Ang Lipunan Ang Siyang Nagdidikta

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang lipunan ang siyang nagdidikta, sumusulat at nagbibigay ng kahulugan sa batas.

 Aminin man nating lahat o hindi tayo, bilang bahagi ng lipunan, ang siyang nagdidikta ng mga
batas. Ayon sa ating pangangailangan, ayon sa ating kakayahan, ayon sa ating kagustuhan, ayon
sa ating makasarili at ‘de kahong’ paniniwala at pagpapakahulugan sa isang mabuti at masamang
tao/pook/kaugalian/prinsipyo.

Ang mga taong hindi marunong sumunod sa batas na dikta ng lipunan na kayang ginagalawan ay
maituturing na taksil at itatakwil.  Ipatatapon ka sa isang estado kung saan, kulang na lang isulat
sa noo mo at humawak ng isang placards na may nakasulat: Isa akong Makasalanan at
Kriminal.

Kung noong panahon ni Rizal, may itinuturing na filibustero, ngayon may mga taong, gaya ko,
tinatawag na Manang, KJ, Loner, Geek at kung anu-ano pang bansag na minsan ay alam kong
‘di na makatarungan, at kailanman ay hindi magiging makatarungan, saang anggulo mo man
tingnan.

 Ang sabi nila malaki na daw ang pinagbago ng ating lipunan ngayon. Mas-lenient, mas open-
minded, na daw tayo ngayon, kumpara noon na ang maliit na pagkakamali ay may katumbas na
nakamamatay na kaparusahan. Ang tanong ko, tunay nga bang malaki na ang pinagbago ng ating
lipunan ngayon? O nananatiling mapanghusga, iba lang ng paraan ng pagpaparusa?

Oo nga naman. Kung tutuusin, sa ating makabagong panahon, sa panlabas na anyo ay malaki na
pinagbago ng lipunang ating ginagalawan. Ngunit hindi pa din natin maikakaila na sa likod ng
makabagong panahon; sa likod ng facebook, tweeter, atbp; sa likod ng makabagong teknolohiya
nagkukubli ang mga matang mapanghusga.

Then let me give you a few instances na talaga naming ‘di mapagkakaila ang pagiging kritiko ng
isang tao at palaging may ‘nasasabi’.

1. Ang saya. Noong panahon ng kastila o hindi pa man, mahaba ang saya ng mga
kababaihan. Pero sa paglipas ng panahon unti unti umiiksi at nababawasan ang haba nito.
Noon kapag naglakad ka sa kalsada ng naka-mini skirt kukurutin ka sa singit ng nanay
mo, sasabunutan at sasabihan kang ‘atat ka sa lan**’. Ngayon, kapag naglakad ka ng
naka-mini skirt , hindi ka na kukuritin ng nanay mo at sasabihan ng kung ano ano,
sasabihin na lang ibang babae na kasabay mo sa bus, ng officemates mo; ay kinulang ng
tela at pagkatapos pilit na hahanapan ng pasa, sugat, ugat, o kagat ng isekto ang legs
mong may “k” mag mini-skirt.

 Isa pa, kung noon isang malaking kasalanan ang pagsasaya ng mahaba, ngayon subukan mong
magsaya ng tulad ng kay Maria Clara, ewan ko lang kung hindi ka tignan mula ulo hanggang
paa, at hanapan ng bibliya. Huling hirit, noon ang saya ay para sa mga babae lamang ngayon
pwede na sa lahat. Yun nga lang kapag nakita ng isang babae ang isang lalake na naka-skirt at
nakita niyang mas-maganda ng legs nung lalake sa kanya eto lang ang sasabihin niya sa kasama
niya: may Matres naman ako. Ang masasabi ko lang sa parehong pagkakataon, nakikitingin ka
lang. Kung nainsulto ka dahil masmaganda ang legs niya sayo, wag mong tignan dahil di lahat ay
biniyayaan ng magagandang legs. ‘Wag kang maging mapanghusga, lalo na dahil lang
masmaganda siya sa’yo. Wag kang maghanap ng pangit sa ibang tao para lang sa ikagaganda
mo.

2. Kapag magkasama ang dalawang same sex. Noon, kapag ang dalawang babae o lalake
magkasama walang komento, ngayon subukan mong maglakad sa mall kasama ang
barkada mo na babae o lalake, at kayong dalawang subukan mong lumingon for sure
yung nasa likod ninyo nakatingin sa mga kamay ninyo naghihintay na mag-holding hands
kayo o kung hindi naman nagbubulungan. Noon kapag magkasama ang isang babae at
lalake, kung hindi magkamaganak, magkasintahan o magasawa, kung magkaibigan man
sila wala sa choices yon kasi “hindi daw pwedeng magkaron ng friendship sa pagitan ng
opposite sex”. Ngayon, ganon pa rin naman, naniniwala pa din sa dekahong kasabihan,
na di ko alam kung kaninong labi nagmula.

Ngayon saan mo ilulugar ang sarili mo? Either it be on opposite or same sex may nasasabi ang
mga taong nagke-claim na liberated na sila kaya okay lang. Okay lang ba talaga? Ang masasabi
ko lang sa mga taong mahilig magbigay ng malisya, kung di ka naniniwala na pwedeng
magkaroon ng pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at lalake, bakit di mo kaya subukan para
mapatunayan mo?

