Kritikal Na Analysis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kritikal na Analysis sa sulatin ni Virgilio Almario:

“Wikang Filipino para sa Bagong Milenyum”

Ang ating wikang Pambansa ay isang landas tungo sa pagkakaisa ng bawat miyembro ng

mamamayan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wikang Pambansa dahil dito tayo

binubuklod sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, relihiyon, pinagmulan, edad, kasarian, atbp.

Sa pamamagitan ng wikang Pambansa na ginagamit ng lahat, uunlad at lalago ang kalakalan at

uusbong ang ekonomiya ng isang bayan. Ngunit sa pag-usbong ng modernong mundo ay nakaka

apekto kung ano ang magiging sitwasyon at estado sa paggamit ng ating wika. Ang pagbabagong

nagaganap sa ating mundo dahil sa globalisasyon ay maaring maging dahilan kung bakit

nagbabago ang ating wika.

Sa isang bansa na may maraming lingguwaheng sinasalita ay mainam na magkaroon ng

iisang lingua franca upang maging daan sa pagkakaintindihan sa lahat kaya nararapat lamang na

magkaroong ng isang “pagpaplanong wika” upang matulungang pausbongin ang bawat

katutubong wika dito sa bansa. Ayon kay Almario ang isang pagpaplanong pangwika ay isang

sadyang pagtatangka upang bigyang impluwensya sa paggamit, estruktura at akwisisyon ng isa o

higit pang mga rehiyunal na wika sa ating bansa. Sa pag-aaral ni Almario na may kalakasan at

layon na maglatag ng mga rekomendasyon at isang pangkalahatang estratehiya tungo sa mas

mahusay na pagpaplanong pang wika sa ating bansa. Ngunit ang kahinaan sap ag-aaral na ito ay

maaring hindi na ito angkop o nababagay sa panahong ating ginagalawan, dahil nga ito’y mabilis

na nagbabago na naayon sa takbo ng mundo/globalisasyon, sa kadahilanan na ito ay naisulat sa

mga panahon ng 1998 hanggang 2003.


Ayon kay Almario ang pagpaplanong pangwika ay nakabaty sa 1987 na jonstitusyon na

kung saan ay kinilala nito ang wikang Filipino bilang isang wikang Pambansa ng Pilipinas, na

kung saan ay sakop nito maging ang mga katutubong wika ng bansa. Nagtadhana ng midyum ng

opisyal na pang komunikasyon at pati na rin sa pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon hangga’t

walang itinadhana ang batas. Kaya nabou ang Komisyon ng Wikang Filipino na may dating

Katawagan na National Language Institute, na naging Surian ng Wikang Pambansa, na naging

Linangan ng Wikang Pambansa hangang sa kasalukuyang pangalan nito na KWF. Iniatas sa

kanila sap agreporma, estandardisasyon, pagpapalaganap, modernisasyon at preserbasyon ng

wikang Filipino. Isa din sa malaking bahagi ng pagpaplanog pangwika partikular sa bahagi ng

pagpapalaganap ng wika ay ang edukasyon, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng programang

pang edukasyon ang K to 12 na ipinasok ang MTB-MLE o Mother Tongue-based Multilingual

Education na may layunin sa paggamit ng bernakular na wika bilang isang midyum ng pagtuturo

hanggang baiting 3.

Ngunit hindi Madali at maraming mga balakid upang ito ay maisakatuparan, na tila aba

ay hindi nab ago para sa atin ang problemang ito, ang kakulangan sa pundo. Ang pagkukulang

sap undo para mag limbag ng mga libro, kumuha ng mga propesyonal upang ituro ang mga ito at

ang pagpapatayo ng bagong pasilidad upang itaguyod ang mga ito ay isa sa mga hamon na dapat

kaharapin ng ating sistemang pang-edukasyon, nadadapa pagdating sa implementasyon dahil

walang sapat na supporting pang-pinansyal galing sa gobyerno. Gayun din sa mga wikang

ginagamit sa mga opisyal na mga alituntunin, na kung saan ay ginagamit ang wikang Ingles sa

bawat sulok ng mga karatula sa goberno o pampublikong mga lugar. Masasabi din natin na kung

sa paglimbag lang ng mga dokumentong pang gobyerno ay nasa Ingles pa rin, maliban sa

ahensya ng KWF na tanging nagsasalita ng wikang Filipino.


Sa pag-aaral na isinagawa ni Virgilio Almario ay binigyang diin niya doon na ang

pagpaplanong pangwika ay parang isang pakikidigma na may tatlong larangan na may

reperensya sa mga libro ni SunTzu. Sa uang Larang ay ang Filipino laban sa dominanteng wika

ang Ingles. Kung pagbabasihan ang pasalita na mga datos ay talagang lamang ang wikang

Filipino na kung saan partikular na sa telebisyon ay nakakaintindi, nakakabasa, at nakpagsalita

ang mga tao sa Filipino kaysa Ingles, ngunit hindi pa rin laganap sa mundo ng pahlimbag ang

wikang Filipino mas nakakalamang parin ang wikang Ingles. Ngunit bakait nga ba mas lamang

ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino sa usapin ng mga nailimbag na mga dokumento,

pag-aaral, atbp.?

