Untitled

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

-reviewer in filipino-

Ang parabula ng alibughang anak


Summary: Hiningi ng nakababatang anak mula sa kanyang ama ang mga
ari-arian/pamana na para sa kanya at ibinigay naman ito ng ama.
Pagkatapos nito ay umalis ang bunsong anak at nagpunta sa isang
malayong lupain at doon nilustay ang ari-arian. Nagkaroon ng
matindinding taggutom sa lupaing iyon at nangailangan siya.
Sumama siya sa isang mamamayan at doon nagtrabaho. Siya ay
napaisip na ang kanyang ama ay madaming tauhan na nagtatrabaho,
at sila ay napapakain ng maayos samantalang siya ay namamatay na
sa gutom. Napagisipan niyang bumalik sa kanyang ama at ito’y
humingi ng tawad. Tinanggap naman uli ng ama ang kanyang anak at
pinaghanda ito. Nagpakatay ang ama ng pinatabang guya. Nagalit
ang panganay na anak nang malaman na tinanggap ulit at
ipinaghanda ang kanyang kapatid kahit na ito’y naglayas at hindi
gumawa ng tama. Sumagot siya sa kanyang ama at sinabi na andon
siya at laging sinusunod ang utos, hindi rin siya naglayas at
kinuha ang mga pamana na para sa kanya, pero kahit minsan ay
hindi man lang ito mapaghanda ng kambing o guya. Sumagot ang ama
at sinabi na ang panganay niyang anak ay lagi niyang kasama at
ang lahat ng sa ama ay sa kanyang panganay na anak.

Mahatma Gandhi
 Dakilang guro, isang idealista, at praktikal na tao.
 Ipinanganak noong oktubre 2, 1869 sa Porbandar, India.
 Ikinisal siya noong labintatlong gulang pa lamang siya kay
Kasturbai.
 Ang tulang ito ay isinulat ni Amado V. Hernandez.
 Ang mga telang mula sa Londres/London ay kilala sa
kagandahan at kamahalan.
 Londres- lungsod na matatagpuan sa United Kingdom.

Sino ang nagkaloob?


Summary: Isang mayabang na hari ang may pitong anak na dalaga.
Tuwing sila ay nakain, tinatanong ng hari kung sino ang
nagkakaloob ng kanilang mga kinakain at isinasagot ng mga anak
niya ay siya. Isang araw, sumagot ang pinakabatang prinsesa sa
hari at ang sabi ni ‘to ay ang diyos ang nagkaloob ng lahat.
Nagalit ang hari at pinalayas ng prinsesa, pumunta ang prinsesa
sa gubat at doon nakilala ang binata. Ang binate na natugtog ng
plawta ay nasa gubat dahil hinahanap nito ang nawawalang kalabaw
niya at natugtog siya ng plawta upang maakit bumalik ito. Nagusap
sila at napagdesisyonan na maglakbay sila. Pumunta ang dalawa sa
isang siyudad at inutusan ng prinsesa ang binate na hanapin ang
magaalahas. Binigyan ng prinsesa ang magaalahas ng kuwintas na
may pambihirang ganda at ang kapalit nito ay isang kabayo, salapi
at isang barong para sa binate. Nagpatuloy sila sa paglalakbay at
nakahanap na si;a ng lugar kung saan magpapatayo sila ng palasyo.
Isang araw, habang namamasyal, nauhaw ang prinsesa at inutusan
ang binate na maghanap ng pagkain. Nakahanap ang binate ng batis
at habang nakuha ang tubig ay nakakita ng mga rubing kumikislap
sa tubig at kumuha. Naisipan niya itong sundan at nahanap niya
ang isang babae na walang ulo. Nabuhay ito at bumalik ang ulo,
ito ay ang pulang Diwata o Lai Pari. Nagusap sila at dumating ang
genie, kinulong ang pulang Diwata dahil nais ng genie na
pakasalan siya pero siya ay galit. Nagplano ang dalawa ng
pagtakas at nang bumalik na ang genie, sinakal ang loro na
pinagiiwanan ng kaluluwa ng genie at namatay ito. Umuwi na ang
binata kasama ang oulang Diwata at isinama sa palasyo nila ng
prinsesa. Pagkaraan ng ilang panahon ay nagpasiya ang pulang
Diwata na maglakbay at inaya ang binate, bago umalis ay
pinagpagawa ng pulang Diwata ang prinsesa ng bagog palasyo at
nagsagawa ng selebrasyon at handa. Inanyayahan nila ang hari na
tatay ng prinsesa at ang prinsesa ang nagluto ng pagkain. Nagusap
ang pulang diawata at hari at tinanong kung nais niya abng makita
uit ang kanyang anak at sumagot ito ng oo, pumalakpak ang Diwata
at ipinakita ang prinsesa. Nagusap ang prinsesa at hari at
nagsisisi ang hari sa kanyang ginawa at naniwala naring ang diyos
ang nagkaloob ng lahat.
 Lai Pari ang pangalan ng pulang Diwata.
 Ang dugo nito ay nagiging rubi.

