- Pinamunuan
ni Pepin II ang
tribung Franks
717- Humalili kay
Pepin II ang
kaniyang anak na
si Charles Martel
751- Ang anak ni
Charles Martel na
si Pepin the Short
ay hinirang bilang
Hari ng mga Franks
sa halip na Mayor
ng Palasyo

Si Pope Leo
III ang humirang kay
Charlemagne bilang
Emperor of the Holy
Roman Empire.
Ayon sa ilang aklat,
nangangahulugan ito
na ang ideya ng mga
Romano ng isang
sentralisadong
pamahalaan ay hindi
naglaho.

224

Gawain 9: Paggawa ng Timeline


Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ang timeline ng mahahalagang
pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.
Pinag-isa ni
Clovis ang
mga tribong
Franks at
sinalakay
ang mga
Romano.

481

500

600

700

800

Pamprosesong Tanong
1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa
pagtatatag ng Holy Roman Empire?
2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni
Charlemagne?
3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa Holy Roman
Empire?
4. Sa kasalukyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang
pamahalaan at simbahan? Patunayan.

225

Gawain 10.Sa Madaling Salita


Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikalawang
kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang paglakas


ng simbahang Katoliko sa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


pagkakatatag ng Holy Roman
Empiresa pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval?

Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang


Simbahang Katoliko. Nagsimulang maging Kristiyano ang
mga tao sa Europa, subalit nang bumagsak ang Holy Roman
Empire, nawalan ng malakas na pinuno ang imperyo. Sa
kabilang dako ay nagpapalawak din ng imperyo ang mga
Muslim. Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem.Bunsod nito,
nanawagan ang Papa ng paglulunsad ng mga Krusada.
Alamin sa susunod na aralin ang mga sanhi at bunga ng
paglulunsad ng mga Krusada.

226

Gawain 11.Magbasa at Matuto.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada
sa Europe.
ANG KRUSADA
Ang
Krusada
ay
isang
ekspedisyong militar na inilunsad ng
Kristiyanong
Europeo
dahil
sa
panawagan ni Pope Urban II noong 1095.
Ito ay isang banal na labanan ng mga
relihiyosong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa banal na
pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem
balak salakayin ng mga Turkong Muslim
ang Imperyong Byzantine kaya humingi
ng tulong ang Emperador ng Byzantine
sa Papa sa Rome lalo pa at sa
pagsalakay na ito ay mapalaganap ang
relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa
Urban, hinimok niya ang mga kabalyero
(knights) na maging krusador at
pinangakuan niya ang mga ito na
papatawarin sila sa kanilang mga
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang;
at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa
na kanilang masakop.
Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng
mga 3000 kabalyero at 12000 na
mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at
mga Pranses na nabibilang sa nobility.
Matagumpay na nabawi ng grupong ito
ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag
sila ng Estadong Krusador malapit sa
Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa
Jerusalem, maraming Muslim
ang
napatay, pati na ang mga Hudyo at
Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung
taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din
sila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng
Clairvaux, sinamahan siya nina Haring
Luis VIIng France at Emperor Conrad III
ng Germany. Maraming balakid na
naranasan anggrupong ito sa pagpunta
sa Silangan at ang pinakatagumpay nila
ay ang pagsakop ngDamascus.

Hindi pa man sila nakalayo sa


pinanggalingang Europe ay nalunod na si
Frederick at si Philip naman ay bumalik sa
France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa
nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno
ng
mga
Turko.
Sa
kahulihulihan
nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa
loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay
malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit
sa baybayin.
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labin dalawang
taong French na ang pangalan ay
Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni
Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga
bata angsumunod sa kaniya ngunit
karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi
sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang
alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na
inulunsad noong 1202 ay naging isang
iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng
mga mangangalakal ng Venetra na
Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang
Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay
idineklarang excomunicado. Nagpatuloy
sa pagdarambong ang mga krusador
hanggang sa Constantinople kungsaan
nagtayo sila ng sariling pamahalaan.
Noong 1261 sila ay napatalsik sa
Constantinople at naibalik ang imperyong
Byzantine. Ang huling kuta ng mga
Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng
mga Muslim at ito ay naging simula ng
paghina ng Krusada.

227

.
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba
pang Krusada noong 1219,
1224, 1228 ngunit lahat ng
mga ito ay naging bigo sa
pagbawi muli sa Holy
Land.Sa kabuuan, ang
mga Krusada ay pawang
bigo, maliban sa una na
nahawakan
nila
ang
Jerusalem sa loob ng
isang daang taon at
pagkatapos
nito
ay
nanumbalik na
naman sa kamay ng mga
Turkong
Muslim
ang
lupain.

Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang
naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng
kalakalan. Napalaganap ang komersyo at
ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga
lungsod at malalaking daungan. Ang
kulturang Kristiyano ay napayaman din.
Sa kabilang panig, ang krusada ay
naglantad ng tunay na mga layunin ng mga
sumama
sa
gawaing
ito.
Hindi
pagmamalasakit sasimbahan ang naging
dahilan sapagsama sa banal na laban na
ito
kundi
ang
pagkakataong
makapaglakbay at mangalakal.
Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module
8 (Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang
Institusyon sa Gitnang Panahon)

Mapa 3.1 Ruta ng ilan sa mga Krusada

Ang salitang Crusade


ay nagmula sa salitang
Latin na crux na
nangangahulugang
cross.
Ang mga
Krusador ay taglay ang
simbolo ng Krus sa
kanilang kasuotan.

Para sa karagdagang
impormasyon, basahin
ang Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang
Aklat Para sa Ikatlong
Taon nina Vivar et. al,
pahina 145-147

228

Gawain 12.History Frame


Panuto: Matapos mabasa ang teksto, bumuo ng History frame tungkol sa
paksang napatakda s pangkat.
Unang Pangkat; Pangyayari at Mga Tauhan
Ikalawang Pangkat: Suliranin o Layunin
Ikatlong Pangkat: Konteksto (Saan at Kailan)
Ikaapat na Pangkat: Mahahalagang Pangyayari
Ikalimang Pangkat: Kinalabasan/ Resulta
History Frame:
Pangyayari:

Mga Pangunahing Tauhan:

Suliranin/ Layunin ng Pangyayari:

Konteksto:

Kinahinatnan/ Resulta:
Mahahalagang Pangyayari:

Aral na Natutunan:

Pagkatapos ng talakayan sa pangkat, ibahagi ang inyong output sa klase.


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng Krusada sa kasaysayan ng daigdig?
2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap
na Krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag
3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong
pangaraw-araw na buhay? Ipaliwanag.

229

Gawain 13.Lesson Closure


Panuto: Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga
Krusada. Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang
talata.

Ang Krusada ay isang ____________________ na


inilunsad ng mga Europeo sa panawagan ni ______________.
Layunin nito na ______________________________________
__________________________________________________.
Sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang
______________________________________________________________
______________________________________________________________
.
Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na
Krusada
dahil
_________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

230

Gawain 14: Sa Madaling Salita


Panuto: Mula sa naging talakayan tungkol sa paksa, sagutin ang tanong sa
ikatlong kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong
ang paglakas ng
simbahang Katoliko
sa pag -usbong ng
Europe sa
Panahong
Medieval?

Paano nakatulong ang


pagkakatatag ng Holy
Roman Empiresa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong
ang paglulunsad ng
mga Krusada sa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Tatalakayin naman sa bahaging ito ang tungkol sa


Piyudalismo, Manorialismo, at ang Pag-usbong ng
mga Bayan at Lungsod sa Europe noong Panahong
Medieval.

231

Gawain 15.Comic-Suri
Panuto:Suriin ang comic strip at sagutin ang

Ako ang HARI,


pagmamay-ari ko ang
lahat ng lupain. Subalit
ibinigay ko ang iba sa
mga BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging


TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa
akin ang ilan sa kaniyang lupain. Dapat
maging handa akong ipaglaban siya at
magsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay ko
ang ilan sa aking lupain sa aking mga

KNIGHT.

Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa


akin ang ilan sa kaniyang lupain upang
mapagtaniman at paunlarin. Tungkulin kong
magbayad ng buwis at pagkalooban siya ng
regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain
na kaniyang nasasakupan nang walang
pahintulot ng KNIGHT.

tanong sa loob ng kahon.

Ano -anong mga uring panlipunan


ang makikita sa Comic Strip?
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_____

Ano ang salitang nababanggit sa


lahat ng bahagi ng Comic Strip?
Ano ang ipinapahiwatig nito?
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
______

Sa iyong palagay, anong Sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng


comic strip? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

232

GAWAIN 16: Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga
tanong sa kahon kaugnay ng tekstong binasa.

