Kabanata 26 El Fili
Kabanata 26 El Fili
Kabanata 26 El Fili
< El Filibusterismo
Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung
nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi
si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na’t sirain niya ang
lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw
kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may
ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga
estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na
mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una:
Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y itiwalag nila di kayo
makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun
sa mga paskil.
Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa
kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wala ng klase.
Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.
Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon.
Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay
doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng
ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi
naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.
Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio.
Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..
Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni
Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa
inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo.