Ang Kuwintas Activity Sheet
Ang Kuwintas Activity Sheet
Ang Kuwintas Activity Sheet
pang-akit
napabiglang-sabi
mahirap
naglilibang
patigil-tigil
Isang araw ng Linggo, samantalang si Matilde ay naglalakad sa Champs Elysees, nagliliwaliw naman siya pagkatapos
ng isang linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang
babaey si Madame Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang panghalina.
Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. Magandang araw sa iyo, Jeanne. Labis na nagtaka si Madame
Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan ang palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae.
Pauntol-untol na wika nito, Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay nagkakamali kayo.
Hindi! Akoy si Matilde Loisel. Napabulalas ang kaibigan. O, kaawa-awa kong Matilde! Kay laki ng ipinagbago mo!
Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating pagkikita, at labis na kalungkutan ang
dinanas ko at ikaw ang dahilan ng lahat. Napamulagat si Madame Forestier, Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?