Magara School For Philippine Craftsmen: Ikatlong Markahang Pagsusulit Sa ESP 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAGARA SCHOOL FOR PHILIPPINE CRAFTSMEN

Magara, Roxas, Palawan

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa ESP 9

Pangalan:________________________________________________________________Seksyon________________

Unang bahagi: Pagpipilian- Basahin at unawain ang nakasaad sa pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?


A. Palaging nagbibigay sa kapwa C. Paggalang sa Karapatan ng bawat isa
B. Tutulong ang mga mayayaman sa mahihirap D. Pagiging palakaibigan

2. Ito ay ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya.


A. Kalayaan B. Karapatan C. Katarungan D. Kaayusan

3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging makatarungan sa kaniyang kapwa


MALIBAN SA ______.
A. Dahil ang bawat isa ay namumuhay sa lipunan ng mga tao.
B. Upang makilala at mabigyan ng sertipiko na maipagmamalaki sa iba.
C. Ito ay tanda ng pagmamahal sa kapwa.
D. Upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan.

4. Ito ay hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kanyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan upang
magkaroon ng kaayusan sa lipunan.
A. Lipunang Pangkapayapaan C. Lipunang Sibil
B. Katarungang Panlipunan D. Panlipunang Karapatan

5. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kanyang buhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nating sundin ang mga ito.
C. Nakatakda na ang batas na kailangang sundin habang siya ay nabubuhay.
D. Lahat ng nabanggit

6. Alin sa mga sumusunod ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?A


A. Pagsunod sa mga tagubilin ng magulang.
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Igalang ang Karapatan ng bawat isa.
D. Sundin ang alintuntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.

7. Ang katarungan ay pangunahing nagmumula sa __________________.


A. Lipunan B. Kapwa C. Pamilya D. Sarili

8. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita nito?
A. Pagbibigay nang tamang sweldo at benepisyo sa mga manggagawa.
B. Pagpapahalaga sa mga kaugaliang Pilipino.
C. Kumakain nang sabay-sabay ang mga myembro ng pamilya.
D. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.

9. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao.


A. Tama, dahil ang bawat tao ay may dignidad anuman ang kaniyang katayuan sa buhay.
B. Tama, dahil nararapat kilalanin ang mga taong may natatanging ambag sa lipunan.
C. Mali, sapagkat may mga taong di nararapat kialalnin ang dignidad dahil sa mga masasamang Gawain
nito.
D. Mali, ang pagkilala ay nakabatay sa kabutihang naibahagi nito sa kanyang lipunan.

10. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng pagigi makatarungang tao MALIBAN SA _________________.
A. Isinasaalang-alang ang mga Karapatan ng mga tao sa kanyang paligid.
B. Kinikilala ang Karapatan ng bawat isa.
C. Pagtupad sa mga pangako at komitment sa buhay.
D. Pagsasawalang-kibo sa mga katiwaliang nakikita upang magkaroon ng kaayusan.

11. Ang _______________ ay pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay. Ayaw niyang tumanggap ng mga
gawain. Agad niyang tinatanggihan ang mga gawain kahit di pa ito nasusubukan.
A. Kahirapan B. Katamaran C. Kamangmangan D. Katiwalian

12. Si Arriane ay nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng mamahaling pagkain sa kantina o sa labas ng
paaralan. Anong katangiang ang ipinakita niya?
A. Kasipagan B. Pagpupunyagi C. Pagtitipid D. Wastong pamamahala sa naimpok

13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kasipagan?


A. Pagbili sa palengke kaysa sa mga mall.
B. Pinipilit na tapusin ang Gawain kahit nahihirapan.
C. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at panahon sa gawain nang buong husay.
D. Ginagamit lamang ang cellphone sa importanteng text at tawag.

14. Patuloy na sinusubukan ni Joe na gawin nag Gawain kahit na maraming beses na siyang nagkamali at nabigo
hanggang sa nagawa niya ito nang matagumpay.
A. Kasipagan B. Pagpupunyagi C. Pagtitipid D. Wastong pamamahala sa naimpok.

15. Ito ang mga dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francis Colayco MALIBAN SA ____.
A. Para sa pagreretiro C. Para maging inspirasyon sa buhay
B. Para sa mga hangarin sa buhay D. Para sa proteksyon sa buhay

16. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?


A. Maging mapagbigay at matutong tumulong.
B. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple.
C. Maging masipag at mautong maging matyaga.
D. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento.

