Aralin 1.2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

Modyul 1

Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean

Aralin 1.2
Bahagi ng Sanaysay GAWAIN 1: Tala-Kaalaman
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang Basahin ang ilang bahagi ng
isang anyo kung gaano dapat mabatid o hindi mabatid
isang sanaysay. Ilahad ang
ang tungkol sa ating kalikasan. Pagmasdan! May mga
taong naninirahan sa yungib na may bukas na bunganga
pananaw / kaisipang nalaman at
patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y tukuyin kung saan maaaring
naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at matagpuan ito sa isang sanaysay.
leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, Gamitin ang talahanayan sa
ito’y hadlang sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. pagsagot .

Anong pananaw / Saang bahagi ito


kaisipan ang matatagpuan?
nakapaloob?
Bahagi ng Sanaysay GAWAIN 1: Tala-Kaalaman
Basahin ang ilang bahagi ng
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng
isang sanaysay. Ilahad ang
dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin pananaw / kaisipang nalaman at
ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang tukuyin kung saan maaaring
ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang matagpuan ito sa isang sanaysay.
gawi? Gamitin ang talahanayan sa
pagsagot .

Anong pananaw / Saang bahagi ito


kaisipan ang matatagpuan?
nakapaloob?
Bahagi ng Sanaysay GAWAIN 1: Tala-Kaalaman

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong Basahin ang ilang bahagi ng
dagdagan mahal kong Glaucon sa mga dating katuwiran. Ang isang sanaysay. Ilahad ang
bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang pananaw / kaisipang nalaman at
araw. Hindi mo ako mamamali kung pagpapakahulugan mo na tukuyin kung saan maaaring
ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa matagpuan ito sa isang sanaysay.
patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong Gamitin ang talahanayan sa
paniniwala.
pagsagot .

Anong pananaw / Saang bahagi ito


kaisipan ang matatagpuan?
nakapaloob?
Gawain 2: Pagtibayin ang Palagay Batay sa larawan, dugtungan ang
pahayag sa speech balloon ng iyong
nabuong konsepto, o pananaw gamit ang
mga ekspresiyon ng pagpapahayag.

Sa aking pananaw, _________________


__________________________________
________________________________

Sa kabilang dako, ___________ Sang-ayon sa, ____________________


__________________________ Ayon sa, ____________________ _______________________________
___________________________
Alam mo ba na…
ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan? Makikita sa salitang
“sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang
dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang
“sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay
tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga
impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:
1. PANIMULA
2. GITNA o KATAWAN
3. WAKAS
3 Mahahalagang bahagi o balangkas

1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o


pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang
kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o
suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at
katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi
ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw
ng temang ito.
Halimbawa:
Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi.
Ang lahat ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at
gugulin sa wastong paraan.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos
na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa
pag-unawa sa sanaysay.
Halimbawa:
Panimula
Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang harapin ito nang buong tatag.
Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo. Masdan
ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kontento na sila
sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa lipunan. Ang isang
mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila kung paano tutuklasin ang
kanilang natatagong galing na maaaring maging puhunan nila ng pagkakaroon ng
munting negosyo.
Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.


Halimbawa:
Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay


nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Halimbawa:
Sadyang mahirap ang buhay ngayon.
Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di
maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng piling mga salita.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay,


masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda.
Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga
nagdaraan.
Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin
nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.
Ang Alegorya sa Yungib
ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
Ang Alegorya sa Yungib

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat


mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan
nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay
nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng
kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab,
sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay
dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na
pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding
na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy
at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa
akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.
Ang Alegorya sa Yungib
Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili
nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na
dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi
niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila
ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula
sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang
dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino
ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na
magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa
kanilang pagkakamali.
Ang Alegorya sa Yungib
Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon,
lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo
ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang
kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos
isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang,
ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na
siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon niya?
O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga
bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya
siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa
mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang
nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang
aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na
nakikita sa kasalukuyan?
Ang Alegorya sa Yungib

Totoo, ang sabi niya.


At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at
bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw,
hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang
kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga
bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At
makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at
iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa
liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang
makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw
na hatid ng umaga.
Tiyak.
Ang Alegorya sa Yungib

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At


ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang
siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan
tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang
karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na
mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa
kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino
ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para
sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na
dangal at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya
babanggitin ang tinuran ni Homer.
Ang Alegorya sa Yungib

“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At


matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at
mamuhay katulad ng kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga
huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa
pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula
sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging
matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit
ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa
kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas
mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na
palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at
dalhin nila sa kamatayan.
Ang Alegorya sa Yungib

Walang tanong, ang sabi niya.


Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong
Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw
ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang
paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na
mundo batay sa mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng
Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa
mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at
matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat
ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng
dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may
katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang
mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito .
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.
Ang Alegorya sa Yungib

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na
ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa
itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan;
magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay
mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa
banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng
labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay
kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte
o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging
maunawaan nang ganap ang katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.
Ang Alegorya sa Yungib
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga
paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa
paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may
pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una
niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na
buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na
nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay
maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na
nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito
kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag
patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.
Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan
ni Plato sa halaga ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng
tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan.
Ang Alegorya sa Yungib

Ngayon, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo
upang masagot ang tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng
kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling
pananaw?
Ang Alegorya sa Yungib
Ang Alegorya sa Yungib
Ang Alegorya sa Yungib
GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan
Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng bilog na magkatulad o magkaugnay ang
kahulugan. Gamitin sa sariling pangungusap. Gawin sa iyong kuwaderno.

Wastong
Nagliliyab Pagmasdan mahirap
pag-iisip

mahirati pagmasid mahumaling Intelektuwal


GAWAIN 4: Pag-unawa sa akda

1. Ibigay ang paksa ng sanaysay.


2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila
tinawag na mga “bilanggo” ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.
3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang
“katotohanan” ng mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay. Bigyang-
kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib at
matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais ipakahulugan ng
pangyayaring ito?
4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin sa
liwanag na nasa labas ng yungib.
GAWAIN 4: Pag-unawa sa akda
5. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon.

a. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.

b. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.

c. Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.

d. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang


nang may pagpupunyagi.

e. Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong


buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.
GAWAIN 4: Pag-unawa sa akda

6. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng “katotohanan” at


“edukasyon” sa buhay ng sangkatauhan? Ipaliwanag.
7. Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa kaniyang
sanaysay tungkol sa “katotohanan” at “edukasyon?” Pangatuwiranan ang iyong
sagot.
8. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng sanaysay?
Patunayan.
9. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng bansang
Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?
Suriin ang balangkas ng sanaysay sa pamamagitan ng pagsagot ng mga

GAWAIN 5: Pagsusuri sa Sanaysay


tanong sa grapikong presentasyon.

Ang Alegorya ng Yungib

Tanong Sagot

Paano sinimulan ni Plato ang


kaniyang sanaysay?

Ano-ano ang naging pananaw ni


Plato sa tinalakay niyang paksa?

Paano nagbigay ng kongklusyon si


Plato sa kaniyang sanaysay?
GAWAIN 6: Magsanay sa SANAYSAY

Maghanap o kumuha ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa sa


Mediterranean buhat sa mga balita, dokumentaryong pantelebisyon, o video sa
youtube na maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang Alegorya ng
Yungib.
Pagpipilian:
Mga Bansa sa Mediterrean Isyu

Greece •Bumabagsak na Ekonomiya ng Bansa

Turkey •Ang Terorismo sa Bansa

Albania •Pagkasira sa Kagubatan

Morocco •Lumalalang Polusyon

France •Legalidad sa Kasal ng DalawangMagkatulad na Kasarian


GAWAIN 7: Larawan ng Pagkatuto
Gumupit o gumuhit ng larawan kaugnay sa isa sa mga isyung tinalakay
sa sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib.” Bumuo ng maikling talata na
nagpapaliwanag tungkol dito.
Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto
Ang Ningning at Ang Liwanag

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan


ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning
na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao
ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim
ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang
isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y
napapangiti, at isasaloob.
Ang Ningning at Ang Liwanag

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo
at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na
nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at
walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng
bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay
sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang
maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t
di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang Ningning at Ang Liwanag

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi


mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na
mapatatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan
nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa
at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?
2. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay.
3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa kalagayang
panlipunan noong panahong naisulat ito.
4. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang layunin ni Jacinto sa pagsulat nito?
5. Suriin ang sanaysay batay sa sumusunod na mga bahagi ng isang sanaysay.
a. Tema at Nilalaman
b. Anyo at Estruktura
c. Wika at Estilo

GAWAIN 8: Pagpapalawak ng Kaalaman


Alam mo ba na…
may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig
ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay,
para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at
iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan
ng isang tao.
Halimbawa :
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
• Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On
Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga
asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
• Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
• Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
• Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang
bayan, taglay niya ang kalayaan.”
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng
• Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang
saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya.
• Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang
kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
• Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang
nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
• Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa
lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
• Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya
patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko


• Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang
krimen.
• Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang
lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad
ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng
pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod
na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
• Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga
anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung
sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.
• Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy
malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay
ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
b. Samantala
• Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais
makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong
pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng
kanilang boto.
Pagsasanay 1: Kopyahin ang
talata sa sagutang papel at A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago,
salungguhitan ang kaya hindi katakatakang ang mga pulo sa buong
ekspresiyong ginamit sa bansa ay tigib ng mga kayamanang-dagat na
pagpapahayag ng konsepto ng maipagkakaloob ng iba’t ibang uri ng damong-
pananaw o ekspresiyong dagat. (2) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr.
nagpapahiwatig ng pagbabago Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa
o pag-iiba ng paksa o Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng
pananaw. Pilipinas, ipinakita niya ang pangangailangang
linangin ang kayamanang-dagat para makatulong
sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3) Ayon
sa kaniya, maraming damong-dagat na makikita sa
dagat ng Piipinas bagaman iilan pa lamang sa mga
ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang
komersiyal.
Pagsasanay 1: Kopyahin ang
talata sa sagutang papel at
salungguhitan ang B. (1) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliranin
ekspresiyong ginamit sa na kinakaharap ng Morocco ay ang isyung
pagpapahayag ng konsepto ng pangkalikasan. (2) Ang polusyon sa bansa ay isang
pananaw o ekspresiyong salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay
nagpapahiwatig ng pagbabago kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan.
o pag-iiba ng paksa o Higit pa dito, ang pagtagas ng langis ay hindi
pananaw. natugunan nang maayos. (3) Ayon sa isang kritiko,
ang isyung pangkalikasan ay hindi binibigyan nang
seryosong tuon ng pamahalaan. Sa tingin niya,
makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o
patubig sa kabukiran upang maiwasan ang
pagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng pagpigil sa
pagdaloy ng kontaminadong tubig.
Pagsasanay 1: Kopyahin ang
talata sa sagutang papel at
salungguhitan ang C. (1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may
ekspresiyong ginamit sa malaking naitutulong sa pagpasok ng salaping
pagpapahayag ng konsepto ng dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng
pananaw o ekspresiyong isang bansa ang dolyar upang ang napagbilhan
nagpapahiwatig ng pagbabago ay ibibili naman ng kalakal na hindi lokal na
o pag-iiba ng paksa o naipoprodyus. (2) Ang pagbili ng kalakal isang
pananaw. bansa mula sa ibang bansa gaya ng langis at mga
kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-
aangkat o import. (3) Sa isang banda,
masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin
para sa isang maunlad na bansa.
Pagsasanay 1: Kopyahin ang
talata sa sagutang papel at
salungguhitan ang D. (1) Ayon sa isang magulang na Pranses,
ekspresiyong ginamit sa “patuloy siyang magpoprotesta laban sa
pagpapahayag ng konsepto ng panukalang batas tungkol sa pagiging legal ng
pananaw o ekspresiyong kasal ng dalawang taong nagmamahalan na may
nagpapahiwatig ng pagbabago parehong kasarian.” Sa ganang kaniya,
o pag-iiba ng paksa o mahalagang ipaglaban at ipabatid sa
pananaw. mamamayan “ang kahalagahan ng pamilya.” (2)
Kaugnay nito, isa sa pinakamalaking protesta
laban sa “same-sex marriage” ay naganap nang
magsama-sama ang mamamayan mula sa iba’t
ibang probinsiya ng Pransiya. (3) Ang panukalang
batas na ito ay nagbunsod ng samo’t saring
karahasan sa bansang Pransiya. Naghatid din ito
ng ingay sa iba pang bansa.
Pagsasanay 2: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo
ang Konsepto ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Sa ganang akin Batay sa S a ti n g i n n g
Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko
1. _____ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang
nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay
nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____ Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan
matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
4. _____ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang
paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang
isang bata.
5. _____ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng
komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng
kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.
Pagsasanay 3: Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong pananaw
tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig na nakasulat sa kahon.
ayon sa sa palagay ko sa kabilang banda
batay sa sa ganang akin sa kabilang dako
sang-ayon sa sa tingin ko samantala

KAHIRAPAN KARAPATANG PANTAO


Pananaw: __________ Pananaw: __________
___________________. ___________________.

CHILD LABOR EDUKASYON


Pananaw: __________ Pananaw: __________
___________________. ___________________.
Pagnilayan at Unawain
Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
nakatala sa kasunod na talahanayan. Magbigay ng dalawang kasagutan sa bawat tanong.
TANONG SAGOT 1 SAGOT 2

Paano nakatutulong ang Nakatutulong ang sanaysay sa Maaaring sa panimula ay


sanaysay na magkaroon ng pamamagitan ng ______, sa gitna o katawan ay
kamalayan sa kultura at _______________________. ___ at sa wakas ay ________.
kaugalian ng isang bansa?
Ilipat
Photo Essay (Sanaysay ng Larawan) – Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa isang
partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at
mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Photo Essay:
1. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo essay.
3. Hanapin ang “tunay na kuwento.” Matapos ang pananaliksik, maaari munang matukoy
ang anggulo na gusto mong dalhin ang iyong kuwento kahit na ang bawat ideya ng
kuwento ay pareho. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay nararapat na
lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kuwento.
Ilipat
4. Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa. Pinakamahusay na
paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay larawan sa madla ay ang mga damdamin
nakapaloob sa kuwento at gamitin ito sa mga larawan.
5. Pagpasyahan ang mga kukunang larawan. Magsimula sa paglikha ng isang listahan ng mga
kuha para sa kuwento. Ang bawat “shot” ay tulad ng isang pangungusap sa isang kuwento
sa isang talata. Maaari kang magsimula sa 10 “shots.” Ang bawat “shot” ay dapat bigyang-
diin ang iba’t ibang mga konsepto o emosyon na maaaring pinagtagpi kasama ng iba pang
mga larawan.
Rose Ann Bayeta
Glenda Beron
Kristel Arroyo Modyul 1
Moses Liemel Caspe
Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean
SSC-10
Aralin 1.2

You might also like