Ang Piyudalismo
Mula sa ikasiyam hanggang
ika-14
na
siglo,
ang
pinakamahalagang
anyo
ng
kayamanan sa Europe ay lupa.
Kinakailangang pangalagaan ang
pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing
nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang
ipagtanggol ang lahat ng kaniyang
lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa
sa mga nobility o dugong bughaw.
Ang mga dugong bughaw na ito ay
nagiging vassal ng hari. Ang hari ay
isang lord o panginoong may lupa.
Ang iba pang katawagan sa lord ay
liege o suzerain. Samantala, ang
lupang ipinagkakaloob sa vassal ay
tinatawag na fief.Ang vassal ay isa
ring lord dahil siya ay may-ari ng
lupa. Ang kaniyang vassal ay
maaaring isa ring dugong bughaw.
Ang
homage
ay
isang
seremonya kung saan inilalagay ng
vassal ang kanyang kamay sa
pagitan ng mga kamay ng lord at
nangangako rito na siya ay magiging
\ tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng
lord sa vassal, isinasagawa ang
investiture o seremonya kung saan
binibigyan ng lord ang vassal ng fief.
Kadalasang isang tingkal ng lupa ang
ibinibigay ng lord sa vassal bilang
sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang
tawag sa sumpang ito ay oath of
fealty.
Kapag naisagawa na ng lord
at vassal ang oath of fealty sa isat
isa, gagampanan na nila ang mga
tungkuling nakapaloob sa kasunduan.
Tungkulin ng lord na suportahan ang
pangangailangan

Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?


_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Paano mo mailalarawan ang ugnayan
o relasyon ng lord at vassal?
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

ng
vassal
sa
pamamagitan
ng
pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya
na ipagtanggol ang vassal laban sa mga
mananalakay o masasamang-loob at
maglapat ng nararapat na katarungan sa
lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang
pangunahing tungkulin ng vassal ay
magkaloob ng serbisyong pangmilitar .
Tungkulin din ng vassal na magbigay ng
ilang kaukulang pagbabayad tulad ng
ransom o pantubos kung mabihag ang
lord sa digmaan. Kailangan din niyang
tumulong sa paghahanap ng sapat na
salapi para sa dowry ng panganay na
dalaga ng lord at para sa gastusin ng
seremonya ng pagiging knight ng
panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay
isang mandirigmang nakasakay sa
kabayo at nanumpa ng katapatan sa
kaniyang lord.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
nina Mateo et.al. pahina 192-193

233

Ang Pagtatag ng Piyudalismo


Ang Piyudalismo sa Gitnang
Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati
ng Banal na Imperyo ni Charlemagne
batay sa kasunduan sa Verdum.
Mahihinang tagapamahala ang mga
tagapagmana ni Charlemagne kaya
ang mga opisyal ng pamahalaan at
mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa
pamumuno ng hari. Naibangon muli
ang mga lokal na pamahalaan na
ngayon ay pinatatakbo ng mga
maharlikha katulad ng mga konde at
duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang
mga barbarong Viking, Magyar, at
Muslim. Sinalakay nila ang ibat ibang
panig ng Europa lalo na sa bandang
France. Ang mga Viking na kilala rin sa
tawag na Normans ay nabigyan ng
lupain sa bandang France kapalit ng
pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang
lupaing napasakanila ay kilala ngayon
sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na
ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig
sa mga mamamayan ng Europe. Dahil
dito,
hinangad
ng
lahat
ang
pagkakaroon ng proteksiyon kaya
naitatag ang sistemang Piyudalismo.

Para sa karagdagang
kaalaman, basahin
ang Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang
Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et.
al. pahina 192-195 at
Kasaysayan ng
Daigdig Batayang
Aklat para sa Ikatlong
Taon nina Vivar et. al
pahina 148-150

Ano ang kinahinatnan ng


mahinang uri ng pamumuno,
batay sa tekstong binasa?
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

Bakit itinatag ang


sistemang Piyudalismo?
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
_

Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan,


Module 9 (Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon
sa Europa)

Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang


sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang
kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng
katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo
lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing
Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol
sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan
ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling
ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa
Ikatlong Taon nina Vivar et. al pahina 150