Ang pinagmulan ng talumpu’t dalawang kwento ng trono


Summary: Sa isang lugar na tinatawag na Bharat na ngayon ay
India, may isang binata at matandang ina. Sila’y kabilang sa
mataas na uring panlipunan na tinatawag na brahman subalit sila’y
napakadukha. Dahil sa kanilang kalagayan, wala nang Pagasa ang
binatang makapagasawa dahil wala silang salapi. Nakumbinsi ng ina
ang binata na mangutang at manghiram muna ito sa iba at ginawa
naman. Gustong-gusto niya makapagasawa upang may makasama sila ng
kanyang matandang ina sa kanilang munting dampa. Nakahanap na ang
binate ng mapapangasawa at ito’y nagngangalang Mela. Sa tuwing
umaalis ang kanyang manugang para mangahoy ay laging
pinapaalalahanan si Mela na kanyang itali ng Mabuti ang kanyang
buhok upang hindi siya maano ng shakchunni.
Ang shakchunni ay isang espirito ng maybahay na walang ibang
hangad kundi magpanggap bilang asawa. Nais nilang maging bahagi
muli ng isang pamilya at magpanggap na tao. Isang araw, aalis ang
asawa ni Mela upang makipagsapalaran at magkaroon pa ng mas
maraming kayamanan ngunit ayaw naman ni Mela dahil kuntento na
siya sa asawa niya kahit sila ay mahirap. Hindi napigilan ang
binate at dali-daling umalis. Ang hindi alam ng magasawa ay
nakikinig ang shakchunni sa kanilang usapan. May biglang kumatok
sa pintuan at iyon nga ang shakchunni na nagpapanggap bilang ang
asawang brahman ni Mela at sinabi nito na hindi siya tumuloy sa
kanyang paroroonan. Nauto naman ang pamilya at naniwalang ito nga
ang binata habang ang totoong binate ay nagtatrabaho sa isang
lungsod. Pagkaraan ng isang taon ay napagisipan niyang bumalik
dahil nangungulila na ang brahman sa kanyang asawa. Pagpasok niya
sa kanilang tirahan ay nakita niya ang kanyang ina, asawa, at ang
shakchunni na kamukhang kamukha niya na nakain ng tanghalian.
Nagaway sila at naisipan na humingi ng tulong sa isang rahang
namumuno sa bansa. Nagtanong ang raha ng mga question at
nakasagot ang parehas ng tamong sgaot kaya hindi rin mawari ng
raha kung sino ang totoong brahman. Isang araw habang naglalakad
pauwi mula sa korte ng raha ay nakilala niya ang isang bat ana
tinanong siya kung bakit ito malungkot,sumagot ang brahman,at
dinala ng bata ang brahman sa kanilang sariling raha at ito ay
isang bata na nakaupo sa kanilang gitna at nakaharap sa isang
bunton ng lupa. Sumama ang batang raha sa bahay ng brahman at
nagsagawa ng solusyon. Ito ay ang kung sino makapasok sa isang
bote ay siya ang totoong brahaman. Agad-agad na naganyong hangin
ang Espiritu at pumasok sa bote at mula don ay nalaman na na iyon
ang peke. Nagsisisi ang tunay na brahman at napagwari na ang
tunay na kayamanan niya ay ang kanyang pamilya.

