Urdaneta City University: YUNIT I. Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika NG Bayan at Wika NG Pananaliksik

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 51

URDANETA CITY UNIVERSITY

1 San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan

Kolehiyo ng Pagkaguro sa Edukasyon


Kapisanang Filipino

YUNIT I. Filipino Bilang Wikang Pambansa,


Wika ng Bayan at Wika ng Pananaliksik

• Filipino Bilang Wikang Pambansa


• Filipino Bilang Wika ng Bayan
• Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik
• Mga Batas Pangwika

Rogelio Y. Sibayan Jr.


FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Instruktor
ANG PAMBANSANG WIKA NA BASE SA MGA
UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS

Nabubuhay ang tao dahil natutugunan nito ang mga


pangangailangan sa kanyang buhay maging ito man
ay sa aspetong pisikal, emosyunal, espiritwal, mental
at iba pa. Sa tingin mo, anu-ano ba
ang dapat unang kailanganin ng
tao upang ito’y patuloy na mabuhay
sa lipunang kanyang ginagalawan?
ANG PAMBANSANG WIKA NA BASE SA MGA
UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS

Pagkain, damit, pinansyal na aspeto gaya ng pera, mga


produktong likha ng teknolohiya o mga materyal na bagay?
Isipin natin na namumuhay ang tao kasama ang kanyang
pamilya maging ang komunidad na kanyang kinabibilangan.
Mahalaga ang komunikasyon at interaksyon ng bawat isa
upang patuloy na maragdagan ang mga
impormasyong maaaring magamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
ANG PAMBANSANG WIKA NA BASE SA MGA
UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS

Sinasabing ang wika ang


siyang daan upang ang bawat isa
ay makapagpalitan ng mga ideya, saloobin o pahayag.
Sa pamamagitan ng wika, ang dalawang magkabilang
panig ay nagkakaunawaan gaya nang ipinapakita ng
model sa komunikasyon.
ANG PAMBANSANG WIKA NA BASE SA MGA
UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS

Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay


tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit
ang minimithimg kaunlaran. Ang pambansang wika ng
Pilipinas ay Filipino at ang napiling batayan mula sa
walong katutubong wika na masusing pinag-isipan at
pinag-aralan ay ang Tagalog.
8 Katutubong wika na Pinagbatayan
sa Unang Pambansang Wika

1. Ilokano
2. Pangasinan
3. Kapampangan
4. Tagalog
5. Cebuano
6. Waray
7. Bikolano
8. Hiligaynon
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Bawat bansa sa mundo ay may itinuturing


na Pambansang Wika o National Language sa
Wikang Ingles. Sa Amerika ang kanilang pambansang
wika ay ang Ingles na kung saan ito’y maituturing ding
Universal Language dahilan sa ito ang lenggwaheng
gamitin ng mga mamamayang galing sa iba’t ibang
panig ng mundo upang magkaintindihan.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Mandarin naman sa bansang China, Arabic sa


Egypt, French sa France, Greek sa Greece, Hindi sa
India, Italian sa Italy, Japanese sa Japan, Korean o
Hangul naman sa Korea at Spanish o Espanyol sa
mga bansang nasa Timog ng Amerika katulad ng
Spain, Mexico, Colombia, Ecuador at Venezuela.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Maraming pagsubok ang pinagdaanan ng


Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ng
Pilipinas. Bunsod ng impuwensya ng Agham at
Teknolohiya, nahaharap ito sa maraming
pagbabago. Bilang Wikang
Pambansa, ano ba ang
depinisyon ng Filipino?
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit


sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Tinatayang mayroong 17 rehiyon
ang bansa, 14 dito ay alinsunod sa lokasyon ng
kanilang heograpiya na nasa ayos magmula hilaga
hanggang timog at karagdagang 3 (National capital
Region, Cordillera Administrative Region at
Autonomous Region in Muslim Mindanao).
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV

Filipino ang opisyal na tawag sa Pambansang Wika


ng Pilipinas. Isinasaad sa mga sumusunod na
seksyon ang hinggil dito.
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa


nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibando at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang Wikang pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV
Idekonstrak natin ang probisyong ito (Artikulo XIV, Seksyon 6)
ng Bagong Konstitusyon.
Una, malinaw kung ano ang itatawag sa wikang pambansa ng
Pilipinas, at ito ay Filipino.
Ikalawa, ito ay isang wika na nasa proseso pa rin ng paglinang.
Ikatlo, may dalawang saligan ng pagpapayabong at
pagpapayaman sa Wikang ito, at ito ay ang umiiral na wika sa
ating bansa at ang mga dayalekto at ang ikalawa ay ang iba
pang mga wika o ang mga Wikang dayuhan na
nakaimpluwensya/ nakaiimpluwensiya sa ating kabihasnan
tulad ng Ingles, Kastila, Intsik at iba pa.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV

Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at Ingles hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas,. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong ng mga wikang panturo. Dapat itaguyod
nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV

Seksyon 8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa


Filipino at Ingles at dapat isalinsa mga pangunahing
wikang panrehyon, Arabic at Kastila.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
Komisyon ng Wikang Pambansa nabinubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap,
atpagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Ngunit ano ba ang pormal na deskripsyon ng


Filipino bilang Wikang Pambansa? Makatutulong
sa atin ang pagsangguni sa Resolusyon 96-1 ng
Komisyon ng Wikang Filipino.
Ganito ang batayang deskripsyon
ng Filipino ayon sa KWF:
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV

Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong


Pilipinas bilang wikang komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa
mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon
ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal
at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN
Bata o matanda man sa mga lungsod o kabukiran
ay hindi na masasabing mangmang sa Wikang
Filipino. Mahirap o mayaman man ay sinasalita at
Nauunawaan ito sa ating bansa, walang sector ng
lipunan ang hindi gumagamit nito.
Sa pelikula at telebisyon, ito ay
makabuluhang libangang at daan sa
pakikipagkomunikasyon. Sa negosyo
naman ay napakabisa nitong tsanel ng
namumuhunan at mamimili.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN

Samantalang sa larangan ng pulitika may


pagkakataong Filipino ang gamit sa mababa at mataas
na kapulungan at lalong-lalo nang gamitin ng
kasalukuyan nating Pangulo at
Pangalawang Pangulo ng bansa.
Ito ang tulay na magdurugtong sa
iba’t ibang antas ng ating lipunan.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN

Kung walang Wikang pambansa, ang mga tao ay


hindi magkakaintindihan at hindi makapagpapalitan ng
mga opinyon at damdamin. Kung walang wika/ wikang
pambansa, wala ring komunikasyon at pagkatuto, at
wala ring pagkakaisa ang mga tao. Napakahalaga ng
pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa
ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip.
Sapagkat ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi
sa kaunlaran.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN

Kung bakit? Ang pagkakaroon ng sariling wika


ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng
mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip
at magkaroon lamang ng pagkakaisang may
pagmamalasakit nang bawat pamayanan.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN

Ang wika ay sumasalamin sa ating


pagkaPilipino. Ito ang nakatali sa ating kultura at
nagsasabi kung sino tayo. Maituturing na hindi
makabayan ang isang tao kung ikinakahiya niya
ang sariling wika. Ang bagay na ito ay dapat
mapagliming mabuti ng mga kababayan natin na
walang pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling
wika.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN

Sa pangkahalatan, ang wika ay nakatutulong sa


pag-unlad ng isang bansa at ng isang lipunan. Ito’y
isang mabisang instrumento sa pambansang pagkaka-
unawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan kaya ang
Wika ay itinuturing na isang kaluluwa at kayamanan
ng mga tao sa kanilang bansa.
FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK

Sa taong 2018, ang naging tema ng


pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa ay
“Filipino: Wika ng Saliksik”. Ito ay
nagpapahayag na ang wikang sariling atin, ang
Filipino ay mainam na instrumento sa mahusay
na pananaliksik.
FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagbuo ng mga


kaalamang magagamit sa pagpapabuti ng ating
kalagayan na ang mithiiin ay umunlad sa larangan ng
ekonomiya, edukasyon, pamamahala at kalagayang
panlipunan. Ginagamit din ng ilang mga guro at
propesor ang Wikang Filipino pagdating sa kanilang
pananaliksik.
FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK

Ang paggamit ng sariling wika bilang mga Pilipino ay higit na


nakabubuti sa pagpapaunlad ng ating kaalaman sa
pamamagitan ng pananaliksik. Ang paghahatid ng detalye at
kaisipang bunga nito ay magiging kapaki-pakinabang kapag ito
ay nailahad sa Wikang Filipino. At upang tumaas ang tingin ng
mga mag-aaral sa Wikang Pambansa, dapat gamitin ang Filipino
sa pananaliksik-panlipunan ayon sa mga guro sa isang
talakayan na isinagawa sa Pamantasang De La Salle noong ika-
27 ng Nobyembre taong 2015.
FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK

Ani ni Prop. Crizel Sicat-de Laza ng UST, dapat ituro bilang


“core course” sa senior high school ang pananaliksik sa Filipino.
Sa ganitong paraan, kukunin ng mga mag-aaral ang
asignaturang Filipino anuman ang “academic strand” na
kanilang piliin. Naniniwala siyang may puilitika sa likod ng
pagpili ng wika sa pananaliksik, na siya umanong ugat ng
mababang pagtingin ng mga mag-aaral sa Filipino. “Sa
pamamagitan ng pagpili ng wika sa pananaliksik, maiuugnay
ang personal na aspirasyon [ng mga mag-aaral] para sa bayan.”
ani ni de Laza.
FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK

Saliksikin ang pahayag ni Virgilio Almario, Pambansang


Alagad ng Sining sa Panitikan sa kanyang State of the
Language Address sa idinaos na Kongreso sa Wika 2018 sa
Unibersidad ng Santo Tomas na may pamagat na
“Pananaliksik, Daan sa Modernisasyon ng Wikang Filipino”.
Basahing mabuti upang masagot
ang mga inihandang katanungan ng
guro sa susunod na talakayan.
(http://bit.ly/3pNbdnH)
MUNGKAHING GAWAIN 1

1. Panuto: Panoorin ang video na “Sa Madaling


Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang
Pambansa” ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman
pagkatapos ay bumuo ng pahayag na kaugnay sa
nilalaman ng pinanood na video sa pamamagitan ng
pagdurugtong sa pariralang ”Sa madaling
salita:______” na hindi bababa sa 20 na salita at hindi
tataas sa 2 pangungusap. (10 pts.)
MUNGKAHING GAWAIN 1

2. Bumuo ng sariling
islogan/ salawikain o
kasabihan patungkol sa
wika na hindi bababa sa
12 na salita at
ipaliwanag ang
kahulugan nito. (15 pts.)
GABAY NA KATANUNGAN

• Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang


pagpapahalaga sa iyong sariling wika? Magbigay ng
halimbawa.
• Anu-ano pa ang mga paksang nais mong malaman
patungkol sa wika?
• Sa iyong palagay, ano na ang kalagayan ng Wikang
Filipino sa makabagong henerasyon?
• Sa iyong sariling opinyon, ano ang iyong mararamdaman
sa tuwing may mga Pilipinong ikinakahiya ang kanilang
sariling wika at dayalekto?
THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE: DISCOURSE ON POWER
ni Teresita Gimenez Maceda (UP)

Pride in one’s national language and culture should come


naturally to a people. This, unfortunately, is not the case in
the Philippines. The bitter periods of colonization under
three different imperial powers have left scars and fissures
in the Filipino consciousness. A small but powerful elite
remains enraptured with a foreign tongue and culture while
the greater majority, enslaved by the poverty and excluded
from the benefits of an English education, have been
effectively silenced and marginalized.
THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE: DISCOURSE ON POWER
ni Teresita Gimenez Maceda (UP)

Fifty years after the colonizers have left the


Philippines, the Filipino national language, while widely
used around the country, is far from being the language
of the centers of power. Instead, debasing the national
language has become the preoccupation of those who
still think as good colonials.
THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE: DISCOURSE ON POWER
ni Teresita Gimenez Maceda (UP)

Pride in one’s national language and culture should


come naturally to a people. And so every time there are
stirrings of support for the Filipino national language,
editorials such as the one written by publisher Teodoro
Locsin Sr. immediately appear in the English
newspapers and magazines attacking Filipino as an
inferior language that will spawn illiteracy not literacy:
THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE: DISCOURSE ON POWER
ni Teresita Gimenez Maceda (UP)

Calling Tagalog or its disguise, “Filipino,” a national


languagr does not make it one. It is a linguistic cure for
77% of the Filipino people who would go on speaking
their own language- with English for intellectual,
cultural and professional advancement. Tagalog as
“Filipino” will only qualify them for the job of jeepney
drivers, street sweepers, garbage collectors, market
vendors or Tagalog teachers.
THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE: DISCOURSE ON POWER
ni Teresita Gimenez Maceda (UP)

English, the language of knowledge for Filipinos, is


difficult enough to learn and master, add Tagalog, the
language of ignorance, and you have Tango “Filipino.”
Tanga na gago pa Filipino! [Stupid and idiotic Filipino].
(Locsin, May 1, 1993)
THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE: DISCOURSE ON POWER
ni Teresita Gimenez Maceda (UP)

