Gutierrez, Ivan Jhon D.

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Suring-Basa sa Nobelang

“Ang Kuba ng Notre Dame”


Ipinasa NI: Ivan Jhon D. gutierrez
Baitang/Pangkat: 10 - CHIVALRY
Ipinasa kay: g. nestor r. pablo
PERFORMANCE TASK 2 (UNANG MARKAHAN)

I. PANIMULA
uri ng panitikan: Nobela
bansang pinagmulan ng akda: Ang nobelang “Ang Kuba ng
Notre Dame” ay nag-mula sa bansa Pransya.
pagkilala sa may-akda o awtor: Isinulat ng manunulat na si
Victor Hugo ang nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”
dahil siya ay nag-aalala sa yumayabong interes ng mga
tao’t arkitekto sa modernong arkitektura at pagka-walang
bahala, pagkasira, at pagpapalit na isinasagawa sa mga
istrukturang Gothic.
layunin ng akda: Ang layunin ng akda ay maging
kasangkapan upang gawing laganap ang kagandahan ng
arkitekturang Gothic at tuligsain ang modernisasyon ng
mga imprastraktura sa Paris.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
Tema o Paksa ng Akda: Pag-ibig Laban sa Pagnanasa, Hustisya,
Katiwalian sa Relihiyon, Diskriminasyon, at Alienation. Ang
paksa ng akda ay ang kapus-kapalaran ni Quasimodo at ang
walang paubayang pag-ibig niya kay La Esmeralda.
Mga Tauhan / Karakter sa Akda:
Quasimodo: Itinuturing na “Papa ng Kahangalan”. Siya ay
pinagtatawanan, nilalait, at kinukutya dahil sa kanyang
itsura at kapansanan.
La Esmeralda: Siya ang dalagang mananayaw na handang
mamatay para sa kanyang mahal sa buhay.
Archdeacon Claude Frollo: Siya ang paring may pagnanasa
kay La Esmeralda na nakalimutan ang buong pagkatao at
ang kanyang katayuan dahil dito. Siya ang umampon kay
Quasimodo subalit nagpakita ng kasakiman sa pagmamahal
at pagiging hipokrito.
Suring-Basa sa Nobelang
“Ang Kuba ng Notre Dame”
Mga Tauhan / Karakter sa Akda:
Pierre Gringoire: Siya ang nagpupunyaging makata at
pilosopo na ninais makisali sa pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw.
Phoebus: Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa
kaharian na may malalim ding kagustuhan kay La Esmeralda.
Sister Gudule: Siya ang ina ni La Esmeralda na dating
mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak.
Tagpuan / Panahon: Ang nobela ay naganap sa Katedral ng
Notre Dame sa Paris, France noong 15th siglo.
BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
- Itinanghal si Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame, bilang
“Papa ng Kahangalan” subalit siya ay sinagip ni Claude
Frollo.
- Nagulat si Esmeralda nang sunggaban siya nina
Quasimodo at Frollo. Sinubukan tulungan ni Gringoire ang
dala subalit wala siyang nagawa. Nakatakas si Frollo at
nadakip naman si Quasimodo.
- Na-akit ni Esmeralda si Phoebus at inaya niyang mas lalo
pang magkakilala mamayang gabi.
- Pinag-aralan ni Frollo ang itim na mahika dahil sa
matinding pagnanasa kay La Esmeralda. Sinundan niya si
Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda.
- Biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit
mabilis ding naglaho ang may sala. Dahil dito, hinuli ng mga
alagad ng hari si La Esmeralda.
- Bago bitayin si La Esmeralda, sinagip siya ni Quasimodo.
- Tinangkang hamakin ni Frollo si Esmeralda subalit hindi
siya nagpatinag.
- Nagkasama si Esmeralda at Sister Gudule at napagtanto
nilang sila ay mag-ina.
- Kalaunan, nadakip si Esmeralda at napatay ang kanyang
inang pinagtangkaang isinasalba siya.
- Binitay si Esmeralda at nang makita ni Quasimodo ito, siya
ay napuno ng matinding galit na nag-udyok sa kanya na
patayin si Frollo.
Suring-Basa sa Nobelang
“Ang Kuba ng Notre Dame”
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
Mga Kaisipan / Ideyang Taglay ng Akda:
Hustisya - Sa sitwasyon ni Quasimodo at Claude Frollo,
makikita natin na ang hustisya ay minsan ding bulag.
Makakalap din na nakakatakas sa dakma ng hustisya ang mga
makapangyarihan at nahahatulan ang mga inosente ng
maling pagpapasiya.
Pag-ibig - Makikita natin ang malawak na diperensya ng
pagibig sa pagnanasa. Ang pag-ibig na taglay ni Quasimodo
para kay La Esmeralda ay handang sumaklolo, walang sawa,
at walang hangganan. Na maihahambing sa pagnanasa ni
Claude Frollo na ipinagbunyi lamang ang kayamuan.
Alienation - Ang alienation ay ang estado ng pagiging
nakahiwalay sa lipunan kung saan ang isa ay dapat na
sangkot. Makikita natin ang alienation ni Quasimodo sa
lipunan dahil sa kanyang itsura at pagtrato sakaniya.
Katiwalian sa Simbahan - Si Claude Frollo na isang
Archdeacon sa Simbahan ay natukso ng kaniyang pagnanasa
kay Esmeralda na isang kasalanan at nagdulot sakaniyang
talikuran ang Diyos at sanayin ang itim na mahika. Masusuri
natin na kahit pari si Frollo, hindi pa rin nakaligtaan ang
kasalanan ng lust. Siya rin ay isang hipokrito at mamamatay
tao na tumatakwil sa turo ng Diyos.
Panghuhusga - Ang panghuhusga at diskriminasyon kay
Quasimodo ay laganap din sa totoong buhay. Likas sa mga
tao ang panghuhusga ng pisikal na anyo subalit ang
masamang pagpapalagay na ito ay nakakaapekto sa ibang
tao.