Ang unang raha na tumulong sa maganak ay tinanong ang batang raha


kung saan nakuha nito ang kanyang talino, sumagot ang bata at
sinabi na ito ay dahil sa trono ni Raha Vikramaditya, at bago
rito umupo ay dapat kapantay mo siya sa tapang at karunungan.

Buod ng epikong Gilgamesh


Summary: Si Gilgamesh ay hari ng uruk na may katauhang dalawang
katlong diyos at isang katlong tao. Siya ay malupit, walang awa
at malakas. Ang mamamayan ng uruk ay humingi ng tulong sa mga
diyos upang mapatumba si Gilgamesh. Ang diyos na si Aruru ay
nilikha si Enkidu, isang primitibong tao, na makakatapat ni
Gilgamesh. Ngunit nung sila ay magtatapat na ay natuklasan ni
Enkidu ang lakas ni Gilgamesh at naging magkaibigan. Inalok ni
Gilgamesh na sila ay pumunta ng gubat ng cedar upang paslangin
ang halimaw na si Humbaba pero ayaw ni Enkidu dahil ito ay
delikado at dahil si Humbaba aya tagabantay ng kagubatan. Pero
tumuloy parin sila Gilgamesh at Enkidu, at bago pumunta roon ay
bumisita siya sa kanyang inang diyosa na si Ninsun, humingi sila
ng gabay, gumawa ng ritwal ng panaginip. Nagkaroon ng limang
nakakatakot na panaginip si Gilgamesh at ito ay gumuguhong
bundok, mga kulog, mababangis na toro, at ibong nagbubuga ng
apoy. Sa kabila nito ay nakita parin nila ito bilang isang
magandang pangitain.
Pagkadating nila roon sa gubat ng cedar ay nakatanggap sila ng
insult at pagbabanta mula kay Humbaba. Tinawag ni Humbaba na
taksil si Enkidu at inisumpang papaslangin si Gilgamesh.
Tinulungan sila ng isang diyos na si Shamash at nagpadala ng
labintatlong hanging bumalot kay Humbaba at ito’y natalo.
Pagkatapos nito ay pumutol sila ng maraming puno ng cedar
kabilang na ang isang malaking puno na planong ipagmalaki ni
Enkidu sa pintuan ng templo ng Enlil. Sa kanilang pagbabalik ay
may isang diyosa na si Ishtar na balak akitin si Gilgamesh ngunit
hindi ito pumayag dahil sa ginawa nito sa kanyang mga nakaraan na
kasintahan. Nagalit si Ishtar at humingi ng tulong sa kanyang ama
na si Anu na ipadala si gugalana ang toro ng langit. Noong una ay
hindi ito pumayag pero natakot si Anu at sinunod na si Ishtar.
Natalo naman nila Enkidu at Gilgamesh ang toro. Si Enkidu ay may
naging masamang pangitain sa kanyang panaginip at ang sabi dito
ay ang mga diyos ay nagpasiya na kailangang mamatay ang isa sa
mga pumaslang kay humabba at toro ng langit. Lumalala ang
kondisyon ni Enkidu at siya ay tuluyang namatay. Nalungkot ng
sobra si Gilgamesh at nagpasiya na hanapin ang si Utnapishtim at
ang kanyang asawa na iilan lamang sa nakaligtas sa matinding
baha. Sila ay nabigyan ng pagakkataong maging immortal. Madaming
pinagawa si Utnapishtim pero sa huli ay hindi rin naging immortal
si Gilgamesh. Tinanggap niya na lamang ito at bumalik sa uruk,
napagtanto niyang hindi maaring mabuhay ng walang hanggan.