234

Lipunan sa Panahong Piyudalismo


Nahahati sa tatlong pangkat ang
lipunang Europeo sa panahong Piyudalismoang mga pari, kabalyero o maharlikang
sundalo at mga alipin (serf)
Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga
pari na natatanging sektor ng lipunan
sapagkat hindi namamana ang kanilang
posisyon dahil hindi sila maaaring magasawa. Maaaring manggaling ang mga pari
sa hanay ng maharlika, manggagawa at
mga alipin.
Mga Kabalyero. Noong panahon ng
kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni
Charlemagne, may matatapang at malalakas
na kalalakihan na nagkusang loob na
maglingkod sa mga hari at sa mga may- ari
ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga
mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang
paggamit ng salapi, ang magigiting na
sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng
mga kapirasong lupa bilang kapalit ng
kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero
ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng
mga panginoon ng lupa, na maaaring
magpamana ng kanilang lupain.
Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa
ng tao noong Medieval Period. Nanatili
silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka.
Kaawa -awa ang buhay ng mga serf.
Nakatira sila sa maliit at maruming silid na
maaaring tirahan lamang ng hayop sa
ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa
bukid ng kanilang panginoon nang walang
bayad. Wala silang pagkakataon na
umangat sa susunod na antas ng lipunan
tulad
ng
maharlika
at
malayang
tao.Makapag-aasawa lamang ang isang
serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon.
Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang
kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang maaaring
gawin na hindi nalalaman ng kanilang
panginoon.

Ano-ano ang uring panlipunan noong


panahon ng piyudalismo? Ilarawan ang
bawat isa.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig Batayang


Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al
pahina 148-149

235

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon uring lipunan sa Sistemang
Piyudalismo?
2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo?
Pangatwiranan
Gawain 17.Alam Ko Na
Panuto: Upang mataya at mapagtibay ang iyong kaalaman mula
sa binasang teksto, sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang Piyudalismo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__________.
2. Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________.
3. Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudal?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________________________.

236

Gawain 18.Magbasa at Matuto


Panuto: Sa bahaging ito ng modyul, pag-aaralan mo naman ang
Manoryalismo. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paksa.

Pagasasaka: Batayan ng Sistemang


Manor
Ang Sistemang Manor ang sentro ng
lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira
dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming
manor na nakahiwalay sa isat isa. Ito ay
maaaring maihalintulad sa isang pamayanan
(village) kung saan angmga naninirahan dito ay
umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka
sa manor. Sakabilang dako ang kanilang
panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng
pagsasaka samanor na kaniyang magiging
kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang
pinakapusod ng isang manor. Maaari ringang
bahay sa manor ay isang malaking
nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang
lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa
paggagamitan nito. Kumpleto sa mga
kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa
manor. Para sa mga naninirahan doon,ang mga
pangangailangan nila ay napapaloob na sa
manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan,
panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon
ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung
maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at
kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nagiiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng
lahat.

Ang manor ay isang


malaking
lupang
sinasaka. Ang malaking
bahagi ng lupain na
umaabot
ng
1/3
hanggang ng kabuuang
lupang sakahan ng manor
ay pag-aari ng lord at ilan
lamang
sa
mga
magsasaka
ang
nagmamay-ari ng lupa.
Halaw mula sa Kasaysayan ng
Daigdig (Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan, Ikatlong Taon) nina
Mateo, et.al pahina 195)

Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan,


Module 9 (Sistemang Pyudal sa Gitnang
Panahon sa Europa)

237

Gawain 19. Photo-suri


Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon.

Ano ang
ipinapahiwatig ng
kastilyo sa gitna ng
manor? Ipaliwanag.
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________

Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 (Sistemang


Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa)

Ano ang pangunahing


ikinabubuhay sa isang
manor?.
__________________
__________________
__________________
__________________
________________
Ano ang kahalagahan
ng mga magbubukid
sa manor?
__________________
__________________
__________________
____________

Pamprosesong Tanong
1.Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga
magbubukid?
2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan.
3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang
Manoryalismo? Ipaliwanag.

238

GAWAIN 20: Magbasa at Matuto


Panuto: Kasama ng iyong pangkat, basahin at suriin ang sumusunod na
teksto.

Paglago ng mga Bayan


Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.
Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at
mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng
magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng
mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami
ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan.

Paggamit ng Salapi
Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema
ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng
mga magbubukid o kaya ng serf ang mga produktong bukid
o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito
nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na
pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak
na lugar malapit sa palasyo o simbahan.
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar
na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng
taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-tagpo ang
mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong
piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi
ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito,
nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer),
na sa maliit na halaga ay namamalit ng ibat ibang barya.
Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang
pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado
ang mag-iwan ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng
salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng
salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong
dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibanglungsod.
Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko
ay nalinang sa hilagangItalya. Ang paggamit ng pera ay
nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa ibatibang lugar.

