ESP9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

44444

Republic of the Philippines


Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
BULALACAO DISTRICT
CABUGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ISIDRO EXTENSION
SAN ISIDRO, BULALACAO
_____________________________________________________________________________________________
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PANGALAN: ___________________ PETSA: ____________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng pinakaangkop
na sagot. Ang pagbura ay nangangahulugang mali.

1. Kung magpapatuloy ang pagsasawalang-kibo ng marami sa mga nakikitang katiwalian sa ating pamahalaan, ano
ang maaring mangyari sa atin?
a. Aangat ang kabuhayan sa bansa
b. Patuloy na dadami ang mga gumagawa ng katiwalian sa pamahalaan.
c. Hindi maipagkaloob sa mamamayan ang serbisyo at proyekto
d. Aalis sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan

2. Tungkulin ng bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan.Ito ay________.

a. tama dahil ikaw ay tao


b. ideya la mang at hindi maaari
c. nauukol dahil iginagalang mo ang karapatan ng bawat isa
d. hindi tunay dahil nasa konteksto lamang
3. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang pinag-uugatan ng katiwalian ng ilang opisyal ng pamahalaan?

a. Kawalan ng malasakit sa mga mamamayan


b. Pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa anomalyang nakita
c. Mababang sweldo at kahirapan
d. Taglay na pagiging makasarili at ayaw magsakripisyo
4. Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay:
a. Pakikipagtulungan sa mga mayayaman b. Paglilingkod sa Karapatan ng naaapi
c. Pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa kalipunan d. Pakikisalamuha sa kapwa
5. Ang may pananagutan sa mga pagtugon ng pangangailangan sa kapwa ay:
a. Sangkatauhan b. Kapulisan c. Pamahalaan d. Simbahan
6. Ang tamang pagtugon sa pagkamit ng Katarungan ay:
a. Ikulong ang lumabag sa batas b. Patawarin ang humingi ng tawad
c. Sumunod sa tamang proseso ng batas d. Bigyan ng limos ang namamalimos

7. Pinalitan mo ang Pangulo ng Student Government sa inyong paaralan dahil lumipat siya sa malayong lugar.
Maraming nagsasabi na hindi mo kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating nya. Alin sa
sumusunod ang dapat mong linangin upang mapatunayan na ikaw ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa iyo?

A. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating pangulo ng Student Government
B. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
C. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng iyong trabaho/responsibilidad
D. Sundin ang payo ng mga nakakatandang kasamahan upang maging maganda ang iyong relasyon sa mga ito.
8. Bata ka pa lamang ay pinangarap mo ng maging isang guro tulad ng iyong mga magulang. Alin sa mga
sumusunod ang dapat mong isaalang-alang upang maging madali sa iyong abutin ang iyong pangarap at sa huli’y
magkaroon ka ng kagalingan sa paggawa
A. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit at magaling makipag-usap
D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
9. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok,
napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tiningnan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito
nagtagumpay?
A. Itinuring niya itong hamon na kailangang lampasan
B. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
C. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
D. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
10. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang higit niyang mapaunlad ang kaniyang ____.

a. Gawain b. Lipunan c. Kaalaman d. Pagkatao

11. Ang mga sumusunod na katangian ay mga salitang may kaugnayan sa pagpupunyagi maliban sa _________

a. Pag-iimpok b. Pagtitipid c. Pagkamatapat d. Pagtatrabaho

12. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco
maliban sa:

a. Pagreretiro b. Mga hangarin sa buhay


c. Maging inspirasyon sa buhay d. Proteksyon sa buhay
13. Si Ella ay isang mag-aaral na nasa ika-9 na baitang. Kahit siya’y binibigyang ng perang pambaon, gumigising pa
rin siya ng maaga upang magluto para sa kaniyang babaunin. Ang pera ay itinatabi niya para sa mahahalagang bagay
tulad ng pambili ng kagamitan sa proyekto niya sa iba’t ibang asignatura. Anong katangian ang itinataglay ni Ella?

a. Matipid b. Masipag c. Matiyaga d. Mapagmahal

14. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang pagiging masipag lalo na sa panahon ng pandemiya?

a. Paglalaan ng panahon sa mga utos ng iyong nanay at tatay.


b. Pamamahala ng oras sa pagsagot ng modyul, sa online na klase at sa mga gawaing bahay.
c. Paggastos ng pera para sa mga mahahalagang bagay.
d. Pagpapanatili ng kalinisan at pagsunod sa mga patakarang isinasaad ng pamahalaan upang maging ligtas.
15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paraan ng pagtitipid?

a. Sa tuwing nanonood ng teleserye si Rosa, inoorasan niya ang paggamit ng TV.


b. Si Teresa ay gumagamit ng baso sa tuwing siya ay nagsisipilyo.
c. Nagtatabi ng pera si Mario para pambili ng imported na laruan na gusto niya.
d. Naglo-load lamang si Pilar sa cellphone tuwing may kailangang magonline sa kalse at magsasaliksik ng aralin
sa internet
16. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan, maliban sa:

a. Hindi umiiwas sa anomang gawain.


b. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
c. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
d. Binibigay ang buong oras sa kanyang gawain.
17. Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng birtud
na ito?

a. Magtipid upang guminhawa ang sariling buhay.


b. Ito ay nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana.
c. Kapag ang tao’y marunong magtipid, marunong din siyang magbigay lalong-lalo na sa mga nangangailangan.
d. Gamitin ang birtud na ito upang higit na makapagbigay sa iba.
18. Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.

a. Kahinahunan b. Kakayahan c. Katamaran d. Kaganapan

19. Ayon kay Francisco Colayco, “kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na isang obligasyon”. Ito ay
nangangahulugang…

a. Opsiyonal lamang ang pag-iimpok. b. Gawing tradisyon ang pag-iimpok.