Ang sagot ay, sa usaping intelektuwal na diskurso naayon sa mga kahingiang pang-

akademya ang wika. Hindi naman bago sa ating lipunan sa paniniwalang mas nakakatalino o mas

intelektuwalisado ang wikang Ingles habang ang ang wikang Filipino ay hindi. Bagaman hindi

kasalanan ng ating wika kung bakit nangyayari ang mga ito, kung mayroong sisihin man ay ang

mga edukadong manunulat sa bansa hindi lang sila ngunit pati narin ang mga normal na

mamayan bilang bahagi ng bansang ito. Dahil sap ag ayaw ng ibang manunulat na sumulat gamit

ang wikang Filipino sa larangan ng akademya ay malabong maging intelektuwalisado ang

Filipino. hind isa paraan ng pag ayaw din sa wikang Ingles dahil hindi natin ito maisasantabi

dahil na rin sa reputasyon ng ating bansa bilang isa sa mga may malaking datos na halos lahat ng

mamamayan ang nakakapagsalita ng Ingles, na dahilan upang dumami ang gusting mag invest

dito na kailangan upang makipag kompetensya sa mundo ng globalisasyon. Ang pinaka-mainam

na gagawin upang patuloy na ipalaganap ang kakayahan ng iwkang Filipino ay ang patuloy na

pagsususlat at paglimbag sa Filipino.


Ang pangalawang Larang naman ay ang pakikisama ng Filipino sa ibang katutubong

wika. Sa usaping ito nman ay para sa akin ay sensitibo, dahil marami na akong mga nababasa na

mga opresyon ng mga katutubong wika na nagdudulot ng lalong di pahkaka-unawaan at

biyolenteng sagupaan sap ag-aaral ni Almario sinasabi niya doon ang pagtutol ng mga Cebuano

sa usapin ng pagpilit ng mga Tagalog na gamitin ang kanilang lengguahe na di hamak na mas

marami konong nagsasalita ng wikang Cebuano at Bisaya kaysa Tagalog. At higit nilang 0hindi

sinasang-ayunan noon ang pag-atas sa Tagalog bilang isang wikang Pambansa. Kaya nga nabou

ang lingua franca upang magtagpo sa iisang wika ang dalwang mgakiba ng wikang rehiyonal na

sinasalita. Ayon kay almario, hindi kailangang ipilit ang Filipino sa mga bernakular na wika

dahil, nawawasak nito ang estruktura ng isang salita nan aka ayon sa watong grammar at gamit.

At ang panghuling Larang ay ang mga dapat asahan sa tunggalian sa dibdibang paglinang

ng isang buhay at dinamikong wika. Pinupunto ni Almario na upang maresolba ang suliranin na

ito ay ang estandardisasyon na kung saan ay gagawing prestihiyuso ang mga dialekto ng

Pilipinas at gawing pangunahing wika ng bansa o sa isang partikular na rehiyon. Ngunit hindi pa

daw handa ang mga bernakular na ito, nagkakailangan pa ito ng mas malalim na pagpapaunlad,

at dapat magkaisa sa ortograpiya o tuntunin sa ispeling dahil para kay Almario ito ay isang

magandang simulain sa pagpapaplanong pangwika.

Sa kabouan, ang wikang Pambansa ay ating pundasyon upang hindi masiil ng kahit sino

man. Ang pagpapahalaga sa bawat wika ng ating bansa ay ang pagyakap at pagpapanatili ng

ating identidad. Ito din ang dahilan kung bakit naitatawid ang iba-ibang relihiyon sa usapin ng

pag-uunawaan at kapayapaan sa bawat isa. Ang pagpapanatili ng wika ay hindi lamang

gampanin ng isang ahensya ng lipunan o gobyerno, kundi responsibilidad ito ng mga taong

kabilang sa isang grupo, tayo itong mga Pilipino, guro, mag-aaral, propesyonal man, doctor,
attorney, abogado, mambabatas, at manunulat. Responsibilidad natin itaguyod ang lahat ng wika

sa bansa upang umunlad at magkaisa.

Sanggunian:

Estratehiya ng Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas | by Edcel John A. Ibarra | Medium

𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐤𝐡𝐚 |

DepED Caraga

Kagawaran ng Edukasyon - Wikfilipino (wikipilipinas.org)

K to 12 Mother Tongue Curriculum Guide - Education in Philippines (classmate.ph)

Suri-Saliksik-Sanaysay-San-Juan.pdf

Wikang Filipino sa Makabagong Panahon | (wordpress.com)

You might also like