Ano-ano ang mga


mahahalagang
impormasyong
makukuha mula sa
teksto?
Unang Talata
________________
________________
_______________
Ikalawang Talata
________________
________________
_______________
Ikatlong Talata
________________
________________
_______________
Ikaapat na Talata
________________
________________
________________
Ikalimang Talata
________________
________________
________________

239

Ang Paglitaw ng Burgis


Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at
paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri
ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men
of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng
grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng
bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga
bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa
magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay
ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa
kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga
bagong yaman lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila
ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri
ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa
mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng
pag -uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi
na sa angkan.

Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag


na burgh. Ang mga taong nagtayo ng kanilang
tirahan dito ay karaniwang tinatawag naburgher.
Sa France, ang mga burgher ay kolektibong
tinatawag na bourgeoisie.
Ang mga burgher ay kakaiba sa
tradisyunal na paghahati ng lipunan batay sa
kanilang ginagawa. Hindi sila lordna may ari ng
lupa at nakikidigma. Iba rin sila sa pari na
nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim.
Ang mga naninirahan sa bayan ay nagkakaloob
ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang
dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at
umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga
mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng
bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o
middle class.
Sa bayan maaaring umangat ang
pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman at hindi
kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan.
Kadalasan, higit na mayaman pa ang mga
mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.

Ano-ano ang
mahahalagang
impormasyong
makukuha mula sa
teksto?
Unang Talata
_______________
_______________
_______________
______
Ikalawang Talata
_______________
_______________
_______________
______

Ano-ano ang mahahalagang


impormasyong makukuha
mula sa teksto?
Unang Talata
______________________
______________________
_______
Ikalawang Talata
______________________
______________________
_______
Ikatlong Talata
______________________
____
______________________
____
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang
Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong taon, nina
Mateo et. al pahina 202-203
240

Ang Guild System


Marami sa mga naninirahan sa
bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa
samahan ng mga taong nagtatrabaho sa
magkatulad na hanapbuhay.
Ang Merchant Guild
Ang mga unang guild
ay
binalangkas ng mga mangangalakal.
Nagpatayo sila ng mga bulwagang
pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga
detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng
guild ng mga mangangalakal ang lahat ng
kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang
hadlangan ang mga dayong mangangalakal
sa pagnenegosyo sa kanilang bayan.
Dahil sa kanilang yaman, lubhang
naging mahalaga ang mga merchant guild o
guild
ng
mga
mangangalakal
sa
pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga
merchant guild ang pagkakaroon ng sistema
ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal
para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng
iisang batayan ng timbang at panukat na
maaaring gamitin ng lahat. Minsan,
ginagampanan nila ang papel
bilang mga
pulis na
naglalaan
ng
proteksyon.
Maaari
rin
nilang
impluwensiyahan ang
mga lord na alisin
ang toll o bayad ng
mga daan sa mga
lupain nito.

Ang Craft Guild


Nang lumaki ang mga bayan, ang
mga artisan ay nagtatag ng sariling guild.
Ang bawat craft o kasanayan ay may
sariling guild. Halimbawa, ang mga
karpintero, barbero, panadero, sastre, at
iba pang hanapbuhay ay may sariling
guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang
guild ay hindi maaaring gumawa ng
produkto na ginagawa ng nasabing guild.
Halaw saKasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat
Para sa Ikatlong Taon nina Mateo et. al pahina

204-205

Bigyang kahulugan ang sumusunod


na konsepto:
Ang Merchant Guild
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Ang Craft Guild
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Halaw sa Project EASE Araling Panlipunan, Module9


(Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa)
Para sa karagdagang impormasyon, basahin an sumusunod:
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon
nina Vivar et.al

pahina152-156
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Mateo et.
al pahina 200-205

241

Gawain 21.Dahilan-Epekto
Panuto: Batay sa mga binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong
sagot.

Dahilan

Pangyayari

Epekto

Pag-unlad ng kalakalan

Paglitaw ng mga
Bourgeoisie

Ang paggamit ng Salapi

Pagkakaroon ng sistemang
Guild
Pamprosesong Tanong
1. Batay sa mga teksto, ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan
sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mga
burgis sa lipunan? Ipaliwanag.
3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang
mga pangyayaring nabasa mo sa mga teksto? Ipaliwanag.

242

Gawain 22.Sa Madaling Salita


Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikaapat na
kahon.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang


paglakas ng simbahang
Katoliko sa pag-usbong
ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


pagkakatatag ng Holy
Roman Empiresa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


paglulunsad ng mga
Krusada sa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


pag-usbong ng mga bayan
at lungsod sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong
Medieval?

GAWAIN 23: A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide)

Sagutin ang ang pangatlong kolum sa pamamagitan ng pagsulat


ng salitang sumasang-ayon o SA kung ikaw ay sumasang ayon sa
pahayag at hindi sumasang-ayono HSA kung ikaw ay di sumasangayon sa pahayag.

243

Bago ang
Talakayan

PAHAYAG
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman
at pananalasa ng ibat ibang pangkat ng
mga barbaro ay natapos ang Sinaunang
Panahon at pumasok ang pagsisimula ng
Panahong Medieval.
2. Si Charlemagne o Charles the Great
ang itinuturing na isa sa pinakamahusay
na hari ng Panahong Medieval.
Pinamunuan niya ang Holy Roman
Empire na sinasabing muling bumuhay
sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro,
naging kanlungan ng mga tao ang
simbahan. Naging mahalaga ang papel
ng papacy o ang tungkulin, panahon ng
panunungkulan
at
kapangyrihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad
ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyanismo sa iba pang
panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag noong Panahong
Medieval. Itinuturing itong sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko at militar na
sagot
sa
pangangailangan
sa
tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng
Piyudalismo
ay
tinatawag
na
Manoryalismo. Ito ay ang sistemang
gumagabay sa pamumuno ng mga hari
sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad
ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay
nakatulong sa paglago ng kalakalan at
ang paglago ng kalakalan ay nakatulong
din sa paglago ng mga bayan.

Matapos ang
Talakayan

244

8. Maaaring umangat ang isang tao sa


lipunan dahil hindi nakabatay sa
kapanganakan ang antas sa buhay kundi
sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil
sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe ay
nakatulong sa pagkakabuo ng
pandaigdigang kamalayan sa
kasalukuyang panahon.

Pamprosesong Tanong
1. Magkatulad ba ang iyong kasagutan sa una at ikatlong kolum?
2. Paano mo ilalarawan ang iyong kaalaman sa paksa batay sa gawain?
Ipaliwanag.
BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 3

Pagkatapos tuparin ang mga inihandang gawain sa bahaging


Paunlarin ng aralin, tiyak na sapat na ang iyong kaalaman sa mga
pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval. Maituturing ang mga pangyayaring ito na
bahagi ng transisyon sa daigdig. Dahil sa iyong mga natutuhan,
maaari mo ng gampanan ang mga inihandang gawain upang
mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa paksang ito.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa
tungkol sa paksang pinag -aralan. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay
kritikal mong masusuri ang mga epekto at kontribusyon ng ilang
mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng
pandaigdigang kamalayan.

245

Gawain 24.Bumuo at Matuto


Batay sa mga naganap na talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda,
ano-ano ang kontribusyon ng sumsunod na pangyayari sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval?
Panuto: Sumali sa pangkat at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon
ngmga nabanggit na pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe
sa Panahong Medieval. Bawat pangkat ay gagawa ng
powerpoint presentation at ilalahad ito sa klase.
Mga Pangyayaring Nagbigaydaan sa Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval

Ang Paglakas ng

Ang Holy

Ang

Roman
Empire

Paglunsad ng
mga Krusada

Ang Buhay sa
Europe Noong
Gitnang
Panahon

Kontribusyon

Kontribusyon

Kontribusyon

Kontribusyon

Patunay

Patunay

Patunay

Patunay

Simbahang
Katoliko Bilang

Isang Institusyon
sa Gitnang
Panahon

246

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng
Europe noong Panahong Medieval sa kasalukuyan?
2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap
ang pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag
Gawain 25.Makasaysayang Paglalakbay
Panuto: Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay
sa iyong mga naunawaan sa mga nakaraang aralin.
Ano ang kontribusyon ng ibat ibang panahon na tinalakay sa
modyul na ito sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan?

Pag-unlad

Pangdaigdigan
Kamalayan

Kabihasnang Klasikal sa
America, Africa, at mga Pulo
sa Pacific

Kabihasnang Klasikal

sa Europe

Mga Mahahalgang
Pangyayari sa Panahong
Medieval

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng
Pagnilayan at Unawain.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa
tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong Medieval. Tiyak na handa ka na para
sa susunod na gawain.