Such writing only serves to emphasize the alienation of the


educated elite from the 77% of the populace Locsin refers to and
looks down upon. Threatened by dramatic social changes that
are likely to take place with the spread of a language majority
can at last understand, the educated elite find it easier to defend
a foreign language than to look at the possibilities a national
language can do for the advancement of the nation as a whole.
The issue of the Filipino national language is therefore really a
discourse on power.
FILIPINO BILANG LARANGAN
AT FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Ang wika ay dinamiko at di mapipigilan ang pag-usbong


nito sa iba’t ibang larangan o disiplina dahil sa
mapanlikhang kaisipan ng tao na bumuo ng kanyang
sariling pagkilos sa pamamagitan ng panunulat na
nahahayag niya ang kanyang sarili sa musika, matematika,
agham, teknolohiya at higit sa lahat napapahayag niya ang
kanyang sarili sa mga akdang literature at
maging sa larangan ng pananaliksik.
FILIPINO BILANG LARANGAN
AT FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Anumang nais ng kanyang puso at


damdamin, ng kanyang pangarap ay
lubos niyang naipapahayag ang
natatanging daloy ng kanyang
kaisipan sa paraang pasulat at
pasalita.
FILIPINO BILANG LARANGAN
AT FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Ayon sa Saligang Batas 1987, “Ang wikang


pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Ito ang gagamiting
Wikang panturo sa ating paaralan at sa alinmang antas ng
edukasyon. Samakatuwid, kinakailangan itong
pagyabungin at mas lalong pagyamanin.
Ang wika ang anumang pangangailngang
pangkomunikasyon sa iba’t ibang disiplina.
MAG-ISIP! MAGNILAYNILAY!

MUNGKAHING
GAWAIN 2
1. Ano ang
mahalagang
gampanin ng
Wikang
Filipino sa
mga
sumusunod:
MAG-ISIP! MAGNILAYNILAY!

2. Paano nakatutulong ang


Wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan? Ipaliwanag ang
mga nasa ibabang nakatala
ayon sa kahalagahan sa
pagpapayabong ng Wikang
Filipino.
MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN
SA WIKANG PAMBANSA

1. Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935


“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay
sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
2. Batas ng Komonwelth Blg. 184 (1936)
Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa
noong ika-13 ng Nobyembre 1936.
MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN
SA WIKANG PAMBANSA

3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)


Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng
wikang pambansa ng Pilipinas.
4. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ng noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ang gagamitin.
MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN
SA WIKANG PAMBANSA

5. Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987


Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas.
6. Proklamasyon Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap
mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang
pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN
SA WIKANG PAMBANSA

7. Proklamasyon Blg. 186 (1955)


Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa
ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto
bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang.
Quezon (Agosto 19).
8. CHED Memorandum Blg. 59 (1996)
Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino
sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon
at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t
Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN
SA WIKANG PAMBANSA

9. Proklamasyon Blg. 1041 (1997)


Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang
buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino at nagtagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga
gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
10. CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013
Kautusang nagbabawas ng siyam (9) na yunit sa General
Education Curriculum sa Tersiyarya at nagtatanggal sa
asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Isang PAGBATI GURONG MAG-AARAL!

Batid kong mas napalawak pa ang iyong


kaalaman sa batayang nilalaman ng Filipino
bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan at
Wika ng Pananaliksik. At ngayong alam mo
na ang iba pang batas pangwika na siyang
magpapayabong at mangangalaga sa
karapatan ng ating Wika sa Pilipinas
ay huwag sanang kalilimutan ang mga
napag-aralan, baunin ito hanggang sa
hinaharap.
Mingarine, Gerdalitz G., Dela Cruz, Julie B., Espino, Jocelyn V. (2018), Filipino sa
Iba’t Ibang Disiplina (Daluyan ng Mapanlikhang Kaisipan), Sanayang Aklat ng
Unibersidad ng Urdaneta
Maceda, Terisita G. (2003), The Filipino National Language: Discourse on Power,
Hinango mula sa https://bit.ly/3aBn181
The Varsitarian (2018), Pananaliksik, daan sa modernisasiyon ng wikang Filipino,
Hinango mula sa http://bit.ly/3pNbdnH
Ortiz, Allan (2013),Batas ng Wikang Filipino, Hinango mula sa http://bit.ly/2ZDrZuy

Lumbera, Benveniedo (2003), Ang Wikang Filipino at ang Banta ng


Globalisasyon, Hinango mula sa http://bit.ly/3u9TGcJ

MGA BABASAHIN AT SANGGUNIAN


MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!
-Sir ROGE

You might also like