17. Ito ay ang pagtitiyaga na maabot ang mga mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at
determinasyon.
A. Kasipagan B. Pagpupunyagi C. Pagtitipid D. Wastong pamamahala sa naimpok.

18. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa pagbibigay-
kahulugan nito?
A. Ito ay pumapatay sa isang Gawain, hanapbuhay at trabaho.
B. Ito ay pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
19. Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya napapamahalaang nang maayos ang
kanyang mga pinaghirapan.
A. Mali, ang kasipagan at pagpupunyagi ay sapat na upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
B. Mali, nararapat na pakinabangan agad ang bunga ng pinaghirapan sapagkat ang bikas ay awalang
kasiguraduhan.
C. Tama, ang pera ay pinagpaguran upang kitain ito at ito ay magdadala sa magandang kinabukasan.
D. Tama, sapagkat ito ay biyaya na dapat pakaingatan.

20. Hindi na kailangang utusan ni Gina pagdating sa Gawain sapagkat mayroon na siyang pagkukusa.
A. Kasipagan B. Pagpupunyagi C. Pagtitipid D. Wastong pamamahala sa naimpok.

IKALAWANG BAHAGI: Identipikasyon- Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng nakasaad sa pangungusap. Isulat ang
titik nang tamang sagot.

A. Kasipagan
B. Tiyaga
C. Masigasig
D. Malikhain
E. Disiplina sa sarili

21. Alam ni Seth ang kanyang hangganan sa kanyang ginagawa at mayroong paggalang sa iba.
22. Mabenta ang produktong inilalako ni Gng. Cruz dahil sa pagiging kakaiba, orihinal at bago nito.
23. Masaya si Andrea habang ginagawa niya ang kanyang Gawain at hindi siya nakakaramdam ng anumang
pagkabagot hanggang sa matapos niya ito.
24. Anuman ang hadlang, nagpapatuloy si Ana sa paggawa ng kaniyang tungkulin. Isinasantabi niya ang mga
kaisipang makakahadlang sa paggawa ng isang may magandang kalidad na produkto.
25. Buong pusong ginagawa ni Jake ang kanyang trabahokung kaya’t ang resulta ng kanyang Gawain ay maayos,
kahanga-hanga at kapuri-puri.
26. Sa pamamasyal ni Chiko, nagustuhan niya ang panindang tinapay sa isang tindahan. Kung kaya’ t nagtanung-
tanung siya kung paano ito ginagawa.
27. Kumakain ng masustansyang pagkain, natutulog nang may sapat na oras, nag-eehersisyo at umiiwas sa
anumang bisyo si Kyle upang magkaroon siya ng malusog at malakas na pangangatawan.
28. Hindi nagging hadlang kay Jeric ang pagiging bulag upang maging isang kilalang musikero sa buong mundo.
29. Kailangan ng tao ng pagkain na nagmumula sa kalikasan. Bilang kapalit, ang tao ay nararapat na pahalagahan
at protektahan ito.
30. Nabigo si G. Reyes sa unang subok niya sa pagnenegosyo, subalit hindi ito naging hadlang upang tumigil at
sumuko. Ginamit niya ang kayang kabiguan at karanasan upang magtagumpay.

IKATLONG BAHAGI: Tama o Mali- Isulat ang T kung TAMA ang isinasaad ng pahayag, M naman kung ito ay mali.

31. Ang oras ay kaloob ng Diyos sa tao. Siya ang tanging nagmamay-ari nito.
32. Bilang katiwala, dapat gamitin ng tao ang kanyang oras nang may pananagutan sapagkat hindi na ito
maibabalik magpakailanman.
33. Ang pagkakaroon ng disposiyong pagpabukas-bukas ay ang paggawa agad ng mga nakaatas na Gawain upang
matapos ito nang may magandang kalidad at sa tamang oras.
34. Hindi kailangang gumawa ng prayoritisasyon sapagkat ang lahat ng Gawain ay pare-parehong mahalaga at
kinakailangang tapusin.
35. Sa pagbuo ng iskedyul, dapat ay maglaan ng panahon para sa mga hindi inaasahang mga pangyayari na
maaring gugulo sa iskedyul.

IKAAPAT NA BAHAGI: Enumerasyon (36-40)

Sa pagbuo ng tunguhin sa paggawa, ang pinakamabisang paraan ay ang SMART. Ibigay ang acronym ng salitang
SMART.

S-

M-

A-

R-

T-

“Ang pandaraya ay isang kahinaan. Kapuri-puri naman ang


katapatan.”

Inihanda ni: IVY R. DELOS ANGELES


Guro sa ESP

You might also like