247

ILIPAT/ISABUHAY
Natitiyak kong lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa
daigdig sa mga Klasikal at Transisyunal na Panahon. Sa bahaging ito ng Modyul,
ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa kasalukuyan. Ano nga ba ang kahalagahan ng
mga paksang iyong pinag-aralan sa iyong buhay bilang isang indibidwal at bilang isang
bahagi ng daigdig na iyong ginagalawan? Isagawa ang sumusunod na gawain.

GAWAIN 25: Video-Kasaysayan


Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may tatlo hangang apat na miyembro.
Bawat grupo ay gagawa ng isang video tungkol sa pagmamalaki at
pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transiyunal na
Panahon.
Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng pagmamalaki at

Goal

pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transisyunal na


Panahon
Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawang video:

Role

a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng Klasikal


at Transisyunal na Panahon
b. Pangangatwiran ng pangangalaga sa nasabing pamana
c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon
Miyembro ng isang organisasyong pang-mag-aaral na may

Audience

adbokasiyang ipaalam sa mga kapwa mag-aaral ang kahalagahan ng


mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon
Mga kapwa mag-aaral

Situation

Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa mga

Product/Performance

pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.


Video

Standards

Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa sumusunod na


pamantayan

:
248

PAMANTAYAN
Pagsusuri sa Pagunlad ng
Pandaigdigang
Kamalayan

4
NAPAKAHUSAY
Komprehensibo at mahusay
ang
pagsusuri sa pag-unlad
ng
Pandaigdigang
Kamalayan
sa
pamamagitan ng paguugnay-ugnay
ng mga salik at epekto ng ibat
ibang pangyayari.

Ibinatay sa ibat ibang saligan


ang mga kaalaman tulad ng
mga aklat, pahayagan, video
clips, interview, radio at iba
pa.
sa Higit na nauunawaan ang
mga
paksa.
Ang
mga
panguhaning kaalaman
ay
nailahad at naibigay
ang
kahalagahan.
Wasto
at
magkaka-ugnay ang mga
impormasyon sa kabuuan.

Pinaghalawan ng
Datos

Kaalaman
Paksa

Organisasyon

Organisado
ang
mga
impormasyon.
Ang
presentasyon
ng gawain ay
malinaw na naipapahayag at
natatalakay
gamit
ang
makabuluhang
powerpoint
presentation.

MAHUSAY
Naipakita ang
mahusay
na
pagsusuri sa pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
sa
pamamagitan ng
paguugnayugnay ng mga salik at epekto ng
ibat ibang pangyayari.

Ibinatay sa ibat
saligan
ang
impormasyon
limitado lamang.

NALILINANG
Hindi gaanong naipakita ang
mahusay na pagsusuri sa pagunlad
ng
Pandaigdigang
Kamalayan sa
pamamagitan
ng paguugnay-ugnay ng mga
salik at epekto ng ibat ibang
pangyayari.

1
NAGSISIMULA
Hindi naipakita ang mahusay
na pagsusuri sa pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan sa
pamamagitan ng paguugnayugnay ng mga salik at epekto
ng ibat ibang pangyayari.

ibang Ibinatay lamang


ang Walang
batayang
mga saligan ng impormasyon pinagkunan. Ang mga
ngunit sa batayang aklat.
impormasyon
ay gawagawa lamang.

Naunawaan ang paksa. Ang


mga
pangunahing
kaalaman
ay
nailahad
ngunit di-wasto ang ilan.
May impormasyon na hindi
maliwanag
ang
pagkakalahad.

Hindi
gaanong
naunawaan
ang paksa.
Hindi
lahat
ng
pangunahing
kaalaman
ay nailahad. May mga
maling impormasyon
at
hindi naiugnay ang mga
ito sa kabuuang paksa.

Hindi naunawaan
ang
paksa.
Ang
mga
pangunahing
kaalaman
ay hindi
nailahad at
natalakay.
Walang
kaugnayan
ang mga
pangunahing
impormasyon
sa
kabuuang gawain.
Organisado ang mga paksa Walang interaksyon
at Di
organisado
ang
sa kabuuan at may maayos ugnayan sa mga kasapi.
paksa.
Malinaw
na
na presentasyon ngunit di Walang
malinaw
na walang preparasyon ang
masyado nagamit
nang presentasyon ng
mga paksa.
maayos
ang powerpoint paksa. May powerpoint
presentation.
presentation ngunit hindi
nagamit
at
nagsilbi
lamang na palamuti sa
249

Pagkamalikhain

Malikhain ang
nagawang
video. Bukod sa props at
costume ay gumamit ng ibat
ibang teknolohiya tulad ng
sound effects, digital at visual
effects
upang
maging
makatotohanan ang senaryo.

pisara
Malikhain ang
nabuong Hindi gaanong malikhain
video. Gumamit
ng mga ang video.
Gumamit ng
props at costume ang mga
mga props at costume
nagsipagganap.
subalit hindi
gaanong
angkop
sa
kanilang
ginawa.

Hindi malikhain
ang
ipinakitang
video.
Kulang sa mga props at
costume upang maging
makatotohanan
ang
senaryo.

Transisyon sa susunod na modyul


Binigyang-tuon sa Modyul na ito ang pagtalakay sa mga pangyayari sa
daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Nakasentro ang pagtalakay
sa mga kontribusyon ng bawat kabihasnan at pangyayari sa pagbuo ng
pandaigdigang kamalayan.
Mahalagang ikintal sa isip ang mga bagay na iyong natutuhan dahil
makatutulong ito sa lalo mo pang pag -unawa sa kasaysayan ng mundong
iyong ginagalawan. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang
susunod na pangyayari sa kasaysayan patungo sa kasalukuyang panahon.

250

GLOSARYO
Acropolis - ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsodestado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece
Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan
maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece
Barter- pakikipagpalitan ng produkto
Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay
hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian
Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay
Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal
Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang
Hellas, isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece
Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa
nilang tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain
Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko, gayundin sa
kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng Estado ng Vatican
Krusada - ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong
Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa
kamay ng mga ito
Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang
Obispo ng singsing at tauhan para sa kanyang opisina
Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong
nakatira sa kastilyo
Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng gitna, ang
Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America.

251

Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava


na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng
kutsilyo
Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America: nangangahulugan
ang salitang Olmec na rubber people dahil sila ang kauna-unahang
gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma.
Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa
sinaunang Athens
Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang
16 na hanay ng mgamandirigma
Piyudalismo - isang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na
nakabase sa pagmamay-ari ng lupa.
Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilasasyong nabuo sa
Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.
Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na tirahan ng diyos at
isa ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Tyrant- sa sinaunang Kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong
ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan
Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord
Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng
tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong maylupa.

252

BIBLIOGRAPHY
A. Books
Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan
Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes
St. St. Manila Philippines. 1999.
Banks, James A. et. al. World History. Adventures in Time and Place.
Macmillan/McGraw-Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York
10020. 1997. pp. 192-218, 422-448.
Beck, Roger B. et. al. A Modern History of the World. World History Patterns
of Interaction. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204.
1999 . 108-132, 138-166, 388-407
Boehm, Richard G. Our Worlds Story. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea
Harbor Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336338.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura.
Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.
2010. pp.
Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human
Experience. Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio
43081. 1999. pp.
Mercado, Michael M. Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette
Publishing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112
Quezon City. 2009. pp.
McCannon John. AP World History. Barrons Educational Series Inc. 250
Wireless Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69.
Millard, Anne. The Usborne Book of World History. Usborne Publishing Ltd,
20 Garrick Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91,
138-140.
Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston,
Massahusetts USA. 1989. pp.

253

B. Modules
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 4: Ang Pagsibol ng
Sibilisasyong Griyego
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 5: Ang Pagsibol ng Imperyong
Romano
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 6: Sinaunang Aprika
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa
Amerika at Pacifico
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 9: Ang Sistemang Piyudalismo
C. Websites
Colloseum
http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view/coliseum.jpg/92540006/colis
eum.jpg

Gregory I
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zurbar%
C3%A1n_040.jpg
Gregory VII
http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII1.jpg/251843136/174x220
Leo the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg

Lokasyon ng Digmaang Peloponessian


http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian
Map of Pacific Islands
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg
Mapa ng Minoan at Mycenean
http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

254

Mapa ng Mycenean Greece


http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
Migrasyon ng mga Austronesian
http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples
Moselum in Timbuktu
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg

Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia


http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIANWARS.gif
Paglalarawan kay Alexander the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BCmosaic-detail1.jpg
Parthenon
https://encryptedtbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcReawl5Xp8agCBTODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64yykmPzc7kg
Pisistratus
http://en.wikipedia.org/wiki/Cleisthenes
Pyramid of Kukulkan
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg
Punic Wars
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/79/First_Punic_War_
264_BC.png
Romulus and Remus
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6a/Shewolf_suckles_Romulus_and_Remus.jpg

Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara


http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.jpg/ 112619
921/timbuktu.jpg
Solon
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Solon2.jpg

255

You might also like