Ang Kuba NG Notre Dame Suring Basa
Ang Kuba NG Notre Dame Suring Basa
Ang Kuba NG Notre Dame Suring Basa
Buod:
Noong unang panahon ay may isang kuba na may taglay na kapangitan, sya ay si
Quasimodo. Mayroon ding napakagandang mananayaw na nagngangalang La Esmeralda
at nabighani sa kanya si Quasimodo. Nagkagusto din kay La Esmeralda ang paring si
Claude Frollo at si Phoebus, ang kapitan ng kaharian. Sa labis na pagkagusto ni Frollo
kay La Esmeralda ay agad mya itong sinunggaban habang naglalakad ngunit nailagtas ng
pilosopong si Pierre Gringgoire si La Esmeralda. Ipinadakip at itinakdang bitayin si
Quasimodo ngunit hindi ito natuloy dahil sa pakiusap ni Esmeralda. Dahil dito ay lalong
nahulog ang loob ni Quasimodo kay Esmeralda. Nagkaroon sila ng pagkakataon upang
kilalanin ang isa’t isa. Ngunit mayroon ngang humahadlang sa kanilang dalawa at
wqalang iba kundi si Frollo. Si Calude Frollo na isang pari ang nagging dahilan ng
paghihirap ni Quasimodo at La Esmeralda. At siya din ang naging dahilan ng pagkamatay
ni La Esmeralda.
I. Panimula
A. Uri ng Panitikan
- Ang Kuba ng Notre Dame ay isang uri ng Nobela na mayroong
mga kabanata.
B. Bansang Pinagmulan
- Ang nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay nagmula sa bansang
France o Pransiya.
D. Layunin ng Akda
- Layunin ng akdang ang “Ang Kuba ng Notre Dame” na Makita ng
isang mambabasa ang magandang mukha ng france sa kanilang
panitikan. Layunin din nito na ipaintindi o maipaunawa sa mga
mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba’t ibang paraan.
II. Pagsusuring Panglinggwistika
A. Matatalinhagang salita/pahayag sa may akda
Tiyanak na monghe – masamang tao
Kahabag-habag – kaawa-awa
Pakikipagtipan – pakikipagkita
Lapastanganin – saktan
Pagnanasa – pagkagusto sa isang tao o bagay
Binabagtas – tinatahak
Napagawi – napunta
Kutyain – laitin o pagsaliaan ng masama
Ulirat – katinuan
B. Bisa sa Kaisipan
Huwag nating I diskrimina ang mga taong naiiba sa atin alim rin
natin ang kalagayan nila at wag silang itratong naiiba sa atin
C. Bisa sa Damdamin
Alamin ang kalagayan ng mga taong idinidiskrimina ng lipunan o
ng mga tao, huwag panisin ang kanilang kapansanan at ituring
silang pantay sa bawat isa.
D. Bisa sa Kaasalan
Huwag nating gayanin ang mga taong idinidiskrimina ang iba dahil sa
kakaiba na pisikal nilang taglay matuto tayo na tanggapin ang
pagiging iba ng iba.