LM Q3M10 Fil10 Aralin 5
LM Q3M10 Fil10 Aralin 5
LM Q3M10 Fil10 Aralin 5
MODULE
FILIPINO G10 | Q3M10
Nobela
“Pagguho”
I. KASANAYANG SA PAGKATUTO
Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan F10PT-IIIh-i-81
Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo
F10PN-IIIh-i-81 \
Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/ teoryang pampanitikan na angkop
dito F10PB-IIIh-i-81
Nasusuri ang napanuod na excerpt ng isang isinapelikulang nobela F10PD-IIIh-i-79
PANGKALAHATANG IDEYA
Ang Persiya
Persiya ang dating tawag sa bansang Iran, Noong 1935, pinalitan ito ng kanilang pamahalaan
dahil “Iran” ang ibig sabihin ng pangalan ng kanilang bansa sa wikang Persian.Sinulatan nila ang
mga bansang may ugnayan sa kanila na ang pangalang Iran na ang itawag sa kanila sa halip na
Persiya, Ito ay sumisimbolo sa isang bagong kabanata sa kanilang kasaysayan pagkatapos nilang
makalaya sa impluwensiya ng Britanya at Russia.
Noong una’y hindi pa sanay ang iba lalo na ang mga hindi Iranian kaya’t hindi nila agad matukoy
na ito na pala ang dating Persiya subalit katagalan at sa pamamagitan na rin ng ilang pangyayayring
naglagay sa Iran sa ilang malalaking balitang pandaigdig tulad nang lusubin ng Allied Forces ang
Iran noong 1941 at nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis sa ilalim ng
pamumuno ng Prime Minister Dr. Mohammad Mosaddeq, nakilala na sila nang lubusan bilang
bansang Iran at unti-unti nang nakalimutan ang dating Pangalang “Persiya.”
ARALIN 6
Nobela
“Pagguho”
PAGTUKLAS
SIMULAN NATIN
PAGLINANG
ALAM MO BA?
Si Chinua Achebe (Albert Chinualumogu Achebe) ay ipinanganak sa Nigeria noong ika-16 ng Nobyembre
1930. Lumaki at nagkaisip siya sa malaking bayan ng Igbo sa Ogidi. Isa ito sa mga sentro ng gawaing
pangmisyonero ng mga Kristiyanong Anglican sa silangang Nigeria. Nagtapos at natuto siya ng kolehiyo sa
University of Ibadan.
Noong 1958, naipalimbag ni Ginoong Achebe ang kauna-unahan niyang nobelang Things Fall Apart.
Napabilang naman siya sa mga kawani ng Nigerian Broadcasting Corporation o NBC noong 1961 at naging
Director of External Broadcasting dito subalit hindi siya nagtagal sa tungkulin dahil sa Biafran War noong 1966
Naitalaga siyang Senior Research Fellow sa Pamantasan ng Nigeria,Nsukka. Nakapagturo rin siya sa ibang bansa.
Naging propesor si Ginoong Achebe sa Ingles sa pamantasan ng Massachusetts, Amherst mula 1972
hanggang 1976, at muli noong 1987 hanggang 1988.Nagturo rin siya sa pamantasan ng Connecticult, Storrs ng
isang taon.
3|ACVM, CMAA, at MAR. |FILIPINO 10
Ibinilang si Ginoong Achebe ng London Sunday times na isa sa 1,000 Makers of the 20 th Century dahil sa
kanyang kongtribusyon sa panitikang African na naging malaking bahagi rin ng pandaigdigang panitikan.
Nakalikha siya ng mga nobela, maikling kuwento, sanaysay, at aklat pambata. Ang kanyang mga tula na
“Christmas In Biafra” na isinulat noong Biafran War ay nagwagi sa 1 st Commonwealth Poetry Prize. Ang kanyang
namang mga nobelang ang Arrow of God ay nanalo sa Statemanjock Campbell Award, at ang Anthills of the
Savannah ay finalist sa 1987 Booker Prize sa England.
Ang ilan sa mga parangal na natanggap ni Ginoong Achebe ay ang Honorary Fellowship of the American
Academy and institute of Arts and Letters at ang pinakamataas na parangal sa Nigeria para kanyang mga
kontribusyong intelektuwal, ang Nigeria National merit award. Nanalo rin siya ng Man Booker International Prize
for Fiction noong 2007. Noong ika-21 ng marso 2013, sae dad na walumpu’t dalawa (82) ay binawian siya ng
buhay sa Boston, Massachusetts.
PAYABUNGIN NATIN
Panuto: Ang mabubuo mong mga salitang nag-aagawan ay maaaring ginawa ng mga tauhan dahil
Sa mga suliraning kanilang kinaharap sa buhay. Pag-ugnayin ang mga salita sa hanay A at sa hanay B
upang makabuo nito. Itala sa hanay C ang mabubuong salita at isulat itong muli sa linyang aangkop para
mabuo ang diwa ng pangungusap sa bawat bilang.
A B C
1. Akyat Kaibigan 1.
2. Itulak Sulong 2.
3. Bigay Panaog 3.
4. Urong Masok 4.
5. labas nawi 5.
1. Hindi mapalagay ci Okonkwo sa gagawin kaya ____________ siya kung sasama o hindi.
2. ___________ din siya ng pinto para makapag-isip-isip nang mabuti sa gagawin.
3. Hindi rin niya napansing ____________ siya ng hagdan dahil sa malalim na pag-iisip.
4. Wala kasi siyang ___________ sa dalawang pasiya. Pra siyang naiipit sa nag-uuntugang bato.
5. Ayaw niyang masabihang _______________ sa kanyang pasiya at isiping wala siyang isang
salita.
SAGUTIN NATIN D
Panuto: Tukuyin ang mga tradisyong kinamulatan ng mga katutubo ng Africa batay sa sinabi, ikinilos,
inisip, o naramdaman ng mga tauhan sa nodela. Isulat ang iyong sagot sa linya at pagkatapos ay suriin at
ipaliwanag kung ang tradisyon ay makikitang isinasagawa rin sa Pilipinas.
1. Umuofia: Ayaw kong Makita nilang ako ay mahina gaya ng babae. Kailangang ako’y maging
matapang at matatag sa anumang sitwasyon sa aking buhay. Ako ay isang tunay na lalaki.
Mbaino: Ang mga lahi natin ay matatapang at matatatag. Iniiwasan nating ,agpakita ng
emosyon.
PAGPAPALALIM
BUOIN NATIN
Panuto: Baon ang iyong mga kaalamang natutuhan sa Aralin 5 ng Ikalawang kabanata ng aklat na
ito tungkol sa iba’t ibang uri ng pananaw o teoryang pampanitikan, magsagawa ka ng isang
pagsusuri sa binasang kabanata ng nobelang Pagguho ukol sa katangiang pampanitikang taglay
nito. Gawin ito gamit ang sumusunod na T-chart Organizer.
PAGLALAPAT
Pamagat: _____________________________________________________________________________
Tagpuan: _____________________________________________________________________________
Buod: _______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Anong marka ang ibibigay mo sa pelikulakung sampu (10) ang pinakamataas? _____________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
SANGGUNIAN: Marasigan, EV. Del Rosario MGG. Dayag AM. (2019) Pinagyamang Pluma,
Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing House, 927 Quezon Avenue, Quezon City.
Lagda ng Magulang