Estilo ng Pagkasulat ng Akda:


Ang estilo ng pagkasulat ng akda ay madaling unawain
dahil sa akmang deskripsyon at mainam na pagpaparating ng
mga mensahe at ideyang taglay ng nobela.
Suring-Basa sa Nobelang
“Ang Kuba ng Notre Dame”
III. buod

“ANG KUBA NG NOTRE DAME”


lIKHA NI VICTOR HUGO

Itinanghal si Quasimodo, ang kuba ng Notre


Dame, bilang “Papa ng Kahangalan” subalit siya ay
sinagip ni Claude Frollo. Nagulat si Esmeralda nang
sunggaban siya nina Quasimodo at Frollo.
Sinubukan tulungan ni Gringoire ang dala subalit
wala siyang nagawa. Nakatakas si Frollo at nadakip
naman si Quasimodo. Na-akit ni Esmeralda si Phoebus
at inaya niyang mas lalo pang magkakilala
mamayang gabi. Pinag-aralan ni Frollo ang itim na
mahika dahil sa matinding pagnanasa kay La
Esmeralda. Sinundan niya si Phoebus sa
pakikipagtipan kay La Esmeralda. Biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis
ding naglaho ang may sala. Dahil dito, hinuli ng
mga alagad ng hari si La Esmeralda. Bago bitayin si
La Esmeralda, sinagip siya ni Quasimodo. Tinangkang
hamakin ni Frollo si Esmeralda subalit hindi siya
nagpatinag. Nagkasama si Esmeralda at Sister Gudule
at napagtanto nilang sila ay mag-ina. Kalaunan,
nadakip si Esmeralda at napatay ang kanyang inang
pinagtangkaang isinasalba siya. Binitay si Esmeralda
at nang makita ni Quasimodo ito, siya ay napuno ng
matinding galit na nag-udyok sa kanya na patayin si
Frollo.

You might also like