c. Kailangang may determinasyon sa pag-iimpok. d. Tungkulin ng bawat isa ang mag-impok.
20. Si Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor, ang siyang nakaimbento ng electric light bulb. Bago niya ito
natapos, dumaan siya sa maraming pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali ngunit hindi siya tumigil bagkus
nagpatuloy pa siya ng husto hanggang sa nakuha niya ng tama ang kaniyang imbensiyon. Siya ay nagpapakita ng
pagkakaroon ng ___.

a. Hangarin sa buhay b. Kakayahan sa paggawa


c. Determinasyon d. Kaganapan sa buhay
21. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?

a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin

b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin

c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin

d. Lahat ng nabanggit

22. Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay
darating ang ginhawa. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anomang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya.
b. Tunay na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa magandang
kinabukasan at magbubunga ng maraming biyaya.
c. Sinisiguro na magiging maayos ang kalabasan ng kaniyang gawain at ibinibigay niya ang kanyang buong
kakayahan, lakas, at panahon upang matapos nang buong husay.
d. Gaano man ang iyong pagdaraan na hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong gawing mabuti sapagkat
darating ang araw na malalasap mo ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito.
23. Nangangailangan ng _____________, maingat na pagpaplano, at patuloy na pagtutulak ng sarili upang makaahon
tayo sa nakasanayan nating ugali na hindi paggawa ng gawain sa tamang oras.

a. determinasyon b. kasipagan c. pagpupunyagi d. paglaan ng oras

24.Kung ikaw ay may katangian tulad ni Thomas Edison, ano ang iyong gagawin upang magbunga ng tagumpay ang
iyong kasipagan?

a. Ipapasa-Diyos na lamang ang mga pagsubok at balakid.

b. Magpatuloy lamang sapagkat maaring makapagbigay ito sa iyo ng masagana at magandang buhay.

c. Panghinaan ng loob dahil sa pagsubok.

d. Sumuko sa hamon ng buhay sa pagkamit ng mithiin.

25. Ang sumusunod ay mga magandang dulot ng pagtatakda ng mithiin maliban sa…

a. Makagagawa ka ng mahusay na plano para maisakatuparan ang iyong mithiin sa buhay.


b. Natutukoy ang mga balakid upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga ito.
c. Hahaba ang panahon sa paggamit ng oras sa mga gawain.
d. Magiging inspirasyon ito upang magsikap kang matupad ang itinakdang mithiin.
26. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.

a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi

27. Ang sumusunod ay mga kalakip ng magpupunyagi maliban sa…

a. Kasipagan at Determinasyon b. Pagtitiyaga c. Pagtitiis d. Pagkabatugan

28. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?

a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan


b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. Ipagpasa-Diyos nalang ang mga itinakdang mithiin
d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin.
29. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay resulta ng katamaran
maliban sa:

a. Ito ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.


b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay magdadala ng kasaganahan sa iyong buhay.
30. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay resulta ng katamaran
maliban sa:

a. Ito ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.


b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay magdadala ng kasaganahan sa iyong buhay.

II. Panuto: Isulat ang titik na T kung ang pahayag na nabanggit ay Tama at ang titik M naman kung mali.
Isulat ang sagot bago ang bilang.

____ 31. Ang paggalang sa kapangyarihan ng mga namumuno sa bansa ay maituturing na kaugnay na pagpapahalaga ng
makatarungang lipunan.
_____ 32. Walang karapatan at hindi na dapat ginagalang ang mga taong may kapansanan sa pag-iisip.
_____ 33. Nagdudulot ng kapayapaan ang pagkakaisa ngunit wala silang ugnayan.
_____ 34. Tungkulin ng magulang na mahubog ang pagiging makatarungan ng anak.
_____ 35. Maituturing na makatarungan pa rin ang isang guro na nagpapakita ng “favoritism” sa iilang mag-aaral sa klase.
_____ 36. Umiiral ang katarungang panlipunan sa maayos na ugnayan ng tao sa kalipunan.
_____ 37. Ang kompetisyon at pandaraya sa negosyo ay normal na umiiral sa lipunang makatarungan .
____ 38. Sa kaibigan natin unang nararanasan ang kamalayan tungkol sa katarungang panlipunan.
_____ 39. Makatarungan ang isang taong marunong siyang gumalang sa karapatan ng kaniyang kapwa .
_____ 40. Mahalaga ang papel ng batas sa pagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kapwa at kalipunan.
______41. Sa pagkakaroon ng malinaw na tunguhin, prayoritisasyon, at iskedyul sa paggawa ng mga gawain, mahahabaan mo ang paggamit ng oras.
______42. Sa mga balakid at problema na susuungin ay hindi dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.
______ 43. Hindi bahagi ng buhay ng tao ang mga pagsubok at problema sa pagkamit ng itinakdang mithiin.
______ 44. Ang katamaran o pagkabatugan ay pumipigil sa tao upang maging matagumpay sa gawain at sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
______45. Ang maingat na pamamahala sa paggamit ng oras ay kailangan sa pansariling gawain at hindi sa tungkulin natin sa bansa.
_____46. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao”. Tungkulin ng tao na gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan ng
kanyang kapwa at ng bansa.
_____47. Ang pagsasagawa sa isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan.
_____48. Ang tunay na pagbabago ay gawing “On Time” ang “Filipino time”.
_____49. Makakamit natin ang mas mataas na layunin ng paggawa kung nagawa ito ng maayos at natapos ang gawain sa dedlayn.
_____50. Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay
naaayon sa kalooban ng tao at inaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya.

You might also like