Kayarian ng Salita

1. Payak- walang katambal, panlapi at hindi inuulit; salitang


ugat lamang.

Ex: Anak, kapatid, bahay

2. Maylapi- Binubuo ng salitang ugat na may kasamang panlapi.

Ex: Ipinagkaloob, Kapatawaran, Nagsisi.

 Unlapi- Panlaping kinakabit sa unahan ng salita.


 Gitlapi- nasa gitna ng salita
 Hulapi- nasa hulihan ng salita
 Kabilaan- nasa unahan at kahulihan ng salita
 Laguhan- nasa unahan, gitna, at hulihan.
3. Inuulit- Kapag ang kabuoan o isa o higit pang antig sa
dakong unahan ay inuulit.
 Inuulit na ganap- Buong salitang-ugat ay inuulit. (araw-
araw)

 Inuulit na parsyal- isang pantig o bahagi lamang ang


nauulit. (lilima, pupunta)

 Magkahalalong ganap at parsyal- buong salita at bahagi ay


nauulit. ( iilan-ilan, tutulog-tulog)

4. Tambalan- Binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para


makabuo ng isang salita.

 Tambalang di ganap- Kahulugan ng salitang pinagtambal ay


nananatili. ( tulay-bitin, bahay-kubo, kuwentong-bayan)
 Tambalang ganap- napag nakakabuo ng ibang kahulugan ang
pinagsamang salita. (dalagambukid, bahaghari)

Uri ng pang-abay
Pangabay- salitang nagbibigay turing sa isang pandiwa, panguri at
kapwa pangabay.

1. Pamanahon- kalian?

Ex: noon pang ikasampung siglo

2. Panlunan- Saan at nasaan?

Ex: Sa Cavite

3. Pamaraan- paano?

Ex: Masigasig na lumahok

4. Pang-agam- pagaalinlangan o kawalang katiyakan.

Ex: Marahil

5. Ingklitik- nakikita pagkatapos ng unang salita sa


pangungusap.

Ex: Ito na raw

6. Benepaktibo- nagsasaad ng benepisyo [para sa]

Ex: Para sa mga pangangailangan ng tao.

7. Kawsatibo- Dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa.


Ex: Dahil sa Indian Railways

8. Kondisyonal- kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad


ng pandiwa. [ kung, kapag o pag, at pagka]

Ex: Kung suporta ang mga taumbayan.

9. Panang-ayon- pasang-ayon [ oo, opo, tunay, talaga, totoo,


sadya, at iba pa]

Ex: Tunay na Malaki ang kontribusyon

10. Pananggi [hindi/di at ayaw]

Ex: Hindi kailangan sumakop

11. Panggano- nagsasaad ng sukat o timbang.

Ex: Nang limanglibong taon.

Panguri- salitang naglalarawan

1. Lantay- naglalarawan lamang ng isa o payak na pangalan o


panghalip

2. Pahambing- pagtutulad ng dalawang pangalan o panghalip.

 Magkatulad- kung patas ang katangian [ka, magka, sing,


gaya, tulad, at iba pa]

 Di magkatulad- kung nagbibigay ito ng diwa ng


pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.

- Palamang- may higit na positibong katangian ang


inihahambing. [lalo, higit, di-hamak, mas, at iba
pa]
- Pasahol- Higit na negatibong katangian ang
pinaghahambingan. [di gaano, di gasino, at di
masyado]

3. Pasukdol- Nasa pinakadulong digri ng kaantasan; maaring


positibo o negatibo [ sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan,
hari ng __, at kung minsa’y pinaguulit ng pang-uri.

You might also like