3. Kapag di mo trip magpunta sa mga bars or clubs isa kang KILL JOY commonly
known as KJ. Eto ang pinakamagandang set-up nito ay sa mga career men and women
na, pwede din sa mga college students, pero mas kitang kita talaga ‘to sa mga
nagtatrabaho. Kahit ako nasasabihan ako nito, at dito talaga umiinit ang ulo ko. Hahahah!
Masyado kasi.! Hahahah! The set up would be Friday night, it’s either bagong sweldo or
Friday na pinakamalapit sa araw ng sweldo. Magaaya inuman, kumain sa labas, punta sa
bars or disco or clubs. Nothing that bad really, I mean anybody who wants to join can
join, di ba? But the real thing happens for those who will decline and say otherwise.
Napakadaming madidinig. Daming sinasabi.

Based on experience na lang, ganyang ganyan syempre I declined. Unang una, I don’t enjoy
crowded places; pangalawa, kung pupunta ako dun, oo kakain ako pero for sure papainumin ako
syempre bukod yun sa tubig at juice alam na natin yan, at syempre hihindian ko ang (akala nila
precious moment dahil tinanggihan mo ang rare opportunity na inaalok nila) anumang alak na
inaalok nila, yan na naman. Madadaig pa ang nanay ko kung magsermon, na kesyo bakit pa daw
ako sumama eh wala naman akong gagawin, kung ayaw ko daw uminom sumayaw na lang daw
ako(may condition pa, oh di ba san ka pa?).  Pangatlo, mahirap umuwi ng madaling araw,
delikado na yon. Syempre kapag gusto maraming paraan kapag ayaw maraming dahilan, kung
sino sino ang magaalok na ihahatid ako or patutulugin ako sa bahay nila. Eh pero dahil talagang
ayaw ko, ayaw ko talaga. Hahaha! At eto na nadinig ko sa pa-demure effect naming admin
assistant sabi niya: Anu ba yan ang KJ mo naman, minsan lang naman eh. Sumama ka na, sabay
second demotion ng Marketing officer namin: Oo nga KJ mo naman. At hindi ko napigilan na
tumahimik at pairalin ang mala- espada kong paningin. Hahaha! Nainis ako non, sino kayo para
magsalita ng ganyan? As if naman I would be degraded just because I did not join you. Duh?
Okay lang naman kung sabihan ako na sayang naman kung ayaw ko talaga, at next time na lang,
malamang mahiya pa ako kung ganyan ang nadinig ko. Hahaha!
Kung noon isang malaking kasalanan ang magkaroon ng night life at tiyak na kung ano ano ang
madidinig mo lalo na kung babae, ngayon kapag wala kang ganyan KJ ka. Bakit kaya wag mo
nalang pakialaman ang nightlife ko ng makarami ka, hindi yung sinasayang mo ang energy mo
sa pagsasabi ng KJ?

These are just few of the situations and instances na kahusga husga sa paningin ng ibang tao.
Siguro sa ginawa ko ngayon, maaari ninyong masabi na ako mismo ay nagiging mapanghusga at
nagmimistulang kritiko, yun nga lang ang kalalabasan ay Le Me Vs. Le Society. Maaaring tama
kayo, pero ang nais ko talagang tukuyin ay ang pagkukunwari. Marami ang nagsasabi na
“liberated persons” sila, pero sa kabila ng lahat, di nila mapigilan ang mga sarili nila na magisip
sa konbensyonal na paraan pagiisip. Naroroon pa din sa loob ng kahon, akala lang natin
“liberated” na nga pero ang totoo, lumaki ng yung kahon, naging high-tech pero kahon pa din
yon at hindi siya nawala. At ang nagiging basehan natin ng kung ano ang tama at mali ay nag-
evolve lang, pero ang mga yon nakabase sa dekahong paraan ng pagiisip. Tuloy, sa lipunan natin
ngayon na lumalabas na nakaangat, dahil na siya ay ganon at mastanggap, at siya ay ganito kaya
di siya katanggap tanggap.

Isa pa, ang pag-criticize. Ang sabi nila hindi na daw sing lupit gaya noon, pero sa totoo lang
ganon pa din. May iilan na sinasabi ng personal, gaya ng naranasan ko, pero pangkaraniwan tinu-
tweet na lang dati shout-out ngayun tweet na lang. Naging high-tech lang, hindi nawala.
Nagkukubli sa mga makabagong kagamitan natin ngayon. Tuloy nasasabi ng karamihan na hindi
na malupit ang tao lipunan ngayon, eh hello ano ang tawag sa bashers, at sa cyber bullying?
Pakiramdam ko niloloko lang natin ang ating mga sarili. Don’t get me wrong, naniniwala ako na
mabuti ang tao. Pero hindi ko lang maiwasang maisip na ang mga taong nagke-clain na liberated
na sila ay siya mismong nagiisip sa isang paraang ubod ng kitid.

Kailan kaya matatanggap ng tao at lipunan ang kapwa niya, kahit may konting pagkakaiba ang
pagkatao niya sa karamihan? Kailan kaya matututo na respetuhin ng tao ang kanyang kapwa, sa
paraang yon maiiwasan ang pag-iisip nang makitid.

You might also like