RPH Memoir 'Di Na Muli
RPH Memoir 'Di Na Muli
RPH Memoir 'Di Na Muli
Ni L.F.A.
Halos isang taon na rin ang lumilipas mula noong naramdaman ko ang tuwa nang i- announce
ang akala nati’y isang linggong klas suspensiyon. ‘Di ko na matandaan ang kung paano unti-
unting gumagapang ang inis sa aking sistema dahil sa siksikan at init tuwing lanch breyk,
kung paano akong tahimik na nagpaplanong tumakas sa hapon kapag kliners kami, kung
paano akong magpraktis ng “Good Morning po, sorry I’m late” bago kumatok sa pintuan ng
klasrum, at kung paanong nakaramdam akong ng saya kapag nakalimutan ng guro ang
asayment na ibinigay niya. Sa dami ng nagbago dahil sa pandemik na dumating ay hindi ko
na maisa-isa pa ang mga bagay na miss na miss ko na. Pero may isang di ko malilimutang
nagiging pagbabago sa buhay ko dahil pandemik. Dalawang linggo bago ang debut ko ay
nabalitaan kong aalis ang kababata at bestfriend ko. Uuwi sila sa probinsya para doon na
tumira dahil natanggal sa trabaho ang papa niya. Noong una ay ipinagkibit balikat ko iyon
dahil sabi ko “May internet naman, makakausap ko parin siya,”. Sa mga susunod na araw ay
mas dumalas ang pagpunta ko sa kanila. Sa puntong iyon ay narealize ko na na hindi na pala
pareho kapag umalis na siya. Iba na pala, di na pala ako muling makakapasok sa bahay nila at
humiga na parang nasa bahay namin ako. Palagi ‘kong tinatanong sa kaniya “Pa’no ka mag
aaral doon? Naka-enrol ka sa BSU diba?” sabay kasi naming nilakad at inasikaso ang mga
kailangan para sa darating na bagong school year. Ang lagi lamang niyang tugon ay bahala na
daw si Batman. Kapag ganoo’y di ko na pinalalawak pa ang usapan at titigil nalang sa
pagtatanong. Gabi noon nang umalis sila, kararating ko lang galing sa pagbabantay ko sa
tindahan habang nagpapaalamanan ay pinipigil kong tumulo ang luha ko. Matagal na panahon
na ulit bag ko siya makita, sa isip isip ko. Isa pang yakap at isa pang paalam ay tumulak na
sila paalis. Kumakaway ako hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Naalala ko tuloy noong
wala pang Covid.
Bago pa man magsimula ang kwarantin ay isa ako sa mga naniniwalang bayani ang dating
presidenteng si Marcos. Na siya ang pinakamahusay na naging presidente ng Pilipinas. Pro-
Marcos ika nga nila. Kaya sa mga oras na iyon ay hindi ko naiintindihan ang mga taong hindi
maniniwalang bayani si Marcos o marahil ay pinili ko lamang talagang isara ang isip sa mga
“paninira” sa kaniya. Noong mga panahong iyon, ang tanging nalalaman ko lang ay marami
siyang naipagawang mga naglalakihang gusali. Pinagbasehan ko ito upang magtapos sa
konklusyon na maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noon. Ni hindi ko pinagdudahan ang
mga kilos at desisyon ni Marcos dahil sa mga mababangong salitang nababasa at napapanood
ko sa internet. Lalong-lalo na ang aking kaalaman sa Batas Militar. Ang tanging
impormasyong nalalaman ko tungkol sa Batas Militar ay ipinatupad ito ni Marcos upang
protektahan ang mga Pilipino. Ganoon kababaw ang kabatiran ko tungkol sa nasabing isyu.
Hindi ko na inalam pa kung saan dapat protektahan ang mamamayang Pilipino noon, o kung
nasa kritikal na kalagayan na ba ang banta sa Pilipinas kaya kinailangan itong ipatupad. Sa
madaling salita, ako ay isang blind believer.
At noong dumating ang pandemya ay nagkaroon ng new normal. Walang hawakan, yakapan,
o mga pagtitipon, ipinagbawal. Onlayn ang pagpasok sa paaralan. Nakilala ko ang subject na
RPH. Itinuturo dito ang tungkol Batas Militar. Pagkabasa ko ng pamagat ng lesson para sa
araw na iyon ay nakaramdam ako ng kumpyansa sa sarili. Inakala kong maraming akong
nalalaman tungkol sa isyu. Ngunit nang simulang magtanong ng prof ko ay tila ba
nagulantang ako sa dami ng impormasyong hindi ko alam at kung gaano kababaw ang
kabatiran ko tungkol sa batas militar. Hindi pala dapat ganoon. Nagsimula akong
kuwestyonin ang sarili. Paano akong makakatulog kung batid ko na minsan kong sinuportan
ang kawalang hiyaan ni Marcos? Bakit pinabayaan ko ang sariling maniwala sa mga nababasa
at napapanood ko? Bakit hindi ako nagduda? Bakit hindi ako nagtanong? Pero bago ko pa
man masagot ang mga katanungan ko sa sarili ay sinagot na ito para sa akin ng aking guro,
“Kontrolado ni Marcos ang midya noon,” sabi niya. Ang naging reaksiyon ko na lamang ay
“Ah! Oo nga,”. Kaya pala. Kaya pala ang bango-bango ng pangalan niya. Kaya pala puro
magaganda ang salita ang lumalabas tungkol sa kaniya. Nagpakita pa ang guro ko ng
maraming ebidensiya na sumasalungat sa lahat ng aking nalalaman. At sa bawat isang
ebidensiya ay nanliliit ako sa hiya. Di makapaniwalang ang kababuyang ginawa ni Marcos sa
Pilipinas ay minsan kong kinampihan ng hindi ko nalalaman. Pero sa likod ng isip ko ay batid
kong hindi pa huli ang lahat upang alamin ko ang mga tunay na nangyari noon. Nakinig
akong mabuti. Itinama ko ang bawat mali sa “katotohanang” aking pinaniwalaan. Sabi nga
nila’y Don’t be afraid to change your speech when presented with new information.
Pagkatapos ng klase ay tila ba hindi kinaya ng utak kong intindihin lahat ng bagong
impormasiyon. Pero masaya ako. Masaya ako na nabatid ko ito. Masaya ako na ang
pagkaligaw ko sa kurso kong ito ay may maidudulot sa maganda sa buhay ko. Sometimes the
wrong train will take you to the right destination ayon nga sa aking nabasa.