DLP Paglisan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Grade 10 Paaralan Mangaldan National High School Baitang/Antas 10

Detailed Lesson Plan Guro Dana Althea B. Aquino Asignatura Filipino


Petsa/Oras Abril 3, 2023 Markahan Ikatlong Markahan

I. Layunin A. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng africa at/o Persia batay napakinggan diyalogo. (F10 PN-lllh-i-81)
B. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/Teoryang pampanitikan ang angkop dito. (F10 PN-IIIh-i-81)
C. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia. (F10 EP-IIf-32)
II. Paksang-Aralin Kuwarter 3 – Aralin 3.7
Paksa: “Paglisan” (Buod) Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig, Filipino Modyul 10, pahina 323-325
Kagamitang Panturo: Laptop, Powerpoint Presentation
III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain:
a) Pagbati
b) Pagtsek ng mga lumiban
B. Balik Aral
 Pagtatanong sa nakaraang tinalakay:
1. Ano ang pamagat ng maikling kwento?
2. Saan ito nagmula?
3. Sino ang may akda?
4. At ano ano ang 4 na elemento na taglay ng isang maikling kwento
C. Pagganyak

 Panuto: Ibigay ang ibang kahulugan o katangian na naglalarawan sa salitang katapangan.

Katapangan
D. Paglalahad

A. Linangin
B. Paglinang ng talasalitaan
C. Pagpapakita ng mga Gabay na tanong hingil sa akda
D. Pagsasalaysay ng buod ng Nobela

E. Pagtatalakay

 Pagtatalakay/Pagsagot sa mga tanong hingil sa binasang akda


1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
2. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
3. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na mandirigma? Bakit?
4. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at paninindigan?
5. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
F. Paglalahat

Panuto: Ang buong klase ay mahahati sa 2 pangkat gamit ang kartolina at marker gamitin ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga pangyayari
sa binasahang buod ng isang nobela na pinamagatang “Paglisan” at ipresenta ito sa klase.

Pamagat

Simula Gitna Wakas


IV. Pagtataya A. Gawain

Panuto: Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?


Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-uusapang mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating ang mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay naipatapon.

V. Takdang Aralin A. Kasunduan

Panuto: Basahin at Suriin ang iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni Shaira Mella- Salvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara.
Gamit ang pormat na kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga pangyayari
V. Paksa o Tema
VI. Kabuang Mensahe sa Pelikula

Inihanda ni:

Dana Althea B. Aquino


Gurong Nagsasanay

Namasid ni:

Mrs. Nora F. Gogoc


Dalubguro 1

You might also like