Acala & Agbon Lesson Plan
Acala & Agbon Lesson Plan
Acala & Agbon Lesson Plan
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakagagawa ng
sumusunod nang may 85% kawastuhan:
1. Natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang detalye sa
akda.
2. Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda.
3. Makabubuo ng isang maikling presentasyon batay sa mitolohiyang binasa.
II. Paksa at Kagamitan
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante, ni Snorri Sturluson, isinalin sa
Filipino ni Sheila C. Molina
Panitikang Pandaigdig (Modyul para sa Mag-aaral) Baitang 10, ph. 174-177
Mga larawan o kagamitang biswal, dice
PowerPoint Presentation
III. Pamamaraan
(4As / 4 Ps)
A. Panimulang Gawain:
Gawain 1
PANUTO: Kailangang punan ng mga mag-aaral ng tamang kasagutan
ang bawat kahon na nagsasaad ng serye ng mga bilang. Matapos punan
ng bilang ang tiyak na bahagi ng kahon, tutumbasan naman ito ngayon ng
mga letra na makikita sa dakong kanan. Ito ang tutulong upang mabuo ang
salita.
Gawain 2
B. Paghahalaw
MGA KATANUNGAN:
1. Ano ang damdaming namamayani sa mitolohiya?
2. Sino ang mga pangunahing tauhan sa akda?
3. Bakit nagalit si Thor sa pamilya ng magsasaka?
4. Paano ipinakita ng mag-anak ang paghingi nila ng kapatawaran sa
pagsuway sa utos ni Thor?
5. Ano ang ginawa ni Thor matapos mabatid na nilinlang siya ni Utgaro-
Loki?
Gawain 1
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. May Blue Group at Red Group.
Matutukoy ang grupo na sasagot sa pamamagitan ng Roll the Box. Ang box
o kahon ay nahahati dalawang kulay- asul at pula. Kung sa pagpagulong ng
box ay matapat sa pula, ang Red Group ang sasagot sa tanong at kung asul
naman ang kasalungat na pangkat ang sasagot. Sa pangkat na mapipili,
lalaruin ng mga mag-aaral ang Zip Zap, Zop. Ang mga mag-aaral ay poporma
ng bilog at ang unang mag-aaral ay papalakpak ng isang beses sabay sa
pagbigkas ng salitang Zip habang nakaturo sa isang mag-aaral. Ang tinurong
mag-aaral naman ay papalakpak ng dalawang beses at bibikasin ang salitang
Zap at muling tuturo sa isang mag-aaral. Ang tinurong mag-aaral ay gayundin
ang gagawin ngunit tatlong beses siyang papalakpak at bibigkasin naman ang
katagang Zop at tuturo rin ng isang mag-aaral. Ang magkamali sa laro ang
siyang sasagot sa tanong. Kinakailangang mabilis ang daloy ng pagkilos sa
larong ito.
D. Paglalapat
P- Newspaper Column
IKALAWANG PANGKAT
buhay.
S- Ang mga mag-aaral ay na tatasain ayon sa sumusunod na
pamantayan: ang nilalaman, pagkamalikhain, orihinalidad/kaisahan, at
mensahe.
IKATLONG PANGKAT
A. May Pinagpipilian
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang
sagot sa
patlang.
_______1. Saan napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay?
A. Aesir C. Thruovangar
B. Asgard D. Utgaro
_______2. Paano pinarusahan ni Thor ang magsasaka at ang pamilya nito?
A. Inangkin ang mga ani sa palayan.
B. Hininging kapalit ang mga anak nito.
C. Pinaluhod sa kanyang harapan ang mag-anak.
D. Sinira ang bahay sa pamamagitan ng pagpukol ng maso.
________6. Saang bansa sa Europa nagmula ang mitolohiyang Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante?
A. Denmark B. Iceland C. Norway D. Sweden
________7. Ano ang pangatlong paligsahan na nilahukan ni Thor laban sa mga
higante?
A. Pabilisan sa pag-inom ng alak
B. Pabilisan sa pag-ubos ng pagkain
C. Pagbuhat ng malaking pusa sa lupa
D. Makipagbuno sa matandang si Elli
________8. Bakit nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor sa mga paligsahang sinalihan nito?
A. upang ipagtanggol ang kanilang kuta
B. upang itago ang kanilang kahinaan
C. upang walang manaig sa taglay nitong kapangyarihan
D. upang hindi na muling bumalik si Thor sa kanilang lupain
________10. Kung ikaw si Thor, ano ang iyong mararamdaman matapos mong
malamang nilinlang ka sa paligsahan?
A. Magagalit, dahil hindi naging patas ang labanan.
B. Mabibigla, dahil hindi inaasahan ang pangyayari.
C. Malulungkot, dahil hindi itinanghal na wagi sa labanan.
D. Mayayamot, dahil ipinapakita lamang na mahihina ang kalaban.
B. Paghahanay
HANAY A HANAY B
linlangin si Thor
V. Gawaing- Bahay