Esp 9 q3 Exam
Esp 9 q3 Exam
Esp 9 q3 Exam
ESP 9
Panuto: Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot at isulat ito sa patlang na nakalaan.
_____2. “Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa
iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap na
ito?
A. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
C. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kanyang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.
_____3. Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain o
takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa
pagkakataong ito?
A. Magtakda ng tunguhin B. Gumawa ng prayoritisasyon
C. Bumuo ng iskedyul D. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
_____5. Si Allen ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang
nagpapakita nito?
A. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
B. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
C. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
D. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.
_____6. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito.
A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala ito sa kanya.
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng
bansa.
_____ 10. Ang pangungurakot ng isang politiko ay sumasalamin ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pangungusap
ay ________.
A. Mali, dahil minsan talagang nagkakamali ang tao
B. Mali, dahil natural lang na masilaw ang tao sa pera at kapangyarihan
C. Tama, dahil ito ay hindi nagdudulot ng kabutihan para sa lahat
D. Tama, sapagkat ito ay hindi pinahihintulutan ng batas ng tao
_____11. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan?
A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkamali at hindi manisi ng iba.
C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa.
_____12. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong gawin upang maibigay mo
sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila?
A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw.
B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral.
C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito
D. Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong
______16. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “?
A. Dr. Manuel B. Dy Jr. B. Andre Sponville
C. Santo Tomas de Aquino D. Santo Papa Juan Pablo II
______17. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kaniyang buhay.
_______18. Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ano
ang dapat na magpatotoo nito?
A. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan.
B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
______20. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral nabatas.
D. Maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon katarungan sa Lipunan
______21. Ang sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang
kagalingan sa paggawa maliban sa:
A. Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos B. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
C. Pagtataglay ng positibong kakayahan D. Pagkakaroon ng pambihirang lakas
______22. Sino ang isang bulag ang matagumpay sa pagsasakatuparan ng kaniyang mithiin sa buhay?
A. Roselle Ambubuyog B. Leonardo da Vinci
C. Roselle Nava D. Aristotle
______23. Pangarap mong umangat ang iyong estado sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang maabot ito?
A. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
B. Magkaroon ng kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap
D. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa pagamit ng oras
_____24. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang wastong pamamahala sa paggamit ng
oras?
A. Dahil sa pagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
B. Dahil sa pagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
C. Dahil sa paglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at magkaroon ng kahusayan
D. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos gamit ang oras na
ipinagkatiwala sa kaniya
______25. Maganda ang pagkagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito
lalo na ang may iba’t ibang kulay at disenyo. Ano ang ipinakikita ng sitwasiyong ito?
A. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
B. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
C. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
D. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-samang tuparin ang mithiin ng lipunan
______26. Hindi naging madali kay Ginang Ramos ang pagpaunlad ng negosyong online selling. Sa kabila ng mga
pagsubok, napagtagumpayan niya ito. Paano hinarap ni Ginang Ramos ang paghihirap na dinanas kaya siya
nagtagumpay?
A. Pinag-aralan ang sitwasiyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
B. Pinaniniwalaan niyang ang lahat ay hamon na kailangang malampasan
C. Pinaniniwalaan niyang ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
D. Pinaniniwalaan niya na ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
______27. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao,” Ano ang kahulugan nito?
A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Nagmamay-ari ang tao sa oras dahil ipinagkakaloob ito sa kaniya.
C. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihang panlahat.
______28. Ano ang maipapayo mo sa mga taong gustong makamit ang tagumpay sa buhay?
A. Alamin ang mga sariling salik, maging masinop, mapagpunyagi at magtiwala sa sarili
B. Alamin ang gusto at hilig at maging masipag, madiskarte at matalino
C. Magkaroon ng pananampalataya at disiplina sa sarili
D. Pahalagahan ang sarili, kapuwa, at bansa
______29. Malapit na ang pista ng lungsod, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuting
dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang- alang nang gumagawa ng
mga ito?
A. personal na kaligayahan na makukuha mula dito B. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
C. pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa D. kalooban at kagustuhan ng Diyos
______30. Si Nelia ay tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at
nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Alin sa sumusunod na pananaw ang isinasabuhay ni Nelia sa kagalingan niya
sa paggawa?
A. Pagkilos nang buong puso
B. Pagkaroon ng kasiyahan, pagkagusto at sigla sa ginagawa
C. Pag-iwas sa problema na magiging sanhi ng pagkaalis sa trabaho
D. Pagigiging malikhain sa pamamaraan ng paggawa upang hindi mapagod
______31. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis at determinasyon.
A.Kasipagan B. Pagpupunyagi C. Pagsisikap D. Katatagan
______32. “Marami ang nagtuturing na mahirap itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay;
Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.” Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat maging marangal.
B. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawawalan ng pag-asa.
_____33. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
A. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
B. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na pangangakailangan.
C. Ang pera ay tumutulong na maramdaman ng tao ang kaniyang seguridad sa buhay.
D. Ang pera ay nagbibigay ng kasiguraduhan sa tao na maging maayos ang kaniyang buhay.
______34. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao. Ano
ang ibig sabihin nito?
A. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa
B. Gagawa ng isang bagay na makapagpasaya sa sarili
C. Ipagmayabang sa buong mundo ang sariling kakayahan
D. Malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad, at
disiplina sa sarili
_____35. Marami kang bibilhin na kagamitan para sa mga proyekto sa paaralan. Paano ka makaimpok ng pera upang
hindi ka na hihingi sa iyong mga magulang?
A. Simulang ipunin ang sobrang baon araw-araw
B. Tiisin ang gutom at hindi kakain sa recess
C. Magpalibre sa mayayaman na kaklase
D. Magpasuhol sa bawat ipagawa ng iba
______36. Si Rosette ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan nito. Anong palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rosette?
A. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
B. Hindi umiiwas sa anomang gawain
C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
_____40. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na taglay ng tao ang kasipagan?
A. Ang hindi pag-iwas sa anumang gawain
B. Ginawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Pagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Ang hindi pagrereklamo gaano man kahirap ang gawain